Tune of Hearts

By CYRONGRAY

8K 2K 204

He loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming f... More

Tune of Hearts
TOH [Cast]
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
TOH [Playlist]
A/N

18

82 39 0
By CYRONGRAY

Jethroy's POV

Halos araw-araw na lang akong ginugulat ng mga rebelasyon sa buhay ni Chubs. Napaka-misteryo. Masyadong pinupuno yung ulo ko ng mga bagay patungkol sa kanya.

Napagdesisyunan na bigyan kami ng chance ni Ms. President. Si Chubs ay napagdesiyunan na aalis na lang by the end of the school year. 

Serves her right. Simula nang dumating siya, gumulo na buhay ko. Tapos ngayon sasaktan niya pa yung babaeng mahal ko? No way! 

Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Ms. President kanina. Mag-fiancé sila ni Marcus?!

Teka! Ba't ba iniisip ko pa 'yon? Kahit nga magpakasal sila ngayon walang problema eh.

"Jeth!" tinabihan ako ni Jade. "May gumugulo ba sa'yo?" pag-aalalang tanong niya. Umiling ako saka siya ngumiti sa akin.

Nagtitigan kami ng mata sa mata. Ang tagal kong naghintay pero worth it naman dahil nandito na siya ngayon sa harapan ko. Walang papantay sa kasiyahan na nadarama ko ngayon.

"I love you, my shadow girl. I promise to protect you." hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya.

Maya maya pa ay nagulat ako kay Drey. "Oh no! No! No! My virgin eyes!" nagulat kami ni Jade nang makita si Drey papasok sa tambayan.

Napakalas kami sa pagkakayakap ni Jade ata saka umayos ng upo. "Huli! Pero di kulong!" pang-aasar niya sa'min.

Nanatili lang kaming nakatahimik ni Jade dito nang bigla na namang nagsalita si Drey. "Oh! Nasan yung boy tulog natin?"

"Wag mo nang hanapin! Kasama ng fiancè niya!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Oh easy! Ba't ba galit ka?"

"Nakakainis lang. Dahil kay Chubs nasira yung pagkakaibigan nating tatlo. Simula ng dumating siya sa school na 'to, unti-unti nangkakaroon ng puwang ang pagkakaibigan natin."

Maya maya pa ay kailangan kong pumunta sa library. May pinapagawa pang reporting kasi si Sir Clifford. Sawa na sigurong i-correct sa klase ni Marcus kaya magpapareport na lang.

Marcus! Fuck! Bakit ko ba naala pa 'yon? Don na siya kay Chubs! Magsama sila!

Pumunta ako sa istante ng libro na pinaglalagyan ng mga libro sa Music.

Napako ang tingin ko sa di kalayuan. Nakita ko si Chubs na kumukuha ng libro.

Naglalakad pa siya palapit sa akin kaya iniwas ko pa ang tingin ko. Kumuha siya ng libro sa tabi ko.

"Kahilig mo talagang magpapansin noh?" direktang tanong ko.

Binuklat niya pa yung librong hawak niya bago ito kuhanin. Naglakad na siya at nilampasan lang ako.

Naiinis ako! Hindi niya ba alam na kinakausap ko siya? Nakakabastos.

Umupo siya sa mahabang lamesa. Umupo naman ako sa pinakadulo no'n.

"Hindi mo ba talaga ko kakausapin?!" nakita kong tiningnan ako ng librarian at minustrang tumahimik ako.

Tiningnan ko naman siya. Nakita ko naman siyang nagbabasa pa rin ng libro habang may sinusulat naman sa notebook niya.

"Chubs. Huy." bulong ko habang nakalapit sa kanya ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin.

Teka! Bakit ko nga ba sinusundan 'to?

"Shea." Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Marcus sa lamesa namin. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko. "Gusto ka daw yayain ni Dad sa dinner."

Nakita kong tiningnan naman siya agad ni Chubs. Nakakarinig naman pala siya. Bakit hindi siya sumasagot?

"Okay. What time?" tanong naman ni Chubs.

"8:00. Sunduin na lang kita sa dorm niyo." sambit ni Marcus.

Tumango naman si Chubs.

"Did you eat breakfast?" umiling si Chubs.

Nakita ko namang tumayo si Chubs at saka sila lumabas ni Marcus. Pinaphoto copy ko na lang yung book para makalabas na kaagad.

Balak ko sanang puntahan si Jade nang makita ko si Chubs at Marcus habang kumakain ng spaghetti.

May kung anong kumulo sa sistema ko dahil sa nakita ko. Biglang sumagi tuloy sa isip ko yung kumakain siya ng spaghetti kasama ko.

Fuck! Ano ba nangyayari sa utak ko? Nakakainis na!

"Jetjet!" nakita ko naman si Jade na lumalakad palapit sa akin habang nakaupo ako sa upuan. "I miss you na kaagad." sumandal pa siya sa balikat ko at saka ako niyakap.

Napangiti ako. Alam niya talaga kung paano pagaanin ang araw ko.

"I miss you more, shadow girl." saka ko siya nginitian.

Maya maya pa ay nagpatawag si sir Drex ng mga players na lalaban sa interschool. Sumama na din si Jade para daw ma-support niya ko kahit papaano.

Kayayari ko lang mag-practice nang salubungin kaagad ako ni Jade. "Pawis na pawis!" sabay punas niya sa mukha at sa balikat ko. "Okay lang naman magpapawis basta ba pupunasan mo ko eh!" napatawa pa ko.

Nakita ko naman si Chubs sa gilid na tumayo at saka nagpaalam kay sir para lumabas.

Umalis din naman si Jade at nagpaalam dahil tinawagan daw siya ng isang ka-group mates niya.

Napalapit naman ako sa table ni Chubs. Nakita ko 'yong librong binabasa niya.
'1001 Deadly Checkmates'. Binuklat ko yung libro nang biglang kuhanin 'yon ni Chubs. Bumalik din siya sa pagkakaupo nang hindi ako tinitingnan. "You should know how to ask permission from the owner."

"Chill! Okay di ki na gagalawin." Tumango tango pa ko. Sungit! "Teka nga! Bakit ba hindi ka namamansin no'ng kinakausap kita kanina?"

"I thought you were just nothing."

Bigla akong napatahimik sa sinabi niya.  Parang tumagos sa dibdib ko yung sinabi niya. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot.

Bakit ba? Nakakainis na!

Naiinsulto ako sa mga salita niya. Hindi niya ako pinapatahimik. Lagi niya na lang ginugulo isipan ko.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap na nanggaling sa likuran ko. "May iniisip ka na naman ba?"

Tumango naman ako mula sa pagkakatanong niya.

Binigyan niya ko ng nagtatanong na tingin "Wala 'to. Family problem lang." pagdadahilan ko. "Kantahan mo na lang ako para mabawasan iniisip ko."

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. "May problema ba?" tanong ko.

"Hindi kasi kita makakantahan. Hindi pa naaalis yung sore throat ko." malungkot na sambit niya. Niyakap ko naman siya mula sa likuran.

"Okay lang. Huwag mong pilitin. Marami pa namang araw." tumingin siya sa akin na sinabayan ko naman ng ngiti.

"I love you Jetjet. Promise kakantahin kita once na gumaling na 'to."

"It's okay. No pressure. I love you too my shadow girl."

Kinabukasan ay nagpatawag na naman ng meeting si Sir Drex. Ilang araw na lang kasi ay mag-iinterschool na.

Dating gawi lang si Chubs. Nagbabasa lang siya ng libro habang nakapwesto yung chessboard sa harap niya. Wala siyang kalaro kaya ang weird tingnan.

"Ang ganda ng palabas ne?" nagulat ako nang makita ko si Sir Drex sa tabi ko.

Napaiwas tuloy ako. "Si Sir! Wala naman eh!" tumawa tawa pa ko kunwari.

Tinulak pa ko ni Sir Drex. Nakabig ko tuloy yung chess board na pinaglalaruan ni Chubs.

"Oy sorry!" ramdam ko ang galit sa mga mata ni Chubs. Tinulungan ko na siyang mag-ayos no'ng chessboard. Inayos din niya pero nanatili din siyang walang kibo.

Halos puro training lang ang ginawa namin maghapon. Binigyan na lang kami ng exemption sa mga school activities na hindi namin matetake.

Pinagbreak muna kami ni sir at napag desisyunan ng mga athletes na mag-truth or dare na lang muna.

Bumilog kami habang mayroong plastic bottle sa gitna. Nasa tapat ko naman si Shea na seryoso lang nakatingin sa mga naglalaro.

Unang tumapat yung bote kay Andrew. Captain ng basketball team. "Truth."

Nagtanong naman si Lance na member din ng basketball team. "Who is your most hated teacher?"

"Sir Clifford!" sinabayan pa niya ng tawa. Natawa naman tuloy yung mga naglalaro pati ako.

"Bakit?"

"Kasi minsan mali mali talaga tinuturo niya!" sagot niya. "Oy dito dito lang ah! Walang magkakalat!"

Sunod namang tumapat yung bote sakin. "Truth."

Napaisip tuloy ng itatanong si Andrew. "Ito na lang. Para din sa mga girls diyan." tinuro turo niya pa yung mga babaeng athletes. "Sino yung crush mo ngayon?"

"Wala." tipid na sagot ko.

"Love?" napatahimik pa ako sandali bago sumagot.

"Jade Astrid Villaflor."

Biglang umingay ang paligid. "Sabi ko sa'yo eh! Kaya nakita ko silang magkasama no'n."

Nakita ko naman si Shea na nakayuko lang at hindi kumikibo.

Pinaikot ko 'yung bottle nang biglang tumapat ito kay Chubs. "Truth." seryosong sagot niya sabay tingin sakin.

Nagulat ako. Hindi ko alam kung pano ko siya uli kakausapin. "Favorite color?"

Fuck! Wala na kong maisip itanong.

"Blue." simpleng sagot niya na sinabayan ko naman ng tango.

Pinaikot niya muli yung bottle. Parang tinambol ang dibdib ko nang sakin tumapat yung bote.

"Truth or dare?"pag-uulit niya sa tanong. Kanina pa pala ko hindi sumasagot.

"Truth."

"Do you have someone you hate?" nanindig ang balahibo ko sa tanong niya.

"Yes."

"How bad you want her to go out of your life?" naguluhan ako dahil sumobra na siya sa tanong. Napakunot na tuloy ng noo yung mga tao dito.

If that's what she want. Sige, pagbibigyan ko.

"So bad." tumango tango naman siya. Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya. Tinatago niya ba?

Pinaikot ko yung bote. Thank God kay Angela tumama.

Nagdare siya kaya lang hindi ko naman alam gagawin ko.

"I dare you to spin the bottle." natawa tuloy sila. Ano magagawa ko? Wala naman talaga kong maisip na tanong. Malungkot naman ang reaksyon ni Angela.

Tumapat kay Chubs yung bote. Nanindig na naman muli ang mga balahibo ko. "Truth." sambit naman ni Chubs.

Napaisip pa si Angela. "What are the things that you like? Atleast 3 okay na."

"Sports, music,..... him." Napako ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin.

__________________☆

-CYRONGRAY


















Continue Reading

You'll Also Like

567K 50.8K 34
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
4M 86.7K 62
โ€ข[COMPLETED]โ€ข Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
61K 2.6K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.