Invisible Scream (One-Shot)

By snow_blackgirl

31 7 0

Bakit ang lupit ng MUNDO sa mga taong nagnanais maging parte nito? A one-shot story. Cover made by: @beauwish More

Invisible Scream

31 7 0
By snow_blackgirl


Naglalakad ako sa mataong parte ng aming school. Sa bawat gilid hindi pwedeng may bakante. May nag-uusap tungkol sa quiz, gala, crush o sa teacher na kanilang kinaiinisan. Pero habang binabaybay ko ang masikip na pasilyo, do'n ko napagtanto na nag-iisa ako. Maraming tao sa paligid pero pakiramdam ko wala silang lahat. Tila hindi nila alintana ang isang tulad ko.

"Oh, Eliori!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko ngunit 'di ko alam kung sino.

Paano ko hahanapin? Eh, napakatao ng lugar. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Bakit ba walang napansin sa'kin? Mga kilala ko naman sila at 'yung iba kilala rin ako. Nakalimutan na ba nila ako?

Umikot ang paningin ko, kasabay nito ang pagbabago ng kapaligiran. Mula sa school ay napunta ako sa bahay namin. Nakita ko na nasa kusina ang aking ina at nagluluto ng paborito kong sinigang na baka. Halatang masaya ito at kumakanta-kanta pa.

Lalapitan ko na sana ito para ipaalam na nasa bahay na 'ko.
Pero bago pa ko makalapit, tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Agad naman siyang napatigil sa pagluluto at tinignan ang cellphone.

Bumakas ang pagtataka sa kaniyang mukha, ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba. Sinagot niya ang tawag kahit nag- aalinlangan.

Hindi ako makapaniwala kung gaano kabilis na bumagsak ang aking ina paupo sa malamig na semento ng aming bahay at sumigaw ng pagkakalakas lakas.

"Elioooriiiii!!" Saka siya nanangis na tila wala ng bukas.

Ano ba ang sinabi ng tumawag dahilan para magkaganiyan siya?

Hindi ko alam ang gagawin, para akong napatda sa kinatatayuan. Alam kong sumigaw siya pero bakit hindi ko yata narinig? Bakit wala akong marinig? Pinutulan ba 'ko ng tainga?

Nang mahismasan, agad itong nag tungo sa kuwarto niya at nag bihis wari'y pupuntahan ang kung sinong tumawag sa kaniya.

Ano bang nangyayari?

Una, walang pumapansin sa'kin. Tapos may tumatawag sa'kin, hindi ko naman alam kung sino. Ang huli, hindi alintana ng nanay ko ang presensiya ko kahit man lang maramdaman niyang may kasama siyang iba, wala talaga.

Mabilis lang ang pag aayos ng nanay ko marahil ay nagmamadali talaga siya ngayon. Ni hindi niya yata nakuhang maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Kaya naman sumunod nalang ako kung sa'n siya patungo.

Sumakay si mama sa tricycle, may sinasabi siya pero hindi ko talaga marinig ang pinag uusapan nila at kung saan siya magpapahatid. Habang siya ay nasa loob ako naman naka angkas sa likuran. Habang lulan ay tinitignan ko ang mga nadadaanan naming mga tao. Nang tumigil, akala ko'y nakarating na kami 'yun pala traffic, napasulyap ako sa kabilang kalsada at nakita ang kaibigan kong babae na si Janette.

Nang magkasalubong ang aming mga tingin, kataka-taka ang reaksiyon sa kaniyang mukha, para siyang nakakita ng multo. Natawid pa naman siya at dahil may kakaiba sa araw na ito nasagasaan ang kaibigan ko.

Ano bang mali? Parang may hindi tama sa nangyayari.

Muling umandar ang tricycle samantalang pinagkaguluhan naman ang duguang babae na nadurog ang buong katawan.

Nakarating kami sa eskwelahan, muli kong nakita ang mga nagkalat na estudyante pero ngayon bakas na sa kanilang mukha ang takot at pagkabahala hindi katulad kanina na ang saya-saya nila tignan.

Pumasok si mama sa loob, para naman siyang reyna dahil lahat ng nakakalat na tao ay nagbigay-daan para siya'y makaraan.

Patuloy pa rin ako sa pagsunod dahil gusto kong malaman kung ano bang sanhi ng mga reaksiyon nilang 'yon. Hindi ako sanay, eh.

Pagkadating namin sa ground floor makikitang mas maraming tao do'n. May tinitignan sila sa may sahig.
Sinipat ko itong maigi kahit medyo malayo pa kami sa dami ng tao.

Isa itong babae na naka uniporme ng school namin. Nakahandusay ito sa sahig at duguan ang kaniyang ulo. Hindi ko naman makita ang mukha dahil nahaharangan ng mga hibla ng buhok. Puro pasa ang magkabilang-braso niya at may wakwak pa ang blouse na kaniyang suot sa may tagiliran.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid, may nandidiri, may nagtsitsismisan, may naiiyak pero meron ding walang pakialam.

Sino ba ang babaeng ito?

Nakita kong nilapitan ito ni mama, pinagmasdan ang buong katawan saka niyakap ng mahigpit ang hindi ko makilalang babae.

"Eliooorrrriii!" Palahaw niya saka siya tumingala sa mga tao. Hindi alintana na mukha siyang kalunos-lunos.

Sa wakas nakakarinig na muli ako ngunit ako'y naguguluhan.
Bakit niya tinatawag ang pangalan ko? Eh, nandito lang naman ako?

Ilang minuto na ang lumipas patuloy pa rin umiiyak si mama at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung sino ba talaga 'yun.

Napansin ko lang, bakit walang pumapansin sa'kin? Dati-rati ay tatapunan na nila ako ng matatalim na tingin na nagsasabing 'ba't dito ka dumaraan?'. Ang mga lalaki naman ay nakahanda na ang mga binilot na papel para ibato sa'kin, sa kahit anong parte ng aking katawan. O 'di kaya naman may suntok akong natatamo, 'pag trip nila.

Habang nakalupasay sa sahig, patuloy umiiyak ang aking ina. Inayos nito ang higa ng babae kaya nakita ko ang mukha niya. Hinawakan niya ito sa mukha gamit ng dalawang kamay saka hinalikan sa noo.

Ako? Ako ang babae iyon? Pero bakit?

"Annaaaaaakkk! Bakit mo ko iniwan?" Hagulgol ni mama. "Ba't ka sumuko.."

"Hindi, buhay pa 'ko! Magtatapos pa 'ko ng college,  marami pa kaming gagawin ni mama! Nangako akong hindi ko siya iiwan pero.. Bumitiw ako."

Tumingin ako sa gilid ko nakita ko ang magkaibigan na madalas mang-away sa'kin. Walang pag-aalinlangang hinawakan ko ang dalawa.

"Natasha! Lorraine! Sabihin niyong prank lang 'to!  Hindi pa ko patay! Kahit magalit kayo sa'kin forever, kahit maging alalay niyo ko lagi, ayos lang. Sabihin niyo lang na.. hindi totoo ang lahat." Pagmamakaawa ko saka lumuhod kahit alam kong hindi naman nila ako nakikita.

Pero parang kumakausap lang ako sa hangin ni hindi nila ako tinapunan ng tingin. Nakita ko namang napapiksi si Natasha at Lorraine, tila bang kinilabutan pa ang dalawa.

"Eliori..."

Tumingin ako sa paligid, may tumawag sa'kin. Ibig sabihin buhay pa 'ko!

Hinanap ko kung sino ang tumawag sa'kin.

Nakita ko sa'king likod si Janette, nakasuot ng napakaputing bestida. Napakaaliwalas ng kaniyang mukha.

Hindi ba't nasagasaan siya kanina? Bakit parang wala siyang mga gasgas at sugat?

"Eliori... Patay ka na. Tayong dalawa."

Saglit akong natulala saka pagkabawi ay tumawa ako.

"Anong sinasabi mo? Ako, Nette, gusto ko pang mabuhay." Ngumiti ako ng pilit.

"Talaga? Bakit tinapos mo ang buhay mo?"

Hindi ako nakapagsalita.

*Flashback*

Break time namin. Nakakalat na naman sa bawat gilid ng pasilyo ang mga ka-schoolmate ko. Ako naman ay kalalabas ko lang ng classroom namin dahil bilang scholar kailangan kong sundin ang mga iuutos ng teachers. Pero mas ayos lang sa'kin na utusan ako ng mga teachers kaysa pagtripan nila ako.

Nakayuko 'kong binabaybay ang mataong pasilyo, ayaw kong makatawag ng pansin kahit sino na nando'n dahil siguradong 'pag may nakapansin sa'kin na isa, mag sisisunuran na ang iba para i-bully ako.

Diba ang saya ng buhay ko?

Nang marating ko ang dulo akala ko natakasan ko na silang lahat kahit ngayong araw lang. Pero hindi, wala silang patawad. Dahil malayo ang iniisip ko hindi ko nakita ang paang biglang sumulpot mula sa gilid. Kaya naman nabitawan ko ang mga dala ko at napahalik ako sa malamig na semento. Hindi agad ako nakabangon, ramdam ko ang pagputok ng labi ko at nalasahan ko na rin ang sarili kong dugo. Napakasama yata ng pagkakabagsak ko.

Tatayo na sana ako pero may tumapak sa tagiliran ko. Batid kong nakatakong pa ito dahil tumusok sa'kin ang pinakatakong ng sandals. Nilingon ko nalang ang babae, nakita ko ang nakangising mukha ni Natasha. Habang ang kaniyang partners in crime na si Lorraine ay lumuhod para hawakan ako sa panga. Nagkatitigan kami, bakas sa kaniyang mukha ang panggigigil.

" 'Wag ngayon, pakiusap. Wala ako sa mood, may sumasakit sa'kin." Mahina kong saad pero sapat na para marinig ni Lorraine.

Mula sa gilid ng mata ko nakita kong naagaw na namin ang atensiyon ng halos lahat sa paligid. May ibang bumubulong at may kantyaw pa na lalong nagpainit sa ulo ng dalawang magkaibigan.

"Eh, ano sa'min kung wala ka sa mood at may sumasakit sa'yo?" Umirap ito. "The hell we care!"

Napapikit ako sa inis. Hanggang ngayon 'di pa rin inaalis ni Natasha ang kanyang takong kahit na nanginginig na ang kalamnan ko. Bakit ba araw-araw yata akong malas?

"Tumayo ka d'yan,  b*tch! 'Di pa kami nasisiyahan." Sinipa ako ni Natasha sa mukha. "Tayo!"

"Gusto pa yata marahas, eh. Hilahin n'yo 'yan!"

Paano ako makakatayo kung parang pinapatay na 'ko sa sakit ng katawan? School ba 'to o impyerno?

"Ang arte mo kasi, Eliori, ano bang pinagmamalaki mo? Wala! Wala ka namang kakampi dito!" Saka ako sinampal ng ubod na lakas.

Hindi ko na kaya.. Ano bang nagawa ko sa mga taong ito?

Dahil ba hindi nila ako kasing-yaman?

Dahil ba hindi nila akong kasing-ganda?

Ano bang kasalanan ko? Hindi ko naman sila inaano.

"Bitawan niyo na 'yan baka matuluyan, sige kayo, wala na tayong puppet sa susunod."

Binitawan nga ako ng mga g*go pero lalo lang nadagdagan ang sakit dahil padarag nila akong binitawan. Gusto ba nila akong mamatay?

Iniwan na 'ko ng mga taong nakiki-usyoso kanina. Habang ako nakasalampak pa rin ako sa malamig na semento. Hindi ko alam gagawin ko. Halo-halo na  sa aking isipan ang mga nangyayari. Isang madilim na balak ang namutawi sa aking isipan. Tinignan ko ang mga papalayong tao. Saka sumigaw na dahilan ng pagkakahinto nila at paglingon sa'kin.

"Sagliiiittt!" Nang maagaw ko ang atensiyon nila ay nagpatuloy akong magsalita. "Diba gusto niyo akong mamatay? Panoorin n'yo."

Pinagmasdan ko ang mukha ng bawat isa, maya-maya pa'y napuno ng mga halakhak ang buong paligid. Maraming hindi naniniwala sa aking sinabi. Akala yata nila nagbibiro ako.

Wala na yata ako sa sarili. Inipon ko ang natitira kong lakas para makatayo habang patuloy sila sa pagtawa at panunuya sa'kin. Tumalikod ako sa kanila at humakbang ako patungong barandilya. Tumigil na ang tawanan, napalitan ng nakabibinging katahimikan. Tila pinapanood nila ang susunod kong gagawin.

Batid kong hindi pa gano'ng ka safe dito dahil mahuna pa ito, hindi pa kasi natatapos ng mga construction workers, gayunpaman, buo na desisyon ko. Sawa na kong mabuhay. Kaya naman walang sabi-sabing tumalon ako.

"Paalam.. Mama."

*End of flashback*

"Halika na, sinusundo na kita, kaibigan." Saka niya nilahad ang kanang kamay na nagsasabing hawakan ko ito at sumunod sa kaniya.

Tinitigan ko muna ito ng ilang segundo saka ko ito inabot.

Bakas ang pagkagalak sa kaniyang mukha, naglakad na kaming marahan ngunit bago kami mawala sa gitna ng maraming tao, lumingon muna ako.

Kasalanan ko bang mahirap lang ang pamilya ko?

Kasalanan ko bang broken family kami?

Kasalanan ko bang salat ako sa mga mamahaling bagay ngunit hindi ako naging salat sa pagmamahal?

Kasalanan ko bang panget ako?

Bakit kahit patay na 'ko hindi pa rin nila nakikita ang halaga ko?

Bakit ang lupit ng mundo sa mga taong nagnanais maging parte nito?

The end.💖💖

A/N: Pasensya na sa mga errors at wrong grammar/punctuation. I hope you enjoyed reading!💖💖

-snow_blackgirl💚

P. S. Don't forget to vote, comment and share! Thanks!




Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]