Tune of Hearts

Af CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... Mere

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

32

67 27 0
Af CYRONGRAY

Shinea's POV

Saturday ngayon, niyaya ako ni Lauren na pumunta sa bahay nila. May kung ano sa akin ang ayaw pumunta pero ayaw ko rin namang biguin yung mommy ni Lauren. Noong isang araw pa niya kasi ako pinapupunta dito pero nagdahilan ako na maraming ginagawa sa klase.

"Oh my gahd Baby She!" sinalubong agad ako ng mommy ni Lauren at saka niyakap. "Namiss kita. Mas lalo ka pang gumanda Baby She! Yieeee!"

Nginitian ko naman siya. "Na-miss ko rin po kayo."

Nakita ko naman si Lauren na palapit sa akin. "Buti na lang Bes! Akala ko talaga hindi ka pupunta."

Naaninag ko naman sa di kalayuan si Zhely na papalapit sa amin.

Ano na naman ginagawa niyan dito? Nakikipag-landian na naman kay Jeth?

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin. Binigyan ko lang siya ng plastik na ngiti, syempre.

Niyaya kami kaagad ng mommy ni Lauren sa hapag. Ang dami niya pang niluto. Natakam tuloy ako.

Bumaba na rin si Jeth ng hagdan. Mukhang kagigising lang.

"Hey Jethy Boy! Kain na!" tawag ng mommy niya kaya naman lumapit na siya. "Tabihan mo na si Baby She."

Bigla akong napatigil sa pagsubo ko. Hayst.

Nakita ko na tiningnan niya pa ko. "I'll sit here na lang, mom."

Okay. Nandoon nga pala yung girlfriend. Bakit nga ba naman tatabi siya sakin? Tssk.

"Ano pa gusto mong kainin, Zhe?" narinig kong sambit ni Jeth habang inaabutan si Zhely ng pagkain.

Tsssk. Pati ba naman sa hapag?

Maya maya pa ay dumiretso muna ko sa kwarto ni Lauren. Naalala ko tuloy yung dati kong punta dito. Yung nag-movie marathon lang kami halos buong maghapon.

Bigla akong napatingin sa likod ko. Sumunod pala yung Zhely na yon! Tsssk.

Maya maya pa ay in-open na ni Lauren yung TV. Mukhang magmu-movie marathon na naman ata kasi kinuha yung laptop niya.

"Nood tayo ng movie!!!!" sigaw pa ni gaga sabay higa doon sa kama niya.

Naki-join na rin ako sa paghiga. Sumunod naman si Zhely. Tsssk.

Nag-play na naman si Lauren ng horror movie. Tapos, duwag naman. May patakip-takip pa ng mata.

"Ayan na. HUHU." ito na naman siya.

Bigla kong hinawakan yung paa niya para takutin siya. "WAAAAAAAAAHHHHHH!" Ang lakas kung makasigaw. "Walang hiya ka Shinea Gomez!"

Natawa naman ako sa itsura niya. Akala mong nalugi!

Narinig ko na tumatawa rin si Zhely. Teka, ano tinatawa nito? Moment ko 'to. Bakit sumasali siya?

Tiningnan ko siya ng masama at saka inirapan.

After ng movie ay niyaya kami ni Lauren para mag truth or dare.

Kinuha niya yung bote ng soju doon sa may gilid ng kwarto niya. "Okay, game."

Siya na yung nagpaikot. Siya naman yung nakaisip na maglaro eh.

Nagulat ako ng biglang tumapat 'yon sakin.

Dahil matapang ako, nag-dare ako.

Bigla siyang napaisip ng ide-dare sa akin. Nakita ko naman na napangisi siya sa naisip niya.

"I dare you to kiss the royal foot!" Bigla siyang napahalakhak. Parang tinubuan ng sungay ang ulo niya dahil sa mga naiisip niyang gawin sa akin.

Gaga talaga kahit kailan! Nakakainis! Kasalahula!

Inextend na niya yung paa niya sa harapan ko. Shit talaga!

Bigla akong natawa nang may naisip ako. Tinapik ko yung labi ko gamit yung palad ko at saka isinalat 'yon sa paa niya. "Oh ayan."

Nakita ko naman na parang nag-usok ang ilong niya sa ginawa ko. "Madaya ka din eh no!"

Tawa ko nang tawa. Binalibag niya pa ko ng kinakain niya na pretzel.

Pinaikot ko naman 'yung bote tapos biglang tumapat 'yon sa kanya. Napangiti tuloy ako. Humanda ka ngayon sa akin gaga ka!

"Truth." Pinagkrus niya pa yung mga braso niya. "Akala mo maiisahan mo ko bes ah! No! No!"

Akala mo lang 'yon.

"Who is your crush?" direktang sambit ko. Bigla naman siyang napatakip ng bibig niya.

Hala! Sige ka ngayon!

"Pwede bang wala?"

"Hindi pwede. Sumagot ka! Naka-hot seat ka ngayon!"

"Wala talaga."

"Okay... 1... 2..... pag hindi ka pa sumagot magdedare ka na ha. Alam mo na mangyayari sa'yo."

"Pano kung wala talaga?"

"3......4......"

"Bes!"

"5....6..."

"Hoy! Iba na lang itanong mo!"

"7..... 8......"

"Ito na! Ito na! Sasagot na!

"9........................."

"Si Drey!"

Hell what????!!!!!!!

Bigla akong napatakip ng bibig dahil sa sinabi niya. "Si Drey?" Bigla akong natawa.

Tahimik lang si gaga at parang dinadama pa yung kahihiyan na sinabi niya.

"Oh my gahd Lauren Gayle!" pang-iinsulto ko sa kanya.

"Manahimik ka Shinea Gomez!"

Natatawa na lang tuloy ako. Ano kaya itsura nila ni Drey kapag naging sila. Iniisip ko pa lang pero mukhang naiingayan na ko. Sobrang ingay nila panigurado.

Inis siyang pinaikot yung bote. Nandaya pa, biglang pang tinapat sakin 'yon.

"Ulitin mo! Madaya ka." sambit ko.

Inis niya pa akong tiningnan at saka napilitang paikutin yung bote.

Bigla namang tumapat 'yon kay Zhely kaya nagulat ako.

"Wala akong maitanong. Ikaw na lang Bes."

Bigla tuloy nanlaki ang mata ko. Ano itatanong ko dito?

"Are you in love with someone?"

Hayst. Parang napaka-obvious naman ata ng tanong ko.

"Of course." tipid na sagot niya.

Syempre. Sino pa ba? Edi si Jeth. Tssk.

Hinampas naman ako ni Lauren kaya tiningnan ko naman siya ng masama. "Wag ka! May manliligaw na yan!"

Ah. So nanliligaw pa lang pala. Kahit na! Doon rin mauuwi 'yon.

Maya maya pa ay niligpit na namin yung pinaggamitan namin. Ani Lauren, iba daw magalit yung mommy niya kapag nakitang magulo ang bahay.

"Baby She!" tinawag ako ng mommy ni Lauren. "Pinagprepare uli kita ng cookies."

Bigla tuloy akong natahimik nang may maalala na naman ako. Ito yung gustong gustong kainin ni Jeth no'n kaso sakin binigay ng mommy niya.

Hayst. Bakit ba patuloy akong binubulabog ng past ko? Nakakainis na.

"Baby She?" nagtatakang tiningnan ako ng mommy ni Lauren. "Are you okay Baby She?"

"Yes po. Okay lang ako."

Kinuha ko naman kaagad yung cookies na binigay niya.

Pumunta naman ako sa pool habang bitbit yung platito na may lamang cookies. Si Lauren ay nagsi-swimming pa. Nakita ko naman si Jeth na mag-isang nakaupo sa gilid.

Biglang nagtama ang tingin naming dalawa. Nanindig ang balahibo ko.

Aalukin ko sana siya ng cookies nang biglang dumating si Zhely at saka tumabi sa kanya.

Shit! Parang kumukulo yung dugo ko. Ayokong maging third wheel no!

Kaya pumunta na lang ako sa kubo, kumain na lang ako ng kumain ng cookies. Lalo lang akong naiinis kapag nakikita ko silang dalawa.

Bigla namang lumapit sa akin si Lauren. "Tara nga do'n! Mag-swimming tayo."

No choice ako. Hilahin ba naman ako tapos ilaglag sa pool. Buti na lang hindi niya ako nilaglag uli doon sa malalim na part, baka kung ano gawin ko sa kanya pag nagkataon.

Nakita ko namang nagsasabuyan ng tubig sila Jeth at Zelhy doon sa gitna. Pati ba naman dito naglalandian pa rin? Tssk.

Maya maya pa ay nakita ko na rin si Lauren na naki-join sa kanila. So ako na lang yung naiwang mag-isa dito sa gilid. Hindi naman ako makalapit kay Lauren sa gitna kasi di ako marunong lumangoy. Kainis.

Nakita ko si Jeth na biglang umupo malapit sa akin.

"What are you taking?" pagbasag ko sa katahimikan. Kanina pa kasi walang kumikibo sa aming dalawa.

"Architecture." Tipid na sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Ah. Okay." sambit ko. Wala na akong masabi eh.

"Do you have your special someone already?"

Biglang nanindig yung balahibo ko sa tanong niya. Natahimik bigla ako.

"I guess, silence means yes." napabalik bigla ako sa katinuan nang muli na naman siyang magsalita.

Pumunta na uli siya sa gitna para lumapit kay Zhely.

You're confusing me, Jeth.

Tahimik lang ako sa gilid habang kinakawag yung paa ko sa pool. Wala ako sa sarili ko simula ng mag-usap kami ni Jeth kanina.

Palagi niya na lang akong ginugulo. Hindi niya na ko pinapatahimik.

Kinuha ko yung twalya ko sa may gilid at saka nagpalit. Hindi naman ako nag-eenjoy sa swimming eh. Sila lang. Pumasok na lang ako sa kwarto ni Lauren. Pagkahiga ko sa kama niya ay nagsuot agad ako ng headphones. Music lang talaga yung mapaglilibangan ko sa mga oras na 'to.

Maya maya pa ay nakita ko namang pumasok na si Lauren sa kwarto. Mukhang kakatapos lang ata nilang mag-swimming.

"Oh! Ang aga mong umalis."

"Wala ako sa mood." simple kong sagot.

"Wow!" nadidinig ko yung tawa niya kahit nakapikit ako. "Eh pano nga hindi ka naman marunong lumangoy!"

Animo'y nag-usok ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Pinanlakihan ko kaagad siya ng mata. "Manahimik ka Lauren Gayle! Inisin mo pa ko! Ilalagay kita sa drum, doon kita palalanguyin!"

"Ito naman si bes! Di mabiro. Hehe." pagsuko niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakahiga sa kwarto niya.

Nagulat ako nang isang tunog sa cellphone ang bumasag sa katahimikan. May nag-text ata.

Pagkakita ko ay biglang nanindig ang balhibo ko. Animo'y binalot muli ako ng takot dahil sa nakita ko.

From: Sven
Enjoy your days, Shinea.

__________________☆

-CYRONGRAY








Fortsæt med at læse

You'll Also Like

109K 5.3K 41
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
7.3M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
300K 7.4K 107
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
Ace Af Antonia

Romantik

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...