Nobody Compares To You [ Quin...

By talaatpapel

271K 9.2K 1.1K

Quintero Series Book 1 of 3 (COMPLETED) Calla Adilane Quintero is the long lost daughter of the President. ... More

Newsflash
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
What's Next?

Kabanata 6

8.7K 392 72
By talaatpapel

Kabanata 6

I can feel my heart pounding as I swim. My arms are heavy and my legs are burning as my lungs scream for air, but I just kept on moving.

Seconds later, my hand finally reached the edge of the pool. Mabilis kong inangat ang sarili para makahinga na.

“Woah! Seriously! Are you trying to compete?” narinig kong manghang sabi ni Kuya Damien, ang pinakamatanda sa aming magpipinsan.

I glanced at him and smirked as I catch my breath. Agad akong umiling dahil kahit kailan ay hindi 'yon pumasok sa isip ko.

For me, this was just a simple hobby, or a distraction, as Brynn called it.

“You should though, you have potential,” aniya habang tumatango.

He reached out his hand to help me. Tinanggap ko 'yon para tuluyang maka-ahon na sa pool. He then immediately handed over my towel. Nagpasalamat ako pagkatapos tanggapin 'yon.

We're inside our subdivision clubhouse kung saan ako naglalagi simula nung nag bakasyon. Bukod sa ilang mga bata sa malayo ay kami lang ni Kuya Damien ang nandito ngayon.

Marunong naman na talaga akong lumangoy pero dahil nga nagkaroon ako ng interes nito lang ay nagpaturo pa ako kay Kuya Damien. He's good cause he's training for triathlon.

“Nga pala, are you okay now?” tanong niya.

Kumunot ang noo ko pero tumango na lang.

“Of course, Kuya. Bakit naman hindi?” tanong ko pabalik habang tinutuyo na ang buhok.

Kuya Damien shrugged.

“I heard you broke up with your long time boyfriend. And it's been a month pero wala ka pa rin bago?" he smirked and shook his head.

Lumapit pa siya para akbayan ako.

“Mukhang kinakalawang ka na, ah?” asar niya.

I rolled my eyes at him.

"Thanks for today. I'll go now," paalam ko bago siya nilagpasan.

I heard him laughed.

"Don't tell me, tinamaan ka talaga sa isang 'yon?" sigaw niya.

Napailing ako habang palabas sa clubhouse.

Lahat naman sila ay 'yon ang iniisip. I didn't have the energy to explain at lalong hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kaya hinayaan ko na lang silang isipin 'yon.

I can't blame them though cause it's normal for them to assume that I'm brokenhearted because of Guison. Siya naman kasi talaga ang boyfriend ko.

Surprisingly, mabilis kumalat ang break up namin dahil marami pala ang nakakita at nakarinig sa sinabi ko. All of them were blaming me, dahil sa reputasyon ko sa mga lalaki, they assumed that I cheated on him.

And sadly, Guison believed that too.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya naghabol at nanggulo. Nabalitaan ko rin na binalikan niya na 'yong ex niya. Okay na rin dahil hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kanya kung bakit ko siya hiniwalayan.

Mas napatunayan ko rin na iba talaga ang nararamdaman ko para kay Lejan dahil wala akong naramdaman nung nalaman ko na may bago na si Guison unlike nung nakita ko si Lejan at girlfriend niya.

I simply didn't care about Guison. Habang gingawa ko naman ang best ko maiwasan lang na hindi makita si Lejan at ang girlfriend niya para hindi masaktan.

Hindi pa nakakatulong na madalas sila sa mansion dahil panay ang imbita ni Kuya.

"Mabuti naman at umuwi ka na!" bungad sa akin ng iritadong si Brynn pagbaba ko ng sasakyan.

Sa may lanai ng aming mansion ay natanaw ko sina Freeda at Sel na titig na titig sa akin.

I smiled at them and waved.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Umirap siya.

"Hindi ka sumasagot sa group chat! It's been a month, Adi! Nag - aalala na kami!" Hysterical niyang sabi.

I chuckled.

Nanlaki ang mata niya sa reaksyon ko. Umiling ako at naglakad na para puntahan ang dalawang naghihintay.

"Seriously?" rinig kong reklamo ni Brynn.

Ngumiti ako at nakipagbeso kila Freeda.

"Hi, na-miss ko kayo! Kumain na ba kayo?" I asked.

Tumango ang dalawa. 

Nginuso ni Sel ang miryendang nakahanda sa table.

"We missed you too. Are you really okay?" Tanong niya habang sinusuri pa rin ako.

I laughed and nodded.

"Of course, bakit naman hindi?" Nagtaas ako ng kilay.

I heard Freeda groaned.

"Bakit hindi ka sumasagot sa group chat?"

"Oh, that... Sorry, I'm busy with swimming so..." I smiled sweetly.

She heave a sigh of relief bago bumaling sa pinsan ko.

"I told you, Brynn. You're just overreacting! I know she didn't like him enough para magmukmok kagaya ng nabalitaan mo!"

Brynn rolled her eyes.

"It's true! Kuya Amari told me na palagi niyang nahuhuling tulala 'yan!" dinuro pa ako ni Brynn.

Umiling ako at muling natawa.

Umupo na ako at sumunod naman silang tatlo.

"Brynn, hindi ba pwedeng pagod lang ako tuwing naaabutan ako ni Kuya na tulala?" tinaasan ko siya ng kilay.

Umirap siyang muli.

"Hindi ako naniniwala! Kung talagang okay ka, bakit wala kang bagong boyfriend?" mataray niyang tanong.

I sighed.

"My gosh! Hindi ba pwedeng break muna? Kaya ko naman mabuhay na walang lalaki!"

Sel and Freeda laughed. Tumango sila at nakipag high five pa sa akin.

"See, Brynn? Now, calm down. Adi is okay," ani ni Sel.

Mabuti na lang din at ngayon lang nila naisipan na pumunta. Kung mas napaaga siguro sila ay tuluyan ko na nasabi kung ano talaga ang pinagdadaanan ko.

It was so hard at first. I couldn't believe it. I didn't know when my feelings for him started at hindi ko talaga 'yon matanggap.

Bakit kasi sa lahat ng lalaki ay siya pa? I mean, bakit? Hindi ko maintindihan. We're not that close naman. Hindi ko talaga maintindihan.

Was it because everytime I tried to look at him, he's already staring? Or was it because everytime I need help, he's suddenly there? Parang ang babaw naman.

Mabuti na lang, my emotion was already in place now. At least, hindi na ako nagkalat tungkol sa nararamdaman ko.

The following days, bumawi ako sa mga kaibigan ko. Mabuti at pinayagan naman ako ni Mommy kaya halos maubos namin ang mga pasyalan dito sa Iloilo.

Ngayon ang huling araw namin sa pamamasyal dahil sa susunod na linggo na ang pasukan.

We're going to Ilomoca because Sel is a sucker for museums. Matagal niya na kami kinukulit kaya pinagbigyan na namin ngayon tutal ay napuntahan naman na namin ang lahat.

Handa na ang sasakyan kaya bumaba na ako. What I didn't expect was seeing Lejan and some of Kuya's friends in our living room.

Napahawak ako sa aking leeg at napailing.

Bago pa kami magkatinginan ay umiwas na ako. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa cellphone kahit wala naman talagang tatawagan.

"Oh, aalis ka na?" Narinig kong tanong ni Kuya na mukhang kagagaling lang sa kitchen.

Nag - angat ako ng tingin at agad tumango. Napansin ko ang paglabas pa ng dalawang babaeng kasunod niya.

I swallowed hard.

One of them is Lejan's girlfriend.

Nakasimpleng t-shirt lang siya at black pants pero maganda pa rin. Samantalang ako ay naka white spaghetti strap dress. I feel so out of place here.

Nag - iwas na lang ako ng tingin at bumaling na kay Kuya.

"I'll go now," paalam ko.

Tumango siya.

"Hi, Adi!" Narinig kong bati ng mga kaibigan niya.

I glanced at them without actually making an eye contact. I faked a smile before immediately returning my eyes to Kuya Amari.

I kissed his cheeks bago tuluyang lumabas ng mansion.

"Mas gumanda si Adi! Bagay sa kanya ang tan niya at mas tumangkad siya!" Narinig kong sabi ng kasamang babae nung girlfriend ni Lejan.

"Ah, nahihilig kasi siya sa swimming e," si Kuya.

Hindi ko na narinig ang mga sumunod dahil tuluyan na akong sumakay sa SUV.

Medyo distracted tuloy ako buong araw. Nag - enjoy naman ako kahit ganon, si Freeda kasi ay walang ginawa kundi kuhaan kami ng pictures. She's into photography ever since kaya ginawa niya talaga kaming model.

We're already having dinner nung mapansin ko na may pinagkakaguluhan sila sa cellphone ni Brynn.

Kumunot ang noo ko dahil mukhang tinatago pa sa akin.

"Ano 'yan?" tanong ko.

Hindi sila nagsalita kaya umirap ako habang inilalahad ang kamay ko sa harapan nila. Nagkatinginan sila hanggang si Brynn na mismo ang nagbigay sa akin.

"We posted a picture of you on IG, maraming hate comments. Huwag mo na basahin."

Too late, I'm already reading them.

"Cheater!"

"Slut!"

"Manloloko!"

"Maganda sana, cheater lang! Go to hell!"

Mapait akong ngumiti bago ibinigay kay Brynn ang phone.

I sighed heavily.

Ang sakit, ah.

"Una sa lahat, hindi ako cheater. Hindi ko rin jinu-justify na tamang mag cheat. Observation ko lang. Bakit kapag mga lalaki ang nanloloko, okay lang sa lahat. Some of them even receive praises for it pero bakit kapag babae na, akala mo dapat na sunugin ng buhay?"

Natahimik sila.

Ang bigat tuloy ng dibdib ko pauwi.

I thought I'm used to people saying bad things about me. I thought hindi na ako naaapektuhan cause they didn't really matter pero nagkamali ako.

Masakit pa rin na mahusgahan lalo na't wala ka naman ginawang masama.

Hindi ko na napigilan ang pag - iyak. Halos takbuhin ko ang kwarto ko pagbaba ko ng sasakyan dahil gusto ko na humagulgol.

Kaso, I bumped into someone.

Lejan's hard expression turned softly immediately when he saw my face. Umawang ang labi niya sa gulat. Bumuhos naman lalo ang luha ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Yumuko rin siya ng konti para mas matignan ako nang maayos.

"Anong nangyari?" nahimigan ko ang pag - aalala sa boses niya.

Something about his expression and voice touched my heart. Agad akong nanghina at nasaktan.

"Lejan?" I heard someone calling him, it must be his girlfriend.

Agad akong umatras.

Kumalas naman agad ang kamay niya sa akin.

Nagsimula na akong tumakbo paakyat.

Sa kwarto, iniyak ko lahat.

There, I promised myself na 'yon na ang huling beses na iiyak ako dahil sa opinyon ng ibang tao patungkol sa akin.

There, I promised myself na mas magiging better ako. I will prove them wrong. I will show them that I'm not that kind of girl.

Kaya nung nagsimula ang grade ten, mas nag focus ako sa pag - aaral. Sa prelim palang, ako na ang nanguna sa batch namin. Kaso, instead na makita nila 'yong galing ko, some stupid people said na ito talaga ang plano ko una palang.

They said that my plan was to distract Guison para tuluyan akong maging Top 1 at bumaba ang rank niya. Some said it was my revenge dahil nakipagbalikan si Guison sa ex niya at bitter ako.

That's when I realized that some people, no matter how much I try to be good, will still say bad things about me.

I can never control that. Kaya natuto ako na huwag na magpa-apekto sa sinasabi nila.

I got one shot in this life, so I'm gonna live it without caring about other people's useless opinion about me. Ang mahalaga, I have my family and friends who knows the real me.

I realized that not everyone is for me and that's completely fine.

“Ayaw mo ba talaga?” pangungulit sa akin ni Freeda isang araw.

Iyong pinsan niya kasi na transferee ay gustong manligaw. Binasted ko na 'yon pero hindi sumusuko at ngayon pati si Freeda ay kinukulit.

Tumango ako.

“Oo, wala akong time saka malapit na ang midterms," dahilan ko.

Bumuntonghininga siya.

"Girl, 'yong totoo? Bakit bigla ka nawalan ng gana?" She asked, her face is full of curiosity.

"Imposibleng dahil kay Guison kagaya ng sinasabi nila. We both know you just like the idea of him at first. Kaya bakit? May iba ba?"

Shocks!

Nag - iwas ako ng tingin at medyo kinabahan. I chuckled nervously. Umiling ako nang paulit - ulit.

“W-Wala no! I-I just don't have the energy for it," I lied.

Naniningkit ang mata sa akin ni Freeda pero mabuti ay hindi na siya nag salita. Kinuha ko ang libro at inaya na siyang umalis sa library para bumalik sa classroom.

Sobra akong kinabahan sa tanong ni Freeda na 'yon kaya tuloy hanggang sa sumunod na linggo ay nasa isip ko pa rin.

Ilang beses ko rin naisip na paano kaya kung mag boyfriend nalang ulit ako para hindi na sila mag - isip?

“Matcha Milktea for Adi!”

Agad akong tumayo nung narinig ko na handa na ang order ko. Kagagaling ko lang sa swimming lesson nung nag crave ako sa matcha milktea kaya dumaan akong Moonlight Cafe.

"Thanks!" ani ko.

I was about to go back in my table when someone blocked my way. Kumunot ang noo ko nung makitang si Coby 'yon, ang pinsan ni Freeda.

“Uy, Adi! Nice to see you here.”

Huminga ako nang malalim bago pekeng ngumiti.

Kalat na sa buong school ang panliligaw niya dahil na rin sa mga paandar niya nitong mga nakaraan. Kahit anong tanggi ko, hindi talaga siya sumusuko.

“Yup, uh, balik na ako sa table ko.”

Ang kaso ay kahit maraming table sa paligid, talagang sa table ko pa siya umupo. Umirap ako sa kawalan habang salita siya nang salita, puro nonsense naman ang sinasabi!

Plano ko pa naman sana tumambay kaso mukhang mapapa-aga ang uwi ko dahil sa isang 'to. Naiirita na ako!

“Uy, Adi. CR lang ako,” aniya pagkatapos ng ilang saglit.

Finally!

Tumango ako agad, I even smiled genuinely dahil excited na akong makaalis pagpunta niya sa CR.

“Sige, sobrang saglit lang,” aniya bago umalis.

Mabilis ko kinuha ang bag ko. Nakangiti pa ako pagtayo ko pero agad napawi 'yon nung nakita ko ang masamang tingin ni Lejan sa akin.

Marahas kinuha nang malalaking hakbang niya ang pagitan namin. Umawang ang labi ko. Huminga din ako nang malalim.

It's been a while since we saw each other, nagtatagumpay kasi ang pag - iwas ko sa kanya nitong mga nakaraan.

“Ano 'yon?” nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. Nalilito sa kung anong punto niya.

“What?” I asked.

“Manliligaw mo 'yon 'di ba? Ano? Balik ka na naman sa dati, Adi?” may pang iinsultong sabi niya.

Umawang ang labi ko.

What the hell?

Anong problema nito?

“Anong sinasabi mo?”

I don't understand why he looked so mad!

Ang nagpupuyos niyang mata ay nakatutok sa akin. He's even clenching his jaw. Ano na naman ang ginawa ko?

“Akala ko pa naman nagbago ka na...” his eyes sized me up.

I noticed that there's a hint of disgust there.

“Hindi pala!” he spat.

What the!

Ang kapal ng mukha niyang husgahan ako!

“How dare you! Ano bang pakialam mo! Wala kang karapatan mangialam sa buhay ko, Lejan! Kasi ako, hindi kita pinapakialaman!” sigaw ko.

Nagulat ako nung hinawakan niya ang braso ko, dahilan para mas mapalapit ako sa kanya. Sa sobrang lapit niya, I can feel his hot breath on my cheeks.

I swallowed hard.

Nanginig at nanghina ang tuhod ko. My heartbeat became wild too. He's really angry now cause he's clenching his jaw repeatedly.

“Putangina! Edi makialam ka!" sigaw niya bago ako binitawan at mabilis umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 171 34
Book 1 of The Sinner Series Blurb to come
567K 40.4K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
7.3M 112K 44
(Finished) It's been three years since we're married, but she's still cold. She says that she won't love me until I die. I tried everything but... I'...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...