Tune of Hearts

By CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... More

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

31

85 28 0
By CYRONGRAY

Shinea's POV

Nakatayo lang ako habang pinagmamasadan siyang pumunta sa table.

Nagbago na nga ba siya?

Iyon ang tanong na patuloy na sumasagi sa isipan ko.

Kinalimutan niya na ba ko?

Pagkayari niyang magtake ng pictures sa book ay muli na naman siyang bumaling sa direksyon ko. Nagtama na naman ang tingin namin dalawa. Blangko pa rin ang reaksyon sa mukha niya.

Gaya ng kanina, nilagpasan niya muli ako. Isinauli niya ang libro sa may istante.

Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin yung panyo ko sa sahig. Iniabot niya sa akin 'yon pero hindi siya nagsasalita.

"Salamat."

Tumalikod na ko sa kanya at hahakbang na paalis.

"Shinea Gomez, right?"

Fuck. Nagulat ako nang sinambit niya ang pangalan ko. Napabalik muli ako ng tingin sa kanya.

"Nice to meet you."

After niyang magsalita ay umalis na siya kaagad. Sinalubong siya ni Drey sa may pinto at saka inakbayan.

Shit! Nagpepretend lang ba siya na parang hindi niya ako kilala?

Buong klase ay iyon ang nasa isip ko. Hindi ako makapag-concentrate.

Pag-uwi ko sa condo, iyon pa rin ang binubulatlat sa isipan ko. Shit!

Tinawagan ko na lang si Lauren. Baka sakaling mabawasan yung gulo ng isipan ko.

("Hey! Yow! Yow! Yow!") Ang ingay. Nasa bar ba 'to?

"Sa'n ka ba?"

("Wala sa bahay. HEHE.") Ang tinong sumagot diba?

"Wait! Are you drunk?"

("Hindi ah! I lab it! Yeah isa pa!") Lasing na nga si gaga. Nakikipag-inuman 'to panigurado.

"Ang tino mong kausap Lauren Gayle! Diyan ka na nga!"

Hayst.

("Oh wait! Wait! Punta ka dito bilis!")

"Ano ba yan? Kapag yan walang kwenta ah! Kukutusan kita!"

Ito, gumayak na ko dahil papunta na ko sa bar na sinabi ni Lauren.

Nagulat ako ng makita kung sino ang mga kainuman niya. Si Jeth at saka si Zhely. Nandoon din si Drey.

Shemay! Anong kagagahan pumapasok sa utak ni Lauren Gayle??!

"Yoohoooo! Bes!" kumakaway pa siya at saka lumapit sa akin.

"Lauren. Aalis na lang ako. Akala ko naman importante."

"Bes naman! Sandali lang! Pagbigyan mo na ko hihi! Tagal na nating hindi nagkita oh."

Hindi na ko nakahindi pa ng bigla na niya akong hilahin at dalhin sa pwesto nila.

"Oy! Chubs! Ang ganda mo na ah." biro niya pa sa akin.

Nilagay pa ko ni Lauren sa pwesto kung saan kaharap ko si Jeth at Zhely. Hindi ba nakakainis?

"Oh my gahd! Shinea Gomez!" Nagulat yung Zhely nang makita ako. "Papicture! Sige na please! Idol na idol kita eh!"

Hinayaan ko na lang. Ngumiti naman ako sa picture kahit papaano. Ngiting plastik, okay na yon.

Magkadikit na magdikit silang dalawa ni Jeth. Nakita ko pang binubulungan ni Jeth si Zhely. Tapos ito namang babae na 'to, lintik kung makangisi.

Tinungga ko yung bote ng alak sa lamesa. Wala na akong pake kung malasing pa ko. Naiinis ako sa nakikita ko eh. Bakit ba?

Kainis. Lumalandi pa talaga siya sa harap ko.

Nakita ko naman na nakatingin sila sa akin pagkayari kong inumin yon.

"W-what?" takang tanong ko.

"Woooooh!!!! Magaling ka rin talagang gaga ka!!!"

Malakas na ang tama ni Lauren kaya ganyan na siya kaingay.

Maya maya pa ay unti unti ko nang nararamdaman ang epekto sa akin ng alak.

Fuck.

Pagewang-gewang akong pumunta sa C.R. at saka dumiretso sa bowl.

Shemay. Bakit ko ba kasi ininom 'yon?

Pagkalabas ko sa C.R. ay nakita kong may nakatayong lalaki sa may pintuan. Si Jeth.

"Come on. I'll take you home."

Ano daw? Take me home?

"Do'n ka na nga!" taboy ko pa sa kanya "Makipag-landian ka na doon! Magtataxi na lang ako."

Nahihilo na ko. Ang lakas na ng tama ng alak sa akin.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya medyo nairita ko.

"Wag ka ngang paepal!"

"Wag ka ng makulit. Halika na."

Bigla na niyang hinablot ang kamay ko at saka ako dinala sa labas.

Binuksan niya yung kotse niya. "Sakay."

"Ayoko." pagmamatigas ko. "Nandoon pa si Lauren sa loob. Bakit ako lang pinapauwi mo? Huh? Tapos yung kalandian mo iniwanan mo!"

Nakita kong napasapo siya sa ulo niya. "Sumakay ka na."

"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?!" tumaas na yung boses ko.

Hindi naman siya nagpatinag dahil binuhat na niya ako. "Hoy! Tukmol! Ibaba mo ko!"

Bigla siyang napahinto ng sumigaw ako. "Pwede ba sumakay ka na lang! Ang ingay mo pa!"

Hindi na ko nagkomento pa. Ibinaba na lang niya ko sa passenger seat ng kotse niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang tahimik. Wala din namang music. Hindi ako sanay ng ganito.

"B-Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heavennnnnnnn. Woooh!"

Kahit alam kong wala na ako sa tono ay sige lang ako sa pagkanta.

Biglang napahinto ang kotse niya at saka biglang napasapo sa ulo niya.

Hala! Problema nito?

"Can't you see I'm focusing? Nakaka-frustrate ka."

Ano? Ako pala talaga nakakapag-frustrate sa kanya ha? Eh bakit sinakay niya pa ko sa kotse niya? Tukmol na 'to!

"Saan yung condo mo?"

Itinuro ko naman sa kanya kung saang gawi.

Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng lobby. Pagbaba ko ay nagpagewang gewang pa rin ako. Heto, nabuwal na naman ako. Hayst.

Hinawakan pa niya yung kamay ko para sana alalayan akong tumayo pero inalis ko rin 'yon. "Shoo ka nga!"

"Ang kulit mo rin talaga no? Gusto mo bang gumapang gapang ka papunta doon sa condo mo?"

Binuhat niya pa ko. Hayst. Naiinis na ko sa tukmol na 'to.

Bigla akong nahilo tapos ayon nasukahan ko yung damit niya.

Nakita kong inis siyang napapikit. "Shit!"

Pagkapasok ko sa unit ko ay ibinaba niya ako sa kama ko.

Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hilahin. "Hoy! Napakasungit mo ah!.."

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nagdidiwara ako. "Gumwapo ka lang ng slight! Kala mo naman kung sino ka para magsungit sa akin! Hoy si Shinea Gomez 'to noh?! Singer? You know?!"

Hindi niya na ko sinagot at saka siya nagmadaling lumabas ng unit ko.

Sungit! May dalaw?! Tssk.

Kinabukasan, pagkagising ko ay ramdam ko ang kirot ng ulo ko. Buti na lang may gamot ako dito sa unit ko kaya ininom ko kaagad.

Teka anong oras na ba?

Pagtingin ko sa cellphone ko ay kaagad akong napatayo.

Nagmadali na akong gumayak dahil late na ko sa first period. Shit lang!

Pagbukas ko ng pinto ng room. Nakita kong may sinusulat yung professor sa board kaya sumalisi ako para makaupo kaagad sa upuan ko.

Nagdiscuss na uli siya. Buti na lang hindi ako napansin.

After ng class ay pumunta ako sa cafeteria. Sakto, nakita ko si Lauren sa isang table habang kumakain. Kinawayan niya ako ng makita ako.

Nakita ko na may kasama siya. Nang maaninag ko kung sino yon ay medyo nainis ako. Si Zhely na naman.

Pagkaupo ko sa table ay nginitian na kaagad ako ni Zhely. "Hi!"

Naks. Ang galing magpretend ah. Siyempre ngumiti rin ako ng plastik sa kanya.

"Bes! Wala ka bang naaalala?" sambit ni Lauren. "Gahd! Nasukahan ko si Drey! Tapos ayon! Hiniyawan niya ko!"

Bigla akong napasapo sa ulo ko nang maala ko yung ginawa kong kagagahan kagabi.

Oh my!!

Shemay!!

Napatakip ako ng bibig ko.

"Ano problema?"

Nasukahan ko pala si Jeth!

"Gumwapo ka lang ng slight! Kala mo naman kung sino ka para magsungit sa akin! Hoy si Shinea Gomez 'to noh?! Singer? You know?!"

Parang gusto ko ng kainin ako ng lupa sa kinauupuan ko ngayon. Nahihiya ako para sa sarili ko. Kainis!

Nakita ko pa si Zhely na tumayo na kaagad sa kinauupuan. "Ahmmm. Tinext na ko ni Jeth. May kailangan pa daw kaming tapusin."

So magkaklase pa sila huh? Ano yon? Tamang landian lang sa room? Tssk.

"Bye Lauren... Bye Ms. Shinea." naramdaman kong may pagka-uncomfortable siyang batiin ako. Kung uncomfortable siya sa akin, ganon din ako sa kanya. Para even. Tssk.

Maya maya pa ay napansin kong dumaan si Marcus. Bigla naman siyang umupo sa table namin.

"How are you, Shinea?"

"Okay naman." saka ko sinabayan ng ngiti. Nakita ko naman na tumango tango siya.

"So kailan mo balak bumalik sa New York?"

"Pagkagraduate ko."

Buti na lang talaga pumayag si Ms. Martha sa plano ko. Kahit naman wala ako sa New York ay marami pa rin akong ginawa kasi may mga guesting din ako dito sa Pilipinas.

Tinanong ko pa si Marcus kung may girlfriend na siya pero wala pa naman daw. Mukhang nililigawan ata meron na. Well, that's good for him.

Pagkauwi ko sa condo ko ay nagbasa basa muna ako ng libro. Nang mabored ay nagcellphone na lang din.

Nagbukas ako ng ML ko para libangin yung sarili ko.

Maya maya pa ay biglang nagmessage sa akin si Lauren.

LauD: Bes! Hoy! Nag-eML ka pala.

LauD: sali ka sa amin. Kailangan namin ng isa.

Maya maya pa ay ininvite niya ko tapos inaccept ko naman kaagad.

Nafocus naman yung tingin ko sa isang user name. Biglang nanlaki ang mata ko don.

Parang alam ko na kung sino 'to.

'TUKMOL' ang nakalagay doon.

LauD: Bes pick naaaaaaaa!!!!

Bumalik ako sa katinuan ng biglang magsend si Lauren. Shit.

Ako first pick kaya ayon nag-marksman ako. Mag e-mm din dapat si Lauren pero naunahan ko kaya ayon galit na galit.

Nag-mage naman si Lauren habang si Jeth ay nag-tank na lang dahil siya yung huling pick.

Sinamahan ako ng tank sa mid. Binibigyan niya din ako ng ma-fafarm.

"Doon ka na nga!" sigaw ko. Kahit saan kasi ako magpunta sunod siya ng sunod.

"Gusto mo bang mapatay kaagad?"

Aba! Aba! Ginagawa naman pala akong bobo nito!

Maya maya pa ay pinagkalumpumpunan na kami ng kalaban dito sa mid.

Shemay! Patay nga pala yung tatlong kasama namin kaya kami na lang natirang dalawa.

"Diyan ka lang sa likod ko. Poprotektahan kita."

FUCKKK!

__________________☆

-CYRONGRAY

































Continue Reading

You'll Also Like

61.3K 2.6K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
407 63 23
A long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clas...