His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XII

1.9K 78 8
By NeifileTheDreamer

For they loved the glory that comes from man more than the glory that comes from God.
~John 12:43

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Dalawang Kabanata

"FINALLY! We survived the Prelims!" masayang wika ni Aera.

Kakatapos lang ng last subject ng exam ngayon at nandito kaming magkakaibigan sa mini forest. Hindi ko masisisi si Aera kung bakit ganoon siya kasaya. Achievement na 'yun maituturing para sa amin. From hell week to heaven kumbaga.

"Nakakadugo ng utak ang CSS." reklamo ni Bal.

"Isama mo na 'yung Pre-Cal." dugtong ko.

"Pati 21st Century Lit, hindi lang utak ko ang dumugo, pati ilong." Keist said.

Naglabasan na kami ng sama ng loob sa mga subject namin upang gumaan ang aming loob dahil sa stress na binigay nila.

"Wow. Nagsagot ka ng exam Keist? Akala ko hinuhulaan mo lang." pasaring ni Coast.

Sa aming anim, si Keist kasi ang pinakatamad mag-aral. 'Yung tipong uunahin pa niyang mambabae at kumain kaysa magbasa ng libro.

"Ano ako si Madam Auring?" patanong na bwelta ni Keist.

Nagtawanan kaming lahat bukod kay Axti. Pinutol pa nga niya ang kasiyahan naming lima. Badtrip yata siya kanina pa.

"Ang ingay n'yo." Reklamo niya sa amin.

Kanina pa siya nakayuko sa table, masakit daw ang ulo niya. Hindi dahil sa exam kundi sa mga babae. Ang haba talaga ng buhok ni Axti.

Hindi namin siya pinansin at nag-iba kami ng topic. Wala naman siyang magagawa dahil hindi rin kami titigil sa pag-iingay kahit anong suway niya. Minsan lang kaming maglabas ng stress eh.

"Tara! Gala tayo. Since half day naman ngayon," aya ni Coast.

Isiningit niya ito sa gitna ng aming pagkukuwentuhan. Pasimple pa siya pero alam kong kanina pa niya kami gustong ayain.

"Ikaw talaga Coast puro gala ang alam," puna ni Keist.

"Ikaw nga puro kain at babae ang alam," pasaring naman nito.

"Sana all may alam," singit ni Bal.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Malala na ang tama nila sa ulo. Nabaliw na 'ata dahil sa prelims. Puro inisan ang nangyayari sa amin.

Sa bandang huli, napapayag kaming lahat ni Coast na gumala. Nahila na rin namin si Axti dahil gusto rin naman niyang makaiwas sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya.

"Sa Robinsons tayo, apos bumili nalang tayo ng pagkain sa supermarket," Suhestiyon ni Aera.

"At kainin sa food court." me and Bal said in chorused.

Ganito ang gawain namin palagi kapag nagtitipid. Bibili ng mga junk foods, drinks at kung anu-ano pa and dadalhin sa food court. Kahit na sabihin nating mayaman ang mga kaibigan ko, kuripot naman sila pagdating sa pera.

Pwera na lang kay Aera na inuubos ang pera sa mga damit, bags and make-up. At si Coast na bumibili ng sandamakmak na wattpad books.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

PUMUNTA na kaming anim sa Robinsons at nagtungo sa supermarket. Habang namimili ng mga pagkain, mayroong grupo ng magkakaibigan ang lumapit sa amin.

Nagulat kami noong una dahil akala namin ay kung ano ang gagawin nila. Halos pagkaguluhan nila kaming anim.

"Ate Xeidrine? Ikaw nga! Kyahh!"

"Fans ninyo po kami!"

"Legit ang Sixth of Ace nandito!"

"Ang pogi ng Acer Boys! Kyah! Axti, Stair and Keist!!"

"Pa-picture po!"

Ito ang samo't sari nilang sigaw. Hindi ko akalain na fans pala namin sila! Parang nangyari na ito nung nakaraan? De javu lang? Sa tingin ko mas nakilala kami ngayon dahil sa viral social experiment namin.

Pinagbigyan namin ang gusto nila at nang matapos ay umalis na rin ang mga ito. Unti unti na kaming nakikilala ng mga tao. Parang dati lang ay kahit dumaan at mag-tumbling pa kami sa harap nila, hindi nila kami pinapansin.

Pagkabili namin ng mga pagkain, lumabas na kami ng supermarket at magtutungo na dapat sa food court subalit napahito kami sa paglalakad.

Here we go again...

"Sixth of Ace!"

"Pa-picture po!"

"Ate Xeidrine! Solid NaLex shipper po ako!"

"Nasaan si Nash ate Xei? Hindi mo kasama?"

"Axti ang hot mo!"

"Xeidrine, Aera and Coast ang ganda n'yo po!"

Ilan lamang iyan sa mga narinig kong mga sigaw muli ng mga taong nakapalibot sa amin. Ang dami nila. Halos lahat gustong magpa-picture o 'di kaya'y magpa-authograph. Hindi ako sanay sa ganito.

Tumagal ng ilang minuto ang pagpi-picture namin. Nakakapagod ngumiti sa harap ng camera. I can't believe na ang dami nang nakakakilala sa amin.

Grabe, akala ko tapos na 'yung nangyari kanina sa supermarket. Sana naman ay wala nang sumunod. Gusto kong nakikisalamuha sa kanila, pero gusto ko rin namang mag-enjoy kaming magkakaibigan sa bonding namin.

"Grabe ka Xeidrine! Ang dami mong fans," sabi sa akin ni Aera.

"Sana all madaming fans," usal ni Bal. Wala na bang ibang alam sabihin ang kambal ko kundi sana all?

"Oo nga! Sana may fans, aircon lang kasi meron kami." Ngumiti na lang ako ng hilaw kay Keist. Ang corny niya.

Pumunta na kami ng food court pagkatapos nito dahil tumatakbo na ang oras. Buti na lang at wala nang nagpa-picture sa amin.

Nilantakan kaagad namin ang aming mga biniling pagkain nang makahanap kami ng table. Sa sobrang pagod namin dahil sa exam, nagutom kami.

"Hoy Keist! Hindi pa ba busog 'yung dragon mo sa tiyan?" banat ni Aera habang kumakain.

Si Keist, naubos kaagad ang pagkain niya habang kami ay hindi pa. Tapos ay bumili pa ulit siya rito sa food court! May dragon yata siya sa tiyan.

"Stress eating ako ngayon! Hindi ako nakakain ng matino noong mga nakaraang araw kaka-review," wika niya sabay subo ng burrito sa kaniyang bibig.

"Wow. Tumitino na ba talaga ang isang Keister Amadeus Yakama?" tanong ko. Nakakagulat kasi na si Keist ay unti unti ng tumitino.

"Well, bagong buhay," nakangiti niyang sambit.

Delikado na siya, nakangiti na ang aking kaibigan habang nagbubukas ng chichirya.

"Baka bagong babae. Tinamaan ka na ba bro?" pasaring ni Axti.

"She was totally different from other girls."

Mukhang tinamaan na talaga siya. Ang malas naman ng babaeng 'yun. Isang babaero ang nasulot niya. Kidding. Matino naman si Keist paminsan-minsan, at madalas kapag tulog.

"Ikaw ba Stair? Lalaki ka pa ba?" baling ni Aera sa kambal ko.

"Sa ating anim ikaw na lang walang love life. Ako, may Humanista na, si Aera ang daming bebe, si Axti pinag aagawan ng mga babae, at 'yung kambal mo mayroon ng dalawang Sistema."

My brows furrowed on what Coast said. Dalawang sistema? Seriously?

"Pinagsasabi mo riyan? Wala akong bebe uy!" giit ko.

"Eh ano mo si Aqui? Pati si Nash?" pang-uusisa ni Coast.

"Issue n'yo. Porket laging magkasama, jowa na? Hindi ba pwedeng kaibigan lang muna?" sunod sunod kong tanong.

Kahit kailan talaga 'tong si Coast. Kung hindi issue maker, shipper.

"Sabagay. Pero ano na nga Stair? Tigang ka na forever?"

Tinitigan ni Coast si Bal at hinintay ang kaniyang sagot. Napailing na lang si Bal dahil alam niyang hindi siya tatantanan ni Coast.

"I'm in a relationship with codes." Kahit kailan talaga 'tong si Bal codes pa rin ang nasa isip.

Minsan nagtataka na rin ako sa kasarian ng kapatid ko. Wala pa siyang natitipuhan na babae simula noong ipinanganak kami.

Hindi pa nagpaawat si Coast kakausisa sa mga love life namin. Kahit wala naman talaga ako noon at ang kakambal ko, ngunit napagod din siya kalaunan nang tanggi kami nang tanggi sa mga pasaring niya.

"Magiging busy na ako guys sa mga susunod na araw. Training na kasi for cluster meet. Baka hindi ko na kayo madalas makikita. Paalam." Pag-iiba ng topic ni Keist na para bang mamamatay na.

"Drama mo Keist. Oo nga pala. Hindi ba at kasali ka rin sa cluster meet Xeidrine?"

I almost forgot about that. I was busy with the Prelims. Mukhang kailangan ko nang ihanda ang utak ko sa training namin. Playing chess is fun but training is not.

Ang mas nakaka-stress pa ay week before cluster meet ay midterm exam namin. Sana maka-survive pa ako.

"Sana all kasali sa cluster meet," Bal said.

Isa pang sana all ng kambal ko masasapak ko na siya. Nakakairita na. Kanina pa siya sana all ng sana all.

"Hindi nga ako player but we need to document the cluster meet. Journalism sucks," sabi ni Coast.

She was a part of school newspaper. Even she was a Canary Tribe member, kinuha siya upang magsulat sa dyaryo. Magaling kasi siya sumagap ng chismis este magsulat ng balita.

"Manunuod kami ng laro ninyong dalawa. Ayokong magklase," saad ni Aera.

Tamad talagang mag-aral nitong pinsan ko. Mayroon kasing klase sa araw ng cluster meet dahil hindi naman ang West Wood ang host nito.

"Ang sabihin mo Aera, maghahanap ka lang ng pogi roon," tukso ni Keist sa kaniya.

"Isa na 'yun sa dahilan," Nakangiting sambit nito.

"Ang alalahanin mo muna ay iyong pagsali mo bilang Lakambini bago pogi," paalala ko sa aking pinsan.

"Oh, shoot! Oo nga pala!" she hissed.

Nagpatuloy pa kaming anim sa pagkukwentuhan at napunta ang topic namin ay Axti. Nang gumabi na ay umuwi na rin kaming lahat.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"FIVE minutes break!" sambit ni Ailish.

Today was already our fourth round of playing chess. It was our fifth day of training. Bawat araw na lumipas, lalong sumasakit ang ulo ko.

"Last Gam,." Nash declared.

"Ano ba naman 'yan?" kamot ulong saad ni Brice, isa sa mga teammate namin.

He's real name was Brusenio Brooke. Ayaw niyang tawagin namin siyang Brusenio dahil ang baho raw pakinggan.

"Hindi ka pa ba nagsasawa? Paulit-ulit na lang laro natin!" reklamo ni Ailish.

She was right. Nakakasawa na kasing maglaro ng paulit-ulit. Mayroong itinuturo sa amin si Mr. Davila na mga bagong chess openings, defense and such kaso nakakabagot na talaga.

Wala rin si Mr. Davila ngayon dahil inaayos niya ang forms namin para sa darating na cluster meet. Si Nash ngayon ang nagpa-facilitate ng laro.

Nash was really strict in training. Kaya siya ang pinagkatiwalaan ni Mr. Davila na mag-facilitate ng training.

"Ganito na lang, kapag natalo kita sa blitz, uwian na," pagne-negotiate ni Ailish kay Nash.

"Game. Pero kapag natalo ka hanggang six tayo rito," pagpayag ni Nash.

"Deal!"

Lagot na. Magaling naman si Ailish maglaro ng chess kaso mahirap kalabanin si Nash. Sa buong training namin isang beses ko pa lang siya natatalo.

Sinet ni Ailish ang chess clock at nag-umpisa na silang maglaro. Dalawang minuto pa lang ang lumipas ay ubos na agad ang mga piyesa nilang dalawa.

"Xeidrine, pustahan tayo. Kapag si Ailish ang mananalo libre mo ako," bulong sa akin ni Brice.

Pinanuod ko ang bawat tira nina Nash at Ailish. Ang intense ng laban nila. Halos tabla lamang ang dalawa.

"Kapag si Nash naman, ako lilibre mo?"

"Deal," sabi ni Brice at inilahad ang kamay niya.

Ano ba 'yan? Puro pustahan na lang kami rito. Nakakatamad naman na talaga maglaro.

Natapos ang laban matapos ang ilang minuto at nagkaubusan ng piyesa ang dalawa. Tanging mga hari na lamang ang natira sa kanila. Ang laki ng ngiti ni Ailish.

"Oh, paano ba 'yan? Draw tayo."

"Edi five minutes break."

Nagsigawan naman kaming tatlo sa sinabi ni Nash. Inayos namin ang chess board bago magpahinga.

"Let's jam!" pagdedeklara ni Ailish.

Nag-beat naman si Brice at sinimulan na nilang kumanta ng mga lumang tugtugin. Pinanuod ko naman sila. Ayokong sumali sa pagkanta dahil mahal ang talent fee ko.

Mayroon naman akong itinatagong galing sa pagkanta, kaso nakalimutan ko lang kung saan ko ito itinago.

Nagpatuloy pa sila sa pagkanta ng mga jeje songs. Syempre hinaluan pa nila ito ng interpretative dance. Ito ang break para sa kanila. Nakakawala raw kasi ng sakit ng ulo ang pagkanta.

Napunta rin ang kanilang pagkanta sa love songs. Masasabi kong maganda ang boses nila pareho. Nang nasa chorus na sila ng kanta, bigla nilang itinuro ang aking likuran.

Napalingon ako rito at nakita ko si Nash. Akala ko ay iidlip siya gaya ng kaniyang ginagawa noong mga nakaraang araw, subalit nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

Ang kaniyang abong mga mata na ngayo'y nangungusap na naman. Naramdaman ko na naman ang mga boltahe sa pagitan naming dalawa. Ngunit nawala rin itong bigla nang alisin niya ang titig sa akin.

Nababakas ko rin sa kaniyang mga mata ang puyat at pagod. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang ginagawa sa buhay, ngunit parang nais ko itong malaman.

Nang matapos ang kantahan, nagkwentuhan kaming tatlo. Si Nash yumukong muli sa isang sulok at parang nakatulog na talaga siya.

"Oy Xeidrine! Pa-shout out naman sa vlog ninyo!" sambit ni Brice.

"Sana all vlogger na, chess player pa!"

"Sige, next time pero may bayad ang shout out., pagbibiro ko.

Tumayo si Brice upang kumuha ng tubig sa water dispenser. Pagbalik niya ay nakangiti na siya ng nakakaloko.

"May tanong ako Xeidrine..." uminom muna siya ng tubig bago magpatuloy, "Bakit ang pogi ko?"

Kung may kinakain siguro ako, nabulunan na ako panigurado sa tanong ni Brice. Kala ko naman seryoso siya.

"Lakas din ng amats mo Brice! Tinatanong pa ba 'yan? Hindi ka pogi, sadyang GGSS ka lang!" banat ni Ailish.

"Hindi naman talaga 'yun tanong ko eh. Eto seryoso na. Hindi ba viral ang picture n'yo ni Nash? Buti hindi kayo nagkakailangan?"

"Oo nga, kasi nga 'di ba 'yung about sa #NaLex thingy. Alam naman nating walang kayo. Or baka naman..." pinutol ko ang sasabihin ni Ailish.

"Alam ko na ang sasabihin mo. Wala talagang kami. And kahit minsan nga hindi naman namin napag usapan ni Nash 'yung tungkol diyan."

"Baka naman ayaw lang ni Nash na pag-usapan n'yo 'yan. Alam mo naman kaming mga lalaki, gugustuhin na lang naming manahimik."

May point si Brice. Mas mabuti na nga rin na hindi namin napag-uusapan 'yun ni Nash. Ayokong magkailangan kaming dalawa. We're just friends.

"Lalaki ka pala?"

"Syempre. Crush mo nga ako."

Napailing na lang ako nang nagkainisan na ang dalawa. Hindi na ako magtataka kung balang araw magkakatuluyan sila.

Matapos nilang asarin ang bawats isa, bumaling ulit sila sa akin.

"Bagay naman kayo ni Nash. What if–" naputol ang sasabihin ni Brice nang biglang nagsalita si Nash.

"Kanina ko pa naririnig pangalan ko. Ano ba 'yang pinag uusapan ninyo?" tanong niya sa amin.

Pumunta siya sa puwesto naming tatlo at umupo siya sa tabi ko. Nagkatinginan pa sina Brice at Ailish.

"May tanong ako Nash. May social media accounts ka 'di ba?" Ailish asked.

"Oo," tipid na sagot niya.

"Binubuksan mo ba palagi 'yun?"

Ano ba gustong palabasin nila Ailish? Ayoko kasing pinag-uusapan 'yung about sa issue sa pagitan namin ni Nash. Mamaya magkatotoo, lagot ako sa kakambal ko.

But kung totoo ang sinasabi ni Brice na bagay kami ni Nash. Pwede naman sigurong totohanin ang relationship namin. Kidding.

"No. I'm just using messenger. I don't have time to surf."

"Ahh Kaya..."

Pagkatapos nilang tanungin si Nash ay bumalik na ulit kami sa pagpa-practice. Hindi na ulit sila nagtanong tungkol sa aming dalawa.

Mas mabuti ng hindi alam ni Nash 'yung tungkol sa #NaLex dahil ngayon pa lang magsisimula ang pagkakaibigan namin. Ayoko itong masira.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"GET your onion class. And cut it in the thinnest layer," our teacher uttered.

We are now in the science laboratory and it was our activity now on Gen Bio 1. We will look the onion cells on the microscope.

Kinuha ko ang blade na nasa aking harap at hiniwa ko ng dahan-dahan ang sibuyas.

"Praise," tawag ni Aqui sabay sundot sa akiing bewang.

Napaitlag ako sa ginawa niya at nasugatan ng blade ang aking daliri. Umagos ang dugo sa aking kamay. Nagulat ako sa nangyari.

"Sorry!" Natatarantang wika ni Aqui at parang hindi alam ang gagawin.

Ang labnaw ng aking dugo. Walang tigil ang pagtulo nito sa aking kamay. Ang laki kasi ng naging hiwa.

Nakita kami ng aming guro at kaagad siyang lumapit sa aming puwesto.

"What happened?" tanong ng teacher namin. Halos lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin.

"Nasugatan po si Praise este Xeidrine. Hindi kasi nag iingat 'yung blade."

Wow. Talagang 'yung blade pa sinisi ni Aqui? Sarap niyang sapakin. Biro lang.

"Patingin," Nash said and I don't know that he's in my side. Para siyang sumulpot na kabute.

He held my hand and looked at my scar. Nash shook his head when he saw how big was my wound is.

"Come with me," utos niya sa akin.

Pumunta kami sa sink ng science lab. Hinugasan niya ang kamay kong patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo.

Nang maagapan na niya ito, kumuha siya ng towel sa ilalim ng cabinet at pinunasan ang aking kamay. Napatitig lamang ako sa kaniyang mga galaw. 

Bakit ganito siya makaakto ngayon?

"Sa susunod kasi mag-ingat ka huwag puro harot," paalala niya.

Pinagmasdan ko kung paano niya gamutin ang sugat ko. Mukhang alalang alala siya sa akin.

Gaya ng palagi kong nakikita, his stare really looks weird. It gives me uncomfortable feeling.

"Malayo naman 'yan sa bituka," sabi ko.

"Malapit naman sa pulso. Tss."

Pagkatapos niyang gamutin ang aking kamay, kinuha ni Nash ang panyo sa kaniyang bulsa at itinali sa sugat ko.

Nakaramdam na naman ako ng kuryente na dumadaloy sa pagitan namin. Sa bawat pag hawak at pagsulyap niya sa akin ay kinikilabutan ako.

"Thanks."

"For the nth time, be careful Mango Graham Shake."

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NAKAKAPAGOD ang araw na ito. It almost seven in the evening na at kakauwi lang namin galing school. Si Bal galing sa practice nila sa isang subject, ako naman galing sa training.

"Bal, ano nangyari riyan?" tanong ni Bal nang makita ang sugat ko sa kamay.

"Hindi kasi tumitingin 'yung blade kaya nahiwa ako," pabirong sabi ko. Nahawa na ako kay Aqui sa kapilosopohan.

"So, 'yung blade pa ang may kasalanan?"

"Oo." Napailing na lang si Bal at pumunta ng kwarto niya upang magbihis.

Ako naman ay nanatili sa sofa at ipinikit ang aking mata. Naalala ko kanina ang ginawa ni Nash.

Why does he looks worried?

Kakaiba ang mga titig niya sa akin. Napatingin ako sa aking kamay na hanggang ngayon ay nakabalot pa rin ang panyo ni Nash.

Napabalik lamang ako sa aking wisyon nang pitikin ni Bal ang aking noo. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Magbihis ka na nga. Ang baho mo na," utos niya sa akin.

"Wow. Nahiya ako sa iyo."

Tumayo na ako at nagbihis. Binilisan ko ang aking kilos dahil magluluto pa kami ng hapunan at mag-aayos ng t-shirts.

Pagkalabas ko ng kuwarto at nakita ko si Bal na nakasandal sa pader. Ang sama ng tingin niya sa akin. Anong problema niya?

"Alexeidrine Praise Monteasul, mag-uusap tayo."

"Ang seryoso mo naman."

Hindi niya ako sinagot at dumeretso sa sala. Sinundan ko naman siya. Anong problema ni Bal?

"May boyfriend ka na ba?" deretsahang tanong niya.

Saan naman niya napulot 'yun? Siguro sa mata ng iba may boyfriend ako, pero wala naman talaga.

"Wala!"

"Sigurado ka?" Paninigurado pa nito.

"Oo nga!"

"Eh ano ito?"

He gave me his phone and I looked what's on there. Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko kung ano ang nakalagay.

WHAT'S HOT?

Nash and Xeidrine SPOTTED AGAIN!

Totoo nga ba ang usap-usapan na sila ay nagkakamabutihan na?
Napapabalitaan ngayon na magkasama ngayon sa Chess Team ang dalawa at kabilang sila sa darating na Private School Cluster Athletic Meet!

Mayroong nakapagsabi na OFFICIALLY DATING na raw ang dalawa. Totoo nga kaya na ang isang STEM student ay para lamang sa kapwa STEM student?

#NaLex
#siSTEMa
#Destiny
#uWu

~Also Known As

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 106 43
an epistolary ; dulce & jake
658K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.3K 199 56
Eve & Kael Flying Letters Series #3 🖇️Completed ©slpycat 2023
6.9K 1.1K 22
SHS Series #1 In his world full of pressures and expectations. Vance, a STEM student, tried so hard to remain a scholar and always on top. He did eve...