The Art of Falling

By jowanderstruck

840 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
Part 1- 1: UCaf
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
13: Birthday Eve
14: Miss You
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
20: Different
21: Trouble in Paradise
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

5: School Fair

19 1 0
By jowanderstruck

5: School Fair

Foundation Day ng Carlyle. Wala kaming mga pasok sa mga subjects namin dahil may school fair. Nag-ikot ikot kami nila Steph sa mga booths ng mga orgs sa school. Mamayang hapon kami nakatokang magbantay ng booth ng org namin. Medyo excited ako kasi hapon din magbabantay ng booth si Xander.

Iniisip ko pa lang si Xander kinikilig na ako. Paano pa kaya kapag nakasama ko siya ng overnight sa beach! Iyon kasi ang initial plan ng org namin para sa retreat next month.

Crush ko lang naman siya. Inspirasyon ganun. Baka sumugod dito yung mama at papa ko kapag nalaman nilang kung anu-ano inaatupag ko. Hanggang kilig kilig muna ako. Isa pa, parang anghel sa langit si Xander. As if naman may pag-asa ako sa kanya.

Una naming napuntahan yung sa booth ng Fine Arts. Sakto nandun si Carly at siya yung nagpe-face paint sa mga bata. Nagpalagay na rin kami. Yung sa akin parang pakpak ng butterfly malapit sa right eye ko. Nakakatuwa nga e. Napa-picture naman kami dun sa photobooth ng department nila Issa at Derek.

Nadaan kami sa mga booth ng Accountancy and Commerce, yung college nila Caeus pero sina Ate Faith at Kuya Cayden lang ang nakita namin. Nagbebenta sila ng mga baked goods.

Paalis na kami nang dumating si Amber at Caeus na magkaakbay. May binulong si Caeus tapos nagtawanan sila. In fairness, bagay sila. Parang dyosa itong best friend niya pero kung sinu-sino ang nilalandi niya. Ito namang si girl hinahayaan lang ang pagiging babaero ng mokong.

Hay pake ko ba sa buhay nila! Kailan pa ako naging pakialamera sa buhay ng may buhay?

Nang makita ako ni Caeus, bigla niyang tinanggal yung akbay niya kay Amber. Dumiretso si girl dun sa loob ng booth. Hindi ata kami nakita. Si Caeus naman nilapitan kami para mag-hello.

"How you doin', Baguio Girl?"

Matagal tagal din kaming hindi nag-usap. Nag-pass muna ako sa mga tutoring sessions namin pagkatapos nung nangyari sa birthday ni Carly. Hindi ko rin siya masyado pinapansin sa klase. Nagpasalamat lang ako sa pagtatanggol niya sa akin tapos hi-hello lang kami sa Chem.

Ewan ko ba pero ang lakas kasi ng pakiramdam ko na napagtripan ako ng mga punyetang yun dahil kay Caeus. Sabi nila napag-utusan sila. Sino namang mag-uutos ng ganun 'di ba? Malay ko ba kung may fangirl si Caeus na miyembro ng Caeunatics dun sa party. Baka nakita niya kaming nag-uusap at nagkakatuwaan kaya nainis o nagselos. Ay ewan!

Assumera na kung assumera pero yun talaga kutob ko at ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman sinisisi si Caeus na muntik akong malunod dahil sa kanya. Wala naman siyang kasalanan. Nakakalungkot lang na napasama pa yung pagiging malapit namin. Sana mali ako pero unless malaman ko kung sino ang nag-utos na itapon ako sa pool, mas mabuti na yung nag-iingat. Kung pwedeng umiwas, iiwas na lang ako.

"Okay lang. Ikaw?"

"I'm good. You wannna grab something to eat?"

"Ah, e kasi. Marami pa kaming booth na hindi napupuntahan. Maglilibot pa kami."

"Oh okay. I wanna treat you pa naman. Sayang."

Mokong na 'to! Minsan na lang mag-Tagalog, nang-aasar pa. Akala ko pa naman mabait siya ngayon.

"Anyway, Saturday?"

Amber butted in before I could respond. "What's Saturday? Hi, Jess. How are you feeling?"

"Hi, Ate. Okay lang."

"So what's Saturday?" Amber asked eyeing Caeus then me.

"The day after Friday and before Sunday. Saturday." pilosopong sagot ni Caeus habang mabilis na inakbayan si Amber at pinalakad siya pabalik sa loob ng booth nila.

Natawa na lang ako sa ginawa niya. He looked back at me and winked. Ay feeling gwapo talaga!

Pagkatapos mag-lunch, dumiretso na ako sa booth namin. Nag-CR pa kasi sila Steph. Ang saya saya ko kasi saktong nandun si Xander sa booth. May hawak siyang libro habang nagbabantay.

"Hi Xander." bati ko sa kanya habang nakangiti. "Pwede ako maglaro?" sabi ko.

Hindi naman siya sumagot. Sungit mode na naman siya ngayon. Napaka-moody niya talaga.

Shooting game yung set-up ng booth namin. Pinasa niya sa akin yung water gun tapos kailangan patumbahin ko yung sampung lata in thirty seconds. May prize na stuffed toy kapag nagawa yung task.

Ano ba yan! Pabida kasi ako e! Napasubo tuloy.

"Ready, shoot!" signal ni Xander pagkapindot ng timer.

Nagpanic ako bigla. Kung saan saan tumama yung tubig. Ang hirap naman pala nito! Nakakaloka wala man lang ni isang lata yung natumba. Anyare sa eye-hand coordination ko? Nawala na lang?

I pouted when Xander took back the water gun to refill it. I really wanted that small panda bear.

"Move." sabi niya habang nag-eemote pa ako. Tapos isa-isa niyang pinatumba yung mga lata. Tinignan ko yung timer. Wala pang fifteen seconds natapos na niya yung game. Tinago niya yung water gun tapos kumuha ng isang panda. "Here."

"Para sa akin?" Nagliwanag yung mukha ko. "'Di nga?"

"Do you want it or not?"

"Siyempre want!" Kinuha ko nang mabilis yung panda mula sa kanya. "Galing sa'yo e. Thank you! CR lang ako!"

Para akong batang nagtatatalon papunta sa may CR. Shet! Binigyan ako ni Xander ng stuffed toy. Kilig much? Ano kayang ipapangalan ko dito? Aha! Alam ko na!

Xander was a man of few words but he managed to make my heart flutter. He may act quiet who doesn't care but he does. I know he cares for me somehow too. Seeing how upset I was that I lost, he played the game for me. I knew that because the next hour I watched him let a lot of girls lose and leave empty-handed. He only gave prizes to the kids.

Baka may chance!

Oo, Jess. Libre mangarap!

Bakit ba? A girl can dream!

Yeah, right. Dream on.

Aray naman! Bakit kasi ang taas ni Xander? Hindi ko ma-reach!

*****

Pagkatapos namin iligpit yung mga gamit sa booth, dumiretso kami sa may campus park. May closing program kasi tapos may mga school bands na tutugtog. Sa medyo harap kami pumwesto. Maliit kasi kami ni Steph kaya hinila namin si Hailey sa harap.

Nagulat ako nang umakyat si Xander sa stage tapos tumayo sa harap nung keyboard. Si Amber naman tumabi sa kanya may hawak na violin. Si Derek dumating may dalang sax. Nandun din sina Cayden at Faith na may dalang electric guitars. Tapos si Carly magda-drums ata. Si Caeus may hawak na mic.

Banda sila?

"Jess!" tawag sa akin ni Issa habang papunta siya sa pwesto namin.

"Uy! Banda sila?"

"Occasionally." sagot niya habang hinahanda yung phone niya na videohan si Kuya Derek.

"Kumakanta si Caeus?" Alam ko naman na kasi na pianist si Xander.

"Yup and he's surprisingly good."

Kaya siguro sila sikat kasi 'di lang sila good-looking, mayaman at athletic, talented pa. Nasa kanila na talaga ang lahat.

Tinignan ko si Amber. She looked pretty in a short red dress. The way she held her instrument told me she was quite confident of her skills. Si Carly naman mukhang super excited mag-drums.

Nabaling na yung atensyon ko kay Caeus nung nagsalita siya. "Good evening everyone, we are The Carlyle's Finest. Let's have some fun!" sigaw niya.

People tell me to be cautious

People tell me not to lose myself control

People tell me to be flawless

People tell me not to let myself evolve

Sa akin ba siya nakatingin?

And I think I don't really get it

I think it's all just a peculiar game

And soon, I'll wake up and I'll forget it

And everyone will know me by a different name

Tinignan ko mga kaibigan ko pero busy sila nakikikanta. Ako ba tinitignan niya?

I wanted to be stronger

I wanted to be everything for you

If I could be stronger, would you believe

That I could love you like you want me to

Love you like you want me to

Love you like you want me to

Hala! Sa akin talaga siya nakatingin!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...