You're Still The One (COMPLET...

Door Elsha_Rain

20.5K 1.9K 240

Nathalie Moon Monterial is the only child in a wealthy and well-known family, her birthday came at the age of... Meer

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Epilogue
*AUTHOR NOTES*

Chapter 98

91 7 0
Door Elsha_Rain

3rd Person's Pov

"Sigurado ka ba sa gagawin mong 'to? Baka..."

"Kuya, desisyon ko to. Kung ano mang kalalabasan ng resulta ay bahala na" saad ni Christine.

Nasa biyahe sila ngayon, habang ang kuya ni Christine na si Daniel ang nagmamaneho ng sasakyan. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating din sila ng hospital.

________

"Ok, sige contact-in mo na lang ako kapag may kailangan ka" sabay baba ng tawag ng isang lalaking Doctor at umupo sa swivel chair. Nang mailapag nya ang cellphone ay may biglang kumatok sa pinto ng opisina nya.

"Come in"

Sa pagbukas ng pinto ay pumasok ang isang nurse na babae.

"Doc, may magpapamedical test po"

"Ok, sige papasukin mo sila"

Nang makapasok sina Dhaniel at Christine ay para bang biglang naistatwa ang Doctor sa kaniyang kinauupuan. Pagtatagpo na hindi nito inaasahan. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan nito at napalunok.

"Kamusta, Doctor Velasco. It's been a while" ani Christine na ngayon ay nakaupo na sa tapat ng table nya.

"A-ah, oo. Ang tagal na nga natin hindi nagkita. Kamusta? Mabuti naman at nakarecover ka na"

"Oo, doc. Sa ngayon ay mabuti na ang kalagayan ko"

"Oh well! It's good to hear. Anyway... Sinong magpapamedical sa inyo?"

"Actually, doc. It's for DNA Test"

"DNA test?" Doctor Velasco.

Inilapag ni Christine ang brown na ang envelope na kunsaan naglalaman ng sample, para sa gagawing dna test nila ni Yumi.

Fast forward...

Mabilis na kinontak ni Velasco si Veron ng makaalis ang dalawang magkapatid.

Habang abala naman si Veron sa pagbabasa ng mga articles sa isang puting papel ay biglang nagvibrate ang cellphone nya na nakalapag sa kaniyang table.

"Oh! Doctor, Velasco napatawag ka"

[Nagpunta dito si Christine]

Biglang namang napatayo si Veron ng marinig iyon. "What?! Bakit sya nagpunta dyan?"

[May ibinigay sya saking sample for DNA test at sa tingin ko  hanggang ngayon ay mukhang hindi talaga sya titigil hanggat hindi nahahanap ang anak nya]

"DNA test? Wait! Anong pangalan nung babaeng ipadidna test nya?"

[Yumi, Yumi Cortez]

"Ano?!" gulat ni Veron. "Sigurado ka ba diyan?"

[Oo, yun ang nakalagay sa record ko]

Agad na pinatay ni Veron ang tawag at dali-daling lumapit sa kaniyang lamesa at may kung anong hinahanap sa drawer nya ng makita nya ang brown na folder ay mabilis niya itong kinuha at binasa ang nakasulat sa likod niyon.

Yumi Cortez...

"Hindi maaari" sambit nya sa kaniyang sarili at napahigpit ng hawak sa folder.

________

Bzzzzz!

Nang magvibrate ang cellphone ni Mathilda sa dashboard ng kaniyang sasakyan ay agad nya yung tiningnan at ng makita nya ang pangalan ni Veron ay bigla syang kinabahan at para bang nagdadalawang isip sya kung sasagutin nya ba ito o hindi ngunit wala syang nagawa kundi sagutin na lang.

"V-Veron napatawag ka"

[Pumunta ka ngayon dito, ngayon din] diin at malamig na sabi ni Veron sa kabilang linya.

Veron...

Para bang biglang kinutuban si Mathilda ng marinig ang kakaibang tono ng boses ni Veron at hindi niya alam kung bakit. Sa kalagitnaan ng kaniyang biyahe ay mabilis niyang pinatulin ang takbo ng kaniyang sasakyan, hanggang sa marakarating siya.


"Tinawagan ako ni Doctor, Velasco at sinabi nya sakin na pumunta si Christine sa opisina nya para magpamedical test. And it's for DNA test"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mathilda ng marinig yon.

"Ano't parang bigla kang nagulat? May alam ka ba na hindi ko nalalaman?"

"V-Veron kasi----"

"Kailan pa, huh?! Kailan!! Hindi ba't sinabi ko na sayong hanapin mo kunsaan tumutuloy ang batang yon!! Don't tell me... Matagal mo ng alam, pero hindi mo man lang sinabi sakin!!"

"V-Veron, hindi mali ka. Sa totoo niyan kahapon ko lang nalaman na kay Christine pala sya nagtatrabaho at tumutuloy. Nasa mall ako kahapon at don ko sila nakitang magkasama, a-akala ko nga bumalik na ang mga alaala nya pero hindi pa pala. Kahit ako ay nagulat din sa pangyayaring yon, pero 'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan, para mailayo sila sa lalong madaling panahon"

"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi. Alam na ang mangyayari"

________

Nang makauwi si Christine sa Mansion ay natigilan sya ng magkasalubong si Yumi. Agad namang napayuko ng bahagya si Yumi sa kaniya as a sign of respect.

"Good evening po, Ma'am Christine"

"Good evening"

Lumapit sya kay Yumi ngunit nagtaka ito ng mapansin ang itsura niya. "Ayos lang po ba kayo? Bakit parang hindi po ata kayo ok, may nangyari po ba?"

Hinawakan nya ang ulo ni Yumi at hinaplos-haplos ang buhok nito. Animo'y para bang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Yumi, puwedi bang tawagin mo 'kong... Mama?"

"P-po?"

"Gusto ko lang kasing marinig. Maaari ba?"

Bigla namang napangiti si Yumi sa kaniya at tumango. "Mama"

"Puwedi bang isa pa"

"Mama"

Nang sambitin ulit ni Yumi ang salitang yon ay mabilis na pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata at niyakap si Yumi.

"Salamat. Ang tagal ko na kasing hindi naririnig ang salitang yon sa anak ko at namiss ko talaga yon ng sobra. Kung hihilingin ko man ay sana... sana ikaw na lang ang nawawala kong anak, Yumi"

Niyakap din naman pabalik ni Yumi si Christine at mula sa malayo ay nakatingin sa kanila si Luz na ngayon ay may malungkot na ekspresyon. Ang tagal ng nangungulila ni Christine sa pagkawala ng kaniyang anak, kaya naman labis syang nalulungkot para dito. Kung ano man ang kalabasan ng resulta ay hinihiling niyang mag positive ng sa gayon ay hindi na malungkot pa si Christine. Sa loob kasi ng labing pitong taon na paninilbihan nya sa mga Monterial ay talagang na napamahal na din sya kay Nathalie na sya niyang itinurin na parang anak.

Yumi's Pov

Lumipas ang isang linggo ay naging abala kaming lahat sa Thesis namin at pagkatapos ng ilang araw na tapos namin ang aming defense presentation ngayon naman ay ang nalalapit naming graduation.

"Ang bilis ng panahon noh? Next week gagraduate na tayo" sabi Uhan at humigop ng shake na iniinom nya.

Kakatapos lang ng klase namin at naisip naming tumambay ni Uhan dito sa may bench sa track & field.

"Oo, parang mamimiss ko tuloy ang school na 'to"

Kahit na hindi naging maganda ang dinanas ko sa school na 'to ay masasabi ko namang marami din akong naging magandang karanasan sa school na 'to.

"E ako"

Napatingin ako kay Uhan.

"Hindi mo ba 'ko mamimiss?" sabi pa nya.

"At bakit naman kita mamimiss? Bakit lalayo ka na ba?"

"Hindi. Hindi na kasi tayo magkikita lagi e"

Bigla akong natawa. "OA mo naman, kung makapagsalita ka ng ganiyan ay parang hindi pa tayo magkikita"

"Wala ka ba talagang balak na bumalik sa inyo sa Cebu, kasi pakiramdam ko pagkatapos nitong graduation natin ay babalik ka na sa probinsya nyo. Pag nangyari yon ay talagang mamimiss kita ng sobra"

Napangiti ako sa sinabi nya. "
Hindi ba't sinabi ko na 'yan sayo noon na hindi mangyayari yon"

"Talaga? Promise?"

"Promise" sabi ko at ngumiti.

Minsan natatanong ko sa sarili kong babalik pa ba ako o hindi, pero syempre hindi ko naman puweding iwan na lang basta si Tsang, kahit na may ugaling dragon yon ay kahit papano ay naging maayos naman ang pakikitungo nya sakin at nagpapasalamat ako na hindi ako napariwala katulad ng iba na hindi lumaki sa totoo nilang magulang. Mas ipinagpapasalamat ko pa nga ay yung hindi ako natulad sa ugali nya.

After a few days...

Ok, 1, 2, 3"

Flash!

Sa pag-flash ng camera ay kasabay niyon ang paghagis ng aming toga at pagtalon. Ang saya, buong buhay ko ay wala akong pinangarap kundi ang matapos ang highschool at makatungtong na sa College. Alam kong hindi magiging madali yon, para sakin pagdating ng College pero kakayanin ko at gagawin ko ang lahat maabot lang ang pangarap ko. Sabi nga nila, walang mahirap sa taong nagsusumikap.

"Congratulations! Anak"

"Thank you, Ma. I love you"

"I love you too, Anak. Next school year College ka na, kaya mag-aral ka ng mabuti ah? Dahil hindi madali ang pagtungtong ng College"

"Opo, Ma basta para sa inyo ni Papa ay gagawin ko ang best ko"

Ngumiti ang Ina ng classmate kong babae. "Payakap nga si Mama" sabi nito at nagyakap silang mag-ina.

Ang saya, ang saya nilang pagmasdan kung nandito lang siguro ang Mama ko ay magiging ganiyan din sya ka proud sakin.

"Hija"

Nang marinig ko yon ay napalingon ako at ng makita ko si Manang ay napangiti ako. Sya ang um-attend sakin sa graduation ko, kaya nagpapasalamat ako at nandyan sya. Umaasa akong si Tsang sana, pero malabong pumunta sya dito para um-attend sa graduation ko.

"Gusto sana ni Ma'am Christine na um-attend sa graduation mo at sya ang magsabit ng medalya sayo, pero ang sabi nya ay may mahalaga syang meeting ngayon kaya hindi sya nakapunta"

Napangiti ako sa sinabi ni Manang. "Ah, naku! Manang ayos lang po tsaka naiitindihan ko po si Ma'am Christine. Natutuwa nga po akong malaman na gusto nya po pa lang um-attend sa graduation ko at sya ang magsabit sakin ng medalya"

"Hi! Manang Luz"

Bigla kaming napalingon ni Manang kay Jay na ngayon ay kasama sina kuya Carl, Yaci, Uhan, Chanelle at Kenzo. Nang mapatingin sya sakin ay nginitian nya ko, kaya naman ngumiti din ako. Lumapit si Jay kay Manang at inakbayan.

"Ang ganda natin ngayon, Manang ah"

"Naku! Ikaw talagang bata ka. 'Wag mo nga akong binobola dyan, siguro kaya ang dami mo ng na lokong babae ay dahil dyan sa mga pambobola mo, ano?"

"Grabe naman kayo sakin, Manang. Mukha ba talaga akong manloloko tsaka hindi ako ganon noh? Sadyang lapitin talaga ako ng mga babae, dahil cute at gwapo ako tsaka never ko silang niloko. Actually, sila pa nga itong nanloloko sakin e, kaya naman ni isa sa kanila ay wala akong sineryoso. Sa ngayon manang ay nakatagpo na ako ng taong mahal ko at para sakin sya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko na mamahalin ko habang buhay" sabay akbay nya kay Kryzelle.

"Sus... Talaga lang ah?" ani Kryzelle at hinalikan sya ni Jay sa ulo.

"Hayaan mo, Babe pag ako nakapagtapos agad ng College ay papakasalan agad kita at sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakawala sakin"

"Sobra ka naman, Jay. Baka naman masakal na sayo niyan si Kryzelle" ani kuya Carl.

"Mukhang na misinterpret mo ata ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin lagi syang nasa tabi ko at sisiguraduhin kong sakin lang ang mga mata nya at hindi sa mga Korean actor na pinapanood nya sa k-drama na halos paglawayan na nya ang mga katawan ng mga koreanong actor na pinapanood nya sa T.V"

Bigla syang hinampas ni Kryzelle.

"Ano ka ba!"

"Bakit hindi ba? Akala mo ba hindi kita nahuhuling pinapapantasyahan mo yung katawan ni... Sino ba yon? Ah! Si Ji Chang Wook. Akala mo ah? Hindi mo ba alam na nagseselos ako don!"

"Ano ka ba? Artista lang naman yon, kung makapagselos ka naman dyan ay parang inaagaw nya 'ko sayo"

"Bakit hindi ba? E inaagaw nya nga yung atensyon mo sakin eh"

Natawa namin kami sa pagtatalo ng dalawa.

"Hay, naku! Tama na nga yang pagtatalo nyo dyan. Mabuti pa magpicture na tayo" ani Janelle at pumuwesto naman kaming lahat.

"Ok, 1, 2, 3"

Flash!

"Ok, wacky naman!"

Flash!

At yung araw na yon ay masasabi kong naging masaya ako. Nakakamiss nga lang, dahil hindi ko na sila masyado makikita lagi.

"Here" ani Chanelle.

"Ano 'to"

"Invitation, para sa engagement party namin ni Kenzo. I hope you would come" aniya at sumakay na sa kotse nya saka umalis.

Tumingin ako sa invitation card.

Tss. Ano namang gagawin ko kung pupunta ako sa engagement party nila? Kung pupunta lang ako do'n para tumunganga ay walang kuwenta, kaya para sa'n pa. Ano, babatiin sila? Huh! Ang plastic ko naman ata kung gano'n. Kahit pa batiin ko sila na hindi naman bukal sa loob ko ay parang ang plastic ng dating at isa pa baka masaktan lang ako kapag pumunta pa ron. Ayoko na plastikin din ang sarili ko na sabihing ok lang ako, kahit na ang totoo ay hindi, dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Na alam kong sa huli ay ikakasal din sila ni Chanelle. Iniimagine ko pa lang na ikakasal na sila ay parang dinudurog ang puso ko. Ang sakit, ang sakit isipin.

______

"Kamusta yung Tita mo?"

"Ayon, maayos naman at masaya ako para kaya Tita, dahil buo na ulit ngayon ang pamilya nila"

Naglalakad kami ngayon ni Kryzelle sa sidewalk, habang bitbit namin ang mga pinamili namin, galing kasi kaming palengke at sinamahan niya ko para mamili.

"Nakakatuwa naman kung ganon"

"Bes"

"Hm?"

"Wala ka ba talagang balak na aminin yang totoong nararamdaman mo para kay Kenzo?"

"Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya"

Nang sabihin ko yon ay bigla nya akong tinuktukan.

"Aray! Bakit mo naman ako tinktukan?"

"Sira ka na talaga. Alam mo, kung hindi mo parin aaminin sa kaniya yang nararamdaman mo ay baka pagsisihan mo bandang huli. Ano bang ikinababahala mo dyan at hindi mo parin maamin sa kaniya?"

Sa paglalakad namin ay minabuti ko munang tumigil at umupo sa isang bench dito sa may park ngunit nanatili lang nakatayo si Kryzelle sa harap ko.

"Kung sasabihin ko ba... Anong mangyayari? Kryzelle, engaged na sila ni Chanelle at kapag nasira yon dahil sakin---"

"Ano?! So mas inaalala mo pa pala yung kasal nila kaysa dyan sa nararamdaman mo! Yumi naman! Wa ka nga 'tanga' Mahal mo ba talaga si Kenzo?! Kung mahal mo talaga siya ay sasabihin mo sa kaniya yang nararamdaman mo! Hindi yung mas inaalala mo pa ang walang kuwentang bagay na yon! E ano naman kung engaged na sila ni hindi pa nga sila kinakasal eh! Ikaw ang Mahal nya at hindi si Chanelle, kaya kung ako sayo ay sabihin mo na sa kaniya bago pa mahuli ang lahat dahil kapag hindi nangyari yon ay panghabang buhay kang masasaktan at pagsisihan na hindi mo inamin sa kaniya ang totoo, kaya habang may oras pa sabihin mo na at pagkatapos ay ipaglaban nyo ang
pagmamahalan niyong dalawa. Iyon ang dapat! Haish, tch! Ang tali-talino mo pero hindi mo alam ang salitang ipaglaban. Nabobings ka na ba? Hay, naku! Yumi. Diyan ka na nga!" inis na sabi nya at nilyasan ako.

Lumipas ang ilang oras na nanatili ako sa kinauupuan ko ay akala ko babalikan pa ako ni Kryzelle, pero hindi. Mukhang iniwan na niya nga talaga ako, siguro ay talagang nainis sya sakin.

Pasado alasyete na ng gabi at ito mag-isang naglalakad sa may park at wala ng masyadong katao, pero may liwanag naman gawa ng mga poste.

Masyado akong maraming inisip kanina at pakiramdam ko parang napiga na ang utak ko. Puno ng question ang utak ko, bagay na syang napapagulo sa isip ko.

Paulit-ulit nag si-sink in sa utak ko ang mga sinabi sakin ni Kryzelle at habang inaalala ko yon ay parang bang kinukumbinsi ako na sabihin na ngayon kay Kenzo ang totoo, siguro nga. Siguro nga ay dapat sabihin ko na sa kaniya ang totoo.

Sa paglalakad ko ay biglang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, kaya agad kong kinuha at napatigil ako ng makita ang pangalan ni Kenzo. Ito na ba, ito na ba ang sign na dapat aminin ko na sa kaniya ang totoo?

Itinapat ko na ang cellphone sa tainga ko.

[Nasan ka? Gusto ko kitang puntahan ngayon] aniya.

"Hindi, ako na ang pupunta dyan. May... gusto rin kasi akong sabihin sayo"

[Are sure? Teka, parang bigla ata akong naexcite dyan sa sasabihin mo ah]

"Hintayin mo ko"

[Sige, hihintayin kita] aniya ngunit maya-maya lang ay para bang may bigla akong narinig na paparating na sasakyan ng lingunin ko yon ay nasilaw ako sa sobrang liwanag.

Humaharurot ito papunta sakin, pero parang may kung ano sakin na hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Hanggang sa....

BLAG!

[Yumi?! Yumi what happened?! Sumagot ka]

Nangangatal ang mga kamay kong may mga dugo, habang pilit kong kinukuha ang cellphone ko ngunit hindi ko magawa dahil ang sakit ng katawan ko at nanghihina na din ako.

May naririnig akong yabag ng takong papunta sakin at habang pilit kong kinukuha ang cellphone ko ay nakita ko na lang na tinapakan ng nakapulang pulang sapatos na heels ang cellphone ko, kaya naman pinilit kong tumingala ngunit hindi ko maaninaw ang mukha nya sapagkat nasisinagan sya ng ilaw ng kotse bukod paron ay unti-unti narin sumasara ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha ko at mawalan ako ng malay.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

249K 38.4K 99
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
248K 853 26
its all in the title babes 😋
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
90K 2.3K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...