Taming the Wild Waves Rivera...

Por felicitousapple

233K 5.3K 837

Zyreen Dela Costa a simple teacher in Zambales. Dahil bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan hindi na niy... Más

Taming the Wild Waves
Prologue
WAVE ONE
WAVE TWO
WAVE THREE
WAVE FOUR
WAVE FIVE
WAVE SIX
WAVE SEVEN
WAVE EIGHTH
WAVE NINE
WAVE TEN
WAVE ELEVEN
WAVE TWELVE
WAVE THIRTEEN
WAVE FIFTEEN
WAVE SIXTEEN
WAVE SEVENTEEN
WAVE EIGHTEEN
WAVE NINETEEN
WAVE TWENTY
WAVE TWENTY-ONE
WAVE TWENTY-TWO
WAVE TWENTY-THREE
WAVE TWENTY-FOUR
WAVE TWENTY-FIVE
WAVE TWENTY-SIX
WAVE TWENTY-SEVEN
WAVE TWENTY-EIGHT
WAVE TWENTY-NINE
WAVE THIRTY
WAVE THIRTY-ONE
WAVE THIRTY-TWO
WAVE THIRTY-THREE
WAVE THIRTY-FOUR
WAVE THIRTY-FIVE
WAVE THIRTY-SIX
WAVE THIRTY-SEVEN
WAVE THIRTY-EIGHT
WAVE THIRTY-NINE
WAVE FORTY
Epilogue

WAVE FOURTEEN

3.8K 96 10
Por felicitousapple

TAMING THE WILD WAVES: WAVE FOURTEEN






Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat rin ang aking pag hinga. I close my eyes at the irritation. How...how can he do this to me when he is fucking away?







“Oh? Ayos ka lang?” tanong ni Kia. I force a smile and nodded at her. “Teka ano ba kasi 'yan—” napatakip siya sa kanyang bibig nang makita niya ang hawak kong cellphone.






Nakaduro siya rito na siyang ipinagtaka ko. “I-iphone ang isang 'yan hindi ba?” hindi makapaniwalang tanong niya.






“Oo, bakit? May problema ba?” umiling siya. “W-wala naman. Hindi lang ako makapaniwala, I mean no offense ha...ang mahal niyan! Paano ka nakabili? Omg parang gusto ko na tuloy maging teacher!” mahabang litanya niya.







I shook my head and sigh before answering her. “I did not buy this.” sabi ko kaya napatigil siya.







“Then who? Oh my God! D-don't tell me...si Dark ang bumili niyan sa'yo?” tanong niya. “Then I won't tell you.” sabi ko at saka ngumisi.







I look at his text, hindi ko naramdaman na binabasa na pala ni Kia ang text niyang 'yon. “Baby pa nga! Aysus! Oh siya ano? Mag re-reply ka ba?” tanong niya.








Ano naman ba kasi ang sasabihin ko kung sakaling mag reply nga ako? I shook my head and turned off my phone.









Nakangusong nakatingin sa akin si Kia. “Oh siya kalimutan muna natin ang lalaking 'yan. Anong na ang plano?” tanong niya habang nakatingin sa akin.






“Mayroon pa pala akong hindi nakukuwento sa iyo.” sabi ko. “Si Dark 'yong kapatid niyang model, si Star?” tumango tango siya habang nakatingin pa rin sa akin.




“What about her?” tanong niya. “Nabanggit niya sa akin na...kamukha ko raw ang bestfriend niyang si Penelope Suarez.” nanlaki ang mata ni Kia.







Kalaunan ay nakaramdam nalang ako ng hapdi sa aking braso. Hampasin daw ba naman ako!?




“Ano ba??” iritado kong sabi. “Ang slow mo girl! Kung sinabi ni Star na magkamukha kayo ng Suarez na 'yon for sure half sister mo 'yon!” nakangiting sabi niya.





“Alam ko naman 'yon. Kaya lang...malay ba nating iba pala at nagkataon lang.” marahan kong sabi.






Umiling siya. “My God Zyreen! Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan! Contact Star immediately!” sabi nito.






“Huh? E ano naman ang sasabihin ko?” napakamot si Kia sa kanyang ulo. Lumapit siya sa akin at walang pasabing kinuha ang cellphone ko.








“Ay! Ano ba! Anong gagawin mo?” umupo siya sa kama at pinagpatuloy ang kanyang pag pipindot pindot.









“Sandali lang Zy! Kung gusto mong mahanap ang tatay mo kailangan mo talagang gawin ito.” sabi niya.









Napatahimik nalang ako pero bigla siyang bumaling sa akin. “Wala kang number ni Star?” tanong niya at agad akong umiling.









“Teka tingnan natin sa facebook.” sabi niya pero bago pa man siya makapapindot ulit ay pinigilan ko na siya.







“Wala akong facebook Kia.” sabi ko at napanganga naman siya. “Wala pa? Oh edi gagawan kita!” sabi niya kaya napangiwi ako.







Kahit wala ako no'n alam ko kung paano gumamit no'n. Kailangan pa ng profile picture, ayoko nga. Wala naman akong litrato.





“Halika rito, aayusan kita tapos kukuhanan kita ng litrato.” agad akong pomrotesta. “Huwag na Kia! Pabayaan mo na, iyong iyo nalang ang gamitin natin pang contact!” asik ko.






She rolled her eyes. “Hindi pwedeng ganoon Zyreen, hindi ako papansinin no'n dahil hindi naman ako kilala no'n. Kaya mas mabuti kung ikaw na kaya sige na!” tumayo siya at may kinuhang pouch sa kanyang bag.






“Do I really have to do this?” tanong ko. Tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha. “You have to.” napanguso nalang ako dahil mukhang wala na talaga atrasan 'to.








Kumuha siya ng liptint at bahagyang ipinunas iyon sa ibaibang labi ko. Pagkatapos ay ikinalat niya 'yon gamit ang kanyang daliri.










“Tangina Zyreen! Liptint palang 'yan pero mukha ka na agad manika!” namula yata ako dahil sa sinabi niyang 'yon.









“Oh siya hindi na kita lalagyan ng kung ano ano. Susuklayan nalang kita.” sabi niya at tumayo.







Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagsuklay niya sa wavy kong buhok. “Ang ganda rin ng buhok mo. Alam mo Zyreen pwede kang mag artista o hindi kaya model.” napahagikgik nalang ako sa komento nito.








“Pero hindi ba at architect ang gusto mong kurso?” tanong niya at tumango lang ako. “Napakagaling mo namang tao! Architect na teacher pa!” I shook my head.








“Teacher lang ako at hindi architect. Hindi nga ako nakapag aral no'n remember?” I tease. “Kahit na! Kaya mo pa rin naman e. At tungkol sa pagmomodelo mo. Tiyak kapag nag audition ka bilang model agad ay tanggap ka! Halata sa'yo na may lahi kang iba e!” umiling nalang ako.









Posible nga bang may lahi ang ama ko?






“Ayan tapos na! Halika kukuhanan na kita ng picture!” tuwang tuwa na sabi niya at itinapat ang cellphone sa mukha ko.






Hindi pa man ako nakakangiti ay agad na niya itong pinindot. “Kia! Hindi pa ako handa!” asik ko.








“OMG! Ang ganda! Naks lakas talaga maka model! Saka ano ka ba Zyreen! Ito ang uso ngayon, mag pi-picture ka kunwari stolen o walang emosyon!” sabi nito.








Hindi na ako nag reklamo at pinanood nalang siya sa pag gawa ng account ko. “Zyreen Dela Costa.” sabi niya habang nag titipa.






“And...it's done! Oyy accept mo ako ah!” sabi nito kaya napangiti ako. It's my first time kaya medyo na e-excite rin ako.






“Oh my god! Look! Ang dami na agad nag a-add sa'yo.” agad akong napatayo at napalapit sa kanya upang tingnan iyon.








At halos mabuwal ako dahil may 25 friend request na agad ako. “Tingnan mo may nag co-comment pa sa profile picture mo.” nakangiting aso na sabi niya.







I shook my head. Puro heart lang naman ang comments o hindi kaya ay simpleng papuri tulad ng ‘Pretty at Gorgeous.’








“Wala naman akong pake r'yan kailangan ko nang macontact si Star, alam mo ba ang account niya?” tanong ko. “Of course!” sabi nito at nagtipa nanaman.




“Oh heto na, hindi na pwedeng I add friend kaya I follow nalang natin.” sabi nito at tumango nalang ako.







Pwede pa rin naman siyang I chat kahit hindi kami mag friends. “Oh ayan na. I chat mo na siya.” ibinigay niya sa akin ang phone ko.





I stared at it.








Nakahanda na ito, mag titipa nalang ako. “Ano ba ang sasabihin ko?” tanong ko sa kanya. “Mag hi ka muna. Then kapag nag reply doon mo na sabihin ang gusto mong sabihin.” tumango ako.






Pero agad ring napalingon sa kanya. “E teka...ang pagkaka alam ko kasi nasa Manila na siya. Mas gusto ko siyang makausap ng personal.” sabi ko.






“Sasama ka nga sa akin bukas paluwas hindi ba? Kaya sige na. I chat mo na.” I sigh heavily.






Iniisip ko rin kasi ang magiging desisyon nila mama. Paano kung magalit sila sa akin? Paano kung itakwil nila ako?





“Hoy Zyreen, kung iniisip mo sila tita huwag kang mag alala. Alam kong maiintindihan ka nila. Para ano pa't naging paborito kong Tito at Tita ang mga magulang mo e ang bait bait ng mga 'yon.” sabi nito kaya bahagya akong napanatag.








Huminga muli ako ng malalim saka nag tipa ng sasabihin.












Ako:

Hi Star.









I immediately send the message. Mabuti nalang rin at malakas ang signal rito sa Zambales.








Inaasahan ko na aabutin ng mga ilang araw bago siya makapag reply sa akin pero nagulat ako dahil may reply agad ito.






“Oh nag reply agad.” sabi ko habang pinapakita ito kay Kia.








“Oh bilis na! Reply-an mo na rin!” excited na sabi niya.












Star:

Omoo! Hi ate! Is that really you? You are so maganda in your profile!















Ako:

Yes Star. Uh May sasabihin sana ako pero pwede bang huwag mong sabihin kahit kanino ito?















Star:

OMG. Kinakabahan ako ate. Pero sure! Go on!


















Ako:

I need to meet you. Can we?















Star:

Omoo! Are you here in Manila?











Ako:

No, wala pa. Pero bukas na ang luwas ko, maybe we can meet after that day?














Star:

Suree ate! As long as it's you. Hehe is this all about your relationship with my brother?













Ako:

No. I'll tell you when we meet. Thank  you sorry for disturbing you Star.













Star:

Don't worry about that ate. I'm willing to help you with anything. Hehe byee ate I need to go na. See you.











Ako:

See you... :










I turned off my phone at saka lang ako nakahinga ng maluwag. I'm nervous about this!










“Cheer up Zy! We can get through this! Pero bago 'yan! Accept mo muna ako. Pa like na rin ng iba kong pictures! Hehe.” napatawa nalang ako sa sinabing iyon ni Kiara.








Kahit kailan talaga.









I open again my account at nagulat ako sa notification na natanggap ko. 201 na agad ang friend request ko at umabot na ng 254 ang reacts ng profile picture ko.









Meron na ring mga nag co-comment na pa accept. Grabe, ganito ba talaga rito sa social media?









Pero sa lahat ng mga notification na iyon, isa lang ang naka agaw ng pansin ko.






Dark Rivera sent you a friend request...







Napatigil ako kaya nahalata yata ni Kia. Mabilis siyang lumipat sa tabi ko upang makita kung bakit bigla nalang akong natutuliro.







“OMG! Accept na agad!” sabi niya. I look at her for awhile. “Ay oo nga pala may LQ kayo. Hindi bale na, stalk mo nga muna!” excited niyang sabi.












Pero ganon na nga rin ang ginawa ko. I stalk him. Bumungad agad sa akin ang profile picture niya na naka side profile siya habang naka sandal sa railings ng veranda.










He looks so manly in here. Tiningnan ko rin ang cover photo niya, it was a city lights na mukhang kuha pa mula sa rooftop.









Sobrang ganda.











Tiningnan ko pang ang ilang mga photos niya. Halos lahat yata ng post niya ay umaabot ang reacts sa libo.











Well ano pa nga ba ang aasahan mo, isang itong Rivera o hindi kaya kahit hindi siya Rivera e kung may ganito ka ba namang mukha at pangangatawan tiyak na sisikat ka.










Nag scroll ako ng nag scroll sa timeline niya hanggang sa may old photos ako nakita na. It's him being topless while holding a hose tapos nakatapat ito sa babaeng maganda.








Para siyang model sa katangkaran. “Kilala mo 'to?” Ewan ko ba kung bakit ko iyon natanong bigla kay Kia.









“Ah iyan? Si Remedy Constanciandra Ferox 'yan. Anak ni Reighnity Echavez at Aaron Ferox. Malapit rin ang mga pamilya na 'yan sa Rivera kaya ayan...nagkarelasyon sila ni Dark ng matagal. Alam ko nga siya yata ang pinaka matagal na girlfriend ni Dark. Ang ganda naman kasi e.” sabi nito.








Ang bibig rin ng pinsan kong ito ay walang preno. Hindi manlang inisip ang mararamdaman ko.






Agad tuloy akong nakaramdam ng pagseselos. Sa lahat yata ng naging kasintahan ni Dark ay ako ang pinaka mabilis.









Pero hindi ko rin maiwasang maging curious. Bakit naman sila naghiwalay kung ganoong mukhang masaya naman silang dalawa?










I shook my head at tiningnan nalang muli ang picture at halos maibato ko ito sa malayo.









Tangina!










I accidentally like their old photo!

Seguir leyendo

También te gustarán

172K 2.7K 93
"𝑰 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒌 𝒐𝒏𝒆 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒌𝒆𝒆𝒑𝒔 𝒎𝒆 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒂𝒎𝒐𝒖𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝑰'𝒗𝒆 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒆𝒅 𝒊𝒏 𝒍𝒊𝒇�...
4.9K 73 9
got bored, decided to make this and because there isn't a lot of stories like this Inspired by "Hold up, Why the frick I'm I in my little pony?!" My...
4M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
4.4M 276K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...