Prince 2: Love Waits (✔️)

By Missblackskull

137K 12.7K 19.4K

Hanggang kailan kayang maghintay ang isang nagmamahal? More

Disclaimer
Simula
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Episode 51
Episode 52
Episode 53
Episode 54
Episode 55
Episode 56
Episode 57
Episode 58
Episode 59
Episode 60
Episode 61
Episode 62
Episode 63
Episode 64
Episode 65
Wakas 1 of 2
Wakas 2 of 2

Episode 43

3.2K 230 542
By Missblackskull

Episode 43: Hope

---


An: Sorry for keeping you all wait nang matagal tagal. Balik trabaho na at mediyo hirap mag balanse ng oras lalo na't madami pending. Hehe. Pero I wish to be consistent with the updates again. Hehe. Thank u nga pala sa mga sumuporta sa akin sa NoInk. 🙏 Nawa'y suportahan niyo rin ako roon at malay naman natin. hehe.

Anyways, I missed you all at I know miss niyo rin ang teamBB! Me too! Osya, please DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE THE STORY and Please lang, NO SPOILERS SA TWITTER. 🙏 Salamat.

---


Nakita kong tila nabigla si BB sa naging tanong ko. Oo, mabilis, pero what's the point of wasting time?

And yet, nahampas lang ako ng bitbit niyang notebook sa mukha ko. Shuta. Sapul! Well, okay lang, hindi naman masakit. Buti nga, hindi 'yong librong hawak niya ang hinampas niya, e. Mabait pa rin siya sa lagay na 'yon!

"Gutom lang 'yan! Tsaka p'wede ba? Iyong time ko kumain, nangungulit ka! Ayan,'di na ako makakakain! May quiz ako, mamaya na tayo mag-usap! Mauuna na ako sa classroom!" aniya at nagmamadali siyang umalis.

I was dumbfounded in a bit pero I understand, maaga pa nga naman at gutom na rin ako. Well, I just tried and I was not really expecting that she'll consider answering it right away and I'm right. Not yet.

Oo naman, alam ko sa sarili kong marami pa akong dapat matutunan when it comes to this and I'm not really rushing things dahil ang importante for now, she likes me and I like her-and I guess, it's beyond that already, kailangan ko lang maghintay for the right time.

Geez. Makakain na nga!

Nang makarating ako sa canteen ay agad may sumalubong sa aking babae. If I'm not mistaken, she's Esther, kilala ko siya kasi nga naman—-oh well, wild thoughts that I need to erase! Everything about those kind of night memories should be forgotten, matagal na 'yon.

"Hey, EL! My birthday's coming, you're coming, right?" she asked at talagang makadikit naman, hanep. "Remember the last birthday party that I had last year? You gave me a good fcking gift, I want exactly that again!" she whispered at talaga nga naman.

Napahawak pa siya sa may tiyan ko banda, I guess miss niya ang abs ko? Meron naman! Pero—

"Sino ka?" I asked as I raised my left eye brow, "Get your filthy hands off me and get lost, okay? Hindi kita kilala! Hindi ako iyon! Move." sabi ko at sa bigla niya'y agad siyang napabitaw at napahakbang palayo sa akin kasi itutulak ko sana siya, e.

She was startled. I can see how shock she is pero I guess, that's better now para naman hindi na lang sila basta-basta lumalapit sa akin, 'di ba? Shet.

I need to act this way para sa future ko. I mean, deep inside me, nakokosensya ako sa pagsusungit ko sa kanila pero wala akong choice! I have to shun them from going near me for peace at para sa pagbabago kasi I don't really want to associate myself with them anymore!

Sorry girls.

"Oh? Bakit mukhang iiyak na si Esther kanina? Anong ginawa mo? Inimbita ka ba sa birthday party. niya?" si Kyle.

Nasa table na nila ako ngayon at saktong kumakain na muna ng breakfast. Gutom na gutom na ako!

"Oo pero umayaw ako! Mapapahamak lang ako sa BB ko at mukhang I smell trouble lang kung umattend ako! H'wag na!" sabi ko kasi totoo naman.

Natawa si Mac. "Aba lintek! Iba na talaga! Bakit? Girlfriend mo na ang BB mo?" he asked.

Napahinto ako sa pagsubo na dapat ng pagkain ko para sagutin ang tanong ni Mac. Naaalala ko bigla ang naging encounter namin ni BB kaninang umaga and as much as I wanted to have a good outcome to it, naiintindihan ko rin naman talaga.

"Hindi pa sa ngayon! Soon pa," sabi ko sabay subo ng pagkain ko.

"Kung maka-soon pa, sure na sure ah!" natawa naman si Kyle, "Feel mo ba, may pag-asa ka talaga? Sa tingin mo, makukuha mo ang pa-yes ni Boss Maggie?" ngising tanong nito and what the heck, bigla tuloy akong kinabahan.

"What the fck are you saying just now, Kyle! Siguro naman, may pag-asa no! I—I did asked her to be my girlfriend earlier, and that... It's not that I was expecting a yes from her, more like, I just tried to ask and..."

"Did she said yes? Or basted ka, no?" sabay natawa si Kyle at Mac. Sabay talaga sila, hayup na 'yan.

Napairap ako sa kawalan because, c'mon, wala naman talagang sinabing ayaw ni BB sa akin! Hindi ako basted, putek.

"Kumain na nga kayo! Taena niyong mga chismoso!" I said avoiding the question dahil hindi ako sigurado. Kainis naman.

Napapaisip tuloy ako sa kung anong dapat ko isipin sa sinabi ni BB kanina! Trial pa naman iyon, e. Malamang, hindi counted iyon. H'wag naman.

Walang humpay sa pangaasar ang mga kaibigan ko kaya naisipan kong magmadali na lang sa pagkain at umalis na. Badtrip naman kasi at wala silang magawa sa buhay kundi mangasar! Kesyo, basted ako at ayaw akong maging boyfriend ng BB ko... agad-agad? What do they know?! Badtrip sila!

Nang makalabas ako ng canteen ay agad na akong nag desisyon na pumunta na lang sa magiging klase ko instead of going to our tambayan. I still have 30 minutes para sana tumambay kaso, I have a better idea coming.

"Si BB?" pagtanong ko sa isa sa mga kaklase ni BB na nasa hallways, saktong nasa tapat ng classroom nila.

Napasilip kasi ako sa classrooom kaso wala siya.

"Hindi namin alam, bakit?"

"Nandito na ba siya kanina?" tanong ko.

"Bakit mo ba kasi tinatanong?!"

"Bawal ba magtanong? Grabe siya oh!" Sabi ko at bahagya akong natawa, high blood, e.

I still have time kaya nag desisyon akong maghintay at mayamaya ay nakita ko na si BB na naglalakad sa hallway papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Nakatingin siya sa akin ngayon at tila nagtataka kung bakit nasa tapat ako ng classroom niya.

"Hi, B!" pagbati ko sa kanya sabay ngisi. I don't really understand how on earth is she doing this to me pero napaka-effective talaga, napapangiti ako kahit nakikita ko lang siya.

Napatingin siya sa paligid kaya napapalingon rin ako sa direksyon na tinitingnan niya. Pansin kong maraming nakatingin sa amin and that maybe, she doesn't like being watched at the moment because of me.

"N--Nagtatanong lang ako sa kanila kung nasaan ka, sinungitan lang ako! Uso ata ngayon," sabi ko sabay ngiti all because I think she saw me talking to those girls earlier, "Saan ka nagpunta, B? Dumiretso pa ako dito para may ibigay sa 'yo kaso wala ka naman pala." paliwanag ko.

Napabuntong hininga siya bago ako tingnan muli para sagutin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at nakatingin na rin naman siya sa akin. Kanina kasi, nasa mga babae ang atensyon niya.

Ang kyot,e.

"I brought you some food to eat. Sandwich lang 'yan and a drink pero just enough to get by before lunch. Baka mapano ka na naman kung hindi ka makakain! Is that okay?" pagtanong ko sabay abot sa kanya ng cellophane kung saan lulan ang pagkain na binili ko for her.

She smiled. "S--Salamat! Kakainin ko 'to! Ang totoo, I was about to text you para magpabili kasi akala ko nasa canteen ka pa!"

"Really? You'll do that?"

She nodded. "S--sana! Pero, salamat dito," aniya and she smiled a bit. Halatang nahihiya kaya mas lalong naging cute sa pangin ko, e.

"You are welcome, B! Tsaka, starting from now on, whenever you need something, just call or text me! Okay? I really don't mind doing anything for you! Ikaw pa ba?" I giggled at napangiti lang siya. "By the way, B! Iyong about nga pala kanina, hindi ka naman galit sa naging tanong ko 'di ba?" I managed to ask.

Nakasandal kaming parehas sa railings sa hallways at heto siya, kinakain niya ang pagkain na binigay ko. Dama ko ang appreciation niya kaya nakaramdam ako ng saya dahil sa tingin ko, nagustuhan niya ang nagawa ko para sa kanya.

"S--Seryoso ka ba dun?" she asked.

Mukhang good mood na ang BB dahil sa nakakain na siya. Iyong naging tugon niya, kalmado at parang ang bait. Naman.

"Oo naman! Pero, no pressure, okay? Isa pa, I don't want you being forced into something you are not ready to answer and that, few more minutes, magsisimula na ang klase kaya ayaw ko naman na agad-agad. Take your time,okay?" sabi ko kasi iyon naman ang dapat, 'di ba?

"About doon, sa totoo lang, hindi ko pa alam ang isasagot ko! P--Pero, hayaan mo, pag-iisipan ko naman, e!" aniya at talagang napangiti pa. Ang kalmado talaga. Sana madalas.

Bago pa man ako makasagot sa kanya ay agad nang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase namin sa umaga. Nagpaalam kami agad sa isa't-isa at mabuti na lang, nag promise siyang sasama siya sa akin sa lunch time at hindi sa tipaklong na parang aso, sunod nang sunod.

I feel very light inside. Parang gusto iyong ganito lang! Walang masyadong iniisip, walang takot, at pakiramdam ko'y malaya. I don't know how to describe this feeling really well, but, yes! I didn't feel this at ease for what? Since childhood?

Namulat ako sa responsibilidad na nakaukit sa utak ko. Maging mabuting Kuya sa mga nakababatang kapatid ko lalo na sa tuwing nasa kay Kuya JM ang atensyon ng NayTay, maging mabuting Kuya kay Eero kahit na pasaway kami ay dapat hindi napapahamak, at syempre, ngayon, ang negosyo na kung saan kailangan kong tulungan si Tatay  para makauwi siya dito't makasama ang pamilya namin. In no time, I'll be in Germany away from everybody, at okay lang ako. Somehow, I'd rather do all those basta ba kasama ko ang BB.

Crazy right? Siguro ito na iyong pakiramdam ni Tatay noong nakilala niya Nanay. Iyong pakiramdam ng mga tito noong nakilala nila sila Tita, si Kuya noong makilala niya si Ate Mia. These feeling that I have right now might really be the feeling of contentment at nararamdaman ko iyon kay BB. For no reason, I woke up one day, wanting to be with her for... the rest of my life.

Oo naman, ang weird talaga! Basta-basta na lang nangyari, basta-basta ko na lang naramdaman. Ganoon kalala.

After class ay agad na akong bumaba sa floor kung saan nandoon ang klase ni BB. Naexcite ako kasi more time to be with her, talk, and just bond! May practice kasi kami mamaya kaya malamang wala akong oras para makasama siya.

Just as I was all ready to see her ay nakita ko na siya sa huling hakbang ng hagdan pababa sa floor nila. Mediyo nagulat ako kasi tila may hinihintay siya.

"B? A-anong ginagawa mo diyan?" pagtanong ko.

Agad siyang napatayo at napangiting humarap sa akin. "Hinihintay kita! Sabi mo, sabay tayo mag lunch, 'di ba? Maaga natapos klase namin, e. Tara na?" pagyayaya niya.

I'm actually speech-less for a few seconds lalo na't na ooverwhelm ako sa nalaman ko. I was happy by that. Simple gestures, simple efforts, small changes... from her, I appreciate them all. Minsan naiisip ko pa nga, do I really deserve these from her? Siguro naman, 'di ba?

"Huy! Ano na? Hindi ka ba gutom?" tanong niya, "Parang sira ulo ka diyan! Bahala ka nga!" aniya sabay naglakad nang mabilis.

Natawa na lang ako at hinabol ko na siya.

"BB naman, kinikilig pa nga ako, e! Panira 'to!" sabi ko kasi totoo naman, "Alam mo ba, hindi ko alam paano kiligin noong una, sadyang ikaw lang talaga nagparamdam sa akin noong feeling na 'yon," sabi ko kasi totoo! Niyabangan ko pa para damang dama niyang proud na proud ako sa masayang nararamdaman ko dahil sa kanya.

"Oh?Anong feeling ba 'yan?" tanong niya

Bahagyang napakunot ang noo ko. "Kilig? Something like, ihing-ihi ka na tapos iyong naihi ka na finally after holding it in? The relieve, the satisfaction, the happiness at napapa-shiver ka? Ganoon, B! Haven't felt that from me? Hindi ka kinikilig dahil sa akin, B?" I asked because that's bothering if hindi.

Napatingin siya sa akin at talagang nandiri pa siya sa sinabi ko. Hanep."Sa ihi mo talaga ikukumpara?" aniya sabay taas niya ng kilay.

"Why not? That's the closest for me!" bahagya akong natawa, "Is there any best feeling to compare with? Sige nga, B? What does kilig actually mean to my BB?" I said. Gusto ko rin talaga malaman.

"Wala! Basta, masaya lang sa pakiramdam." Direktang tugon niya and I'm more than happy to know.

"S-So, Do I make you h-happy?" I asked sincerely.

Agad siyang napaiwas nang tingin sa akin at alam kong nailang siya bigla sa naging tanong ko.

"You don't have to answer it now, I understand." agad sabi ko at nakangiti sa kanya.

"M-madalas akong masaya kasama ka pero minsan, nakakainis din talaga! P-Pero, nasasanay naman ako!" sabi niya.

Napangiti ako. I can't help it. "You make feel the same, B. You make me happy, so happy." sabi ko and I can only be honest with this feelings of mine to her.

Ngayon pa ba, after all the kissing?

Hindi na siya nag salita pa. I guess she was really speech-less.

We went to a restaurant near our school. May oras pa naman kaya puwedeng p'wede na lumabas kami and that, matagal kong hindi nasosolo ang BB kaya dapat espesyal ang moment na ito.

"Oh, kain nang kain, B!" sabi ko sabay abot ko sa kanya ng mga pagkain na inorder ko for her.

"Salamat! P'wede naman na sa canteen na lang tayo, e. Hindi mo na kailangan gumastos ng-"

"B, masanay ka na, please? I can only give you the best kasi deserve mo," I said as I smiled, "Tsaka, masaya ako kasi magkasama tayo and that after everything, you chose to be with me kahit na makulit ako! I just meant everything that I'm doing to you, B! It might be a little unusual for you pero ewan ko na rin talaga! I really really just like you! I like you a lot and day by day, it's changing rapidly that I think this isn't about liking you any longer... " I said and yet manage to pause for a while kasi bigla akong nakaramdam nang kaba.

I took a deep breath. "...I-I think I'm in love with you." dagdag ko and it somehow felt a little feeling of relief pero kinakabahan pa rin ako. I don't know why.

My heart beat's as if it's to break my chest and it's kind a painful. "S-Sorry kung na confuse kita and that I may not sound convincing to you pero... t-this is how I really feel about you. You are making me crazy... I really do, I -I love you." I said with my mouth trying it's best to cooperate.

Sobrang kabado ako all of a sudden and yet she's just giving me a straight look. Hindi niya ba ako dama?

"S-Sorry kung nagugulat kita! K-kain ka na!" sabi ko at bahagya akong natawa, I managed to.

Taena. Nakakahiya.

"Ang dami mo talaga sinasabi," aniya and she smiled. "Hindi ka ba gutom? Kumain ka na kaya!" aniya at nagulat akong nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

I just smiled.

"S-Sa Germany nagtatrabaho ang Daddy mo?" she asked all of a sudden and sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit out of the blue niya itong itinanong.

"Ah, oo! Just recently lang. Kailangan niyang doon mag trabaho, e. Nagka problema sa negosyo ang grandpa ko kaya kinailangan ni Tatay tumulong." sabi ko and I just smiled after.

"Bakit magkaaway sila ni Lolodok? Ang cute nila though pero nakakatakot sila pakinggan! Parang totoong ayaw nila sa isa't-isa!" natawa ito and...

We are actually casually talking random things now. Nagkukuwentohan kami and suddenly, nawala na rin ang kabang nararamdaman ko kanina. I felt relax in a way lalo na't she's making me feel at ease. Nagtatanong siya, sumasagot ako. Nagtatanong ako, sumasagot siya. We're sharing stories, laughing together and I can say, I suddenly found my peace.

"Thank you sa libre, EL! Bukas, ako naman! Pero, h'wag kang ma expect sa mamahalin, ha?! Tsaka, may practice ka mamaya?" she asked.

She willingly asked and that's new.

"O-Oo." I replied. Sa sobrang nagugulat ako sa mga ganitong inaakto niya, natatameme ako!

"Okay!" sabi niya sabay ngiti.

Nasa hallways na kami at magkaiba ang building namin for our afternoon subjects pero andito, I'm about to take her to her next room.

And putek, nanlalambot ang tuhod ko. Ano ba naman 'to! Why does this changes in her are making me feel so weak?

"B, sabay tayong mag dinner mamaya?" sabi ko because why not?

"After practice mo? Sige." she answered immediately and I'm dumbfounded again.

Nabubuang na ata ako, ano na?

"Before ba or After? Huy EL?!"

"A-After! Right! After na lang, B! 8pm matatapos ang practice namin! Is that okay?" I asked.

"Oo naman! Hintayin na lang kita, okay lang sa akin!" aniya. So ano, dito mo na lang ako ihatid. Nasa 3rd floor ang klase ko! Okay na dito! Salamat!" she said nang maabot namin ang building ng klase niya.

May punto naman na talagang mediyo mataas taas ang aakyatin ko pero I insisted anyway dahil gusto ko pa siyang makasama. Mukhang malulungkot agad ako kapag naghiwalay kami at this moment! Ganoon kalala! And I wonder, ganito ba agad ang nararamdaman ng mga nasa ganitong stage? I want to know.

Nang maabot namin ang hallways ng third floor ay agad bumungad sa akin ang kapatid kong si Eero na nasa malayo pa lang alam ko na agad na nakatingin sa amin. Geez.

"Magkasing building pala kayo ni Eero?" I asked kasi bahagya akong nagulat.

She sighed at mukhang stress na agad siya sa naging tanong ko. "Oo at kung puwede lang ilipat siya sa ibang planeta, ginawa ko na at hindi ako mag sosorry sa 'yo!" aniya at halatang gigil siya sa kapatid ko.

Hindi ko siya masisisi dahil nakakagigil nga naman ang Eero! Kahit nga ako na kapatid, naaalibadbaran nga ako! Kahit alam kong concern lang siya, nakakainis pa rin! Tsaka, I always believe my own time against him will come. Patience is always a virtue.

"I understand, B! Pag pasensyahan mo na lang ang kapatid ko, ha! H'wag mo siyang iconsider sa magiging desisyon mo pagdating sa akin, okay? Ako na bahala sa kapatid ko!" sabi ko sabay ngisi at sa tingin ko nagulat siya at huli ko nang na realised na minamadali ko na naman siya sa sagot niya at baka ma pressure! "I meant, take your time!" pagbawi ko.

"Dito na ako! Thank you sa paghatid, EL! See you later!" aniya at talagang nagmamadaling umalis kaya napakaway na lamang ako sa kanya.

"What?!" I said while looking straight to my brother's eyes. Lakas mangasar ang walang 'ya oh!

"Wala! I'm just looking at you two!" anito sabay akbay sa akin. "Look, if you guys are dating already, okay ako! Okay? I'm just glad that it seems to me, nakapag desisyon ka na! Nakasuporta naman ako sa 'yo, bal! Kalma!" aniya.

Napatingin ako sa kanya nang masama at natawa lang ito. "Ang mabuti gawin mo, h'wag mong pinagdidiskitahan si Margareth! We're good, okay? I'm... I'm taking things one step at a time kaya kumalma ka, I'm not in a hurry!" sabi ko.

"Okay, Bal! I'm trusting the process! I'm just really glad seeing you that determine, okay? Seryoso! Like I told you, I'll support whatever that makes you happy! Tatay said, ang importante sa kanya ay ang kaligayan natin kaya I'm really fine." sabi niya and well, parang totoo naman.

"Ah basta! Tigilan mo na pangaasar sa kanya, okay? And a brotherly advice to you, magseryoso ka na rin! Okay?" Sabay ngisi ko, "Geh, alis na ako!" sabi ko na lang at napatapik na lamang ako sa balikat niya bago umalis and I'm happy that it seem as if, Eero finally have that acceptance I needed from him, okay ako doon.

Sumapit ang gabi at katatapos lang namin mag practice. Pagkalabas ko ng gym, nasa labas na ang BB at hinihintay niya ako and look how she's making my heart jump for joy! Sa ganitong ginagawa niya, iyong saya ko, thinking she's doing this because of me-it's overwhelming.

"Naks! Kaya pala nagmamadali! Boss, ano? Jowa mo na ba ang brother namin? Pahirapan mo pa!" si Kuya Rob at talagang nakikiakbay siya sa akin pero sisiraan pala ako.

"Boss, h'wag si EL! Babaero 'to!" si Kuya Bil.

"Boss, may mga chicks 'to-"

"B, don't even listen to them!" sabi ko, "Lumayas na nga kayo! Mga fake news makers ah! Tara na nga, B!" sabay hawak ko sa kamay niya at bahagya ko siyang hinila papalayo sa mga kasamahan kong tinitrip pa rin nila ako! Inaasar nang kung anu-anong chismis.

"Hanep talaga mga 'yon!" I ranted dahil baka ano na naman isipin ni BB... I'll be doomed.

"Hindi ka pa nasanay?" aniya sabay irap.

"Eh, B! Kahit na! H'wag ka maniwala sa mga 'yon! Pinagtitripan lang nila ako! Hindi totoo mga sinasabi nila! Nagbago na ako!" I said in defense.

Taena naman.

"Ang oa, Elliot! Kumain na kaya tayo? Gutom na ako!"

"H-Hindi ka galit?"

"Bakit, guilty ka ba? Sabi mo, hindi totoo iyon,'di ba? Edi, hindi totoo! Tara na, EL! Gutom na ako, bahala ka diyan! Sa labas na ng school tayo kumain, libre ko na!" sabi niya't nakahawak pa siya sa braso ko.

And... she did say that! Hindi siya galit! Damn! Mabuti naman at talagang salamat naman! Malulungkot lang ako bigla kapag mag-aaway na naman kami as this day ends and I don't like that! Okay na, e.

Well, nagpatangay na ako sa kanya at ngayon nga'y isinama niya ako sa isang street food stall. First time ko.

"K—Kumakain ka man lang ba sa mga ganito? Kung hindi mo trip, hanap na lang tayong iba!" aniya and she was hesitant. "Madalas akong kumakain dito kapag gusto kong makarami! Pork Barbecue, isaw, atay ng manok, hotdog... at kung anu-ano pa with rice! Swak na! Budget friendly 'to kaya napapadalas ako dito! Pero, kung hindi mo trip, hanap na lang—"

"Nah, it's okay! Gusto ko itry!" sabi ko na lang kahit mediyo naninibago ako ay gusto ko rin naman talaga maranasan ang mga ganitong nakagisnan niya!

I somehow see this as her welcoming me to her own world just as the way I have welcomed her into mine. Ang saya ko because she's doing this for me at totoong masayang masaya ako.

Hinayaan kong umorder siya para sa akin. Halatang halatang gamay niya na ang mga ginagawa dito na kahit ang mga tindero, kakilala niya na! Sa mga ganitong bagay, nakikita kong masaya siya and seeing her smile like this? Melts my heart.

"Hoy! Nabusog ka man lang ba? Sorry kung sa ganoon kita inimbita, ha? Hayaan mo, next time, babawi ako sa 'yo, makabawi man lang sa mga panlilibre mong kasosyalan—"

"B, hindi mo naman kailangan pantayan ang mga panlilibre ko sa 'yo, e! Kung ano man iyong napaparanas mo sa akin, it's enough! You are enough! Tsaka, nag enjoy ako at nabusog ako kahit na mediyo natakot ako sa paa ng manok! Hanep!" natatawang sabi ko.

Naglalakad na kami pabalik sa dorm niya ngayon at ihahatid ko siya habang kumakain na rin ng ice cream. Ang takaw pero ang payat! Good mood kasi busog! Ang kyot talaga.

"EL?" pagtawag niya nang atensyon ko.

Mediyo natahimik kasi kami dahil na rin sa busog na ako at talaga namang inaantok na ako't ramdam ko ang pagod ng katawan ko dahil na rin sa practices namin.

"Yes, B?"

"T—Totoo naman talaga ang mga pinapakita mo sa akin, 'di ba? Na, totoong gusto mo 'ko, at sabi mo nga, i—in love ka sa akin? K—Kasi, ang totoo, isang palaisipan pa rin ang lahat ng ito. Hindi naman sa nagdududa ako sa 'yo! Sadyang, h—hindi lang ako makapaniwalang, ako. Bakit ako? Ang dami mo namang babae na nakilala bago ako, magaganda, sexy, at talagang all out sa 'yo! Bakit ako na walang ibang ginawa kundi ang awayin ka, mairita sa 'yo, mangurot sa 'yo, at hindi ako s—sexy, hindi ako maganda, simpleng babae lang ako, na para bang pinagpalit mo ang lechon sa paa ng manok! Sigurado ka ba talaga?" she asked and I can feel how she just gave all her might to say all those things to me...

I appreciate that.

I took a deep breath and exhaled before answering her. Her words keep repeating inside my head and I don't know, but her doubts stings my heart. I understand her claims, and I am guilty as to why she's doubting my intensions. Kasalanan ko rin naman.

"I—I don't know." sabi ko at napansin kong namilog ang mga mata niya at gulat itong napatingin sa akin. "I mean, h—hindi ko alam kung bakit ikaw. Sadyang, pakiramdam ko, naadik ako sa 'yo! One day, I woke up that all I wanted was your attention. Na, gusto kong nakakasama kita lagi, na kahit naiinis ka sa presensya ko, gusto kong nakikita kita lagi. I tried. I tried to ignore the changes, and yet it felt as if looking to other girls felt like a crime against you already and that, seeing you with him hurts me, seeing you with anyone annoys the hell out of me. Nababaliw na ako sa 'yo, B! I can't help it anymore," I said the honest answer to her questions.

Naiiyak ako sa kaba and that I never really knew how hard confessing is like until I came into this point. Ang hirap!

Ang dami ko nang nagpatungan about these whole process at hindi ko alam kung naapply ko man lang ba! And I'm not even sure if this actually works...

"I love you. I really love you regardless of any despites. Mahal kita and it's the truth!" I said.

The silence is defeaning. The wind blows and my hands and feet are cold as ice. Kinakabahan talaga ako! This is crazy lalo na at nakikita kong tila napapaisip siya.

Is she about to answer me a yes or a no?

She took a deep breath and exhaled. This must be really hard for her. The feeling is mutual at the moment, I guess.

"G—Gusto kita." aniya and my heart suddenly skipped again. Ang linaw nang pagkasabi niya. "Hindi man halata, pero totoong masaya ako kahit na madalas mainit ang ulo ko sa 'yo! Oo, t—totoong kahit anong pigil ko, hindi ko na rin talaga kinaya. Hindi ko alam kung mahal kita pero totoong gusto kita. Oo, may takot sa puso ko! Natatakot akong masaktan na ikaw ang dahilan kasi kahit na lokoloko ka, espesyal sa akin. Kaya sana, pilitin mong h'wag sirain ang tiwalang ibibigay ko sa 'yo kasi kahit gusto kita, kakayanin kong bitawan ka, o—okay?"

Hindi ko alam pero parang gusto ko na agad maiyak.

Napatango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung anong aasahan kong sagot niya pero umaasa ako.

"I—itanong mo na ulit!" aniya at napaiwas siya nang tingin sa akin.

"H—Ha?"

Napataas ang kanyang kilay at bahagya akong natigilan. "Ha? Hambalusin kita, gusto mo? Ang sabi ko, itanong mo ulit iyong tinanong mo sa akin kanina! Last chance, bahala ka!" she warned and she's hella serious.

I exhaled every air in me. Sobrang kinakabahan na ako na para bang hihimatayin ako pagkatapos nito. Kalma, EL. Kalma.

"Elliot?Ano na? Ayaw mo?!" she nags and she's sounding pissed already.

"C—Can you be my girlfriend?" I asked, finally.

Saktong sinagot niya ito baka sumama na agad ako sa liwanag! Hanep! Kabadong kabado talaga ako! I never been this nervous all my life! Seryoso! Talo nito ang nerbyos ko sa tuwing nag-aabang ang Nanay sa pintuan ng bahay namin at may hawak na pamalo sa tuwing ginagabi kami ni Eero. Solid 'to!

She smiled and nodded. "Yes!" she said in between her smile as she nods at talagang napayakap ako agad.

"S—Seryoso, B?! True? Hindi scam?" I asked some more by looking into her eyes just to make sure!

"Oo na nga!" sabay irap niya.

Taena! She's my girlfriend now! Totoo 'to!

"P—Pero EL, p'wede bang... kung walang nagtatanong, h'wag na natin ipaalam? I mean, ayaw kong ilihim pero kung wala namang nagtatanong, then, walang pagsasabihan! Okay?" she asked.

"Do you mean, not keeping it a secret but keeping things private? I—Is it?"

She nodded immediately. "Hmm." she agreed.

Napangisi ako. "Okay! Basta ba, girlfriend na kita! Thank you, B! Sobrang saya ko! Hanep!" sabi ko as I hugged her again.

"Iyong promise mo ha? Kasi ako, s—sigurado akong paninindigan ko ang desisyon kong 'to kaya sana, ikaw rin." sabi niya and I nodded to agree.

And yes, the night of August 24, Margareth Dane became my first ever girlfriend and I never really thought a simple yes can make me the happiest guy in the world!

"Oo naman! I'll never ever make you regret you answered a yes to become my girlfriend. Thank you!" sabi ko.

"Osya, papasok na ako sa loob! Good night, EL!" aniya at akmang tatakbo paalis pero napigilan ko.

Luh?

"Anong ginagawa mo?" I asked and smirked after.

"P—Papasok na ako sa loob! G—Gabi na kaya! Umuwi ka na at baka maabutan ka ng curfew! Ikaw din!" she shyly said.

"Okay but... may nakakalimutan ka ata?" She looked shock and tensed. Ang kyot talaga. Send help. "K—Kiss ko?" I asked.

Para siyang nasemento saglit lalo na noong nilapit ko ang mukha ko sa kanya and yet, I understand the hesitation kaya napaturo ako sa aking pisngi.

"Please?" I asked politely

She sighed as if she accepted defeat from resistance. "Good night!" she said, kissed me on my cheeks too quick at talagang tumakbo na papasok ng dorm nila.

Parang lumangoy lang, e! Ang bilis!

I sighed in relief at bahagya napapatawa. My heart is really full with happiness and that it's really overwhelming. Ang saya ko!

Seryoso.

---
MARGARETH's POV

Napaupo ako sa isang baitang ng hagdan nang makapasok ako sa dorm building namin. Nanghihina ang tuhod ko sa totoo lang at ewan ko ba kung kakayanin ko pang maglakad ngayon dahil na rin  sa panlalambot nito.

Boyfriend ko na si EL!

Oo, sinagot ko na siya! Hindi ko alam pero buong araw kong pinag-isipan ang maaaring mangyari kapag tuluyan ko nang pagtuunan nang pansin ang gusto niyang pakikipag-usap sa akin! At tulad nang inaasahan ko, nangyari na nga ulit ang pag-amin niya't tulad nga nang nasabi ko, na sa buong araw na pag-iisip ko, bilang finale decision–umuo ako sa naging tanong niya.

Oo, sinagot ko siya. Pumayag akong maging girlfriend niya dahil alam ko sa sarili kong naging sapat ang nakikita kong pagbabago sa kany, ang mga efforts niyang kailanman hindi ko makakaila, at kahit na mayroon akong pangambang baka masaktan lang ako'y alam ko sa sarili kong kailangan ko rin sumugal lalo na't inabot ko na rin talaga ang puntong gusto ko, nasa akin lang ang atensyon niya.

Hindi ko rin alam pero sa tingin ko, at naniniwala akong, sapat na ang nararamdaman kong ito para bigyan siya nang pagkakataon. Oo, may takot ako. Natatakot akong masaktan muli ng isang lalaking pinapahalagahan ko, isang taong gusto kong manatili sa buhay ko, isang taong gusto kong mahalin at pagkatiwalaan pero ayaw ko rin namang magsisi sa desisyong hindi ko gagawin.

Tanging hiling ko lang ay sana, sana hindi namin pagsisihan na dalawa ang mga nangyayari ngayon. Bagkus ay maging dahilan nawa ito na mas maging matibay ang ang pundasyon aming nasimulan.

Sana nga.

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 667 35
[BX5 SERIES 3] In this Endless Reality world, you don't know where or when it will lead yourself to a certain end you want your life to be, you just...
635K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...