Tune of Hearts

By CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... More

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

20

78 37 0
By CYRONGRAY

Shinea's POV

Day 2 na ng interschool games. Ngayon pa lang yung start ng mga laro dahil puro cheer dance and other performances lang ang ginawa kahapon.

"Lauren! Huy!" Ito tulog. Nagbaliktad naman ata yung sitwasyon namin ngayon.

"Nyam. Nyam. Nyam. Nyam" nagsasalita pa habang tulog si gaga. 

Humanda naman siya sakin ngayon. Kahapon ako binubwisit niya!

Kinalampag ko nga yung pinto. Ayon nagising. Nagkakamot pa ng ulo.

"Bes naman eh! Kalampag ka ng kalampag akala ko tuloy nanalo na ko ng Ms. Universe."

Wow lang ha?! Ms. U daw!

"Tapos si Sir Clifford yung host."

Ano?! Napatawa na lang tuloy ako sa mga pinagsasasabi niya. Gaga talaga.

"Akala ko ba manonood ka ng games ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo na! Oo na! Sige na!" mukhang napilitan pa si gaga.

"Wag na! Sige matulog ka na. Nakakaistorbo ko eh."

Kinuha ko na yung chessboard ko sa lamesa.

"Pupunta ko bes! Ito naman nagtatampo pa." 

Talagang magtatampo ako. Kaisa-isang kaibigan mo ba naman, hindi manood sa game mo. Sino hindi magtatampo do'n?

"O siya maliligo na ko saka magbibihis ah!" saka ko naman tinanguan.

Pumasok na siya sa banyo para maligo.

"Bes! Bes! Bes! HUHU!"

Ang gaga talaga kahit kailan!

"Ano ba Lauren Gayle?!" sigaw ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng CR.

"May ipis bes! HUHU!" sabay turo sa ipis nandoon sa sulok. "Ayun! Ayun! Huhuy! WAAHHHH! Lumipad yung ipis sakin!"

Jusme! Ipis lang ba naman eh.

Kumuha ko ng walis tambo para pukpukin yung ipis.

"Hayst! Buti na lang." hinihingal pa si gaga.

"Bilisan mo na Lauren Gayle!" dinampot ko na yung ipis.

"Opu! Sigi na pu! Maliligu na pu aku!"

Initsa ko sa kanya yung ipis.

"WAAAAAHHHHHHH! HUHUHUU! Bes naman eh!"

Maya maya pa ay nakapunta na kami sa campus. Pagkapunta ko sa room namin ng mga Dewford athletes ay nakasalubong ko si Sir Drex. Nagpunta na daw yung mga athletes sa kani-kanilang mga assigned area. 

Ayon kay sir, SU daw ang unang makakalaban ko. 

Pagkapasok ko sa room ay pinagtinginan ako ng mga players galing ibang university. 

Ngumiti sa akin yung isa at saka lumapit. "Shinea, right?"

"Yeah." taga Viridian siya. 

"I'm Mikee Salvacion, nice to meet you!" kinamayan niya pa ko. 

Salvacion? Anak siya siguro ng coach ko sa Viridian University dati. Siguradong sinanay rin siya no'n kaya paniguradong magaling din siya.

"Nice to meet you too."

Naaninag ko naman sa isang upuan yung blonde na taga-Pewter University. She smirked. 

Nakakaasar ang mga kinikilos niya. 

Nainis naman si Lauren dahil hindi siya pinapasok sa loob. Players lang daw kasi allowed sa loob kaya ayon, doon tulay siya nanood sa bintana.

Maya maya pa ay tinipon na kami at inassign sa iba't ibang pwesto. 

Nasa pangatlong table kami ng taga-Snowbelle. Maganda siya, kulot at maputi ang balat.

Naaninag ko naman si di kalayuan yung blonde habang nakapwesto yung nagbabantay sa kanila.

"Magsisimula na po ba ta'yo?" Ginulat ako ng nasa harapan ko. Ang tinis ng boses niya parang bata. Ang sarap tuloy iuwi.

"Oo naman hehe."

"Hala. sige po."

Tumira na siya. Nagbukas siya ng pawn sa queen side. Ginaya ko lang din yung tira niya.

Nakailang tira na din kami. Halos pantay lang kami ng puntos ng nakain na piyesa.

"Check." sambit ko. 

"Hala!" natatawa tuloy ako sa reaksyon niya. Halatang kinakabahan siya.

Maya maya pa ay nahinuha ko na may binubuo siyang formation. A threat. Susubukan niyang ipain yung rook niya para ma-check mate niya ko pero na-predict ko kaagad 'yon.

Sa wakas ay nacalculate ko na yung plano na kanina ko pa binubuo sa utak ko.

Chineck ko siya gamit yung queen. Taliwas ito sa plano niya kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. Dahil walang rook sa last row. Madaling nakapunta doon yung queen ko.

"7 moves before checkmate."

Natataranta na siya. Ilang saglit pa ay nakita kong napangisi siya sa kinauupuan niya. Mukhang may naisip ng tactics.

Chineck niya ko gamit yung bishop. "2 moves before checkmate." ginaya niya pa ko.

Magaling din siyang magkalkula ng mga ititira. Kayang kaya niya kong ma-checkmate sa plano niya.

Kinain niya yung queen ko sa may gilid. "1 move before checkmate."

Napabilib niya ko sa galing niyang umatake. 

I smirked. Nagulat pa siya sa inakto ko. "Kinulang ka sa depensa."

"Checkmate." sambit ko habang itinapat  yung rook sa isa pang rook.

"Nice game!" saka ko siya kinamayan.

Tumayo na ako para mag-thumbs up kay Lauren. Natuwa naman si gaga.

Bigla akong nagulat nung biglang umiyak yung taga SU.

Hala!! Natalo lang tapos umiyak?! Biglang pumasok yung coach niya at saka siya inilabas muna.

Lumapit ako sa nagbabantay para sabihin na ako ang nanalo. Tutok talaga siya sa laro.

"Sino na nanalo sa inyo ng taga SU?"

"Ako po." pagkasabi ko no'n ay chineck niya na yung box sa tapat ng pangalan ko.

Maya maya pa ay nasilip ko ang laro ng Pewter. Biglang nakain yung rook niya nang kausapin ako nung nagbabantay.

Hindi ko na niyari yung laro nila dahil lumabas na ko.

"Gaga! Nagpaiyak ka pa!" sisi sa akin ni Lauren.

Tinawanan ko na lang.


Papunta na sana kami ng cafeteria nang mahigip ng mata ko si Jeth na naglalaro ng table tennis sa di kalayuan.

"Tara panoorin natin si kuya."

Bigla akong hinila ni Lauren.

"Huy!!" pagpupumiglas ko sa kanya pero masyadong mahigpit hawak ni gaga.

"Huwag ka nga! Kunwari ka pa, gusto mo rin namang panoorin eh."

Shemay na Lauren yan.

Pagkarating namin sa pinaglalaruan ay nakita kong pawis na pawis si Jeth habang tuloy ang paghabol sa bawat tira na binabato ng kalaban niya.

Taga-Snowbelle din ang kalaban niya at halatang bihasa din sa paglalaro.

Lumamang siya ng tatlong puntos pagkayari ng laban. Nagkamayan pa sila at saka lumakad paalis.

"Kuya!!! Yoohooooo!" tawag ni Lauren pero hindi lang siya pinansin dahil diretso ito sa bleachers kung saan nakapwesto si Jade.

May dala itong towel at tumbler. Ngumiti pa si Jeth sa kanya habang pinupunasan naman siya ni Jade.

Masaya na nga siya. Hindi ko na dapat isiksik pa yung sarili ko sa kanya.

Maya maya pa ay nakita ko kung paano halikan ni Jeth si Jade sa pisngi.

Biglang nakaramdam ng disgusto ang mata ko. Ayoko nang manood.

"Lauren. Tara samahan mo ko sa CR."

Nagmamadali akong maglakad habang patuloy lang sa pagsunod sa akin si Lauren.

"Aray kuuuu! Selos akuuuu!"

"Lubay lubayan mo ako Lauren Gayle! Baka kung ano pa magawa ko sa'yo!"

"Ukiii puuu hindi na puuuu ako sasagut hehe!" sabay peace sign.

Jethroy's POV

Pagpasok namin sa room ni Jade ay nakita ko si Lauren at Chubs. Mukhang pinapakalma ni Lauren si Chubs habang nakapo ito sa upuan.

Napano yan? Baka umaarte lang siguro.

Hindi ko na pinansin at saka umupo na lang kami ni Jade sa upuan.

"Jetjet! Ano gusto mong iluto ko sa'yo?" tanong ni Jade. Sobrang maasikaso talaga siya pagdating sa akin.

"Kahit ano my shadow girl. Okay lang sakin." sambit ko sabay halik sa pisngi niya.

Maya maya pa ay nakita ko si Marcus na nagmamadali habang may hawak na first aid kit.

"Are you okay?" Tanong ni Marcus kay Chubs habang nakahawak siya sa binti ni Chubs.

"Okay lang ako."

"No. Hindi ka okay. Papahiran ko lang naman to ng Betadine, okay na."

So nadapa? Ang tanga naman pala kung ganon.

"Ang jowable mo naman Marcus! Ang swerte naman ni Shea sa'yo!" sambit ni Lauren sabay tingin sakin.

Fuck! Ano ba problema nito?!

"Okay ka na. Do you want me to buy you some food?" tanong ni Marcus.

"Okay na siya sa spaghetti. Tapos pakisubuan mo na lang siya kasi hirap siyang kumain ngayon." napatango naman si Marcus.

"Lauren!" saway ni Chubs.

Napatingin pa sa akin uli si Lauren at saka ngumisi.

FUCCKKKK! Ano bang problema ng mga tao na 'to?

Paalis na si Marcus para pumunta sa cafeteria.

"Marcus. Ala bang kiss diyan si Shea? Kahit sa cheeks lang ok-" biglang tinakpan ni Chubs yung bibig niya.

"Marcus sige na okay la-"

Ginulat ang sistema ko nang biglang dumampi sa pisngi ni Chubs yung labi ni Marcus.

FUCKK! Bigla na lang akong napatayo sa inis. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Naguguluhan na ko.

"Jetjet! Wait!"

Hindi ko na siya tiningnan at saka diretso lang na pumunta sa tambayan.

Napahampas ako sa lamesa at saka naibato yung flower vase na nasa harapan ko. Mukhang lahat ata ng bagay na makita ko ay masisira dahil sa inis ko.

Wala na talaga ako sa katinuan.

Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.

"Fuck! Jetjet! Ano ba nangyayari sa'yo?!"

Napaupo ako sa sofa at saka inis na napasabunot sa sarili ko.

"May gusto ka ba kay Shinea?"

"HELL NOOOO!"

"Eh bakit nagkakaganyan ka ha?!" nakita kong nagbabadya na yung luha sa mga mata niya.

Damn! Umiiyak na siya! Bigla akong nanghina ng makita ang mga luha niya.

"Sinasaktan mo ko Jetjet. Sinasaktan mo ko."

Agad akong napalapit sa kanya at hinawakan siya sa magakabilang balikat.

"I'm sorry. Sorry for making you cry."

Inis niya akong tinalikuran. Hahakabang na sana siya paalis nang bigla ko siyang hilahin paharap sakin. Bigla akong napayakap. "Don't leave me. Please."

Tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Ayokong mawala siya sakin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap at saka inis akong tiningnan.

"Jeth, do you love me?"

"Hell yes! I loved you ever since the day you started making videos."

"Jeth. If you really love me, then kiss me."

I can sense the desperation in her.

Walang pagdadalawang-isip na hinawakan ko ang kanyang mukha at siniil ng halik ang kanyang matamis na labi. I pushed her into the walls as we deepen the kiss.

__________________☆

-CYRONGRAY





















































Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
300K 7.4K 107
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
127K 5.5K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းကတစ်ယောက်နှင့်တစ်ယောက်မတည့်တဲ့ကောင်လေးနှစ်ယောက်ကအလှလေးတစ်ယောက်ကိုအပြိုင်အဆိုင်လိုက်ကြရာက မိဘတွေရဲ့အတင်းအကြပ်စီစဉ်ပေးမှုကြောင့်တစ်ယောက်အပေါ...