Phenomenal Fate

By xellarheez

1.1K 146 478

Jhazrell is a normal girl, that's what she thinks. When she was a child her mother gave her a necklace that c... More

Disclaimer πŸƒ
Prologue πŸƒ
Chapter 1 πŸƒ
Chapter 2 πŸƒ
Chapter 3 πŸƒ
Chapter 5 πŸƒ
Chapter 6 πŸƒ
Chapter 7 πŸƒ
Chapter 8 πŸƒ
Chapter 9 πŸƒ
Chapter 10 πŸƒ
Chapter 11 πŸƒ
Chapter 12 πŸƒ
Chapter 13 πŸƒ
Chapter 14 πŸƒ
Chapter 15 πŸƒ
Chapter 16 πŸƒ
Chapter 17 πŸƒ
Chapter 18 πŸƒ
Chapter 19 πŸƒ
Chapter 20 πŸƒ
Chapter 21 πŸƒ
Chapter 22 πŸƒ
Chapter 23 πŸƒ
Chapter 24 πŸƒ
Chapter 25 πŸƒ
Chapter 26 πŸƒ
Chapter 27 πŸƒ
Chapter 28 πŸƒ
Chapter 29 πŸƒ
Chapter 30 πŸƒ
Chapter 31 πŸƒ
Chapter 32 πŸƒ
Chapter 33 πŸƒ
Chapter 34 πŸƒ
Chapter 35 πŸƒ
Chapter 36 πŸƒ
Chapter 36 (part 2) πŸƒ
Chapter 37πŸƒ
Chapter 38 πŸƒ
Chapter 39 πŸƒ
Chapter 40 πŸƒ
Epilogue πŸƒ

Chapter 4 πŸƒ

38 4 0
By xellarheez

Kasalukuyan akong naglilimot ng mga basura ngayon dito sa gilid at hindi ko katabi si Lloyd cause nag-request ako sa kanya na makipag-usap din naman sa ibang mga estudyante.

"Pst," nakarinig ako ng isang tunog mula sa kaliwa kaya naman lumingon ako dito

Nakita ko ang babaeng nasa panaginip ko, ipinikit ko pang muli ang aking mga mata upang kumbinsihin ang aking sarili na isang imahinasyon lamang iyon ngunit hindi pa din ito nawala sa aking paningin. Sa kadahilanang ayaw kong maniwala ay tinawag ko ang aking mga kaibigan na hindi naman ganoon kalayo ang agwat mula saakin.

"Hoy mga gaga"

"What?"

"Oh? ano kailangan mo?"

Itinuro ko ang pwesto ng babaeng nakikita ko at tinanong sila. "May nakikita kayo?"

Lumingon silang dalawa at napakunot ang noo saakin

"Oo, baket?"

"Talaga?" Hindi ko maiwasang hindi maipahalata ang aking pagka-gulat, "Ano nakikita niyo?"

"Puno at dahon girl!"

"Wala nang basura don kaya wag mo nang pagkaabalahan pa," dugtong pa ni Trisha sa sinabi ni Jenny.

Muli akong napalingon at andun pa din ang babae na nakatitig lamang saakin at kung minsan ay nasulyap sa aking kuwintas. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng kaba kahit na hindi na normal ang nangyayaring ito. May parte din ng aking pagkatao ang nagsasabing hindi imahinasyon ang lahat ng aking nakikita. Hindi ko na alam ang nangyayari saakin.

Napailing na lamang ako at pumunta sa ibang gawi para doon naman maglinis. Nakakailang minuto pa lamang ako ay may tumawag na sa pangalan ko...

"Lhiana," lumingon ako para makita kung sino iyon kahit na iisa lang naman ang natawag saakin sa pangalawang pangalan ko

"Yes? What do you need Lloyd?"

"Nothing. Our teacher asked me to tell you that we're already done and ikaw na lang ang natitira sa side na ito," napakamot pa siya sa kanyang batok at umiwas ng tingin saakin.

Pinagmasdan ko ang buong paligid at maging ang dalawa kong tarantadong kaibigan ay iniwan na ako, kahit kailan talaga trip na trip akong pag-tripan, sarap sakalin e. Akmang tatayo na ako nang ilahad saakin ni Lloyd ang kamay niya at alalayan akong tumayo, syempre di na ako choosy mga teh dahil ang hirap naman talagang tumayo agad.

"Thanks"

"You're welcome"

Naglakad na kaming dalawa at abala sa pagku-kwentuhan kaya naman hindi namin namalayan na may tao pala sa harap namin at nabunggo namin ang mga ito, si Jenny at Trisha pala. Bahagyang napaurong si Jenny na syang nabunggo ko habang halos mag dire-diretso naman sa sahig si Trisha dahil sa mas malaki pa sa kanya ang hinarang niya, natawa ako ng bahagya.

"Sorry Miss," paghingi ng paumanhin ni Lloyd kay Trisha

"Ikaw? di ka magso-sorry saken teh?" nakahawak pa sa kanyang bewang si Jenny at nakatingin saakin

"Asa ka! Ikaw tong nakaharang e. Bleehh," sagot ko dito dahil alam ko namang hindi siya magagalit.

"Pasalamat ka kaibigan kita," kitang-kita ko sa mga mata ni Jenny na anytime ay pwedeng-pwede na niya akong patayin dahil sa gigil pero dahil nga kaibigan niya ako, mahal niya ako diba?

Hindi ko din maintindihan kung bakit ba andito pa ang dalawang toh at nag-aabang saamin ni Lloyd kung kanina pa naman silang nakaalis at nagawa pa nila akong iwan kanina doon sa area namin. "Bakit nga ba andito pa kayo?" nagtataka nga ako kaya nagtanong diba?

"Are you sure that the two of you just met each other earlier?"

"Yeah, isn't it too impossible na ganyan na agad kayong ka-close if kaninang umaga mo lang na-meet 'yang kaibigan namin, Erick?"

So i think ay nasagot ko na ang sarili kong tanong, andito sila para mag-imbestiga. Too many chismosa in the world but my friends are my favorite, kahit kakaunting impormasyon walang palya! Kumpleto, pwede nang maging isang ganap na spy! Bawasan nga lang yung kadaldalan.

"I don't know too," napakamot pa sa kanyang batok si Lloyd habang sinasagot ang tanong ng mga kaibigan kong echosera

"Let's go chismosas, mamaya na lang kayo mag-imbestiga dahil male-late tayo sa sunod na klase," palusot ko lamang naman talaga iyon though totoo naman na maaari kaming mahuli sa susunod na klase. It Feels awkward knowing na hindi makatakas si Lloyd sa tanong ng mga kaibigan ko.

Magsasalita pa sana ang dalawa nang hilahin ko ang mga ito ng pasimple at nginitian. Niyakag ko na din si Lloyd na walang kaalam-alam sa mga kaibigan ko. Alam kong gustong-gusto nang itanong ni Lloyd kung bakit ko ba hinila na lang bigla ang mga ito pero hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kanya na maaari siyang magtanong dahil ayaw kong humaba pa ang usapan.

Marami pa namang mga susunod na araw at maaaring marami pa kaming malaman sa isa't-isa. Sa ngayon, mahalaga na ang may nakakausap siya sa unang araw niya sa paaralan at sapat na iyon. I opened the door nang makarating na kami sa classroom cause it's always close. Nadatnan ko ang mga kaklase kong natutulog habang ang iba naman ay busy sa pagtitipa sa kani-kanilang mga cellphone.

"Is there something?" out of nowhere ay nagtanong si Lloyd gamit ang normal niyang boses pero sapat na para marinig sa buong classroom.

Maraming mga babae ang tumingin at nagpa-cute pa bago sumagot. "Vacant daw, no classes cause of something urgent daw ahihihi"

"Feel free Erick"

Halos tumirik ang balahibo ko dahil sa pagiging pabebe ng mga kaklase ko! Yucks nakakadiri kayo guys.


*One week later*

Nakakainis dahil mas napaaga ang schedule namin ngayon kaya naman eto ako ngayon, napipilitang tumayo mula sa aking higaan kahit na ang aga-aga pa naman. Nag-toothbrush lamang ako at kahit na tinatamad ay naligo. Kagabi ko pang inayos ang mga gamit ko kaya naman alam kong handa na iyon, kinuha ko ang aking uniform na kagabi ko pa ding na-plantsa at isusuot na lamang ngayon.

Napadaan ako sa salamin kaya naman napatigil ako at napansin ang kuwintas ko na unti-unting nadami ang biyak. Napapaisip ako kung nagiging clumsy ba ako this past few days pero hindi naman kaya hindi ko din alam kung saan nagmumula ang mga iyon, napapaisip ako kung dahil ba sa pagiging malikot ko matulog nakukuha iyon.

Naglakad na ako palabas at binitbit ang aking bag at nabigla ako nang makita kong nasa baba na si Tita at nagluluto. Usually kase ay tulog pa talaga dapat siya ng ganitong oras.

"Good morning Jhazrell," nakangiting bati nito saakin

Ngumiti din ako dito at nagbeso bago tuluyang umupo sa upuan. "Good morning Tita, ano pong meron at ang aga niyo naman po yata bumangon?"

"Seryoso ka bang hindi mo alam kung anong meron ngayon?" bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

Napailing ako. "Hindi po talaga"

"Jusmiyo marimar kang bata ka! Kailan pa nakalimot ang isang dalaga sa kanyang kaarawan?"

"Ngay----- ANO PO?! KAARAWAN?" nabigla din ako at agad na pumunta sa kalendaryo upang tingnan kung anong date ngayon. Napahampas ako sa aking noo nang marealize ko na birthday ko na pala at hindi man lang naalala ito dahil sa busy na schedule.

"Aish! ang bobo mo naman Jhazrell," naiinis na saad ko

"Hay nako! Umupo ka na lang at hintayin itong niluluto kong almusal. Mamaya lang ay gising na si Shairyl," natatawa pa din ng bahagya si tita nang dahil sa akin.

Kinakapoy akong umupo sa upuan at tsaka napasimangot ng todo. Wala man lang akong naging paghahanda sa birthday ko at hindi man lang nakapag-schedule ng oras ng pagpunta kay Mom. Tuwing birthday ko ay napunta ako sa kanya dahil feeling ko ay naku-kumpleto na ang araw ko, kahit walang magarbong handaan, magagang mga regalo mula sa mga kaibigan ko ay ayos na ako as long as nabibisita ko ang nanay ko na nagbigay ng aking buhay at inalagaan ako sa loob ng limang taon, maikling panahon lamang iyon pero sapat na para maramdaman ko ang pagmamahal niya saakin bilang anak niya.

Makatapos lamang ang ilang minuto ay natapos na si Tita na magluto kaya naman kumain na kami at kung minsan ay nagku-kwentuhan dahil napaka-boring naman kung napakatahimik namin sa lamesa. Andun pa din yung tawanan namin at kung minsan ay ang pags-share ng mga chismis na nakakalap niya mula sa mga kapitbahay. Napaka-swerte ko dahil never kong naranasan ang ma-maltrato ng aking Tita na nag-aalaga na saakin for almost 15 years. Alam kong iniiwasan niyang dalahin ang topic about sa death ng nanay ko dahil alam niyang malulungkot ako, hindi naman ako ganung kabobo para hindi mahalata ang mga iyon. Natapos na kaming kumain at kakalagay lamang sa lababo ng pinagkainan nang marinig namin ang iyak ni baby Shairyl kaya natawa ako.

"HAHAHA pano ba yan tita, hinahanap ka na ni Shairyl oh"

"Oo nga eh, mamaya ko na huhugasan ang mga ito"

"No tita, ako na po dahil kaya pa naman po ng time ko"

"Hindi na Jhazrell. Pumasok ka na at mag-aral ng mabuti"

"You sure?" paglilinaw ko pa dito

"Yep! Very sure"

I hugged her so tight as if i will never see her again, that's all i know para maparanas sa kanya ang pasasalamat ko sa mga oras na ito. "Thanks Tita, thank you very much for everything"

Kumalas ito sa yakap at humarap saakin ng nakangiti "Hindi ka na iba saakin Jhazrell. Take care, happy birthday," she held my face and smiled

"I will, Thank you"

Lumakad na ako palabas at saglit lamang na humalik kay Baby Shairyl na kasalukuyan pa ring naiyak kahit na pinapatahan na ito ni Tita. Nakarating na ako sa school at pinagtitinginan na naman ako ng mga tao at pinagbubulungan. Simula noong nakaraang linggo ay ganan na sila dahil mabilis na kumalat ang balita sa pagsasabi ko ng mga bagay na hindi normal. Hindi na kasi kinaya ng aking sarili ang mga nakikita ko kaya naman tinuturo ko na ito sa mga kaibigan ko at kaklase ko. Malimit na makita ko ang pagbabago ng kulay ng langit, ang pagsasalita ng mga dahon ay naririnig ko at ang pagkakaroon ng buhay ng mga puno. Malimit ko ding maranasan na mapadali sa apoy ngunit walang epekto iyon. Last time na naglinis ulit kami ay hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkasugat saaking kamay nang limutin ko ang mga plastic at sobrang sakit noon.

Tanging si Jenny, Trisha at Ethan na lamang ang nasa tabi ko ngayon at sinasabing imahinasyon ko lamang ang mga nakikita ko pero pinaglalaban kong hindi iyon. Maaari daw dahil sa panaginip ko ay nadadala ko na iyon sa tunay na buhay at maaaring may bubog daw ang plastic na kinuha ko.

"Jhazrell," masayang salubong saakin ng dalawa kong kaibigang babae at napansin kong wala si Lloyd.

"Erick isn't here. He said that he's doing something important," giit ni Jenny nang mahalata niyang hinahanap ko si Lloyd.

"Ah, is that so? Tara na," yakag ko sa mga ito

"Happy birthday!"

"Happy 20th"

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mga ito. Talagang naalala nila ang aking kaarawan kaysa sa akin ah? Mukhang hindi ko na dapat pang ikuwento ang nangyari kanina dahil alam kong pagtatawanan lamang nila ako hanggang bukas. Nagpasalamat ako sa mga ito at naglakad na kami papunta sa classroom nang may humarang saamin at tumatawa.

"Eto ba yung matalino na baliw na ngayon?" natatawang tanong nito habang nakaturo saakin at napatingin ako sa paligid, puno ng taong nakatingin saakin

"Back off bitch," naramdaman kong susugod si Jenny pero pinigilan ko ito dahil kailangan ko ng malawak na pang-unawa against sa mga ganitong tao na masyadong makitid ang utak.

Marami pa akong naririnig na mga bulungan at pinagtatawanan ako. Hindi ko na kinakaya dahil isang linggo ko nang pinagtitiisan ang mga iyon, hindi ko alam kung bakit pero napasigaw ako dahil sa iyamot, it's the first time na nanigaw ako ng schoolmate ko.

"Tigilan niyo ako!!"

Bakas sa mga mukha nila ang gulat pero tila ba ngayon ay wala na akong pakialam sa mga reaksyon nila. Hindi ko makontrol ang aking sarili.

"See? puno ng pagpapanggap ang matalinong estudyante niyo," narinig kong bulong ng isang estudyante mula sa gilid.

Mas nagsiklab ang galit ko at nabitawan ko ang librong hawak ko. Sa sobrang gigil ko at hindi ko namalayang may lumabas na apoy sa mga kamay ko maging sa mga mata ko. Alam kong apoy iyon ngunit hindi naiinitan ang mga mata ko maging ang kamay ko. Nakikita ko pa din ang lahat at ang pagkabigla sa mga mukha nila. Hindi ko alam ang nangyayari, bakit may apoy sa aking katawan at hindi man lang ako nasasaktan? Patuloy lamang sa pagsiklab ang galit ko at nakita kong lumagpak ang kuwintas na suot ko, ang kuwintas na galing sa aking inay.... mas lalong lumakas ang apoy at ang init mula sa sariling katawan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 505K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
435K 1.2K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
80.6K 2.9K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...