Against the Waves (THE PRESTI...

By diorlevestone10

1.1M 20.9K 5.3K

The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings... More

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Last Part
Epilogue- Last Part (Spin off)
Note
SC 01: Twins

08

18.5K 421 123
By diorlevestone10

Memories

He has now a girlfriend.

I felt something heavy on my chest. It's very disturbing. Gagi, baka lumalaki lang ang boobs ko 'no?

Binagabag ako ng nararamdaman ko kahit pa noong sumunod na araw. May bago na pala, bakit niya pa ako kinukulit? Bakit pa siya nakiusap na i-date ko siya?

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan o magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon. Kaya ang ending, ako ang huling pumasok sa aming tatlo. Mabuti na lamang at huling klase na bukas kaya ayos lang na mahuli sa pagpasok.

As for me and Eka, ngayon kasi ang huling klase namin dahil magiging abala na kami sa pagsasaayos ng C-Gym kinabukasan para sa Special Christmas Celebration. Hindi kami mahilig sa sayawang party na ganoon kaya hindi kami aattend. Hindi ko alam kay Eka bakit hindi na lang kami nagsabay pumasok since maghapon kaming tutulong sa pag-aayos ng C-Gym.

May mga mangilan ngilan na ring faculty members at member ng Art Society ang nagsisimula nang magtrabaho. Inilabas na rin nila ang naglalakihang speaker at inilagay iyon sa gilid.

"Layana, favor naman oh."

Lumapit ako kay Tessa, ka-org ko. "Ano 'yon?"

"Mukhang hindi ata makakaattend 'yong mag-aayos ng bulaklak. Sabi naman ni Sir Robredo ikaw daw ang nakatoka sa flower arrangments in case na magkulang ng man power e. Ok lang ba kung ikaw na muna ang magmanage?"

"Really? Sure, sure I am more than willing," excited kong sabi.

Iminuwestra niya ako palabas ng C-Gym. Nakapatong sa wooden table ang mga bungkos ng bulaklak. Sa ibaba naman ay may mga basket at foam para siguro sa flower arrangement.

"Ikaw na ang bahala ah? Tiwala naman ako sayo," saad ni Tessa.

Masaya kong sinimulan ang pag-a-arrange ng mga bulaklak. Gustong gusto ko talaga ang flower arrangements. Dati pa man ay ito na ang part time ko. Malapit lang din kasi ang bahay namin sa farm kaya minabuti ko nang ilaan ang oras ko doon kaysa tumunganga lang. Ngayon ko lang din napagtanto na ilang araw din akong nahinto sa gawaing 'to. Siguro ay mas mag-f-focus ako sa sembreak.

"Good morning."

Nag-angat ako ng tingin sa harapan ko. Bumungad sa akin iyong taong sinakop ang isipan ko. Nakasuot siya ng simpleng navy blue shirt at faded jeans. May suot na itim na sumbrero at ang shades ay nakapatong doon.

"I'm taking you some pictures...part of documentation," paliwanang ni River.

Nairapan ko ito. Nakita ko ang pagbaba niya sa camerang hawak at kunoot noo akong tinignan.

Muli akong napasulyap sa braso niya at ganoon din naman siya.

Diyan. Diyan siya hinawakan ng babae. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam kong inamin ko sa sarili ko na may epekto pa rin siya sa akin at baka nga gusto ko pa rin siya. Pero nakakainis dahil kung kailan naaamin ko na iyon sa sarili ko ay saka ko malalaman na may girlfriend na siya.

I rolled my eyes again.

"You keep on rolling your eyes. What's our problem? Did I do something wrong again?" Sa sobrang pagkarahan ng pagkakatanong niya ay nanlambot ang tuhod ko.

Hindi ko pa rin siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. 

"What's our problem?" masuyo niyang tanong pagkatapos ay hinawakan ang siko ko.

Hinawi ko iyon at pilit na nagpokus sa pag-aayos ng bulaklak kahit na ang kalahati na ng atensyon ko ay nasa lalaking kausap. I refused to look back at him. It'll just remind me that for the second time...we can't be together—that I lose him again before we could even start.

"Why are you mad?" He asked as if he was convinced that I am mad.

I lifted my head only to see him intently watching me. He looks pained and confused.

"Tell me what did I do wrong so I can fix it." patuloy na nangingibabaw ang panunuyo sa boses nito.

Palihim kong nayukom ang mga kamao ko. Why does he sounds like this? I felt like I am willing to let down my walls again if he keep acting this way!

"I'm all ears."

Lumayo akong muli kay River at pumunta sa kabilang side ng lamesa. Lapit pa nang lapit alam ng may girlfriend! Paano kung naikwento pala ako ni River sa kaniya na ako iyong kababata niyang may gusto sa lalaki, tapos makikita kaming magkalapit, ano ang iisipin nun? Ang pinakaayaw ko pa man din ay ako pa ang maging dahilan kung bakit magseselos ang isang babae.

"Layuan mo na nga ako." Dirediretso kong sabi.

"Please, let me know what makes you mad. I don't want us to act this way." Hirap na hirap nitong sabi.

Handa na akong bulyawan siya nang magring ang phone niya sa kaniyang bulsa.

"Ayaw kong galit ka sa akin."

"Eh ano bang dahilan para magalit ako sa'yo?"

He pursed his lips. He looks so down. "I don't know...that is why I want you to tell me what is it so I can do better next time."

"E wala na ngang problema diba? Bakit ba ang kulit mo? Hindi pa pwedeng maarte lang ako kaya ayaw kitang kausap?"

His jaw clenched. "Then what's with this? Are you on your period?"

Bahagya akong makonsensiya dahil sa sobrang baba ng boses nito. Halatang naguguluhan sa inaakto ko. Kung tutuusin, pwede ko namang diretsahang sabihin sa kaniya kung ano ang kinaiinit ng ulo ko kaysa pagbuntungan siya ng inis ko.

"Wala! Kalimutan mo na nga! Badtrip lang ako!"

He lick his lower lip and nodded as if he finally get a hint why am I acting this way.

"Okay, you're probably mad because you woke up on the wrong side of your bed. Or maybe, you oversleep, or I don't know...maybe I'm the first thing you saw in the morning?" He stated sounded like he's talking to himself, making some theories why I was mad.

"I get it now but it doesn't mean we should not discuss anymore.

"I told you. It's okay. Arte ko lang iyon. Let's just forget it."

Muli niya akong nilapitan at hinawakan sa aking siko. His eyes are pleading. "No.We need to talk about it. We need to discuss things why it became a problem. How it affects you? What triggers you. I'm all ears."

I was out of words. I couldn't find any words to describe what I am feeling right now. This is how he handled my tantrums.

"River, may tumatawag. Baka importante. Sagutin mo na. Ang sakit sa tenga." Mahina kong sabi, hindi pa rin nagbibitaw ng tingin sa lalaki.

Hindi sinagot ni River ang tawag. Harap harapan niyang binabaan ang tumatawag pero hindi sinasadya na nakita ko ang name ng caller.

"What's more important than a reconciliation with you?" He said after he put back his phone to his pocket.

Napahigpit ang hawak ko sa mga bulaklak. Iwas ako nang iwas pero ito siyang habol nang habol sa akin. Minsan talaga...naiisip kong seryoso talaga siya. Pero madalas, mas naiisip kong pinaglololoko niya lang ako. Na lumalapit lang siya ngayon ay dahil may kailangan siya. Hindi ko alam. Hindi ko pa rin siya mabasa kahit na anong gawin ko.

Agad akong nakihalubilo sa mga kaorg ko at mas inusisa ang mga iba pang gagawin para hindi malapitan ng lalaki. Sinundan niya ako pero mabuti na lang ay naabutan siya ni Sir Robredo at may inutos.

Ang gulo gulo niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari. Nag-aaral ako nang maayos dito tapos guguluhin niya ako bigla. He's just my almost. My almost boyfriend.

Nang dumating si Eka ay agad din naman siyang tumulong sa pag-aayos. May pagka-retro ang theme ng Celebration ngayong taon. Balita ko ay Boho ang naging theme noong nakaraan. This year end party is the most awaited event. Some are sayings na parang bumabalik sila sa high school because it feels like prom night. Pasado alasais na ng gabi nang matapos kami.

"Layana, sama ka! Kain tayo sa Mcdo!"yaya ni Bella.

"Kayo na lang, baka hinihintay na ako nila Lene e." Siya lang mag-isa roon dahil magkasama kami maghapon ni Eka.

Hinatak ako ni Eka. "Ang KJ mo! Ngayon lang 'to. Sa pasukan mo na kaya kami ulit makikita. Alam na ni Lene. Kaya tara na!"

Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag. "Saglit lang a?"

Inayos muna namin ang mga gamit namin bago pumunta sa fast food, tabi lang iyon ng University sa labas. I even texted Lene that we'll be coming home late. Gaya nga ng inaasahan, ako ang naging puno ng usapan.

Tangina kung show itong buhay ko ang taas na siguro ng ratings.

"Feeling ko talaga, crush ka ni River!"

"Balita ko nga ay sumali lang si River sa Art Club dahil naroon si Layana."

Iyon ang pumukaw ng atensyon ko.

"May girlfriend siya diba?" Tanong ko naman.

"Huh? Sino?"

"Iyong maganda?" Nagkibat balikat ako.

"Mas mabait ka naman doon, friend!" Si Bella.

Nagtawanan sila. Hindi ako natawa. The fact na hindi tinanggi ni Bella, ibig sabihin ay totoo nga.

"Sus, wala pa namang confirmation na sila nga nung med student na iyon. E diba, ang daming babae rin nalink diyan kay River."

"Ayun naman pala bakit niyo pa ako inaasar sa impaktong iyon."

They groaned. 

"E mukhang napapalapit sa iyo e. Hanggang walang nagko-confirm, i-grab mo na!" Isa naming kasamahan.

"True! Hanggang hindi pa mag-asawa, pwede pa iyan!" Biro ulit nila.

Hindi ko na pinatulan iyong mga pang-aasar nila. Kumain na lang ako nang kumain pero mukhang patapos na ako lahat lahat, hindi pa rin nawala sa usapan ang pangalan ng lalaki.

He forget me. How dare him. And now, he will show up after years and he didn't even dare to explain anything to me...well as if I deserve it. I'm just a girl he met during summer, years ago.

"Hi." River greeted me when we met again for the third time.

He is smiling from ears to ears. As usual, he is sitting in the roots of acacia. Pumunta ako sa harapan niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Umiling naman ito. "I just got here."

Natahimik ako. Bitbit kong muli ang saranggola. Ayon sa kaniya ay gusto niyang araw-arawin ang pagpapalipad nito, hindi niya raw kasi iyon nagagawa sa Maynila.

"Eh anong ginagawa mo rito kung gayon? Nagbabakasyon ka?" tanong ko habang pinapanood siyang paliparin ang saranggola.

"Not really but you can say that. Tagaytay is actually my hometown."

Nagpalumbaba ako habang nakaupo na ngayon sa kinauupuan kanina ni River. Nakangiti ko siyang tinatanaw.

"Edi malapit ka lang dito?"

He chuckled. "Actually, it took me two hours to get here."

Bahagya naman akong nagulat doon. Ang layo ng bahay niya! Hindi ko maisip na bumibiyahe siya araw-araw ng ganoong katagal para lang makapagpalipad ng saranggola.

"Bakit...bakit ka pa pumupunta rito araw-araw kung ganoon katagal ang biyahe mo?"

He smiled. "I just want to see you."

Nagpupunta siya rito hindi dahil sa saranggola...kung hindi dahil sa akin?

Hindi lumipas ang isang araw na hindi pumupunta si River sa flower farm. Nang mga araw na iyon ay natuto akong ma-concious sa itsura ko. Gusto ko ay presentable akong haharap sa kaniya. Gusto ko ay malinis at maayos ako kaya natuto akong mag-ayos at manamit. Napagkakamalan na nga akong dalaga dahil roon, idagdag mo pa ang katangkaran na mayroon ako.

"Hilig mo pala ang basketball? Edi parte ka ng Varsity sa Maynila?" tanong ko nang minsan niya akong yayain sa isang ice cream parlor.

Tumango ito. "Yeah. How about you? Any sports you enjoy?"

Nag-isip naman ako saglit. "Hindi naman ako sporty type pero..."Flexible ako. I laugh mentally."...marunong akong maglaro ng badminton at volleyball."

"Do you want to play tomorrow?"

Napatawa naman ako saglit dahil doon. Nalagyan tuloy ng ice cream ang bandang pisngi ko. Pupunasan ko na dapat iyon pero naunahan ako ni River. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

"You don't want to?" he asked like what he did was not a big deal.

Napalunok naman ako. "Ayos lang, pero tayong dalawa lang?"

"Uhm, it's okay if you want to invite your friends."

"No," kontra ko agad. His brows raised in amused way. "Ayos lang naman...kung tayong...dalawa lang."

Hindi pwedeng sumama sina Lene! Aasarin ako ng mga iyon...at isa pa, gusto kong masolo si River.

Kagaya nga ng naiplano namin ay nag one-on-one kami ni River!—ng badminton. Hindi kalayuan iyon sa flower farm.

"Ha! Talo ka!" masaya kong sabi.

Ngumiti naman ito habang natingin sa akin. "Okay, I'll treat you. What do you want?"

Nagliwanag agad ang mukha ko. "Ice cream!"

"You want an ice cream, huh."

Naging paborito naming dalawa ni River ang cookies and cream na flavor ng ice cream. Parehas kaming hindi kumakain ng matcha flavor kaya nagkasundo kami kaagad.

Naging ganoon ang routine ng aking aking high school days. Pinagbubuti ko ang pag-aaral ko,iniipon ko ang mga kwento ko para kapag nagkausap kami ni River ay may maibabahagi ako sa kaniya. Siya na nga ata ang naging human diary ko. Hindi ko inaasahan na magiging blessing in disguise ang pagkahulog ko noon sa puno.

Inipit ko ang hairpin sa gilid ng aking buhok. Kulay dilaw na bulaklak ang disenyo nito, bumagay sa kulay dilaw at puti kong bestida na umaabot hanggang ibabaw ng tuhod.

"Dalaga na ang anak ko ah," kumento ni mama habang nakasandal sa pintuan ng aking maliit na kwarto. "Ang ganda ganda mo."

Napamulahan naman ako lalo dahil doon. Kung si mama ay ganoon na ang pagpuri sa akin, ibig bang sabihin ay hindi imposible na ganoon rin ang ikumento sa akin ni River?

"Pupunta na po ako sa flower farm, ma."

Nakangiti itong tumango at nanunuya akong tinanong. "Sa flower farm ba talaga ang tuloy mo?"

"O-opo," sagot ko naman. "Saan pa po ba ako pupunta?"

"Hmm. Hindi sa...date?"

"Mama," suway ko pero ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Pinalobo ko ang magkabila kong ngisi upang pigilan ang kilig.

"Ikaw talaga, binibiro lang kita, Hija. Siya sige na lumarga ka na at baka naghihintay na ang date mo roon."

"Mama hindi nga po ako makikipagdate!"

Matawa-tawa lang siyang tumango tango. Ang bata bata ko pa para makipagdate, no. Disisais pa lang ako, disisiete pa lang si River. Mga bata pa kami. Crush crush lang muna!

Sumakay na ako sa bisekleta ko at nakangiting tinahak ang flower farm. Mamayang hapon pa ang dating ni River kaya naman tutulong muna ako sa Main Office sa pag-arrange ng mga bulaklak.

"Blooming natin ngayon, Layana a," bati sa akin ni Kuya Julio, isa sa trabahador.

"Salamat po! Nandiyan na po ba si Ate Matet?"

Tumango ito. "Oo, Hija pero kung ako sa iyo ay hindi ko muna pipiliing pumasok sa loob."

Nagtaka ako. "Bakit po? Marami po bang tao sa loob?"

Umiling ito. "Doon ka muna sa pinagtatambayan mo. Nasa loob kasi si Don Nicholas, iyong may-ari nitong farm."

Napatango tango na lang ako sa sinabi ni Kuya Julio.

Si Don Nicholas Ezpinoza, isang mayaman at kilalang businessman sa buong lalawigan ng Tagaytay. Minsan ko na siyang napanood sa T.V pero hindi ko pa ito nakikita sa personal.

Kagaya ng sinabi ni Kuya Julio ay naghintay nga ako sa pinagtatambayan namin ni River. Tinanaw ko lang mula roon ang ilang turista na bumisita sa farm. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang paglabas ng isang matangkad na lalaki mula sa Main Office. Sumisigaw ang kapangyarihan sa awra nito. Ang dami pati niyang body guards! Daig pa nito ang presidente a.

Natuod pa ako sa kinatatayuan nang magtagpo ang mata namin. Nanlamig ako bigla sa ilang segundong iyon. Mabuti na lang ay ito rin ang unang nagbitaw ng tingin.

Tinakbo ang distansya mula sa kinatatayuan ko papasok sa Main Office.

"Ate Matet, anong sabi?" kuryoso kong tanong.

Napangiti si Ate Mater. "Wala naman, Layana. Nangangamusta lang si Don Nicholas."

"Mabait po ba iyon?"

"Oo naman! Medyo strikto nga lang. Napagalitan pa nga ang Kuya Tonyo mo dahil hindi nawalis ang mga nahulog na dahon doon banda sa entrance e."

Tumungo ako sa gawi ng mga bungkos ng bulaklak sa table. "Nakakatakot ang presensiya niya."

Hinaplos ni ate Matet ang likod ng buhok ko. "Huwag kang matakot, mabait iyon. Hayaan mo sa susunod ay ipapakilala kita."

Halos manlamig ang kalamnan ko sa naiisip. Parang ayokong ipakilala ako roon. Masyadong nakakatakot ang itsura niya.

Mabilis na tumakbo ang oras at natapos din ang schedule ko sa pagtulong sa farm. Magiliw akong nagpunta sa tagpuan namin ni River. Nang mamataan ko siyang nakahilig sa puno ay inayos ko ang bestida ko at buhok bago lumapit doon.

"Hey," agad siyang tumayo. Sinalubong ako.

"Kanina ka pa?"

"I just got here...You're done?"

Tumango ako.

"Let's go?"

Naiyukom ko ang kamay ko habang nakatanaw sa kamay ni River. Pakiramdam ko tuloy ay mas malambot ang kaniya kaysa ang sa akin. Napaigtad ako nang si River na mismo ang kumuha ng kamay ko at hinatak na ako palabas ng farm.

Ang lambot nga ng kamay niya. Nakatingin lang ako roon habang tinatahak namin ang daan papalabas ng farm. He ruffled my hair when he noticed where my attention is focused at.

"Nasaan ang sasakyan n'yo?" tanong ko.

"I drove here using my bike. Wait here, I'll get mine."

Nabigla ako roon. Kung sa pagsakay gamit ang kanilang sasakyan ay inabot na siya ng dalawang oras, paano pa kaya ang pagsakay sa bisekleta? Ilang oras ang biniyahe niya? Anong oras siya umalis sa kanila?

Hanggang sa makarating siya sa harapan ko ay doon ko lang napagtanto na nakasuot ito ng proper bicycle outfit. Kakapantasya ko sa kaniyang mukha kanina ay hindi ko na iyon napansin pa.

"Come here."

Bitbit ang sariling bike ay lumapit ako sa kaniya. Kinuha niya sa basket sa harapan ng aking sasakyan ang helmet ko. Nginitian niya muna ako bago iyon isinuot sa akin.

"Safety first, right?"

Hindi ko na rin napigilang ngumiti. "Safety first."

After niyang maisuot ang akin ay isinunod naman nito ang kaniya.

"Go ahead first, I'll be right behind you."

"Okay."

Pigil ang ngiti ko habang sumasakay sa bisekleta ko. Sana pala ay sinabi kong flat ang gulong ko para iangkas niya ako.

"Careful!" sigaw niya mula sa likuran ko.

Tinakbo namin ang buong kahabaan ng Maglabe Drive. Nagsuhestiyon si River na magkarerahan kami pero mukhang pinagbibigyan niya lang ako. Ang bagal ng takbo niya!

"Here," inabutan ako ng tubig ni River nang mapagod kami.

Naupo kami sa gater habang nakaharap sa isang malawak na palayan. Kulay kahel at pula na ang kulay ng kalangitan, hudyat na papatapos na naman ang isang araw.

"You good?" tanong niya.

Nakangiti akong tumango."Hmm. Ikaw?"

"Likewise. I get to spend this day with you."

Lahat na lang ng sasabihin niya ay naapektuhan ako. Sa tuwing kasama ko si River ay nawawala ako sa sariling mundo at dinadala ako sa kung saan.

"Ma, si River nga po pala."

Ipinakilala ko sa mga magulang ko si River bilang kaibigan. Isang tingin pa lang ni mama ay alam ko na agad ang tumatakbo sa isipan nito.

"Hijo, pasok ka."

"Salamat po."

Umupo si River sa tanggapan namin. Nginitian ko lamang ito nang magtagpo ang paningin naming dalawa.

"Tulungan ko lang si mama na maghanda ng meryenda," saad ko.

"I'll help."

"Huwag na! Bisita ka dito!"

Pagkapasok ko pa lang ng kusina ay nanunuyang tingin ang sumalubong sa akin.

"Ma," suway ko.

"Ano?" matawa-tawa niyang sabi.

"Kaibigan ko lang po si River."

"Hija, wala naman akong sinasabi."

Ngumuso ako habang nagtitimpla ng juice. Wala nga itong sinasabi pero iyong paraan naman niya ng tingin ay kakaiba.

"Ako na riyan, asikasuhin mo ang kaibigan mo roon." Binigyang diin pa ni mama ang salitang kaibigan. Psh. Nahiya naman tuloy ako! Mabuti na lang at wala rito si papa at tulog pa si Lailana kung hindi, panunuya rin ang abot ko.

Natapos ang unang summer na magkasama kami ni River. From time to time ay bumibisita siya sa bahay.  Ayon sa kaniya ay tuwing summer lang siya nandito dahil nag-aaral ito sa Maynila. Nagpalitan kami ng numero para kahit papaano ay may koneksiyon pa rin kami kahit magkalayo kami. At syempre, para mabati na rin ang isa't isa kapag may mga okasyon.

"Happy Birthday, River!" bati ko.

Tumawa ito. "It is indeed a happy birthday
You greeted me."

Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag ko. Nasa school ako, papasok pa lang sa una kong klase bilang fourth year high school. Dapat ay kaninang twelve am ko babatiin itong si River pero binalot ako ng hiya. Baka maistorbo ko siya sa pagpapahinga.

"18 ka na, ang tanda mo na!" biro ko.

"It's okay, as long as I am growing old with you. You just turned 17, Layana."

Napangiti naman ako roon. Sinipa sipa ko ang ilang maliliit na bato sa dinaraanan ko.

"Uuwi ka sa summer?"

"Yes. Just like what I promised."

River is always true to his promise. Wala siyang sinabi sa akin na hindi niya ginawa. Kaya kampante ako na uuwi nga siya sa darating na summer.

"Uhm," nagdadalawang isip kong sabi.

"Hmm?"

Kinamot ko ang sentido ko. "I prepared a gift for you."

Tumahimik ang kabilang linya. This will be my first time to give him a gift. Noong nakaraan lang niya naman kasi nabanggit ang petsa ng kaniyang birthday kaya hindi ako nakapagprepare ng kahit ano.

"Pwede rin namang itapon ko na lang kung ayaw mo."

He groaned. "Oh come on, you're not serious."

Mas inasar ko pa ito. "Madali naman akong kausap."

"It makes me want to travel there at this moment. Keep it please. Give it to me when we met."

Sabi nila ang high school daw ang pinakamasayang panahon sa buhay estudyante. Ngayon ko napapatunayan iyon dahil kahit malayo si River ay may inspirasyon ako. Kahit na may mga nagtatangkang pumorma sa akin sa school ay hindi ko iyon mapagtuunan ng pansin dahil nakalaan na ang pagtingin ko para kay River.

Kay River lang.

"Ipakilala mo na kasi sa amin! Damot mo!" si Lene.

"Ayoko nga," pagmamatigas ko. Baka mamaya ay mabati e.

"Sige ka, hindi kita ililibre!"

"Edi huwag mo. May pera naman ako e."

Tumawa si Migo. "Burn. Boo! Kaya mo iyon?"

Mas lalong nainis si Lene. "Shut up, Migo! Layana, please! Hindi ko ipagkakalat. Kahit kay Hugo hindi ko sasabihin! Regular student ba? or nasa special section din? Anong year? Please!"

Napatawa na lang ako sa kakulitan ni Lene. Binaggit ko sa mga kaibigan ko na may crush ako pero hindi ko sinabi ang pangalan. Kahit anong pilit nila ay nagmatigas ako. Sako na sasabihin kapag kami na. Baka majinx!

Noong umuwi ng summer si River ay ibinigay ko sa kaniya ang ginawa kong bracelet gamit ang mga puti at itim na beads. May nakalagay doon na kaniyang pangalan.

"It's so pretty," saad niya habang nakatingin sa nakasuot na bracelette.

"Syempre, maganda iyong gumawa!" biro ko naman.

Nag-angat ito ng tingin sa akin. Nagrereflect ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Nandito kami ulit sa tapat ng malawak na sakahan. Nagbike kami kagaya nang nakagawian.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko nang mapansin ang pagtitig nito.

Hindi ito nagsalita.

Noon ay matured nang tignan si River dahil sa matipuno nitong katawan, ngayon ay mas nagmukha pa siyang binata. Humaba na ng kaonti ang buhok nito at nakahati ang buhok sa gitna katulad ng buhok ni Leonardo Dicaprio.

"I want to do something right now...will you get mad?"

Nagkunot ang noo ko dahil sa pagkaseryoso ng boses nito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpamaywang sa kaniyang harapan.

"May gusto ka pa bang puntahan? Tara! Hanggang ala-sais naman ang paalam ko kay mama at papa."

Tiningala lang ako nito. Pinasadahan niya ang kabuuan ng mukha ko at nahinto iyon sa aking labi. Nakagat ko naman iyon nang maconcious ako sa pagtitig nito.

"When you turned 18, I'll court you." Determinado niyang sabi.

Napasinghap ako sa sinabi nito.

"I'll wait for a little more."

Sa mga sandaling iyon ay hiniling ko na sana ay tumagal pa ang mga oras. Sana ay hindi na dumaan ang pasukan at sana ay manatili kami sa panahon na kung saan kaming dalawa lang.

You might call me too young for that but I know what I felt. No one is never too young or too old for a little magic. As much as I want to live in that moment, change is inevitable.

Our communication went well. We talked a lot on the phone, telling each other's stories. At the end of the day, I found myself smiling in the thought that I will end my day with him. In our simple talks, I was happy. I am contented.

"Guess what," bungad niya nang mag-video call kami isang araw.

"What?"

He groaned. "Come on, Layana just guess."

I chuckled. "I don't know what to guess, okay?"

He sighed. "Okay take two. Guess what?"

I stopped writing on my journal and focus my attention to him. "What?"

He happily showed me a key in the screen. "I got my first car!"

"Really?" masaya kong tanong.

"I can now go there whenever I want to. I keep on missing you."

Whenever he smiles, I smile. As long as he is happy, I am happy. I knew to myself that we have a mutual feelings. He will not court me if he doesnt have feelings for me, right?

I pursed my lips for a moment. Iyong kilig na naramdaman ko ay unti-unti lang din naglaho dahil sa naisip ko.

Gusto niya ako diba?

"Hey, what's our problem?" He asked when he noticed my silence.

Tipid akong ngumiti at umiling. "Wala."

Pero mukhang hindi ito nakumbinsi. "Come on, tell me. I'm all ears."

Pinagkiskis ko ang mga daliri ko, nagdadalawang isip kung itatanong ko ba sa kaniya o hindi ang nasa isip ko. Pero alam kong hindi ako papatahimikin nito kung hindi ko pa bibitawan.

"Why...why do you want to court me?"

He blinked multiple times as if he's trying to come up with a great explanation on his head. I am so anxious and anticipated at the same time. My heart is beating so fast.

"What do you mean why?" balik niya ng tanong sa akin.

I bit my lower lip, preparing myself to reason out. "Well you see, courting is for those people who like...each other."

"Aren't we?" he asked in serious tone.

Nag-angat ako ng tingin sa screen. Sobrang seryoso ng mukha nito na masasabi mong hindi talaga ito nagbibiro.

"I like you, Layana if you still don't get it. I want you to be my girl. I want to protect you. I want to be with you. I want us, that's why I'll court you."

Hiniling ko na sana ay mabilis na lumipas ang mga araw para mag-eighteen na ako kaagad. Hindi ako makapaghintay sa panibagong yugto sa buhay ko. Pero...tila panandaliang saya lang ang lahat.

He was supposed to be my escort on my birthday party but he never came. He stood me up in my birthday.

I want to cry that time but fortunately, Migo was there. Siya ang pumalit kay River bilang escort ko. I tried to contact him the following days but I cannot reached him. I never heard any news about him after that. I want to find him and ask for him why he didn't show up but I realized, wala akong masyadong alam sa kaniya. His name is the only thing I am sure of.

Just his name... I never get to now his full name. And it took me two years to finally know his.

But now that he is back, I want to ask him why he didn't came back, but I'm afraid. Now that we're on our own path, I told myself that I should finally buried it and moved on.

But how can I move on if I'm still the old Layana who fell for him?

For the second time.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 36.7K 44
Galvez series #3 (Completed) Seven Ortiz is a rich basketball player who strongly believes in being faithful and loyal to one's lover. He has fallen...
151K 2.3K 37
Elements of Love Series: 1 Aveline Pearl Delgado's life had been marred by her parents' harsh treatment for as long as she could remember. Their crue...
99.5K 2.2K 54
Bar Series #6 For as long as Avey Hermoza remembered, River Eustaquio wasn't into her. River made it clear that he would never love Avey. Friends...
373K 19.8K 51
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY (Gustavo Orion Sandoval) Completed