Anything For You, Beks [Heart...

By MissGoddessNella

1.8K 143 292

I didn't know if you'd care if I came back I have a lot of regrets about that - This Is Me Trying, Taylor Swi... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2: Reminisce
Chapter 3: Favor
Chapter 4: Comeback
Chapter 5: Chitchat
Chapter 6: Smells fishy
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: In Sickness
Chapter 9: Date
Chapter 10: Whatever it takes
Chapter 11: Cupcakes
Chapter 12: Sarawatever!
Chapter 13: Detected (Jyll)
Chapter 14: Detected (Chrysa)
Chapter 15: Chrysanthemum
Chapter 16: Unexpected
Chapter 17: Unexpected (2)
Chapter 18: Just the rain
Chapter 19: A sorry and a flower
Chapter 20: Caught in the act
Chapter 21: Ball (Makeover)
Chapter 22: Ball (Opening)
Chapter 23: Ball (Auction)
Chapter 24: Ball (Confirmation)
Chapter 25: Ball (Confession)
Chapter 26: Marmyx (Little Encounters)
Chapter 27: Marmyx (Bittersweet)
Chapter 28: Marmyx (Side Character)
Chapter 29: Marmyx (The admirer)
Chapter 30: Marmyx (Untold)
Chapter 31: Krimstix
Chapter 32: Moves
Chapter 33: Outreach
Chapter 34: Serenade
Chapter 35: Joyride
Chapter 36: The News
Chapter 37: Niah
Chapter 38: Reasons
Chapter 39: Stars
Chapter 40: Resolution
Chapter 41: Deserve
Chapter 42: He begs
Chapter 43: Jyll (Loved)
Chapter 44: Jyll (set you free)
Chapter 45: Maybe
Epilogue

Chapter 1: For Years

125 6 3
By MissGoddessNella

CHRYSANTHEMUM

Nagmamadali akong bumaba ng kotse pagka-park ng driver sa tapat ng isang coffee shop. Sinabi ko sa kaniya na balikan niya na lang ako kapag nag-text na ako sa kaniya. Inayos ko pa ang suot kong maroon off-shoulder dress bago pumasok sa loob. I'm actually not fond of wearing dresses pero late na kasi ako sa usapan at ito ang unang nahatak ko sa walk-in closet ko kaya 'di ko na pinalitan.

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa glass door ng cafe, hindi ko na kasi ito natingnan sa salamin dahil sa pagmamadali. Nalasahan ko pa ang lip balm na nilagay ko sa medyo manipis kong labi. Pinungay ko pa ang medyo singkit kong mata na parang nagpa-practice kung paano magpapa-cute sa mga kaibigan ko. Palihim akong napatawa sa kabaliwan ko kaya lumabas ang whisker dimples ko. Nang may papalabas nang babae ay umayos ako ng tayo na parang hindi ako gumawa ng kabaliwan sa harap ng salamin. Sana lang ay walang nakakita because that would be too embarrassing. Anyway, who cares?

Kinakabahan kong sinilip kung nasa loob na ba ang mga kaibigan ko. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang tatlong babae na nakaupo sa isang sulok malapit sa glass wall at halatang naiinis na.

Pinagmasdan ko sila at sinuring mabuti bago magpakita sa kanila. Una kong napansin si Auri na nakasandal sa couch at hawak ang phone niya. She's wearing a pink blouse and a black pants paired with a black sneaker. Nakalugay ang buhok niyang hanggang baba ng dibdib ang haba. Bilugan ang mukha nito maging ang mga mata nito. Halata rin na naglagay ito ng lip balm sa medyo pouty niyang labi. Hindi ganoong katangos ang ilong nito pero bumagay lang ito sa mukha niya. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa direksyon ko.

Si Jhya naman ay nakaupo sa tabi ni Aurielle, nakasuot ng plain cropped top na kulay puti at ripped maong jeans paired with a white heels. Kapansin pansin ang kulay ng lipstick niyang nasa shade ng malabnaw na parang pinaghalong red at violet. Nakasingkit ang bilugang mata nito at nakakunot ang manipis na kilay na bumagay lang din sa bilugang hugis ng mukha niya kung hindi lang dahil halatang naiinis ito sa akin. Tulad ni Auri ay hindi ganoong katangos ang ilong nito. Naka-busangot ang manipis nitong labi. Payat ito pero may pagka-chubby ang mukha niya dahil mukhang malaman ang pisngi niya. Nakalugay din ang hanggang dibdib na buhok niya at nakasuot ng puting headband.

Si Xe naman, nakasuot ng simpleng t-shirt na kulay black at pants, white rubber shoes. Half of her hair ay nakatali at ang kalahati ay nakalugay. Hanggang batok ang haba nito. Sa aming apat, ito ang pinaka-walang ayos dahil may pagka-boyish ito. May katabaan ito pero kung dalhin niya ay para lang siyang isang maton na lalaki. Medyo makapal ang labi nito maging ang kaniyang kilay. Matangos ang ilong at hindi bilugan ang mata. Nakatingin ito ng masama ngayon sa akin na anytime soon ay parang lalapain ako.

"Tatayo ka lang diyan?" Mataray na tanong ni Xe nang mapansing nakatingin lang ako sa kanila at hindi umuupo.

"What time is it? Magpapatawag ka ng ganito tapos one hour late ka?" Auri said, the ever time-strict, tita ng lahat. Inilapag niya ang cellphone niya sa mesa at nag-cross arms na parang nanay na dadakdakan ang anak niya.

"Parang 'di ka pa nasanay. On the way niyan eh, on the way sa cr. Nag-concert pa 'yan panigurado, she probably forgot to bring her towel on the bathroom," pagpapaalala ni Jhya ng mga kaekekan ko sa banyo. We were best friends for almost 8 years so yeah, alam na niya ang galawan ko.

"Dapat sinundo na lang kita. Pero kung sinundo naman kita ay pareho tayong male-late. Kapag pareho tayong na-late, maiinip si Xerox. Kapag nainip si Xerox aalis siya at kapag dumating si Jhya na wala tayo dito, maiinis 'yan. Kapag nangyari 'yon, friendship over. Kapag friendship over ha--" mahabang litanya ni Auri na pinutol ni Xerox dahil kung hindi ay hindi rin matatapos 'yan.

"Shut up, Auri. Ikaw ang over, kaya over na!" Walang kwentang sabi ni Xerox. Tss.

Si Auri ang pinakamatagal kong kaibigan sa kanila dahil partners in crime na kami mula pa kinder. Si Xe naman, for almost 5 years na din naming kaibigan. Kahit magkakaiba naman ang time range ng pagpasok namin sa friendship na 'to, we value one as much as we love the other.

"Super urgent ba ng meeting na 'to or galang gala ka lang talaga?" Barumbadong tanong ni Xe. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba! Ayaw niya pa no'n at masisilayan niya ang cute kong mukha?

"Sungit naman, parang 'di ako na-miss," sagot ko. Tiningnan nila ako na parang ewan, trying to guess kung bakit ako nakipagkita sa kanila. "It's been almost 3 months ata since last tayo nakumpleto. Isn't that a valid reason?"

"It's not!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Okay, fine! Pinagtutulungan talaga ako, e 'no?" Sinamaan ko sila ng tingin bago pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi agad nagsalita. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Alam ko na naman ang magiging reaksyon nila.

"Kapag hindi ka talaga nagsalita, uuwi na ako. May online class pa kami, kapag ako bumagsak, masasapak kita," pambabanta ni Xe.

"Gagawa pa kami ng research ni Venom. Malapit na ang deadline, baka hiwalayan na naman ako no'n!" Maarteng sabi ni Jhya. Natawa naman ako sa last statement niya, last time kasi nag-break sila no'ng jowa niya dahil sa research. Nakakaloka!

"Magde-date lang naman kayo, eh. Tsaka, kailangan ba sabay kayong gumawa? E, hindi naman kayo magkaklase no'n!" Suway sa kaniya ni Auri.

"Alam mo kaunti na lang iisipin kong bitter ka, e." Jusme, Jhya. No'ng elementary kasi kami ay crush ng dalawang 'yan si Venom. Well, buti nga at hindi nila pinag-awayan ang kumag na 'yon. Although bago kami maging mag-bestfriends eh backstab-an ang dalawang 'yan. You know, mga isip bata.

"Past is past! Sa'yo naman napunta e," Auri retorted. Asaran na lang naman nila 'yan. Minsan nga e, pinagtatawanan na lang namin 'yon. Single si Auri. Hindi ko alam, hindi ata jowable. Someone courted him no'ng grade 7 kami pero hindi sila nagkatuluyan. May iilan pa siyang nakalandian pero walang tumatagal.

"Ito, tinidor." Iniabot ni Xe sa kanila ang dalawang tinidor, tig-isa sila. "Magsaksakan kayo, pagsalitain niyo na nga 'yang si Chrysa nang matapos na tayo!" Iritadong sabi ni Xe. Tss, impatient. Natutuwa na nga ako sa sagutan ng dalawa dahil hindi na nila naaalala ang sasabihin ko, ginatungan naman.

"Ano ba 'yon, Chrysa?" Tanong ni Jhya. Naging seryoso na ang tono niya, siguro ay napansin niya nang may kakaiba sa akin. Palagi pa naman curious ang babaitang 'to, manahimik lang ako ng kaunti, marami na siyang itatanong. Minsan pa ay tumatama ang hula niya.

Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magkwento, "Jyll and I had a conversation on chat last night," panimula ko.

"Oh my god! Ano, babalik na ba?" Excited na sabi ni Jhya. Halos mapatayo pa ito sa upuan pero natigilan siya nang napalingon ang isang babae dahil napalakas ang boses niya.

"Kaloka! It's been 4 years, 'di ka pa din nakaka-move on? Umaasa ka pa din na may possibility pa 'yon ha?" Tanong ni Auri kay Jhya dahil sa reaksyon nito. Xe is still calm, mamaya kung anu-ano nang ipapayo niyan.

"Gurl, ano ba! Si Chrysa ngang jowa hindi pa nakaka-move on, ako pa kaya? JyllSa forevs!" Buset 'to si Jhya, pang-asar e. Itinaas pa ang kamao sa ere, balak atang bumalik sa nakaraan at sumama sa himagsikan.

"Correction, ex," pagtatama ni Auri na ikinasimangot ko. Bakit ba hindi ako masanay-sanay?

"Anong sabi?" Seryosong tanong ni Xe.

"Hmm, uuwi na siya next month. He will actually transfer sa school namin. He's asking if I can talk to the heads dahil president naman daw ako," pagkukuwento ko. "He's too casual, you know. He acted like nothing happened between us. He acted like we never became a 'thing' back then. Well, napag-usapan naming friends kami pero ewan, siguro nga ako na lang talaga ang 'di nakaka-move on," I tried not to sound dramatic. Ayoko namang mag-alala pa sila, I just want to tell it to them para fair.

"Ano ba naman 'yan, Bruh. Wait, 'di ba he promised you that he will wait for you? Baka kaya casual," Jhya said, pinaalala niya na naman 'yong kalokohang 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit pinaniwalaan ko pa ang bagay na 'yon, e alam ko naman from the very start na malabong mangyari 'yon.

"Tss," sagot ko na lang. I admit that I don't want to talk about his broken promises.

"Wag mo kaming tini-tss tss diyan! Nagkukuwento ka tapos maiinis ka? Malamang may follow up questions, valid facts ang kailangan," sabi ni Xe, ayan na po naiinis na siya.

"Wala na 'yong promise na 'yon! Grade 10 pa tayo no'ng sinabi niya 'yon!" Naiinis na sabi ko. Well, that was just last year pero ayoko na talagang maalala.

"There's this rumor na confused na siya sa gender niya, ah?" Sabi ni Auri. Mas lalo akong napasimangot.

"Matagal naman nang mukhang confused 'yon," sabi ni Jhya. Well, elementary pa lang ay mapapansin na ang malamyang kilos no'n pero hindi na pinansin dahil marami din naman siyang pinormahang babae.

"Baka rumor lang. Alam mo naman mga tao ngayon." Pagdating sa gender issues, maraming say si Xerox. Naiinis nga siya sa mga taong nagiging bi or anything dahil lang sa uso.

"Nakikita ko posts niya sa instagram, mukhang lalaki pa rin naman," dagdag pa ni Jhya.

"Pustahan tayo, 10 years from now nagladlad na 'yon." Tingnan mo 'tong si Auri, nakuha pang makipagpustahan.

"Baka 5 years!" Gatong pa ni Jhya. Nakakaasar naman 'tong mga 'to, halatang iniinis pa ako lalo.

"Can we not talk about it, please?" Sabi ko na lang at humigop sa latte na in-order ko. Naloloka ako sa mga pinagsasabi nila. Kaya minsan, I feel like dealing with these things alone.

After naming kumain sa coffee shop ay nagsiuwi na rin kami. May lakad pa kasi si Jhya kasama si Venom niya, gagawa daw sila ng research pero palagay namin ay may date sila dahil monthsary nila ngayon. Tapos si Xe at Auri naman ay may gagawin pa for their online class, same school kasi. Nagkaiba-iba kasi kami ng school ngayong senior high kaya madalas hindi rin magtugma ang mga scheds namin. Although, humahanap kami ng paraan para maging in touch pa rin sa isa't isa. Tulad ngayon, pinilit ko talagang magkita-kita kami since Saturday naman.

Nagpasundo na ako sa driver at mabilis din naman siyang nakarating. Diretso na kaming umuwi. Nagpalit na ako ng damit at binuksan ang laptop para tapusin ang mga assignments na kailangan kong ipasa.

Maya maya ay may nag-pop up na message sa messenger ko.

Jyll 🙄 sent you a message

I opened it. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing magme-message siya sa akin. Minsan ay may itatanong lang, minsan ay nang-aasar. Pero minsan lang talaga siya magchat. At sa minsan na 'yon, palaging kumakabog ang puso ko.

Hoy!

Ano?!

Wala lang.

Tss. Busy ako! Gumagawa ng assignment

Okay, bye.

Seen 7:35 pm

Kaloka, wala man lang pilit-pilit. Okay, bye lang? Wala man lang mamaya na, gusto kita kausap? Tss, asa!

Tinapos ko na ang assignment ko at nahiga na. Tinitigan ko ang kisame habang nag-iisip ng kung anu-ano.

If I never broke up with him, masaya pa rin kaya kami ngayon? Hindi kaya sila nag-migrate sa Italy at magkasama pa rin kami ngayon? Baka magkausap pa kami ngayon at nagpapalitan ng sweet messages or kaya nag-aasaran.

Hays.

It's been 4 years yet hindi pa din siya nawala sa dibdib ko. Gusto ko nang umusad, pero na-trap ata ako sa memories na kasama siya.

Continue Reading

You'll Also Like

66.3K 1.2K 52
"I'm scared of everything. I'm scared of what i saw, i'm scared of what i did, of who i am, and most of all i'm scared of walking out of this room an...
71.6K 3K 43
Demi Frances grew up together with Storm Dylan Hunt since they were kids. Being friends with this gifted and brainy guy who's into philosophy taught...
220K 6.4K 62
Castillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...