Tune of Hearts

By CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... More

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

22

69 32 0
By CYRONGRAY

Jethroy's POV

"Wooooh! Go Dewford!" napapasigaw pa si Jade kapag makaka-shoot yung basketball team ng Dewford.

Dewford at Viridian ang naglalaban. Lamang ng ilang puntos yung Viridian pero mukhang humahabol ang Dewford.

Napasigaw pa muli si Jade ng maka-shoot sa tres si Andrew. Tie na ngayon ang score ng dalawang naglalaban.

"Hello baby Jetjet!" Biglang lumapit si Drey sa tabi ko.

Tiningnan ko ng masama pero tinawanan lang ako.

Mandadaldal na naman 'to panigurado.

"Lubay lubayan mo ko Drey!"

"Oh easy lang lover boy!"

"Ano na naman ba? Ba't nandito ka na naman?!"

Tumingin pa siya kay Jade sa may tabi ko pero nang makitang nagchicheer ay nilapit niya yung bibig niya sa tainga ko.

"Si Chubs daw kasi kanina pa nawawala. Galit na galit na nga si sir Drex eh."

Ano? Championship yun ah? Bakit hindi siya lumaro?

Ano na naman bang naiisip no'n?!

"Ayyyy! Bakit ganon Jetjet?!" pagmamaktol ni Jade nang matalo ang basketball team ng Dewford. "Kainis!"

"Wala kasing effect yung cheer mo eh." Pang-aasar ko pa sa kanya. Inirapan niya pa ko at saka tinalikuran. "Mamaya gagana 'yon for sure! Cheer mo ko mamaya."

Inirapan niya muli ako at saka tumawa. How lovely? Pa'no pa kaya kapag narinig ko na siyang kumanta?

Pagkapasok namin ni Jade sa room ng mga athletes ay nakita kong napasapo sa ulo si Sir Drex. Nakakalat yung mga upuan at halatang naii-stress na siya.

"Andrada, nakita mo ba si Gomez?" Natataranta na siya.

Umiling ako sa kanya kaya mas lalo pa siyang nadismaya.

Hindi na niya malaman ang gagawin niya dahil kanina pa siya ikot ng ikot sa kinatatayuan niya.

Kahit kailan talaga yung mataba na 'yon. Puro sarili lang niya naiisip niya.

Pagkabukas ng pinto, akala namin si Chubs pero si Lauren pala. Halatang wala din siya sa sarili niya.

Hindi niya rin kasama?

Biglang napadako ang tingin niya sa amin ni Jade. Nagulat ako bigla ng sugurin niya si Jade. 

Hinubad niya pa ang sapatos niya at aktong ihahampas ito kay Jade kaya dali dali ko namang pinigilan. Isa pa 'to. Ano din ba problema nito?

"Ano ba Lauren?! Bakit bigla bigla ka na lang sumusugod ha?!"

Inis niya akong tiningnan. May bahid ng galit mula sa kanyang mga mata.

"Kasalanan niyo 'to kuya! Kasalanan niyo ng babae mo kung bakit nawawala si Shea ngayon!" panunumbat sa akin ni Lauren.

Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na tingin. "Bakit hindi mo tanungin sa babaeng yan?!"

Tiningnan ko naman si Jade para manghingi ng sagot pero nanatili pa rin siyang tahimik sa tabi ko.

"Oh, hindi ka makasagot?" sarkastiko ang tono ni Lauren. "Ano nga uling ginawa mo? Sinendan mo si Shea ng video niyo na naghahalikan kayo? My gahd! Kailangan niyo pa bang ipamukha sa tao yung nakakapandiring ginagawa niyo?!"

Nagulat ako. Napakuyom tuloy ako ng kamao. Inis ko namang tiningnan si Jade pero umiling-iling lang siya.

"Kuya! Ayusin mo yang babae mo! Mapapatay ko yan!" sambit ni Lauren at saka nagmadaling umalis. Padabog niya pang isinarado ang pinto.

Marahas kong hinila si Jade at saka dinala sa tambayan.

Inis kong binitiwan ang kamay niya. Napasabunot na naman ako sa ulo ko at kumukuha ng tiyempo para magsalita. "Bakit mo ginawa yon?"

Pinipigilan ko ang sarili ko na magalit sa kanya. Pinipilit kong hindi sumigaw dahil ayokong munang magpadalos dalos sa sinasabi ng iba.

"Jetjet! Let me explain, please." Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil iyon naman talaga ang gusto ko, ang marinig ang eksplanasyon niya. "She threatened me na aagawin ka niya sakin..."

Ano?! Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.

"So that's why I sent her the video clip para tumigil na siya." nakita kong umiiyak na siya.

Mabilis ko namang kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha na lumalandas sa mata niya. I don't want to see her crying. "Hush, my shadow girl. Di ako galit sa'yo kaya tahan na."

Niyakap niya ko at isinandal ang ulo niya sakin.

Biglang gumaan ang loob ko nang marinig ko ang rason niya. Alam kong nagawa niya lang yung bagay na 'yon kasi ayaw niya akong mawala sa kanya. Naiintindihan ko naman dahil kahit ako ayaw ko rin na mawala siya sakin.

Sumusobra na yung obsession ni Chubs. Nakakapanakit na siya ng mga tao. Lagi niya na lang 'tong ginagawa. Kapag hindi pa siya nadisplina ay baka kung anong malala pa ang gawin niya sa susunod.

Maya maya pa ay inanunsiyo na default na daw si chubs sa game. Meaning, Champion na ang tiga-Viridian University.

Lubos na nalungkot ang mga nasa athletes room lalo na si Sir Drex.

Tinawag na rin ako para sumalang sa Championship. Viridian ang kalaban ko.

Nahirapan ako nung una dahil lamang ng tatlo yung kalaban ko. Maliksi din siyang gumalaw at matalas ang tingin sa bola. Nahihirapan akong makapuntos.

"Go Jetjet! Go! Go! Go! Wooh!"

Mas lalo tuloy akong nabuhayan ng loob nang marinig ko na naman siyang magcheer. Iba talaga ang boses niya. Nakakadagdag ng energy.

Napantayan ko na rin ang liksi at talas ng kalaban. Mas nakakapuntos na ako sa mga tira ko.

Thank God. Lamang ako ng tatlo nang matapos ang laro.

"Yieeeee! Champion na si Jetjet! Bili mo naman akong ice cream mamaya? Hmmm?" pangungulit niya sa akin pagkaupo namin sa bleachers. Tumango naman kaagad ako at saka ngumiti sa kanya.

Pinunasan niya pa ko ng pawis. "Galing naman pala! Congrats Jetjet ko!"

"Syempre narinig ko boses mo eh! Kaya ayon ginanahan ako."

Kinilig pa siya sa sinabi ko. Tinawanan ko na lang.

Bigla naman siyang natulala at tila may tinitingnan ata sa malayo. Nagtaka ako kaya napatingin din ako.

Nagulat ako nang maaninag ang tinitingnan niya. Nakita ko si Shea sa di kalayuan na papunta sa room ng mga athletes.

"Ang lakas pa niyang magpakita dito pagkatapos ng mga ginawa niya." dinig ko pang komento ni Jade.

"Don't worry. Hinding hindi ka na niya uli masasaktan."

Pagkapasok namin sa room ay nakita ko kung paano pinagalitan ni Sir si Chubs. Nakayuko lang siya habang walang kibo.

Tapang talaga ng hiya.

"My gahd Shinea! Ang tagal tagal mong nag-training, tapos ano? Para patalo mo lang yung laro?"

Pumapaibabaw sa buong room ang boses ni sir. Nakamasid naman ang buong miyembro ng club sa kanila.

"Nag-aalala kami sa'yo! Lahat ng Sports Club members pinag-alala mo! Tapos ano? Makikita ka namin na nakikipag-inuman!"

Makikipag-inuman siya? Hindi niya ba naisip na may laban siya?

Makapal talaga mukha. Kinakausap siya ni Sir. Ni hindi man lang niya magawang sumagot!

"Shinea, passion mo 'to! Ano bang pumapasok sa kokote mo?"

Nakita ko naman na nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata niya na kanina niya pa pinipigilan. Inis siyang napapunas don habang nakatingin lang yung mata niya sa itaas.

"Pangarap mo 'to! Pangarap din 'to ng school para sa'yo! Kaya bakit mo sinasayang?!"

Nakitingin lang siya sa kisame bago magsalita. "I'm sorry sir."

"Sorry? Sasabihin mo yan kung kailan default ka na?"

"I know sir. I was wrong."

Napamasahe na lang sa sintido si Sir Drex. Kahit kailan nga naman, laging sakit na lang sa ulo si Chubs. Wala nang ginawang maganda.

"Malaki ang expectation ko sa'yo! Alam kong alam mo yan!" inis na napaupo si sir habang nakahawak pa rin sa sintido. "Ginawa mo kaming katawa-tawa sa harap ng maraming tao! Pinagmukha mo kaming tanga kakahanap sa'yo!"

Humugot si sir ng hininga para makapagsalita. "Humanap ka na ng ibang club dahil hindi na kita tatanggapin sa club ko."

Napa-walk out bigla si sir. Naiwan kaming gulat sa mga sinabi niya. Tiningnan ko naman si Chubs na patuloy na nakatingala para magpigil ng luha.

"Bes. Okay ka lang ba?"

Pinaupo niya si Chubs at saka binigyan ng maiiinom.

Biglang nagtama ang tingin naming dalawa. Animo'y huminto ang oras habang nakatitig siya sa akin ng seryoso.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka nagmadaling lumabas

"Jade. Pagsasabihan ko lang 'yon sa ginawa niya sa'yo" sinabayan niya naman kaagad ng tango.

Nagmamadali siyang lumakad. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. "Hoy sandali!"

Hindi niya ako pinapansin. Tumakbo na ako para mapantayan siya. "Ano bang problema mo ha? Dahil ba 'to sa video?"

Patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya magawang sumagot. Pipi ba siya?!

"Ano naman ginawa mo kay Jade?! Ha? Binantaan mo siya na aagawin mo ko sa kaniya! Sino ka para gawin yon ha?!"

Ayaw niya talagang sumagot. Naiinis na ko! Mas binilisan niya pa ang lakad niya pero nagawa ko pa rin siyang masabayan. "Ano?!! Hoy sumagot ka! Kinakausap kita!"

Huminto siya. Hindi tumitingin sakin.

"Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan. I have no reason to be heard in this fucking world." then she walked out.

I was left here standing.

__________________☆

-CYRONGRAY

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 198 21
KarJack One Shot Stories
127K 5.5K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းကတစ်ယောက်နှင့်တစ်ယောက်မတည့်တဲ့ကောင်လေးနှစ်ယောက်ကအလှလေးတစ်ယောက်ကိုအပြိုင်အဆိုင်လိုက်ကြရာက မိဘတွေရဲ့အတင်းအကြပ်စီစဉ်ပေးမှုကြောင့်တစ်ယောက်အပေါ...
7.3M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
13.6K 200 12
A Sister's Love A Short Story Author: Paulyne Therese De Mesa Co-author: Aprylle Pearl Bautista 10 Galileo Project In English 10, SY 2015-2016 Ms. S...