YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGN...

By iamcranberry

27.3K 1.4K 18

DISCLAIMER: THIS STORY WAS PUBLISHED BY PRECIOUS HEARTS ROMANCE UNDER PHR GOTHIC IMPRINT. THIS IS UNEDITED VE... More

AUTHOR'S NOTE
YGNACIA ESCANDIDO (HIDDEN YGNACIA)
YGNACIA ESCONDIDO OFFICIAL VIDEO
PROLOGUE (SYLVIA & SAYA)
1.1 ANG HARI
1.2 SYMLA
2.1 ANG ITIM NA SANTA
2.2 ANG TRAYDOR
2.3 ANG PRINSIPE AT ANG SANTA
3.1 ANG BIHAG
3.2 MALANDING LOBO
3.3 SALAMAT PERO--
4.1 ANG PLANO
4.2 PARA SA'YO
4.3 ANG HARI AT ANG PRINSIPE
5.1 BIHAG
5.2 ANG BOND
5.3 ANG PAGSIBOL
READ THIS!
6.1 ISANG NGITI
6.2 PAGTATALO NG KALOOBAN
6.3 MAGHIHINTAY SA'YO
7.1 BABALIK SA'YO
7.2 DETERMINADONG LOBO
7.3 POSITIBONG LOBO
7.4 PANGAKO
8.1 MAGTIWALA KA
8.2 HENERAL VS. PRINSIPE
8.3 MAHAL KITA...
9.1 DAMDAMIN NG ISANG LOBO
9.2 TUNAY NA PAG-IBIG
9.3 PAGSUYO
9.4 SAYAH
10.1 ANG BABAYLAN
10.2 ANG BULONG
10.3 PAGKAKALAYO
11.1 MALUPIT NA HARI
11.2 ANG ALAALA
11.3 ANG KASALUKUYAN
11.4 ANG MAITIM NA KATOTOHANAN
11.5 PUSONG UMAASAM
12.1 TEVES
12.2 ANG TRAYDOR
12.3 MGA KAHIBANGAN
12.4 ANG PAGBABALIK NG ALAALA
13.1 ANG PAGBABALIK NG SANTA
13.2 MASASAKIT NA KATOTOHANAN
13.3 PATAWAD...
14.1 SYLVIA
14.2 SAYAH, SYLVIA, SYMLA
14.3 LOBONG NAGMAMAHAL
14.4 PAG-IBIG LABAN SA GALIT
15.2 BASTA KASAMA KITA
15.3 ANG YGNACIA ESCONDIDO
15.2 PAGKAKASUNDO
15.3 WAKAS NG WAGAS NA PAGMAMAHALAN

15.1 PAGTATAPAT

386 16 0
By iamcranberry

"Matatahimik na rin ang Pilipinas," ani Amado habang inaayos nito ang kabayo. Nagtagal pa sila ng isang araw sa talon bago sila maglakbay patungong Ygnacia Escondido. Sa loob ng buong araw ay nagusap lamang sila nito ng bagay-bagay at tungkol sa maaari nilang gawin sa loob noon.

Alam niyang pinagagaan nito ang kanyang kalooban at madalas siya nitong kausapin. Dama niyang bumabawi ito sa lahat kahit hindi na nito kailangan pang gawin iyon. Napagisip naman niyang wala itong kasalanan at tama naman ito sa sinabi nitong hindi siya dapat magalit sa buong mundo.

Alam niyang hindi pa niya napapatawad ang ama nito at hindi niya mamadaliin iyon. Mahaba pa ang panahon upang matanggap niya ang lahat. Gayunman, nangako siya sa sariling hahayaang tangayin ng panahon ang kanyang natitirang pighati sa dibdib at sakit. Alam niyang panahon lamang ang maaaring makagawa noon.

"Sa tingin mo, umalis na ang mga lobo dahil wala na silang mahanap na bampira dito?"

Napailing ito at napahinga ng malalim. "Sa tingin ko ay hindi iyon ganoon kabilis na mangyayari. Pero umaasa akong babalik din sila sa Barcelona kapag wala na silang nakitang bampira pa,"

Napatango siya rito at nakuntento sa sagot nito. Sumakay na sila nito sa kabayo at bago pa nila tuluyang nilisan ang lugar ay matagal pa nila iyong pinagmasdan. Nang magkatinginan sila ni Amado ay kapwa sila napangiti nito.

Magaan ang loob nilang nilisan ang lugar. Panay ang palo ni Amado sa kabayo para pabilisin ang takbo nito. Nakarating sila sa baba ng bundok ng walang aberya.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay. Tumigil lamang sila nito sa tuwing magpapainom ng kabayo o kailanganin niyang uminom ng dugo. Mahaba-haba ang kailangan nilang lakbayin dahil sa hilagang bahagi pa ng Pilipinas ang Barlig.

Nang makuntento sila ay nagpatuloy sila sa paglalakbay. Kapwa tahimik sila nito upang makarating sa Barlig bago magumaga. Ayon kay Amado, walang kaso kung abutin sila ng araw sa Benguet. Malamig sa lugar na iyon at hindi na masakit sa kanyang balat ang sikat ng araw.

Natutuwa siya dahil nakahanap ito ng lugar para sa kanila. Malamig ang lugar ng Barlig. Ikinuwento nito sa kanya na kaya halos isang buwan itong hindi nagpakita ay inayos nito ang lugar na iyon matapos itong makatakas. Napakalaki ng pagod nito sa lahat ng iyon. Tunaw na tunaw ang puso niya ng malaman ang lahat.

At sa kabila noon ay umaasa siyang makikita iyon ng mga bampira upang matanggap ito. Gayunman, kundi man ito matanggap ay siya mismo ang gagawa ng paraan para doon. Katuwang niya si Amado sa lahat at tulad nito' y hindi rin niya ito pababayaan.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa La Union. "Malapit na tayo sa malamig na lugar." Imporma ni Amado sa kanya.

Umikot ang puso niya sa labis na antisipasyon. Nasasabik na siyang makita ang Ygnacia Escandido sa espanyol o Tagong Apoy sa wikang Filipino. Tinawag daw nitong Ygnacia Escandido iyon dahil sa tuwing mapagmamasdan iyon sa malayo ay para raw iyong apoy sa tuktok ng bundok. Gayunman, ang tila apoy na iyon ay repleksyon lamang ng araw na tumatama sa harang upang maprotektahan ang kung anumang itinatago sa loob noon: ang mga bampira at malaking kastilyong binuo ni Amado.

At namangha siya kung paano nito ginawa iyon. Halos sumabog ang puso niya sa saya at labis na pagmamahal dito. Malaman lamang niyang kung gaano kalaki at kabigat ang pinagdaanan nito bago nito nabuo iyon ay sapat na sa kanya para ibigay at iaalay ang buong buhay niya rito.

"May mga sumusunod sa atin," anas ni Amado at agad siyang napalingon sa likuran.

Nanlaki ang kanyang mga mata! Napakaraming ilaw! Halos lahat yata ng lobo ay papasugod na sa kanila!

"A-anong gagawin natin?" tulirong tanong niya kay Amado. Natutuliro pa rin siya sa kabila ng lahat dahil alam niyang dehado sila kapag nahuli sila.

"Pakakasal ka sa akin?"

"Ha?" napatanga siya kay Amado! Ano't nasa panganib sila'y nakuha pa nitong magtanong ng ganoon! "Amado!" nabibiglang saad niya rito.

Napamaang na lamang siya ng ngumisi ito. "Magpapakasal tayo pagdating natin sa Ygnacia Escondido."

Gusto na niyang iuntog ang ulo! Hindi siya nito sinasagot ng matino! "Amado, hinahabol tayo!" halos isinghal na niya ang katotohanang iyon bagaman nakakadama siya ng kakaibang ligaya sa puso niya. Hinahabol nga sila ng mga lobo ngunit iyon ang nasa isip nito? Gusto niyang matawa na hindi niya maintindihan!

Continue Reading

You'll Also Like

52.8K 450 54
All of the story that I had included here are the stories that I have read and are best for me. Note that its all just based on my opinion...
407K 12.6K 47
A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY... MULA pa sa simula ng panahon, nag-e-exist na ang angkan ng mga Alpuerto. Throughout centuries they gained imme...
701K 3.4K 7
WATTYS 2018 OFFICIAL LONGLIST ❤😁 Mataba, Balyena, Masiba, Baboy at matakaw ang palaging naririnig ni AppleJoy na tukso sakanya ng mga tao sa paligid...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...