Enchanted Academy (Blood Acad...

By PatataNim

17.2K 3.1K 703

Do you believe in Vampires? Were wolves? Witch? Bender? Well... do you want to read a weird story or so what... More

Prologue:
Chapter 01: What are you really?
Chapter 02: Recognition
Chapter 03: Apple Juice
Chapter 04: Academy
Chapter 05: Dark Queen
Chapter 06: Meet, Hannah June
Chapter 07: Weird Eyes
Chapter 08: You're Mine
Chapter 09: Ms. Karina
Chapter 10: Troy Gravis
Chapter 11: Memories
Chapter 12: Flower Festival
Chapter 14: Espesyal Kainan
Chapter 15: My Leisure
Chapter 16: 67 Days
Chapter 17: Back to the Past
Chapter 18: Honey Bear
Chapter 19: Lost
Chapter 20: Lake of Power; Powlaker
Chapter 21: Surname
Chapter 22: Missing; Kaila Menjie
Chapter 23: Rose Bush
Chapter 24: Found
Chapter 25: Trainor
Chapter 26: Affection
Chapter 27: Voices
Chapter 28: Book
Chapter 29: Recognition...again?
Chapter 30: What is the meaning of this?
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Gray Maxury
Author's Note
Chapter 33: Stop
Chapter 34: Dragon
Author's Note!
Preview: New prologue!!
Author KiMMPuTs's Note

Chapter 13: Dance

340 87 10
By PatataNim


Karina's POV

Di nagtagal ay may narinig kaming busina ng isang kotse kaya napatingin kami sa gawi nun. Nakita ko nanaman ang Camaro 2SS niyang sasakyan. Ang ideal car ko ay masasakyan kong muli pero ang iba ang may ari. Sh*t, lang.

"Sasakay ka o maglalakad ka?" masungit na tanong nung ISA dyan!

Saka ko lang napansin na ako nalang pala ag hindi pa nakakasakay kaya agad akong tumungo sa back seat.

Nagulat ako ng biglang lumingon si Von.

"Gagawin niyo ba akong driver?" masungit nitong saad.

"Oh, diba driver ka naman talaga, kaya ka nga nakaupo sa driver's seat diba," pamimilosopo ko.

"Kausap kita?"

"Bat saakin ka nakatingin?"

"Tumingin lang," aniya at humarap na ulit at binuhay ang engine.

"Masyado ka namang nagandahan," bulong ko dahilan para mapalingon muli si Von.

"Hindi ako nagagandahan sayo," aniya kaya napangisi ako.

"May sinabi ba ko?" maang maangan ko.

"Oo meron, I'm a wolf and matatalas ang pandinig namin."

"Pake ko," aniko sabay humalikipkip.

"Tss," tanging saad nito at pinaandar na ang kotse.

Unti unti ko na nararamdaman ang makitid na daan pero may isang bagay akong nakita o Chant, na nakatayo sa tabi ng puno. Nakasuot ito ng black hoodie, at black jeans. Mukhang ang favorite color nito ay black ah. Pananamit palang eh.

Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa mask na nakalagay sa mukha.

"Sh*t," napamura ako ng mahina na mapagtantong siya yung lalaki dun sa main door.

"What?" tanong ni Von.

Tinapunan ko ito ng tingin at nakakhnot na noong nakatingin saakin sa rear mirror. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki pero wala na siya.

"Nothing," tanging saad ko.

------

After a half hour ay nakarating na kami sa bayan. Hindi namin makita sila Troy kaya nauna na kami sa loob ng festival.

Maraming nagbebenta ng mga bulak lak sa mga gilid gilid. Makukulay na mga bulaklak.

Wait, binebenta ba o pinapamigay? Nevermind.

Niyaya ako ni Athena na lumapit sa isang nag bebenta ng bulaklak.

"Kamusta sa inyo mga hija," bati ng matandang babae.

"Ok, lang ho, kayo ho?" bati pabalik ni Athena. I think matagal na silang magkakilala?

"Maayos naman, sino naman ang magandang dilag na kasama mo, Athena hija?" tanong nung matandang babae.

"Si Karina ho, lola," pakilala saakin ni Athena.

Ngumiti ako dito pabalik.

"Hello po," bati ko.

"Kay gandang dalaga naman," puri nung matanda kaya natawa ako.

"Salamat ho, madam."

"Tutal, nagkaroon na ulit ng kaibigan si Athena, tawagin mo nalang akong lola," aniya.

"Sige ho, lola," sabi ko.

"Oh, saglit lang ah, may kukunin lang ako sa loob," tumango nalang kami at pumasok na si lola sa loob.

"Kaano ano mo siya Athena?" Tanong ko dito.

"Lola ko siya. Siya nalang ang nagiisang pamilya ko. Siya din ang nagpalaki saakin," aniya kaya tumango nalang ako.

Pumasok kami sa loob ng shop ni lola. Namangha ako dahil sa makulay na paligid nito. Mga iba't ibang klase ng bulaklak. Ang ganda!

"Para sainyo mga hija," sabay abot saakin ng yellow tulip at red roses naman kay Athena.

"Wag na ho, wala ho akong pambayad," natawa ang maglola dahil sa sinabi ko.

Bakit? Totoo naman ah...

"Karina hija, ngayon ang flower festival, pinapamigay ang mga bulaklak ng libre," paliwanag ni lola kaya tumango ako.

"Salamat ho dito," ani ko.

"Mauna na ho kami lola," paalam ni Athena kaya lumabas na kami.

Nang makalabas na kami saka ko lang napansin na wala si Von. Saan kaya nagsususuot yung hinayupak na yon?

"Karina lika na, magsisimula na," yaya ni Athena saakin habang hinihila ako.

"Ha? Akala ko kanina nagsimula?" takang tanong ko.

"Oo nga pero magsisimula na ang festival dance at lahat ay kasali," excited na sabi nito.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kung saan. Madami kaming Chants na nabangga pero tuloy parin siya sa paghila. Unti unti ay narinig ko a ng agos ng isang tubig.

Wait, may talon ba?

Nakipagsiksikan kami sa mga kumpulan ng mga tao. Maya maya ay nasa harap na kami. Napanganga ako sa sobrang ganda.

Fountain pala yung naririnig ko ko kanina pa. Tas may sumasayaw sa gitna. Puros mga babaeng naka floral dress at... Amazing! Sabay sabay sila ah!

Hinila nanaman ako ni Athena sa gitna kaya nabitawanan namin ang bulaklak na ibinigay ni lola.

Hawak hawak niya ang dalawa kong kamay at nakangiting sinsayaw ito habang umiikot. Really? Hindi ba sila nahihilo?

Nakangiti lang ako sa saha ganun din siya. By partner kasi yung sayaw. Actually, I don't know how to dance.

Nagulat nalang ako ng sumasabay na ang katawan ko sa beat. Actually, mga matatandang lalaki na tumutugtog ng instrument ang nagsisilbing kanta.

Nakakapagtaka, hindi ko alam ang sinsayaw nila pero bakit... Bakit nakakasabay ang katawan ko? Bakit parang miss na miss ko ang mga galaw na ito?

Nawala ang ngiti ko ng biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Napahinto si Athena sa pag susway ng kamay ko dahil sa ginawa ko.

"Karina ok ka lang?" parang nag eecho yung boses ni Athena at umiikot ang paningin ko kaya napapikit ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Feeling ko anytime matutumba ako.

Naramdaman ko nalang na may kamay na humawak sa beywang ko at yung isa kong braso ay ipinulupot sa batok niya.

"Karina, ok kalang?" nageecho nanaman ang boses ni Athena kaya hindi ko maintindihan ang mga sinsabi nito.

Dahan dahan kami naglakad paalis duon. Naririnig ko pa ang pagecho ng mga hiyawan ng mga Chants at palakpakan nilang lahat.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglakad basta ang alam ko ay nakaalis na kami sa mga kumpulan ng mga Chants.

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa isang bench.

"Dito ka lang Karina ah, hahanapin ko sila Von, kukuha na din ako ng gamot," nagaalalang sabi ni Athena. Kahit nag eecho ang boses nito ay naintindihan ko parin.

Napayuko nalang ako at ipinatong ang dalawa kong siko sa tuhod ko at hinawakan ko ang bigat ng ulo ko.

"O-okay, a-ayos l-lang ako... W-wag ka-kang mag a-alala," pilit kong magsalita kahit na parang nanunuyo ang lalamuna ko at nanlalamig ang mukha ko.

Narinig ko nalang ang mga yabag ng sandals na paalis. Umalis na si Athena. Pumikit ako ng mariin dahil sa sakit.

Hanggang sa may imaheng lumabas.

Isang batang babae na nakasuot ng isang floral dress. May flower crown sa ulo at masayang na sumasayaw kasabay ng iba pang Chants. Maganda yung batang babae. May makinis na balat, mahabang buhok, magandang mukha, sa tingin ko mga nasa
6 years old.

May lumapit sakaniyang batang lalaki. Isang gwapong lalaki. Nakangiti ito ng makita ang batang babae. Mas matangkad ang batang lalaki, nakasuot ito ng floral t-shirt and white jumper.

Gumalawa yung bibig ng batang babae pero walang salitang lumabas dito. Bastang niyakap nung batang babae yung lalaki. I think mga nasa 8 years old na yung lalaki. Yumakap pabalik yung lalaki.

Pero bat ganun? Alam kong gwapo ang batang lalaki kahit na blured ang mukha nito. Mukha itong pamilyar para saakin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko nakikita ngayon ang mga ito.

Bumitaw na sa yakap ang dalawa at muling nagsayaw. Ng biglang...

"KARINA!"

Biglang na out of balance ang dalawa kong kamay kaya nawala ang pagkakapatong ko sa ulo. Nakaramdam ako ng init sa mata at mabilis na pagiba ng vision.

Naging kulay blue ang vision ko pero agad din itong nawala pati na rin ang init sa mga mata ko. Hindi narin umiikot ang paligod ko maging ang mga ingay ng mga Chants ay hindi na umeecho.

"Karina!"

Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa pinaggalingan nito at dumapo ang mga mata ko kayla Troy, na kumakaway.

Kumaway din ako at ngumiti ganun din sila.

Kasama ni Troy sila, Paolo, Calix, Clarks, Von at si.. Bakit siya nandito?

Lumapit sila saakin at naupo sa tabi ko si Von sa kabila naman ay si Troy. Sa harap ko sila Calix at Clarks. Nasa likod ko naman nakatayo si Davis.

Oo si Davis...

"Ok kalang?" nagaalalang tanong saakin ni Troy.

"Oo," maikling sagot ko.

"Tss," ani Von.

Langya, wala manlang pakealam! Ako din naman actually.

"Nasan na si Athena?" tanong ko. Napansin ko din na kanina pa hawak ni Von ang tainga niya.

"I can't contact her," ani Von.

Ha? May ginagamit ba silang cellphone? Pero wala naman akong nakitang may hawak siya ah. Baka sa Chant lang. Pero di ako sure.

"A-anong ibig mong sabihin? P-paano mo naman na..." napatigil ako sa pagsasalita kasi tuyong tuyo na ang lalamunan ko. Hindi ko alam pero basta nalang natuyo. Siguro dahil sa kakasayaw ko kanina.

"I think she didn't brought her ear call. That device can contact anybody who have that. Its a small thing with an speaker," paliwanag ni Clarks na nakapamulsa lang habang nakatingin sa kawalan.

Biglang sumulpot sa kung saan si Paolo na ikinagulat ko.

"Haha, sorry. Nakita kitang sumasayaw kanina sa gitna ah. Parang kabisadong kabisado mo na yung steps at ang galing mo. Pero bigla ka nalang nawala kaya ito tubig... Lemon juice yan," puri ni Paolo sabay abot ng water bottle. Kaya pala hindi ko siya napansin kanina.

Uminom na ako bago magpasalamat.

"Thanks," ani ko.

"Oo nga pala, diba kasama mo kanina si Athena. Where did she go?" tanong ni Calix na nakahalukipkip habang nakatingin saakin.

"I... I don't know, kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ang alam ko lang ay tinanong niya ako kung ok lang ba daw ako tas tumakbo na siya palayo," paliwanag ko.

Just what I'm expecting, kumunot ang mga noo nila pwera kay Davis kasi magkatalikod kami kaya hindi namin nakikita ang isa't isa.

"Imposible namang iwan ka nalang ni Athena ng basta basta," ani Von.

"Yeah, baka bumili lang ng tubig," ani ko.

Hindi naman basta bastang nangiiwan si Athena eh, baka bumili nga lang or may hinanap.

"Von! Troy!" sigaw ng isang babaeng hindi kalayuan saamin. Napalingon kami sa gawi nung babaeng sumigaw at nakita namin si Vivian na kumakaway habang may matamis na ngiti.

Kasama nito sila Keila, Miles at si... Athena? Bakit nila kasama si Athena?

Lumapit ang mga ito saamin. Agad ding lumapit si Athena sa harap ko.

"Karina ok, ka na ba?" nagaalalang tanong nito. Napansin ko na may hawak siyang supot ng may laman na kung ano.

"Ano yan?" tanong ko sabay turo sa hawak niya.

"Ito? Gamot pampawala ng sakit ng ulo," sagot nito dahilan para mapatingin ang lahat saamin.

"Kaya pala nakita ka namin sa harap ng med store," singit ni Miles.

"Oo nga, akala namin kung anong gagawin mo," ani naman ni Keila.

"Wait, sumakit yung ulo mo Karina? Why?" nagtatakang tanong ni Vivian.

"Yeah, what do Athena, mean na sumakit daw ang ulo mo?" ani Calix.

"Kaya ba iniwan mo si Karina?" tanong ni Von kay Athena.

"Sorry, its my fault, kung hindi ko lang siya-" I cut Athena off.

"Okay lang, masaya naman eh. Atska baka dahil yun sa init ng panahon," I stated.

"But, napapansin niyo ba? Kakaiba ang weather ngayon," ani naman ni Clarks.

"Yeah, imbes na tag init ay tag lamig," singit ni Troy.

"What do you mean?" kahit alam ko na ang sagot sa tanong ko ay hindi ko parin ito maintindihan. Hay!

"Ibig sabihin ay gumagawa na ng galaw ng Dark Queen, I think nabalitaan na niya about the girl who accidentally got here," ani Vivian habang malalim ang iniisip.

"So, what we are going to do now?" tanong kong muli.

"Magsaya muna tayo, minsan lang dumarating ang flower festival, kaya dapat magsaya. Wag nating hayaan ang nangyari last festival," nagulat ako ng biglang magsalita si Davis.

Ayun yung sinasabi ni Athena saakin. Bakit nga ba? Mas masklap bang nangyari nung last festival? Hayst, hindi naman ako Chant, para isipin yon. Pero... Damn! Curiousity killing me!

Nagulat ako ng may isang kamay ang humablot ng kamay ko at itinayo ako mula sa pagkakaupo.

Tinignan ko ang may ari ng kamay at si.. Von ang kumuha nito.

"Lika na!" yaya nito sabay hila saakin sa kung saan pero may naramdaman akong isang kamay nanaman ang humablot sa kabila kong kamay. So may dalawang kamay ang mag kahawak sa magkabilang kamay ko. Balakayo jan kung di niyo gets.

Dahil sa paghawak ng isang kamay sa kaliwa kong kamay ay napatigil si Von sa paghila ng kanan kong kamay. Napatingin kaming pareho ni Von sa may ari ng kamay na ito. Maging sila Troy ay gulat.

Bakit? Ngayon lang ba humawak ng kamay toh? O ngayon niyo lang nakita na pinagaagawan ng dalawang Chants ang isang tao?

Nakaramdaman ako ng kuryente sa pagkakahawak nilang dalawa. Tangna! Kung maglalabanan sila ng Chants wag sa loob ko!

Hinila ko ni Von palapit sakaniya pero hinila din ako ni Davis. Yeah, si Davis kaya ganun nalang sila magulat. Pota!

Parang hahatiin nila ang katawan ko sa higpit ng hawak nilang dalawa.

"ANO BA!" sigaw ko pero nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari...

Continue Reading

You'll Also Like

214K 9.1K 24
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
1.4M 99.6K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
191K 7.6K 30
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
87.9K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။