Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Compiled Stories 26

129 6 0
By Sheree_Mi_Amour


Immersion

Yung kwento kong 'to ay di naman sobrang nakakatakot haha, nangyari ito noong November 2019 kung saan kami nag-ojt/work immersion (yun kasi ang term na ginagamit sa shs). Sa isang government organization sa Quezon City kami dineploy.

Luma na yung building syempre kasi para sa gobyerno yung building na yon eh, di mawawala yung mga stories na nakakatakot sa ganon.
Sa HR kami naka-assigned ng mates ko tapos dalawa kaming babae at mayroong isang lalaki. Kaming girls pag gusto namin mag-cr kanya-kanya kami, di namin ginagawa na sabay kami magsi-cr kasi nakakahiya sa mga boss namin lalo na HR pa yon at baka mabigyan kami ng mababang evaluation.

Tanghali palang nung nag-cr ako mag-isa, habit ko na pag pumapasok ako ng cr eh tumitingin ako sa salamin. Habang nakatitig ako sa sarili ko nakarinig ako ng parang hikbi, tumalikod ako at nakita ko na ako lang ang tao sa cr dahil bukas lahat ng pinto sa apat na cubicles. May electric fan yung cr kaya akala ko baka langitngit lang non. Pagpasok ko ng isang cubicle, di ko pa nasasara yung pinto eh narinig ko na ulit yung hikbi. Taena bes takbo talaga ako palabas. After non eh sa ground floor na ako palagi nagba-banyo sa may lobby hahaha. Binalikan ko yung banyo na yon ilang araw bago matapos ang immersion namin (syempre may kasama na ako na mga babae, breaktime namin yon), maayos naman yung tunog ng electric fan.

Ja

Angkas

Ayoko Sana magkwento tungkol sa naging experience namin ng ex ko nung pumunta kaming Sta. Maria Bulacan. Kaso kakabasa ko lang nung bestfriend goals yung matandang nakisakay sa kanila sa motor. Ayun naalala ko na naman yung walanghiyang ex ko.

Ganito kasi yun. Namatay kasi yung asawa ng lola namin. Yung lola namin na yun ay bunsong kapatid ng tatay ng mama ko. By the way taga Metro Manila pa kami so malayo-layong byahe yun. Ayoko namang mag-commute dahil mahiluhin talaga ako sa byahe lalo na't traffic. Yung walanghiyang ex ko may motor yun. So nag-suggest sya na mag-motor nalang kami papuntang Bulacan. So dahil bawal ang motor sa NLEX, Service Road ang daan namin. Sabi ng ex ko Valenzuela to Bucaue, magrereklamo ako kasi pwede namang idiretso nalang hanggang Sta. Maria bakit kailangan pang sa Bucaue kami daraan? Nang sinabi nyang may shortcut daw dun e di gora nalang. So ayun e di nasa Bucaue na kami, yung shortcut pala na sinasabi nya ay yung nasa Philippine Arena. Ewan ko kung saan banda dun basta dinaanan namin yung school sa Brgy Duhat. Nakarating pa kaming Philippine Arena kakahanap nung shortcut. Nagkanda ligaw-ligaw pa kami mga pars. Hanggang sa nakarating kami dun sa palusong na daan na may abandonadong gasolinahan, madilim yung kalsada as in walang street light mga pars. Yung nag-iisang ilaw dun ay yung sa may gasolinahan lang. Hanggang sa pabalik balik na kami dun kaya medyo kinabahan na ako. Sabi ng ex ko malamig na daw masyado ang pakiramdam nya tsaka ramdam daw nyang bumigat yung patakbo nya ng motor. Sabi ko naman natural na lalamig kasi nga gabi tsaka sa taba kong ito hindi ba bibigat yung motor. Yung ex kong yun mahilig magbiro at magpatawa. Pero nung time na yun sobrang seryoso na nya nung sinabihan nya akong wag daw akong lilingon kasi may nakikita daw sya sa side mirror. Putek napakapit ako ng mahigpit sa kanya dahil dun. Nanindig yung balahibo ko sa batok, yung puso ko parang lalabas sa dibdib ko. Napapikit nalang ako tsaka nanalangin. Tumagal pa yung pabalik-balik namin dun hanggang sa makakita kami ng tindahan na may nag-iinuman. Agad kaming nagtanong kung saan yung daan papuntang Sta. Maria. Tinuro nila yung daan na pinanggalingan namin. Naku po! Sabi nila malalampasan daw muna namin yung gasolinahan tsaka namin makikita yung kanto bandang kanan may signage na Sta. Maria Bulacan. Didiretsuhin lang daw namin ang daan na yun at makakarating na kami. Kinakabahan man pero gora nalang kami, bahala na yung kung sino man yung nakaangkas samin. E di yun na nga bumalik kami. Nadaanan namin yung gasolinahan at nakita namin kaagad yung kanto. Pero kanina nung pabalik-balik kami dun wala kaming nakitang kanto na may nakalagay na signage papuntang Sta. Maria. Hanggang sa makarating kaming proper ng Sta. Maria ramdam pa rin namin yung nakasakay sa may likod. Nakarating naman kami kila lola ng safe sa awa ng Panginoong Diyos.

So yun lang po. Maraming salamat kung mapo-post ito. Dun sa ex ko, bahala ka na sa buhay mo, ginusto mo yan e. Wala na akong magagawa. Ginawa ko na lahat para matulungan ka pero tinakbuhan nyo lang yung atraso nyo. Hindi mo man lang pinahalagahan yung pagtulong ko sayo, tinanggap kita sa kabila ng ginawa mong kasalanan. Pero hindi talaga tayo para sa isa't isa. Magbago ka na uy!

Again, maraming thank you admins kung sakaling ma-post man ito.
Mani kamsahamnida!

Eonishi

Mr. Hot

Hello! Sana ma-post po ito.
Gusto ko lang i-share yung mga kakaiba kong karanasan. Nag-umpisa to noong grade 4 ako. May babaeng dayo na nag-abot sakin ng pagkain, kulay itim siya na bilog. Syempre bata pa ako nun kaya akala ko bubble gum yun na bilog lang. Kinain ko naman kaya pag-uwi ko bigla akong nilagnat dahil kapos kami noon at nasa probinsya herbal lahat ng gamot ko. Pero nagsusuka ako ng maitim na tubig. Naiiyak na si mama kasi halos mag-isang timba na daw ang nasuka ko sa loob ng 3 araw. Umiiyak ako at nagsasalita nang "tulong ma, may humahabol sakin na nakaitim" yan daw ang sinasabi ko gabi-gabi. May time pa daw na di na ako humihinga tapos biglang iiyak na hinihingal. Di kami gaanong naniniwala sa albularyo, kaya pinadasalan ako ni mama sa isang pastor. Sa awa ng Diyos gumaling ako, akala ko ok na pero umpisa palang pala yun ng kalbaryo ko. Grade 5 ako noong una kong napansin ang kakayahan ko. Makakaramdam ako ng init mula sa loob ng katawan ko palabas. Senyales na ito na may malapit na elemento. Di ko sila nakikita ng direkta pero nakikita ko sila sa repleksyon ng salamin or tubig. Galing Masbate lumipat kami ng Agusan del Sur, para doon manirahan. Probinsya din yun at malalayo ang kapitbahay. Malawak na damuhan, kalsada at ilog lang matatanaw mo. May isang beses na, nag-overtime magtahi yung lola ko. Akong si gago nagpuyat din sa kakanood ng TV. Nang bigla akong nag-init, dali-dali kong pinatay ang TV at napansin ko na may tao sa labas. Naaninag ko siya sa nakapatay na TV. At ayun na nga bigla siyang tumalon at nagbigay ng pagkalakas-lakas na tunog. Nagulat kami at biglang labas kami ni papa at lola. Walang tao sa labas pero sira na ang balkonahe na gawa sa kahoy. Ang nakakapagtaka pa nun. Sa balkonahe namin tinali ang 1 aso at may 3 aso na walang tali. Pero paglabas namin, mukha ng mga takot na takot na aso ang sumalubong sa amin.

Kinabukasan nakita nalang namin na may mga yapak ng kalabaw papuntang ilog. Sa kabilang dulo ng ilog may malaking puno ng akasya doon at may bahay ng anay sa tabi. Sabi ni mama baka daw naingayan lang daw sa makina kaya nambulabog sila. Kaya simula non, never nang nag-overtime si lola. Ikukwento ko sa susunod yung ibang karanasan ko pag na-post ito.
Salamaaat!

-davionstrygwyr

Pwedeng Makisabay?

Hi po. Just call me Anna. Please hide my identity po. I just want to share my experience back when I was 16 years old pa lamang. Im from Cagayan de Oro City po. 4th Grading na namin non when my youngest sibling was hospitalized because of Acute Bronchitis sa isang private hospital dito sa CDO. Nasa isang private room po kami non. Since ako young eldest, naatasan akong maging watcher ng kapatid ko until such time na gumaling na siya. So nag-absent ako ng 1 week. Pero binibisita kami ng lolo at lola ko every day to check us kung may kailangan ba kami. Sila kasi yong legal guardian namin since both of my parents are abroad.

First day nung nasa hospital kami. Okay pa naman. May mga nagpaparamdam pero binabalewala ko lang. 2nd Day, umuwi ako ng bahay saglit at sila lolo ang naiwan sa kapatid ko. Pagbalik ko sa hospital, naisipan kong mag-elevator. Kasi nasa 7th floor pa yung room ng kapatid ko. Matatakutin ako sa elevator madalang lang akong gumamit non. Ako lang mag-isa ang nag-aantay non nang may tumapik sa balikat ko. Babae nasa edad 30s pa yata. Maputi, makinis tsaka ang ganda nya parang may lahing kastila. Nakasuot sya ng pulang bestida dala-dala ang pulang bag."Pwedeng sumabay?" Tanong niya sakin non. Sinagot ko naman sya ng "Oo" ba't naman hindi? Eh hindi naman sakin yang elevator. Pagpasok namin ng elevator, biglang guminaw yung pakiramdam ko. Biglang nagtaasan yung mga buhok ko sa batok. Nung paakyat na ang elevator, bigla niya akong tinanong kung anong floor ba daw ako. Sabi ko "7th po". Pinindot nya naman ang 7 at 6. Pagdating sa 6th floor biglang sobrang init na naman ng pakiramdam ko. Pagtingin ko sa ginang, sobrang laki ng ngisi niya. Ngising manlilimbarot ka talaga. Ang tulis ng tingin niya sa akin. "Bukas ulit" sabi niya bago lumabas sa elevator. Sobrang kaba ko non. Pawis na pawis. Pagdating ko sa room ng kapatid ko, umupo ako kaagad at sinabi sa lolo ko ang nangyari. Ipagsang walang bahala ko nalang daw. Kinabukasan di muna ako umuwi sa amin. Natakot ako baka makita ko ulit yung babae. Kaya lang nung ika-limang araw na nasa hospital kami, napag-utusan akong bumili ng pagkain sa katabing kainan. Pababa ang elevator nung huminto ito sa 6th floor. Pagbukas na pagbukas nito, nakabungad yung babaeng nakita ko nung nakaraang araw. Yon pa rin ang suot nya. Pulang bestida dala-dala ang pulang bag. Kaya lang napansin kong sobrang putla niya at may nakasabit na pulang tali sa kamay nya. Bigla  na naman akong kinabahan at sobrang lamig talaga ng pakiramdam ko non. Ngumiti muna sya bago pumasok sa elevator. Nakapagtataka lang kasi hindi gumana diretso yung elevator. Ilang saglit palang tumingin paharap sakin yung babae. Parang naiiyak na ako non dahil sa takot. Tinanong ko sya kung may kailangan ba siya pero di nya ako sinagot. Biglang lumaki yung mata niya. Matang nakakatakot. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Pumikit ako non at nagdasal sa loob ng isip ko ng "Our Father" sa kalagitnaan ng pagdarasal ko, sinabayan nya ako. Sobrang tinis nga boses niya. Umiiyak na ako non dahil sa kaba at takot. Nanghihina na ako. Parang ilang saglit lang mawawalan na ako ng malay. Dinampot ko sa loob ng bag ko ang bible ko habang nagdarasal at bigla namang bumukas yung elevator at nasa ground floor na ako. Umiyak lang ako ng umiyak habang naglalakad papuntang bilihan at pagbalik sa hospital. Tinawagan ko yung lolo ko na sunduin ako sa ground floor. Ginawa naman niya. Pagdating namin sa room ng kapatid ko, sinabihan ko sila sa nangyari at nagdasal kami ng mataimtim na sana hindi na maulit yon.

Salamat po sa pagbabasa. Sa susunod ulit

-Anna

Una at huling karne

Hello spookifyers! Silent reader here! I just want to share one of my mother's personal experiences.

So, uumpisahan natin sa early 70's, taga Zamboanga talaga ang lola ko pero due to my lolo's work palipat-lipat sila ng bahay depende kung saan mapadpad. Nakakita ng trabaho yung lolo ko sa Marawi, so kailangan ulit nilang lumipat ng tirahan.

Naghanap sila ng bahay malapit sa pinagtatrabahuhan ng lolo ko pero wala silang makita, then may nag-offer sa kanilang mag-asawa, ang sabi meron silang hindi ginagamit na bahay na pwedeng rentahan kaso medyo may kalayuan. Pito palang silang magkakapatid that time and si mama daw ang pinaka-cute sabi niya. Binati raw si mama nung mag-asawa, kasi nagandahan sa mahaba niyang pilik mata. Dahil wala silang choice, pinuntahan na nila yung bahay. Habang nasa daan papunta doon, napansin daw ni mama na wala na silang mga bahay na nadaraanan. Puro matataas na puno nalang at mga damo, then nakarating na sila sa bahay. May kalakihan yung bahay at mababa ang renta kaya sinunggaban na ni lola, basta mura gora. Wala silang kahit isang kapitbahay sabi ni mama, kaya tinanong ni lola kung saan nakatira yung mag-asawa, sabi malapit lang daw doon pero kailangan pang tumawid ng ilog gamit ang balsa.

Mga ilang buwan ang nakalipas, napalapit na raw ang loob ng mag-asawa kina mama, mabait naman daw at generous. Hanggang sa tinanong nung asawang babae kung pwede bang ipasyal ng mag-asawa si mama sa bahay nila kasi natutuwa sila kay mama dahil wala daw silang anak. Dahil kampante yung lola ko, pinayagan niya pero isauli din daw bago magdilim. Sobrang excited daw si mama nun, ininggit pa daw niya yung iba niyang kapatid kasi makakapasyal siya.

Nakarating na sila sa bahay, mukhang may kaya daw yung mag-asawa, gustong-gusto raw niya roon kasi kapag nandon siya karne ang kinakain niya unlike daw sa bahay nila na gulay halos palagi.

Once a week siyang hinihiram ng mag-asawa, doon daw siya palagi nagla-lunch then ihahatid kinahapunan. Okay naman daw lahat, hanggang sa isang araw na nandon siya sa sala habang naglalaro, nagmamadali raw na tinawag nung babae yung asawa niyang lalaki at lumabas sila. Sumilip daw si mama kung ano yun, nakita raw niya yung duguang lalaki na naglalakad pasalubong sa mag-asawa na may dala-dalang sako. Napahiga ito sa damuhan, narinig ni mama yung babae na umiiyak sabi niya "Ano ba ang nangyari sayo anak?" Nagulat si mama, kasi ang sabi nila wala raw silang anak.

Dinala nila yung duguang lalaki sa likod ng bahay at di na alam ni mama kung ano raw ang nangyari. Tinanong ni mama kung sino yung lalaki na yun, sabi nung mag-asawa kapitbahay lang daw na nadisgrasya, humingi ng tulong. Dahil bata pa, dedma nalang daw si mama.

Mga ilang linggo ang nakalipas, eto na yung hindi malilimutan ni mama. Hiniram siya ulit ng mag-asawa, same routine maglalaro tapos kakain ng pananghalian. Nung kakain na sila, nagtaka si mama dahil hindi karne ulam nila, gulay na daw, yun nga lang daw ang pinunta niya dun sabi niya.

First time na wala silang karne sa ilang buwan niyang pagiging meat digger. Pagkatapos niyang kumain, yung mag-asawa may kanya-kanya nang ginawa, so si mama nag-ala Dora the explorer sa bahay nung mag-asawa wala na daw kasi siyang magawa, nagbukas siya ng mga aparador, tinignan daw niya yung mga libro, umakyat kung saan-saan. Hanggang sa nakarating siya sa kwarto nung mag-asawa, nagbukas siya ng mga drawers. Hanggang sa di niya inaasahan pagkabukas niya ng drawer sa pinakababa ay tumambad sa kanya yung mga tuyong mga daliri ng mga tao, na nakatusok sa alambre. Maduwal-duwal daw si mama noon at gusto nang sumigaw, natulala siya ng mga ilang segundo hanggang sa naisip niya na nanganganib siya sa mga oras na yon, pinigilan daw niyang sumigaw. Kalmado pero kabado raw siyang bumaba galing sa 2nd floor kung nasaan yung kwarto ng mag-asawa. Hindi raw niya alam kung magtatago siya o tatakbo, hindi rin siya makauwi dahil kailangan pang magbalsa para makatawid sa ilog. Naiiyak na daw siya nun pero kailangan niyang pigilan para makauwi siya ng buhay. Hanggang sa hinatid na si mama sa bahay nila, hagulgol daw siya nang hagulgol nun habang nakayakap kay lola, kinuwento niya lahat. Nanghina raw si lola habang nagkukuwento si mama. Sinabi rin nila yun sa lolo ko. Nag-report na sila sa authority. Hiningan ng statement si mama, tapos pinuntahan nila yung bahay nung mag-asawa. Nakita raw nila yung daliri ng mga tao sa drawer na sinabi ni mama at sa di raw kalayuan sa bahay ay may mga nakalibing na mga buto ng tao at uniporme ng mga sundalo. Napag-alaman rin na may anak daw yung mag-asawa, na kamamatay lang ilang linggo ang nakalipas dahil nabaril at sa likod bahay nila nilibing. Umamin yung mag-asawa na ang anak nila yung kumukuha ng mga chinop-chop na parte ng katawan ng mga sundalo at inuuwi sa bahay na nakalagay sa sako. Pagkatapos nun ay lumipat agad sila mama ng tirahan, di raw maisip ni mama na nakakain na siya ng karne ng tao. Tapos tinanong ko siya kung anong lasa ang sagot niya - malinamnam.

Thank you for reading! Marami pang kwento si mama, kwento ko soon!

- J

Continue Reading

You'll Also Like

62.3K 2.7K 33
STAR SECTION Ang section kung saan lahat ng magagaling na estudyante ay natipon, 34 students.................... Bawat isa sa kanila ay may iba't iba...
Turo Game By Nhico Divelton

Mystery / Thriller

32.6K 1K 25
Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang payapa at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mg...
64.7K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...
15.8K 755 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...