The Undestined Love

بواسطة Atasshae

4K 1.3K 44

Xyrene Silvestria She lost his father, mother and older brother, at a very young age. She lost everything she... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 2

136 34 1
بواسطة Atasshae

Nandito ako sa balcony ng kwarto ko habang nakatitig sa mga makikinang na bituin. Ramdam na ramdam ko ang lamig na dala ng simoy ng hangin.

I'ts already 10:00 pm pero hindi parin ako makatulog dahil hindi mawawala sa isip ko kung bakit wala na ang taong nagpapadala ng sulat sakin.

Wag naman sana siya ay umalis rin.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero wala paring dumadating. Naghihintay ako. Hinhintay ko siya.

Sino kaya talaga sya?Lalaki ba sya o babae? Ano bang dahilan nya at ginagawa nya yon? Sana nagpakilala man lang sya para nakapagpasalamat naman ako sa pagpapagaan ng loob nya sakin.

Naging parte na ng buhay ko ang taong yon.

"Apo?" halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot si lola sa likod ko
Nakalimutan ko sigurong ilock ang pinto.

"Nagulat nyo naman po ako Lola. Bakit gising pa po kayo?" I said.

Ikinukuha sya ng upuan sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko rin ang jacket ko saka isinuot sa kaniya iyon.

I glanced at her. Medyo may kantadaan na si lola pero siya parin ang namamahala ng malawak na negosyo ng pamilya naman dito.

"Kamusta na po kayo?" I asked her. Sa tingin ko ay ngayon ko lamang tinanong sa kaniya iyon dahil bibihira kami magusap ni Lola.


"Hindi ba ako dapat ang magtanong nya saiyo apo?" nakangiting sabi ni lola sakin.

Natigilan naman ako sa sagot niya sa tanong ko. Marahan akong humarap sa kaniya at binigyan siya nang nagtatanong na tingin kaya tumawa siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong nahihirapan ka paring tanggapin ang pagkawala ng daddy, mommy at kuya mo....pero apo sa tingin mo ba magiging masaya sila kapag nalaman nilang pinabayaan mo na ang sarili mo?" She sighed. "Look at yourself xyrene pati pagaaral mo napabayaan mo na." dagdag pa nya.

Napayuko ako sa sinabi ni lola.

She's right. Pinabayaan ko ang lahat simula noong nawala sila. Ang pagaaral ko ay naging home school na lamang pero hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Ang sarili ko ay hindi na naayusan. Lahat lahat sa akin ay napabayaan na.

I'm so fucked up.

"Hinayaan mong sirain ka ng isang pagsubok." She whispered.

Tumayo si lola at iniharap ako sa kanya. Dahan dahan niyng pinunasan nya ang luha kong wala ng tigil sa pagtulo. Iniipit niya sa tenga ko ang nakaharang sa mukha ko na ilang hibla ng buhok.

"Magiging maayos ang lahat apo, may mga lang tao talaga na mawawala sa buhay natin at wala tayong magagawa kung hindi ang tanggapin iyon." She whispered.

Niyakap ako ni lola at umiyak ako sa balikat nya. "I'm sorry la." and she kissed my forehead.

She's right. I should be thankful that nawalan man ako ng parents pero may Lola naman ako pero ako 'tong sinira ang mismong buhay ko.

Na kainlan ma'y hindi magugustuhan nina Mommy.

"I love you lola." sabi ko at bumitaw sa yakap nya

"I love you too apo. Matulog ka na may pupuntahan tayo bukas." She smiled at kissed my forehead again.

Gustuhin ko pa mang itanong kung saan kami pupunta pero agad lumabas si lola. Inayos ko ang itsura ko at saka natulog na. Iniwan kong bukas ang bintana. Baka sakaling paggising ko ay may sulat na ulit siya.

Maaga akong ginising ni lola dahil nga aalis kami. Nadismaya naman ako nang makitang wala paring sulat sa kwarto ko.

I sighed. I just took my towel and do my routine. I wore my highwaist fitted jeans paired with my white crop top. I also wore my favorite white shoes.

"Miss xyrene, Hinihintay na po kayo ni Madam sa kotse." salubong sa akin ni yaya esmeralda pagkababa ko palang ng hagdan.

I nodded and followed what she said. Dumiretso ako sa kotse ni Lola. "Morning, Lola." I said and she smiled.

"Tara na apo?" She asked and I nodded. Inutusan naman niya ang driver na paandarin na ang sasakyan.

Habang ako naman ay kinukulit si Lola sa pagtatanong kung saan kami pupunta pero tanging ngiti lang ang isinasagot niya kaya tumahimik na lamang ako.

"Where's trevor? Hindi po ba natin sya kasama?" tanong ko kay lola nang maalala ko siya.

"Nako apo. Sa ganitong oras ay tulog pa yon. Hapon pa ang gising non." Natatawa niyang sagot.

Napatango naman ako sa sinabi ni lola kaya lang naman napapunta dito iyon dahil sembreak nila at dagdag problema lang daw kila tito Frank. Nakatatandang kapatid ni Daddy.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Naroroon ang malalawak na bukirin at ang bahayan sa tabing ilog na syang pinuntahan namin noong nakaraan. Napadaan din kami sa lugar ng mga kabayo ni lola, Isang malawak na lupain iyon at mas nakaagaw pansin rin sakin ang mga magagandang bulaklak. Maraming klase iyon.


Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay biglang huminto ang sasakyan kaya napalingon naman ako sa labas.

"Nandito na tayo apo." Bigla sabi ni Lola.

Pinagbuksan sya ng driver nya at lumabas. Inayos ko naman muna ang mukha ko bago lumabas ng sasakyan.

Napanganga ako sa nakita ko. Isa itong eskwelahan na may tatlong palapag maganda ito pero di hamak na mas maganda ang paaralan sa manila.

"M-Magaaral na ulit ako lola?" hindi sumagot si lola sa halip ay ngumiti ito sa akin.

Pumasok kami sa loob at nakita ko ang karangyaan ng paaralang ito. May mga paintings ang hallway at ang bawat silid na madadaan mo ay masasabi mo talaga na matitino ang magaaral dahil sa sobrang linis nito. Wala kang makikita na kung ano anong nakasulat sa pader o sa upuan man.

Naglakad kami ni lola sa isang building na katapat ng pinasukan namin kanina. May tatlong building na mukhang mga classroom at meron ding cafeteria na bilang lang ang upuan at lamesa pero hindi mo maaakila na sobrang aliwalas ng lugar na 'to.

Sunundan ko lang ang bawat hakbang ni Lola hanggang sa pumasok kami sa isang silid na siguro ay Dean Office.

"Magaaral na ulit ako lola?" ulit kong tanong kay lola dahil hindi sinagot ang tanong ko kanina.

Ginaya ko naman ang ginawa niyang pagupo sa harap ng table na siguro ay syang Dean rito.

"Oo apo. Pansamatala ka munang magaaral dito habang di pa naayos ng tito frank mo ang problema sa company nyo." She said

May kumpanya nga pala na naiwan ang mga magulang ko. Ang alam ko ay simula nang nawala sila ay si tito ang namahal roon. Mabuti na lang at hindi ito pinapabayaan ni tito.

Kahit ayokong pasukin ang business ay wala akong choice dahil ang kompanya na lamang na iyon ang naiwang ala ala sa akin nila kaya hinding hindi ko iyon pababayan.


I will make them proud of me.

"Okay lang ba po na dito muna?malayo na kasi dito ang magagandang paaralan." tanong ni lola sakin.

"Ang mahalaga po mapagpatuloy ko pagaaral ko para sa kanila." napangiti si lola sa sinabi ko.

Sakto namang lumabas ang dean at pinagusapan nila ni lola ang tungkol sakin hindi ko na lang yon pinakinggan dahil wala naman akong pakealam.

"Ito Ms. Silvestria. Yan ang magiging section mo for this school year." sabi ni dean lucia sabay abot ng papel.

"Hanapin mo lang ang section na yan sa building two." dagdag pa nya.

"Thank you,dean." I said and she smiled.

Nagpaalam na rin si lola na aalis na kami. Nalaman ko na lang na magkakabata pala si lola at dean kaya ganon na lang sila kaclose sa isa't isa.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga buildings na narooon. Napahinga ako nang malalim nang may alaalang sumagi sa isip ko.

Dati rati ay kayo ang hatid at sundo nyo pa ako sa elementary school ko, Daddy. Dati rati ay ikaw Mommy ang nagdadala ng lunch namin ni kuya.

It's too sad to think that you'll never see me graduate and finish the course the you both want me to do.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.1K 62 36
Ayaw mo sa isang farmer na hot? Maraming katantaduhan. Maraming matutunan. Kahit na ang walang puso ay merong kabaitan. Kapag ang isang taong kilala...
KALBE SAPLANAN OK بواسطة Ebru

قصص المراهقين

17M 653K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
891K 78.8K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
905 142 67
Book 2 of SFL ( SACRIFICE FOR LOVE) This story will show you how a mother seek her vengeance for her daughter who had been missing for a long time. A...