Ang Babaeng Iniwan Sa Altar

By mayflores430

4.4K 182 27

Nauwi sa galit ang pagmamahal na naramdaman ni Sam para sa kanyang groom nang iwan siya nito mismo sa altar n... More

Prologo
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Mensahe ng May-Akda

Ikatlong Kabanata

257 21 0
By mayflores430

TUWANG-TUWA sina Lala at Jojo na pinagmamasdan ang anak ni Mesta na katabi ng ina nito. Dahil na-fascinate rin siya since iyon ang unang beses na nakasaksi siya ng panganganak ng isang kabayo, kumuha siya ng ilang picture ng mag-inang kabayo.

“Kuya Allen, ano ang pangalan ng anak ni Mesta?” tanong ni Lala.

“Hindi ko pa ‘yan napag-iisipan.” Binalingan siya ni Allen. “May naiisip ka bang magandang pangalan, Miss?”

“Bakit ako? Nakikinood lang ako rito.”

“Naalala ko kasi na magaling kayong magpangalan.”

Kumunot ang noo niya. “Ano? Kailan pa?” tanong niya. Paano siya naging magaling sa pagpapangalan ng hayup gayong ni totoong pangalan ng secretary niyang nagsilbi sa kanya ng apat na taon ay hindi nga niya maalala?

“Naalala niyo ba ‘yong mga alagang kuneho ng anak ni Madam Bernabe?”

“Hindi ko nga maalala ‘yong anak niya, ‘yong mga kuneho pa kaya?” naaasar niyang tanong. “Ano ang tungkol doon? ‘Wag mong sabihing ako ang nagpangalan no’n?”

“Kayo nga. Maraming alagang kuneho si Miss Macy at hindi siya maka-decide sa ipapangalan kaya tinulungan niyo siya. Pinayuhan niyo rin siya para niya madaling makalimutan ang mga pangalan.”

“Buti pa siya tinulungan kong hindi makalimot tapos heto ako, hirap makaalala sa kung ano ang sinasabi mo. Ano ba ang ipinangalan ko sa mga kuting na ‘yon?”

“Kuneho po.”

“Sabi ko nga.”

“Sabi niyo lagyan ng theme ang pagpapangalan niya sa mga alaga niya at since nasimulan niyong tawaging Choco ‘yong isa, pinangalanan niyo na lang lahat ng kuneho mula sa flavour ng icecream na paboritong dessert ni Miss Macy.”

Napatanga siya. “’Wag mong sabihing may pinangalanan akong Double Dutch?”

“Sa pagkakaalala ko ay meron at ‘Dutch’ ang palayaw.”

“May palayaw pa?” paniniyak niya na kinumpirma naman nito. “Ang baliw ko lang.”

“Nakatulong iyon sa i-close ang multimillion deal ng kompanya ninyo sa kompanya ni Madam Bernabe. Natuwa kasi si Madam na mabait at mapagpasensya ka sa mga bata.”

“Talaga lang ha?” duda niya eh plinastik lang niya ang mag-ina para mai-close ang deal.

“Kuya, Ate, ano na ang ipapangalan natin sa anak ni Mesta?” tanong ni Jojo.

“Wala pa akong maisip at dahil wala pa akong maisip, wala munang magpapangalan sa baby horse na ‘yan, maliwanag?” utos niya. Hindi naman kumontra ang mga ito sa kanya.

“ANO ANG magandang pangalan para sa isang kabayo?”

Ipinost niya ang tanong na iyon sa social media account niya. Magaling daw siyang magpangalan kaya pangangatawanan na niya. Gusto niyang maging meaningful at astig ang pangalang mapipili niya. Wala siyang balak ipangalan ang baby male horse mula sa flavour ng icecream. Pang-kuneho lang ‘yon.

Makalipas ang ilang minuto ay may nag-comment. It was Santina. “He or She?”

“He,” sagot niya.

“Mustang.”

“Kabayo na nga ‘Mustang’ pa ang ipapangalan?”

Nag-comment ang Ate Savannah nila. “What’s the color?”

“Dark Brown.”

Name him Chocolate.”

“What? Sa kuneho lang bagay ‘yan,” sagot niya.

Santina replied. “Sino’ng sira ang magpapangalan ng ‘Chocolate’ sa isang kuneho?”

Uminit ang ulo niya. “Gusto mong ilublob kita sa kumukulong chocolate?”

Can I see a picture?” Savannah asked. Nag-send siya ng picture ng baby horse. “Ang cute naman. I guess bagay sa kanya ang name na may kinalaman sa palakasan o lakas.”

Rocky,” Santina commented.

“Pang-kuneho lang ‘yan!” naaasar niyang komento dahil sigurado siyang isa sa mga ‘legendary rabbits’ ay pinangalanan niyang ‘Rocky’ at ang apelido ay ‘Road’.

What on earth is your problem with rabbits? Sino’ng hibang ang magpapangalan sa kuneho ng ‘Rocky’?”

“Gusto mo pakainin kita ng bato?”

Kamuntikan na nga niyang mabato ang cellphone niya sa inis nang mag-send si Santina ng gif ng napakaraming tumatalong kuneho. Na-realize niyang walang maitutulong ang mga kapatid niya sa problema kaya lumabas siya ng kwarto at naglakad-lakad sa paligid ng villa para magpahangin. While doing that, she was also thinking of a good name.

She was still thinking for a name when she saw Allen riding a bike. Mukhang may lakad ito dahil naka-postura. He was wearing a blue polo-shirt and black slack pants. Ngayon niya lang naisip na hindi pala masamang sumakay ng bike kahit nakapostura.

“Saan ka pupunta?” tanong niya nang mapadaan ito sa gate. “Sama ako.”

“Ha? Gusto mong sumama?” nag-aalangan nitong tanong.

“Bakit ganyan ang reaksiyon mo? Ayaw mo akong pasamahin?” pinandilatan niya ito.

“Ah hindi naman, Miss. Baka lang kasi hindi mo magustuhan ang lugar na pupuntahan ko,” alanganin nitong sagot. But knowing her, ayaw niya ng hinihindian.

“Sasama ako. Hintayin mo ako diyan at magbibihis lang ako. Pag-umalis ka ay babatuhin kita!” banta niya pa saka nagmamadaling pumasok ng bahay. Nagmamadali siyang magbihis. Napansin niyang napatanga ito nang makabalik siya. “Tara na!”

“Miss, manghiram na lang tayo ng kotse at ipagda-drive ko kayo.”

“Ano? Nag-jeans nga ako para maayos akong makaangkas sa bike.”

“Miss…”

“Nakalimutan mo yatang sumali ako noon sa isang triathlon.”

“Pero ‘di niyo tinapos.”

“Sabi ko sumali ako, wala akong sinabi na tinapos ko,” sikmat niya saka naupo sa harap ng bike. “Tara na! Male-late na tayo.” Walang nagawa ang lalaki kundi ang pumadyak. Maingat ito sa pagba-bike at kapag may mga lubak-lubak ay iniiwasan nito para hindi siya mahirapan. People might say that she was too care-free and close to her secretary but what can she do? Totoo naman kasi iyon. Wala siyang pakialam sa iisipin ng secretary niya dahil nakita na siya nito sa pinakamalala niyang sitwasyon at hindi siya nito iniwan. Totoong minsan ay nasisigawan niya ito at madalas alilain (with pay and freebies) pero hindi dahil sa gusto niya. Nasanay na lang talaga siya. Ito lang din kasi ang nag-iisang tao maliban sa pamilya niya na hindi nag-gi-give-up sa ugali niyang parang bagyo. Alam nito kung paano siya pakikitunguhan although madalas ay halatang natatakot ito.

Sa lahat ng lalaki, ito lang din ang pinayagan niyang matulog kasama niya sa iisang kwarto at ilang beses na iyong nangyayari kapag nasa business trip sila. Siyempre, sa kama siya, sa sofa ito. Komportable siya and at peace kapag ito ang kasama niya dahil alam niyang gagawin nito ang lahat upang maalagaan siya nang husto at hindi siya mapahamak.

“What am I going to do without you?” she whispered.

“May sinasabi kayo, Miss?”

“Wala.”

“May naisip na ba kayong pangalan sa anak ni Mesta?”

“Wala pa rin.” Hindi na ito kumibo kaya siya naman ang nagtanong. “Nasaan ang mga magulang mo, Secretary?” tanong niya. She never asked about personal matters before but she was a little curious now.

“Patay na ang mama ko samantalang nasa ibang bansa ng papa ko kasama ang asawa niya,” sagot nito.

“May bago ng pamilya ang papa mo?”

“Oo. Although panganay na anak ako ni Papa, hindi sila ikinasal ni Mama. Ang asawa naman niya ay may anak na rin sa unang asawa. Biyuda si Tita nang magpakasal sila ni Papa.”

“Nagkaanak ba sila?”

“Oo. May half-brother ako. ”

“Bakit hindi pinakasalan ng Papa mo ang mama mo?”

“Mga teenager pa sila no’n. Masasabing bunga ako ng isang short affair ni Papa. Ilang taon matapos akong ipanganak ni Mama ay iniwan niya ako sa lola ko at mula noon, lumaki na ako kay lola. Few years ago, nalaman kong namatay si Mama. She got married but never had other kids. Si Lola naman ay pumanaw na rin.”

“Mala-telenobela pala ang buhay mo.” Marahan itong natawa. Wala siyang na-sense na bitterness habang nagkukwento kaya sigurado si Samantha na matagal ng tinanggap ni Allen ang mga pangyayari sa buhay nito. Nabubuhay ito nang walang sama ng loob sa kahit na kanino
maging sa kanya na inaalila ito (again, with pay and freebies).

“Miss.”

“Hmm?”

“Mahal mo pa rin ba si Sir Matthieu?”

“Paano ko mamahalin ang isang taong nanloko sa akin? Gusto ko na nga siyang patayin eh,” sagot niya saka sumimangot nang mapansin ang benda sa kanang braso ng lalaki. “Kung ‘di mo ‘ko pinigilan ay napatay ko na siya.”

“Miss, masama ‘yon. Ayaw kitang makulong.”

“Ano pa ang silbi na nag-aral ako ng sharp shooting, karate at arnis kung hindi ko man lang siya masasaktan?”

“Gamitin niyo na lang ang mga natutunan ninyo sa pagtatanggol sa sarili at sa iba. ‘Wag po sa pananakit,” mahinahon nitong sabi.

“Wala naman akong ibang papaslangin kundi ‘yong kamag-anak ni Hudas lang.”

“Malulungkot ang pamilya niyo kapag nakulong kayo o masali na naman sa eskandalo,” anito. Kahit madalas na takot si Allen sa temper niya, meron ding mga pagkakataong nag-uusap sila na parang magkaibigan, gaya ngayon. Kahit ayaw niyang aminin ay madalas na tama ito.

“Nagka-karate ka pa rin ba?” bigla niyang tanong at para na rin mabaling sa iba ang usapan. Nang mag-enrol siya sa karate two years ago ay pinag-enrol niya rin ito. Kapag may pinapasok siyang physically demanding na mga sport ay pinipilit niya rin itong mag-enrol kaya ang nangyayari, natututo ito sa mga iyon at mas madalas na siya ang ka-sparring mate nito. Dahil hindi siya nito kayang saktan, ito ang madalas na nasasaktan niya.

“Minsan na lang, Miss, kapag day-off ko.”

“Kaya pala physically fit ka,” nasagot na rin sa wakas ang tungkol sa mahiwagang pandesal na ‘di niya inakalang maa-achieve nito. “Parang gusto kong bumalik sa pagka-karate.”

“Hindi na ako babalik.”

“Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga akong ka-sparring mate!”

“Miss naman eh.”

Natigilan siya nang mapansin kung saan sila patungo. “Kaya ayaw mo akong pasamahin dahil papunta ka pala sa simbahan,” sabi niya. Tumango si Allen. Agad niyang napansin na maraming tao na naka-postura ang nasa labas ng simbahan at base sa suot ng mga ito, sigurado siyang may magaganap na kasal.

“Miss, sigurado kang ayos lang sa’yo na makasaksi ng kasal ngayon?” nag-aalala nitong tanong. As usual, sensitive ito sa mga ayaw at gusto niya. “Pwede naman tayong umuwi.”

“Ayos lang sa akin.”

Sa loob ng tatlong taon ay iniwasan niyang dumalo sa mga kasalan dahil ayaw niyang maalala ang nangyari sa kanya. Hindi siya napilit ng mga magulang at kapatid niya gaano man kahalaga ang mga taong ikinakasal. Gano’n pa man, alam din niya na hindi niya maiiwasan ang ganitong mga senaryo kahit ano pa ang gawin niya.

Naupo sila ni Allen sa bandang likod at malayo sa mga tao na naroon. Tahimik lang siya habang sumasaksi sa seremonya. Hindi gaya ng nangyari sa kanya, walang groom na biglang nag-deklara na hindi nito itutuloy ang kasal. Kahit ‘di niya naisin ay agad niyang naalala ang mga kaganapan sa kasal na pinangarap niya pero ‘di natuloy.

“I’m sorry, Samantha. Hindi ko pwedeng ituloy ang kasal na ito,” malungkot na sabi ni Matthieu. Akala niya prank lang iyon pero seryoso ito sa sinabi. “I don’t deserve you. May nakahihigit pa sa akin na kaya kang pasayahin.”

“ Hayup,” naiinis niyang bulong.

“Miss?” nag-aalalang untag ng secretary sa kanya.

“Ayos lang ako. ‘Wag mo akong pansinin,” seryoso niyang sabi. Ilang ulit niyang inisip sa loob ng tatlong taon kung saan siya nagkamali at bakit gano’n ang ginawa ni Matthieu sa kanya. Matapos itong mag-walkout mula sa kasal nila, hindi na niya ito muling nakita at mga abogado lamang nito ang humarap sa kanila, not until recently. Pati mga magulang nito ay hiyang-hiya sa mga nangyari. Nagalit ang daddy niya pero hindi nito kayang putulin ang pagkakaibigan sa pagitan nito at ng mga Aguiluz. Her Dad and Matthieu’s dad were best of friends since teenagers at ang pagkakaibigan ng mga ito ang dahilan kaya nagkasundo ang mga ito na ipakasal sila ni Mattheiu.

They were both twenty-two when they first met at kung totoo ang love at first sight, isa siya sa mga nabiktima. He was handsome, charismatic, educated at nagtapos sa ibang bansa. Matalino at magaling sa negosyo. He was the perfect husband for someone like her. But then she was wrong. He was the beast who slashed her young heart into pieces.

Natigilan siya nang abutan siya ng panyo ni Allen. Kanina pa pala siya lumuluha nang hindi niya namamalayan. Noong araw na hindi natuloy ang kasal niya, walang naglakas-loob na manatili sa tabi niya dahil nagwala siya. Kahit ang mga magulang niya’t mga kapatid ay lumayo at natakot. Sinira niya ang mga dekorasyon sa simbahan at umiyak siya nang umiyak. While everyone left, her secretary stayed. Hindi siya nito iniwan kahit na nang para siyang sira na naghanap ng hired killer para ipatumba si Matthieu. Siyempre wala siyang nakita. Sa sobrang sama ng loob ay naglasing siya. ‘Yong aksidenteng sinabi nito na ikina-ospital niya ay nangyari matapos naudlot ang kanyang kasal. Nangyari iyon dahil kinuha niya ang susi mula rito at tinakasan ito. Nag-drive siya nang lasing at nahimasmasan na siya sa ospital. She drove few meters from the bar but crashed on a lamp post. Mabuti na lang at hindi siya napuruhan. It was her secretary slash driver slash slave with pay and freebies who took her to the hospital and took the blame from her family. Kasalanan niya ang nangyari sa kanya at hindi kay Allen kaya nakiusap siya sa pamilya niya na huwag itong sisantehin. “Secretary.”

“Yes, Miss?”

She stared at the handkerchief he was still offering. “When was the last time you cried?”

It took few seconds before he responded. “Hindi ko na po maalala eh.”

Pinunasan ni Samantha ang mga luha niya gamit ang mga kamay. “Gano’n ba? You must be very tough. Sana hindi na ako umiyak kapag naaalala ko ang mga nangyari noon. Nakakapagod na rin kasi.”

Hindi ito kumibo at itinago na lamang ang panyo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang kasal. Lumapit sila ni Allen sa mga bagong kasal at gaya ng dati, maraming nakakilala kay Allen. Pati ang bagong mag-asawa ay mukhang tuwang-tuwa na naroon ang lalaki at inimbita pa sila sa reception. Hindi nila tinanggihan ang paanyaya.

UNANG beses na nakasaksi ng kasalang-bayan si Samantha at hindi niya akalaing nakakatuwa pala iyon. Pinakanaaliw siya sa mga handang pagkain. Kung naroon si Santina, malamang kakantiyawan siya no’n na masiba. But who cares what people say when the lechon was there to stay? Hindi gaya ni Santina na pini-picture-ran ang pagkain bago kainin, siya ay kumakain muna bago magpa-picture. May panira nga lang sa kaligayahan niya.

“Kanina ka pa ha!” asar niyang sigaw kay Allen nang mapansing pilit nitong inilalayo sa kanya ang mga pagkaing ma-cholesterol.

“Miss, nakakain ka na ng lechon, tama na ‘yon,” nababahala nitong sabi.

“Kunan mo na lang ako ng mangga,” utos niya. Umiling ito. “Hinog naman ‘yon eh!”

“Hindi pa rin pwede.”

“Ikuha mo’ko ng manok,” nanggigigil niyang utos.

“May dala ka bang anti-allergy?” tanong nito. May allergy rin siya sa manok pero dahil gusto niya iyon, kapag nagpa-plano siyang kumain ay nagdadala siya ng gamot. Dahil hindi naman niya alam na kasal ang pupuntahan nila, siyempre wala siyang dala.

“Ano ba! Wala na akong makakain niyan! Kumuha ka na lang ulit ng lechon.”

“Miss, may beef naman eh.”

“Alam mong ayoko ng beef!”

“Kambing?”

“No! Kapag ‘di ka kumuha ng lechon, isasaksak ko itong tinidor sa baga mo,” banta niya at wala na itong nagawa. Bumalik ito na may dalang rib ng lechon, her favorite part. Masaya niya iyong kinain with poise, siyempre. Habang kumakain ay pinapanood niya ang prosperity dance ng bagong kasal. “Bakit kailangan pang i-pin ang mga pera sa damit ng ikinasal? Bakit ‘di na lang ibigay? Mas madali naman iyon.”

“Hindi ko rin alam eh.”

Pinahawakan niya rito ang lechon rib saka kinuha ang kanyang wallet. She took few thousand bills and handed it to Allen. “Pwede na ‘yan?”

“Oo. Marami nga ito eh,” namamangha nitong sagot.

“Pasalamat ka gracious ako ngayon at hindi ko ipapa-refund sa’yo ang kalahati niyan since libre itong pagkain natin,” aniya na ikinapanlumo nito. Natawa siya. Kahit mayaman siya ay hindi niya ugali na mag-aksaya ng pera at mas gusto niyang may kahati sa bayarin kaya kapag may mga unofficial trips siya na kasama ito, madalas na hati silang dalawa sa bayad sa pagkain at sinasadya niyang kumain sa mga mamahaling restaurant. Kapag kinakapos ito sa babayaran ay pinapautang niya ito na hindi niya sinisingil ng pera kundi ng mas mahirap na trabaho. Gano’n siya kabait sa secretary niya. Ewan ba at naaaliw siya kapag natataranta o natatakot ito sa mga ginagawa niya. Kay Secretary Allen lang naman siya ganoon. Maybe because she loves the fact that somebody, a man specifically, would really take her seriously and can be controlled.

Dahil siya ang bunso sa pamilya ay walang sumeryoso sa kanya kahit nga ba at the age of eighteen ay natapos niya ang business course niya sa ibang bansa at with honors pa. Kailangan niya parating patunayan na meron siyang magagawa na mas higit pa sa iba lalo na sa larangan ng negosyo. Kailangan niya parating patunayan na gaya nina Savannah Rosette at Santina Roselle ay anak din siya ng business magnate na si Salazar Amarillo. It took her years bago maitatag ang sarili niyang pangalan at para seryosohin siya sa business world. Ipinakita niya sa lahat na hindi lang siya maldita kundi isang tao na hindi pwedeng i-underestimate. She can bring storm and tide when she wants to.

Pero may disadvantage rin ang pagiging control freak at dominant niya. Hindi na siya ina-underestimate pero nai-intimidate naman sa kanya. When she started working in their company at the age of nineteen and until the age of twenty-two, in the span of three years, five secretaries also resigned, both women and men. Walang nakatagal sa kanya ng isang taon man lang hanggang sa si Allen Luzañes ang ibinigay ng HRD sa kanya. Akala niya noon ay hindi ito magtatagal ng kahit isang buwan but lo and behold! Isang malaking milagro na umabot ito ng apat na taon sa pagsisilbi sa kanya. Despite her storms, tidal waves and calamities, he remained strong and firm. Kailangan niya talagang pag-isipan nang mabuti ang goodbye gift na ibibigay niya rito soon.

MAGAAN ang pakiramdam ni Samantha nang magising. Sa dumaan na mga araw matapos siya
nag-attend ng kasal recently, bigla ay parang may nawalang mabigat na bagay sa dibdib niya. Naroon pa rin ang sakit pero tila nakatulong ang nangyaring iyon para unti-unti niyang harapin ang mga kinatatakutan niya. While watching the sunrise from her window, she remembered her and Allen’s conversation while they were on their way back to the villa.

Miss, pinagdarasal ko na sa susunod na umiyak kayo ay tears of joy na. You deserve to be happy. Magagawa niyo lang ‘yon kung magpapatawad kayo. Mahirap pero para sa kapakanan niyo naman iyon eh.”

“Easy for you to say dahil hindi naman ikaw ang iniwan sa altar.”

He looked somber. “Siguro nga pero hindi pwedeng maiwan na lamang sa altar na iyon ang buhay mo. Kailangan mong magpatuloy at iwan ang altar na iyon kasama ang lahat ng mga hinanakit mo para makita ang tamang lugar kung saan ka idadambana ng tamang taong inilaan ng Diyos para sa’yo,” payo nito saka nginitian siya. “’Yon ang parati kong inaasam para sa’yo, Miss Samantha. Gusto kitang maging maligaya.”

Sam smiled. She was touched deeply by Allen’s words and concern. Sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pang-aalila rito, hindi ito nagnais ng masama para sa kanya. He was always thinking for her good and he never left her side even in hard times.

“Kailangan mamahalin ang mabili kong send-off gift,” aniya saka nag-message sa Daddy niya. Ayaw niyang mawalan ng magaling at maaasahang secretary pero alam niyang magiging maayos si Allen sa poder ng ama niya.

Dad, alagaan mo ang secretary ko. Lakihan mo ang sweldo niya kasi isa siyang asset.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...