Tune of Hearts

Od CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... Viac

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

39

98 23 0
Od CYRONGRAY

Shinea's POV

"I'm sorry. Umuwi kaagad ako. Masama yung pakiramdam ko kahapon." sambit ni Zhely.

Nakaupo kami dito sa lounge. Walang kibo si Lauren sa gilid habang hinihitit yung yogurt na binili niya sa cafeteria.

"It's okay. Mas mabuti na ring nakaalis kayo kaagad." sambit ko.

Sariwa pa rin para sa akin ang mga nangyari kahapon. Binabagabag pa rin ako, natatakot sa mga posibleng mangyari. Ayokong may madamay na namang inosenteng tao.

"Oh my gahd!" Nagulat ako sa malakas na pagsigaw ni Zhely. "Shea, diba condo mo 'to?"

Pagkapakita niya sa akin ng picture ay biglang nag-alab ako sa galit, nanindig ang balahibo, napuno ng takot. 

Nasusunog ang condo ko. Shit!

Bigla akong napalabas ng campus kaagad. Buti na lang tapos na ang klase kaya pinayagan na rin akong lumabas ng gate.

Nagkukumpulan ang mga tao nang dumating ako sa tapat ng condo. Paniguradong G Mafia na naman ang may pakana nito. Mga walang hiya sila. Hinding hindi nila talaga patatahimikin ang buhay ko hangga't hindi nila nakukuha yung gusto nila.

"Bes!" sambit ni Lauren. Sumunod silang dalawa ni Zhely rito.

Napatalungko na lang ako, napasapo sa ulo ko. 

"Pa'no ngayon yung mga importanteng gamit mo? Yung ebidensiya?" natataranta na rin si Lauren sa mga nangyayari.

"It's okay Lauren. Nandito pa rin sa akin ang ebidensiya. Ang problema ko ay wala akong matutulugan."

Itinayo ako ni Zhely. "Don't worry, Shinea. Doon ka muna sa condo ko tumuloy." alok ni Zhely na tinanguan ko naman.

Nahihiya na rin ako sa kanila. Puro abala na lang yung dinudulot ko. 

Pagkapasok ko sa condo ni Zhely ay pinaupo niya kaagad ako para bigyan ng maiinom. Pinahiram niya rin ako ng damit dahil nasunog lahat ng damit ko sa condo.

"Nahihiya na ko sa'yo Zhely." sambit ko pero umiling-iling lang siya.

"Ano ka ba? Huwag kang mahiya. Maswerte pa nga ako dahil nandito yung idol ko eh." kinindatan niya pa ko.

"Salamat Zhely."

Nginitian niya ako saka niyakap. "Walang anuman. Para sa'yo hehe."

Natatawa na lang ako kapag pinapakita niya yung mga posters ko na pinagbibili niya. Pati rin yung mga album ko.

Maya maya pa ay tumayo si Zhely para pagbuksan yung tao sa pinto. Gabi na ah.

Iniluwal ng pinto na 'yon si Jeth. Hingal na hingal siya. Halatang nagmamadali siya para makapunta rito.

Niyakap niya ko. Hindi ako gaanong makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "I'm glad you're fine."

Hinawakan niya ang pisngi ko at ginawaran ako ng halik. I'm about to answer his kisses nang may maalala ako.

"Ehem.." bigla kaming napatingin sa gawi ni Zhely. Nginisihan niya pa kami. "Sige. Tuloy niyo lang. Mahihiga naman na ko sa kama ko hehe."

Pagkaalis ni Zhely ay hinampas ko kaagad si Jeth. Napakabwisit. "Aray ko naman chubs. Maghinay-hinay ka naman. Masakit!"

I rolled my eyes on him saka pinagkrus ang mga braso ko. "Boyfriend ba kita? Kung makahalik ka ah."

Nginisihan niya ako. Inilapit niya yung bibig niya sa tainga ko. "I know you're that thirsty with my kisses. How about you answer me as your boyfriend? Who knows? I might give you more intensive level of kisses you've never tried before."

Shemay. Kinikilabutan ako sa mga sinabi niya.

"Walang hiya ka!" pinaghahampas ko na siya. "Napakadumi ng bibig mo ah!"

"Same with your lips. Hinalikan kita kanina, right? So napasa na rin diyan yung dumi sa bibig ko."

Napakaaaaaa!!!!

Itinulak ko na siya palabas. Nabubwisit ako sa pagmumukha niya ngayon.

"Hoy chubs. Wait lang oy!" Hindi na siya nakapalag pa dahil pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. "Take care, baby."

Inis akong napapadyak bago mahiga sa kama. Napasabunot ako sa ulo ko. Bwisit na Jeth na yon! Hayst!

Maya-maya pa ay may nag-chat sa phone ko.

TUKMOL💪:
Hey! Chubs! Puntahan
mo ko dito sa labas ng
condo mo.

Oh siya na naman pala! Nakakainis na ah!

CHUBS🐷:
Bakit na naman
ba?!

TUKMOL💪:
Sige na. Punta ka lang
dito. Saglit lang 'to.

Inis akong lumabas ng condo ko. Pagkababa ko ay nagtataka ako kasi wala naman siya do'n. Luminga-linga pa ko pero wala talaga.

Biglang tumunog yung phone ko dahil nag-chat na naman siya.

TUKMOL💪:
Nasa kotse ako. Sa
kanan mo.

Nandon nga yung kotse niya sa kanan. Ang tamad naman kasing bumaba. Nandito naman pala.

Pagkabukas ko ng kotse ay nagulat ako ng makita ko kung sino ang nakasakay do'n. Si Sven.

Nakangisi pa siya sa akin sabay pakita ng cellphone ni Jeth.

Isasarado ko na sana yung pinto nang may magtakip ng panyo sa bibig ko. I couldn't resist. Until everything went black.

Nagising ako nang biglang may sumampal sa akin. Iginala ko yung mata ko para tanawin kung nasaan ako.

"Shinea..... Shinea." nakita ko si Jade sa harapan ko. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko. Hinawakan niya ng mariin ang bibig ko. "Alam ko ang kahinaan mo, pa'no ba yan?..."

Galit ko siyang tiningnan. Binitiwan niya ako at saka nagpalakad-lakad sa harapan ko. "Ang sarap magmahal no? Hindi mo nga lang alam, 'yan din pala ang magdadala sa'yo sa sarili mong hukay."

Inalis niya ang pagkakatakip sa bibig ko. "Look. I'm so kind to let you speak...." Inilapit niya ang bibig niya para bulungan ako. "Since this will be your last day naman, so bakit hindi pa kita hahayang magsalita, diba?"

"Walang hiya kayo!!! Saan niyo dinala si Jeth!" binalot ng sigaw ko ang buong kwarto.

Hinawakan niya ang buhok ko. "Gusto mo ba talaga siyang makita bago ka mamatay?" Then she smirked. "Huwag ka nang mainip. You'll meet him soon....." inilapit niya muli ang bibig sa tainga ko. "..in death."

Narinig ko ang malakas na halakhak niya. Namumuo ang galit sa dibdib ko.

"Anong ginawa niyo kay Jeth ha?!!!!" hindi ko na mapigilang ilabas ang galit ko.

"Huwag kang maingay ha?! Kung ayaw mong pasabugin ko yung ulo mo gamit 'to." tinutukan niya ako ng baril sa ulo. "Sven. Dalin na natin 'to."

"Mga hayop kayo!!!" biglang tinakpan ni Sven yung bibig at mata ko gamit ang itim na tela. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

Nang makarating na kami ay inalis na nila ang telang nakalagay sa mata at bibig ko. Nanlaki ang mata ko sa naaninag ng mata ko.

Nakita ko si Jeth na nakagapos, puro pasa ang katawan niya. Kita ko rin ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Shinea..." bulong niya ng magtama ang tingin namin.

"Shinea, ang nag-iisang anak ng mga Gomez." narinig ko ang yabag ng paa sa di kalayuan.

Nanindig ang balahibo nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. "Boss. Ano ang gagawin namin sa babaeng 'to?"

Siya ang boss ng G Mafia? Si Governor Gustavo Villaflor?

Pinaniwala niya kami na hinire niya ang G Mafia para patayin ang mama ko.  Binaliktad niya kami dahil siya pala mismo ang nagpapalakad nito.

Bigla niya ako hinawakan sa ulo ko. "Walang hiya kang gago ka! Huwag mong sasaktan si Shinea!!" rinig ko ang malakas na hiyaw ni Jeth.

Nakita ko pa siyang ngumisi. "Huwag ka rin sanang magmatigas, kung ayaw mong matulad sa iyong ina."

Binitawan niya ang ulo ko at saka dumako sa direksyon ni Jeth. "Simulan niyo kay Andrada. Patayin niyo kung kinakailangan kung ayaw talagang ibigay ni Gomez ang ebidensiya."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Nginitian lang ako ni Jeth nang muling magtama ang tingin namin.

Hindi 'to pwede!

Nakita kong lumapit si Sven sa kanya habang hawak-hawak ang latigo. Nanonood lang si Gustavo sa gilid habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.

Rinig ko ang mga sigaw ni Jeth habang lumalatay ang latigo sa balat niya. Naluluha ako. Hindi ko na kayang manood pa.

"Ano Shinea? Magmamatigas ka pa rin ba?" sambit ni Gustavo.

Basang-basa na ang pisngi ko ng luha. Napakagat ako ng labi habang tinitingnan si Jeth na nahihirapan.

"Chubs. Huwag na huwag mong ibibigay sa kanya, pakiusa-" hindi na naituloy ni Jeth yung sasabihin niya dahil biglang lumatay ang latigo sa kanya.

Nakayuko lang ako habang sinusuri ng mabuti ang desisyon ko.

"Ibibigay ko na! Pakawalan niyo na si Jeth!" biglang napangisi si Gustavo sa narinig niya.

"Chubs. Pakiusap. Huwag mong ibibigay sa kanila."

Inabot ko na sa kamay ni Gustavo yung memory card.

"Good girl, Shinea. Madali ka lang palang kausap." napahalakhak si Gustavo nang makuha na niya yung hinahanap niya. "Kalagan mo na si Andrada, Sven."

Kinalag ni Sven yung pagkakatali kay Jeth. "Ano na gagawin namin dito sa dalawa na 'to, boss?"

Tumingin sa akin si Gustavo at biglang napangisi. "Ang kasunduan lang natin, pakawalan ko si Andrada, hindi ko sinabing bubuhayin ko pa kayo."

Napakuyom ang kamao ko sa inis. "Napakawalang hiya mo talaga! Napakasama mong tao!"

"Nakakaawa ka katulad ng iyong ina." nginisihan niya pa ako bago bumaling kay Sven. "Iligpit niyo na yung dalawa na 'yan, Sven."

Humlakhak si Gustavo habang humahakbang palayo.

Lumapit sa akin si Sven at saka niya ako sinampal.

"Hayop ka! Papatayin kita!" Nagwawala si Jeth.

"Huwag kang mag-alala Andrada, ikaw ang una kong ililigpit. Gusto kong makita kung paano maghinagpis si Shea."

Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko kaya dinuraan ko na si Sven sa mukha. Inis na napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Dumampi muli sa pisngi ko ang malakas na sampal ni Sven.

Rinig ko ang malakas na sigaw ni Jeth nang sampalin ako ni Sven.

Hinawakan niya ang bibig ko. "Sinubukan mo pang linlangin ang G Mafia huh? Well, mukhang ikaw ata ang nalinlang. Ginamit ka lang naman namin para mas madali namin makuha ang lahat ng ebidensiya." napangisi siya.

Inis na binitawan ni Sven yung bibig ko at saka napahalakhak.

Nakita kong lumapit si Sven kay Jeth at saka itinutok ang baril sa ulo nito. "May gusto ka bang sabihin, bago ko kalabitin 'to?"

"Ibaba mo yan! Hayop ka!"

Ngumisi sa akin si Sven. "Well, mukhang wala ka nang sasabihin pa. Itutuloy ko na."

Walang humpay sa pagpatak ang mga luha sa pisngi ko. Nakangiti lang si Jeth habang nakatingin sa akin.

Umaakmang kakalabitin na ni Sven yung baril na hawak niya.

Pumikit ako. Ayokong makita 'to. Ayoko.

Hanggang sa narinig kong umalingawmgaw ang malakas na putok ng baril.

Nanatili pa rin akong nakapikit. Ayokong idilat ang mga mata ko. Natatakot ako sa maaaring makita ko.

"Shinea.." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jeth.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakitang nakahandusay na sa sahig si Sven.

Lubos ang pagkagulat ko nang makita kong kinakalagan ako ni Jade. "Pasensya na sa ginawa ko kanina sayo."

"Bakit mo ginagawa 'to?" I asked out of curiosity. "Bakit mo kami tinutulugan?"

"Gusto ko lang makabawi sa lahat ng ginawa ko sa inyo noon ni Jeth. Ito  sana ang gusto kong sabihin ko sa inyo no'n pero ayaw niyo akong payagan..." patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya. "Pasensya na kung palagi kitang sinusundan. Gusto ko lang matiyak ang kaligtasan niyong dalawa."

Bigla akong napayakap sa kanya. "Maraming salamat Jade. Utang na loob ko sayo ang buhay ko." sambit ko habang patuloy lang sa pag-iyak.

Kinuha niya ang kamay ko at saka inilahad sa akin ang isang memory card. Ito yung memory card na nakuha ni Sven sa Baguio. Nanlaki ang mata ko sa gulat at saka binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Saka mo na ako pasalamatan, kailangan na nating makaalis rito."

Agad akong napayakap kay Jeth pagkakita ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at siniil siya ng halik. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "I love you so much, Jeth. I'm so afraid to lose you."

Tinulungan ako ni Jade para alalayan si Jeth at saka itinuro ang daan palabas. "Sayang lang nasa kamay na ni Papa yung isang ebidensiya." banggit ni Jade. Habang papalabas kami.

Kinuha ko sa bulsa ko yung isang memory card at saka ipinakita sa kanila. "Hindi totoo ang nasa kamay ni Gustavo. Here's the real one."

__________________☆

-CYRONGRAY





























Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
61.3K 2.6K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
569K 50.9K 34
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
3.4K 198 21
KarJack One Shot Stories