Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Cronica Bruja : Hatid

124 5 0
By Sheree_Mi_Amour


Taong mil nueve siyentos otsenta y sinco, panahon iyon ng pagkokopra, at kailangan may umahon sa Haluban sa may Sipocot para asikasuhin ang koprahan. Si Fredie at si Ankol Maximo ang pinapunta ni Lolo para mangasiwa sa koprahan, yamang sila na lang ang maasahan dahil halos lahat ng kamag-anak namin'y lumuwas na ng Maynila upang mag-aral at ang iba'y magtrabaho.
Disi-siyete pa lamang si Fredie noong taong iyon, mapusok, pasaway at kilala sa barangay namin na mahilig sa babae at sabi nga ni Lola ay kapag pinaldahan mo nga daw ang poste ay tiyak liligawan ni Fredie, ganun siya kahilig sa babae.

Pag-ahon nila sa Haluban ay sinalubong sila ni Manoy Topeng upang tulungan sila sa dala-dala nilang gamit. Si Manoy Topeng ay matagal ng katiwala ng pamilya namin sa may Haluban upang magbantay ng lupa doon, yumao na ang kanyang may bahay, may anak silang dalaga na sa tantiya ko ay kasing edad lang ni Fredie noong mga panahong iyon.

Pagtuntong sa bahay ng mga katiwala ay agad napansin nila Fredie at Ankol Maximo ang dalagitang anak ni Manoy Topeng "Dalaga na pala ang anak mo, Manoy" bati ni Ankol Maximo. Hindi kumibo ang dalagitang mailap ni hindi man lang naglaan ng oras para masilayan ang mga bisita.
Muli tumakbo ang kapilyuhan ni Fredie, sumesenyas sa tiyuhin niya tuwing hindi nakatingin si Manoy Topeng sa kanila, sumesenyas na pustahan daw sila na kaya niyang mapaibig ang dalaga bago sila bumaba ng Haluban, ngunit hagikgik lamang ang tugon ng tiyuhin nya.

May bukod na kubol sa labas na piniling tuluyan ng magtiyuhin upang hindi na mabulabog pa ang mag-ama sa sarili nilang sular. Dumaan ang mga araw at naging maayos naman ang lahat at naging pampalipas oras ng mga kalalakihan ang paglalaro ng chess, mahusay maglaro si Manoy Topeng nito, pero syempre hindi papatalo si Fredie na walang ibang alam gawin kundi magpasikat sa anak na dalagita ni Manoy Topeng sa tuwing ito'y nakamasid habang sila'y naglalaro. May mga pagkakataong nahuhuli ni Fredie itong nakangiti sa tuwing siya ay nawawalan ng galaw sa chess at sa tuwing magbabangga ang kanilang mga mata ay agad na nagkukubli ang dalagita.

Lumilipas na ang mga araw at tila ba nagiging mas mailap pa ang dalagita, ang hangarin ni Fredie na makuha ang dalaga ay tila ba nagiging malabo pa sa sabaw ng pusit, madalas pa siyang kantiyawan ng tiyuhin na mahinang dumiskarte sa mga kababaihan. Hindi siya isang tunay na uragon pangangantiyaw pa ng tiyuhin.

Sumapit ang araw ng paglarga, tapos na ang trabaho kailangan ng bumaba at bumalik, bago pa tuluyang dumilim. Habang gumagayak ang dalawa ay huling kantiyaw ng tiyuhin bago sila lumisan ay "Mahina ka 'doy, aalis na tayo wala ka pa ring goodbye kiss? Nauurangan na ko sayong demunyado ka puro ka yabang." pang-aasar ng tiyuhin.

Bago tuluyang lumisan ay nagpaalam muna sila sa mag-ama at nagpasalamat, alok ni Manoy Topeng, samahan muna kayo nitong dalaga ko pababa at ng hindi kayo makursunadahan diyan sa may bungad ng mga palaboy. Sagot ni Fredie ng "Sige po, sige po!" ngiting wagas ng isang lalaking mahilig dahil sa masosolo ang anak na dalagita kung nagkataon, sabay kaltok sa kanya ng tiyuhin at sabay sabing "Magtigil ka nga!" at baling kay Manoy Topeng "Hindi na Manoy, mas delikado sa dalaga mo na na ihatid kami, kaya na namin 'to dalawa naman kaming lalaki, salamat na lang Manoy." "Kilala kami diyan sa bungad walang mangungursanada sa inyo pag nakita ang anak ko" sagot ni Manoy Topeng. "Hindi na talaga Manoy, salamat." tugon naman ni Ankol Maximo, ngiti na lang ang isinagot ni Manoy Topeng kay Ankol Maximo. Bago bumaba ay nag-abot si Manoy Topeng ng sulo sa magtiyuhin para magsilbing liwanag sa daan pababa, dahil pihadong aabutin na sila ng dilim sa pagbaba.

Inabot na nga sila ng dilim habang binabagtas ang daan pababa, sinindihan na din nila ang tangan-tangang sulo. Habang palapit ng palapit sa bungad ay lalong nagiging masukal ang daang binabagtas pababa. Napakadilim at ang tanging liwanag lang ay ang apoy sa sulo at ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Habang naglalakad pababa ay patuloy pa ring kinakantiyawan si Fredie ng tiyuhin niya. Nang bigla ay humangin ng malakas. Namatay ang ilaw sa sulo.
Nagkatinginan ang magtiyuhin, nagtitigan sila ng matagal, nakikiramdam. Biglang nagdilim ang buong paligid, tila ba may humarang sa liwanag ng buwan. Sabay tumingala ang magtiyuhin nanghilakbot sila sa takot sa nakita nila. Isang babaeng nakalutang sa ere na may napakahabang buhok na aabot sa talampakan na naglalaro sa hangin at ang babae ay animo'y lumalangoy sa himpapawid at humuhuni ito katulad ng sa isang malaking ibon. Nauna ito sa daanan papuntang bungad, kung saan sila tutungo, mas minabuti na lang nilang magkubli sa isa sa mayayabong na puno roon, hanggang mag-umaga. "Marahil ay inaabangan tayo non sa bungad" mas masukal kasi sa dulo, mas kulong sila doon kung saka-sakali.

Kaya doon na lang sila nagpaumaga at yamang naihi din sa salawal si Fredie sa takot at natulala ay doon na lang sila kumubli hanggang sa mag-umaga. Alas-singko y medya na ng umaga ng sila'y magising at lumargang muli. Pagdating sa bungad ay may nagkukumpulang mga tao at nang makiusyoso sila ay may nakita silang lalaking walang malay na nakasabit paharap sa tuktok ng puno na ibinababa ng mga taga roon sa may bungad at narinig nila sa usap-usapan ay notoryus daw na magnanakaw at mamamatay tao ang taong nasa itaas ng puno at buti naman daw ay nahuli na ito. Nagkatinginan na lang ang magtiyuhin.

- Ngayon alam na ni Papa at Lolo Maximo kung bakit pinipilit sila ni Mang Topeng na ihatid sa may bungad dahil kilalang aswang ang mag-ama sa lugar at walang mangangahas na kantiin sila pag nakitang kasama nila ang anak nitong dalagita.
- Salamat na lang at nauna sa may bungad ang dalagitang anak ni Mang Topeng, marahil nakatunog ito na may masamang mangyayari.
- Hindi na bumalik si papa doon sa koprahan pagkatapos non.
- Anak nga pala ako ni Fredie, ako si Irish at isa din ako sa mga tropa ni...

- The Man from Manila

Continue Reading

You'll Also Like

125K 4.2K 68
Paano kung ang akala mong totoo ay hindi pala? Papaano kung ang alam mong kasinungalingan ay totoo pala? Kakayanin mo ba ang mga makikita mo? O di k...
243K 11.3K 54
Alamin ang buong kwento tungkol sa madilim na nakaraan ni Patient 95. --- Please don't buy, sell, or copy then revise my story, chingus. Don't pl...
239K 6K 47
Astrid Trinity Enriquez. Isang simpleng babae na mayroong simpleng buhay, simpleng pamilya, at simpleng pangarap. Ngunit lahat ng simple niya ay nagl...
963K 31.3K 34
(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong pus...