Taming the Heat (La Grandeza...

By JosevfTheGreat

2.1M 54.2K 31.2K

To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the id... More

Announcement
Taming the Heat
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
La Grandeza Series #3
Special Chapter
Special Chapter [Christmas Special]

Kabanata 6

36.4K 987 408
By JosevfTheGreat


Nervous

Finally, Dino showed up. Kinunotan niya agad ng noo si Seprimo na nakaupo sa aking tabi at bakas ko sa kaniyang ekspresyon ang pagtataka at pagkairita.

"Hoy Rimo. Bakit mo kinakausap si Cari?" matapang na sabi ni Dino kaya mabilis namang humalakhak si Seprimo.

He's dripping wet dahil sa kaniyang pawis. He looks more handsome. Nagtama ang mga mata namin pero muli niya rin ibinalik ang kaniyang mga mata kay Seprimo.

"I was just checking her, hinihintay ka pala..." kalmadong sabi ni Seprimo.

"Checking mo mukha mo, palagi kitang naririnig na kausap sila Hernan na pupuntahan niyo 'yung room ni Cari... ano huh?" mahina akong natawa sa tono ng boses ni Dino.

Para siyang batang nagyayabang na binilhan siya ng mas mahal na sapatos ng kaniyang tatay kaysa kay Seprimo.

Seprimo chuckled as he stares onto Dino. "You're funny, Dino... but yes, I am interested on her. You got a problem with that?" nakangising sabi ni Seprimo kaya nagtaas ng kilay sa kaniya si Dino.

"Mayroon, bakit? Naka-reserve na siya sa akin kaya wala ka ng pag-asa, doon ka na mag-training ka baka i-seminar kita ng basketball... palakas ka muna..." ani Dino at nilipat na ang mga mata sa akin.

Humalakhak si Seprimo at umiling pa. "You're such a kid, Dino... I should get to training, panoorin mo ako Cari..." ani Seprimo at ngumisi sa akin.

Hindi ako nag-react sa sinabi niya. I am just wearing my straight face and wala akong balak i-entertain siya. He's creepy.

Nang makaalis si Seprimo ay umupo si Dino sa tabi ko. Hinihingal pa siya habang puno ng pawis ang kaniyang katawan.

"I am sorry. He's a creepy guy... pinatakbo pa kasi ako..." aniya at ngumiti sa akin.

Umiling ako. "I can handle it, Dino... wala siyang palag sa akin kaya no worries, though ang creepy niya nga," sabi ko kaya humalakhak siya.

"Well, he's a total creep. Huwag mo na pansinin, marami 'yang ginagalaw na babae tapos binubuntis. Kupal 'yan e..." aniya at nilingon si Seprimo na naglalaro na sa court.

Napangiwi ako. Yuck, such an asshole.

"Mag-training ka na, baka mamaya pagalitan ka pa dahil nakaupo ka pa rito..." sabi ko.

Hinawi niya ang buhok niyang napunta sa kaniyang mukha. Binasa niya ang labi niya atsaka ako binalingan ng tingin. "Yeah, I should do that... diyan ka lang ah, atsaka ako ang panoorin mo hindi 'yung Rimo na 'yon." Umirap ako at tumango.

I sat quietly while watching Dino playing. Nag-stretching muna sila, did some shootings tapos atsaka sila nag-proceed sa game.

Habang nanunood ako ay bigla kong naalala si Ross. I used to watch him play noong high school. I was his number one supporter pero never been just his fan girls, but iniwanan niya naman ako so parang gano'n na nga rin.

I wonder kung ilan na ang naging girlfriend ni Ross at ginanito niya rin? Siguro he's happy with someone else right now. Baka nga he's having a casual sex already... I think if I am not mistaken he's already 2nd year college now.

Ipinagkibit balikat ko na lang ito at pinanood si Dino. Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang pagsiko ni Seprimo kay Dino sa kaniyang tagiliran kaya napatigil si Dino at matalim na tiningnan si Seprimo.

I can't hear them pero nakikita kong nag-uusap sila. Dino looks mad while Seprimo is acting innocent pero kitang-kita ko rin naman 'yung ginawa niya.

Tinulak ni Dino si Seprimo sa balikat kaya gumanti rin ng tulak si Seprimo. Napatayo na ako nang sapakin ni Seprimo si Dino at hindi naman pumayag si Dino at kaagad sinapak din kaagad si Seprimo.

Inawat sila no'ng mga kasama nila at 'yung coach nila ang pumagitna sa kanila. I guess nabuo ang alitan sa kanila no'ng dito pa lang...

Naglakad ako papalapit sa kanila at narinig ko na ang usapan nila.

"Anong problema niyong dalawa huh?!" sigaw no'ng coach nila.

"Siniko niya ako coach! No'ng una ay binaliwala ko lang pero naka-ilan na siya!" sabi ni Dino at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang leeg papunta sa kaniyang mukha.

"I saw it..." Napatingin silang lahat sa akin nang bigla akong nagsalita mula sa likuran ng coach nila.

"Oh, Ms. Dela Pente... anong ginagawa mo rito?" sabi niya kaya nagulat ako kasi kilala niya ako.

"I saw it, coach... siniko niya si Dino and tama ba 'yon?" sabi ko kaya napakurap-kurap si Coach at nilingon si Seprimo.

"Bakit mo kasi siniko si Dino, Primo?" sabi ni Coach habang nakakunot ang noo.

"He's irritating. Palagi niya akong pino-provoke. Hindi lang ngayong araw... kaya siya ang tanungin niyo kung anong problema niya sa akin..." sabi ni Seprimo at binalingan ako ng tingin.

"So anong dapat nating gawin? Dino, scholar ka kaya kung maari ay iwasan mo ang mga gulo dahil maari kang matanggal sa varsity. Ikaw rin Primo! You're senior to Dino kaya hindi ba dapat ikaw hindi dapat pinagmumulan ng away?" pagalit sa kanila ni Coach kaya napanguso ako.

Ganiyan din sermonan ni Papa si Kuya. Hindi pa ata ako napapagalitan nina Papa dahil sa ganito, masyado kasi akong iwas sa mga ganitong eksena. I don't have time for them, so iniiwasan ko na lang.

"Sorry Coach..." sabi ni Dino at umigting ang panga.

"At ikaw, Primo?"

"Sorry rin po, Coach..." sabi ni Primo habang nakayuko.

Hindi talaga maiiwasan 'yung ganitong eksena sa mga may alitan, palaging magkukumpitensya sa laro. It's not healthy kaya dapat tanggalin nila 'yon.

Humalukipkip ako nang nagtama ang mga mata namin ni Dino.

"Magbati kayo. May nakatingin na babae oh! Para naman kayong mga bading niyan..." sabi no'ng isa nilang kalaro.

Nagtinginan sina Primo at Dino atsaka nag-apir. Nag-sorry sila sa isa't isa kaya tinukso pa sila lalo no'ng mga kasama nila.

"Bukas na lang ulit ang training. Sinira kasi nitong dalawa e!" Napakamot sa ulo si Coach kaya humalakhak silang lahat.

Nagsilakaran na ang mga kasama nila papunta sa locker room at si Dino naman ay lumapit papunta sa akin. May bangas ang kaniyang labi kaya napatingin ako ro'n, mapula na nga kaniyang labi ay mas pumula pa dahil do'n sa suntok.

"Kita mo 'di ba? Bwiset talaga 'yon e. Walang magawa sa buhay..." sabi ni Dino at umiling pa.

"Pabayaan mo na, Dino. Alam mo, kung andito 'yung kambal mo sasapakin ka rin no'n. Mag-ingat ka, Dino... sayang 'yung pagiging player mo rito sa UST kung makikipag-away ka. Mabuti na lang ay pinalampas ni Coach," sabi ko kaya napakamot siya sa ulo.

"Opo... hindi na po ako makikipag-away pero sa isang kondisyon, kiss mo muna ako sa pisngi..." ngumisi siya kaya umirap ako.

"Dalian mo na!" sabi ko kaya ibinaba na niya ang kaniyang ulo at tinagilid ito.

Dahan-dahan akong gumagalaw dahil baka mamaya bigla siyang humarap. Alam ko na 'yung mga ganitong style kaya mas maganda 'yung safe.

"Bilisan mo na, hindi ako haharap!" sabi niya at humalakhak.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Kinagat niya ang ibaba niyang labi at hindi maitago ang ngisi. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang tainga at pinipigilan niya ang pagngiti niya.

He's blushing...

"Teka, paano nga pala ako nakilala no'ng coach niyo?" sabi ko habang nakakunot ang noo.

Ngumuso siya habang pinipigilan pa rin ang pagngiti. "Palagi kasi nila ako tinutukso sa'yo kaya na-curious na rin sa'yo si Coach at sumama siya sa akin one time para makita ka... he knows you dahil ikaw raw 'yung mamaw na studyante. Perfect mo raw 'yung entrance exam pati at may 2 mistakes ka raw sa exam ng scholarship..." sabi niya kaya napatango ako.

Bakit ba tumunog ang pangalan ko dahil do'n sa pag-perfect ko sa exam, madali lang naman eh.

"Mag-shower ka na dahil baka mamaya magalit na sina Lucas dahil tayo na naman huli..." sabi ko kaya ngumiti siya.

"Cute mo talaga, Cari..." mapungay ang mga mata niya atsaka kinagat ang ibabang labi niya.

Natigilan din ako kung paano niya ako titigan. Ganito rin ako titigan ni Ross pero magkaiba sila... iba 'yung nararamdaman ko sa titig ni Dino at sa titig ni Ross.

Sumeryoso siya atsaka humakbang papalapit sa akin. Napalunok ako nang naamoy ko ang kaniyang pawis, his scent is similar to Ross... pero parang mas mabango si Dino...

Umangat ang tingin ko kay Dino at nakatitig siya sa mga mata ko. Pabalik-balik ang kaniyang tingin sa mga mata ko at sa labi ko.

"Cari..."

"Can I kiss you?"

It sounds familiar... pero tumindig ang aking mga balahibo at mahinang boses ni Dino. Lasing ang kaniyang mga mata at bahagyang mabigat ang paghinga niya.

Umigting ang kaniyang panga at biglang umiwas ng tingin. He took a deep breath atsaka umatras...

"I am sorry..." hindi siya makatingin sa akin.

"I should take a shower. Upo ka na lang muna ro'n..." mabilis niya akong tiningnan atsaka ako tinalikuran.

Napalunok ako. Tinitigan ko ang kaniyang likuran habang naglalakad siya. Hinawi niya ang kaniyang buhok atsaka tumingala.

Bakit kumalabog ang dibdib ko nang titigan ko ang mga mata ni Dino kanina? 'Yon din ang sinabi ni Ross sa akin dati no'ng umamin siya sa akin... I shook my head dahil hindi ako makagalaw... parang nararamdaman ko pa rin ang presensya ni Dino sa harapan ko.

Suminghap ako at naglakad papunta sa bleachers atsaka ako umupo ro'n. Naririndi ako sa katahimikan ng court at ang ingay pa ng isip ko maging ang puso ko. It's still pounding at hindi ko alam kung paano ko ito papakalmahin.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog at nakita ko ang pangalan ni Raflesia na tumatawag kaya kaagad ko 'yon sinagot.

"Hello?"sabi ko.

"Andito na kami. Tapos na ba si Dino?" sabi ni Raf.

"Yeah, he's taking a shower... tapos punta na rin kami riyan." Narinig ko ang boses ni Lucas sa kabilang linya.

"Gaano pa raw katagal si Dino? Sabihin mo bilisan niya andito na 'yung irereto ko sa kaniya!" sabi ni Lucas.

Napanguso ako nang narinig ko 'yon. Bakit parang bigla akong nairita sa sinabi ni Lucas?

"Naliligo pa raw tapos papunta na sila rito—sige, Cari... kita na lang tayo rito." Pinatay na ni Raflesia ang tawag.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko na sina Dino kasama 'yung mga ka-team niya.

Nakangiti sa akin si Seprimo kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tiningnan si Dino na nakatingin sa akin. Tumakbo na siya papunta sa direksyon.

"Tara na..."

"Una na kami!" sabi ni Dino sa mga ka-team niya.

Hinila agad ako papalabas ni Dino sa gym. What's the rush? Pero unti-unti rin bumagal ang lakad namin at binitawan na niya ako nang bahagya na kaming nakalayo sa gym.

"Uh... Cari, I am sorry kanina. Nadala lang ako ng mga mata mo..." nakatingin lang siya sa daan kaya ngumuso ako atsaka mahinang tumawa.

"It's okay, Dino... tumawag pala sa akin si Raflesia at ang sabi ni Lucas ay bilisan mo raw dahil ando'n na raw 'yung irereto niya sa'yo..." sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Irereto?" tumango ako kaya kumunot ang kaniyang noo.

Pumunta na kami sa parking lot at ando'n naka-park ang kaniyang grey Aston Martin DB11. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nginitian ko siya atsaka siya umikot papunta sa driver's seat.

Habang nasa biyahe ay tinext ko si Raflesia na papunta na kami. Gusto kasi mag-inom ni Cassie kaya pupunta kami sa Good Vibes Bistro.

Tahimik lang kami ni Dino sa kotse dahil wala rin naman kaming pag-uusapan atsaka mukhang gusto niya munang maging maingat sa mga sasabihin niya.

Kapagkarating namin do'n ay pinark lang ni Dino 'yung kotse atsaka na kami bumaba. Sinuot ko ang shoulder bag ko.

Tiningnan ako ni Dino atsaka ako pinauna. Nang nakita na namin sina Lucas ay namataan ko agad 'yung katabi ni Lucas na babaeng mestiza at mahaba ang tuwid na buhok. She's wearing a black spaghetti strap at kita ang kaniyang cleavage.

"Ayan na sila!" sabi ni Cassie at pumalakpak pa nang mahina.

Tumingin agad 'yung babae kay Dino. Dino is wearing a white v-neck shirt at maong pants. Kahit 'yon lang ang suot niya ay hindi ko naman maipagkakaila na ang lakas pa rin ng dating niya.

Umupo sa tabi ko si Dino at hindi man lang tinatapunan ng tingin 'yung babae habang 'yung babae ay kulang na lang sunggabin na si Dino.

"Dino, ito nga pala si Natasia... volleyball player sa DLSU," sabi ni Lucas kaya tiningnan ni Dino si Natasia pero kaagad niya rin iniwas ang kaniyang tingin.

"Natasia this is my twin brother, Dino." Ngumiti si Natasia kay Dino at nilahad pa ang kamay kaya walang buhay 'yon na tinanggap ni Dino at kaagad din binawi ang kamay.

Nilingon ako ni Dino. "Anong gusto mo?" sabi niya at binigay sa akin 'yung menu.

I felt awkward nang naramdaman ko ang tingin nilang lahat sa akin. He's clearly showing na hindi siya interesado ro'n sa babae. Though, she looks like a girl na mahilig ngang mag-make out pero nakakahiya pa rin sa kaniya kasi harap-harapan siyang nire-reject.

Nagtingin ako sa finger foods at tinuro ko ang cheese rings kay Dino. Nakita ko sa lamesa na may isang bote na ng cuervo.

"I will order it..." ani Dino at bigla na lang tumayo.

I bit my lower lip at tiningnan si Raflesia na nakatingin sa akin. Unti-unti kong inilibot ang mga mata ko sa kanila at nakakunot ang noo sa akin ni Natasia.

"Mukhang may girlfriend na ang kakambal mo, Lucas..." sabi ni Natasia at hindi rin makasagot si Lucas sa sinabi ni Natasia.

Tumayo si Natasia. "CR lang ako," sabi niya atsaka kami tinalikuran.

"Bakit mo naman kasi nirereto 'yung kambal mo, eh alam mo namang kay Cari lang 'yon kakalampag?" sabi ni Raflesia at nagkibit balikat si Lucas.

"I am trying to help him to divert his attention sa ibang babae. Hindi naman sa ayaw ko kay Cari pero ayaw pa mag-boyfriend ni Cari so... I just want to tulong..." sabi ni Lucas.

"Sana ireto mo siya sa mas better kay Cari, eh mukha 'yon pang one night stand..." ani Cassie kaya ngumuso si Lucas at nagkibit balikat.

Napatingin kami kay Dino nang umupo na siya sa tabi ko. Umangat ang kaniyang kilay kay Lucas. "Sinabi ko na sa'yo 'di ba na tigilan mo na 'yung reto na 'yan? I will wait for Cari until she's ready, siya lang 'yung babaeng gusto ko... siya lang." Napatahimik kami sa sinabi ni Dino dahil seryoso siya.

Lucas sighed. "Fine pero ayaw ko naman siyang pauwiin so pwede bang dito muna siya, since nakakahiya naman sa kaniya. Just try to get her along, Raf..." sabi ni Lucas.

"Fine..." tipid na sabi ni Raflesia.

Tiningnan ako ni Dino. "Just tell me kung may gusto ka..." mahina ang boses niya kaya tumango ako.

Hindi ko alam kung hanggang saan ba kami dadalhin nito, pero I am kind of nervous about it...

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
8.6K 1.4K 118
Nowadays teenagers are tend to be more suffocated in their lives. They think that doing wrong things can make their problems easier. It ain't easy to...
686K 30.2K 32
Wanderlust. Summer love. And a whiff of chocolate. ----- Special Summer Story for Candy Stories. New Adult | Romance
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022