LET GO (BTS SONG SERIES #1)

By JellymaeAngel08

7.1K 2.2K 2.4K

[ COMPLETED :: EDITING ] This is a BTS inspired series. I called it as a series because I will be using BTS'... More

SYNOPSIS
LET GO
LET GO 1
LET GO 2
LET GO 4
LET GO 5
LET GO 6
LET GO 7
LET GO 8
LET GO 9
LET GO 10
LET GO 11
LET GO 12
LET GO 13
LET GO 14
LET GO 15
LET GO 16
LET GO 17
LET GO 18
LET GO 19
LET GO 20
LET GO 21
LET GO 22
LET GO 23
LET GO 24
LET GO 25
LET GO 26
LET GO 27
LET GO 28
LET GO 29
LET GO 30
LET GO 31
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE : IMPORTANT

LET GO 3

330 152 132
By JellymaeAngel08


Nakakunot lang ang noo kong pinagmamasdan ang kasama kong 'to habang nasa may parking lot kami at nagsusuot siya ng jacket. Pinakazipper pa niya 'yon at sinuod ang hood n'on tsaka siya nagsuot ng shades.

"Adik ka ba?" tanong ko nang matapos siya. Napalingon siya sa'kin pero hindi siya nakasagot.

"Stalker ka ba?" pag-iiba ko ng tanong. "O baka drug seller ka at isasama mo 'ko sa raket mo?" tanong ko pa at doon na siya natawa. He fixed his hair and looked at me again.

"Di naman mainit, naka-shades ka pa bugok," puna ko at tinawanan siya. Natigil siya saglit pero natawa din.

"I don't wanna get caught," finally, he answered. He even smiled at me before holding my wrist and pulling me. Umawang ang labi ko.

"Saan tayo pupunta?" I asked while we are walking. I just heard his loud smirk pero hindi na siya sumagot pa. Hindi na ako nagsalita pa at tumaas na lang ng kusa ang kilay ko sa gulat nang makarating kami sa pupuntahan. Napatingin pa ako sa kaniya sa gulat at hindi makapaniwala na dito niya ako dinala.

We are now here at the plaza na malapit sa mall na may mga tyanggian at mga street foods.

"Why? You don't eat here?" aniya na lalong nagpaawang sa labi ko. Ngumiwi ako saglit pero napailing din, hindi pa rin makapaniwala.

"I..." hindi ko matuloy ang sasabihin. "You eat here?" I asked, amused. Hindi sa hindi ako kumakain dito, ito pa nga ang tambayan namin ni Ella kapag wala siyang gala at kami ang magkasama. It's just that-

"I look expensive again?"

Naputol ang nasa isipan ko nang sabihin na 'yon ni M na ngayon ay tumatawa na sa harap ko. Nakanguso nalang akong tumango. Akala ko kasi ay hanggang fast food lang ang kaya niya at hindi siya aabot pa sa mga ganito.

"This is my favorite place," aniya kaya napalingon ulit ako sakaniya. Halos mapangiti na ako sa sinabi niya. So we're same, then.

Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinatak na niya ako palapit sa mga nagtitinda ng street foods at tulad nung unang magkasama kami ay siya ang nagbayad. I insisted na babayaran ko ang akin pero hindi siya pumayag kaya hinayaan ko nalang. Ayos na 'yon, dagdag savings at bawas gastos.

"Manang, marami akong kukunin ha," napatitig ako kay M nang magsalita siya. He was already looking at the foods at namimili na ng unang kukunin. Tumawa lang yung tindera sakaniya at tumango.

"Ito ineng, bagong luto," wika nung matandang babae na nagbebenta ng mga street foods at inabutan ako ng isang stick ng isaw. Ngumiti ako at inabot 'yon. Bago ko isawsaw sa may suka ay tinignan ko pa si M na noon ay nakakailan na yata, hindi na ako napapansin. Tumawa nalang ako at sinabayan siya sa pagkain.

Hindi lang isaw ang kinuha ko, maging chichaw, kwek kwek at yung beta max o yung dugo ay kumuha din ako, as well as M. Mas marami pa nga siyang nakain.

"Won't you get late?" he asked while wiping his lips after eating kwek kwek.

Binayaran n'ya yung mga binili namin at tuwang tuwa pa yung tindera dahil malaki ang binigay n'yang pera at hindi na naghingi pa ng sukli si M. Napangiti ako.

Tinignan ko ang relo ko at umiling. 30 minutes pa ang natitira sa vacant hour at malapit lang naman ang university dito.

"Eh ikaw? baka ma-late ka, alam mo namang mahigpit sa brent," wika ko bago uminom ng gulaman na binili niya. Natigil ako sa pag-inom nang bigla siyang tumawa.

"Why?" I asked.

Umiling siya pagkatapos ay tumawa ulit. "So you think we're schoolmates?" aniya. Napatigil ako at umawang ang labi sa tanong niya.

So- "Hindi ka taga-brent?!" nagugulat na tanong ko.

Ngumisi siya bago tumawa ulit. "No," he answered and smirked at me.

"P-Pero, bakit nakita kita sa tapat ng brent n'on?" nagtataka at di makapaniwalang wika ko. "Tsaka bakit ka nandito?" I asked again.

Tumawa lang siya at umiling pagkatapos ay nagsimulang maglakad lakad. Sumunod naman ako sakaniya at naghanap ng basurahan para itapon ang plastic cup na hawak ko. Nang makahanap ay tinapon ko agad doon at sumabay sa paglalakad ni M.

May mga nadadaanan pa kaming nagbebenta ng kung ano ano na parang sa divisoria pero hindi na doon napunta ang atensyon ko dahil nagsalita na si M.

"I'm on my way to school. It just happened that you dropped your book," aniya. "Why? Am I not allowed to go here?" aniya pa at tumawa. Napanguso ako at umiling. Oo nga naman.

But I really thought he's a brentian! Ang bobo ko naman sa part na 'yon, assuming agad ako.

"Eh saan ka nag-aaral?" I asked, wondering. When I looked up at him, the side of his lips rose up in amusement and in just a snap, he was already chuckling.

"You'll know," ngising aniya. Napamaang ako sa inis.

"Anong you'll know? Saan nga?" naiinis na wika ko pero tinawanan niya lang ako ay hinila na para makaalis na kami ng plaza.

"You'll be late. You should move now," pagpapaalis niya. Nakasimangot ko siyang hinarap. Alam niyang sa Brent University ako nag-aaral tapos ako hindi ko alam kung saan siya nag-aaral. That's so unfair! At paano kong malalaman kung wala man lang siyang ID.

"Out of school youth ka 'no!?" I exclaimed, accusing him. Natawa ulit siya.

"Time is running K, I bet you wouldn't want to be late. Mahigpit sa Brent 'diba?" he asked, smirking at me. Lalo akong napasimangot. Tinignan ko pa ang relo ko at napapikit nalang sa inis nang makita ang oras. Kaunting oras na lang at time na.

I really need to go.

I looked at M and he was already raising one of his brow on me, like he is waiting for me to go. I sighed heavily. "Madaya ka," I muttered. Tumawa lang siya.

"Fine, I'll go now. Malalaman ko rin kung taga saan ka!" I exclaimed and glared at him na tinawanan niya lang. His usual reaction. Inayos ko na ang strap ng bag ko at tinalikuran siya. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita na siya.

"Bye K! Thank you," wika niya. Nilingon ko siya habang naglalakad na ako paalis at nginitian. I waved my hand as a goodbye at diretso na akong pumasok sa mall. Sa kabilang entrance kasi ng mall ang daan papunta sa school namin kaya kinailangan kong pumasok sa mall ulit at lumabas sa kabila.

--

"Nagmall ka na naman mag-isa?" tanong ni Ella, pauwi na kami. Buti at nakasabay ko ulit siya sa pag-uwi at wala siyang ibang gagawin.

Tumango ako at ngumiti. "Pero may nakasama naman ako pagpunta ko 'don," wika ko at lalong ngumisi. Nagugulat siyang lumingon saakin at nang silipin ko siya ay nanlalaki na ang mata niya.

"Kasama mo na naman 'yung gwapo?" she exclaimed and gave me a questioning look. Hindi ko muna siya sinagot at umupo sa waiting shed na tinatambayan namin habang naghihintay ng jeep. Sa harap lang din 'to ng mall.

"Ano nga!?" pangungulit niya. Saglit pa akong ngumuso bago tumango.

"Malandi ka!"

Napatingin tingin ako sa paligid at gusto ko nang busalan ang bibig ni Ella nang makitang andaming napapatingin sa gawi namin.

"'Wag kang maingay!" awat ko sakaniya at pilit na inabot ang bibig niya para takpan. Saglit pa syang sumiring at pinandilatan ako ng mata.

"Iba na 'yan ah," pang-aasar niya, tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Ngumiwi ako at inirapan siya.

"Nagkita lang kami sa mall tapos hinila niya ako sa plaza," paliwanag ko. Napatango tango siya pagkatapos ay nanlaki ang mata niya.

"Sa plaza? Pumupunta siya r'on?" Nagugulat at hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

Tumango lang ako bilang sagot sakaniya.

Magsasalita na sana siya pero hindi ko na napansin dahil may huminto ng jeep sa tapat namin at saktong diretso na 'yon papunta sa subdivision namin. Hinatak ko na si Ella para makasakay na kami.

Nang makarating kami sa bahay ay doon na naman niya ako kinulit.

"Kumakain ng street foods 'yon?" sigaw niya mula sa sala. Kahit nasa kwarto ako ay dinig na dinig ko siya.

"Oo nga," sagot ko nalang at inayos ang gamit ko pagkatapos ay nagbihis na. Nang lumabas ako ng kwarto ay nakaupo na siya sa sofa at halatang hinihintay ako.

"Pangalawang 'hang out' n'yo na 'yan," ngising aniya, ineemphasize ang word na 'hang out'. Inirapan ko ulit siya at sabay kaming natawa. Umupo ako sa tabi niya at nakinood ng TV.

"Pero akala ko talaga taga-brent siya," I said, sighing. Naalala ko na naman yung kanina.

"Bakit? Hindi ba?" tanong ni Ella. Umiling ako. "Eh? Eh bakit nando'n siya?" tanong ulit niya.

"Yun nga din ang tanong ko sakaniya pero sabi niya, paalis na lang siya nung araw na 'yon," sagot ko, naguguluhan din sa naging sagot sa'kin ni M.

"Eh anong ginagawa niya sa brent mall?" tanong ulit ni Ella, nagtataka.

"Hindi naman exclusive mall ang brent," inis na wika ko at umirap sa kawalan. Nagtaas naman siya ng kilay sa'kin.

"Tusukin ko 'yang mata mo," aniya, naghahamon.

"Taga-saan naman kaya ang soon to be jowa mo?" Ramdam kong humarap saakin si Ella at hinintay akong sumagot. Inis ko naman siyang nginiwian dahil sa tanong niya. Soon to be jowa pa nga.

"Baka malapit lang din sa Brent. Who knows," I muttered and sighed. Iyon din kasi ang iniisip ko kanina. If he can go to that mall near Brent University, it means malapit lang sa lugar na 'yon ang school niya at bahay.

Nang matapos ang hapunan namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi na napigilan ang sarili na i-text si M.

Message to M:
  Saang school ka nga kasi?

I sighed after sending that message. I just realized that I'm hanging out with a guy na hindi ko kilala. I mean, 'yung una naming hang out, matatanggap ko pa because it's a deal. Pero yung pangalawa, parang hindi yata tama na we are hanging out na walang alam about each other. Ano 'yon? Strangers hang out? Lol.

Napatingin ako sa phone ko nang magbeep 'yon. It was a message from M.

Message from M:
   You'll know, soon. Good night K

Napanguso ako sa inis. Why wouldn't he tell me?

Message to M:
   Ang daya mo. You should tell me now.

Ilang minuto pa ay nagreply si M.

Message from M:
  Wow, bossy. Hahahaha. Soon nga

I pouted and typed again.

Message to M:
   It's unfair. You already knew my school. I should know yours too

Message from M:
   Soon K. Soon. Good night

Halos maibato ko na ang phone ko dahil hindi talaga niya ako sinagot. Hindi ko siya makulit. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na siya nireplyan at natulog na. Soon soon pang nalalaman, malalaman ko din 'yan sooner or later.

--

Kakapasok ko lang kinabukasan ay pinatawag na ako ng epal naming terror teacher sa office niya.

"Oh, Miss Bellamonte," salubong niya sa'kin pagkapasok ko ng office niya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at nakapatong ang kamay niya sa mesa. I sighed to hide my frustration. I just want to slap him or even shout at him sa inis ko.

"Ano po 'yon Prof?" halos mawalan na ng galang na tanong ko. Lalo siyang ngumisi. Ngisian n'ya pa ko ng matindi, mawawalan siya ng labi. Tsk.

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay yumuko siya at tila may kinukuha sa ilalim ng mesa. Napairap ako. Kung hindi lang siya professor ay iniwan ko na siya dito. Napaayos ako ng tayo nang umalis sa pagkakayuko ang professor at napatingin ako sa mga papel na pabagsak niyang nilagay sa mesa niya. Nang tignan ko siya ay nakataas na ang kilay niya sa'kin.

"These are your balance sheets," aniya. "Idala mo 'to sa block n'yo," nakangising dagdag niya.Halos umusok na ang ilong ko sa inis nang tignan ang mga papel na 'yon. Napakarami!

"Lahat 'yan Prof?" hindi makapaniwalang wika ko at tinuro pa ang mga papel na 'yon na ang taas.

"Yes. Gusto mo bang magkagrado o hindi?" sagot niya. Napasinghap nalang ako sa inis. Bwisit talagang professor 'to, ako ang hilig pagtripan amputa.

Masama ang loob kong lumapit sa table niya at pahirapang kinuha ang mga papel na 'yon na natatakpan na ang ulo ko! I sighed heavily when I heard my terror professor chuckled. Tangina, nagawa pa 'kong tawanan. Tumalikod na 'ko sakanya at maingat na naglalakad, nakatagilid pa saglit ang ulo ko para makita ang daanan. Buti nalang at nakabukas ang pintuan ng office niya dahil kung nagkataong nakasara 'yon at ihahampas ko nalang sakaniya lahat 'tong hawak ko.

Nasa hallway na ako ng school na papunta sa block namin at gusto ko nalang mahiya sa kagaguhang 'to. Napapatingin na sa'kin ang ibang estudyante at iba iba pa ang reaksyon nila. Some are almost laughing and some looks concerned.

"Miss, gusto mo tulungan na kita?" tanong ng isa nakasalubong ko. Napatingin ako sa uniform niya, a senior high school.

Ngumiti ako at umiling "It's fine. Malapit nalang naman," sagot ko at tinanguan nalang siya bago lampasan. He's a senior high school at kapag tinulungan niya pa 'ko dito ay male-late ang batang 'yon. I lied when I said na malapit nalang ang block namin. Damn.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi na pinapansin pa ang mga nakakasalubong ko. Kagagawan 'to ng pesteng Prof namin. Tsk. Maayos na 'kong nakausad papunta sa block namin--- and that was what I thought.

Napatili ako sa gulat at kaba nang may maapakan ako, dahilan para halos madulas ako paupo. But because my reflexes are that fast, nagawa kong i-balance ang sarili ko at maiwasan ang tuluyang pagtumba. Maayos ang lagay ko pero--- hindi ang mga papel na hawak ko! Ang kalahati doon ay nahulog sa sahig, ang iba ay napalayo pa dahil sa hangin.

"The hell!" I almost exclaimed in frustration. Napatingin ako sa mga dumadaan at lahat sila ay nakatingin sa'kin at tulad kanina, hindi alam ang magiging reaksyon. I sighed heavily. Pumikit pa ako ng mariin bago yumuko at halos lumuhod para pulutin lahat ng papel na nahulog.

"Bwisit kang epal ka," I murmured like that terror professor is in front of me.

Napatigil ako saglit nang may biglang tumabi sa'kin at pinagpupulot din ang mga papel. Buti naman at may tumulong. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagpupulot ng papel hanggang sa makuha na namin lahat. Halos sabay pa kaming tumayo ng tumulong sa'kin.

"Here," aniya at pinatong ang mga papel na napulot niya sa papel na hawak ko.

Doon umangat ang paningin ko and I just realized na lalaki 'yon pero naka-hoodie. The hell? Hindi ko makita ang mukha dahil halos nakatalikod na siya sa'kin.

"Kuya, thank you," pagpapasalamat ko kahit na halos titigan ko na siya ng matindi, kinikilala kung sino. I'm sure hindi siya taga-brent dahil hindi siya naka-uniform at Uniform day namin ngayon. Kahit nahihirapan akong lingunin siya dahil sa mga pesteng papel na nakaharang sa'kin ay pilit kong tinitignan 'yon

"You're welcome," nangunot ang noo ko nang mabosesan siya. Familiar! I was about to speak again when he already turned his back on me and walked away. Umawang ang labi ko, hindi maintindihan ang nangyari.

Hindi ko man lang nakita ang mukha niya!

Tumalikod na ako sa direksyon niya— "Nice uniform."

Nanlaki ang mata ko at kahit hirap ay nagawa kong lingunin ulit yung lalaki pero nakalayo na siya! What the---- Pamilyar talaga yung boses niya eh! Napailing ako nang mariin sa isip. Pamilyar yung boses pero hindi ko naman makilala. Oh geez. I sighed heavily in frustration and just walk away. Baka ma-late pa 'ko.

Nang makarating ako sa room ay nagsilapitan ang mga kaklase ko para kuhanin yung mga balance sheet, at nagawa pa nilang pagtawanan ako.

"Pakasipag naman ni Bellamonte," asar ng isa sa mga lalaking kaklase ko.

Inirapan ko siya at pabagsak na umupo sa pwesto ko. "Kasalanan 'yan ng epal na professor na 'yon," galit na wika ko. Masama ang tingin ko sa paanan ko habang naririnig ko naman ang tawanan nila.

"Grabe talagang prof 'yon, 'no?" my seatmate finally spoke up. Nilingon ko siya at pairap na tumango.

"Trip na trip ako," gigil na sabi ko at halos hindi na matigil sa pag-irap. Napatigil ako saglit nang hilahin ako patayo ni Faith at inayos ang uniform ko.

"Obviously." She laughed. Napairap ulit ako. Peste talaga sa buhay ang prof na 'yon. Kung kailan balik uniform na kami ay doon pa ako pineste.

Halos hindi na ako makangiti at hindi ko na mabalik ang magandang mood ko kanina nang dumating ang epal na Professor. Pinilit kong hindi na lumingon pa sa harap kahit na alam kong anytime, mapapansin na naman ako ng Professor na 'to.

I sighed heavily. Nagpatuloy ang seremonya niya at nagpatuloy lang din ako sa paglalaro sa ballpen kong hawak. "Did you saw your scores?" tanong niya, pagkatapos ng discussion. Nagsi-ungulan naman ang mga kaklase ko, halatang hindi satisfied sa nakuhang score.

"Miss Bellamonte got the perfect score," bigla ay anunsyo niya. Bahagya ay natigilan ako. Hindi ko nakita 'yon ah.

"Magaling Miss Bellamonte. Kahit pala hindi ka nakikinig ay may alam ka," puna niya. Napairap ako. Anong hindi nakikinig? Bulol!

Hinayaan ko nalang siyang magsalita nang magsalita at natuwa ako ng matindi nang matapos ang oras niya. Nagpatuloy ang klase hanggang sa maglunch break na. As usual, ako na naman mag-isa. And right now, I don't have any plans to go to the mall. Nakakatamad.

Hawak ang strap ng shoulder bag ko ay naglakad ako sa hallway ng school at tulad noong mga nakaraang araw ay nagkakagulo ang mga estudyante— tila may pinag-uusapan, at alam ko na kung sino. Malamang ay iyong lalaki pa rin na kinababaliwan nila. I sighed heavily and continue walking.

"Bwisit— aray!" halos hiyaw ko na nang may makabungguan ako. Napaatras pa ako sa lakas ng pagkakabangga at agad na nainis.

Sinipat ko pa ang sarili ko at kaunti nalang ay yakapin ko na nang maramdaman kong masakit yung banda sa dibdib ko. Malamang ay tumama!

"Sorry miss, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo," mahinahon na boses ang narinig ko. I want to get mad! Hindi naman tunog insulto ang pagkakasabi niya pero nakakainsulto pa rin! But—

Agad akong nang-angat ng tingin sa nakabanggaan ko and my eyes automatically widened when I recognized him! Kaya pala pamilyar ang boses.

"M!?" magkahalong gulat at pagtataka na wika ko. He looked at me with his shocked face, tila nagulat rin na nakita ako.

Ilang segundo siyang parang natulala pero agad ring nakabawi at nginitian ako nang pagkaganda-ganda. "Hey, K," bati niya. Nangunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray ang boses na tanong ko sakaniya. He chuckled on that.

"Roaming around?" patanong na sagot niya pagkatapos ay tumawa ulit. I was about to answer him when I sensed something. Napatingin ako sa paligid at ganoon nalang ang gulat at pagtataka ko nang makita ang mga estudyanteng nagbubulungan habang pinagmamasdan kami.

"Oh my god!" sigaw nung isa, with horror on her face while looking at us. "Si—"

Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sasabihin dahil may kung anong nagtakip sa tenga ko and I just realized that it's M's both hand. Tinalikod niya pa ako sakaniya pagkatapos ay naramdaman kong naglakad siya sa likod ko, patulak niya pang inabante ang ulo ko na agad kong nakuha. Tinutulak niya ako para makalakad na. Lalong nangunot ang noo ko sa hindi malamang dahilan.

"Don't mind them, I'm hungry," bigla ay narinig ko 'yon. Noon ko lang run naramdaman na wala na sa tenga ko ang hawak niya kundi sa magkabilang balikat ko.

Nang makarating kami sa tapat ng cafeteria ay saktong bumukas 'yon. Napakurap ako ng ilang beses nang makita ang mga reaksyon ng mga estudyante. Halos mapapikit ako nang magsigawan sila na agad ring naputol dahil tinakpan na naman ng nasa likod ko ang tenga ko. Pero hindi na dalawang kamay ang gamit niya kundi isa! Nakapalibot sa buong mukha ko ang kanang braso niya, dahilan para pati bibig ko ay maitikom. Sumama ang tingin ko sa kung saan. Kanina pa 'to ah.

Nang tignan ko ang mga estudyante ay nakaawang na ang labi nilang nakatingin saamin. Hindi ko na naririnig kahit kaunting ingay at napatunayan ko 'yon nang lumuwag ang pagkakahawak sa'kin nitong si M. Halos maningkit ang mga mata ko sa pagtataka. Hindi naalis ang tingin nila saamin pero hindi na sila nag-iingay.

Just what the hell?

Nakakuha kami ng puwesto ni M na walang nag-iingay pero nakasunod ang tingin saamin. Naiilang na ako sa mga tingin nila. Hindi naman ako nobody dito sa school, pero hindi rin naman ako ganoon kasikat to have their attention. Ibig sabihin, itong kasama ko ang tinitignan nila— hindi kaya si—

"Burger?" napatingin agad ako sa nasa harap ko. Ni hindi ko man napansin na nakaorder na siya nang ganoon kabilis. Kanina lang ay nag-iisip ako. He was already showing me the burger at naitikom ko nalang ang bibig ko. Tinanggap ko 'yon at nagsimulang kumain.

Gusto ko pa sanang magtanong kung paano siyang nakaorder eh hindi pa naman ako pumipili pero hinayaan ko nalang.

"They are looking at you," wika ko nang hindi makatiis. Uminom ako ng tubig at hinarap siya.

Inosente siyang nag-angat ng tingin saakin at tinuro pa ang sarili. Tumango ako pagkatapos ay pinaningkitan siya ng mata.

"I just know one person that got their attention since last week," naniningkit ang matang nakatingin ako sakaniya. "Hindi kaya—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumikhim siya.

"Since last week?" He asked. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "It's just my first time entering your school." Naitikom ko ang bibig ko sa dinagdag niya.

I thought, siya 'yon—

"I told you, I'm just roaming around," aniya pa. Tumango tango nalang ako kahit ang totoo ay hindi ako satisfied. Naguguluhan pa rin ako kung bakit nandito siya.

I sighed and just continue eating with a lot of eyes looking at us. I could still sense it and it's uncomfortable.

"Wala ka bang klase?" I started asking. Nang lingunin ko siya ay nakangiti na siya sa'kin.

"I ditched," he proudly said. Umawang ang labi ko sa gulat.

"Just kidding," dugtong niya— dahilan para hindi na ako makapagreact pa. Siniringan ko nalang siya at inirapan. Gago talaga.

"Ginawa mong mall 'tong university namin," puna ko na kinatawa niya.

Nakitawa nalang rin ako at hindi na pinansin pa ang mga matang nakatingin sa'min. I guess, they won't stop looking at us, unless he leaves already.

"Isn't it cool? Hanging out in your school," sagot niya at tumawa. Napangiwi ako.

"Lunch lang 'to, M," kontra ko na kinatawa niya rin. Kahit ano nalang ay tinatawanan niya.

I just can't consider it as hang out dahil nag-lunch lang naman kami and it's not a hang out. After eating, we decided to leave the cafeteria, finally. Pero hindi pa rin nababawasan ang mga matang nakamasid sa'min, mas dumami pa. At ngayon, ay may mga nagbubulungan na. Naririnig ko lang ang bulungan but I don't understand them at all.

We walked until we reach the hallway to the main gate. I heard him chuckled, maybe realizing that we're already here.

"Are you pushing me away?" natatawang aniya. Sinimangutan ko siya.

"Yes," pag-amin ko, "You get too much attention, pati ako nadadamay jusko," dagdag ko na hinilot pa ang sintido ko. I thought he would be offended by that pero lalo lang siyang natawa.

"Really?" he asked, still laughing at me. "Feeling uncomfortable, huh?" pang-aasar niya pa. I just made face in front of him and rolled my eyes. Lalo pa akong napasimangot nang guluhin niya ang buhok ko at tumawa ulit.

"Lumayas ka na nga," pantataboy ko sakaniya. Tinulak tulak ko pa siya hanggang sa makarating kami sa malaking gate na nakabukas. Sa gilid ay ang guard na nagbabantay.

"Lalabas po ba kayo Ma'am?" the guard asked. Awtomatiko kong nabitawan si M at nilingon si manong guard.

"Hindi po. Siya po yung aalis, hinahatid ko lang hehe," dahilan ko pagkatapos ay sinamaan ng tingin si M na pasimpleng tumatawa. Baliw na yata 'to.

Hindi na sumagot pa yung guard kaya nagsalita na ulit ako kay M.

"Umalis ka na, masyado mo yata akong na-miss eh," pang-aasar ko at tatawa-tawang inirapan siya na kinatawa niya din.

"That's assuming," sagot niya. Umawang ang labi ko pagkatapos ay sabay kaming natawa. Natigil lang yung tawa na 'yon when I sensed people looking at us again. Geez.

"Alis na. Bye," paalam ko at itinalikod na siya pagkatapos ay tinulak siya paabante.

He made two steps before looking at me again and showing me a sweet smile. Jusko, wag ganiyan. Ang gwapo mo!

"Bye, K. See you again soon," paalam niya, pagkatapos ay sumaludo sa'kin. The moment he finally turned his back made me smile. Tumalikod na rin ako at naglakad na pabalik at mga tingin ng mga estudyante ang sumalubong sa'kin.

Akala ko mawawala na tingin nila.

I sighed and proceed to my block. Napangiwi ako nang makita ang mga reaksyon ng mga kaklase ko. They are all looking at me with a questioning look in their eyes!

"Ohmygod talaga!" sigaw ng isa sa pinakamadaldal naming kaklase. Kumunot ang noo ko.

"Ano?" inis na tanong ko.

"Anong ano?" inis na wika din ng babaeng 'yon. I just rolled my eyes on her at tinalikuran na siya para makapunta sa pwesto ko. Pati si Faith ay sinalubong ako ng nanlalaking mata.

"I can't believe it," mahinang aniya na halos pabulong.

"Bakit?" nakakunot ang noo kong nakatingin sakaniya.

"Hindi mo kilala yung kasama mo kanina?" tanong niya. Tumaas ang kilay ko.

"Kilala ko? Kaya nga kasama ko 'diba?" medyo pilosopong sagot ko at saglit na tinawanan si Faith pero lalo lang lumaki ang mata niyang nakatingin sa'kin.

"Are you serious?" aniya, hindi makapaniwala.

I sighed. "Ano bang meron sa lalaking kasama ko?" tanong ko. Halos sabay sabay na magsinghapan ang mga kaklase ko at halos mapapikit nalang ako, realizing that they are watching us.

"Oh my god Bellamonte!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko, halata sa boses na hindi rin makapaniwala. Napanguso ako at tinignan ulit si Faith.

"That guy you are with is just the only son of the owner of this University,"  sarkastiko ang ngiti na wika ni Faith.

"Oh eh ano? Son lang pala— SON!?"

---------------------------

"I can't believe you cousin of mine!" hiyaw saakin ni Ella nang makarating kami sa waiting shed kung saan kami naghihintay ng masasakyan pauwi.

Ngumuso ako pero halos mapatulala na ulit. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nalaman ko. Paano ko nga namang malalaman eh hindi naman kami magkakilala! I don't even know his name!

"Nakikipaglandian ka sa anak ng may-ari ng brent!?" hindi makapaniwalang ani Ella. "Aba malakas!"

Napairap naman ako at napabuntong hininga. Napanguso ulit ako at napatingin sa daan. Mag-gagabi na at maraming ilaw na rin galing sa mga poste ang nakasindi. May mga estudyante at ibang tao na paroon at parito ang nakikita ko sa kabilang daan.

"Hindi ko rin alam okay," sagot ko. "Eh bakit ikaw hindi mo alam? Eh mahilig kang magbukas ng social media diba?" I asked. Nilingon niya ako at nginusuan.

"Hindi naman ako sa real account nakatambay," aniya at nag-peace sign. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko na kung saan siya tumatambay— at talaga nga namang hindi niya makikita ang kahit anong tungkol sa school namin at sa lalaking 'yon.

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Ella nang dumating ang masasakyan namin at hanggang makarating kami sa bahay. Madali akong pumunta sa kwarto para magbihis, pagkatapos ay sinaluhan na si Ella na naghahanda ng dinner namin. We are in the middle of eating when she opened up the topic again.

"Kaya pala bukambibig ka ng mga kaklase ko. May live show landian ka pala kanina," aniya, napapailing. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain.

Napatigil ako saglit and realized one thing. Kailangan ba talaga sa iba ko malaman katauhan n'ya? We're hanging out, but still I don't know him.

"You're hanging out with a handsome stranger, Kiara," napalingon ako kay Ella nang sabihin niya 'yon. She was so serious when she said that. She even blow a loud breath after saying that.

"Kung ako sa'yo, kikilalanin ko 'yan. Kung ayaw mo namang kilalanin, tigilan mo na pagsama sakaniya," aniya pa. Napaiwas ako ng tingin. She has a point.

"Isipin mo, Kiara," napabaling ulit ako kay Ella nang sabihin niya 'yon. She gave me smile and I just nodded at her. Natapos ang dinner namin na iyon lang ang nasa isip ko.

Napatitig pa ako sa phone ko at iniisip kung tatawagan siya o itetext o hindi na. My cousin has a point. I was hanging out with a total stranger. Hindi pa nga totoong pangalan ang binigay namin sa isa't isa. It was just an initial. At bukod doon, yun lang. Though, mas may alam siya tungkol sa'kin. He knows I'm studying in Brent University— na pagmamay-ari nila!

It was already past nine when I got a message from him.

Message from M:
   Let's hang out this week

Napabuntong hininga ako. I almost sent "okay" but I remembered what's bothering me. How can I hang out with him again, without knowing him?
Nang gabing 'yon ay halos hindi na ako makatulog kakaisip. I want to open my social media accounts but something is stopping me to.

I woke up the next morning with a sleepy eyes. Gusto ko pang matulog but Ella already called me and reminded me that we will be late, ayoko namang ma-late ulit. Kahit hirap ay bumangon ako at nag-ayos ng sarili pagkatapod ay inaya na siyang umalis, without having a breakfast.

"Antok na antok ka yata," puna niya, nasa jeep na kami. She said that with a low voice na halos i-bulong na niya. I sighed and nodded at her. Kinusot ko ang mata ko at pinilit na gisingin ang sarili. Hindi talaga ako sanay na nagpupuyat, maski noon pa. I always have my body clock at hindi pwedeng lumampas doon. Kagabi lang ang unang pagkakataon na madaling araw na akong nakatulog— and I don't want Ella to know that.

Pagkarating namin sa school ay dumiretso na agad ako sa block namin at dinukdok ang sariling ulo sa desk, without talking to anyone. I need a rest. I need to sleep.

"Padating na si Prof"

"Kiara, gising"

"Nako po, si Prof"

I'm hearing different voices but none of them wake me up. Masyado akong pagod at inaantok— and I just realized that I slept for I don't know how many hours or even minutes. Natapod lang ang pagpapahinga kong 'yon nang may tumunog na malakas.

Alarm clock!

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at napabalikwas ng upo. Napaayos ako ng upo at inayos rin ang sarili. Nakayuko pa ako habang inaayos 'yon.

"Tapos na ba ang pagtulog mo Bellamonte?" natigilan ako sa boses na 'yon. Sa tinagal tagal ko ng narinig 'yon ay ngayon lang ako kinabahan d'on.

Pesteng Prof.

Natitigilan akong lumingon sakaniya. I even choke many times sa kaba. Ohmygod, I just slept in his class

"Tapos na ba?" sarkastiko siyang ngumiti.

"P-Prof," mahinang wika ko at napatingin sa paligid. Some of my blockmates are secretly laughing and most are giving me worried expressions.

"Kung ganoon, congrats. Zero ka sa exam."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prof. Para akong binagsakan ng langit at lupa at hindi na magawang kumilos. Natulala sa kung saan ang mga mata ko. Pati ang pag-alis ni Prof ay hindi ko na nasundan pa. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa dissapointment at galit na nararamdaman ko. Ang tanga ko!

"Kiara, Kiara," naririnig kong tawag ni Faith pero hindi ko siya magawang harapin.

"Kausapin mo nalang si Prof. Nakatulog ka kasi eh," aniya na lalong nagbigay konsensya sa'kin.

"Oo nga, kanina ka pa namin ginigising," rinig ko pang sabi ng isa.

"Kausapin mo nalang si Prof, papayag naman 'yon. Ha?" ayun na naman ang boses ni Faith. Napabuntong hininga ako.

I just missed an exam. Paano ako papasa kung hindi ko mate-take 'yon.

"Kiara—"

Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ng mga kaklase ko dahil nagtuloy tuloy ako palabas ng room at dumiretso sa office ng pesteng prof. Tumuloy ako sa loob at swerteng wala siyang kausap na iba, nandoon lang siya sa mesa at nagchecheck ng papers. Napapikit ako nang marealize na exam papers 'yon.

"Prof," pagtawag ko. Napatigil siya sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa'kin. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Miss Bellamonte. What do you need?" kung sa ibang pagkakataon ay maiinis ako sa ngiti niyang 'yon na talagang nakakainsulto pero hindi ko magawa ngayon. Mas natatabunan ng hiya at pagkakonsensya ang nararamdaman ko.

"Gusto ko po sanang i-take yung exam," diretsong sabi ko kahit kinakabahan. I sighed.

Gusto ko ng maasar nang bigla siyang tumawa pero sarkastiko. "Pardon, Miss Bellamonte? You want to what?" I sighed heavily.

"I want to take the exam," sagot ko. Lalo siyang natawa.

"You missed the exam already Bellamonte. Natulog ka sa klase ko hindi ba?" wika niya, nakakainsulto ang ngiting pinapakita sa'kin.

Napatango ako at napabuntong hininga. "Yes Prof. I'm— I'm sorry for that. Pagod lang po k-kagabi," yes, lying. Napayuko ako.

Nang tignan ko si Prof ay umiiling na siya. "Is that my problem Miss Bellamonte?"

Parang gusto ko na siyang samaan ng tingin nang sabihin niya iyon. Bukod sa nakakainsulto ay talagang nakakapaggalit sa kalamnan ko. Seriously!? This Prof is really getting on my nerves.

"P-Pero Prof..." kontra ko. "Promise, ipe-perfect ko 'yung exam. Just please, please let me take it," nagmamakaawang wika ko. Ngumiti siya at umiling ulit.

"Tutulog tulog ka sa klase ko pagkatapos ay magmamakaawa ka? Hindi pwede," nakakainsulto ang boses na wika niya. May pinalidad na rin sa tono ng pananalita niya.

Gusto ko ng maiyak. "P-Prof, please. I need to take the exam. Babawi po talaga ako. Sorry sa pagtulog sa klase, pagod lang po ako. Please Prof," wika ko, nagmamakaawa at halos maiyak na.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Sarkastiko siyang natawa, "Iba ka rin talaga Bellamonte. Natulog ka sa klase ko, hindi pwede 'yon—"

"Bakit hindi?" natigilan ako sa panibagong boses na umentrada at sumingit sa pagsasalita ni Prof.

"Why not give her a chance Prof Mello? You'll be unfair," lalong naging pamilyar ang boses lalo pa't malapit na 'yon sa'kin.

Nang tignan ko ang prof na peste sa buhay ko ay naging mabait na tupa na siya. Wala na ang sarkastikong ngiti at nakakainsultong tingin.

"Mr. Adriano."

Napalunok ako sa pagkapormal at paggalang sa boses ni Prof Mello nang isatinig 'yon.

"What are you doing here?" pormal pero may galang na tanong niya sa kung sino mang nasa likod ko.

I heard the person behind me chuckled at sigurado akong pamilyar 'yon.

"I'm here to save a girl from your cruel judgment." The voice was husky— familiar. Napaawang ang labi ko.

Dahan dahan akong tumalikod at humarap sa lalaking 'yon na nasa likod ko at lalong umawang ang labi ko at nanlaki ang mata ko nang makita at makilala kung sino iyon.

Oh my god.

"Mr. Mattheus Kian Adriano, Good morning."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
32.7K 2.4K 57
"Hoy burara! Ang tamad mo mag linis!" 「 PDX101 #8: Taglish Epistolary + narration 」 S: 07 / 18 / 19 E: 09 / 01 / 19
16K 727 15
Vanessa, a senior-high student, loses her cherished notebook, only to find it in the hands of Mark Tristan Santiago, a popular varsity player. Intrig...