The Playboy's Contract

By ImJlous

643K 7.1K 465

Too dumb to trust the devil. More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas

Chapter 16

10.7K 121 6
By ImJlous

"Ang sarap mo naman palang magbake."

Napangiti ako habang pinapanood na kainin ni Mark 'yong mga muffin na ginawa ko dito sa bahay nila. Dumiretso kami rito matapos niya akong turuan ng kaunti mag skate doon sa park.

Masaya naman pala.

Kahit nagalusan itong tuhod ko at nahirapan ako kasi nga I'm wearing ankle boots.

"Ewan ko sa'yo, hugasan mo 'yung mga ginamit ko ha?" Pagpapaalala ko sa kaniya.

Natigilan siya sa pagnguya at ipinatong sa tray 'yong muffin. Tingnan mo 'tong tamad na 'to?

"Bakit ako?"

"Kami na nga ang nagluto." Napailing nalang ako at kinunutan siya ng noo.

"Joke lang! Huhugasan ko pati plato ng kapitbahay basta ba ipaggagawa mo lang ulit ako ng ganito."

"Oo na, just wash those."

Pinaubos ko talaga sa kaniya 'yong ginawa ko at willing naman siya. Masarap naman daw e.

"Alam mo hija, hindi ko rin alam kung bakit malayo ang loob ni Mark sa daddy niya."

Habang naghuhugas si Mark doon ay nagkekwentuhan muna kami ni Manang Belen dito sa sala.

"Hindi naman po ba abusive ang Daddy niya?" I asked.

Na-curious lang kasi ako kung bakit malamig ang pakikitungo niya sa father niya, kung tutusin nga'y ang swerte niya kasi may mabait siyang tatay.

"Mabait 'yong Daddy niya kulang lang siguro ang oras na binibigay sa kaniya dahil masyado 'yong tutok sa trabaho. Pero para sa kinabukasan rin naman 'yon ni Mark."

Iyon naman pala ang dahilan. His father really needs to have his time management fixed kung gusto nilang magkasundo na dalawa. Ganoon rin si Mark, he needs to understand Tito's reasons. Ano kaya ang puwede kong gawin para magkasundo sila?

"Mark uwi na ko," sambit ko kay Mark pagkatapos namin na maghapunan dito sa bahay nila.

Eight na at nagpagabi talaga ako, akala ko kasi darating si Tito.

"Ihahatid na kita."

Tumango ako at ngumiti. Nagpaalam na rin ako kay Manang Belen at nagsimpan muna ng pinagkainan.

"Mark, can you do me a favor?"

"Oo naman, ano 'yun?" He gladly asked.

"Makipag-bond ka naman sa father mo, sayang kasi hindi naman lahat may mabait na tatay."

Nalukot ang mukha niya at hindi siya sumagot, naalala ko tuloy kung gaano siya kaseryoso noong una kaming magkita. This was him, parang galit siya sa mundo noong mga araw na 'yon at walang ano man na makakapagpangiti sa kaniya.

"Pero hindi naman kita pinipilit, I'm just saying."

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela, "Okay."

Ang sikip ng dibdib ko and it hurts really painful! Para akong malalagutan ng hininga at mawawalan ng malay. Walang tumutulong sa akin, lahat sila ay nakatingin lang.

Si Mark ay may kasamang ibang babae at magkahawak ang mga kamay nila. Gusto ko silang lapitan pero parang may pumipigil sa mga binti ko na gumalaw.

Wala ring tunog na lumalabas mula sa bibig ko kahit pinipilit kong sumigaw. My chest felt heavy, it felt like something was piercing my heart.

Ito na ba ang kawakasan ko?

Nagising ako at namalayang kong nandito lang pala ako sa kama ko, bumangon ako at napahawak sa dibdib ko. Para akong naligo ng pawis dahil sa lagay ko ngayon.

Hindi ko maintindihan ang panaginip ko, pinunasan ko ang pisngi ko na basa ng luha. Am I being too paranoid kaya ganoon ang napaginipan ko?

Biglang tumunog ang cellphone ko, someone just face time me. "Hey?"

"Miracle, ang tagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko sa'yo 'to." May kaunting pag-aalinlangan sa boses ni Margaux.

Pati nga ang ekspresyon niyang parang hindi rin mapakali. She was whispering and looking from her left to right.

Nagsalubong ang kilay. "Ano 'yon?"

"It's about Mark... and my cousin."

Bumalik ang pamilyar na kirot sa dibdib ko noong marinig ko iyon, "Ano nga 'yun?"

She groaned, "I will just send it to you."

Binaba niya na yung tawag, tapos nagsend siya ng message na may naka attach na video. Nagdalawang isip pa ako, kung panonoorin ko baka kasi hindi ko kayanin.

It was a video of Clarisse and Mark, sumakay si Clarisse doon sa sports car ni Mark. Sigurado akong sila lang dalawa ang magkasama kasi wala namang upuan do'n sa likod!

"Bakit magkasama ang dalawang 'to?"

Gusto kong ibato ang phone ko dahil sa inis pero pinakalma ko muna ang sarili ko bago mag-isip ng kung anu-ano. I've promised to control my emotions harder.

I called Margaux again, "Saan mo nakuha ang mga 'to?"

"I've captured those, kani-kanina ko lang 'yan kinunan. Mga eleven, nagtataka kasi ako lumabas pa siya ay gabi na. 'yon pala si Mark ang kasama niya!"

Hindi lang pala ako nagpapaka-paranoid dito dahil tama ang kutob ko! Totoong niloloko lang ako ni Mark, totoo na may something sa kanilang dalawa noong sinasabi niyang 'kaibigan' niya lang.

Nagsalita ulit si Margaux sa kabilang linya, "Alam mo namang sa'yo ako kakampi kahit pinsan ko pa iyon. You know how much I hate snakes, I'm really disappointed I have one as my relative."

I heaved a sigh, "Thank you for informing me about this."

"Walang anuman. That's what friends are for. So what's your plan?"

"I don't know, Margaux."

Hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako kagabi. Mabuti nalang at weekends na kasi hindi ko yata kakayaning pumasok sa school dahil sa bigat nitong dinadala ko.

I can't believe na napaniwala ako ng lalaking 'yon na seryoso siya sa akin!Pinaglaruan nila akong dalawa ni Clarisse!

I feel so stupid!

Maghapon lang akong nasa kwarto, mabuti nga hindi ako kinakatok ni Mommy o nila Ate Rosa. Baka kasi magtanong pa sila kung anong problema ko.

Nang sumapit ang gabi ay napagpasyahan kong pumunta sa resto bar, nababakasakaling naroon ang manlolokong iyon at makausap ko siya. Gusto kong marinig mula sa kaniya ang totoo kahit malinaw na malinaw ang ebidensiya.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginawa. Kadalasan naman kasi sa mga naging ex ko ay hindi ko na sila hinihingian ng paliwanag.

"Trust me darling..."

Pagpasok ko sa loob ng resto bar ay narinig ko na kaagad ang boses niya,

"So look me in the eyes, tell me what you see? Perfect paradise, tearing at the seams-"

Huminga ako ng malalim while I was clenching my fists. Pagkatapos ay naghanap kaagad ako ng pinaka malapit na table sa stage. I ordered some beers too at agad naman nilang ibinigay 'yon sa akin.

"I wish I could escape it, I don't wanna fake it."

I glaring at him while massaging my aching chest. Ang lalaking ito, napakagaling niyang maglaro! Napaniwala niya ako na seryoso talaga siya sa akin. Ano bang binabalak niya?

"I wish I could erase, make you heart believe... but I'm a bad liar."

"Bad liar."

I winced because of a sharp pain in my chest and I close my eyes shut. Nang magmulat ako ay nagtama ang mga tingin namin.

His expression hardened, sa mga tingin niyang iyon ay parang ako pa ang may kasalanan sa aming dalawa.

"Now you know, you're free to go."

Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer at tinungga iyon ng hindi inaalis ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kaniya. Yes, I am hurting.

I don't want to go.

Naubos ko 'yong tatlong bote ng maliit na beer habang hinihintay silang matapos ang kanilang gig. Nang bumaba sila sa stage ay binati ako noong mga ka banda niya at pinuri pa ang pagiging 'supportive girlfriend' ko raw.

Si Mark naman ay nakasimangot sa akin, tinititigan lang talaga niya ako na parang ako pa ang may ginawang mali. His lips pursed then slightly shook his head when he saw the bottles I've emptied.

I feel my cheeks are burning because of anger. Tumayo ako at sinampal siya. He frowned then his jaw tightened, 'yong mga kaibigan naman niya ay nagulat rin dahil sa ginawa ko.

Ngunit imbes na makipagtalo ay diretso nalang siyang lumabas sa resto bar, napanganga ako at natutop doon sa kinatatayuan ko. Lalong uminit ang pisngi ko dahil sa mga customer na nakatitig sa akin.

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ng kabanda niyang si Xian.

Si Niccolo at si Nathan naman ay pinagmasdan lang ako, inalalayan rin nila ako nang muntik pa akong matumba noong bigla akong humakbang para sundan si Mark.

Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko upang alalayaan ako sa paglabas ng resto bar. "Asan na 'yong walanghiya niyong vocalist?!"

"Crishelle lasing na lasing ka na!" ani Nathan.

"Mark 'yong girlfriend mo!" Binitawan ni Niccolo ang braso ko para kawayan si Mark. Muntik pa nga akong matumba kung hindi niya lang nahawakan ni Nathan ang beywang ko.

"Mag-ingat ka naman Niccolo!" sigaw ni Nathan sa kaniya.

"Sensya na bro-"

Nagpumiglas ako sa hawak ni Nathan at mabilis na tumakbo papunta kay Mark, nagawa ko iyon kahit parang umiikot ang buong paligid ko. Narinig ko pang tinawag ako nila Nathan pero wala na akong pakialam.

"Mark, fuck you!" Tears was rolling down my cheeks but he also doesn't care. His eyes were dark and no sign of guilt was written on his face.

"Tama na." Akma siyang sasakay na sa kotse pero hinawakan ko ang braso niya.

"No! Hindi pa tayo tapos!" halos magasgas ang lalamunan ko.

"Tapos na tayo! Tapos na 'tong laro mo! Tapos na ang palabas, Chrishelle!"

Napaatras ako dahil sa sinabi niya, parang ibinitin ako patiwarik at lumabas lahat ng dugo ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang panoorin siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at paharurutin iyon.

Anong ibig niyang sabihin na laro ko? Laro ko pa talaga?! Eh, sila nga itong pinaglaruan ang puso ko!

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...