Tune of Hearts

Από CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... Περισσότερα

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

37

108 29 0
Από CYRONGRAY

Shinea's POV

"Do you want to ride a boat?" tanong ni Jeth.

Tumango lang ako bilang sagot. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin para isakay doon sa bangka.

"Bakit ba buhat ka nang buhat? Kaya ko namang hakbangan yun ah?!"

"Shhh.." saway niya sa akin. "Ang bigat mo."

Biglang nag-usok yung ilong ko dahil sa sinabi niya. "Mabigat ako, bakit binubuhat mo pa ko?"

"Kahit gaano ka pa kabigat, kayang kaya kitang pasanin."

Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig ba naman kasing bumanat. Lagi na lang.

Ibinaba na niya ako. Nginisihan niya pa ko ng makita niya yung itsura ko.

I rolled my eyes on him. "Wag kang ngumisi nang ngumisi diyan baka..."

Teka ano nga ba sasabihin ko.

Ngumisi na naman siya. "Baka ano? Mafall ka?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ah!"

Inilapit niya yung bibig niya sa tainga ko para bulungan ako. "Alam ko namang matagal ka ng nafall sa'kin. Una pa lang."

Biglang umakyat ang inis ko sa tukmol na 'to. Magkalapit ang mukha namin habang titig na titig siya sa'kin.

Hindi ako magpapatalo sa mga trip niya. Inilapit ko rin yung bibig ko sa tainga niya. "Sino ba yung nabaliw sa boses ko, una pa lang?"

Bigla niyang iniwas yung tingin niya sa'kin. "Oh bakit hindi ka makasagot ha?" Pang-iinis ko sa kanya.

Hinawakan ko siya sa braso. Pinipilit ko siyang iharap pero ayaw niya talaga. "Sandali nga, bakit ba?" I asked out of curiosity.

"Don't boost my romantic excitement, Shinea." ani Jeth habang hindi pa rin magawang tumingin sa akin.

Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya.

Iniharap ko yung mukha niya sa akin. Ngayon, malikot naman ang tingin niya. Ayaw niyang tumingin sa akin. Napansin kong kanina niya pa pinipigilan yung ngiti niya.

"Fuck. Chubs. Please."

Pagkababa namin ng bangka ay pilit niyang iniiwas yung sarili niya sakin. Natatawa tuloy ako.

Napadpad din ako sa mga makukulay na bulaklak. Ang sarap sa matang titigan.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong pumitas si Jeth ng bulaklak mula roon. Tiningnan ko siya ng masama para suwayin siya. Hindi siya nagpabawal at saka humakbang palapit sa akin.

Inipit niya sa tainga ko yung bulaklak na nakuha niya. Humakbang na siya paalis pagkayari niyang gawin 'yon.

Hindi ko nga alam kung kikiligin ako o magagalit. Kainis.

Kahit nung bumibili ako ng souvenirs para sa triplets, kay tita, at kay papa, ayaw pa rin mamansin. Sa mines view man, gano'n pa rin siya. Ayaw pa rin tumingin ng maayos sa akin.

"Jeth!" pilit ko siyang tinatawag pero tumatagilid lang siya kapag kinakausap niya ko.

Hinawakan ko yung kamay niya habang sumisilay sa napakagandang tanawin.

"Fuck. Chubs." hayan na naman siya.

"Huwag ka nga. Pigilan mo muna yung kilig mo."

"How can I resist when I'm with you?"

Bigla akong napa-face palm sa mukha ko. Hayst Jethroy Andrada.

Mas pinisil niya pa yung kamay ko. Mas lalo niyang ginugulo ang sistema ko dahil sa ginagawa niya. "How about you? Paano mo pinipigilan yung kilig kapag kasama mo ko?"

Hell what?! Parang akong nag-over heat na makina dahil sa tanong niya na 'yon. Bakit ba kasi magtatanong ng ganon. Kainis 'tong tukmol na 'to.

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

Nagtataka pa siyang tiningnan ako. "Hindi okay yung pakiramdam ko." Akmang aalis na ko pero hinawakan niya yung kamay ko.

Bigla niya akong hinawakan sa leeg. Pinanindigan tuloy ako ng balahibo sa pagdampi ng balat niya sa'kin. "Ang init mo. Do you have fever?"

Dalian akong umiling. "W-wala ah."

Nakita kong bigla siyang napangisi. Problema nito? Nakakatingin na rin siya sa akin ng diretso. Kapag siya ang mambubwisit nakakatingin!

Bigla niyang inilapit yung bibig niya sa leeg ko dahilan naman para maramdam ko yung hininga niya. "How does it feel to have chest butterflies?"

I rolled my eyes on him. Nginisihan pa niya ko.

Maya maya pa ay nakakita ako ng wishing well. Kumapa ako ng barya sa bulsa ko. Pumikit muna ako saka naghagis ng barya roon.

Nakita ko si Jeth na nakatayo lang sa tabi ko. "Hey! Bakit hindi ka pa maghagis ng barya roon?"

"Wala akong barya Chubs."

Napakamot ako sa ulo ko sabay abot ng ilan pang barya sa kamay ko. "Oh ayan oh. Maghagis ka na."

Napakagat pa siya sa labi niya sabay hagis ng barya.

"Grabe nakapag-wish ka na non?"

"Yes." Tipid na sagot niya. "Do you want to know?"

"Ha? Pwede naman kung gusto mo. Hindi naman kita pinilit."

Diretso lang ang tingin niya at hindi tumitingin sa akin. "I wished that the one who gave me the coin will choose to stay and not leave me again."

Bigla akong natahimik. Hindi ako makasagot sa mga sinabi. May kung ano sa utak ko ang nagtatalo.

"How about you? Ano hiniling mo?" Nakatingin lang ako sa baba pero napasin kong nakatingin siya sa akin.

"It's a secret Jeth."

"Ang daya mo. Sakin sinabi ko." Nagtatampo pa ah.

"Oh ano problema do'n? Hindi naman kita pinilit na sabihin mo ah."

Nauna na siyang umalis at saka sumakay na sa kotse niya. Hayst.

'I wished for a piece of mind, so it would be easy for us, Jeth.'

Pagkasakay ko sa kotse, hindi pa rin ako pinapansin. Maya maya pa ay sumakay na rin si Lauren saka si Drey. Ang tahimik ata? Anyare sa dalawa na 'to? Mukhang nag-iiwasan.

Pagsapit ng gabi, tumambay lang kami sa labas.

Ang sarap lang tanawin sa pwesto ko yung city lights. Nakakagaan ng pakiramdam.

Maya-maya pa ay nag-aya si Lauren sa lamesa. "Guys! Oy may game ako! Bilis!"

"Berat ka. Ano na naman yan?" sambit ko.

"Bunong braso. Tapos yung dalawang matatalo, tutungga ng isang bote ng alak. Hihihi."

Lumapit naman si Drey sa lamesa. Si Jeth naman pinilit pa ni Lauren. Si Marcus at Zhely, ayaw lumabas sa kwarto nila.

"Ganito. Ang magkalaban, si kuya saka si bes. Tapos ako saka si... Drey."

Kinurot ko pa sa tagliran si gaga tapos inirapan lang ako.

"Oh game! Game! Game! Me first!" masiglang sambit ni Lauren.

"Tuta ka pa lang! Pa'no ka mananalo sa'kin?"

"Hoy! Walang hiya ka! Wag mo kong maliitin. You'll see." Pinakita pa niya yung braso niya saka tinapik yon. Ang yabang ah.

"Okay, game!" sambit ko.

Todo bigay silang dalawa. Halatang ayaw magpatalo.

"Look! How powerful I am, Drey!" pagmamayabang ni Lauren

"Hanggang sa una ka lang tuta! Hindi ka na tatagal!" pagmamayabang din ni Drey.

Mukhang naitutulak na ni Drey ng unti-unti si Lauren. Bigla namang bumwelo si Lauren, si Drey mukhang bibigay na ata.

"Yes! Woohooo! Nanalo ko! Nanalo ko!"

Inis namang napahampas si Drey sa table. "Eh pa'nong hindi ka mananalo, nangangatawan ka!"

"Talaga? Kapag natalo nga naman, ang dami ng rason."

Tinapik ni Jeth si Drey sa braso. "Sige na. Inumin mo na. Natalo ka eh."

"Ikaw din, lover boy ah! Isa ka pa!"

Tinawanan lang siya ni Jeth.

"Iinom na yan! Iinom na yan!" sigaw ng lahat. Maya maya pa ay bigla na ngang tinungga ni Drey yung alak.

"Yon!" sigaw ni Jeth.

Tahimik lang si Drey pagkayaring tunggain yung isang bote. Mukhang umeepekto na rin sa kanya yung alak.

"Oy ikaw na bes! Kayo ni kuya!" sambit ni Lauren.

Ipupwesto ko na sana yung braso ko sa lamesa nang makitang tinungga na ni Jeth yung alak.

Inagaw ko kaagad sa kanya 'yon. "Hoy! Hindi pa nga tayo nagsisimula!" Ayaw pa rin niya talagang paawat, hanggang sa maubos na niya. Tigas ng ulo.

"L-lover boy lang malakas! Yeeeh!" nagulat ako nang bumagsak na si Drey sa sahig. Ang lakas na ng tama niya.

"Hoy! Lauren Gayle! Dalhin mo na nga sa kwarto niya 'yan!"

Inis akong tiningnan ni Gaga. "Teka! Bakit ako?!"

"Sa tingin mo ba kaya kong akayin yung dalawa na 'yan sa kwarto?!"

Lasing na rin kasi si Jeth.

"Hayst! Kainis!!" Inis niyang kinuha si Drey.

"Tuta. Tuta. Tuta." Drey murmured.

"Walang hiya talaga 'to!!"

Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Inakay na ni Lauren si Drey sa kwarto niya.

Bigla akong nagulat nang makitang naglalakad na si Jeth. Gumegewang gewang pa siya saka nabubuwal. Hay nako. Isa pa 'to sa problema ko.

Inilagay ko yung kamay niya sa balikat at saka siya inakay. "Teka! hik. Hoy Drey! A-ng ganda ng binibining nasa harapan ko oh!!!!"

Ang sakit niya rin sa ulo. Umiingay kapag nalalasing.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay napadiretso siya kaagad sa C.R. saka sumuka. Kumuha ko ng towel para punasan yung bibig niya. Hayst. Ang hirap mag-alaga ng lasing.

"My chubs baybeh. Yeah." sambit niya habang pinupunasan ko siya. "Ang init! Shit!"

Pinigilan ko siya. "Woy!!! Huwag ka nga dito magganyanan!" Hindi niya ko pinakinggan at sinumalan nang hubarin yung polo shirt na suot niya.

Bumalandra sa akin yung katawan niya. Mas lalo pang nadepina ang hubog nito kumpara noong high school pa lang kami.

Binato ko siya ng unan. "Leche ka!!!"

Bigla akong napaatras sa kinauupuan ko dahil bigla siyang lumapit sa akin. Napasandal ako sa pader. Itinukod niya sa pader yung dalawang kamay niya para kulungin ako. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Animo'y kinakalampag na naman ang dibdib ko sa ginagawa niya.

Napipikit pa siya."How I love this girl in front of me." Kahit malakas na yung tama ng alak ay ramdam ko ang sinabi niya.

Marahan niyang hinawakan ang mukha ko at mariing siniil ng halik niya. I couldn't help but to answer his kisses. He tried to kiss my neck but I hesitated.

"Stop it, Jeth."

Fuck. He started to kiss me again. He left a deep sigh in between our kisses. "Even when I'm drunk, I can never lose sight of you. You're making me crazy with your kiss, your voice, your love." Then he goes again, kissing me. I can never resist his kisses. My heart was pushing me to go with the movement of his lips. It was all out of love. Our kisses went deeper, and deeper, and deeper.

__________________☆

-CYRONGRAY

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

570K 50.9K 34
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
3.4K 198 21
KarJack One Shot Stories
570 98 18
This story is all about a girl that decided to live in other country for herself. Yza's life was peaceful not until their company needed her. Their d...
13.6K 200 12
A Sister's Love A Short Story Author: Paulyne Therese De Mesa Co-author: Aprylle Pearl Bautista 10 Galileo Project In English 10, SY 2015-2016 Ms. S...