Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

Oleh CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... Lebih Banyak

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 2

791 36 1
Oleh CrabLamb

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at natagpuan ang aking sarili sa isang madilim na lugar.

Lugar? Hindi, isa lang itong napakalawak na espasyo na ako lang ang nagsisilbing liwanag.

Inilinga ko ang ulo ko sa paligid para kumpirmahin kung nasaan ako, hindi nga lang ako nagtagumpay dahil wala namang kapami-pamilyar kung saan ako nakatayo.

Walang gamit ni isa, purong kadiliman lamang ang natatanaw ng paningin ko at ang pwesto ko lamang ang nakikita kong may liwanag.

Hindi rin naman nagtagal ay napansin kong basa ang paa ko, doon ko lang napagtanto na nakalubog ang mga ito sa tubig.

Hindi nagtagal ang atensyon ko doon dahil wala namang kaduda duda, hanggang sakong lamang ang taas ng tubig.

Naagaw ang atensyon ko nang mula sa malayo ay biglang may bumukas na liwanag, dahilan para makatanaw ako ng dalawang bulto.

Malayo at may kadiliman sa pagitan ng aming pwesto kaya hindi ko maaninag ng maayos. Siningkit ko ang aking mga mata, umaasa na baka mas makita ko iyon ng mabuti.

"Kuya..."

Bahagya naman akong napaatras nang pagkurap ko ay biglang nasa harapan ko na ang dalawang bulto na pilit kong tinatanaw. Lumikha pa ng ingay ang pag atras ko dahil nakatayo ako sa abot sakong na tubig.

Napalunok ako ng sariling laway nang mamukhaan ko ang dalawang bultong nasa harapan ko.

Dalawang bata, magkahawak ang kamay. Sa tangkad pa lang ay makikita mo na kung sino ang mas matanda.

Tatlo o apat na taon ang wari kong tanda ng batang lalaki sa kasama niyang batang babae. Parehas maputi, halatang hindi sanay sa mainit na klima. Sa kulay pa lang ng buhok ay halatang hindi sila purong Pinoy.

Ang panunuot rin nila ay halatang pang bahay, sa palagay ko rin ay nagising sila mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil bahagya pang magulo ang kanilang mga buhok.

Deduksyon ko iyon at alam kong tama. Hindi dahil sa ginawa kong pago-obserba, kung hindi dahil alam kong nangyari na ito ng ako mismo ang nakasaksi.

Hindi naman na ako nagulat nang bitawan ng batang lalaki ang kamay ng batang babae, naglakad papunta sa kadiliman ang batang babae at naiwan ang batang lalaki sa aking harapan, lihim na nakikipag titigan saakin.

Umigting ang panga ko habang pinagmamasdan ang sarili ko.

Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw sakaniya na hindi niya dapat binitawan ang kamay na iyon. Pero ilang beses ko na bang ginawa iyon? Ilang beses ko na bang sinigaw iyon sa paulit ulit na panaginip na ito?

Kahit kailan, hindi niya ako sinunod. Kahit kailan hindi ako nakinig.

Halos bumaliktad ang sikmura ko nang ituro niya ang likuran ko.

Unti unti naman akong lumingon palikod at nakita ang batang babae, madumi na ang kaniyang puting pantulog at basang basa na ang kaniyang kabuuan.

Itinuro niya ang harapan ko na ikinapikit ko ng mariin. Ito na ang pinaka ayokong parte.

Nanginginig akong binuksan ang mga mata ko at tumingin muli sa gawi ng batang lalaki, malakas akong napasinghap nang mula sa dilim sa likuran ay may mga kamay na bumalot sa batang lalaki.

Mailap naman akong humakbang para kunin ang kamay ng batang lalaki na iyon, nag-iiyak na siya at sobrang higpit ng kapit sa braso ko.

"Kumapit ka ng mahigpit," sabi ko at ginamit na rin ang isang kamay ko para labanan ang pwersa ng humihila sakaniya, "Pakiusap, huwag kang bibitaw!"

Pumiyok na ang boses ng batang lalaki kakaiyak, patuloy na nagmamakaawa saakin na iligtas ko siya.

Napadako naman ang tingin ko sa aking gilid nang makita ko ang batang babae, nakatulala itong naglalakad patungo sa dilim.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang pinapanood ang batang babae.

"Hindi."

Napadako muli ang tingin ko sa batang lalaki, patuloy pa rin akong nakikipag agawan sa kung ano man ang humuhugot sakaniya sa kadiliman.

Nang mabasa nito ang nilalaman ng mga mata ko ay paulit ulit siyang umiling.

"Huwag niyo po akong bibitawan."

Unti unti nang nawawala sa liwanag ang batang babae.

Nanginginig na ang kamay ko kakakapit sa mga braso ng batang lalaki, hindi rin kalauna'y unti unti ko itong niluwagan.

"I'm sorry..." naluluha kong bulong at binitawan siya.

Mabilis siyang nahugot ng mga kamay na humuhugot sakaniya sa kadiliman, halos mabingi ako sa sigaw ng takot ng batang lalaking iyon habang nalayo.

Humarap ako sa direksyon kung saan naglakad kanina ang batang babae at tinakbo iyon.

"Jacky!"

Patuloy kong sinisigaw ang pangalan na iyon, kasabay ng ingay ng naaapakan kong tubig ay ang lakas ng kabog ng aking puso.

Napahawak na ako sa aking ulo at nagpalinga linga sa buong paligid, kadiliman pa rin. Ni wala akong maramdaman na presensya ng kahit sino, wala akong madanggi na gamit na kahit ano.

Kulang na lang ay maging bulag ako.

Tumigil ako saglit nang mapagtanto ko na wala akong direksyon, husto na rin akong nakalayo sa liwanag na kinatatayuan ko kanina.

"Jacky..."

Gumalaw muli ako sa kinatatayuan ko, pero sa pagkakataong ito ay lakad na lamang ang ginagawa ko dahil nakaramdam ako ng sobrang pagkapagod.

"Kuya..."

Napatingin ako sa aking kaliwa at nagmamadaling tumakbo doon, sa gawing iyon ko narinig ang boses kaya doon ako dumiretso.

Mga ilang hakbang lang siguro ang nagawa ko dahil napatigil rin ako agad nang magbukas ang ilaw sa hindi kalayuan.

"Hindi..." umiiling na sabi ko, halata rin sa boses ko na kinakapos ako ng hininga, "Hindi... Huwag."

Halos mabingi ako sa tunog ng mga kubyertos, masayang masaya pa si Jacky na umupo sa lamesa at amuyin ang pagkain na nilalapag ng lalaking naka maskara sakaniya.

Sinubukan kong tumakbo para pigilan si Jacky na isubo ang kutsara, ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw.

Wala na akong ibang maramdaman at marinig kung hindi ang malakas na kabog ng puso ko, nagsisimula na rin akong pag pawisan ng malamig.

Gising Alex.

Nasa utak mo lang ang lahat.

Masakit naman akong napalunok nang may malalamig na kamay ang bumalot sa balikat ko, marahas din akong napahugot ng hangin nang may mukha na unti unting dumikit sa tainga ko at malamig na bumulong rito.

"Rat."

---

Tamad kong binuksan ang aking mga mata nang gisingin ng aking alarm clock ang kamalayan ko.

Unti unti kong naramdaman ang init at ang malamig na pawis na namuo sa aking katawan.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko na may kasamang pag ikot ng mata nang maalala kong natulog ako ng naka boxer lang.

Magpapalit nanaman ako ng kobre.

Lihim kong tinanaw ang electric fan na nakalimutan ko nanamang buksan, hindi naman ako nagtitipid ng kuryente pero dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko kagahapon ay hindi ko na nabuksan.

Lagi naman akong pagod, kahit wala ako masyadong ginagawa.

Dahan dahan kong inabot ang pindutan ng alarm clock at pinatay ito, paniguradong kung hahayaan ko lang ito ay kakalmutin nanaman ako ni Reiner.

Nagulantang naman ako nang biglang tumalon nga si Reiner sa ibabaw ng kama ko, isang british shorthair na pusa at ang nagi-isa kong kasama dito sa bahay.

Kinuha ko siya sa pamamagitan ng pag hila sa isang binti niya at isiniksik sa bisig ko, dahilan para maipit siya sa aking dibdib.

Madali lang itong nairita at sumiksik pa upang makagapang sa ibabaw ng ulunan ko.

Bumuntong hininga ako nang hindi na siya umalis doon, sa ulo ko pa humiga.

"Good Morning Reiner."

Hindi nagtagal ay mapagdesisyunan ko nang bumangon.

Hindi natinag si Reiner at nilinis pa ang sarili sa ibabaw ng kama ko kaya para asarin siya ay inalis ko ang kobre kama ng naroon siya.

Imbis nga lang na magalit ay hinabol niya ang inaalis kong kobre, nakipag kulitan pa ako ng kaunti at binalot siya roon, hindi siya hinayaan na makalabas sa loob ng kobre hanggang sa ilagay ko na iyon sa marumihan.

Kumuha muli ako ng panibagong kobre at binalot sa kama ko, kailangan ko na talagang ugaliin na matulog ng may damit.

Matapos noon ay inabala ko na ang sarili ko sa paghahanda patungo sa trabaho, naligo ako at nagbihis ng simpleng long sleeve checkered na white and black ang kulay at tinupi ito hanggang siko.

Para naman sa pang baba ay itim na slacks at black belt na regalo sa akin ni Jonathan noong huling kaarawan ko ang aking sinuot.

"Kung wala kang handcuff, pwede mo itong gamitin."

Napailing na lamang ako sa naalala ko at isinuot ang itim na Casio 539 sa aking palapulsuhan.

Kinuha ko ang isa sa mga itim kong leather shoes at umupo sa kama, habang nasa kalagitnaan ako ng pag me-medyas ay lumapit sa gawi ko si Reiner at ngumiyaw.

"Oo, pakakainin kita bago umalis," paninigurado ko sakaniya habang pinapagpag ang aking medyas.

Naaliw naman doon si Reiner kaya inabot abot niya iyon.

"Reiner," suway ko sa sarili kong pusa.

Inilapag ko ang kainan ni Reiner sa sahig na awtomatiko naman nitong nilapitan kaagad, matapos noon ay isinalin ko na ang laman ng aking coffee maker sa metal kong termos.

Nang hindi iyon nagkasya ay diretso kong ininom iyon mula sa coffee maker.

Hindi ako mahilig mag agahan at puro kape lamang ako tuwing umaga, pakiramdam ko kasi ay masusuka ako kung pipilitin kong sumubo kahit tinapay.

Hindi ko tuloy maiwasan marinig sa utak ko ang bunganga ng nanay ko, napapailing na lang ako habang nakangiti.

Isinukbit ko na ang bagpack sa aking balikat at umalis, naglakad ng kaunti para marating ang main road at sumakay ng jeep. Hiniram kasi ni Jonathan ang motor ko noong isang araw at hanggang ngayon ay hindi pa binabalik.

Agad kong naramdaman ang titig sa akin ng kababaihan, medyo umayos pa ako ng upo para maging kumportable pero kahit anong ayos ko ata ay hinding hindi ako magiging kumportable.

Nahuli ko pa ang babae sa tapat ko na kinukunan ako ng litrato, umigting ang panga ko at napakurap dahil bahagya akong nainis.

Sa halip na patulan ay isinabit ko na lang ang kamay ko sa kapitan para matakpan ang mukha ko.

Hindi ito ang unang beses pero kahit kailan ata ay hindi ako masasanay, pinag-iisipan ko tuloy kung pupuntahan ko si Jonathan mamaya para makuha ang motor ko pabalik? Paniguradong sasabihin niyon ay marami siyang trabaho sa Headquarters kung siya ang a-abalahin ko na magbalik.

"Para po."

Nakita kong humagikgik yoong ibang babae kahit iyon lang ang sinabi ko, hindi ko alam kung pinagtatawanan nila ako dahil iba ang accent ko o dahil kinikilig lang talaga sila.

Napailing na lamang ako at yumukod para bumaba ng jeep.

"Ang bango niya!"

Hindi ko na iyon pinansin dahil wala na naman akong oras, umalis na rin ang jeep pagkababa na pagkababa ko nito.

Naglakad na ako papasok ng Lyceum, binati pa ako ng gwardya at ng mga estudyanteng kasabay ko sa pagpasok.

"Good Morning, Sir Alex!"

Nginitian ko naman ang mga estudyanteng bumati saakin sa hallway at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa faculty.

"Good Morning Lex!" bati saakin ni Jaime, isa sa mga kasamahan ko sa C.A.S Faculty.

"Morning," bati ko pabalik at hubad ng aking backpack sabay patong sa ibabaw ng aking desk.

Agad ko namang napansin na naka lock ang opisina ni Dean, "Hindi papasok si Dean?"

"May meeting sa Laguna," sagot saakin ni Olive, kapwa ko Professor na katabi ko sa desk.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ko siya, kadalasan sa ganitong oras ay dapat nag-aayos na si Olive dahil mayroon siyang klase.

Kumuha naman ako ng ilang piraso ng pentel pen bago bumaling kay Olive, "Wala kang klase?"

"May Seminar ang C.A.M sa gym," sabi ni Olive, napatigil naman ako dahil iyon ang una kong klase ngayong umaga ng Huwebes.

"Hanggang anong oras?" tanong ko sabay hagis pabalik ng mga pentel pen, nakaramdam naman ako ng kaunting kasiyahan dahil mababakante ako ng tatlong oras kung sakali.

"8:30 sabi ng mga estudyante ko," sagot saakin ni Olive sabay tingin sakaniyang relo, "Pero paniguradong magsisimula iyon ng late."

Umupo naman ako sa monoblock chair ng aking desk at kinuha ang termos na naglalaman ng kape, kinuha ko ang libro sa aking bag at nagsimulang reviewhin ang lesson na ituturo ko mamaya para sa second subject.

"May gawa ka nang exam?" tanong saakin ni Olive, tumango lang ako bilang sagot.

"Nako, pamatay nanaman ang True or False at Multiple choice mo," asar saakin ni Olive na kinailing ko.

Mukhang nakakarinig chismisan ng mga estudyante.

"Essay type ginawa ko," sabi ko habang sinasarado ang aking termos, "Puro situational."

Sa sinabi ko ay hiniram ni Olive ang kopya ng ginawa ko, pinaunlakan ko naman iyon sa pamamagitan ng pag email sakaniya ng file.

"Kung ako estudyante mo ay iiyak ako ng dugo," ani ni Olive habang binabasa ang ginawa kong exam.

Napakibit balikat na lamang ako, hindi naman kasi lagi ay dapat puro remembering ang magiging konklusyon ng pag-aaral.

Isa pa nasa kolehiyo na ang mga estudyante, kailangan nang dagdagan ang lebel ng difficulty.

Narinig siguro ni Jaime kaya dumayo ito sa likuran ni Olive at tinignan ang aking ginawang exam.

"First year pa lang sila," paalala saakin ni Jaime.

"Mas mahirap, mas maaga silang mamumulat sa presyon ng deadlines."

Napailing na lang ang dalawa sa sinabi ko, ang utos kasi saamin ni Dean ay bigyan ng konsiderasyon ang mga bata dahil nga First Year ang pinahawak saamin nila Olive.

Ang pinakamababa kong naibigay simula Prelims ay 5.00 pero ang pinakamababang estudyante ay 73.45 ang equivalent, may adjustment pa iyon para makahabol sa Midterms at Finals.

Noong Midterms ay nag adjust din ako, pero sadyang marami pa rin talaga ang hindi sineseryoso ang pag-aaral.

Kaya naman ngayong Finals, napag desisyunan ko kung bagsak talaga ay bagsak. Handa ako mag open ng summer class kung kinakailangan, hindi dahil sa dagdag pera kung hindi dahil edukasyon talaga ang gusto kong iambag.

Criminology ang kinukuha ng mga estudyante ko, karamihan pa sakanila ay balak pumasok ng NBI para maging Investigator Agent.

Kung babastahin lang nila ang mga simpleng situational na binibigay ko ay hindi sila papasa, baka mailagay nila ang mga puzzle sa lugar kung saan hindi naman dapat.

Hindi iyon pwede kung balak nila maging detective.

Normal naman ang naging unang klase ko, kalimitan sa mga itinuturo ko ay base talaga sa pinagdaanan ko bago ako magturo.

"Do you have any questions?" tanong ko habang nakatingin sa aking relo.

May ilang estudyante na nagtaas ng kamay, karamihan ay puro babae.

"Those who raised their hands, stay. For the rest, you are dismissed."

Nagsitayuan naman ang ibang mga estudyante ko dahil lunch time na. Katulad ng sinabi ko ay may ilan pa akong inentertain na estudyante dahil may mga tanong sila ukol sa Case Study na ibinigay ko.

Matapos ko silang bigyan ng mga kasagutan ay nagpaalam na rin sila saakin para makapag lunch.

"Lyceum ng Pilipinaasss~"

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang kumakantang boses ni Jonathan. Dumako agad ang paningin ko sa paligid at napagtanto na ako na lang pala ang natitira sa classroom.

Lumawak ang ngiti ni Jonathan at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Hindi lang talaga G.L.I.I.N.S ang makukuha mong values dito sa LPU," pang-aasar pa ni Jonathan at tumaas ng kamay, "Sir! Single ka po?"

G.L.I.I.N.S stands for God-centeredness, Leadership, Innovative, Integrity, Nationalism and Service Orientation. It was LPU's core values.

Binatuhan ko naman si Jonathan ng pentel pen, mailap niya naman nasalo iyon habang natawa.

"Kahit kailan hindi ako tinanong ng mga estudyante ko niyan," sabi ko habang lumalapit sakaniya, "Yoong motor ko?"

Napatingin naman si Jonathan sa labas ng classroom sabay balik muli saakin.

"Nasa parking?"

Kinuyom ko naman ang kamao ko at a-ambahan sana siya ng suntok, "Yoong susi ang ibig kong sabihin, dalian mo at nagugutom na ako."

Tinitigan naman ako ni Jonathan, napansin kong medyo sumeryoso ang mukha niya.

Napakunot naman ang noo ko nang iniwasan niya ako ng tingin muli, tila may iniisip.

"Nagpa deliver ka?" tanong niya saakin.

Kumurap ako at tumalikod para kunin ang mga gamit ko, nararamdaman ko nang may gusto siyang sabihin saakin.

"Nagpadeliver si Jaime ng McDo sa faculty ang alam ko," ginawa kong hindi naghihinala ang tono ko, "Bakit?"

Naglakad na ako palabas ng classroom dahil may susunod na gagamit noon. Habang tinatahak ang daan pabalik sa faculty, naramdaman kong nakasunod saakin si Jonathan.

"Kailangan mong sumama saakin."

Napatigil naman ako mula sa paglalakad sa aking narinig at tumitig kay Jonathan.

Maliit at maikling mga salita lamang iyon pero base na rin sa inaakto niya kanina pa ay napagtagpi tagpi ko ang lahat.

Hindi lang siya pumunta dito para ibalik ang susi ng motor saakin, may nag utos sakaniyang puntahan talaga ako.

"Bakit ako?"

"Utos ni Head Agent."

"Alam ko," walang kurap kong tango, "Ang ibig kong sabihin ay bakit ako? Matagal ko nang iniwan ang Dibisyon."

Napangiwi naman si Jonathan sa naging reaksyon ko, mukhang inaasahan na niya na ganito ang magiging reaksyon ko.

"Sabihin mo kay Head Agent Palma, may klase ako," sabi ko sabay lakad ulit, napansin ko namang hindi niya ako sinundan, "Hindi niya kako ako pwedeng hugutin mula sa trabaho ko at bigyan ng baril."

Ngunit, hindi pa ako nakakalayo ay natigilan ako sa isiniwalat niya.

"Kapatid natin ang pinatay sa pagkakataong ito, Alex."

Napalingon ako sakaniya, nakakunot ang aking noo pero agad lumuwag iyon nang makita kong seryoso na ang mukha ni Jonathan.

Tumuwid ako ng aking pagkakatayo, "Sino?"

Napalunok si Jonathan at tumingin sa malayo, hindi ako sinagot. Nakita ko ang panginginig ng kaniyang panga na tila gulat pa rin siya sa nangyari.

Sino? Sino naman sa pagkakataong ito?

"Kunin mo ang pagkain mo, kukunin ko ang motor sa parking," sabi niya sabay lagpas saakin, sinundan ko naman siya ng tingin.

"Sana lang hindi bumaliktad sikmura mo."

---

Kasabay ng flash ng camera ay ang pagkurap ko.

Hindi ko na inabalang kunin ang pagkain na inorder ko sa faculty dahil agad din akong sumunod kay Jonathan sa parking ng Lyceum at dumiretso sa crime scene.

Mabuti na lamang.

Iyon lang ang masasabi ko, dahil kung pinilit kong kumain ay baka kahit natunaw na sa sikmura ko ay maisuka ko pa.

Dumako ang tingin ko kay Jonathan na naka krus ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"May kasama siya pagpunta dito?"

"Si Lany," tukoy ni Jonathan sa kapatid niya, "Natagpuan namin siya sa kabilang kwarto."

"Hindi siya tumawag ng tulong?"

"Nakatulog daw siya, pagbalik daw niya galing banyo ay uminom siya sabay bagsak," sagot ni Jonathan sabay talikod.

Napatingin naman ako sa bangkay ni Cash sa huling pagkakataon bago sumunod kay Jonathan papunta sa isa pang karaoke room na hindi malayo sa crime scene.

"Dito," turo ni Jonathan sa kwarto, agad ko namang pinagmasdan ang kabuuan nito.

Malinis, mukhang nilinis na ng personnel. Hindi na ako nagulat.

"Walang gumamit ng karaoke room kung nasaan ang crime scene?" tanong ko muli kay Jonatahan habang nililingon sa hallway ang distansya ng dalawang kwarto.

"Wala."

Wala.

Bakit? Anong dahilan?

Napatingin ako sa relo ko.

Una sa lahat ay hindi Byirnes, Miyerkules lang kahapon at may pasok kinabukasan kaya kaunti lamang ang nagka-karaoke.

Teorya ko rin na madaling araw nangyari ang krimen, hindi malabo na inabot sila Lany dito ng mga alas onse kagabi.

Dumako ang tingin ko sa distansya mula sa kwartong nireserba ni Lany at Cash kagabi sa banyo.

"Hindi na naabutan ni Lany si Cash dito pagkabalik niya mula sa banyo?"

Nag alangan pa si Jonathan na sumagot pero sa huli ay umiling siya, "Iyon ang sabi niya."

May taong lumapit kay Cash habang mag isa siya sa karaoke room.

Madali, mababaw. Tipikal na naghintay ng tamang pagkakataon.

Kung ako ang pa-patay. Hindi ako magkakalat sa lugar na pwedeng may pumasok anumang oras, ang mga personnel sa karaoke house na ito ay nag se-serve ng mga pagkain o alak.

Hindi sigurado ang killer kung umorder pa sila Cash ng pagkain.

Humakbang ako papunta sa kwarto ng crime scene.

"Kaya pumili ako ng bakanteng room," wala sa sarili kong bulong.

Dumako ang tingin ko sa pintuan, nanghiram ako ng gloves para hindi ito ma-contaminate.

Katulad ng inaasahan ko ay sira na ang lock, nasasarado pa naman pero hindi na siya nakakandado.

Careless.

"Hindi ako ang pwedeng humawak sa kasong ito," napalingon naman ako kay Jonathan nang magsalita siya, "POI si Lany, hindi pwedeng maghawak ang isang agent nang may kamag anak na maaring sangkot sa krimen."

Sasagot na sana ako nang biglang may mauna saakin.

"Ang utos ko saiyo Agent Santiago ay dalhin mo lang dito si Agent Schwarz, hindi ko sinabing pumasok ka ng crime scene."

Napayuko naman kami parehas ni Jonathan nang dumating si Head Agent Palma.

Habang nakayuko ay hindi ko naiwasan na punahin ang ilang pagbabago sa itura ng nirerespeto kong Senior.

Nagkaroon na ng puti ang buhok nito dahil sa katandaan, nagkaroon na rin siya ng kaunting balbas at mas lalong nangitim ang mga labi. Paniguradong dahil iyon sa sigarilyo.

Pamatay pa rin ang mga titig niya, tipikal na Agent Palma.

"I'm not an agent anymore, Sir," pagtatama ko kay Head Agent.

Nakita ko namang tumingin saakin pagilid si Jonathan.

Natawa si Head Agent sa sinabi ko.

"Kaya ba nag iwan ka na lang ng activity para sa susunod mong klase?"

Napalunok ako.

Nang hindi ako sumagot ay bumaling si Head Agent Palma kay Jonathan.

"Agent Santiago, kasalukuyang kinukuha ang statement ng kapatid mo sa presinto. Kanina pa iyon kaya sa tingin ko kailangan niya ng kapatid na mag-uuwi sakaniya?"

Agad naman nakuha ni Jonathan ang ibig sabihin ng amin Head Agent at tinapik ako sa balikat, nasa akin na ang susi ng motor kaya panatag ako na hindi niya iyon gagamitin.

"Pumunta ako dahil sinabi mong pumunta ako, Sir."

"Parehas nating alam na pwede kang tumanggi, Professor Schwarz," bumaba ang tingin niya sa suot kong gloves, "Sa nakikita ko ay nasa digmaan pa rin ang puso mo."

"Kapatid ko sa trabaho ang biktima."

"Inamin mo lang na tama ako."

Umigting nanaman ang panga ko at tinitigan ang karumal dumal na sinapit ni Cash.

Bigla namang nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari, walong taon na ang nakakaraan.

"Rat" nakangisi niyang sabi saakin kahit pa may tama na siya ng baril sa kaniyang dibdib.

"Sinong maga-akala na mawawalan nanaman ako ng isa pang anak?"

Naputol ang pag-iisip ko at napatingin kay Head sa sinabi niya, nakita kong puno ng panghihinayang ang mata niya at galit.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng konsensya.

"Naroon pa si Jonathan."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya saiyo kanina? POI ang kapatid niya," pag-uulit ni Head Agent sa sinabi ni Jonathan.

Parehas naman naming tinitigan ang bangkay ni Cash.

"Sa loob ng anim na taon, halos sunod sunod tumumba ang magagaling kong sundalo," kumuyom ang kamao ko sa sinabi ni Head Agent, "Nagsimula saiyo, kay Wojtek, kay Nathalie, ngayon si Cash."

Marahas siyang huminga at sinuntok ang pader, "Lintik."

"Pinababalik niyo po ba ako?" diretsahan kong tanong, halata ko na ang gustong sabihin ni Head Agent pero pinapaligoy ligoy niya lamang.

Umayos ng pagkakatayo si Head Agent at inalis ang pagkakasuntok niya sa pader.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang kuyom pa rin niyang kamao.

"Binabalik kita," pagtatama ni Head Agent saakin.

Ibig sabihin ay hindi niya kailangan ang pag apruba ko.

"Sana ay alam niyo na po ang sagot ko dito, Sir," sabi ko habang hinuhubad ang aking gloves, "Mapurol na rin ako, matagal na akong hindi nakakakita ng crime scene."

Sa huling sinabi ko ay hinarap ako ni Head Agent at pinangsingkitan ng mata.

He didn't buy it.

"Bakit hindi mo hiningi ang listahan ng mga naging customer kagabi?"

"Dahil hindi ko po ito kaso," tapat na sagot ko, alam kong sinusubukan niya akong itulak sa patibong niya.

Hindi ko ito kaso, hindi dapat ako maghahawak ng kaso.

"Sinungaling!" malakas na sigaw niya na ikinatigil ng ibang kumukuha ng ebidensya sa pagkilos, napahimas naman ako ng sentido.

"Sasabihin mo saakin ang deduksyon mo, ngayon din," may pagba-banta sa boses ni Head Agent Palma.

Ito ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi ko kinuwestyon ang posisyon na mayroon siya.

"Hindi siya customer," pikit kong panimula, "Masyado siyang mahahalata kung customer siya, kailangan niyang mag iwan ng ID sa counter. Too much exposure."

Nang tumigil ako ay tinaasan ako ng kilay ni Head Agent.

Napalunok ako at tamad na kumurap.

"Totoong pwedeng pekein ang mga iyon pero paano ang mga gamit niya na kailangan niyang gamitin sa pag patay?"

Tinuro ko ang bangkay ni Cash na may nangingitim na bakat sa kaniyang dibdib, "Tali."

Tinuro ko rin ang alambre na nakatusok sa nakabuklat niyang balat sa braso, "Alambre, tapos iyong... pole. Idagdag mo pa yoong mga kagamitan niya para sa pagbabalat, malaking bag ang dinala niya, ku-kwestyunin siya ng gwardya kung sa entrance siya dumaan."

Napatikhim ako habang pinagmamasdan ang pole na nakatusok sa bibig ni Cash, ang isang dulo nito ay nakalabas sa zipper ng kaniyang pantalon, kung saan nakatago ang ari niya dapat.

Pirming naka tuhog ang metal na poste na tila nagsisilbing suporta ng pinaka katawan niya, nakaangat ang kaniyang ulo sa kisame at nakatirik ang mata. Ang dalawa niyang braso ay nakabuklat, gayundin ang mga balat nito na nakasabit sa alambre.

Dumako ang tingin ko sa lamesa na nasa harapan ng bangkay, maayos iyon. May isang bote ng beer at dalawang baso na may kaunting laman, mayroon ding pinggan na naglalaman ng gulay at hiniwang hilaw na karne.

Lumayo pa ang tingin ko patungo sa couch na nasa kabilang tabi ng lamesa.

Wala ako sa sarili na naglakad doon at umupo, pipigilan pa nga sana ako noong isang nag i-inspect sa crime scene pero pinigilan iyon ni Head Agent Palma.

Mula sa kinau-upuan ko ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng nasa harapan ko.

"Entertain me, I want to hear you sing."

Naramdaman kong nasa akin na ang lahat ng atensyon sa loob ng karaoke room sa sinabi ko, pero pirmi lamang akong nakatingala kay Cash.

Pumikit ako, hindi pinapansin ang mga maliliit na ingay na ginagawa ng mga kasamahan ko.

Napalitan iyon ng ingay ng pagbukas ng pintuan ng karaoke room na ito.

"Gusto mong dito gawin?" anang ng boses ni Cash.

Hindi sumagot ang kausap niya.

Mayamaya lang ay unti unti ko nang naramdaman.

Kung gaano kasabik sakaniya si Cash, ang pag galaw ng panga ni Cash habang pinapanood siyang sumayaw.

Ang pangangati ng kamay ni Cash.

Bakit? Bakit siya mangangati kung ito ang nagyaya?

Pinaglalaruan ba siya ng taong ito?

"Hmn!"

Napakunot ang noo ko habang nakapikit, mas naging malala ang pagkasabik ng boses ni Cash.

Ngunit, bakit ganoon?

Para siyang hirap na hirap.

Agad pumasok sa utak ko ang bakat ng tali sa may dibdib niya.

Itinali si Cash para hindi siya makagalaw, ni hindi niya maabot ang sariling ari para mapaligaya ang sarili.

Bakit lilikha ng tunog na tila nasasabik si Cash kung nakatali siya?

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang talim sa dibdib ko.

Tease, na nauwi sa kamatayan.

Binuksan ko ang aking mga mata, napansin kong may gumagalaw na ng karne na nasa pinggan sa lamesa.

"Ano ito? Baboy?" natatawang tanong nung isang nag i-inspect.

"Hindi," sagot ko, napalalim iyon kaya naagaw ko ang atensyon ni Head Agent Palma.

Pakurap kurap naman akong tumingin sakaniya at lumunok muna bago isalin sa salita ang ibig kong sabihin.

"It was Cash's manhood."

Hindi nandiri ang mga kasamahan ko sa narinig, hindi na rin ako nagulat dahil halos araw araw na silang nakaka encounter ng bangkay.

Ang sigurado ko lang ay hindi sila kumportable sa disenyo ng krimen.

Pako ang tingin ko kay Head Agent Palma hanggang sa tumigil siya sa harapan ko.

"We need you back, Schwarz."

Umigting ang panga ko sa sinabi niya, "May trabaho ako sa eskwelahan, Sir."

"Resign. Malapit na matapos ang School Year kung hindi ako nagkakamali," ang tono ni Head Agent ay utos, hindi pakiusap.

Napatingin siya sa bandang itaas namin kaya napatingin din ako doon.

Alam kong alam niya na parehas kami ng teorya, sa air ducts dumaan ang salarin.

Nauna namang nagbaba ng tingin si Head Agent.

"I'll see you in the Headquarters after your teaching duties."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
5.2K 528 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
2.7K 262 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...