The Art of Falling

By jowanderstruck

840 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
5: School Fair
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
13: Birthday Eve
14: Miss You
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
20: Different
21: Trouble in Paradise
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

Part 1- 1: UCaf

149 2 0
By jowanderstruck

1: UCaf

Hindi ko alam kung nakailang 'Opo' na ako sa nakalipas na isang oras. Si mama at papa naman kasi nagsasalitan sa pagbibilin sa akin. Buti pa yung katabi ko ang saya-sayang naka-headphones habang naglalaro ng games sa cellphone. Malapit na kami sa pupuntahan namin kaya sunud-sunod na ang mga bilin ng mga magulang ko. Kahit na ilang beses na nilang naihabilin sa akin ang mga iyon simula pa lang nung naka-enrol na ako. Bilang respeto, nakikinig ako ng mabuti at nagpa-promise na sundin lahat ng mga paalala nila sa akin.

Sa isang araw na magsisimula ang college life ko sa Manila. Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa dorm kung saan ako titira kasama yung pinsan ko. Alam kong nag-aalala sina mama kasi nga, hello? Manila ito e. Lalo na si papa. Siyempre pulis siya sa amin kaya alam niya kung gaano delikado. Sabi ko naman kasi sa kanila okay na ako mag-enrol sa university sa Baguio. Lahat din kasi ng mga kabarkada ko sa Herald University mag-aaral. Ako lang naiba. Nakakatawa nga kasi yung iba, umaakyat ng Baguio para mag-college tapos akong taga-Baguio bababa pa.

Makakamura pa sana kami kasi nag-offer ang HU ng full scholarship sa akin. Libre pa tirahan at pagkain ko sa sarili naming bahay. E kaso itong dalawa nagpumilit na mag-college ako kung saan sila nag-college at nagka-inlaban. My parents were sentimental like that. Parehong tagababa sina mama pero nadestino si papa sa Benguet kaya doon na sila nag-settle. Dun na rin kami ipinanganak at lumaki.

Naalala ko nung sinamahan nila ako mag-enrol, nagpa-picture pa talaga sila dun sa eksaktong lugar kung saan sila unang nagkakilala. Nakakahiya nga e. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Talo pa nila PBB teens sa ka-sweetan nila habang nagbabalik tanaw sa mga alaala nilang dalawa nung kabataan nila.

Ang sabi ko hindi na nila ako kailangang ihatid at magko-commute na lang ako. Nakita na nila yung dorm na titirahan ko. May grocery na nga rin ako doon. Okay na ang lahat. Pero makulit sila pareho. Kaya ito mag-aanim na oras na kaming nagba-byahe. Dapat kanina pa kami nakarating e kaso si mama pa-stop over nang pa-stop over. May bladder issues kasi siya.

"Jess!" sigaw ni Ate Issa pagkababa ko ng sasakyan.

Actually, excited naman akong mag-aral dito kasi kasama ko si Ate Issa. Super close kami kasi lagi siyang sa amin nagbabakasyon simula elementary. OFWs ang parents niya at laki siya sa yaya. Isang taon lang ang pagitan namin. May malaking bahay sila sa Laguna pero ayaw niya mag-commute araw-araw kaya naka-dorm siya.

Malapit lang nung dorm sa campus kaya medyo mahal ang upa. Buti na lang at makakatipid ako sa pamasahe dahil lalakarin ko na lang papasok at pauwi. Isang sakay sa jeep kung tatamarin ako maglakad. Pero malabo naman yun at sanay akong maglakad. Sa Baguio ng araw-araw kong inaakyat yung Session Road papaunta sa school.

"Hi, Ate Issa!" bati ng kapatid kong si JJ. Buti pa kay Ate Issa magalang itong 10-year old brother ko. Sa akin kasi balahura kung sumagot. Lagi tuloy napapagalitan ni mama kasi ayaw akong tawagin na ate.

"Hi, JJ! Mano po tita, tito."

Kumain kami ng lunch sa isang mall. Nag-ikot ikot kami ng kaunti bago nagpaalamanan. Medyo nagkadramahan pa kami. Pati si papa parang naiiyak pero pinipigilan niya.

Kinakabahan ako kasi ang laki laki ng Carlyle University. Buti na lang merong app kaya kung mawala man ako pwede akong mag-check ng directions. Ang cool nga e. May sarili kaming app. Lahat ng pwedeng malaman tungkol sa school nandun na. Nasubukan ko nang gamitin. Nakita ko na dun yung profile ko. Nakaka-excite na nakakakaba.

Carlyle University is an elite school. They've been trying to change that image for the past years through offering scholarships. Kahit sila mama at papa scholars din dati. Pero hindi pa rin maipagkakaila na halos lahat ng mga nag-aaral dito anak mayaman.

Hindi kami mahirap. Sakto lang. Si papa malaki sana ang sahod kaso ang daming kaltas kaya kasya lang yung nauuwi niya. Kaka-promote lang ni mama sa trabaho niya kaya medyo nakaluwag luwag kami. Kahit papaano nairaos yung pag-e-enrol ko.

Wala naman akong reklamo. Sobrang bait ng mga magulang ko. Lahat ng kailangan namin ibinibigay nila. Kaya hinayaan ko silang pumili ng university para sa akin. Alam kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin.

Nabawasan naman kahit papaano yung tuition fee ko dahil may half scholarship ako sa pagiging valedictorian nung high school. I suggested na mag-working student ako para makatulong ako kahit pang-allowance lang. Pero ayaw ni papa. Yung pag-aaral ko na lang daw intindihin ko. Yung pagiging dean's lister na lang talaga ang goal ko para may discount sa tuition. Napasaya at natulungan ko pa mga magulang ko.

Gumising ako ng maaga para maghanda sa orientation. Ni-ready ko na rin yung friendly face ko. Magandang opportunity yung orientation para makakilala ng mga bagong kaibigan.

Sa loob ng isang malaking gym ginanap yung orientation. Ang daming nakasabit na banner ng Carlyle Tigers. Nag-welcome speech yung university president tapos nag-perform yung Theatre Club, Dance Troupe at Glee Club. Yung guidance office nag-discuss ng campus rules and regulations. After lunch, sa kanya kanya college orientation na kami pumunta.

Luckily, nasaktong tumabi ako sa magiging classmates ko bukas. Ang galing ko talagang humanap ng upuan. Nakilala ko si Steph at Hailey. Unang nakipag-usap sa akin si Steph tapos sa tabi ko naman umupo si Hailey. Ayun nagkatanungan ng programs at schedule. Sa isang block lang kami kaya lahat ng subjects at break time pareho.

Si Steph taga-Manila talaga. Si Hailey naman galing pang ibang bansa kaya laging English magsalita. Nakakintindi naman siya ng Tagalog pero kaunti lang. Too early to tell kung magiging friends kami pero at least, 'di ako magiging loner bukas. Mukha naman silang mabait. Sana mag-click kami.

After ng maiksing introduction sa College of Natural Sciences, hinati kami sa iba't ibang grupo para sa freshmen tour. Tatlo ang building ng CNS. Yung Laboratory building, ka-share namin yung Nursing at Medicine. May sarili kaming library kaya sobrang saya ko. Nakahanap ako kaagad ng tatambayan.

Bago kami maghiwa-hiwalay pagkatapos ng orientation nagpalitan kami ng numbers nina Steph at Hailey. Umuwi na ako agad para makapagpahinga. Tatawag pa ako sa bahay. Pinag-promise kasi nila mama na laging tumawag. Ilang araw pa lang akong hindi natutulog sa bahay pero miss ko na sila. Ngayon lang kasi talaga ako mahihiwalay sa kanila ng matagal. Nami-miss ko na yung luto ni mama. Marunong naman ako magluto kaso kapag tinamad kami ni Ate Issa, kumakain na lang kami sa eatery malapit sa dorm o kaya food delivery. Lagi ngang siya yung nagbabayad kaya nahihiya ako. Ayaw niya naman kasing tanggapin yung binibigay kong share. Sinisipagan ko na lang talagang magluto para hindi niya ako gastusan.

Sabay kaming pumasok dahil parehas na 8:00 ang first class namin kapag MWF. Pagbaba ng jeep, hiwalay agad kami kasi sa kabilang dulo ng campus ang building ng Liberal Arts. Ate Issa is taking up Communication Arts. Ako naman Biochem ang course ko. Kung papalarin e balak ko sanang mag-Medicine. Cross fingers.

Dahil first day, nag-meet din kami pagdating ng lunch. Dinala niya ako dun sa pinakamalaking cafeteria sa campus. May maliliit na canteen sa iba't-ibang building. Nasa gitna ng campus yung UCaf kaya mas madaling hanapin at puntahan. Parehas din kasi kaming may class after lunch kaya 'di na kami lumabas ng campus. Ipinakilala ko sa kanya sina Steph at Hailey.

"Welcome to the UCaf!" sabi ni Issa sa amin. "Anong gusto niyong kainin? Sandwich, burger, fried rice o pasta?"

"Wow, daming choices. Ano yung pinakamura?" tanong ko.

"Tubig." sagot niya kaya nanlaki yung mata ko. Tumawa si Steph at Hailey. "Joke lang! Ako na bahala. First day niyo naman e." bulong ni Issa sa akin.

"Thank you." sabi ko na lang. Ang generous niya talaga kahit kailan.

Ito siguro first and last time kong kakain dito. Ang mamahal ng benta! Kung dito ako kakain araw-araw ng lunch at meryenda, ubos sa isang linggo yung isang buwan kong allowance.

Habang pumipila kami sa cashier, nagkaroon ng ingay sa canteen. Nagkumpol kumpol yung mga studyante sa entrance. Karamihan mga babae. May narinig pa akong tumili. "Anong meron?" tanong ko agad kay Issa.

"Si Caeus lang yan." she said coolly.

"Sinong Caeus?" as if on cue may pumasok na matangkad na lalaki. Sumunod naman yung fans niyang naglabasan ng cellphone para kunan siya ng picture. Mukhang gwapo kaya siguro nagtitilian yung mga babae.

"Meet Caeus Celeste, Carlyle's ultimate hearthrob, crush ng bayan, basketball MVP. You can call him anything you like. Business management graduating student." paliwanag ni Ate Issa. Sa tono niya parang kilalang kilala niya iyong Caeus.

"Crush mo din? Kilalang kilala mo e." pangasar ko sa kanya. Tumawa si Hailey. In fairness, naintindihan niya yun.

"Ew. Playboys are not my type." sagot naman niya sabay irap sa direksyon ni Caeus.

"Caeus Celeste is quite popular in the metro." sabi ni Steph bago ipinasa sa akin yung iPhone niya na nakabukas sa Wikipedia page nung Caeus. Sikat nga siguro. May Wikipedia page e.

Nagdikit yung ulo namin ni Hailey habang binabasa yung nasa phone. Ibinalik din namin kaagad yung phone. Basta may fans club siya at millions of followers online.

Agaw pansin talaga yung sikat na lalaki. Naglakad siya papunta sa isang table na malapit dun sa coffee kiosk. Tumabi siya dun sa babaeng nakaupo na doon.

"Sino yun? Girlfriend niya?" Ewan ko ba 'di naman ako chismosa pero intriguing kasi na may sariling celebrity sa campus.

"Ew again. Younger sister niya yan, si Carly. She's taking up Fine Arts. For now. Every sem kasi nagshi-shift siya. O, tignan mo yung paparating." Tumingin naman kami. May couple na umupo din dun. "Meet the rest of the Carlyle's Finest. That's Faith Lim and Cayden Gokongwei. They've been together since birth. Classmates sila ni Caeus now but they go way back. Then there's Amber and Xander. Caeus' childhood best friends."

Na-starstruck naman ako dun sa Amber at Xander. Si Amber parang Liza Soberano ang peg, mapayat, maputi at angelic yung mukha. Yung Xander naman artistahin din. Matangkad at gwapo pero mukhang suplado. Para silang loveteam sa TV.

"E sino naman yung kararating?"

"Sino? Yung mukhang espasol? Wala yan. Si Derek Sta. Monica, graduating na din, Broadcasting."

Kung maka-espasol naman ito! Naka-make up kasi yung lalaki pero 'di naman mukhang espasol.

Tinitigan ko si Caeus. Mukha ngang playboy. Ngiti niya pa lang mukha ng malandi. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin. Packing tape naman o! Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ulit siya tignan. Shet! Nakatingin pa rin pala siya. Nag-eye to eye kami. He gave me an evil smirk. Feeling naman nito! Yucks! Baka akala niya crush ko siya. Oh please! Hindi ko type yung masyadong gwapo. Hassle yun noh! Daming kaagaw.

When I looked at the campus celebrities again, I saw Caeus calling that Derek. He whispered something pointing at us. Then, Derek started walking towards our table. Shet! Is he going to complain because I was staring at his friend?

OA naman. Krimen na ba tumingin ngayon. Alam ko rude yun pero hindi ko naman sinasadya. Kinabahan ako bigla. Gusto ko nang yayain umalis si Issa pero si Derek isang hakbang na lang ang layo sa amin.

"Babe, why are you sitting there? Is she your cousin from the province?"

Ano daw? Babe? Sinong babe? Si Ate Issa?

Ako ba yung taga-province? Kung maka-province naman 'to! Akala mo super layo ng Benguet. Isa pa taga-Baguio kaya ako. City kaya yun! Gwapo nga, nganga naman sa Geography!

Teka lang, Jess. 'Wag assuming. Kalma lang. Mamaya hindi naman si Issa kausap niyan.

"Ayoko mailang si Jess sa inyo. First day niya pa naman." sumagot si Issa at napanganga ako.

Shet! Si Issa nga kausap niya! Boyfriend niya ba ito? Bakit 'di niya man lang nabanggit? Kanina lang tinawag niyang espasol e boyfriend niya pala.

"You didn't tell her about us no?" Napansin nung Derek yung pagkagulat ko.

"Being your girlfriend isn't something I'm really proud of." Ate Issa shrugged.

"Ouch naman, babe." Kunwari nasaktan si Derek at hinawakan pa yung dibdib niya.

"Jess, si Derek. Hindi ko alam kung bakit boyfriend ko siya. Derek, meet Jess, my favorite cousin in the world."

"Hi favorite cousin, nice to meet you." Derek offered his hand.

"Hi kinakahiyang boyfriend, nice to meet you din." Nakipag-shake hands naman ako.

"Smart mouth like my babe here. Good to know."

Ipinakilala ni Ate Issa sina Steph at Hailey. Mukha namang mabait si Kuya Derek. Pero naka-make-up talaga siya.

"Okay na, balik ka na doon."

"Yes, boss. I'll call you later. Don't miss me too much." Kumindat pa si Kuya bago bumalik sa celebrity table.

"Kadiri." Issa gagged. Dapat kinikilig siya kasi ang sweet sa kanya ni Kuya Derek pero bakit ganun siya mag-react?

"Ehem, ehem." parinig ko kay Issa.

Ayun buong lunch na siyang nagkwento kung paano sila nagkakilala ni Derek. Nag-apply daw siya ng part-time job sa BBS, yung TV network after high school graduation. Nandun daw si kuya kasi host siya sa isang morning show. Nagkataon na na-assign si Issa na maging assistant nung isa sa mga producer ng show si Derek. Lagi silang nagkikita at nagkakausap kaya na-develop sila sa isa't-isa. More than a year na silang magkakilala pero 5 months pa lang sila. Kinwento niya na rin na medyo close nasiya kay Carly at Faith. Sila lang daw kasi yung genuinely nice sa grupo.

"You're one of them now." sabi ko sa kanya. Kung tutuusin may K naman makipagsosyalan si Issa. May kaya naman sila. Alam ko binibilihan siya ng condo nila tita. Ewan ko ba kung bakit sa dorm siya nakatira. Anyways, maganda siya at matangkad. Sumasali pa nga siya sa mga beauty contest nung bata kami. Mama ko pa taga-make-up sa kanya.

Ipagpapatuloy na sana namin yung pagkain namin nang may sumulpot na naman sa mesa namin.

"Hi. I'm Caeus."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...