LET GO (BTS SONG SERIES #1)

By JellymaeAngel08

7.1K 2.2K 2.4K

[ COMPLETED :: EDITING ] This is a BTS inspired series. I called it as a series because I will be using BTS'... More

SYNOPSIS
LET GO
LET GO 2
LET GO 3
LET GO 4
LET GO 5
LET GO 6
LET GO 7
LET GO 8
LET GO 9
LET GO 10
LET GO 11
LET GO 12
LET GO 13
LET GO 14
LET GO 15
LET GO 16
LET GO 17
LET GO 18
LET GO 19
LET GO 20
LET GO 21
LET GO 22
LET GO 23
LET GO 24
LET GO 25
LET GO 26
LET GO 27
LET GO 28
LET GO 29
LET GO 30
LET GO 31
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE : IMPORTANT

LET GO 1

844 212 408
By JellymaeAngel08


"Kiara! Ano ba!? Di ka pa ba papasok!?"

Napasimangot ako sa sigaw ni Ella at pilit na pinikit ang mata ko. Yumakap ako sa unan at hinihintay na makatulog na ulit.

"Kiara! Isusumbong kita sa mommy mo!" napabalikwas kaagad ako sa higaan at masamang tumingin sa pintuan na akala mo ay nandoon ang pesteng gumigising sa'kin.

Ang aga aga pa eh!

As if on cue, the door of my room opened and Ella entered with a bad aura plastered in her face. Masamang masama ang tingin niya sa'kin kaya naman napanguso nalang ako at kinusot ang mata ko. Inaantok pa 'ko.

"Gaga ka ba? Kanina pa kita ginigising," inis na aniya, may hawak pang sandok. "Malelate na naman tayo pareho at malalagot ka na naman sa Professor mo," dagdag niya pa at lalo akong pinanlakihan ng mata.

Napairap ako. Tama siya, lagot na naman ako sa terror naming professor na ako lagi ang trip pagalitan. Napakabait kong estudyante para ganitohin niya 'ko. Tsk, dahil lang late? Hindi ba pwedeng traffic or something? That terror professor is getting on my nerves! Pasalamat siya at may pangarap ako sa buhay.

"Alam na ba ni tita na trip ka niyang Prof n'yo?" natatawang tanong ni Ella habang nakatayo kami sa waiting shed, naghihintay ng jeep na masasakyan papasok. Bumaling ako sakaniya at umirap. Kanina lang ay inis na inis siya sa'kin, ngayon ay nagagawa na akong asarin.

I sighed. "Hindi syempre. Edi patay ako d'on," sagot ko sakaniya at inayos ang strap ng bag ko nang maramdaman kong hindi pantay 'yon.

"Sabagay, patay kang talaga 'pag nalaman niyang nagdiditch ka ng classes—"

Nanlaki ang mata ko. "Anong ditch classes!? Bobo ka ba? Nale-late lang!" galit na wika ko, pinutol ang sasabihin n'ya.

She laughed so hard pagkatapos kong sabihin 'yon. Ito talagang si Ella, ang lakas ng tama.

"Ah late lang ba?" tanong niya, nang aasar ang tono pagkatapos ay tumawa siya ulit. Siniringan ko nalang siya at hindi na sumagot nang makita ang jeep na papalapit na. Tinignan ko agad ang placards at natuwa nang makita ang lugar na madadaanan.

"Ayos, isang sakayan," wika ko habang hinihintay na makalapit ang jeep. Nang huminto ang jeep ay iniwan ko agad si Ella doon na tumatawa pa at natigil lang nang makitang umalis ako at papasok na ng jeep.

"Hoy bastos ka," aniya nang makasakay na kami ng jeep at makaupo. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. She just raised her right eyebrow on me, naghahamon.

"Bayaran mo pamasahe natin," sagot ko, malayong malayo sa sinabi niya. Nangunot agad ang noo niya, nagsisimula nang mainis.

"Bakit ako!?" Napakurap ako sa lakas ng boses niya at nahihiyang sinilip ang mga kasama namin sa jeep na napatingin sa gawi namin. Hinampas ko ang kamay ni Ella sa hiya. Jusko, napakaingay!

"Kanina mo pa ko binabadtrip, ikaw magbayad," mahinang wika ko pero may diin. Napasimangot siya sa inis habang nakatingin sa'kin. Maya maya pa ay huminga siya ng malalim at nakangusong kinuha ang wallet niya sa bag. Ngumisi ako.

Ella is my cousin and also a friend. But I'm not her bestfriend kasi she got a squad of her own. We are just that close at ayos saakin 'yon. Sinilip ko ang wallet niya habang naghahanap siya doon ng barya. Para tuloy kaming tanga na sinisilip ang kung ano. Nang makakuha siya ng pamasahe ay masama akong loob niyang inabot sa'kin 'yon habang ako naman ay nakangisi.

Pinaabot ko agad sa malapit sa driver yung bayad. "Sa Brent University po, dalawang estudyante," malakas na wika ko para marinig ng driver. Gusto ko ng mahiya nang balingan kami ng mga tao at ang iba pang nasa jeep na estudyante din ay pinasadahan kami ng tingin at halata sakanila ang pagtataka.

Brent University is a prestigious school in this country at malamang ay alam ng lahat na puro mayayaman lang ang nakakapasok doon. Feeling ko ay iniisip na ng mga 'to kung bakit namamasahe lang kami at hindi nakakotse kung sa Brent kami nag-aaral. Hindi ko akalaing mararanasan ko 'yung mga nababasa ko sa libro. Pasimple akong bumuntong hininga at nagkatinginan kami ni Ella na napabuntong hininga nalang din.

Hindi rin siguro sila makapaniwala dahil nakacivilian lang kami ngayon. Wash day ngayon at hindi rin mahigpit ngayong araw kaya kahit naka-civilian lang ay ayos lang. Hindi ko naman masisisi ang mga estudyanteng 'to dahil totoo namang dapat ay nakasakay kami sa kotse dahil iyon 'daw' ang 'signature' ng bawat estudyante sa university.

Pareho kaming may kaya ni Ella pero hinayaan kami ng mga parents namin na manatili sa iisang apartment na mukha na ding condominium without any luxury. Kami ang gagastos sa lahat at tanging monthly allowance lang ang binibigay sa'min. Means we have to manage it. Senior high school pa lang ay sinanay na kami sa ganito kaya wala ng kaso sa'min. At ngayong college na kami pareho ay mas naging malaki ang responsibilidad namin.

Nang huminto ang kotse sa isang daan na papunta sa school ay bumaba na kami ni Ella. Sinipat ko ang relo ko at nang makita ang time ay naitulak ko palabas si Ella.

"Aray!" hiyaw niya at nang balingan ako ay inis na inis na siya.

I made a peace sign at pinakita ang relo ko sakaniya. Nanlaki ang mata niya at sa isang iglap lang ay tumatakbo na kami pareho. "Sabi ko sa'yo, maaga ka dapat gumising eh!" sigaw niya habang tumatakbo kami, hindi pinapansin ang mga nakakakita sa'min. Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may marinig na nahulog.

"Hoy!" sigaw ni Ella pero di ko siya pinansin at hinanap kung ano ang nahulog dahil narinig ko talaga na tumunog 'yon. At parang--

Nanlaki ang mata ko nang makita na book 'yon! Book ko! Medyo malayo sa pwesto namin ngayon kaya tinakbo ko ulit para makalapit 'don. I was about to get it pero may nauna nang yumuko saakin at kinuha ang book. Hinihingal pa ako but I managed to speak.

"Ah, that's mine," wika ko habang naghahabol nang hininga nang makita ang lalaki na sinisipat 'yung libre. Umayos siya ng tao dahil kanina ay medyo nakabend siya kaya naman ang taas na niya saakin.

Male-late ako nito.

"Can I—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang inabot saakin ng lalaki ang libro, kasabay n'on ay pagharap niya sa'kin dahilan para makita ko na ng buo ang mukha niya. Para akong mabubulunan sa sarili kong laway nang makita ang itsura niya.

The hell, ang gwapo!

Wala sa sariling inabot ko 'yon habang nakatulala sakaniya. "You also like books, I guess," wika niya na lalong nagpatigil sa'kin. Even his voice was husky! Damn! He even smiled at me. Maya maya pa ay napakurap nalang ako at nabalik sa wisyo. I faked a cough and looked away.

"T-Thanks." Gusto ko ng sapakin ang sarili ko nang mautal ako sa pagsasalita. Bobo, Kiara.

"Hoy! Tara na," napalingon ako sa likuran ko. Napapikit ako ng mariin. Oo nga pala, late!

Humarap ulit ako sa lalaki na nakapamulsa na ngayon sa harap ko at bahagyang nakatungo dahil sa height ko. "Salamat, I have to go!" wika ko at wala ng sabi sabing tumalikod at tumakbo na ulit kasama si Ella papasok ng school. Nang makarating ako sa room namin ay napatingin ang mga kaklase ko sa'kin.

Pumikit ako at nagpasalamat na wala pa ang Prof namin. "Umaga pa lang hulas ka na Kiara," puna ng isa sa mga kaklase ko, si Faith na katabi ko sa upuan. Hindi ko muna siya pinansin at inayos ang bag ko sa upuan pagkatapos ay umupo, kinalkal ko ang polbo, suklay at salamin at inayos ang sarili.

"Natatakot akong ma-late eh," sagot ko habang nag-aayos ng sarili dahil hulas na hulas na nga ako at mukha akong hinabol ng aso. Napanguso ako nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Trip din ako ng mga 'to eh, trip asarin dahil kilalang kilala na nila ako.

"First time mong 'di ma-late niyan ha,"  asar saakin ng lalaking kaklase ko, si Carl. Siniringan ko nalamg siya at inayos na ang sarili. Saktong pagdating ng Prof ay tapos na din ako sa pag-aayos ng sarili.

Napairap ako sa kawalan nang magsimulang maglikot ang mga mata ng Prof naming terror at nang matapat saakin ang paningin niya ay umangat bigla ang sulok ng labi niya at tumaas din ang kabilang kilay niya. "Miss Bellamonte," nang-aasar ang tinig niya. Napatingin tuloy sa gawi ko ang mga kaklase ko. Tsk.

"Buti naman at hindi ka late ngayon," puna niya. "Sawang sawa ka na ba sa sermon ko?" kaunti nalang ay matawa na siya. I sighed to hide my feelings.  Oo prof, dinaig mo pa yung pari sa panenermon, wala ka tuloy natuturo.

"Magkakasundo tayo kung ganiyan ka lagi," aniya pa at ngumisi. Nang tumalikod siya para magsulat sa white board ay umirap ako. I made face and rolled my eyes again. Siniko agad ako ng katabi kong si Faith at nang tignan ko siya ay tahimik siyang tinatawanan ako.

Bwisit eh.

Lalaki ang prof naming terror. Yes, he is a fucking guy but he's annoying. Hindi siya babae pero andami niyang dada. Terror na madada, tsk.

I'm taking accountancy course while Ella is taking engineering course kaya hindi kami magka-block. At dahil di kami magka-block ay hindi rin kami nagsasabay sa lunch kaya naman ngayong breaktime namin at 1 hour vacant ay mag-isa ako. I can't come with Faith dahil kasama niya ang bestfriend niya. I can't come with my other blockmates too dahil may sari sarili silang squad and I'm always alone. Ayos lang naman sa'kin dahil kahit papaano ay close ko sila.

Yun nga lang, nakakainggit. My mom is my lifetime bestfriend at bukod sakaniya, wala na. I can't just ask her to come here and eat with me for heaven's sake.

Bago pa ako malunod sa kaiisip ng kung ano ay tumuloy nalang ako sa mall na malapit lang sa university at doon napiling ubusin ang vacant hour ko. Syempre, doon na ako agad sa bookstore tumuloy dahil hindi pa naman ako gutom. Nagsimula na akong mag-ikot ikot at magtingin tingin ng mga libro na madadadagdag sa collections ko.

Nakangiti lang ako habang tinitignan at sinisipat ang bawat libong nadadaanan ng daliri ko. I already have most of the books na nakikita ko ngayon. Sa sobrang hilig ko sa books mula nung grade 9 ako ay hindi na mabilang kung ilang libro na ang meron ako. Basta lahat 'yon nasa shelf na pinagawa ni mom for me dahil alam n'yang wala akong ibang paglalagyan. Tumingin pa ako sa pinakataas ng shelf at nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na libro na matagal ko ng hinahanap.

"Oh my god," I murmured at agad inabot 'yon, pero bago ko pa magawang hawakan ay may nauna na sa'kin. Nanlaki ang mata ko at sinundan ng tingin ang librong gustong gusto ko.

"Hey, that's mine!" inis na wika ko at tinignan ang may hawak. Natigil ako nang makita ang buong mukha niya. Umawang ang bibig ko sa gulat.

"Ikaw?" gulat na wika ko. Kumunot ang noo niya pero maya maya lang ay napangiti siya like he remembered someone.

"You're the one who was running earlier, right?" tanong niya. Napatango naman ako.

Ito yung lalaking pumulot sa libro ko kanina nung nagmamadali kami. Siya yung gwapo! Preach!

"What are you doing here?" tanong niya pa. Gusto ko sana siyang barahin at sabihing wala siyang pakialam dahil hindi naman kami magkakilala but it will be too rude kung sasabihin ko 'yon.

"Looking for a new book," tipid na lamg na wika ko at tinignan ang librong hawak niya. "A-And, can I have that? I want it," walang paligoy ligoy na sabi ko habang nakaturo sa book na hawak niya. When I looked up at him, he was already smiling in amusement.

Tinuro niya din ang librong hawak niya and his smile gets wider. "This?" tanong niya. Tumango ako.

"But I got it first." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. My mood changes in an instant at ngumuso, just to hide my irritation.

I sighed. "I saw it first. Naunahan mo lang akong makuha," sagot ko sakaniya. Lalong lumawak ang ngisi niya. He licked his lower lip while looking at me.

"I got it first, it's mine missy," aniya at ngumisi. Ang tinatago kong inis ay sumabog nalang bigla. Sinamaan ko siya ng tingin.

"But I saw it first!" pasigaw na wika ko. "Makukuha ko na sana pero inagaw mo," inis na sabi ko, parang batang nagmamaktol.

Napailing siya at halos matawa na. "Can you just pick another book? Marami naman diyan eh, akin nalang 'yan," inis na wika ko at lalo pang nainis nang tumawa siya.

"I want it too missy."

Lalo akong napasimangot. Tinignan ko ang shelf kung saan nanggaling yung libro but damn, wala ng ibang stock 'yon. Iyon nalang hawak niya. Napapikit ako sa inis.

"But I saw it first nga" inis ng wika ko. "I saw it first, It should be mine" dugtong ko pa. He looked at me with amusement. Hindi na siya tumatawa pero halatang nagpipigil lang siya.

"Damn, are you tripping me? Just give it to me mister" inis na sabi ko. Doon tumaas ang kilay niya.

"I'm into books miss and I want it too" aniya at ngumiti. Yung seryoso. Napanguso ulit ako. "And I got it first," aniya pa.

Oo nga, oo na. Nakuha na niya pero ako unang nakahanap n'on eh! Huhu, my precious book.

"I bet, you just pick another book. Marami naman diyan, diba?" napairap ako sa inis. Binalik niya ang sinabi ko kanina sa'kin. Nakakainis! Gwapo nga pero hindi marunong magbigay!

Napapadyak ako sa sahig sa inis at lalo lang siyang natawa. Pumikit ako ng mariin at humarap sa shelf. I accepted it, I'm defeated. Pero, nakakaiyak. I can't have the book at maghihintay na naman ako para makuha ulit 'yon. Damn!

"I should go now, bye miss," aniya pero inirapan ko lang.

Nang makaalis siya ay halos sumigaw na ako sa frustration. My book! Naikuyom ko ang palad ko sa pagpipigil but I just saw myself following the guy na tapos ng bayaran yung book na kinuha n'ya and he is already heading outside the bookstore. Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ko siya and when I did, agad niya akong nilingon with a shock registered on his face.

"Give it to me nalang please?" wika ko.

Umawang ang labi niya sa gulat at halatang hindi makapaniwala. "I will pay that double to the original price, just give it to me," wika ko pa, desperada na. Gusto ko na siyang batukan dahil nagsimula ulit siya sa paglalakad habang sinisilip silip ako sa pagtataka.

"Mister, please. Kahit triple pa babayaran ko just to have that. I want it so much," pagmamakaawa ko. Damn, for a fucking book, I will please anyone.

Natigil siya sa paglalakad kaya naman natigil din ako, just to realize na nasa may foodcourt na kami ng mall. I sighed.

"You're so much persistent huh?" puna niya, the side of his lips rose up.

Tumango ako. "I want that book," may pinalidad sa boses na wika ko. I don't want to sound bossy pero iyon yata ang kinalabasan because I just heard him laughing again.

He sighed heavily at hinarap ako. "You really want it?" tanong niya. Hindi ba obvious!?

"Yes. Magkano mong ibebenta? I will pay for that," pakikipagnegotiate ko sakaniya. He smiled amusingly after what I said.

"Date me, then."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. Ano daw? Date?

"Ano?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan. Ayokong intindihin.

He laughed amusingly and pursed his lips. "You want the book, then let's have a date," aniya na lalong nagpalaki sa mga mata ko.

"Seryoso ka ba!?" tanong ko. "Speed ka mister ha," puna ko at umirap pero tumawa lang siya.

"It's fine," aniya at ngumisi. "No date, no book."

Kinaway niya pa sa harap ko ang libro bago niya ako talikuran. Napapikit ako sa inis at hinawakan ang braso niya. When he turned back to look at me ay binitawan ko 'yon at suminghap.

"Hindi ba pwedeng bayaran ko nalang?" I asked.

Umiling siya ng nakangiti. "I don't need money right now," aniya. "You choose. Date me or you lose the book" ngising aniya. Napairap ako sa inis.

This would be my first time dating a guy kapag nagkataon! I never dated someone in my entire life. And I can't accept it, ide-date ko ang isang lalaking hindi ko kilala just for the book. Damn! I sighed heavily. For the book. I want the book.

"Deal."

When I looked up at him, he was already smiling so sweet and I just looked away, avoiding his gaze dahil napakagwapo niyang tignan! This stranger is just so attractive.

"Okay then, give me your number."

Nangunot ang noo ko sa inis. "Magde-date na, hihingin pa number?" inis na wika ko that made him chuckled.

"How would we meet kung hindi kita maitetext?" balik na tanong niya. I sighed. Nilahad niya ang phone niya sa'kin and I got no choice but to give him my number. Binalik ko sakaniya 'yon at bumuntong hininga.

"Deal," ngising aniya. "You will have the book after the date," aniya at tinalikuran na ako. Halos matulala ako sa kaninang pwesto niya.

Ibig sabihin, hindi ko talaga makukuha ang libro ngayon hangga't hindi kami nagde-date! Damn! Mahusay na estranghero. Mahusay kang bata ka!

------

"Oh bakit nakasimangot ka diyan?"

Naghahanda na ng hapunan ang pinsan kong si Ella at ako naman ay nandito na sa dining, hinihintay ang luto niya. I sighed.

"Yung book, I didn't get the book," sumimangot ako.

Nilapag niya sa mesa ang niluto niyang adobo at rice pati na ang mga kubyertos bago umupo sa tapat ko. Inabutan niya ako ng plato at naghati kami sa rice na sinaing niya pagkatapos ay nagkanya kanya na kami ng kuha sa adobo.

"Bakit hindi mo nakuha? Knowing you, you won't let a book slip away," natatawang aniya habang kumukuha ng adobo mula sa bowl.

Oo nga!

Tama siya. What I want is what I get. Wala akong book na pinapalampas. Kapag gusto ko, magiging akin no matter what happens.

"Oo nga. Someone got it first and he wouldn't give me," inis na sagot ko sakaniya. Sumubo ako ng isang kutsara ng pagkain.

"Hindi mo binayaran ng malaki?" tanong ni Ella.

I sighed. "Ayaw n'ya din,"

"Oh" she gasped. "Well I think—"

"Pero may isa siyang deal," pagputol ko sa sinasabi niya. Napatigil siya at napatitig sa'kin.

"Ha?"

I sighed heavily. "We had a deal," wika ko at bumuntong hininga. Nagpatuloy siya sa pagkain habang hinihintay akong magsalita.

"We will date."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig siyang masamid at umubo ng umubo. Kinuha ko ang baso na nasa gitna at pitsel na may tubig, sinalinan ko 'yon at inabot naman niya. Agad niyang ininom at pagkatapos n'on ay nanlalaki ang mata niyang tumingin sa'kin.

"Ano kamo? Nabingi yata ako," aniya habang pinupunasan ang bibig.

Tumango ako. "In order to get that book, I have to date him," wika ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"At pumayag ka?" tanong niya, hindi makapaniwala.

Ngumuso ako at hindi sumagot. Napasinghap siya sa gulat.

"Ano Kiara!?" di makapaniwalang aniya. Lalo akong napanguso.

Umiling siya ng umiling habang sapo pa ang noo. "Anak ng tupa. Sasama ka kahit kanino para lang sa libro?" hindi pa rin makapaniwalang wika niya. I sighed heavily. Yeah, I would do everything to have the book I want. Damn.

"Eh gwapo naman ba?"

Ako naman ang nasamid sa sinabi niya. Inabutan niya agad ako ng tubig at agad kong ininom 'yon. Sinimangutan ko siya sa inis.

"What? I'm just asking. You can't date someone na hindi pasado sa standards. That would be so cheap," maarteng aniya at inirapan ako.

I looked away and remembered the face of the strange guy. Gwapo siya. "Gwapo siya," I unconsciously said.

"Totoo?!" bigla ay naging excited ang tinig ng pinsan ko. I rolled my eyes.

"Siya din 'yung lalaking nakapulot nung nahulog kong libro kaninang umaga," I explained.

"Ha?" hakdog. Nangunot pa ang noo niya na parang inaalala 'yung sinasabi ko. Mayamaya ay ngumisi at tumango. "Gwapo nga. 'Di ka na lugi," aniya pa at tumawa. Gaga talaga.

It was already 3 days after that incident with the guy happened and he still didn't asked me for a date. I mean, ayoko naman talaga siyang i-date, it's just for the sake of my precious book! Makukuha ko ng libre after dating him.

"Hindi pa ba tumatawag sa'yo?" tanong ni Ella kinagabihan. Gusto ko siyang sabunutan dahil busy na nga siya, ang dami dami niya pang daldal.

The week for me is not so busy dahil puro discussions lang naman ang ginawa namin. The usual, being tripped by the terror professor na gusto ko nalang mawala sa mundong ibabaw. Tsk.

Umiling ako. "Hindi pa," sagot ko. I hate what I'm feeling right now. Para akong dissapointed na hindi sinipot ng date, damn.

"Scam 'yan!" sigaw ni Ella. Napatingin ako sakaniya. "Sabi mo, gusto din niya yung book diba?" she asked. I nodded.

"Baka nagbago ang isip. You know." Napanguso ako sa sinabi niya.

Baka nga!--- Pero yung number ko! He already got my number. So anong modus 'yon.

Papalitan ko nalang number ko—

Natigil ako nang mag-ring ang phone ko na nasa tabi ko lang. Nandito kami sa sala ng apartment. Nagdodrawing ng kung ano si Ella habang ako naman ay nakikinood lang.

"Sino 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa phone ko. Nagkibit balikat ako.

Unknown number. Hindi nakaregistered sa phone ko 'yung number. "Baka si gwapo na 'yan, sagutin mo na!" excited na wika niya. Napatitig ako saglit sa number bago sinagot 'yon tinapat sa tenga ko.

"Hello?" I awkwardly said habang nakatingin kay Ella na noon ay nakangisi na sa'kin. I glared at her.

"Hey," nanlaki ang mata ko sa boses ng lalaki. Mas husky ang boses niya sa phone, damn.

"Uh--- yeah, who's this?" pinilit kong magpaka-casual habang tinatanong 'yon. I heard him chuckled a little from the other line.

"The guy who have your book."

Napapikit ako sa sagot niya. Siya nga.

"Siya ba?" Ella mouthed and I just nodded as an answer. Halos mapatili na siya pero pinigilan niya at hinampas nalang ako. Akong nakakakilig d'on?

"Yeah," sagot ko. Nasapo ko ang noo ko sa inis. "Would you give me the book now?" diretsang tanong ko at ayun na naman ang tawa niya.

"No." Napanguso ako sa inis.

"On sunday, 12pm, lunch. Sa mall ng brent," he informed. Napatango ako na parang nasa harap ko lang siya.

"Okay then," I plainly answered at bumuntong hininga.

"Good. Good night missy"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I was about to react when the call ended already. Bastos. Nang tignan ko si Ella ay nakangisi na siya sa'kin. I gave her a sarcastic laugh at iniwan siya doon. I've no time with her trip. Besides, that guy is just a stranger. No thing.

Kinabukasan ay wala ang terror na prof namin. Good for me, 'wag na siya papasok kahit kailan. Tsk.

"Di ka ba kakain?" napalingon ako kay Faith na noon ay nakatayo na at nakatingin sa'kin. Naituro ko ang sarili ko sa gulat. Umiling ako at binigyan siya ng nagtatanong na ekspresyon.

"Wala kasi si bessy, baka gusto mong sumabay sa'kin," she answered and gave me an awkward smile. Napangiti naman ako ng tipid.

Here is it, being the second choice again. Well—

"Tara," sabi ko nalang at sabay na kaming lumabas ng room namin. As usual, our blockmates got their own squad at ayon sila nagkakasiyahan. Habang kami ni Faith ay nagkukwentuhan lang ng kung ano-ano. It's just okay with me pero masakit din sa puso na people will just ask me to go with them kapag wala yung bestfriend nila. They will just ask me when they need anything, and if it's already okay, they will just leave me.

Sanay na ako.

Nang makarating kami sa cafeteria ay maiingay na mga estudyante ang sumalubong saamin. Hindi naman crowded dahil napakalaki ng cafeteria ng University na kahit pa magsama ang highschool at college ay kakasya. Airconditioned din ang cafeteria kaya hindi mainit. Nagmukha lang crowded ngayon dahil sa ingay at syempre, mas malakas ang boses ng mga babae na nagtitilian pa. Dumiretso nalang kami sa may counter at chineck kung anong meron sa menu ngayon.

Napapabuntong hininga nalang ako sa presyo ng mga pagkain dito. Ginto ang tuition, pati bilihin ginto din. Wala man lang student-friendly foods. Sabagay, Brent nga pala 'to. Tahanan ng mayayaman, tsk.

"What's your order? It's my treat!" magiliw na sabi ni Faith. Nginitian ko siya. Faith is one of my dream friends.  Bukod sa magiliw siya kasama, she is so kind-hearted woman. She has this aura that I can't see to anyone. Masyadong maamo ang mukha niya and she has a fair skin that made her more look like a rich girl-- na totoo naman. Hindi rin siya ganoon kaarte, tama lang sa estado ng buhay niya.

She won't hesitate wasting money to treat her friends, kahit sino pa 'yan. Ang kaso, she already got her bestfriend and I could not beat that.

"Steak nalang. I'm on a diet." I chuckled after that.

Tumango naman siya at nakitawa, pagkatapos ay nilabas niya ang school card niya. It is like an atm at iyon ang gamit namin pambayad sa cafeteria. Nang makaorder na kami ay agad kaming nakahanap ng pwesto na pangdalawahan lang.

Natawa ako sa pagkaing inorder niya. She looks like eating in a fiesta dahil ang dami. Nang mapansin niyang natatawa ako ay ngumuso siya. "Yah, don't laugh at me," wika niya. "Ganito lang talaga 'ko, nasanay kay bessy," dugtong niya pa at tumawa.

Ngumiti naman ako at tumango. Ang sarap sigurong magkabestfriend? Yung game sa lahat?

We are in the midst of eating when the students noise became louder. Dumami na ang estudyante sa cafeteria at puro sila tili at kantyawan.

"He's so gwapo! Accck!"

"Why is he here, anyway?"

"Perks, you know."

I sighed, hearing those words. Sino na naman kaya ang tinitilian ng mga 'to? Last week, they are all talking about the heartthrob guy from Tourism department, and now another one again. Mga kolehiyo na pero ganito pa rin umasta. Para bang hindi sanay ang mga mata nila sa gwapo.

"Ang gwapo nga no'n," bigla ay nagsalita ang nasa harap ko kaya napalingon ako sakaniya. She is currently eating her burger.

"Who? May bago na naman silang kinaaadikan?" I asked like it was just a normal thing.

Tumango siya at nilunok ang kinakain bago nagsalita. "Yeah, from La Salle," aniya. Tumango ako, narinig ko din naman sa ingay ng mga babae.

"You don't know him?" tanong ni Faith saakin habang pinupunasan ang bibig niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman natawa siya.

"Oo nga pala, books before boys because boys bring babies," aniya. Kabisado niya pa pala yung lagi kong sinasabi sakanila. It was a word from a popular book na talagang tumatak sa'kin. I would always tell them that kapag pinagtitripan nila ako o irereto sa random guys.

"Anyway, it's Mattheus Kian Adriano from La Salle. Sikat na sikat ang name niya sa iba't ibang universities," paliwanag niya. Tumango naman ako, walang kainte-interes.

"And I guess he's here inside the university. Halata naman eh," tawa pa niya kaya nakitawa din ako.

Kung ano man ang ginagawa ng lalaking hindi ko alam kung sino iyon ay wala na akong pakialam. Huwag lang nila akong itutulak like what is totally happening in the books I have read. It's just so cliche. I do love books pero ayokong mangyari sa totoong buhay yung ganon. Tapos ako ang mapapahiya? Nah.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami agad ng cafeteria ni Faith at naglakad lakad lang kami sa hallway when Faith suddenly stopped. Nilingon ko siya pero nakatingin na siya sa kung saan. "That's him!" aniya pa at tinuro ang kung sino.

"Huh?" I asked, confused. Sinundan ko kung saan nakaturo ang hintuturo niya. Natigil ang mata ko sa tapat ng office na malayo sa direksyon namin. There was a guy standing there talking to the doctor na tingin ko ay si Dra. Santos. Nakatagilid ang pwesto ng lalaki kung titignan sa direksyon namin so I got no chance to look at his face. Only the side view of him.

Nangunot ang noo ko when I realized that it's somehow familiar. Mayamaya pa ay may lumapit sakaniyang mga kababaihan at mukhang nagpapapicture. Humarap siya sakanila and I was about to see his face clearly when someone called me.

"Kiara!" sigaw ng kung sino and I just saw my cousin in front of me, handling a sketchpad.

"Hm?" I asked at tinignan saglit si Faith na noon ay pinipicturan na yung lalaki kahit na hindi naman malapit sakaniya.

"Kumain ka na?" my cousin asked. Tumango naman ako at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Hindi ako nakakain," she pouted. "Kasalanan 'to ni Prof, pinatapos niya yung project. Tsk" she ranted at umirap pa. I sighed.

"Samahan ba kita?" I asked and smiled at her.

"Syempre hindi," aniya at umirap, "Sasabihin ko lang na late akong uuwi mamaya. Bye," she added at tinakbuhan na ako. Bumalik na siya sa mga kaibigan niya na noon ko lang nakitang kasama niya pala. Pagkatapos n'on ay bumalik na kami sa room ni Faith. Halos hindi na niya ako kinausap dahil tuwang tuwa siya sa litratong kinuha niya kanina at ang mga blockmates ko ay iisa lang din ang pinag-uusapan. The guy that I don't know.

It's not that I care, bago lang talaga 'to sa pandinig ko. Ano ulit yung name? Ah whatever.

"I asked the archi student earlier!" rinig kong kwento nung isang kaklase kong babae. "Matteus is here for someone. He's like look for someone," kwento niya pa.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila na inilingan ko nalang. Girls.

Kinalikot ko nalang ang phone ko at nagbrowse sa fb only to see different posts and status from different students na halatang galing sa university namin. Nangunot ang noo ko sa inis dahil iisa lang din ang laman ng posts nila, it's about that guy. Ganoon na kabango ang pangalan niya dito.

Natapos ang araw na 'yon na yung lalaki ang ang bukambibig nila. And when the sunday came, bigla nalang akong nabalisa. Parang ayokong tumuloy sa date but I received a message from this strange annoying guy.

09********
Message : Don't forget. No date, no book. See you later.

I tsk-ed and threw myself on the bed. Nai-stress din ako sa dapat kong suotin! Hindi pa man ako nakakapag-isip ng maayos ay pumasok na ang walang hiya kong pinsan sa kwarto at hinatak ako patayo. "I will choose a dress for you!" excited na aniya. I sighed.

"I can just wear maong and shirt," wika ko, kahit ang totoo ay kanina pa din ako nahihirapan sa pagpili ng isusuot. It's my first time for heaven's sake!

Nilingon ako ni Ella with a disgusted face. "Are you cheap? You're cheap," tanong at sagot ang sinabi niya sa'kin kaya napairap ako. Ako, cheap?

Wala siyang pasabing binuksan ang closet ko naghanap ng masusuot d'on. Nang makapili siya ay nanlaki ang mga mata ko. Yung highwaisted pants ay tanggap ko pa pero yung top ay crop top--- hindi ko matanggap!

"The hell, Ella?" di makapaniwalang wika ko.

"What? Sanay ka naman sa ganito ah," she asked, annoyed.

I sighed heavily. "Oo nga, but I am meeting a guy," I hissed. "And I don't have any plans to seduce him. Ella," dugtong ko pa at sinamaan siya ng tingin. Napatigil siya saglit pagkatapos ay ngumisi.

Tinalikuran niya ako at pumili ulit ng pang-top ko. Napasinghap nalang ako nang makitang off shoulder dress 'yon. Kung hindi kita ang puson ay kita naman ang collarbone ko. Tsk.

Napailing nalang ako at walang ganang tinanggap 'yon. Hindi naman talaga dapat ako nag-iisip pa ng susuotin but--- ugh. Ewan!

After dressing myself up ay tinignan ko ang sarili sa human sized mirror sa kwarto ko. Ayos naman. Ginawa kong ponytail ang buhok ko pero naconscious ako bigla dahil kitang kita ang balat ko, ang buong balikat ko kaya inilugay ko nalang at sinuklayan ng maayos. Saktong 11:40 na nang matapos ako at lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ng ngiti ni Ella pero sumimangot siya saglit, seeing that I'm not in a ponytail.

"Magmumukha kang bruha pagdating," komento niya.

I rolled my eyes. "Kesa namin pakita ko balat ko, okay na 'to," wika ko at inirapan siya ulit. Tumango tango nalang siya at tinulak na ako paalis.

Saktong 12 ay nakarating ako ng mall. Hawak ko ang maliit na bag ko atsa kabilang kamay ay ang phone ko habang naglalakad sa mall, pabaling baling sa kung saan. I already planned to text that guy pero naunahan na niya 'ko. He is already calling me. Sinagot ko agad 'yon habang nagpapalinga linga sa kung saan.

"Nandito na 'ko," I informed.

"I see. Nice outfit."

Natigil ako at nakaramdam ng hiya sa sinagot niya. It means he already saw me. Habang nakatapat sa tenga ko ang phone ay luminga ulit ako at umikot only to see him in front of the Ice cream store, holding his phone as well and looking at me. Nakapamulsa pa siya na parang nasa photoshoot and all the girls passing by him are staring at him.

Kinabahan ako bigla nang maglakad siya palapit kaya naman binaba ko na ang phone at in-end ang call. In just a snap, he's already in front of me, showing me a playful smile. Gusto kong mainis pero masyadong gwapo siyang tignan d'on.

I looked away. "Tara na," wika ko at umirap. He chuckled at sumabay na saakin sa paglalakad.

Damn, please guide me in this one.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1.8K 107 8
FAN FICTION OF @ShinichiLaaaabs' FLORENCE AND LAURY : )) . Thanks to @goldeninlove for the cover! Thank you! And cttro for the photo! ♡
32.7K 2.4K 57
"Hoy burara! Ang tamad mo mag linis!" 「 PDX101 #8: Taglish Epistolary + narration 」 S: 07 / 18 / 19 E: 09 / 01 / 19