Vixen 2: The Superstar (RAW)

By Brief_Collector

245K 8.3K 1.8K

WARNING: Not suitable for young readers. "The right woman will frighten you a little." -Word Porn Quote Sourc... More

The Superstar
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Final Chapter
The Superstar: Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Special Chapter: The Stalker incident Part I

Chapter 10

4.2K 154 16
By Brief_Collector

Chapter 10

A/N: Shout out kay bebe gurl lil_meowyieeee!!! Hi! (づ。◕‿‿◕。)づ Salamat sa pagbabasa ng stories ko ♡ Hindi ko alam kung tama ba tong shout-out ko HAHAHAHA di ko alam kung paano HAHAHAHA Thank you, Always stay safe and Godbless! ♡♡♡

(Third Person's POV)

Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila pareho matapos sabihin iyon ni Eren. Hindi na sila muling nagkibuan matapos non, nakakain na sila, nakahugas na sya ng plato at ngayon eh nasa balkonahe sya dahil kakatapos nya lang maligo habang si Eren naman ay nasa kwarto neto, nagpa-practice ng mga linya para sa taping bukas. Nadatnan nya tong nagmomonologue sa harap ng salamin nang makalabas sya mula sa CR.

She's eyeing the breathless view of the city with gleamy lights plus the gorgeous moonlight in the nightsky accompanied with the countless blinking stars. Panandalian syang nalilibang sa patingin-tingin sa view na toh na ni minsan hindi nya napansin, hindi kasi nya naiisip na pumunta sa balkonahe ngayon lang talaga dahil kailangan nyang magpahangin.

Hindi man magsalita si Eren ay alam ni JR na hindi ito gaanong kumportable na ikwento yung tungkol sa isyu neto sa sariling pamilya kaya hindi nya pinilit kahit na gustong-gusto na nyang malaman! May pagka-ususera din kasi sya minsan. Naiintriga sya sa kung anong klase ng pamilya meron si Eren.

Sa tagal nilang magkakilala eh ngayon lang neto nabanggit ang tungkol sa sariling pamilya. Ngayon alam na nya kung bakit masyadog malalim ang pinaghuhugutan nito pagdating sa usaping gender equality, mukhang hindi maganda ang dinanas nito sa sariling pamilya.

Paano tuloy sya matutulog ngayon? Eh curious na curious yung utak nya, para syang tsismosa na di makakatulog hangga't hindi nalalaman yung mismong chika pero mas lalo syang di makakatulog neto dahil sa hindi na muling pagkibo ni Eren. Parang noong nakaraan lang nong nagkasagutan sila na hindi sya pinapansin neto, hindi talaga sya mapakali non at mas lalo naman ngayon.

Her body stilled when the image of Eren's smiling yet obviously sad face suddenly pop on her mind. Nakakadala. Nakakahawa. Actually, that's the first time that she saw him like that.

Then naalala nya lahat yung mga pinagsasabi nya dito na 'para itong babae' kung kumilos at umakto pati na din yung sinasabing nyang 'nag-iinarte'.

"Tangina ko." Mura nya sa sarili nya matapos marealize yung mga pinagsasabi nyang kagagahan. Pakiramdam nya bumigat lalo yung cup C na dibdib nya dahil sa pangongonsensya nung malumot nyang utak.

Kaso bigla nyang naalala yung sagot neto sa host na may posibilidad itong magkagusto sa current leading lady neto kaya sumimangot sya, "Tangina din nya.", Gumaan ng konti yung cup C nyang dibdib.

Nanggigigil nyang ginulo yung nakalugay nyang buhok, basa iyon at magulo na kahit di nya guluhin dahil di naman nya ugaling magsuklay pwera lang kapag itatali na ang buhok nya.

"Hindi pwedeng hindi nya ko kibuin." Her fist clenched and gritted her teeth, "May kasalanan pa nga sya saken! Pero paano ko sya kakausapin---"

"AAAAAAAAAAAH!"

Ang sigaw na yon ni Eren ang pumutol sa pagsasalita nya. Biglang kumabog ng malakas yung puso nya dala ng kaba at mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo patungo sa kwarto ni Eren.

"EREN!" Dali-dali nyang sinipa ang pinto at hinampas ang switch para bumukas ang ilaw, "Where the fuck are you!?"

Kasabay ng paglitaw ng liwanag ay ang pagbungad naman ni Eren mula sa gilid ng pinto. Nagkatinginan sila.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Mas malakas na sigaw nila pareho dala ng sobrang gulat. Napa-atras si Eren pabalik sa likod ng pinto habang natumba naman si JR sa sahig.

"Aray putangina!" Reklamo nya matapos tumama ng pwetan sa sahig. Hinimas-himas nya ang sariling pang-upo.

"Hala! JR!"

Agad namang nag-alala si Eren nang bumalatay ang sakit sa mukha ni JR kaya lumapit sya dito at binitawan ang tsinelas na hawak para i-check ito.

"Anong pakiramdam!? Masakit ba!? "

She glared at him, "Malamang! Nagtatanong ka pa talaga!? A-aray ba ko kung hindi!?"

"Galit ka ba?" He asked while pouting that made JR shot him some death glares.

"Punyeta ka talaga, ikaw kaya matumba sa sahig!?" Kinuha neto yung hawak na tsinelas ni Eren at hinampas sa lalake na panay 'Ouch' lang ang sinasabi, "Oo! Tangina! Galit ako!"

"Sakin?"

"Hinde!" Sa sahig naman nya hinampas yung tsinelas, "Galit ako sa sahig! Gagong sahig toh! Tanginang sahig toh! Pakyung sahig toh! Kinginang sahig toh! Tarantadong sahig toh! Ginulat mo ko kaya galit ako sayo!" Sunod-sunod nyang mura, napakamot naman si Eren sa ulo.

"Sorry na. Wag ka ng magalit."

JR stopped when her husband did a puppy eyed look unknowingly. Her heart hammered fast inside her chest because his looks.

'Fuck, he's so damn cute!' She said in her mind but tries to ignore the truth and just cleared her throat.

"Galit ka pa?" Umangkla ito sa braso nya, "Galit ka pa, JR?"

JR just scowled at him, "Hindi na!" She eyed him from head to toe before grimacing, "Kingina kasing mukha yan, ano ba yan!? Bat ganyan!?"

Tinusok-tusok nya yung pisngi ni Eren na natatapalan ng itim na kung ano sa mukha. Para iyong glue na natuyo sa buong mukha ng lalake. Yun yung dahilan kung bakit nagulat sya nang makita si Eren.

Eren pouted even more before holding JR's hands to stop her from poking his face. Both of them didn't notice that they are too near and they are holding each other's hands.

"Facemask toh, pampatanggal ng whiteheads sa pores ng mukha." Tinuro nya yung buhok ni JR, "Ano namang nangyare dyan?"

Yun naman kasi yung dahilan kung bakit nagulat si Eren matapos makita si JR.

In short, nagkagulatan sila pareho dahil sa mga itsura nila.

Umismid lang ang babae, "Ginulo ko."

Natahimik sila pareho matapos yon. Bumaba ang tingin ni Eren sa sahig habang si JR naman ay pinagmamasdan sya.

Eren is wearing a pink large fluffy head band, it has some white polka dots and a big ribbon on the center. Kitang-kita tuloy yung noo neto dahil sa headband, his bangs are pushed on the top of his head, para siguro hindi madamay sa pagpahid neto ng facemask kanina.

'Cute. Cute. Cute.' She shook her head before heaving a sigh, 'I'm fucked up.'

Bigla tuloy nyang naalala kung bakit sya napasugod dito. She immediately stood up and held the guy's hand to stand up too then she checked Eren's body from head to toe, nakatingin lang naman sa kanya ang lalake habang chinecheck nya ito.

"Anong ginagawa mo?" He asked with confusion in his face.

"Chinecheck ka." Then she looked at him, "Bakit ka ba sumigaw kanina?" Now she's worried.

And then he remembered why he did a manly scream earlier.

(Eren's POV)

Agad na lumaki yung mata ko matapos maalala kung bakit ako sumigaw. Tokwa. Oo nga pala!

"H-hey! B-bakit ba!?" She asked right after I hid behind her back while staying alert on my surrounding, "Hoy!"

My eyes squinted while holding on her shoulders, "M-may tokwang ipis sa banyo." Nanginginig kong sabi.

She froze before facing me. She's raising one of her eyebrows as if she's not believing me kaya napalunok nalang ako bago nag-iwas ng tingin.

She may think of me as a coward but I'm really afraid of cockroaches. May trauma ako sa mga ipis at sa iba pang insekto na madaming kamay, thanks to my brothers. What they did to me when we were children traumatized me big time that until now, even though I'm an adult already, it is still one of my greatest fears.

Akala ko magagalit nanaman sya pero nagtaka ako nang hindi sya umimik. Baka iniisip nya nag-iinarte nanaman ako, hindi ko sya masisisi, kalalaki ko kasing tao pero tokwa takot ako sa ipis.

I cleared my throat as I step away from her, "S-sorry." Hinawakan ko yung mga kamay ko para matigil sa panginginig pero walang nangyare. Nakakahiya.

Ako naman ang natigilan nang hablutin nya yung isang kamay ko. She hold it and intertwined our fingers to lock our palms together before started walking while pulling me towards the bathroom.

Bumaba yung tingin ko sa kamay namin. Anong nangyare? Hindi na iyon nanginginig. I actually felt relieved. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag matapos nya kong hawakan kahit na ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

I feel safe.

"Nasan yung ipis?" Pukaw nya saken. Nakakunot yung noo nya matapos buksan yung ilaw doon, inilibot nya yung paningin nya sa loob.

"D-doon sa sink." Turo ko.

Nasa likod nya ko habang papunta sya doon. Nandoon pa yung tokwang ipis na marupok dahil palaging nafo-fall, hindi kasi sya maka-akyat dahil basa yung lababo kaya nafo-fall---este dumudulas lang iyon ng paulit-ulit sa baba ng walang sumasalo sa kanya.

Umawang yung labi ko nang walang takot nyang dinampot iyon sa mismong antenna tsaka dinala sa maliit na bintana at doon hinagis. Grabe, ni hindi man lang sya nandiri!

Bumalik sya sa sink para maghugas ng isang kamay dahil ang isa ay hindi pa rin nakabitaw saken. Nangamatis tuloy yung mukha ko.

"Maghihilamos ka ba?" Biglang tanong nya kaya tumango ako, "Sige na, maghilamos ka na."

Medyo nadismaya ako nang bitawan na nya yung kamay ko tsaka nagpunta sa likod ko pero alangan namang magreklamo ako? Hays.

Tinanggal ko na yung facemask ko at ginawa ko nalang yung dapat kong gawin. Baka lumabas na sya ulit. Magte-thank you nalang ako sa kanya paglabas ko.

Mabilis kong tinapos yung paglilinis ng mukha ko. Nagpahid ako ng cream sa mukha, kumuha din ako ng bagong pink band aid para ilagay sa daliri ko tapos tinanggal ko yung headband ko bago tuluyang lumabas pero nagulat ako ng makitang nandoon sya sa hamba ng pintuan, nakasandal habang nakahalukipkip. Maayos-ayos na yung buhok, mukhang sinuklay nya gamit ang kamay.

"A-akala ko lumabas ka na."

She shrugged, "Baka may ipis pa, mahirap na."

Gusto kong mangiti pero pinigilan ko. Nakakatuwa naman, binantayan pa nya ko.

"Tara na, matulog na tayo." Yaya nya saken kaya sumunod agad ako.

Sinundan ko sya ng tingin nang dumiretso sya sa kama. As usual, hinubad nya yung oversized shirt nya na maluwag pa saken, ang natira nalang sa suot nya ay yung manipis nyang sportsbra at syempre yung shorts ko. Napalunok ako.

Sanay naman na kong makita syang ganyan ang suot pero minsan talaga natutulala nalang ako, lalo na kapag nakalugay pa yung buhok nya tapos dagdag pa na pag dumako yung mata ko don sa sikmura nya, ay grabe. Flat na flat kasi yon pero makikita mong may muscles. May abs si JR pero hindi hulmang-hulma, sexy tignan hindi nakaka-asiwa.

Sinipat ko yung sarili kong tyan sa loob ng shirt ko at napanguso nang makitang simpleng flat lang iyon.

Inggit ako. Sana ol may abs.

"Ano na? Tatayo ka lang dyan?"

Umayos ako agad ng tayo matapos nyang sabihin yon, "Uhm... Kunin ko lang yung unan ko tas lalabas na ko." Paalam ko nang makalapit ako sa kanya.

Akmang kukunin ko na yung unan ko nang hawakan nya yung mga balikat ko mula sa likod at bahagyang tinulak.

"Higa."

Lumaki yung mata ko, "A-ano kukunin ko lang y-yung ano---"

"Higa sabi."

Kahit naguguluhan ay sumunod pa din ako. Nahiga ako sa kanang bahagi ng kama, habang sya ay pinatay muna ang ilaw bago tumabi saken.

This is the first time that we laid in the bed together and I can't help but to gasp when our skin touched. It automatically gave me the familiar heat that I felt when she sucked my finger earlier. Para iwas malisya ay sinubukan kong lumayo ng konti sa kanya ang kaso.

"JR?"

Napasinghap ako at napalunok nang sya tong humila saken palapit lalo sa kanya.

Mas angat yung unan nya konti saken, pinwesto nya yung ulo ko para maka-unan sa kanang braso nya habang pareho kaming nakatihaya. Hinila nya yung kumot paakyat hanggang sa bewang namen and I think my whole body stiffed especially when I realized that my face is near on her neck.

Pasimple ko syang sininghot.

Hmnnn. Ambango talaga ng tokwang toh.

"Ang bango ko ano?" Namula yung mukha ko dahil sa mayabang nyang pagkakasabi non.

"Ang kapal mo naman!"

"Tss. Aba, sabihin mong hinde."

"..."

"Hindi ka maka-hinde ano?" Anya sabay tawa kaya ngumiwi ako. Ang yabang talaga.

"Oo na." Pilit kong sagot.

"Hanep, pilit na pilit ah?"

Umirap ako, "Oo na nga eh ayaw mo pa."

Pumailanlang yung malutong nyang tawa kaya ngumiwi ako. Nang-aasar nanaman, parang ewan lang.

"Wag kang mag-alala, mas mabango ka."

Inangat ko yung tingin ko sa kanya at doon, kitang-kita ko yung mayabang nyang ngisi habang nakatingin din saken kaya ayon, lalo akong namula.

Ako? Mas mabango? Namula yung nga pisngi ko. Ibig sabihin ba inaamoy nya din ako!? Nakakahiya! Bakit nya ko inaamoy!? Bakit nag-aamuyan kami!? Aaaah! Tokwa!

"E-ewan ko sayo! Matulog na tayo!" Huling sabi ko pero tumawa lang ulit sya.

Sa kisame ko nalang binaling yung tingin ko para mabawasan yung init ng mukha ko. Sinubukan kong pumikit para makatulog, mukhang ganon din sya dahil hindi ko na naririnig yung tawa nya. Baka tulog na.

Ilang minuto na yung lumipas, para akong nabibingi sa sobrang tahimik. I can only hear the ticking of my pink wall clock attached on the white wall of my room that made me open my eyes. Para akong bangkay na nakahiga, tuwid na tuwid ang pwesto. Hindi ko kaya tong ganito, sanay akong may niyayakap na unan. Hindi ako makatulog ng walang dantay.

I pouted. Sya kaya? Tulog na?

Ayoko naman syang lingunin para i-check kung tulog na nga sya kaya tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Uhm, ano... JR?"

"Hmn?"

Para akong nanalo sa lotto nang madinig yung pagsagot nya. Okay! Sya din hindi pa tulog.

Nilingon ko sya ulit. Nakapikit na yung mga mata nya.

"Ano, tulog ka na?"

"Oo, konsensya mo nalang tong naririnig mo."

Sumimangot ako, "Grabe, ang tino ng sagot mo." Dumilat yung isang mata nya matapos kong sabihin yon.

"Ang tino din kasi nung tanong mo, halatang gago lang makakasagot."

"Ah kaya pala nasagot mo."

She scoffed, "Syempre."

I just sighed before smiling at her. She just gave me a confused expression.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Thank you."

She frowned, "Para saan?"

"Doon sa pagtanggal nung ipis sa banyo tsaka syempre sa pagluluto ng ulam natin kanina." Sinundot ko yung pisngi nya, "Ang sarap ng luto mo ah."

Sinundot nya pabalik yung pisngi ko, "Wag kang papatalo, mas masarap ka." Sabay kurot don.

"Sira."

"Oo nga, mas masarap ka. Ayaw mong maniwala?" She licked her lip then grinned, "I've taste your lips for several times and I must say that you're the tastiest of them all, sweety." My face reddened.

"Tokwa ka." Pabirong hampas ko sa balikat nya pero hinuli nya yung kamay ko at hinila ako lalo padikit sa kanya. Ang siste, napatagilid ako ng higa kaya mas kitang-kita ko na sya,kulang nalang ay dumantay ako sa kanya.

She just let out a chuckle before locking our hands again by intertwining our fingers together. Gumalaw din yung braso nyang inu-unanan ko at nabato ako ng maramdaman ko yung mga daliri nya sa buhok ko, dahan-dahang sinusuklay yon.

This is confusing. I can't feel any awkward feeling towards our position. I'm comfortable with her and I can't believed that I'm actually enjoying it.

"Sorry." Biglang sabi nya kaya ako naman ang kumunot ang noo.

"Para saan naman?"

"Sa pagtawag ko sayo lagi na para kang babae."

"Ah." Ngumiti ako, "Ayos lang."

Umiling lang sya tsaka bumuntong hininga.

"You know, Eren," Panimula nya, "we've been married for six years already yet you've never mentioned anything about your family." Her eyes darted on mine, "Ngayon alam ko na kung bakit."

Tumawa ako ng bahagya, "Hindi naman bigdeal yon, kaya ayos lang."

"Your own family mistreated you, of course, It will never be okay." Worried flickered on her eyes, "Pero hindi naman kita pipiliting magkwento. I respect you."

My smile fade and I felt the familiar sadness that I've been hiding in the past few years. The feeling of loneliness and longing for my family. I thought I'm numbed enough not to feel that sadness again but I'm wrong.

Iilang salita palang ang binitiwan ni JR pero bumalik agad yung sakit. Akala ko okay na ko, na okay lang sakin kahit wala sila pero ngayon...na-realized kong hindi pala.

Iba pa rin talaga yung pakiramdam kapag may pamilya kang nandyan sa tabi mo at sinusuportahan ka.

"Pinalayas nila ako nong first year college ako." I started while reminiscing those painful memories, "Hindi ko kasi sinunod yung gusto nila. Imbes na sa PMA pumasok para magsundalo eh nag-take ako ng kursong may kinalaman sa pag-arte dahil pangarap ko talagang maging artista."

"PMA?" She asked, so I nodded.

"We are a family of fighters, Jhayrein." Pag-amin ko, "Parehong retired general ang lolo't daddy ko habang ang lola ko naman ay naging major, si mommy naman ay retired liutenant, yung dalawang kuya ko sundalo din at ang alam ko matataas na din ang posisyon nila ngayon, maski yung sumunod sakin na kapatid kong babae eh sundalo din. May mga tyuhin at pinsan ako sa PNP, yung iba naman nasa navy, yung iba sa airforce at meron din sa marines." I laughed, "Ako lang talaga yung naligaw ng landas sa totoo lang."

Mataman lang syang nakikinig kaya nagpatuloy ako.

"Pinipilit nila akong magpakalalake, dapat ganito ganyan, bawal ang ganito ganyan kasi pambabae lang yan. Ang daming bawal." Ngumiwi ako, "Bawal magpahaba ng buhok kaya lagi akong naka-military cut noon, pambabae lang daw kasi yon. Bawal ang umiyak kahit sobrang nasasaktan ka na, kasi babae lang gumagawa non. Bawal ang mahina, bawal ang lalambot-lambot, bawal ang magreklamo, bawal emosyonal---katwiran nila? Pambabae lang kasi yon."

"Ang dami kong gustong gawin noong bata ako na hindi ko nagawa dahil lagi silang nakabantay sa kung anong dapat kong gawin, maski sa pagkain ko limitado. Ang kakampi ko lang talaga dati ay yung lolo ko." Lumapad yung ngiti ko habang inaalala yung mukha ni lolo, "Kahit retired general sya, ni minsan hindi nya ko pinilit maging sundalo di tulad ng pamilya ko. I love my grandfather so much. Kapag magkasama kami, hinahayaan nya lang akong gawin kung anong gusto ko, pinapakain nya ko ng mga pagkaing ipinagbabawal saken, binibilhan nya ko ng mga bagay na makapagpapasaya saken at lagi syang naka-suporta sa lahat ng mga pangarap ko kaya tumaba ako ng husto eh."

"Kaso, nagkasakit sya nung 4th year highschool na ko then nung mismong graduation ko namatay sya. Kaya nung nag-first year na ko, doon na talaga ako nagdecide na gagawin ko naman kung anong gusto ko at alam kong makakabuti saken, ayun, pinalayas ako." I chuckled before letting out a sad smile, "Wala akong mapuntahan non. Buti nalang talaga at napulot ako ni tatang, I mean, literal na napulot hahaha! Hinimatay kasi ako matapos akong palayasin nina daddy, ayun, inampon na ko ni tatang. Malay ko bang talent manager sya? Hahahaha! Sya na din nagpa-aral at bumuhay saken sa loob ng apat na taon kaya nagsisikap talaga ako hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa kanya."

I felt her fingers on my head tracing from my ear down to my neck. She's now caressing the marks that she left, hindi naman ako nakaramdam ng kiliti sa di malamang dahilan.

"Tatang taught me that I should not live for other people's expectation, I should work hard for myself, while my grandfather taught me that it doesn't matter if you're being feminine or masculine as long as you're not aggravating anyone."

She smiled, "I admire your grandfather."

"Me too."

"Also that old hag manager of yours, kahit bwiset sya." Natawa ako sa sinabi nya.

Parang nawalan ng bigat yung dibdib ko. Gumaan kahit papano yung pakiramdam ko, parang nabawasan yung mga dinadala ko.

"But Eren."

"Po?" Magkatitigan kami pareho.

"If anyone dares to hurt you in any way, I assure you that I'm always here to rescue you and I'll hurt them back in more ways than one." Her face is is now serious, "I'm your knight in a camouflage suit afterall." Anya tsaka kami sabay na natawa.

Pero kahit na ganon eh nakaramdam pa rin ako ng saya. Seryoso man sya o hindi sa sinabi nya, natuwa pa din ako. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko. Ang saya lang.

Maya-maya ay humikab ako nang nakaramdam ng antok. Tumawa naman sya tsaka sinuklay-suklay yung buhok ko, hinaplos pa yung talukap ng mga mata ko para mapapikit ako.

"Sleep."

Tumango lang ako tsaka sumiksik sa leeg nya at idinantay ang mga hita ko sa kanya, hindi naman sya nagreklamo.

I closed my eyes and was about to doze off when I felt her moved and mumbled under her breath.

"I'll protect you at all cost, Eren." She left a kiss on my forehead before I felt her soft lips on mine.

"Even if it means protecting you from myself too."

(JR's POV)

'I'll protect you at all cost, Eren, even if it means protecting you from myself too.'

'I'll protect you at all cost, Eren, even if it means protecting you from myself too.'

'I'll protect you at all cost, Eren, even if it means protecting you from myself too.'

'I'll protect you at all cost, Eren, even if it means protecting you from myself too.'

'I'll protect you at all cost, Eren, even if it means protecting you from mys---'

I frowned, "Teka nga, bakit ba paulit-ulit ka?" Tanong ko sa sarili ko. Parang tanga lang eh, paulit-ulit. Sirang plaka lang amputa.

Pumalatak ako bago kinamot yung ulo ko. Alam ko naman yung mga sinabi ko kagabi, hindi ko naman nakalimutan yon at wala akong balak na kalimutan iyon.

Mag-iisang oras na kong gising, bale mag-iisang oras na din akong nakatitig sa kanya. Isang malaking himala dahil ito ang unang beses na nauna akong magising kaysa sa kanya.

I can't stop myself from staring, paanong hindi? Ang dami nyang pulang marka sa leeg, malamang kagagawan ko. He also looks funny while peacefully sleeping! Nakanganga sya habang mahinang humihilik tapos dyahe, may malapot na laway ang mabagal na tumutulo sa sulok ng labi nya, tangina, konti nalang babagsak na yon sa braso ko.

Tumingin ako sa orasan---alas-otso na, ang alam ko may taping sya ng alas-dyes. Tsk.

Ilang buntong hininga muna yung ginawa ko bago sinundot-sundot yung pisngi nya.

"Hoy, gising na."

"Hmnnn..." Aba! Tinapik ba naman yung kamay ko!?

"Sira ulo toh ah." Kinurot ko yung pisngi nya, "Hoy ano na!? Gigising ka ba o hindi---aba't inulit pa talaga!?"

Akmang uugain ko na sya nang bigla syang sumiksik sa leeg ko kaya napatigil ako. Lalo ding humigpit yung yakap nya sa bewang ko pati na din yung pagdantay ng paa nya sa balakang ko. Para syang batang nakayakap sa nanay nya.

I just sighed again. Who would have thought that this man needs some comfort? He must've been sad for a long time, keeping everything solely on his self only. Walang dudang artista eh, hindi halatang nalulungkot.

Natigilan ako nang makaramdam ako ng malapot na basa sa leeg ko, dahil doon eh tuluyan ko na syang inuga-uga na epektibo naman dahil agad syang nagmulat ng mata. Puta yung leeg ko.

"Anong meron?" Bumangon sya habang kinukusot yung mata nya.

Bumangon din ako at hinipo yung leeg kong basa tsaka tinignan, I crinkled my noise after accidentally smelled the saliva on my fingers, "Putangina, Eren, Ang cringe."

"Huh? Bakit? Ano yan?" Hinawakan nya yon at inamoy tsaka sumimangot, "Tokwa ang baho naman! Ano ba yan!?"

"Gago laway mo yan!" Tsaka ko pinahid sa mukha nya yon.

"Ah! Jhayrein! Ang baboy mo naman!"

"Hoy ikaw tong dugyot sating dalawa! Abnoy!"

Nanghihilakbot nyang hinubad yung shirt nya at pinunas yun sa mukha, at dahil abnoy sya eh inamoy nya ulit yung pinagpunasan nya ng laway, di ba naman talaga tanga, "Ambaho talaga kadiri!" Ang aga-aga pang ibinabalandra yung katawan nya!

"Wag kang mandiri dahil laway mo naman yan tanga!"

"Yuuuuck ang baho!"

Tumawa lang ako bago tumayo. Nag-inat-inat ako habang sya naman eh agad na nagtatatakbo patungo sa banyo, dinig na dinig ko yung reklamo nya habang lumalagasgas yung tubig, malamang naghihilamos na.

"Tokwa ka JR! Ayaw matanggal ng amoy!" Sigaw nya mula sa banyo, umiling nalang ako bago napangiti.

Atleast he's back to his normal self.

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 833 36
Dalawang magkakaibigan na lumaki sa mahirap na buhay. Pangarap nilang makapag-aral sa nais nilang lugar. Pero pano kung nalaman niyong magkakaibigan...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
11.9K 1.5K 45
[SOON TO BE PUBLISHED] Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamal...
217K 5K 38
For my friends. "Ikaw ang papakasalan ko, Meggay. Ikaw ang gusto kong maging asawa," sincerong wika ni Patricio habang nakatingin sa akin ng maigi...