Tune of Hearts

Par CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... Plus

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

38

92 25 0
Par CYRONGRAY

Shinea's POV

Nasa labas kami ng diplomat hotel, kagagaling lang namin sa loob. Nagtataka ako dahil napakatahimik ni Lauren. Hindi niya magawang mag-ingay katulad ng dati.

"Hoy tuta! Himala! Ang tahimik mo." pang-aasar ni Drey pero hindi niya ito magawang pansinin.

Dati lagi siyang sumasagot kapag ginaganyan siya ni Drey. Naghihiyawan pa nga sila eh. Ano nangyari ngayon?

"Naiilang ka pa rin ba dahil umamin ako sa'yo?!"

ANOOOOO???!!!! 

Bigla akong nabigla sa narinig ko.Napatakip ako sa bibig ko. Kung si Drey may gusto rin kay Lauren, at si Lauren may gusto kay Drey, alam na 'to. Na-iimagine ko na kung paano sila magsasabog ng kaingayan sa mundo.

Kinurot ko sa tagliran si Lauren sabay bigay ng mapang-asar na tingin. "Maglubay kayong dalawa."

Walang reaksyon ang boses ni Lauren. Nakakapagtaka na ang kinikilos niya. May nahuhinuha na kaagad ako sa isipan ko. Parang may hindi na tama sa nangyayari.

"Hoy tuta! Anyare sa'yo? Nasapian ka ba? Hoy!" inalog-alog lang siya ni Drey. 

Binalingan siya ni Lauren at binigyan ng masamang tingin. Nanlaki naman bigla ang mata ni Drey.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ni Drey, bakas ang pagkatakot. Lumapit pa siya kay Jeth saka kinalabit ito. "Lover boy! Yung kapatid mo sinapian na ata!"

Pinukpok naman ni Jeth yung ulo ni Drey. "Loko! Edi sana nagwawala yan ngayon kung nasapian." ani Jeth. "Alam mo? Tinatakot mo lang yung sarili mo."

Mayroon na talagang hindi tama sa mga nangyayari. Hindi tatahimik ng basta basta si Lauren, alam kong may dahilan. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jeth nang mapinsing tahimik ako.

"I'm not okay Jeth. Hindi maayos ang pakiramdam ko."

Pinasakay na niya ako kaagad sa kotse. Nanatili lang akong tahimik at hindi nagsasalita kahit alam kong tinatanong niya ko.

"Hala bro!! Nasapian na rin ata yung my loves mo!"

"Maglubay ka Drey Adriano, kung ayaw mong iwanan kita dito!"

Sunod naman kaming nagpunta sa Camp John Hay. Maganda ang tanawin pero hindi ko magawang aliwin ang sarili ko. Pinupuno pa rin ang isipan ko ng pagkabagabag.

"Hoy! Napakatakaw mo Drey!" sigaw ni Jeth. Inubos kasi ni Drey yung nasa platter na binili nila.

Tahimik lang ako dito habang pinagmamasdan si Lauren. Bakas ang pagkabalisa sa kanya at hindi rin magawang kumain. Palinga-linga pa siya at animo'y may hinahanap sa paligid.

Nagpaligsahan si Jeth at si Drey kung sino mauuna sa yellow trail, ang layo na nila habang kami ni Lauren ay halos nasa umpisa pa lang. 

"Bes." tawag ko sa kanya pero hindi siya namamansin. Mabagal lang siyang maglakad, nakayuko at halatang malalim ang iniisip.

Hinawakan ko siya sa braso para iharap sa akin. Nanginginig siya. Puno ng takot ang mga mata niya. "Lauren Gayle. Sumagot ka. Ano ba nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Napatalungko siya at biglang napasapo sa ulo niya. "Mayroong hindi magandang mangyayari bes. Natatakot ako."

Patuloy lang ako sa pakikinig. Kasabay ng kuryosidad, hindi ko rin mapigilang matakot sa maaaring ibulalas niya.

Nilapitan ko siya at tumalungko na rin ako. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "What is it Lauren? Sabihin mo sakin."

"I saw her."

Biglang nanindig kaagad ang balahibo ko sa pagkakasabi niya no'n. Dumadaloy ang takot sa akin. Posible bang si...

"Sino 'yon? Sabihin mo Lauren!" tumaas na ang tono ng boses ko dahil sa kuryosidad na malaman kung sino ang tinutukoy niya.

"Jade. I saw Jade in the Diplomat." halatang bakas ang panginginig sa boses niya.

Fuck. 

Napalaki ang mata ko sa narinig ko at saka tumayo. Napasapo ako sa ulo ko. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"Hindi lang yon, bes. Kasama niya pa yung mga lalaking nakaitim." dagdag niya.

The 'G Mafia'

Shit.Tama ang hinala ko.  Sila na naman ulit. 

What are they doing here? Ano na naman pakay nila?

Pinagsukluban na ako ng takot. Hindi ko na malaman ang gagawin, nanginginig na ang kamay ko. 

"We need to go out of here."

Nagmadali akong itayo siya. Paalis na sana kami nang animo'y mabingi ang tainga ko sa malakas na putok ng baril sa di kalayuan. Nakita kong duguan ang isang matandang lalaki. 

Nang tingnan ko ang direksyon ng bumaril ay nanlaki bigla ang mata ko. Si Sven.

Pinakita niya sa akin yung hawak niya at saka ngumisi. Maliit, kulay itim na bagay. Shit! 

Memory card. 

Itinutok niya sa akin ang baril at saka ngumisi ng nakakaloko. Kakalabitin na sana niya nang biglang narinig namin ang sirena ng pulisya. Dali-daling umalis si Sven kasama yung ibang mga nakaitim.

"Bes!" napahawak sa mukha si Lauren at nanginginig na sa takot.

Nilapitan namin yung lalaking binaril ni Sven. Duguan ito ngunit may malay pa. 

Naluluha siya nang tiningnan niya ko. Nakita ko na siya noon. Kaibigan din siya ng mama ko. 

"P-patawad. Sana mapatawad ako ng mama mo." Bumulwak ang dugo sa bibig niya. Naghahabol na siya ng hininga. "Nang malaman kong nandito ka, i-ibibigay ko sana sa'yo pero nasundan nila ak-."

Gusto ko pa sanang marinig yung susunod na sasabihin niya pero nalagutan na siya ng hininga.

Binalot ako ng pagkabalisa nang may sumagi sa isipan ko. Animo'y may kumakalabog sa dibdib ko.

"Si Jeth!" nagulat si Lauren sa biglang pagsigaw ko.

Baka akala nila na kay Jeth yung ebidensiya. Baka siya naman ang sundan nila Sven. Baka siya naman ang mapahamak.

 Wala na ako sa sarili ko at tanging takot ang nananaig sa akin. Hingal na hingal na rin ako nang makalabas sa trail.

Bigla akong napahinga ng maluwag nang makita si Jeth na nakasandal sa kotse niya. 

Napalingon siya sa gawi ko at nagtama ang tingin naming dalawa. Bigla akong napayakap pagkakita ko pa lang sa kanya.

"Are you all right?" bakas sa tono niya ang pag-aalala. "May nangyari ba sa'yo?"

"Tuta hoy! Sumagot ka!" rinig kong sigaw ni Drey kay Lauren. "Bakit mga ganyan ang itsura niya."

"L-let's go na Jeth. Hindi na safe rito. Kailangan na nating umalis." nababalisang sambit ko.

"What?!" Sabay silang napasigaw ni Drey. Binigyan nila kami ng nagtatanong na tingin.

"Second day pa lang natin dito sa Baguio Chubs, hindi pa tayo nakakapag-strawberry picking." ani Drey. 

Tinapok naman siya ni Jeth. 

"Nasan si Zhely saka si Marcus?" nagtatakang tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

"Umawi na sila kanina. Nilalagnat si Zhely kaya kailangan na nilang umuwi kaagad." ani Jeth. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako. "Baby, what's bothering you?"

Huminga ako ng malalim bago ko magsalita. "The G Mafia... Nandito sila Jeth.. Nakuha nila yung kalahati ng mga ebidensiya. Nagmadali kaagad ako dito, baka akala nila nasayo pa yung ibang ebidensiya."

Biglang nag-ring yung phone niya. Sinagot naman niya kaagad.

Nagmamadali siya sa akin pagkayari niyang makipag-usap. Hindi maganda ang ekspresyon ng mukha niya. Halatang nababalisa. "Let's go. Nasa hospital si mommy."

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka inaya para sumakay na.

Kinain na ang sistema ko ng takot. Masyadong magulo ang mga nangyayari. Kabod na lang bumubulaga nang hindi mo inaasahan.

"How's mom?" nag-aalalang tanong ni Lauren.

"Wala pa rin siyang malay. May nanloob daw sa bahay." sambit ni Jeth habang focus sa pagmamaneho.

"Possible ba na G Mafia 'yon?" bakas pa rin ang takot sa boses ni Lauren. "Natatakot na ako! Natatakot ako! Baka kung ano na naman gawin nila."

"Shhh. Tuta ko. Maayos din ang lahat." Isinandal ni Drey si Lauren sa balikat niya para pakalmahin. 

G Mafia panigurado ang nanloob sa bahay nila Lauren. Gusto nilang sirain lahat ng ebidensiya para wala na kaming maging laban pa kay governor.

Kinuha ko ang cellphone ko para sabihan sila papa at tita na mag-ingat. Iminungkahi ko kay papa na mas paghigpitan ang pagbabantay para masiguradong hindi makakapasok ang mga G Mafia. 

Matagal rin bago kami makarating ng Dewford Hospital. Naawa ako sa kalagayan ng mommy ni Lauren pagkakita ko rito. Puno ng pasa ang katawan niya. Marami ring nakakabit sa katawan nito.

 Nagsimulang kumawala ang mga luha sa mata ko.

Bakit pati sila kailangang madamay? Sa paghahanap ko ng hustisya, bakit kailangan may masaktan?

Maya maya pa ay dumating na rin yung doktor na nag-aasikaso sa mommy ni Lauren. Ayon dito, maayos naman daw ang kalagayan, matatagalan nga lang raw bago ito makarecover.

Tiningnan ko sila Jeth at Lauren. Alam kong nahihirapan na rin sila sa mga nangyayari. Nakaupo lang si Jeth, nakayuko, napapasabunot na rin sa sarili niya. Si Lauren naman, patuloy pa ring umiiyak dahil sa nangyari.

Manonood na lang ba ako habang isa-isang nasasaktan ang mga taong nasa paligid ko?

Hindi ko na kayang tiisin pa kaya nagmadali na akong lumakad palabas. Buo na ang desisyon ko. Ayoko nang makita pang may nadadamay dahil sa akin.

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin. Sinundan ako ni Jeth.

"Jeth, tatapusin ko na ang lahat ng 'to. Ibibigay ko na sa kanila ang ebidensiya."

Tumatagas na rin ang mga luha sa mata niya. Naaawa na ko sa kanya. Ako na lang palagi ang nagiging dahilan ng pagluha niya.

Niyakap niya ako. Ramdam ko ang higpit at init ng mga yakap niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa kanya. "Don't do that, baby. Marami pang ibang paraan para matapos 'to. Huwag nating aksayahin ang pinaghirapan ng mama mo, ng daddy ko."

Pagkakalas ng mga yakap ay pinunasan niya ang pisngi ko. "Hush, baby. I don't wanna see you cry." 

"I don't want you to suffer nor to carry my burdens. Ayokong nakikita kang lumuluha dahil na naman sa akin. I don't want to be selfish, Jeth. I don't."

He hugged me again and left a deep sigh. Ramdam ko ang init ng hininga niya. "I can never let you fight without me. I can never lose you. Even if it means to suffer, I'm willing to endure it, 'cause you're the pain that is worth crying for. You're the burden that all I wanted to carry, baby."

__________________☆

-CYRONGRAY










Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

43.6M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
566K 50.7K 34
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
570 98 18
This story is all about a girl that decided to live in other country for herself. Yza's life was peaceful not until their company needed her. Their d...
99.6K 4.1K 189
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...