Against the Waves (THE PRESTI...

By diorlevestone10

1.1M 21.1K 5.3K

The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings... More

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Last Part
Epilogue- Last Part (Spin off)
Note
SC 01: Twins

05

25.7K 634 210
By diorlevestone10

Party

TITE:
River Hayes Espinoza and Layana Anais Anonuevo is reported to Disciplinary Office because of their unethical behavior inside the university. The following rules were violated:

TITE:
1. Unauthorized use of facilities.

TITE:
2. Class interruption because of shouting and running in the hallway.

TITE:
In light with this, the students are expected to do a one week community service in C-Gym and Swimming Pool area to make up their mistakes and reflect on their actions.

Napasabunot ako sa buhok ko nang mabasa ang chat ni Migo sa Gc namin. Nakalimutan kong president pala siya ng Student Affairs!

Pugo:
Calling Ms. Five Meter Rule! Where are you?

Carmela Elene Villaroel:
This is so funny. Your college life is about to get interesting!

Rebekka Georgiana Osvaldo:
Ayaw sa pancit canton ni angkol gusto ay sa HaLaya

TITE reacted 🦵 to a message

Pugo reacted 😆 to a message

"Jeez! They are not helping!"

I was just here sitting on my study chair as I read their message. Hindi na nila ako tinantanan simula pa kahapon. Kahit sa social media ay usapan ang nangyari. I feel so embarrassed! Dahil doon ay ayaw ko nang pumasok sa school!

At community service? Ng isang linggo!?

Longganisa Seller:
Sarap tumae sa pool ngayon a

I typed my reply when Abes joined the discourse.

Layana Anais Anonuevo:
🖕🖕🖕

TITE reacted 🦵 to your message

Carmela Elene Villaroel reacted 😆 to your message

Pugo reacted 🙏 to your message

Rebekka Georgiana Osvaldo reacted 😭 to your message

Longganisa Seller:
ang malas mo naman Layana dati ka sigurong anak ni Satanas

TITE:
Videohan natin pre kapag naglilinis na siya gawan natin montage

Pugo:
"A day in my life"

Longganisa Seller:
@Pugo gago HAHAHAHAHA

Rebekka Georgiana Osvaldo:
Guys, umiiyak na si Layana

Layana Anais Anonuevo:
fuck you all

Longganisa Seller:
Five Meter Rule! Bawal iyang sinasabi mo

Carmela Elene Villaroel:
Ayaw namin sa family stroke!

I groaned in frustration. Binitawan ko ang cellphone ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Narinig ko ang malakas na tawa ni Elene at Eka sa kabilang kwarto. Now, they kept on calling me as Ms. Five Meter  Rule! Fuck that Espinoza!

Maaga akong pumasok para sa unang araw ko ng community service. Pinakiusapan ko sina Migo na sa umaga ako maglilinis imbis na sa  hapon. Ayokong makatanggap ng mga panunuya kapag nakita nila akong naglilinis. Ayos lang naman sa akin dahil sanay ako sa gawain pero ayaw kong inaasar ako sa Espinoza na iyon!

"I think I saw you before."

Kakalabas ko lang sa swimming pool area pagkatapos maglinis nang makita ko si River at isang babae banda sa gate.

"Yeah?" Walang interes na sagot ni River. Tingin nang tingin sa orasan niya.

My lips moved. Unconciously, I neared them. Nakadikit na ang pisngi ko sa pader.

"Mall. You're with someone."

I stepped on a tin can kakapilit kong madinig ang usapan. Kaya ang nangyari, napunta ang tingin nilang dalawa sa akin. I immediately covered my mouth.

River raised his brows in amusement. Suddenly, his face lits up when he saw me. "You have a swimming class?"

"None." I said in innocent way.

"Why are you here early then? I am waiting for you for our—"

Hindi pwedeng malaman niya na umaga ako maglilinis!

I squinted my eyes. "I'm waiting for my guy friend."

"Who?" Madiin niyang tanong.

Pasimple kong tinignan ang babae. She is just looking at me as if I interrupted a special moment between them.

"Who is she?" The woman asked.

River's gaze never left me. "Your waiting for whom, Layana?"

Hindi pinansin ang tanong ng babae.

I bit my lower lip. Bakit pa kasi ako nagstay dito? Baka kung ano ang isipin niya! Hindi naman sadya e!

Sakto na may palabas na grupo ng mga estudyante na katatapos lang ng swimming class. Nang lingunin ko si River, ilang hakbang lang ang layo sa akin, nakatanaw pa rin siya sa akin. Nakatagilid nang bahagya ang ulo habang pinaglaruan ang ibabang labi.

Desperate to make him believe me, I acted on my impulse. Hinatak ko ang isang estudyante mula sa grupo ng katatapos lang magswimming class.

"Uy, si Ms. Five meter—"

"Ang tagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay!" Ani ko at umangkla pa sa braso nito.

I felt him tensed a bit but I widened my eyes. I then shifted my eyes again to River who is frowning like a mad man.

I whispered. "Sakyan mo na lang please. Para sa ikakataas ng pride ko."

Without further ado, River closed the distance between us. Papalit palit ang tingin niya sa aming dalawa ng hinigit kong lalaki. 

"You're friend with him?" Tanong ni River na nakalimutan na ata ang babaeng kasama.

Speaking of, nasaan na ba iyon? Ano? Iniwan niya na lang bigla? Bakit? Dahil ako naman ngayon ang guguluhin niya? Ang dami niya naman atang gustong sawsawan!

Proud akong tumango at mas hinatak pa ang lalaki sa akin. "I'm waiting for him."

River's jaw clenched repeatedly.

Inakbayan ako ng lalaki. Agad akong napatingin dito pero isang mapang-asar lang na ngisi anng suot nito. Nakay River ang atensyon.

"Sino ba 'tong spanish bread na ito?"

My eyes widened a little with his remarks. Dumilim lalo ang tingin ni River dahil doon. Pero ano bang inaalala mo, Layana? Iyon naman talaga ang gusto mo hindi ba? Na tigilan ka ng lalaking ito.

"Huwag mong nilalapitan itong kaibigan ko a. Stay away, gold chick." Dagdag pa ng lalaki.

"It's between us." Diin ni River.

Napabaling sa akin ang lalaking hinatak ko. "Boyfriend?"

Hesitantly, I shook my head slowly. I heard a sarcastic laugh afterwards. It came from River. He is playing with his tongue and cheeks. He looks so annoyed.

"Feeling boyfriend lang pala ito e." Sabi ng lalaki. "Alis na kami, pre a? May lakad pa kami e."

Akmang aalis na kami ng lalaki nang maramdaman ko ang paghawak ni River sa pulsuhan ko. Nang mag angat ako ng tingin, ang madilim na tingin nito ay nakapukol sa lalaki kong kasama.

"What do you think you're doing?"

The guy tried to let fo from River's grip but River only tightened it. In an instant, I felt a tension between them.

Nagjojoke lang naman ako! Baka mag-away pa ang dalawang ito. Kung bakit ba naman kasi mapagpatol din pala itong nahatak ko at pikunin naman iyong isa! Hindi naman siya ganiyan dati a!

"Taking someone who isn't yours?" Sagot ng lalaki. This time, the humor in his voice disappeared.

Hindi nakapagsalita si River pero kita ko ang pagngitngitan ng panga nito.

Their gazes are so intense. It makes me uncomfortable even tho their focus is not on me. Kaya bago pa sila magkainitan ay hinatak ko na ang lalaki papalayo doon. Nakasunod lang ng tingin sa amin si River.

"Hey—"

The guy gave me sincere smile. "You're welcome."

Hindi na niya ako hinayaan na makapagsalita pa dahil umalis na ito agad at bumalik na sa grupo niya kanina. Gusto ko sanang pagsabihan pa ito sa mga bagay na nasabi niya kay River pero hindi ko  na  nagawa pa. Nang tanawin ko ang pwesto ni River kanina ay hindi ko na ito namataan pa.

I just shrugged it off. Hindi ko dapat hayaan na sakupin ng lalaking iyon ang atensyon ko. May trabaho at pag-aaral akong kailangan unahin. My heart is my least priority now.

"Good morning!"

I held my chest when Abes suddenly bumped me. I glared at him. Nakasuot siya ng black na rubber headband. Mukhang nagmorning job doon sa oval.

"May swimming class ka? Pawis ba iyan o tubig?" Pang aasar niya  kahit na alam niya namang naglinis ako!

Inayos ko ang buhok ko. Inabutan niya agad ako ng panyo. Binigay ko muna sa kaniya ang hawak kong mga libro bago tinanggap ang panyo.

"Ang bag mo."

Aligaga pa rin akong sumusulyap sa gate ng swimming area.

"Mukha lang akong kinahid ng manok pero hindi ako baldado." Masungit kong sabi.

"Ako na ang magbitbit. Hatid na kita." He insisted."Pagod na pagod ang Ms. Five Meter—"

Pabalang kong inabot  sa kaniya  ang bag ko para matahimik siya. Tinawanan niya lang  ako.

"Sikat ka na. Gamitin mo kasikatan mo para sa flower shop mo."

I snorted. "Kasikatan? They are mocking  me! Y'all are mocking me."

Abes chuckled.

"Paano ka ba kasi nadawit kay Hayes Espinoza?"

Hindi ko mapigilang hindi isipin. I mean, he appeared out of nowhere. He is asking me to get us back together after the confusion he left with me. And now, if I hadn't go to school early, I wouldn't witnessed how some girls eyed and tried to flirt with him. What is really his deal?

"Hayes ba name nun?" I fake a laugh.

Hayes. River Hayes. After years of not seeing him, I only found out that he has a second name. Ano ba talaga ang gamit niya doon? River sa akin tapos Hayes ang pagpapakilala niya sa ibang babae? Para makarami siya?

"Nakipaghabulan ka, hindi mo pala alam ang pangalan? Magkakilala ba kayo?" Tanong niya ulit.

I become tense. Medyo kinabahan ako. Ewan ko ba. Parang...ang laki laki na kasi ng nasasakop na space ni River. Parang...gulo lang ang aabutin ko kung malalaman ng iba na kakilala ko nga. May kung anong parte sa akin na ayaw malaman ng iba na naging parte ng buhay ko ang lalaki. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako nang gano'n gano'n lang noon.

"Hindi a!" Natataranta kong sabi. "Inasar  niya ako sa'yo.  Tangina, may gusto ka raw sa akin."

The humor in Abes' face faded.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya.

Tinuro ko ang mukha niya. "Oh diba? Naoffend ka rin? Sabi ko sa kaniya, imposible!"

His jaw moved aggressively. Hinarap ako nito. Natigil ako sa paglalakad. "Bakit imposible?"

I punched his chest. "You're my friend, hello! Ayoko ng family stroke! At isa pa, hindi tayo bagay. So, it's not gonna happen. Right?"

Abes wetted his lips and force a smile. Lumawak ang ngisi ko.

See? Kahit si Abes ay hindi iyon naisip! Iyang Espinoza lang talaga ang  malikot  ang isip! Dati siguro siyang pre-mature!

Kinuha ko na ang libro ko mula kay Abes. Tumingkayad din ako para maabot ang tuktok ng ulo nito at ni-pat ang buhok.

"Pasok na ako! Bahala ka na kung saan ka pupunta!" Paalam ko sa kaniya at tinakbo na ang daan papasok sa building namin.

As expected, puro pang aasar ang natanggap ko. Tanggi ako nang tanggi sa mga ilusyon nila.

"There's nothing going on between us!"

"Sus! Couple goals nga kayo e. Sa  Community Service nag-d-date para more time for each other!"

The fuck!

Sometimes, their comments are good. But most of the time, it was below the belt. Lalo na iyong mga babae na nagkakagusto sa lalaki. They are attacking me.

"Oh, maybe she did something bad to Hayes. Gusto na nga siyang tulungan, nauwi pa sa violation."

Nevertheless, I don't give a fuck. I'm not  here to entertain them and care for their opinions. I am just here to study. Kaya sa isang linggo ng aming paglilinis, iwas na iwas ako sa lalaking iyon. Hindi kami nagtagpo sa isannlg araw ng paglilinis na siyang pinagpapasalamat ko.

And, that Ms. Fiver Meter Rule, hindi ko na nga ata maiaalis iyon sa mga tao dito sa University. Kahit na ni-klaro ko nang wala  akong sakit na ganoon, sige pa rin sila sa pang-aasar. Hinayaan ko na lang din.

On Saturday, the tree of us, Lene and Eka went to the mall to buy Hugo some gifts. Malapit na kasi ang birthday nun sa Sabado. Binilhan ko ng itim na tumblr si Hugo at ipinacustomize iyon ng pangalan niya. Kulay gold at cursive ang disenyo. Pilit kong iwinaksi sa isip ko si River kahit pa noong dumating na ang araw ng Sabado.

I only wear a simple yet elegant black spaghetti strap dress. I partnered it with my black silletto and with gold channel necklace and earing. Lene is stunningly gorgeous with her red silk dress. Mas nadedepina ang hugis ng kaniyang katawan dahil doon. Sa kabilang banda, si Eka naman ay piniling magsuot ng cyan white tops and sandals partnered with her white pencil skirt. Pare-parehong nakalugay ang mahahaba naming mga buhok. 

"Oh pak, hindi halatang mga bulbulin na." I commented as we stared ourselves in the mirror.

Eka laugh. "Looking fresh!"

Lene pointed us. "Looks like college is not fucking us lately."

Pagkarating namin sa Monte de Ramos Residence ay tumambad sa amin ang napakalaking gate nila Hugo. Marami na ang tao at nagsusumigaw ang karangyaan ng bawat bisita. Pero ang spotlight, nakatutok sa angkan ng kaibigan ko lalo pa  nang makita ko ang kabuuang bahay ni Hugo. Nakalagay pa doon sa gate ang nagsusumigaw sa karangyaan na apelyido nila, 'Monte de Ramos'. 

Nagkita kita kami ng kaibigan ko sa isang table doon. Unang natagpuan ng mata ko si  Abes. His eyes glither upon seeing us. He didn't say anything until we get near to them. In my relfex, I fixed his bow tie.

"Tanga naman ng nag-ayos ng tie mo."

Abes did not take off his eyes from me.

"Ang ganda mo ngayon a." He blabber out of nowhere as I fix his tie.

"O anong gusto mong sabihin ko? Na ang gwapo mo?"

Abes put his hands on his pocket and let me do the work. "Gwapo naman talaga ako. Ikaw lang itong hindi nakakakita."

Umikot ang mata ko at tinapik ang dibdib niya nang may kalakasan pagkatapos kong ayusin ang tie.

"Kaya mo siguro ako kinaibigan, ano? Kasi gwapo ako?"

"Wala akong pinipiling kaibigan. Basta masarap ka magtimpla ng gin okay ka sa'kin."

Abes laughed.

"Ang daming gwapo! " Namamangha sabi ni Lene.

"Ang bilis ng mata kapag gwapo a?" si Migo. "Sabagay nakita mo ako agad."

"Vitamins sila sa eyes pero dahil mukha kang tao ngayon, sige."

"So anong vitamin ako? Vitamin A? B?"

Lene fake a smile. "Vitamin P ka."

Migo even crossed his arms above his chest. "P? Bakit P? May Vitamin P ba? Saang school ka nag-aaral teh? Baka B iyon?" 

Nagtawanan ang dalawang lalaki. Hindi ko rin napigilan na hindi mapangiti dahil kahit dito, hindi sila mapigil sa pag-aasaran.

"Vitamin P short for putangina. Kaya Vitamin P ka. Tabi at hahanap ako ng tunay na vitamin," hinawi ni Lene si Migo at nagsimula nang maglakad. 

"Ah talaga? Ikaw Vitamin P squared!" patol ni Abes sa nakalayong si Lene.

Lene turned her back to us and raised her middle finger to Migo. Mas lumakas ang tawa namin.

"Nandiyan kaya tatay ni Hugo?" medyo takot na tanong ni Eka.

Migo shrugged. "Tignan mo."

"Ayoko nga. Ikaw na. Parang pinapain mo ako a."

"Bakit? Natatakot ka?"

"Sino bang hindi." Mahinhin na sagot ni Eka.

Halos lahat kasi kami ay takot sa tatay ni Hugo na si Tito Antonio. Ang sungit sungit kasi tignan ng taong iyon. Hindi mo gugustuhing banggain. Para siyang leader ng mafia boss. I shivered.

Tumungo kami sa pagkalawak lawak nilang hardin sa likod bahay. Brown wood at glass ang structure ng bahay. Ang cozy tignan. Madami ng tao ang naroon. May mga sumasayaw na rin sa gitna, sumasabay sa tugtog. May lumapit sa'ming lalaki, inalok kami ng cocktail at whiskey.

"It tastes good," sabi ni Elene nang makabalik siya sa table namin.

"Ganito ah, mag-chat lang kayo sa group chat natin kung sakaling uuwi na kayo. Sa mga tamad diyan, tumawag na lang kayo," paalala agad ni Migo.

Ang medyo may kahabaan nitong buhok ay nakaayos sa maliit na bun sa likod bagaman may mga ilang hibla pa rin ng buhok ang nakalugay. Ibang iba sa style ng buhok ni Abes na maalon alon at may tamang haba at kapal lang. Halos parehas sila ni River, nasa gitna nga lang ang hati ng kay River.

Kapag ganitong may party at involved ang alak, asahan mo nang magkakahiwa-hiwalay agad kami. Hindi naman ako gaanong umiinom pero malalakas silang apat lalo na si Elene.Mahilig siya sa party. Pagpasok pa nga lang namin kanina ay ang dami na nitong kinakausap, akala mo celebrity.

"Palong palo ka, pre. Momol na momol na ba?" Biro ni Abes.

"Ayaw na kumalma ni junjun."

"Grabe 'no paano mo napagsasabay iyong acads tapos libog?" Natatawang tanong ni Abes.

"Time Management lang, tol." Sagot naman ng isa.

"Let me have peace, please!" si Eka, umiinom na ng cocktail. "Just for this night!"

"Ang linis mo ha! Gatas lang naman pinanliligo mo e. Buti sana kung holy water e."

"Che! Doon ka na nga. Manghahunting ako ng pinsan ng may birthday!"

"Lumpia na lang hanapin mo mabubusog ka pa," si Abes.

Lene flashed a dirty smirk. "Sinong may sabing hindi ako mabubusog sa mga gwapong magpipinsan?" 

Gaya nga ng inaasahan ko, kaming dalawa lang ni Eka ang naiwan sa table namin. Sina Migo at Abes ay 'di na mahagilap ng mata ko. Halos mapuno kasi ang bakuran nila Hugo dahil sa dami ng inimbita nito. Kilala naman kasi siya sa University dahil captain siya ng koponan ng basketball.

'Di rin naman nagtagal ay bumalik na naman sa amin si Lene. In every group of friends, there's this certain friend whom she thinks is a celebrity. Tsk.

"Lene! Looking good!" Bunch of girls approached us. May ilan ding mga lalaki ang paparating.

"Trixie, you're here!"

Nagkatinginan na lang kami ni Eka pagkatapos ay matawa-tawang uminom ng drinks.

"Oh, by the way, these are my closest friends, Layana and Eka. Gals, meet Trixie, she's also a friend of mine."

Ngumiti ako at nakipagbeso rin sa babae. Maiksi ang buhok niya katulad ng kay Lene. May highlights siya sa buhok na siyang nakapagpapusyaw ng kulay gatas nitong balat. Ang approachable niya pati tignan. Nakikita ko siya minsan sa University pero hindi ko naman akalain na kakilala rin ito ni Hugo. Ang lawak naman ng connections ng taong iyon.

Ipinakilala rin kami ni Trixie sa iba pa nitong kasamahan. Nakalimutan ko na nga ang pangalan nila dahil halos abutin ang mga iyon ng sampung tao.

"Nathan by the way." A guy extended his hand to me.

Naiilang ko naman iyong tinanggap at tipid itong nginitian. "Layana."

I really hate social gatherings. Kung maari nga lang ay maupo lang ako sa isang susulok gagawin ko para lang makaiwas sa mga tao. I'm not an introvert person nor an extrovert person. I just know how to vibe with someone with the same energy I am capable of.

"Uhm," pinasadahan ng kaniyang palad ang sariling batok. "Hugo and I are neighbors before in Manila... that's why. And oh, Lene's co-rider."

Tumango tango ako na para bang interesadong interesado. Ayoko lang din maging rude dito kay Nathan. Kaibigan siya ni Lene e. Alangang sabihin mo nang diretsahan sa kaniya na huwag na niyang ibuka ang bibig niya.

"I see." 

I see ampota. I see what? I see the light?

"We grew up together. Almost. So, I'm getting older too."

I smiled a little. "20?"

Tumango ito. "Yeah. You?"

Minamata ko sina Lene at Eka pero iniwasan lang ako ng tingin ng mga ito.

"19."

Layana Anais Anonuevo, nineteen years old from Tagaytay City. Naniniwala sa kasabihang 'Give up on your dreams and die.'

Pumalakpak si Lene, nakuha ang atensyon ng kabilang table na para dapat ay sa grupo lang namin ngayon.

"Let's go find Hugo, Abes and Migs! Come on, come on! Oh, Layana stay there with Nathan. Save our spot. Eka, let's go!"

I see what you are doing Carmela Elene!

"Bye!" Nanunuyang bulong sa akin ni Eka pagkatapos ay kinindatan pa ako.

Napakawalang hiya talaga ng mga ito! Alam nilang hindi ako maalam sa mga ganito. I am not even good at starting conversations! Iiwan ko rin kayong lahat balang araw! Gaganti ako sa pang-iiwan niyo sa akin ngayon. Bwiset.

Hilaw akong ngumiti kay Nathan. "Oh by the way, have you seen Hugo? Hindi pa namin siya nakikita e."

Akala ko ay mahihirapan pa ako sa pagtatawid ng usapan namin nitong si Nathan pero buti na lang naantala kami nang magsimula na ang program. Nagsalita ang MC sa harapan, hudyat na mag-uumpisa na ang selebrasyon.

It's just a simple garden celebration. Sa kabila ng karangyaan ng pamilya, ito si Hugo, sa ganitong paraan gustong i-celebrate ang birthday. Just his close friends and family. Hindi man engrande pero sulit naman.

Unang tinawag ang mga magulang ni Hugo sunod ay ang dalawa pa nitong kapatid. Pormal na pormal ang mga ito, kabaligtaran ng pag-uugali mayroon ang kaibigan ko.

"There he is." Nathan murmured.

"Please welcome, Mr. Hugo Eleazar Monte de Ramos!" saad ng MC, nagpalakpakan naman ang lahat.

Nakangiti akong nakikisabay sa palakpakan lalo pa noong nagflying kiss pa ang loko. Ang daming naloloko ng isang 'to. Minsan pa nga ay may lumapit sa amin at sinabing nabuntis siya ni Hugo! Gago talaga.

"You look prettier when you smile."

Nagugulat naman ako sa biglaang pagsasalita nitong ni Nathan. Pilit na lamang akong ngumiti dahil hindi ako sanay sa presensiya nito. Mukha namang mabait itong si Nathan pero sadyang ilag ako.

"Saan ka nag-aaral?" tanong ko para maibsan kahit papaano ang hiya.

"Manila. I'm a third year Aeronautical student."

Bahagyang umawang ang labi ko. "Dreaming to become a pilot, huh."

He smiled. "Yeah. My parents own a flying company that's why."

Napatango tango naman ako. Alam kong may kaya kami sa buhay pero masasabi kong iba ang yaman ng taong ito. Ang mahal kaya ng tuition kapag gusto mong mag-flight attendant at piloto!

"But I occasionally go here for some personal reasons. And, rides din sa Carmona...Do you want more?"

Inginuso niya ang cocktail na nasa harapan ko, ubos na iyon.

"Sure."

"Great."

Kinuhanan niya akong muli ng isang baso nang may mapadaan na server sa harapan namin. He even requested for a toast.

"How about you? What course are you taking?"

And with that topic ay mabilis kong nakagaan ng loob si Nathan. The passion within me is overflowing when we are talking about my course.

"Agriculture Business."

"Oh, nice to meet you, Madame."

Napatawa ako roon. "Hindi naman. Gusto ko lang tulungan ang pamilya ko balang araw sa paghahandle ng negosyo. And kung papalarin, I also want to pursue Floral Designing."

His eyes widened in amused way. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko matapos makahigop ng cocktail.

"I see you like flowers."

"Yup."

"What's your favorite flower then?"

I shrugged. "Kipay."

"Kipay?"

My lips parted a little. I bit my lower lip soon after when I realized what I just said!

"I've never heard of it before. Where can I find it?"

I bit my lower lip. "Uhm...diyan lang. Sa gilid gilid."

Tumango tango siya. "Oh. I've never seen it. What is it like?"

"Uhm..." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang agay na iyon! Talaga bang hindi niya alam?

"Mabango...tapos..." Hindi ko na madugtungan ang gusto kong sabihin!

"Is it pretty?" He asked again.

I cleared my throat. "Iyong akin...maganda naman. Pwede na."

Nanatili itong seryoso. "Can I have it?"

I can't take it anymore. I burst into laughing! However, he is still confused.

"Are you serious?" Mangiyak ngiyak kong tanong.

"Uh...yes? I would like to see it. You said it's pretty. If I like it, then I'll have it."

Natawa pa ako lalo. Maiyak iyak na ako. Hindi niya talaga alam iyon?

Nathan handed me some tissues to wipe my tears. Sorry ako nang sorry dahil baka na-offend siya sa akin. Imbis kasi na ieducate ko siya sa kipay ay pinagtawanan ko pa siya.

Iyong saya ko nga lang ay agad lang naman na nawala ang ngiti sa labi ko nang mahagip ang isang pamilyar na tao sa hindi kalayuan.

Gamit ang isang kamay ay inikot ikot niya ang wine glass sa eleganteng paraan. He is leaning on his seat while his hand is placed above the table. Nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang white dress shirt. Ang paraan naman ng pagtingin nito ay nakakasugat, nakakapanghina, nakakatakot na akala mo ay alam niya ang pinakatago tago mong sikreto.

Napalunok ako nang magtagpo ang paningin namin.

"I guess it's for me to find it out." Nathan said playfully.

Wala na sa kaniya ang atensyon ko. Isang tingin lang ng lalaki, nakuha niya na agad ako. Sinakop niya na agad ang isip  at sistema ko.

"Anyway, I know that you'll make it, Ms. Anonuevo."

Pilit akong ngumiti. Ang kaninang sigla ko sa pakikipag-usap kay Nathan ay tila naglaho bigla dahil lang sa presensiya ni River. Bakit ganito? Bakit ganito pa rin ang epekto niya? Ilang taon na iyon, Layana...

"Matagal pa naman iyon."

He shrugged. "But still."

Muli kong tinignan ang gawi ni River pero wala na ito sa kinauupan niya. Pasimple kong inilinga linga ang paningin ko pero hindi ko na ito matanaw.

"Sana rin maka-discount or libre ako someday kung sakaling ikaw ang piloto ng sasakyan kong eroplano," kumento ko kay Nathan habang ang paningin ay nasa dagat ng mga tao na ngayon ay nagsisimula nang sumayaw sa harapan.

"Are you okay? You look tensed. Is there something wrong?"

Muli siyang naglagay ng panibagong alak sa harapan ko, hindi ko na nga mabilang kung nakakailang baso na ko. O baka naman dahil lang sa alak kaya ako nag-iilusyon na nandito nga si River?

"Nothing. I was just looking for my friends. Mukhang ang tagal nila makabalik," saad ko.

Akmang kukuhanin ko na ang alak sa harapan ko pero isang mainit na kamay ang pumigil sa pulsuhan ko. Init niya pa  lang, alam ko na agad kung sino.

It's crazy because after all these years, I still  remember everything about him. Alam ko kapag nasa malapit siya, iyong mga bagay na gusto  niya, paborito niyang pagkain at inumin, iyong init ng mga palad niya, kahit  iyong ngiti niya—alam ko kung kailan pilit at sinsero.  Alam ko kung malungkot siya at kung may problema ba siya. Alam ko ang lahat ng iyon. Kabisado ko. Kabisado ko  siya.  Pero bakit...bakit parang isa lang akong magaan na bagay na iniwan niya?

"That's enough."

Inilayo ni River ang glass of cocktail sa harapan ko at padabog na inilapag sa harapan ni Nathan. Nagugulat na lang ako sa nangyayari. Maging si Nathan ay nagtatanong ang mata kung sino ang lalaking biglang umeksena.

"Who are you?"

Hindi iyon pinansin ni River. Seryoso itong nagbaba sa akin ng tingin.

"Stand up. I'll take you to your friends."

"You know him?" tanong ni Nathan.

Nagtangis ang bagang ko. Naghihintay din ng sagot sa akin si River.

Do I know him? Or  I only know a past version of him? It's been years since the  last time I saw him. Things changed. He changed. I changed. I don't know if I still  have the rights to say that I know him.

Ngumiti ako kay Nathan. "Nope. Just one of my stalker."

"Anais," he said.

My grip to my glass tightened. There he is. Reminding me again that he did not forget me. He called me by my second name. He is the only one who calls me that.

Parang tanga. Kanina ay iniisip ko na baka nakalimutan na niya ako. Pero gayong tinawag niya lang ako sa pangalang nakasanayan kong tawag niya sa akin, ito ako, umahon bigla ang pag-asa sa puso.

"Let's go, Nathan. Let's look for Lene."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Hindi tinatapunan ng tingin si River. Pero muli siyang pumagitna sa amin ni Nathan. Bahagya niya pa akong itinago sa kaniyang likuran.

"Just...just leave her to me."

"Leave her? Hindi ka nga niya raw kilala."

Humigpit ang hawak sa akin ni River sa pulsuhan. "Just back off."

"No, you back off. Hindi ka nga kilala ng tao e tapos ipapasama ko sa'yo?"

"Back off," ulit ni River, may diin sa bawat salita."She's mine."

Mine. He was never mine. I was never his. We just...I don't know.

Nathan poked his cheeks."She didn't even know you."

"She knows me." Pilit ni River.

Pinapanood ko lang siya kung  paano niya  ipagdikdikan kay Nathan na kilala niya ako. Medyo malabo na siya sa akin dahil sa alak pero hindi nakaligtas sa akin kung paano bumabalatay ang galit sa mukha  niya.

Bakit siya ganiyan? Kaonti na lang ay iisipin kong nagseselos siya. Kahit pa noong nagtanong siya patungkol kina Abes at Anton. Fool me for thinking that way but I have no other way to see why he is acting this way.

Does he really want us back? Or he want something from me?

"Oh does she?"

Bumaling sa akin si River. "You're drunk and you're here with this stranger?"

"I know him." Sagot ko.

Umiling siya. "Well, I don't know him."

I took a deep breathe. I don't get his logic. I don't get him at all. Ano naman ba kung hindi niya kilala si Nathan? Dapat ba ay kilala niya ang mga tao sa paligid ko?

"He's a stranger."

It's like a trigger in my system. Stranger. I don't know who feels more like a stranger. Si Nathan ba o siya.

I met his dark eyes. "And so you are."

His lips formed a grim line. He is about so say something but chose not to say it. Imbis na tagalan ang pagtingin sa kaniya, agad kong binaling ang atensyon kay Nathan.

"Tara na, Nathan," saad ko, hindi makatingin kay River. 

Tumungo muna ako sa gawi ng mga alak. Tinungga ko ang ilang baso ng vodka na naroon. Napapatingin na rin ang ilan sa'kin dahil sa ginagawa ko. Ang sabi ko ay hindi ako iinom ngayong gabi pero umusbong ang inis sa sistema ko.

"Hey there, easy." Natatawa ngunit bakas ang pag-aalala sa boses ni Nathan.

"Hinay naman," Si Hugo na mukhang good mood. "Bawal lasengga rito."

"Eh bakit ka pa naglagay ng alak dito?" pasaring kong tanong bago tumungga ng isa pang shot. "Ano iyan pangdisplay?"

"She looks upset," balita ni Nathan.

"Anong nangyari?"

Hinayaan ko lang na mag-usap sina Hugo at Nathan. As expected, puro pang-aasar lang ang natanggap ko. Pasalamat siya at medyo nahihilo na ako at birthday niya, kung hindi ay kanina ko pa siya ginantihan.

"Bakit mo ba inimbita iyon? Close ba kayo?"

He shrugged. "He approached me."

"What?"

Inakbayan ako ni Hugo at ginulo ang buhok. "Ako nagyaya sa kaniya dito. In-approach niya lang ako kasi gusto ata mag-try out sa basketball. Edi ayun, inimbita ko na."

"Alam mong siya ang dahilan bakit  ako nagkarecord!"

Hugo laughed.  "Layana, he has the skills. I can't him slip away."

Try out ng basketball? Naglalaro ba siya nun? Kailan pa siya nagsimulang maglaro nun e mabilis hingalin iyon?

Oh well, people changed naman Layana. Kagaya ng sabi mo, maraming nagbago. Bakit ka pa ba nagugulat?

Nang aramdaman ko na ang hilo ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa na magbabanyo lang ako. Sasamahan pa nga dapat ako ni Nathan pero tumanggi ako. Hello! I can manage! I am already 19!

Pagewang gewang na'kong naglakad paalis sa garden nila Hugo. Mas lalong pumipintig ang ulo ko dahil sa lakas ng sounds. Muntik pa akong matumba nang may mabangga ako.

Ang bango. Amoy Creed Aventus.

Naliliyo kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Napangiwi ako nang maaninag ang pagmumukha ni River. Si River na naman. Tinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay pero parang dumausdos lang iyon sa kaniyang dibdib.

"Where are you going this time?"

Naiirita akong lumayo sa kaniya. "Magdadasal ako."

Naiirita ako sa damit ko. Parang gusto kong hubarin lahat! Napakainit!

"Where are your friends?" seryoso niyang tanong. "And your pet?"

Umirap ako. "Nand'yan sa loob, hanapin mo. Pwede ba, 'wag mo 'kong kausapin. Naaalibadbaran ako sa'yo. At anong pet ang sinasabi mo?"

Sinubukan kong maglakad ulit pero halos matumba lang ako. Mabuti na lamang at nahawakan niyang muli ang braso ko. Inis kong tinanggal iyon. Kaya ayaw kong umiinom e. Papaano kaya ito nagagawa ni Lene?

"Anais," tawag niya sa'kin.

Hinawakan niya pa ang isa kong siko at inalalayan ako sa marahan na paraan. Parang may kung anong humaplos sa akin nang maramdaman ang init ng palad nito.

"Anais," tawag niya ulit sa akin.

Bakit ba Anais siya nang Anais? I want him to call me Layana like we first met in the XDT! I preferred him calling me that way than calling me with my second name!

Sumandal ako sa gate at taimtim siyang pinagmasdan.

"You're drunk."

I squeezed my eyes out of frustration. I faced him and put both of my hands in my waist. "Hindi nga ako lasing. Gusto mo dasalan pa kita e."

His face darkened as if he didn't like what he just heard. I smirked. Look at those face. Green minded, huh?

I tried to kneel in front of him but he easily moved backwards and kneeled right before I did it. Tawa lang ako nang tawa.

"What the fuck are you doing?" He looks so frustrated.

I flipped my hair and closed my eyes. Pinagdikit ko ang mga kamay ko at nagdasal. "Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasiya—"

"I'll take you home," he grabbed my hand and drag me. Matawa tawa na naman ako.

"Hindi nga ako lasing!" Sigaw ko at hinablot ang pulsuhan ko.

Tumigil ito sa paglalakad at marahan akong binalingan. Nagtiim ang panga nito. Binatawan niya ang kamay ko at humalukipkip sa harapan ko. He surveyed my body from head to toe.

"Let's talk this way. No more shouting, okay?"

I rolled my eyes. "Eh bakit kasi ayaw mong maniwala na hindi nga ako lasing."

"Because you do. Come on, little woman. Look at your face. You look so wasted," marahan at malambot nitong sabi.

I groaned. "Hindi nga e!"

Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na napigilang mapasuka. He didn't react but I can still see how disgusted he is but he didn't say anything. Napaupo na ako sa gate dahil hilong hilo na'ko.

Hinugasan niya ang kaniyang kamay sa malapit na faucet. Hindi ko naman inaasahan na pupunasan niya ng basang panyo ang bibig ko. Nakita ko rin kung paano niya hinubad ang black jacket na suot, plain white tshirt na lang ang pantaas niya.

"And now you're taking care of me?" Nanunumbat kong sabi but again, he didn't speak.  "What happened to five meter rule, huh?"

Lumapit siya at ipinatong sa'kin ang jacket. I push him.

"Doon ka sa mga babae mo!"

His lips parted slightly.

"Iyong malaki ang boobs!"

"Wait. I don't know—"

"Oh please! Iyong sa pool!"

He tried to hold my wrist again. Hinampas hampas ko ang dibdib niya. Doon ko binuhos ang galit na nararamdaman ko.

"Gusto mo ba ay ang mga umaalog? Edi doon ka na!"

"I thought you are just passing by?"

Imbis na pigilan ako ay hinayaan niya ako na saktan siya nang saktan hanggang sa mapagod ako. Napayuko na lang ako habang ang dalawa kong kamao ay nakapamahinga sa kaniyang dibdib.

I felt his hand caressed my elbow with his thumb. His gestures are so careful and soft.

"You're this drunk, pretty?" Malumanay niyang kumento at hinaplos pa ang baba ko.

"You left me," nauubos na lakas kong sabi.

All of pur memories suddenly flashed in my mind. We're  young but its real. I can't believe he just throw it that easily. While me, I put everything under the rug. I only hid it there. Hoping for someday, I would be able to pick it up again.

"For that volumized woman?" I asked myself.

I don't know if this is due to my rage or it's the alcohol that talking. Or baka dumagdag na rin iyong idea na may babae agad siya ngayon but my heart feels so heavy. Ngayon lang ako naglabas ng sama ng loob pero sa ganitong ginagawa niya, na wala man lang siyang sinasabi, napatunayan ko na he's not even sorry for leaving me behind years ago.

What do I expect? He is River Hayes Espinoza.

"I'm here now," he whispered.

The back of his hand touch my cheek. He looks so careful in touching me. I know I was the one who made a rule that no touching but here I am, showing him how I can be a rule breaker sometimes.

"I'll carry you, okay? I'll take you home. I won't do anything to you." He assured me.

Mabilis kong ikinawit ang mga braso ko sa kaniyang leeg nang maramdaman ang biglaan kong pag-angat sa ere.

"Hindi ikaw si River," malungkot kong sabi.

Hindi siya ang River na kilala ko. Hindi na siya iyon. Iyong River ko, ako lang ang nakikita nun. Ako lang ang maganda sa paningin niya. Ako lang inaalalagaan niya. Araw araw kami halos magkasama pero hindi siya nagsasawa sa akin. Iyong River ko...

I felt him stiffened. He averted his gaze to me and surveyed my whole face.

Gamit ang hintuturo ay ni-trace ko ang kaniyang kilay. Nakasunod ang kaniyang mga mata sa bawat paggalaw ng daliri ko. Sunod kong pinadausdo ang hintuturo ko sa matangos nitong ilong at nahinto iyon sa ere nang akmang hahawakan ko na rin ang labi nito.

Stop it, Layana.

"My name is River," he whispered softly and with finality.

Umiling iling ako. Ibinaon ko ang ulo ko sa kaniyang leeg at mahigpit siyang niyakap. "You're not my River."

I can hear the rhythm of his heart. Just like mine, it seems like he run in hundred sprint race. It's beating so fast.

"I am your River...and I will be your River, Layana," he said before I drove off to sleep in his arms.

Continue Reading

You'll Also Like

782K 16.7K 48
The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost priority. Not until Abes, came in the p...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
102K 2.3K 54
Bar Series #6 For as long as Avey Hermoza remembered, River Eustaquio wasn't into her. River made it clear that he would never love Avey. Friends...
2.2M 37.1K 44
Galvez series #3 (Completed) Seven Ortiz is a rich basketball player who strongly believes in being faithful and loyal to one's lover. He has fallen...