Arrival of Dawn

By konityuni

585 137 28

[୨୧ Velez Series #1] Sunrise or sunset? More

arrival of dawn + summary
status
01
02

simula

159 46 7
By konityuni





Nang mai-mulat ko ang aking mga mata ay agad kong narinig ang ingay sa baba. Tunog ng mga motor at iba bang mga pang transportasyon na sasakyan, mga iyak at sigaw ng mga bata, chismisan ng mga kapitbahay, sigaw ng mga tindera at mga binatang nag aaway sa ilalim ng mainit na araw, at si Riley, ang aking kaibigan na kanina pa ako inaalog upang ako ay magising.


Tiningnan ko ito ng maiigi at pinagmasdan ang kaniyang suot. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nakakunot noo kong tanong.


Ngumiti siya at hinawakan ang aking mga kamay para ako ay makaupo sa kama. Lalong kumunot ang aking noo.


May chika na naman ba 'to?


"Ano'ng problema mo?" muli kong tanong habang naka kunot ang aking noo. Muli, ngumiti ito ng pakalaki sa aking harapan at inaya akong tumayo at bumaba sa kusina.


Doon ay nakita ko ang aking nanay na malawak din ang ngiti habang ito ay nagluluto, kumakanta pa nga ito.


Umupo kami sa hapag kainan at tsaka naman nagsimulang magsalita si Riley. "Naaalala mo ba 'yung mga lalake na nabangit ko sa 'yo noon?" nakangiting aniya. 


Tumango ako at may kinuha naman siya sa kaniyang bulsa. Mukhang cellphone niya iyon.Iniharap niya sa akin ang kaniyang telepono at pinakita ang mga larawan ng mga gwapong binata. 


Nanlaki ang aking mata ng makita ang isang lalaki na dating pinakita ni Riley sa akin noong kami ay nag graduate ng high school.


Bakit ang bilis naman niya lumaki?


Tiningnan ko si Riley at nagtanong. "Saan mo naman 'yan nakuha?"


Ngumiti siya at muling humarap sa kaniyang telepono, may hinahanap pa yata itong ibang larawan na gusto niyang ipakita sa akin.


"Sa social media. Bakit ba hindi mo binubuksan ang cellphone mo? Ang ganda nga ng cellphone na ibinigay sa 'yo ni tito at brand new pa, 'di mo naman ginagamit." nakasimangot na aniya.


Sumimbag naman ang aking ina. "Hay nako, Riley. Ganyan talaga 'yan, masyadong maalaga sa gamit kaya hindi na niya nagagamit minsan."


Patuloy na nag-usap si Mama at si Riley tungkol sa pagiging ma-ingat ko sa gamit. Wala naman akong interes sa mga nakikita ko sa internet pero minsan na papa-isip nalang ako dahil hindi wala naman akong magawa sa buhay.


"Hindi ka ba na bo-bored, Astrid?" tanong ni Riley.


Napalingon ako sa kanya. Tumugon naman si Mama. Nagtaka ako at umiling. "Masaya naman ako kaya hindi naman ako nabobored dito."


"Eh, bakit hindi mo subukan, anak?" tanong ni Mama. Nag buntong-hininga ako at nag kibit-balikat. "Tsaka marami ng uso ngayon, 'di ba, Riley?"


Nakangiting tumango si Riley. "Ay oo nga pala, tita. Kumusta po 'yung kausap ninyo. Alam po ba ni Abi 'yon?" sabay silang napatingin sa akin kaya nagtaka na naman ako.


May itinatago ba sila sa akin? 


"Alam niya naman, pero nakalimutan niya ata." Hindi ko nalimutan at alam na alam ko iyon. Simula ng mawala ang aking ama, nababatid ko naman na may kinakausap si mama na ibang lalaki.


Hindi ko naman masabi kung nang-lalalaki ito dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang aking ama. Tsaka nararapat din ito para sa kanya kung siya naman ay masaya, naiintindihan ko naman ito at nag-usap naman kaming maayos.


"I know everything." mahinang sabi ko sa kanilang dalawa. Napa tango naman si Mama habang napanganga naman si Riley na parang nakakita ito ng multo. Tumayo ako at kumuha ng tubig.


Nagpatuloy si Mama sa pagkwento kay Riley. Habang ako naman ay kumakain ng niluto ni Mama para sa tanghalian.


Muli akong umakyat sa aking kwarto at kinuha ang aking telepono. Hindi ko alam kung bakit ako niregaluhan ng aking ama bago siya umalis.


Kinuha ko ang box ng telepono at binuksan ito para kunin ang charger dahil low battery pala ito habang nag cha-charge ito ay may napansin ako sa laman ng box.


Kinuha ko ang pirasong papel at binasa ang nasa loob nito. Nagtaka ako dahil naka-sulat pa ito sa Ingles. Binasa ko ito ng tahimik.


              Aubrielle, anak. I would like to give you this special gift before I calmly leave this horrible place. It's a phone, Abi. I know that you don't use gadgets that much even though you need it in your school. But, learn how to socialize properly and explore the world with your loved one. You have to be knowledgeable and smart about things. I love you, anak.

- Love, Austin.


Hindi ako naiiyak, hindi ako nalulungkot o ano man. Masaya ako dahil naisabi ni Papa kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. Dahil noon palang ay tahimik lang ito na para bang may sama ito ng loob sa akin. Thank you, Pa.


Matapos ang isang oras ay puno na ang baterya ng telepono na inibigay ni Papa. Binuksan ko ito at tinext si Riley.


Messages

Riley

Hello.


Wala pang ilang minuto ay sumagot agad ito. Palagi ba niyang hawak ang cellphone niya?


Riley

OMG KA!! hello, my loves. 

Natutunan mo na bang maghawak ng cellphone??? 

Himala!


Napakamot ako ng ulo. Pati ba sa cellphone ay ganun siya ka-hyper? Nako naman. Muli akong nag-text sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito sa cellphone.


Marunong naman akong mag-connect sa wifi pero wala akong alam sa mga social media. Hindi naman ako ganun ka tanga.


Tanging alam ko lang ay pag-text at pag picture dahil kay Riley na ginawa na akong photographer niya.


Riley

Ano na gagawin ko rito?

Saan?

Dito sa phone ko.

Ahhh download ka messenger. 

Sayang ka sa load.


Hindi ko na ito sinagot at basta nalang dinownload ang tinatawag niyang messenger na ginagamit para sa komunikasyon base sa itsura ng app.


Nang ma idownload ko ito ay muli kong tinext si Riley.


Riley

Ano ang gagawin ko rito?


Naubos na ata ang pasensya nito kaya tinawagan na niya ako upang ipaliwanag ang kailangan kong gawin para makausap ko siya sa app na 'yon. Wala pang trenta minutos pagkatapos ng tawag ay nagawa ko ito lahat.


Ngayon ay sa messenger na kami nag-uusap ipinaliwanag na rin niya kung paano ito gumagana, sinabi na rin niya ang mga kailangan kong i-download na mga social media.


Ano naman ang gagawin ko sa mga app na 'to?


Kinabukasan ay pumunta ulit dito si Riley upang makialam sa bahay, at syempre ako na naman ang iinisin niya.


"Patingin nga, sinunod mo ba 'yung mga sinabi kong apps?" tumango ako.


Mabilis ang pag-pindot niya sa cellphone na para bang sanay na sanay na ito. "Riley, saan ko nga pala makikita 'yung mga lalaking pinakita mo sa akin kahapon?" tanong ko. Napatingin ito sa akin at tinaas niya ang kanyang kilay.


"Oh? Interesado ka na?" nakangising tanong ni Riley. Tumango ako at muling tiningnan ang cellphone ng sabihin niyang ipapakita niya ang mga account nung mga lalaki. Ipinaliwanag pa niya kung sino-sino ang mga ito.


"Kita mo 'yan? Hindi ko alam kung magkakapatid ba sila o magpipinsan dahil pare-parehas silang lima ng apelyido." Tiningnan ko ang pangalan ng account na nasa screen ng aking telepono.


Theo Velez.


Velez ang kanilang apelyido at tama si Riley. Maaring magkakapatid sila o magpipinsan batid sa kanilang huling pangalan. Isa rito si Warren, Kyle, Nix, at Vince Velez.


Hindi ko alam kung paano sila naging sikat ngunit ang sabi ng iba ay para raw ito nang galing sa Wattpad dahil sa magagandang mukha at katawan ng mga ito.


Ang Wattpad naman na sinasabi nila ay isang app platform na ginagamit sa pagbasa at pagsulat ng mga gustong gumawa ng kani-kanilang nobela na siya namang binabasa ng mga mambabasa.


Ang sabi nila ay dito tumataas ang mga pamantayan nila sa lalake dahil karamihan na bumabasa rito ay mga teenager na babae. Isa na roon si Riley.


"Okay na ba?" tanong ni Riley ng matapos niyang ipaliwanag kung paano gamitin ang ibang apps na maari kong gamitin.


Nag simula ito sa Instagram, Twitter, Youtube, Tiktok, hanggang sa matapos kami sa educational apps na talagang kailangan ko.


"Mhm, salamat sa tulong." Ibinalik na niya sa akin ang aking cellphone.


Nakuha ng interes ko ang Twitter dahil sabi ni Riley ay marami raw marites dito at mga chismis.


Ginawan na rin niya ako ng account. Nagulat nga ako ng may nakita kong nag fafollow agad. Paano ba naman si Riley 'yung mukha pa niya ang nilagay doon sa profile na sabi niya. Habang tinitingnan ko ang mga followers ay may napansin akong pangalan.


"Riley." pagtawag ko sa aking kaibigan.


Nilingon niya ako at lumapit. "Tingnan mo 'to." ipinakita ko sa kanya ang lawaran ng followers ko at tiningnan naman niya ito isa isa dahil lima palang naman ang followers ko.


@velezhaters09 followed you!



Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...