© My Heartthrobbing Stalker...

By HeyItsCaraa

82.3K 925 77

Courtney Fortes, a 3rd year college Architecture student is a famous varsity player in Volleyball. She's beau... More

Prologue
1. Meet the Stars
2. Sneak Peek
3. Dinner with the Heartthrob
4. *GULP*
5. For the Second Time
6. Star Dancer + Star Player = A Night To Remember?
7. Signs
8.2. Behind the Heartthrob's Facade (Part 2)
8.3. Behind the Heartthrob's Facade (Last Part)
9. Tournament / Friends?
10. Sweet Revenge
11. Sometimes...
12. Him or Him?
13. Gusto Kita... Dahil...
14. Behind the Star Player's Facade
15. I Like Your But I Don't Like Your...
16. Under the Starlight
17. New Classmates and New Friends?
17.5: PE Time
18. Spilled Beans
18.5. Spilled Beans (Part 2)
19. You...?
19.5. Tik Tok
20. The Truth
Epilogue

8. Behind the Heartthrob's Facade

3K 31 1
By HeyItsCaraa

A/N: First part ng chapter eight. I'll try to finish the second part later. Thanks for reading! :)

---

Chapter Eight: Behind a Heartthrob’s Facade  

Chester’s POV

Never get enough

She’s the sweetest drug

She’s the sweetest drug …

*MUSIC STOPS*

Haay. Kakatapos ko lang magpractice dito sa studio namin dito sa bahay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagsayaw ako. Yung Because of You pa.

Since napagod na ‘ko, umupo muna ko at nagsoundtrip sa iTouch ko.

Search… Search… Click

(A/N: Click the song Just So You Know by Jesse McCartney or play the video at the right -->)

*MUSIC PLAYS*

I shouldn't love you but I want to

I just can't turn away

I shouldn't see you but I can't move

I can't look away…

Taena naman! Eto pa napindot ko?! Haay. Hayaan mo na nga.

“Ang daling sabihin niyan pero pag ginawa mo na, wala na. Minsan pag ginawa mo naman, kulang pa pala.”

Naaalala ko ‘yung sinabi ko sa kanya bago ko umalis sa gym nila.

Totoo naman diba? Ang daling sabihin pero mahirap gawin tapos pag ginawa mo naman parang kulang pa.

Hindi ko alam kung bakit binibigyan ako ng pagkakataon makasama si Courtney ngayon

Ang  taong mahal ko…

Syempre masaya ako dahil kahit papaano nakakasama ko na siya. Hindi yung tinitingnan at sinusundan ko lang siya.

Pero… Pero ang hirap magpanggap. Ang hirap magpanggap ng natural. Kasi, sa bawat araw na nakakasama ko siya, gustung-gusto ko siyang yakapin at sabihan ng mahal na mahal ko siya pero hindi pwede. Dahil hindi niya pwedeng malaman kung sino ako. Hindi pa ngayon.

Ako. Ako ang stalker niya, si FC. Feliciano, Chester. Ang taong sinusundan ang taong mahal niya. Ang simpleng lalaking naging heartthrob para mapansin ng taong minamahal niya.

Isa akong nerd nung high school. Madalas akong binubully ng mga kaklase ko dahil sa pananamit ko, sa malaki kong eyeglasses at sa nakagel na kachupoy kong buhok. At dahil sa itsura kong ‘yun, loner ako. Ang jologs ko raw kasi. Sa akin sila nagpapagawa ng mga homework nila. Madalas nila akong pinagdadala ng kung anu-ano. Hindi ako makapalag dahil mahina ako at lampa. Sa payatot na katulad ko, hindi talaga ako makakapalag.

*Flashback*

Isang araw, naglalakad na ako palabas ng school namin ng bigla akong madapa.

“Hahaha! Ang lampa mo talaga Chester! Hahahaha!”

Tiningnan ko ‘yung dahilan ng pagkakadapa ko…

Isang mahabang lubid. Lubid na itinaas ng mga kaklase ko para madapa ako.

“Ano porket ginawa niyo ‘yun cool na kayong tingnan ha?”

Tiningnan ko ‘yung nagsalita. Isang magandang babae. Kulot ang dulo ng buhok niya at nakaheadband. Mukhang 4th year high school din siya katulad ko. Napansin kong iba ang suot niyang uniform kaya ibig sabihin hindi ko siya schoolmate.

“Hindi niyo ba alam na nasa campus pa rin kayo? Baka gusto niyong masuspend sa ginagawa niyo at hindi kayo makagraduate?”

Nung sinabi niya ‘yun umalis na agad ang mga kaklase ko at nagsorry sa akin kahit alam kong hindi naman sincere ‘yun.

“Eto ang panyo. Pagpagan mo sarili mo.” Inalok niya sa akin ‘yung panyo niya

Kinuha ko naman yun at tumayo, “T--Thank you.” At pinagpagan ko na ‘yung sarili ko

Inabot niya ‘yung kamay niya pagkatapos kong magpagpag ng dumi, “Courtney Fortes and you are?”

“Ch--Chester, Chester Feliciano.” At nakipagshake hands ako

“So I supposed fourth year ka na?” Tanong niya pagkatapos namin magshake hands

“O--Oo. P--paano mo na-nalaman?” Bulul bulol ko pang tanong

“Haha. Ayan oh.” Tumawa siya nang mahina at tinuro ‘yung uniform ko

‘Yung ngiti niya… Para akong natulala. Iba siya. Iba siya sa lahat ng babaeng nakita ko. Oo ang daming magagandang babae sa school namin. Pero ‘yung mukha niya, ‘yun lang ‘yung tanging napatitig sa akin ng ganito. At kada tumatagal ang tingin ko sa kanya, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Ito ba… Ito ba ‘yung sinasabi nilang love at first sight? Tae. Kung hindi totoo yun, pwes para sa akin totoo siya. At nararamdaman ko ‘yun sa isang napakagandang babaeng nasa harapan ko ngayon.

“Huy! Napatulala ka na dyan. Natrauma ka na ba ha?”

Bumalik na lang ako sa ulirat ko nung nagsalita siya at kinalabit ang kaliwang balikat ko.

Umiwas ako ng tingin, “A--eh. So--sorry. T--teka. Sa ibang school ka nag-aaral diba? B--bakit ka nandito?”

“Haha! Relax hindi ako terror na teacher. Wag kang mabulol dyan. Actually, hinihintay ko lang yung kaibigan ko dito.” At ngumiti siya

Haay. Napakaganda niya talaga.

“A--ah. Ganun ba?” Yumuko ako at nagkamot ng ulo

“Courts!”

At lumingon siya sa tumawag sa kanya.

“Uy Mich!” Lumapit siya dun sa kaibigan niya at hinatak naman papunta sa direksyon ko

“Uy Bestfriend. Kabatch mo pala siya?” Sabi ni Courtney at tinuro ako

Napakunot naman ang noo ni Mich, “A--ah. Hindi ko alam? Wala naman akong ganung pake sa kabatch ko eh. Hehe.” Ganun na ba talaga pag nerd, dinedeadma? =___=

Pinalo naman siya ni Courtney nang mahina sa braso, “Ang baliw mo talaga! Oh yan. Ipapakilala ko siya sayo ah. Mich siya si Chester Feliciano. Chester, siya naman si Michelle Cruz.” Nagshake hands lang kami ni Mich

“Ah, nice meeting you schoolmate.” At ngumiti si Mich

“Ganun din sayo.”

Nagsalita naman si Courtney, “Uy Chester. Sige mauna na kami. May pupuntahan kami ni Mich eh. Buhbye! See you around!” Sabi ni Courtney habang naglakad na sabay pasok sa kotse nila

Kumaway naman ako, “Buh--!” Naputol yung pagpapaalam ko dahil nasa akin pala ‘yung panyo niya

“Uy teka lang Courtney yung panyo mo!” Pero hindi na niya ako nakita dahil nakaalis na sila

Tiningnan ko lang ‘yung panyo niya.

“See you around!”

See you around? Siguro nga posible ko pa rin siyang makita.

Simula nun, lagi na akong nagstestay sa gate ng school namin tuwing uwian. Nagbabakasakali akong makita ko siya uli na kasama si Mich para masundan ko kung saan sila papunta. Lumipas ang araw, linggo at buwan pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Last week na ng January ngayon at ilang buwan na lang malapit na ang graduation namin. Lumipas na lahat ng buwan pero ‘yung pagmamahal ko sa kanya nandito pa rin. Kaya lang sa kakaasa ko na makikita ko pa rin siya, naisip kong baka hindi na nga kami magkikita. Naisip ko na lang na yung pagkikita namin ay ituturing kong isang magandang alaala kasama ang unang taong minahal ko sa buong buhay ko.

“Uy batchmate!” Bigla akong nagulat sa kinauupuan ko nang biglang may nagsalita

Lumingon ako sa nagsalita at nagulat ako dahil si Mich pala yun.

“Mich--Michelle.”

Ang totoo ngayon lang uli kami nagusap at nagkita ni Mich. Madalas kasi nandito ko sa garden. Eh hindi naman tinatambayan masyado ito ng mga tao kaya dito ako lagi. Hindi ko siya nakikita.

“Mich na lang. Bakit ka pala nag-iisa dito?” At umupo siya sa tabi ko

Yumuko lang ako at nagkamot ng batok, “A--ah. Eh kasi…”

“Kasi nerd ka? Pssh. Ano naman? Porket ba nerd di na deserve magkaroon ng kaibigan?”

“E--eh k--kasi iba ako sa inyo… ”

Binatukan niya ako, “Baliw! Ano ka alien? Chester deserve mo rin magkaroon ng kaibigan noh. Walang rules kung sino pwede mong maging kaibigan o hindi. Tulad ko! Pwede mo ‘ko maging friend.” At ngumiti siya

Talaga bang ganun silang kabait na magkaibigan? Nakakatuwa naman.

Ngumiti lang ako nang bahagya, “Ah eh… Salamat” At yumuko ako

“You’re welcome! Ay teka napansin ko mukhang malalim ang iniisip mo. Bakit?”

Itinaas ko naman yung salamin ko at umiwas ng tingin, “A--eh.. Ka kasi…” Arrghh nararamdaman ko pang namumula ako!

“Hahaha. Sabi na eh love life. Talagang tinamaan ka sa bestfriend ko noh?”

O_______O

P--paano niya nalaman?

“P--paano mo nalaman?”

“Lagi ka kasing nakaabang sa gate habang hawak ang panyo niya.”

“A--ah. Ganun ba?... Ah Mich pwede bang magtanong?”

“Kasalukuyan mo nang ginagawa ‘yun. Pero nafifeel ko na rin kung anong itatanong mo eh. Kung saan siya nag-aaral? Sa Makati nag-aaral yun. Bumisita lang siya dito kasi get together naming dalawa. Hindi na kami nagkikita ngayon kasi busy siya sa training niya sa volleyball at sa school works na rin.”

“Ah.. Ganun ba?” At yumuko ako nang bahagya

“Haha! Talagang gusto mo siyang makita eh noh? Teka.” Kinalikot niya yung bag niya at may kinuha na isang card

“I--isang card?”

“Prom night nila dyan sa hotel na yan. Ininvite niya ako dahil maganda dyan at wala naman siyang kapartner.”

Kung pwede lang magtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas makikita ko na uli si Courtney. Kahit hindi man kami nagsama bilang magkaibigan talaga, naramdaman ko ang sobrang pagkamiss ko sa kanya. Sa wakas! Makikita ko na ang mala-anghel niyang mukha.

“Salamat Mich. S--salamat.” At ngumiti ako nang malapad

“Haha. Mas cute ka pala pag nakangiti eh!” At tinanggal niya ‘yung salamin ko

“Perfect! Kaunting ayos lang sa buhok magstastand out ka sa prom nila kahit guest ka lang.” At ibinalik niya ‘yung salamin ko

“S-salamat...” Mahina kong sabi

Kinuha niya na ‘yung card niya at tumayo, “You’re welcome. Oh sige aalis na ‘ko. Hinihintay pa ako ng friends ko eh. Be handsome on that night! Good luck!” At naglakad na siya palayo

~ ♥ ~ MHS ~ ♥ ~

First Saturday ngayon ng February at nandito ko sa MOA para maghanap ng damit na susuotin para sa prom ni Courtney. Hindi ako pupunta ng prom namin dahil kakantyawin lang naman ako dun. Mas mahalaga ang prom ni Courtney dahil ito na ang pagkakataon ko para makita siya uli at makausap nang matagalan.

Nandito na ako ngayon sa Top Shop at naghahanap ng magandang pantaloon. Nung wala akong makita, pumunta ako sa ibang boutique. At dahil wala pa rin akong makita at nakaramdam ako ng pagod, pumunta akong Starbucks.

Nag-order ako ng Caramel frappe at chocolate cake then umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Kain lang ako ng kain nang biglang may nakita akong isang babae sa kabilang table na may kasamang lalaki. Hindi ko maaninag ang itsura ng babae dahil nakatalikod siya at yung lalaki lang ang nakikita ko.

Pinagmasdan ko lang ‘yung buhok ng babae dahil pamilyar siya sa akin. Bigla naman siyang lumingon sa kanan niya kaya nakita ko ‘yung kalahati ng mukha niya. At sobrang nagulat ako nung nalaman ko kung sino yun. Nakita ko na siya. Nakita ko na si Courtney!

Tatayo na sana ako at lalapitan siya pero naalala ko, may kasama siyang lalaki. At hindi lang ‘yun…

Magkahawak kamay sila.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilisang naglakad papaalis sa Starbucks.

Grabe ang sakit lang. Masyado na pala talaga akong nangarap at umasa. Kaya ito ang napala ko.

Bigla na lang may tumulong mainit na tubig sa palad ko. Pagsalat ko sa mukha ko, isa pala yung luha. Taena. Ngayon lang ako umiyak nang ganito. At sa unang taong minahal ko pa. Napangiti ako nang mapakla. Potek. Mahal ko nga siya. Mahal na mahal ko pala siya talaga. Tsk.

Mahal na mahal ko siya dahil hindi naman ako masasaktan nang ganito kung hindi ko nalamang may boyfriend na pala siya. Masyado na ‘kong nahuli. Ang tanga ko kasi eh.

February 17 na ngayon. Prom namin parehas ni Courtney. Dapat excited akong pupunta dun pero manlulugmok lang pala ko dahil sa nakita ko sa MOA.

Heto ako ngayon nakahiga at nakatingin sa kisame.

Bigla namang may kumatok at nagsalita, “Anak. Hindi ka ba pupunta sa prom ng sinasabi mong kaibigan mo?” At si Mama pala ‘yun

“Ah Ma hindi na po. Masama po ang pakiramdam ko eh.” Matamlay kong sabi

Nagulat naman ako nung pumasok si Mama at sinalat ang noo ko.

“No. Anak. Wala kang sakit. Tell me, babae ba yan?” At ngumiti si Mama

Bumangon naman ako sa pagkakahiga, “Oo, Mama.” At yumuko ako

“Haaay sa wakas nagbinata na ang anak ko! Ako pa pinagtaguan mo? Tell me what’s the problem.”

At ikinuwento ko nga mula dun sa una naming pagtatagpo ni Courtney hanggang sa nangyari dun sa MOA.

Hinaplos naman ni Mama ang buhok ko, “Aww. That’s so sad of you anak. Pero anak, hahayaan mo na lang ba na ganun? Na hindi ka aamin?”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mama.

“You know what anak, hindi porket may BF na siya eh hindi ka na pwedeng umamin na mahal mo siya. Wala namang rule na ganun. Tsaka tingnan mo ah, porket ba naghawakan na sila ng kamay eh sila na?”

“Eh diba Ma ganun naman ang magboyfriend girlfriend?”

“Haha. Masyado ka pa ngang innocent anak. Alam mo, hindi mo naman alam kung bakit nagkahawakan sila ng kamay eh. Malay mo, may pinag-uusapan silang seryoso. At para malaman mo ‘yung totoong dahilan, it’s for you to find out. Kaya maligo ka na at maghanda-handa ka na sa party nung friend mo.”

“Pero Ma, hindi ako nakabili ng coat.”

“Ayun ba anak? Ibinili kita ng susuotin mo from head to toe. Advance gift ko sana para sayo kasi special night mo. Eh kaya lang naunahan mo na ko. But worth it din pala ang bili ko. Haha!”

Natuwa naman ako dun at niyakap nang mahigpit si Mama, “You’re the best Mama! Kaya mahal na mahal kita eh.”

“Anything for you, my only child!” At kiniss niya ako sa cheeks

After nun, mabilisan akong naligo at inayusan ako ni Mama. Oo na oo na medyo Mama’s boy nga ako. Pero ano naman? Mahal ko naman siya eh.

“Here anak. Suotin mo yan para hindi ka naman magmukhang businessman.” Binigay niya sa akin ‘yung lalagyanan ng contact lens

“Haay! Mama talaga. Super thank you.” At kiniss ko siya sa cheeks

Sinuot ko naman ‘yung contact lens. Nung una medyo pahirapan pero nung sinuot ko na ‘yung pangalawa, alam ko na.

“Wow. Just. Wow. Napakagwapo ng anak ko! Graaabe.”

Ngumiti naman ako, “Thank you Ma.”

“Naku for sure kahit guest ka lang dun, magiging star of the night ka.” Sabi niya habang inaayos yung coat ko

“Sus hindi naman siguro Ma.”  

“Nagpahumble pa! Oh sige na umalis ka na at paiibigin mo pa yung kaibigan mo. Anyway anong pangalan niya?” Kanina pa ako inaasar ni Mama pero di naman niya alam pangalan =___=

“Courtney. Courtney Fortes.” At ngumiti ako

“Pangalan pa lang mukhang maganda na ah. Oh siya sige larga na.”

“Haha. Talaga Ma. Sige buhbye thank you po!” At kiniss ko siya sa cheeks

Lumabas na ako ng bahay at pumasok na sa kotse. Tiningnan ko ‘yung orasan and luckily, 5:30 pa lang. 7:00 magsisimula ang prom nila. Marami naman malulusutang shortcuts kaya di ako mahuhuli.

6:50 kami nakarating sa ***** Hotel. May natira pang 10 minutes.

“Wooh. Chester. Kaya mo ‘to.” Huminga ako nang malalim atsaka sinuot ang mask ko na balot ang buong mukha ko at lumabas na sa kotse

Oo. Masquerade nga ang theme nila Courtney. Magandang pagkakataon para makatyempo rin sa kanya.

Naglakad na ako papasok sa hotel at pumunta sa reception para tanungin kung saan banda gaganapin ‘yung prom ng school nila Courtney. Nung nakapunta na ako at tinungo ang registration, syempre nagbayad ako dahil guest lang din naman ako sa prom nila. Pagkatapos kong asikasuhin ‘yung payment, pumasok na ako sa loob.

Ang ganda ng venue ng prom night nila, pero sigurado ako na mas maganda pa rin si Courtney.

“Uy! Schoolmate ba natin siya?”

“Parang hindi nga eh.”

“Mukhang ang gwapo niya noh. Bagay sa kanya ang damit niya.”

Tumingin ako dun sa naguusap at napansin kong ako ang pinaguusapan nila. Naku pooo! Paano ko makikitungo dito?

Lumapit silang tatlo sa akin, “Uhm, excuse me. Schoolmate ka ba namin?” Sabi ng isang babae na nakapink na dress

“U--uhm. Hindi.” At napakamot ako sa batok ko. Errr! Wag mong gagawin ang nerdy moves mo!

“Ah ganun ba? Anong pangalan mo?” Tanong ng isa namang babae na nakablack

“Uhm… I’m…”

“Good evening ladies and gentlemen!”

Hindi ko na nga naituloy ang pagpapakilala ko dahil nagsalita na ang emcee. Pumunta na ako sa likod dahil guest lang naman ako.

Nagsimula na nga ang party at hindi ko pa rin nakikita si Courtney. Naghintay pa ako ng 5 minutes at baka dumating na ‘yun mamaya.

After 5 minutes, tama nga ako at dumating na siya dahil sa bulungan ng mga tao. Sino ba naman ang hindi magbubulungan sa sobrang ganda niya ngayon. Kahit nakamask siya naramdaman kong siya ‘yun dahil sa buhok niya. Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha niya ay napakaganda pa rin niya. Mahabang gown na may tali sa balikat ang suot niya at hati ‘yun sa kanang binti niya dahilan para makita ‘yun. Bigla akong namula. >///< Kahit sinong lalaki ang tumingin sa legs niya panigurado mapapalapit sa kanya. At ayokong mangyari ‘yun. Nakataas naman ng bahagya ang buhok niya at may ilan na nakaladlad na kulot-kulot. Beautiful is an understatement para maidescribe siya ngayon. Miski gorgeous hindi rin.

Magdamag ko lang siyang pinagmasdan nung party. Kahit na tahimik lang siya, napakaganda pa rin niya. Napakababae niyang tingnan kaya gustung-gusto ko siya pinagmamasdan. Bago magsimula ‘yung sayawan eh inannounce na kung sino ang Prom King at Queen. Si Courtney ang Prom Queen at ‘yung Enzo naman ‘yung Prom King. Alam ko naman na si Courtney ang mananalo. Kung hindi man siya, para sa akin siya pa rin ang pinakamagandang reyna na nageexist sa mundong ‘to.

Natapos na ang pag-aaward at nagsasayawan na nga ang mga students dito. Hindi naman ako marunong magsayaw kaya nanunuod lang ako. Nerd nga diba? =____=

After ng ilang minutes, naging slow na ‘yung music

I was kinda hesitant to tell you

Should I let you know

I was never really like this before

Need I say more…

Bigla na lang akong tumayo sa kinauupuan ko at parang hinatak ang mga paa ko papunta kay Courtney.

Hindi ako nagsasayaw kahit itong slow dance pero handa ko ‘tong gawin para kay Courtney, ang babaeng pinakamamahal ko.

Nung malapit na ako sa kanya, napansin kong ang dami ring nag-aalok na makipagsayaw pero tinatanggihan niya. T--teka, edi posibleng…? Arrgh! Hindi kaya ko ‘to!

Nung malapit na malapit na ‘ko sa kanya, huminga ako nang malalim, “Chester kaya mo ‘to. Pinaghandaan mo ‘to diba?” Sabi ko sa sarili ko at inilahad ko na ang mga kamay ko kay Courtney

“Masyado kang maganda para lang umupo dyan. Can I have this dance even just for three minutes? Promise. Saktong three minutes at ibabalik kita dito.”

Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para mag-alok sa kanya nang natural lang.

“A--ah. Oh sige. Mukha ka namang mabait eh.” Ngumiti siya at kinuha niya ang kamay ko. Grabe thank you Lord! Matagal ko ring hinintay ‘to!

At isa pa pala po! Wag niyo na po sana siya pangitiin ulit. Baka bumalik uli ako sa pagkabulol ko at matumba ako dito. -___-

Pumunta kami sa may gitna ng dance floor.

Dahil medyo kinakabahan ako, dahan-dahan kong nilagay ang mga kamay niya sa balikat ko at ang mga kamay ko sa beywang niya na medyo nanginginig-nginig pa. Kahit nakamaskara siya, kitang-kita ko kung gaano talaga siya nagstastand out ngayong gabi.

“Nakakatawa rin yung offer mo eh noh? Paano mo nasabing maganda ako kung kalahati ng mukha ko hindi naman kita?” Sabi niya habang nagsasayaw kami

“Kahit naman nakatakip pa ‘yung buong mukha mo, ikaw pa rin ang pinakamagandang nakita ko dito sa party. Hindi nga sapat ang maganda para i-describe kita.”

“Tss. Bolero. Hahaha. Anyway, schoolmates ba tayo? Kahit nakatakip ang buong mukha mo pansin ko sa aura mo na guest ka dito.”

Naku po! Ang bilis naman niyang napansin. Aamin na ba ako? Sige na nga!

Huminga ako nang malalim, “Uhm hindi. Ang totoo niyan nagpunta ako dito para sayo. Ako si…”

Hindi ko na naituloy yung pagpapakilala ko dahil bigla siyang nagsalita.

“Uhm, excuse me lang. May tumatawag kasi sa ‘kin.” At naglakad na siya paalis. Haay. (__ __)

Hindi pa siya nakakalayo na’ng biglang…

*BOOG*

“Courtney!” At tumakbo ako papalapit sa kanya

“Ay, Courtney sorry!” Sabi ng babae na nakaapak yata kay Courtney kaya nadapa siya

Akmang tutulungan ko na siya pero tumayo na siya bigla, “Hindi. Okay lang I can manage. Ah hello! Sorry nalaglag cellphone ko.” Nakatayo na siya at lumabas sa venue

Boyfriend niya siguro yun. Istorbo naman! Makakasayaw ko pa kaya siya? T___T

Naglakad na ‘ko pabalik na’ng bigla akong may naapakan. Tiningnan ko ‘yun at nakita ko ang isang necklace then pinulot ko.

T--teka… Kwintas ni Courtney? Dala kaya ‘to ng pagkakahulog niya?

Umupo ako sa inupuan niya kanina at hinintay siya dito baka kasi balikan niya ang necklace niya.

5 minutes… 15 minutes… 1 hour…

2 hours na ang nakalipas pero di na siya bumalik. Nag-aayos na ang mga waiter dito at ako na lang ang nandito pa.

“Sir, tapos na po ang prom. Di pa po ba kayo aalis?” Sabi ng waiter

“Kuya, sandali na lang po. 15 minutes pa po. May hinihintay po kasi akong bumalik eh.” Sabi ko

“Ah ganun po ba? Oh sige po.” At bumalik na siya sa ginagawa niya

15 minutes na ang nakalipas pero di na talaga siya bumalik. Nagbuntong-hininga na lang ako sabay tanggal ng mask ko at umalis na sa venue.

Paglabas ko ng hotel, agad ko namang nakita ‘yung kotse namin kaya sumakay na ‘ko.

“Kuya, sorry po natagalan. May hinintay lang po kasi ako.”

Tiningnan ko ‘yung necklace ni Courtney at hinawakan.

Wala na ba talaga akong pag-asang makasama ka kahit isang oras lang? Haaay.

Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na umamin bago tayo magkalayo.

Siguro nga hanggang pangarap lang kita. Pero sa lahat ng pinangarap ko, ikaw Courtney. Ikaw ang pinakamaganda at pinakahindi ko makakalimutan. Kung pwede nga lang wag na akong magising eh. Pero hanggang dito na nga lang siguro ang pangarap ko.

Masakit man na ilet go ka kahit hindi naman tayo nagkasama, kailangan. Hindi nga talaga ako siguro meant na makapiling ka.

Goodbye Courtney.

Goodbye, my first love.

---

Continue Reading

You'll Also Like

176K 4.4K 61
"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- Thi...
149K 5.6K 72
"Ashton messaged you." Wendy x Mark | 051916-052716 | Epistorlary #3 graphics by: @machiyeo ☆ read GOOD BOY first before reading this one. ☆
93K 3.8K 70
My isang gangster na cold masungit pero matapang at magaling makipag laban sa kalaban nya At hindi nya maasahan na makakilala sya na isang babae na s...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...