My Yaya is Beki

By Corexalee

29.2K 1.1K 276

Who needs a Yaya like me? Hi I'm Kevin at your service!❤️ Soo Ayuuun.. Salamat Kaffs sa paggawa ng aking Paba... More

Prologue
Beks 1:Baklang Toh!
Beks 2:Baklash Isa Laban sa Isa Pa!
Beks 3:Sabi ko na Barbie eh!
Beks 4:Bleeh Buti Nga!
Beks 5: Kevin The Explorer!
Beks 6:Jusko Po!
Beks 7: Jusko Dzaii!
Beks 8: Ginisang Kevin!
Beks 10: Abugh! Malande!
Beks 11: Ako Nanaman?!
Beks 12: Sis! MALAKI!
Beks 13: All Around Beki!
Beks 14: Coffee or Me?
Beks 15: Jaloussy!
Beks 16:Lagot ka Sizt!
Beks 17: Si Baklang Niko
Beks 18: Nigagawa Mo?

Beks 9: Kamoteng Ginto

745 52 4
By Corexalee

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

"What is your relationship between you and Harold Montero?" dagdag niyang tanong ulit.

"Ahh, ano kase, ano" baka sapukin ako nun kapag sinabi ko.

"Bakit ka nakasakay sa car niya kanina?" tanong nung isa pang babae

"Uhhmm ano, kasi," paano ko ba ito ipapaliwanag, sasabihin ko ba na pinapabantayan sa akin ni Madam yung Englisherong Hilaw na iyon? Jusko Lord! Bakit ba nila ako ginigisa dito, Diwata ng mga Beki! Ipalamon niyo na ako sa lupa please.

"Okay guys, that's enough, Mr. Estevan you may take now your seat," sabi naman sa akin ni professor, di ko natanong pangalan niya, tignan ko nalang mamaya sa schedule ko. Salamat po, maraming salamat.

Sumilip ako sa mga upuan dito at iisa nalang naman ang bakante, katabi ko yung lalaki kanina na nabara ko. Siya yung nagtanong kanina kung saan ako nakatira, tinignan ko siya saglit mukhang okay naman, kaso nabara ko ata kanina, pasensiya naman hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko ehh.

"Uyy, sorry kanina ah" bulong ko sa kaniya. Pero di niya ako pinapansin.

"Uyy, sorry na kasi, 'di ko rin kasi alam kung saan yung pinagtutuluyan ko ngayon eh" pag-aalanganing bulong ko sa kaniya. Totoo naman eh, di ko din alam kung saang lugar yung mansion nila madam.

"Uyy, sorry na," pag-uulit ko, pero di niya pa din ako pinapansin.

"Anong pangalan mo?" pabulong ko namang tanong sa kaniya. Pero hindi niya pa din ako pinapansin, ang suplado naman nito, nakikipag-ayos na nga eh.

"Bahala ka dyan," tanging sabi ko nalang sa kaniya.

"Cullen," dinig kong sabi niya. Hindi ko siya pinansin bahala siya dyan sa buhay niya.

"Nagtatanong ka tapos hindi mo din ako papansin,tsk," inayos niya ang kaniyang pagkaka-upo at tumingin na lamang sa harap kung saan kasalukuyang nagtuturo ang aming propesor.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang mga unang subject at oras na para sa break time. Tumayo agad si Cullen sabay lumabas. Tatanungin ko pa naman sana kung saan yung building ng susunod kong klase. Nawa'y hindi ako maligaw mamaya.

Isa-isa na ring nagsilabasan ang mga kaklase ko. Inayos ko na ang mga gamit ko. Isang notebook lang naman ang dala ko at isang ballpen, mamayang hapon na ako bibili ng mga gamit ko.

Isinilid ko na ito sa aking bag at lumabas na rin ako ng classroom, nagmasid-masid muna ako sa paligid kung saan papunta ang mga tao dahil sigurado akong doon ang punta nila sa canteen.

Sumilip ako sa baba at nakita kong maraming tao ang nakatambay sa mga bench na kung saan nasa ilalim ng mga nagtataasang puno. Bumaba na nga ako at hinanap ang canteen.

Puro mga matang mapanghusga ang nadatnan ko nang ako'y makababa.

"Sino 'yan, bagong estudyante?" rinig kong bulong nung lalaki sa kasama niya.

"Alam mo ba sis, nakasakay yan sa kotse ni Papi Harold kanina?" rinig kong bulong naman nung babae sa isa niyang kasama.

"Ha? Paano nangyari iyon? Never pang nagsabay ng kung sino man si Harold sa kotse niya,unless-."

"unless what?" tanong naman nung kausap niya.  Alam niyo nagbulungan pa kayo kung naririnig ko rin lang.

Dali-dali akong umalis doon at pinagpatuloy ko ang paghahanap sa canteen. Naalala ko tuloy yung sabi ni ate gurl kanina sa may Information Desk.

Kinuha ko yug schedule ko at sinilip ang mini map ng school. Malipas ang ilang minuto ay nahanap ko na ang canteen, jusko nahihilo ako dito sa campus na ito napakalawak at napakaraming building.

Nakita kong may pila kaya nakipila muna ako,makalipas ang ilang minuto nagulat ako nang may kumalabit sa akin.

"Tabiiiii!" napatakip ako ng tenga nang makarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko. Dahan-dahan, kong sinilip kung sino ito. Isang babae, may katangkaran, maganda naman, kaso maattitude tiiiih! Imbyerna niya ako. Imbes na makipagsagutan ako eh tumabi na lamang ako.

"Akala mo naman kung sino" bulong ko sa aking sarili. Tumigil siya sa paglalakad na siyang ikinagulat ko.

"What did you say?" rinig kong sabi niya sabay harap dito sa direksyon ko. Nakatingin siya sa akin na kulang nalang eh may usok na lumalabas sa ilong at tenga niya. Naglakad siya papalapit sa akin.

"What did you say?!" pagalit niyang sigaw. Sinilip ko kung may tao sa likod ko, wala naman.

"Ako ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Yes you, you dirty little peasant!" sigaw niya sa akin. Iniimbyerna mo ako sis!

"Bakit sino ka ba?" sabi ko naman sa kaniya. Narinig kong nag-umpisang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid.

"You don't know me? Bago ka lang siguro dito? So if you didn't know me let me introduce myself" sabi niya sabay hawi ng buhok niya.

"I'm Cassie-."

"Mondragon? Oh bakit andito ka sa school? Akala ko ba hindi ka pinapasok? Cassie uwi! Walang papasok ng school!" pag-udlot ko sa sinabi niya. Nagtawanan naman ang mga taong nakiki-usyuso sa amin.

"No! I'm not a Mondragon! Okay, let me finish first!" sabi niya sabay hawi ulit ng buhok niya.

"I'm Cassie Salvacion Dominguez, in short Cassie, and I'm the Queen here in the campus! So you better not mess with me or else!" galit niyang sabi sa akin.

"Well, Cassie wala akong pake kung sino ka! O kung ano man ang estado ng buhay mo rito! Parehas lang tayong estudyante dito, else,else ka diyan" pang-iinis ko namang sabi sa kaniya.

"Aba sino ka ba?" sabay irap ng kaniyang mata.

"Bakit sino ka din ba? Close tayo? Bakit ko kailangang magpakilala sayo? Pakihanap pake ko please," sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko siya.

"Hoy! Wag mo akong tatalikuran kinaka-usap pa kita!" sabi niya sa akin. Bigla muli akong humarap sa kaniya.

"You do note! That the Cassie is a peyk, hahanapin ko muna pake ko okay? Pero pag naging dragon ka na, lumapit ka sa akin, So bye!" sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko siyang muli.

"This little bitch!" muli akong humarap sa kaniya. Nagulat ako nang tatangkain niya akong sampalin.

"At kailan ka pa naging Queen?" sabi naman nitong isang babae sabay hawak sa pulsuhan ng babaeng mukhang pekeng dragon na ito.

"The Queen is back! The Queen is back!" rinig ko namang bulong-bulungan ng mga tao dito sa paligid at isa-isang nagsi-alisan, bumalik na sila sa kanilang mga dating pwesto na parang walang nangyari.

"Sorry po Queen" maamong sabi naman nitong dragon na ito. Kanina akala mo sobrang yabang, ngayon naman akala mo kung sinong maamong tupa. Nagulat ako nang sinampal niya yung dragon gamit yung kamay na hawak niya.

"Nakakahiya ka, sinasamapal mo sarili mo, pathetic bitch" sabi niya sabay talikod, nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin. Kailangan ko na ba tumakbo?

Dahan-dahan akong umalis doon, kasi nakakatakot yung babae, literal na nakakatakot, kasi yung dragon nga natakot eh ako pa kaya, eh isa lamang akong magandang bading sa balat ng earth.

"Wait!" rinig kong pagpapatigil niya sa akin. Naririnig ko ang yabag ng kaiyang mga paang papalapit sa aking kinatatayuan. Huminto naman ako sa pagtakbo ko at hinarap siya.

"Hello,I'm Faye!" gulat kong sabi niya sa akin at iniabot ang kaniyang kamay, grabe akala mo walang nangyaring gulo. 

"H-hi, I'm Kevin" tanging sambit ko na lamang at nakipag-kamay sa kaniya. Grabe ang ganda niya at ang lambot ng kamay.

"Are you new here?" tanong niya sa akin.

"Ah, eh, oo," tanging sambit ko dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

"Don't get intimidated by me, can we be friends? You're so pretty!" sabi niya sa akin.

"S-sige" nauutal na sabi ko naman sa kaniya. Nakakagulat naman itong babaeng ito. Kanina nakikipag-away lang, tapos ngayon gusto akong kaibiganin.

"Sige, see you later or maybe next time we meet!" sabi niya sa akin.

"Sige," tanging sambit ko na lamang sa kaniya bago siya umalis. Umalis na rin ako roon sa canteen, nawalan ako ng gana kumain. Sa susunod tatambay nalang ako sa mga bench dito sa labas, mahangin naman eh.

Nagbell na nga at nagsipuntahan na sila sa kanilang mga subjects. Pumunta na rin ako sa susunod kong subject. Nagulat ako nang makita ko yung Englisherong Hilaw na pumasok doon. Magkaparehas kami ng subject ngayon?.

Pumasok na rin ako at nakita kong umupo siya na umupo sa may bandang likuran. Umupo na rin ako dito malapit sa harapan. Nag-umpisa ng magturo yung propesor, mabuti naman at walang nagtatanong tungkol sa nangyari kanina.

"Hi" sambit naman nitng katabi ko sabay kaway.

"Hello" sabi ko naman sa kaniya. Tinignan ko siya. Hmmm, amoy na amoy ng aking ilong, isang bading!

"Hay naku! Oo alam ko na nasa isip mo, I'm gay, Cyan is the name," sabi niya naman sa akin.

"And I presume that your name is Kevin right?" dagdag niya namang sabi.

"Ah, oo, paano mo nalaman pangalan ko?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Hay, naku gurl, nagspreading galore yung name mo kanina matapos nung gulo doon sa canteen kanina, mabuti naman sa Cassie na iyon," sabi niya naman sa akin na siyang ipinagtaka ko.

"Nandoon ka kanina?" tanong ko naman sa kaniya.

"Wala, alam mo naman, may tenga ang lupa may pakpak ang balita," sabi niya at sabay kaming tumawa.

Magsasalita pa sana siya pero nagulat ako nung may kumalampag sa harap, tumingin naman kaming dalawa doon sa harap at nagulat ako nang makita kong nakatingin sa aming dalawa yung propesor, yumuko na lamang kaming dalawa at sabay na humagikgik.

Naramdaman ko namang may nakatingin sa kain mula sa likod, ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nakinig na lamang sa tinuturo nung prof namin sa harap, general subject pala ito.

Makalipas ang ilang oras ay tumunog na ang bell, nakita ko naman ang orasan sa harap na mag aalas-dose na pala ng tanghali. Nagsilabasan na rin ang ilan naming mga kaklase. 

Isinukbit ko na ang aking bag at tumingin sa likod, wala na roon yung Englisherong Hilaw na iyon. Buti naman. Napatingin naman ako kay Cyan na para bang inaantay ako.

"Gurl, saan ka maglalunch?" tanong sa akin ni Cyan.

"Di ko nga rin alam eh, baka doon nalang din sa canteen" sabi ko naman sa kaniya.

"May kasama ka na ba?" dagdag niya namang tanong.

"Wala naman, ikaw ba?" tanong ko naman sa kaniya

"Wala rin, sabay na tayo?" nag-aalinlangan niya namang tanong sa akin.

"Sige, sige," sabi ko naman. Sabay nga akming pumunta sa canteen, as usual marami pa ring mga matang nakamasid sa akin. Hinayaan ko na lamang sila. 

Pinansin ko rin ang kanilang mga suot kasi naka uniform sila, nakita ko rin na by department ito. Kaya siguro kanina pa ako pinagtitinginan.

Nag-order ng pagkarami-rami si Cyan at sabi niya para na raw sa amin iyong dalawa.

"Nope, my treat," sabi niya sa akin nang makita niyang mag-aabot na sana ako ng pera.

Naghanap na nga kaming dalawa ng table. May nakita naman ako doon sa may bandang dulo. Naupo naman na ako doon pero ang pinagtataka ko kung bakit hindi pa din siya umuupo.

"Umalis ka dyan! Hanap nalang tayo ibang lamesa" sabi niya naman sa akin na siyang ipinagtataka ko.

"Bakit?" takang tanong ko naman.

"Basta! Malilintikan tayo kapag may nagsabi na dito tayo umupo," sabi niya ulit.

"Bakit nga?" takang tanong ko sa kaniya. 

"Nandiyan na siya, alis na tayo," sabi niya ulit at pilit pa din akong hinihila paalis doon sa lamesahang iyon.

"Sino? Sinong parating?" takang tanong ko pa din sa kaniya. 

"Si Queen! Kaya alis na malilintikan tayo netong dalawa," pilit niya pa ring paghila sa akin.

"Mind if I sit here?" nagulat ako nang biglang nasa harap na namin si Faye.

"Ay sige lang po Queen paalis na din po kami, hehe," sabi naman nitong si Cyan na halatang kinakabahan.

"Oh why? bakit aalis na kayo?" sabi naman nitong si Faye.

"Sige lang Faye, umupo ka na, Cyan ano ba kasing kinatatakot mo?" sabi ko naman sa kaniya.

"Tinawag mo siyang Faye?!" gulat niyang tanong. "Ano kasi uhmm, Queen sorry talaga," sabi niya naman kay Faye ng hindi tumitingin sa mata.

"Tumayo ka na jan bading!" natataranta niya namang sabi sa akin.

"Pati ba naman kayo aalis?" tampo namang sabi ni Faye.

"Bakit ba kasi aalis Cyan, okay na nga rito eh, at saka tignan mo, wala na ring mga bakanteng lamesa," tiningnan ko nga kung may mga lamesa pang available pero wala na talaga, pero ang ipinagtataka ko kung bakit dito sa pwesto namin nakatingin ang mga tao. Umupo na rin siya pero hindi pa din siya kumportable.

"Bakit ba hindi mapakali yang pwet mo?" takang tanong ko sa kaniya.

"Kasi ano," sabi niya naman sa akin.

"Kevin alam mo, 'di ko alam dito sa friend mo, bakit parang ayaw niya ako kasama, huhu" sabi niya naman sa akin sabay yakap.

"Ayy, Queen, hindi naman sa ganoon kase ano kase," sabi niya pa ding kinakabahan.

"Nako, wag ka na kasing mahiya, ako lang ito, basta friend ni Kevs, friend ko na rin" paliwanag niya namang sabi ka Cyan

"Also call me Faye nalang, friends naman na tayo diba?" sabi naman nitong si Faye.

"Kailan pa kayo nagkakilala bading?" nagtatakang tanong naman sa akin ni Cyan na hindi pa rin mapakali sa kaniyang kina-uupuan.

"Ha? Kanina lang, bakit? Siya yung nagpaalis doon sa babaeng pekeng dragon kanina," sabi ko naman sa kaniya.

"You mean si Cassie?" dagdag pa niya. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"By the way, nice to meet you Queen este Faye" sabi naman ni Cyan sabay nakipagkamayan kay Faye. Ewan ko ba dito kay Cyan parang namamangha pa din na naka-usap niya itong si Faye. 

Tumingin naman ako sa paligid at nagtataka pa din ako kung bakit nakatingin pa din yung mga tao dito sa pwesto namin. Biglang tumayo si Faye.

"Anong mga tinitingin-tingin ninyo!?" sigaw naman nitong si Faye, nagulat naman ako at nagsibalikan na sila sa kanilang mga ginagawa.

"So, where are we again?" tanong naman nitong si Faye na akala mo walang nangyari. Nagtawanan kaming tatlo dahil sa nangyari kanina. Nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay habang kumakain, nagulat ako ng biglang may tatlong lalaking lumapit sa pwesto namin.

"Magandang Tanghali Queen" sabi naman nitong isang lalaki. Tumango naman si Faye.

"Pwede ba naming mahiram si Kevin saglit? Hinahanap siya ni Harold" dagdag niya ulit. Ha? Ako? Bakit? Tiningnan ko naman itong si Cyan pero nakatitig lang siya dito sa isa sa mga lalaking nasa harapan namin.

"Siya ang tanungin niyo," sabi naman sa kanila ni Faye sabay tingin sa akin.

"Bakit daw?" takang tanong ko naman.

"Basta sumama ka nalang," sabi naman nitong isang lalaki, suplado!

"Bakit nga raw?" tanong naman nitong si Faye.

"Hindi rin po namin alam Queen, basta pinapatawag lang po siya ni Harold," paliwanag niya ulit.

"Sandali lang kumakain pa ako," sabi ko naman sa kanila.

"Tara na," sabi naman nung isa. Nagtinginan yung dalawa niyang kasama sabay lapit sa akin. Hinawakan nila ako sa braso at pinipilit ako paalisin sa kina-uupuan ko.

"Sandali lang kasi, kumakain pa ako!" sabi ko naman sa kanila. "Uyy Faye, Cyan, baka naman tulong?" pagtawag ko sa kanilang dalawa. 

"Can you please don't touch my friend? You're hurting him," sabi naman ni Faye sabay tapik sa kamay netong dalawang lalaki, si Cyan naman nakatitig lang dito sa lalaking nakahawak sa pulsuhan ko, tinanggal naman nila ang pagkakahawak niya sa akin.

"'Pag hindi ka raw pumunta agad lagot ka sa kaniya," pagbabanta naman nung isa pa niyang kasama na siyang nakahawak sa aking pulsuhan kanina.

"Eto na, eto na, papunta na nga eh," sabi ko naman sa kaniya at isinukbit ang aking bag.

"Mangmanganak pay ket!" ("Kumakain pa ako eh!") sabi ko sa aking isipan.

~

Ingat kayo everyone! Mwaps.

-Corexalee-

Continue Reading

You'll Also Like

171K 5.6K 200
❝ 𝒲𝑒𝓁𝒸𝑜𝓂𝑒 𝓉𝑜 ❞ ♯𝐒𝐭𝐫𝐚𝐲𝐤𝐢𝐝𝐬 𝐢𝐧𝐜𝐨𝐫𝐫𝐞𝐜𝐭 𝐪𝐮𝐨𝐭𝐞𝐬ꜟꜝ ⌇ 〟ϯσԹίɕ σηε ᷈𖡺🍓 T...
2.6K 124 22
Mahirap lang buhay ni yuwan highschool lang ang natapos niya dahil sa maaga nawala ang magulang niya tumira siya sa kanya tita ubod ng sama pati dala...
11.2K 378 4
Discontinued sorry It has been awhile since I checked this email. I was surprised people still wanted updates for a story a wrote when I was 16. I am...
2.4M 59K 46
EDITING [I marched up to him, "Where the hell were you? I thought something happened to you. Did you not care enough to..." My rambling was cut short...