"Stay with me"

By LaysaChaan

72.9K 3.2K 856

For worse or for better, Would you stay with me forever? "FANFICTION." Ps: please excuse the grammatical erro... More

"Under"
2
3
"4"
"5"
7
8
Gabo!
"9"
"10"
"11"
"12"
"
"how does it feel?"
"14"
"15"
"16"
"17"
"18"
"19"
"8th day of the month"
"20"
"21"
"22"
"23"
"24"
"25 -"
"26 -"
27
"28"
29
30
31.

6

2K 99 34
By LaysaChaan

COLEEN'S P.O.V.

"Hindi mo kaya?" Sabi nito habang parang demonyong nakangiti.






Hindi na bago sakin ang humalik sa ibang babae dahil aaminin ko naging babaero rin ako pero nagbago na ako nung naging kami ni Gabb. People change ya know?

"Why do I need to do that?" I asked.






"Weak." Ngising sagot nito.

Nag-igting ang dalawang tenga ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang necktie niya kaya nawala ang ngiti sa mga labi nito.







Sinusubukan mo ba talaga ako?







"What did you say?" tanong ko.








"I said, you're weak." pagulit niya.

Gusto ko na siyang sapakin kung pwede lang. Pero mukhang di rin siya titigil sa panggagago niya kaya wala na akong ibang choice.









Hinatak ko ang necktie nito ng mas malakas papalapit at dali dali kong dinampi ang aking labi. Napangiti ako ng makita ko ang gulat sa mukha nito.

"C-Coleen?" Rinig kong tawag sa pangalan ko galing sa pintuan.






Fuck.





Agad akong napahiwalay sa labi ni Amy.  "G-Gabb?"








Halos maluha-luha na ang mata niya habang nakatingin sa akin habang dahan-dahang umaatras.

Agad kong binitawan ang necktie ni Amy at kinakabahang humakbang papalapit kay Gabb. Bigla siyang tumakbo at sure akong nakita niya lahat ng nangyari.






I’m done!












Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Anong ginawa ko?

May narinig akong mahinang tawa sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang nakangiting si Amy.






Paano mo nagagawang ngumiti pa diyan?







"You’re gonna pay for this!" Diin ko at pinanlisikan siya ng mata.












Dali-dali akong tumakbo palabas ng cr para habulin si Gabb.

I need to clear this misunderstanding as soon as posible.






GABB'S P.O.V.

Kasalukuyan akong tumatakbo dito.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Tanging nasa isip ko lang ay lumayo sa lugar na ito.









Malapit lang ang bus station dito kaya agad akong sumakay. Napayuko na lang ako dahil baka makita ng ibang pasahero ang luhang tumutulo sa pisngi ko ngayon.








Paano niya nagawa yun? Ang sakit.















Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ang phone ko na kanina pa nagriring. Kanina pa tumatawag si Coleen.

"Wala ka bang balak sagutin yan?" Rinig kong sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.











Agad kong pinunasan ang basang mukha ko at in-off ko na lang yung phone ko.

Masyado pa akong naguguluhan at nasasaktan sa mga nangyari kaya hindi ko muna siya kayang kausapin. Natatakot din ako sa magiging dahilan niya.








Paano kung nagsasawa na siya sa’kin? Kaya niya nahalikan yung magandang transferee na yon.












Tumulo ulit ang luha sa mata ko dahil sa masasakit na bagay na naiisip ko.

"Ang swerte naman ng iniiyakan mo." sabi ng babaeng katabi ko.








Tiningnan ko ito kaya ngumiti siya sakin.

Her smile can brighten anyone's mood
I mean nakakahawa, pero hindi ito tumalab sa akin.

"Here." sabi niya sabay abot ng kapirasong tissue.








Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba dahil hindi ko naman siya kilala.
Aishhh! Bahala na nga! Baka nagmamagandang-loob lang.









"T-thank you." ani ko sabay kuha ng tissue sa kamay nito.









"May problema ka ba? You can share it with me if you want to." Biglang sabi niya.







"H-hindi naman kita kilala eh." Nahihiyang sagot ko.









"Yun nga yun e. Hindi naman tayo magkakilala kaya wala akong karapatang i-judge ka kung magkwekwento ka, at tsaka tingin ko mukhang kailangan mo rin ng kausap."







Oo nga, wala namang masama kung magkwento ako. Tsaka hindi naman na siguro kami magkikita once na bumaba na kami sa bus na ‘to ‘di ba?







"I caught my girlfriend." panimula ko.

Kung makikita niyo ang itsura ko, para akong batang nagsusumbong sa nanay ko.











Nakita kong nagulat ito ng bahagya sa sinabi ko pero agad namang umayos ang mukha niya.

"Tsk, Taken." rinig kong bulong niya.

"You caught your girlfriend? Then what?" Sunod niyang tanong.






"I caught her kissing another girl." Pilit na sabi ko.









"Puta..." agad niyang tinakpan ang bibig niya at mukhang gulat na gulat ito.







Ilang minuto kaming natahimik dahil hindi niya rin alam ang sasabihin niya.

"You better talk to her." biglang sabi niya.






"Hindi ko pa kaya."






"You need to, maybe misunderstanding lang yon." Kitang-kita sa mukha nito na sincere siya sa bawat salitang binibitawan niya.







Bigla namang bumalik sa utak ko yung paghatak ni Coleen sa necktie ni Amy. Ibig sabihin hindi aksidente yon.







"But before you talk to her, kailangang ihanda mo ang sarili mo sa pwedeng mangyari." ani niya.





Napadoble ang lunok ko sa sinabi nito.

"Dalawa lang kasi yun ee. Una, baka nagawa niya yon dahil ano... ano ba yung sasabihin ko? Ahh basta!"







Miski siya hindi niya maipaliwanag kung bakit nagawa ni Coleen yun.

"Pangalawa, kaya niya siguro nagawa yun, maybe she's cheating on you"





Naiiyak ako sa mga naririnig ko ngayon.








"Huy, wag ka munang maniwala sa sinasabi ko ahh. Hindi sa sinasabi kong nagchecheat siya sayo, pero baka." Dagdag nito.







Tama na oy! Ang sakit na talaga!







"Hala ka! Sorry may masama ba akong nasabi?" natatarantang tanong nito nang makita niya ang paghagulgol ko.








Paano kung sawa na talaga siya sa’kin?

Tas ibreak niya na ako ‘pag nagkausap na kami.








"Fuck." Hindi ko na kaya ang bigat ng loob na nararamdaman ko ngayon. Wala na akong pake kung anong itsura ko ngayon, basta iiiyak ko na ‘to.








"Sige, iiyak mo lang yan. Nasaktan ka kaya pwede kang umiyak kahit ilang oras mo gusto. Mga tatlong oras ganon. ‘Wag kang titigil hangga’t hindi umaabot ng tatlong oras iyak mo." sabi nito habang hinahagod ang likod ko.








Alam kong sinusubukan niyang magpatawa para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

Wala na akong nagawa kaya humagulgol na sa iyak at niyakap siya ng mahigpit.










Ramdam kong nakatingin na yung ibang pasahero sa amin. Wala akong pake sa kanila. Halos umabot ng kalahating oras ang pag-iyak ko dito na parang bata.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at kumuha ng tissue sa handbag niya.








Dahan-dahan niyang pinunasan ang aking mukha. She's sweet huh?

"Namamaga na tuloy mata mo." ani nito.









Tinitigan ko lang ang mukha nito na malapit sa’kin habang patuloy pa rin siya sa pag punas, ang ganda.










"Ang gwapo." rinig kong bulong nito at tumingin na rin sa mata ko dahilan para magkatitigan kami.






Gulat itong lumayo sa akin.
Natawa ako sa reaksiyon nito kaya natawa na rin siya. Aaminin ko, napagaan niya ang loob ko kahit papaano.






"D-Dito na pala stop ko." Biglang salita nito.








Tumingin ako sa bintana kung nasaan na kami. Ang layo na pala ng narating ng bus.

"Huy, take care of yourself ahh! Kayanin mo, okay?" Nagmamadaling sambit nito at kinuha na yung bag niya.








"Thank you so much." Ngiting sabi ko.






"Welcome, btw I'm Laney." sabi nito sabay offer ng kamay niya.







Agad ko namang tinangap ito.
"I'm Gabb."






"Hoy! Wala bang bababa diyan! Aandar na to!" Sigaw ng konduktor.









"Ayy! Nagmamadali si kuya HAHAHA"
Natatawang sambit ni Laney.




"Bye! Laney!" Ngiting sambit ko.









"Bayieee! Gabb!"

Sinundan ko lang siya ng tingin hangang sa makababa ito. muli siyang tumingin sa akin at kumaway at ganon rin ang ginawa ko.








Ang saya rin pala ng ganon no? Yung mag oopen ka sa estranghero na handang makinig.






Lumipas ang ilang oras  pero di ko  parin alam kung san ako pupunta.
Medyo madilim na rin at nakakaramdam na ko ng gutom. Naiwan ko pa yung wallet ko sa bag ko. Buti na lang may nakasingit na 500 dito sa phone case ko.





COLEEN's POV.

Bumalik ako sa Room nandun pa rin yung bag niya. Sinalubong ako ng mga tanong nila ate abby pero Hindi ko na sila pinansin at deretsong kinuha ang bag ni Gabb pati bag ko.








"Sana nasa bahay siya." Nasabi ko na lang habang papasok sa kotse ko.









Agad akong nakarating sa apartment namin. pag pasok ko sa loob walang Gabb na sumalubong sa akin. Biglang nanghina ang mga tuhod ko at natumba  na lang  sa sahig.










Agad kong kinuha phone ko. Nakaka 52 missed call na ko sa kaniya pero di pa rin niya sinasagot. nagaalala na talaga ko.







I'm just trying to protect our relationship but it turn out like this, that fucking Amy!








I called ate Sela dahil isa siya sa laging nakakausap ni Gabb sa mga problema niya. Baka may alam  siya kung asan si Gabb ngayon.

"Ate." Ani ko.





"Yes, coco? What is it?" Ate sela.






"Alam mo ba kung asan si Gabb?" Tanong ko.








"Uhmm, last na kita ko sa kaniya nung nag c.r siya eeh? Nagulat nga ako nung di na siya bumalik." Ate sela.






"Ahh sige po."







"Bakit? Hindi pa rin ba umuuwi? May problema nanaman ba kayo?"









Hindi ko alam kung sasabihin ko sakaniya, pinagkakatiwalaan ko naman siya pero baka lalo lang gumulo.

"A-Ahh wala ate, baka umuwi lang sa parents niya. Sabihan mo na lang ako pag natawag siya."









"Okay baby." Aniya.







"Hoy! Colee- rinig kong boses ni ate abby kaya agad kong binaba ang phone.












Wala ako sa mood makipag usap sa kaniya dahil sure akong puro sermon nanaman sasabihin ni ate abby oh kaya tungkol sa kanila ni ate sela.

Naalala kong bagong bili lang pala yung sim ni Gabb at tanging number pa lang namin dalawa yung nalalagay ko.









Tangina! Bat ko pa kasi sinira yung sim niya e. Ang tanga tanga mo talaga Coleen!









Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Di ko na alam gagawin ko. I wait for her na lang na umuwi. Hindi dapat ako nagkakaganto dahil alam ko sa sarili kong prinoprotektahan ko lang yung relasyon namin at wala akong ginawang masama bukod don sa halik.










LANEY's POV.

"Shit! Nagkamali ako ng binabaan!!!!"



Ang sabaw ko today!!





Biglang sumagi sa isip ko yung mga nangyari kanina. Habang pinupunasan ko ang mukha nito na basang basa ng sarili niyang luha. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga magaganda nitong mata na kanina pa pumupukaw sa atensiyon ko.  Nagtama ang aming pagtingin dahilan kaya taranta akong napatayo.




Laney! Kumalma ka! May jowa siya!







"Hoy! Wala bang bababa diyan! Aandar na to!" Sigaw ng konduktor.







Bigla akong inatake ng pagkasabaw ko kaya dali dali akong bumaba ng bus.

At eto ako ngayon namomroblema kung pano uuwi dahil namali ako ng stop. mayamaya pa daw dadaan yung next bus, inangyan.








Biglang sumagi ulit sa isip ko yung ngiti ni Gabb  kanina dahilan para kiligin ako dito magisa na parang tanga.

" Ang gwapo." Wala sa sariling sambit ko.







"Alam kong gwapo ako. Pero baka gusto mong sumakay na miss,  dahil aandar na yung bus." sabi ng konduktor na nasa harap ko na pala.










Hindi ko namalayang may bus na palang dumating.

"Oo na kuya gwapo ka na hehe."







                        "MNL48 Laney"

            

THANKYOU FOR STILL READING MY EME EME STORY.

HIGH TENSION MV ROAD TO 1MILLION 😭💕







Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 81.1K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
38.9K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
12.8K 718 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
27.6K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴