If I have Nothing (Absinthe S...

By Lumeare

417K 14.8K 1.9K

Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family an... More

Disclaimer
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
W a k a s
Special Chapter

Simula

19.9K 485 70
By Lumeare

Simula

Pinahid ko ang luhang namuo sa aking mga mata at malungkot na napangiti. Napamahal na sa akin ang lahat at napamahal na rin sa akin ang lugar na ito. Ito ang lugar kung saan namulat ako sa tunay na mundo.

Mahirap isiping sa unang pagkakataon ay lilisanin ko na ito at ewan ko ba kung makakabalik pa ba ako. Isang malungkot at mahirap na desisyon ang iwan ito ngunit wala na akong magagawa.

"Syden, tara na? Hinihintay ka na nila." Sabi sa akin ni Sister Martha sabay akay sa aking kamay. Malungkot akong ngumiti kay Juniper. Hinawakan nitong muli ang aking kamay na parang ayaw niya akong paalisin. Tutol man ay ako na mismo ang nagpumilit na alisin ang kanyang mga daliri sa pagkakahawak sa akin. Mas lumakas ang iyak niya at mas lalo pa akong hinatak. Napahikbi ako at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Juni, ayos lang. Magkikita pa naman tayo. Alam mo namang hindi kita makakalimutan diba?" paglalambing ko at hinalikan ang kanyang noo. Parang isang kapatid na ang turing ko kay Juniper kaya naman mahirap rin sa akin na iwan siya.

"Ayoko, Syd! Ayoko! Dito ka na lang!" aniya at ikinulong pa ako. Sinulyapan ko ang iilang katuwang ni Sister Martha at katulad ko ay naaawa din sila sa akin-sa aming sitwasyon.

Bakit nga ba kailangang maging ganito? Bakit kailangan naming maghiwalay?

Sumenyas si Sister Martha na ilayo na sa akin si Juniper. Pikit matang nagpaubaya ako at wala nang nagawa nang maghiwalay na kaming dalawa. Iyak nang iyak si Juniper ngunit ngumiti ako. Ngiting nagpapahiwatig na magiging maayos ang lahat. Hindi naman ako lalayo. Bibisitahin ko silang lahat.

"Tara na Syden." Ani Sister Martha at hinawakan na ang aking kamay. Napayuko ako upang ihiwalay ang tingin sa umiiyak na kaibigan. Nagpatuloy kami ni Sister Martha sa paglabas ng orphanage hanggang sa nakarating na kami sa labas.

Doon ko nakita ang mag-asawang ilang ulit nang pabalik-balik dito at palagi akong kinakausap. Masasabi kong mababait naman sila lalong-lalo na ang babae. Ang lalaki naman ay mukhang may lahi dahil minsan ay hindi ko maintindihan ang pagsasalita nito kaya ang mas nakakausap ko ay ang babae.

Ngumiti ang babae sa akin. Sa kabila ng bigat nang loob ay ngumiti ako. Sa mga panahong palagi nila akong dinadalaw-dalaw ay sumibol ang isang pakiramdam na hindi ko pa naramdaman simula noon.

Ang pakiramdam na magkaroon ng mga magulang. Sa mga araw na iyon ay palagi silang may dalang kung anu-ano para sa akin. Hindi na siguro mapapantayan ang kasiyahang nadama ko simula noon.

Naramdaman ko ang pag-aalagang higit pa sa naramdaman ko sa tuwing inaalagaan kami ni Sister Martha.

"Pasensya na Agatha at umiiyak itong si Syden. Hindi nga mabitaw-bitawan ng kaibigan habang nagpapaalam." Sabi ni Sister Martha kay Maam Agatha.
Ngumiti ang huli sa kaniya at nilingon ako.

"Maganda pa rin naman po si Syden kahit na bagong iyak." Aniya. Namula ako sa munting papuri. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sister Martha at saka ako bahagyang niyakap. Tumingala ako sa kaniya at nagtatanong na tumitig.

"Nasa magandang kalooban ka, Syden. 'Wag na 'wag mo sanang kalimutan ang mga itinuro ko sa'yo. Magpakabait ka doon at pasayahin mo ang bago mong mga magulang." Paalala ni Sister sa akin. Tumango ako at nilingon ang mag-asawa.

"Let's go?" aya ni Maam Agatha sa akin. Nagpaalam na kami kay Sister Martha at sumakay sa itim na sasakyan. Nasa likuran ako habang nasa unahan naman sina Maam Agatha at Sir Lyco.

"Nagugutom ka ba, Syden? We can stop by at the nearest drive thru." Nilingon ako ni Maam Agatha habang huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Bahagya akong nahilo dahil hindi ako sanay sa mga ganitong sasakyan at kapag kakain pa kami ay baka masuka pa ako.

"Hindi na po. Busog naman po ako." Magalang kong sabi at napasandal sa upuan. Tumango ito bago napunta ang atensyon sa unahan. Ilang minuto lang ay umandar na ulit ang sasakyan dahil naging maluwag na ang daloy ng trapiko.

Isang subdivision ang aming pinasukan kung saan marami akong nakitang naglalakihang bahay. Nadaanan din namin ang playground na maraming naglalarong mga batang taga-subdivision. Ilang liko pa ay pumasok na ang sasakyan sa isang itim na gate na may malaking bahay.

Naunang bumaba si Sir Lyco at pinagbuksan si Maam Agatha. Sinunod ako nito at tinulungang makalabas ng sasakyan. Laglag ang aking panga habang tinitingala ang malaking bahay.

Puti ang halos pintura nito at ang mga bintana ay halatang mga babasagin at mamahalin. Kahit na ang mga paso ng mga halaman ay magaganda ang disenyo at halatang inaalagaan rin nang maayos ang mga halaman.

"Ang laki po ng bahay niyo, Maam Agatha." Sabi ko dito habang inililibot ang mata. Bahagyang tumalungko sa akin si Maam Agatha at hinaplos ang aking pisngi.

"Stop calling me maam, Syden. Mommy ang itawag mo sa akin dahil simula ngayon ako na ang iyong ina at Daddy naman ang itatawag mo kay Lyco, okay?" aniya at sinisipat ako.

"Opo, M-mommy." Nahihiyang sagot ko. Hindi pa ako masyadong sanay pero balang araw ay masasanay din ako.

Malapad itong ngumiti at tumango bago hinawakan ang kamay ko. Tinawag nito si Sir Lyco na ngayon ay dala na ang nag-iisang bag na aking dala. Ngumiti ito sa akin at ginulo ang aking buhok nang makalapit.

Pumasok kami sa malaking bahay. Mas maganda ang nasa loob kumpara sa labas. Malawak ang sala kung saan may malaking tv at mga mamahaling upuan at iilang malalaking picture frame. May mga agad na tumulong na kasambahay nang makita si Sir Lyco na may hawak na bag.

"Where's Bo?" tanong ni Sir Lyco sa kasambahay na kumuha ng aking bag.

"Nasa bahay po nina Maam Aleah, sir."

"Call him. Sabihin mong narito na kami." Utos nito at atubili namang sumunod ang kasambahay. Inakay ako ni Maam Agatha sa malapad na sofa at doon kami naupo. Sinuklay nito ang aking buhok gamit ang kaniyang daliri.

"I really love your hair, Syden. Palagay ko ay isa sa mga magulang mo ay nanggaling sa ibang lahi." Aniya sa akin habang patuloy na sinusuri ang aking buhok. Ngumiti naman ako at tahimik na nagpasalamat. Ilang minuto lamang ay bumalik na ang kasambahay at kasunod nito ay isang batang lalaki na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon.

"Dad!" tawag niya nang mapansing nandito na ang kaniyang mga magulang. Naikwento na sa akin ni Maam Agatha na may nag-iisa silang anak na lalaki at hindi na nasundan pa dahil nagkaroon ng problema sa matress si Maam Agatha. Ang kahilingan naman ng mag-asawa ay magkaroon sila ng isa pang anak na babae at dahil hindi na pwede ay naghanap naman ng bahay-ampunan sina Maam Agatha at doon sila napadpad sa St. Mary's Orphanage kung saan doon ako namamalagi.

"Hey son." Bati ni Sir Lyco at nag-apir sa anak. Nilingon kami ng anak niya matapos gawin iyon at tumakbo ito patungo kay Maam Agatha. Hinalikan naman ito ni Maam Agatha sa pisngi bago may sinabi na siyang dahilan kung bakit napalingon sa akin ang kanilang anak.

"That's your new sister, Bo. Si Syden." Pakilala sa akin ni Maam Agatha. Nangunot naman ang noo ni Bo habang napatingin sa akin. Kabado ako dahil hindi ko alam kung matatanggap ba ako nito bilang kapatid lalo na at alam kong nasanay na itong siya lang ang nag-iisang anak.

"Weird. Your name's weird. It sounds boyish." Aniya sa ingles na bahagya ko lang naintindihan. Napatawa sina Maam Agatha at hinawakan ang aking kamay.

"But she's beautiful Mom! I can't wait to introduce her to my friends!" aniya habang nakangiti. Palagay ko naman sa ngiting iyon ay nasisiyahan siya sa aking pagdating. Hinawakan pa nito ang aking kamay bago niya ako niyakap.

"Wow! I have a sister!" aniya kaya naman naulit sa pagtawa ang mag-asawa.

"Nagustuhan ka ni Bo, Syden. Welcome to the family , anak." Nakangiti nitong sabi. Ngumiti ako at sa wakas ay natupad ang hiling na magkaroon ng isang buong pamilya. Isang bagay na inaasam-asam ko simula nang ako ay mapadpad sa orphanage.

It had been 2 years since that day happened. Ngayon ay magpi-pitong taong gulang na ako at nasanay sa presensya ng aking nakagawiang pamilya.

Maaga akong ginising ni Kuya Bo para kantahan lamang ng isang Happy Birthday pagkatapos ay binigyan ako nito ng tatlong pirasong bulaklak.

Suot ang isang pink na bestida ay bumaba ako papunta sa dining room kung saan nandoon na si Mommy at Kuya Bo na nagsisimula ng lagyan ng juice ang kanyang baso.

"Good morning!" masiglang bati ko at humalik sa pisngi ni Mommy. Nagtungo agad ako sa upuang katabi ni Kuya Bo.

"Good morning, Syd. It's a special day today!" sabi pa ni Mommy. Tumango ako at nilingon ang upuan ni Daddy.

"Nasaan po si Daddy?" tanong ko.

"Maagang umalis ang daddy niyo dahil nagkaroon ng problema sa kompanya. But don't worry anak, aabot yun mamaya sa party." Sabi ni Mommy at siya na mismo ang nagdasal para sa aming almusal.

Nagkulong ako sa kwarto at nagpalipas oras habang si Kuya naman ay nagkulong din sa kanyang kwarto at naglalaro ng video games.

Sa dalawang taon na nandito ako ay itinuring akong nakababatang kapatid ni Kuya. Minsan ay inaaya ako nitong maglaro sa playground kasama ng mga kaibigan pero ni minsan ay hindi ako sumasama dahil nahihiya ako. Kapag nandito naman ang mga kaibigan niya ay nagkukulong ako sa kwarto.

Tatlong taon man ang aming agwat ay hindi ako nailang sa kaniya. He had been the sweetest brother. Sa kaniya ako natuto kung paano pa mas husayan ang pag-aaral lalo na at ini-enroll ako nina Mommy sa isang mamahaling paaralan. Sa unang pasok ko ay parang aayaw na nga ako ngunit sinamahan ako ni Kuya Bo sa klase namin at naging instant na kaklase pa namin siya.

"Syden, hija. Nandito na pala yung kaibigan mo mula sa orphanage. Si Juniper?" sabi ni Yaya Ising nang makapasok ito sa aking kwarto. Agad akong napatayo at nabitawan ang remote ng tv dahil sa pagka-excite.

Nandito na si Juniper! Isang buwan din kaming nagkita ng kaibigan kong iyon. Unang pagkakataon niyang makapunta dito sa bahay dahil ako naman palagi ang dumadalaw sa kaniya sa orphanage.

Lumapad ang ngiti ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa nang pababa ako nang hagdan. Agad akong napatakbo at niyakap siya nang makalapit ako.

"Juni!" gigil kong sabi at napahagikgik.

"Oy! Easy lang, Syd!" natatawa niyang sabi at inilayo ako sa kaniya.

"Wow! Ang ganda ng dress mo Juni!" puri ko sa kaniyang suot na regalo ko sa kaniya noong New Year.

"Aba kunwari ka pa eh ikaw naman yung nagbigay nito." Aniya kaya naman napahagikgik ako. Niyakap ko ulit ang kaibigan.

"Kung makapagsalita ka naman parang ang tanda mo na Juni!" sabi ko.

Nagkuwentuhan kaming magkaibigan hanggang sa sinabihan na ako nina Yaya Ising na maghanda dahil parating na daw ang make-up artist. Sa garden nagpahanda ng party sina Mommy, gusto ko sanang doon ipagdiriwang ang kaarawan sa orphanage ang problema nga lang ay mas gusto ni Mommy na dito na lang sa bahay.

Alas tres ang simula ng party at kasama ko pa rin si Juni dito sa aking kwarto. Tinitingnan niya yung mga laruan ko at kapag napansin kong nagagandahan siya doon ay sinasabi kong sa kaniya na lamang iyon. Hindi naman ako mahilig sa laruan dahil mas mahilig ako sa mga libro. Simula nang pumasok ako sa school ay hindi ko na yata nilubayan ang pagbabasa ng libro.

"Anak let's go na? Nandoon na yata lahat ng bisita. Nandoon na rin ang Daddy mo." Sabi ni Mommy nang muli niya kaming kinatok sa aking kwarto. Inaya ko na si Juni na bumaba at dumiretso kami sa graden. Nauna si Juni sa paglabas kasam si Yaya Ising at naiwan kami ni Mommy.

"You look beautiful, anak. Manang-mana kay Mommy." Ani Mommy sa akin bago ako hinalikan sa pisngi.

Nang tinawag ang aking pangalan ay lumabas kami ni Mommy. Sinalubong kami ng palakpakan at namangha naman ako sa nakadisenyo at mga bisitang dumalo. Karamihan doon ay mga kaklase ko at ang iba ay hindi ko na kilala.

Inilapit sa akin ni Mommy ang kulay pink na birthday cake at agad ko naman itong hinipan. Nagpalakpakan ang mga bisita. May nagperform na clown at may mga games din para sa mga batang bisita. Nakikisali ako paminsan minsan dahil ang mga kaklase ko ay panay ang hila sa akin. Kahit si Juni ay ganoon din ang ginagawa.

Natapos ang party bandang alas sais na ng gabi. Ang mga bisita ay kakaunti na lang at tanging natira ay mga kaibigan ni Kuya na sa subdivision lang din nakatira. Si Juni ay nauna na ring umalis at inihatid ng driver namin sa orphanage.

"Syd, over here!" tawag sa akin ni Kuya nang lumabas ulit ako papuntang garden para hanapin siya. Tinungo ko kung nasaan sina Kuya. Naka-korteng pabilog ang kanilang mga upuan at doon sila nagtipon-tipon ng kaniyang mga kaibigan. Nahihiya man ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa kanila.

Tumayo si Kuya at inakbayan ako. Sa edad na sampung taong gulang ay matangkad na si Kuya. Kahit na ang mga kalaro nito ay ganoon din. Umabot lang ako sa kaniyang balikat.

"You probably met her hours ago but I'd like to introduce her to all of you. Alam niyo namang ayaw talagang sumama ng kapatid ko kapag naglalaro tayo and she's kinda shy." Tumawa si Kuya.

Nahihiya akong ngumiti dahil sa sinabi ni Kuya. Inilibot ko ang tingin sa kaniyang mga kaibigan. Lima silang lahat at puro mga lalaki at halatang laki sa yaman. Isa-isa akong ipinakilala ni Kuya.

"Where's Rhett?" tanong ni Kuya at hinanap ng mata ang isa pang kaibigan.

"He's outside, tinawagan sandali ng yaya nila." Sabi ng kaibigan ni Kuya na si Jax. Habang hinihintay ang isang kaibigan ay pinaupo ako ni Kuya kasama ang mga kaibigan at agad naman nila akong tinanong. Yung iba ay tinatanong ako kung saan ako nag-aaral dahil magkaiba ang school namin ni Kuya.

"Rhett!" biglang tayo ni Kuya at sinalubong ang kababalik lang na kaibigan. Lumingon ako doon at natigilan nang makita na kung sino ang bagong dating.

Si Kuya Rhett iyon, ang pinakamatalik na kaibigan ni Kuya. Una ko siyang nakilala ilang araw lang nang inampon ako nina Mommy. Mukhang masungit at hindi palakausap. Ibang-iba sa ugali ni Kuya. Palagi siyang nandito sa bahay at kapag naririnig ko na parating na siya ay hindi ako lumalabas ng aking kwarto. Naririnig ko ang mga boses nila kapag naglalaro pero hindi ako nagpapakita. Kapag nag-aaya naman si Kuya ay agad akong humihindi dahil hindi naman ako nababagay sa kanila. Pero kapag okasyon naman ay nakikita ko siya dahil magkalapit lang naman ang mga bahay namin. Nasa iisang subdivision lang naman kami.

Matangkad si Kuya Rhett halos magkapantay lang sila ng height. Pareho rin ng pangangatawan ngunit hindi pareho ng kulay ng balat. Si Kuya Rhett ay mas maputi kumpara kay Kuya. Kahit na sabihin kong gwapo ang Kuya ko ay mas gwapo pa rin si Kuya Rhett. Iba kasi ang hatak ng kakaibang kulay ng kaniyang mga mata. Marami ang nagkakagusto sa kaniya sa aming school lalong-lalo na ang mga higher years.

"Syd, nandito na si Rhett. Batiin mo. " Sabi ni Kuya at lumapit na sa amin. Napatayo ako at bahagyang ngumiti sa bagong dating. His grayish silver eyes almost struck me like a lightning.

"Hello po Kuya Rhett." bati ko. Seryoso ang tingin nito sa akin at parang ilang sandali lang ay pagagalitan ako. Tumango lang ito sa akin at saka hinarap ang Kuya ko.

Disappointed man sa ikinilos niya ay hindi ako nagpahalata. Agad akong nagpaalam kay Kuya na babalik na sa loob at nagpaalam rin ako sa mga kaibigan nito. Nang makarating ako sa bukana ng bahay ay nilingon ko sila. Nagtatawanan sina Kuya pero naiwan doon si Kuya Rhett at malamig na nakatitig lamang sa akin. Agad kong iniwas ang tingin at dire-diretso ang pasok sa loob.

Hindi ko alam pero pinanlamigan agad ako sa titig niyang iyon. Kinapa ko ang dibdib para lang maramdaman na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

447K 14.1K 44
Isla Contejo Series #1 (1/5) In politics, it's always a dog-eat-dog situation. Fleurysa Salvatorre has always been pushing that thought away. She bel...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
247K 9.5K 47
What else is dumber than dealing with a devil while you're drowning yourself in alcohol? Kung may parangal lang para sa pinakatanga ay nakuha na ni M...