Heiress: Forgotten Memories (...

De YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... Mai multe

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 3

2.2K 110 5
De YuriYuriYuriYuki

Aya Arcavia

"Yesha"napatingin ako kay Ina ng tawagin ako nito, tanghali na at nakabalik ako dito sa palasyo namin.

"Ina"yumakap agad ako dito at gumanti naman agad ito ng yakap sa akin.

"Nalaman ko ang nangyayari sa distrikto 10, masyado ako nakampante sa mga ulat na pinapadala sa akin ni Gregor noon"napahilot ito sa noo, dahil alam ko na madami pa itong problema na inaayos dahil mas dumadami na ang mga bandido nakakapasok ng Arcavia.

"Ano nangyayari?"sabi ni mama na kakarating lang at nakita nito ang paghihilot ni Ina sa ulo niya.

"Tungkol lang po sa problema ng Distrikto 10 mama"sagot ko sa tanong nito at napatingin sa akin ito ng mapansin na nandito ako.

"Anak, Autumn nandito kana pala"masayang sabi nito at mabilis na hinatak ako para yakapin. Natawa ako sa ginawa nito dahil tila sabik na sabik ito sa akin.

"Raine, hindi na makahinga si Yesha"natatawang sabi ni Ina kaya napabitaw si mama at ngumuso sa amin na ikinatawa ko din.

"Bakit ba? Sabik na sabik ako sa anak natin eh"sabay yakap ulit sa akin kaya yumakap din ako pabalik.

Natatawang hinatak ulit ito ni Ina si Mama at siya ang yumakap, kahit na nung bata palang ako ay kahit nasa harapan pa ng mga ibang kasama ay hindi nawawala ang paglalambingan nila.

"Ina at mama magpapahinga lang po ako"sabay halik sa mga pisngi nila at hinalikan din nila ako.

"Sige anak pero kumain kana ba?"tanong ni mama sa akin at kita ko na nag aalala ito. Sasagot na sana ako ng biglang may tumunog.

"Kruuuu!"

"Kruuuuuuu!"

Nahihiyang napayuko ako at naramdaman ko na niyakap agad ako ni mama.

"Tanghali naman na din kumain muna tayo"sabay hila sa akin at nakita ko na nakangiti si Ina habang hatak hatak ako ni mama.

Kinabukasan...

Maaga ako ngayon nagising dahil kinausap ako ni Ina nung gabi matapos kami kumain ng hapunan.

Flashback...

"Yesha"napatingin ako kay Ina ng tawagin ako nito. Kasama namin ngayon sila Ila at Tito James kasama nito si Tita Jillian.

"Ano po yun Ina?"nilapag ni Ina ang hawak niyang kutsara at tinidor. Napatingin din sila mama sa kanya ng tawagin niya ako, kita sa mga mata ni Ina na tila may seryosong sasabihin ito sa akin.

"May dalawang buwan ka pa naman bago bumalik ng Atlancia Academy hindi ba?"tanong nito sa akin at tumango naman ako dito. Nakita ko na napabuntong hininga si Ina na tila may pumipigil sa kanya sa sasabihin nito sa akin.

"Yesha, gusto ko sana ikaw muna ang umayos ng gulo na nangyayari sa Distrikto 10. Sunod sunod kaninang hapon na dumating na sulat doon tungkol sa pagdami ng bandido. Hindi kinakaya ng mga kawal doon lalo na kakapalit mo lang nung umaga ng bagong Kapitan"mahabang sabi nito sa akin at nakita ko na napatingin bigla si mama sa kanya na nagulat.

"Summer, nasisiraan kana ba? Ipapadala mo ang anak natin sa pinakadulong Distrikto? Nandun naman si Ariel na pinsan ni Yurian. Kaya na nila iyon"galit na sabi ni mama dito at tinignan lang ito ni Ina habang sila Ila at Tito James ay patuloy lang sa pagkain.

"Pumapayag ka ba Yesha?"walang emosyon na sabi ni Ina at hindi pinansin si mama. Nakita ko na galit na tumingin si Mama kay Ina.

"Bilang mama ni Autumn hindi ako papayag"inis na sabi ni mama dito.

"Yesha?"tawag ni mama sa pangalan ko at naisip ko na pumayag na din lalo na at may dalawang buwan pa ako para bumalik sa Atlancia.

Isa pa ako ang tagapagmana ni Ina kaya nararapat na mahubog ko agad ang sarili ko lalo na sa mga problema na ganito.

"Pumapayag po ako Ina"pag sagot ko ay nakita ko na ngumiti si Ina at si mama ay nakasimangot habang tinitignan ng masama si Ina.

Alam ko na gusto ni mama umalis sa hapag kainan pero dahil kasabay namin sila Ila ay hindi nito magawa.

End of Flashback..

"Nakahanda na ba gamit mo Autumn anak?"tanong ni mama ng makasalubong ako nito.

"Opo mama"hinalikan ko ito sa pisngi at gumanti naman ito sa akin ng halik halos paliguan na ako nito ng halik.

"Yesha"napatingin ako kay Ina na kakalabas lang sa kwarto nila ni Mama. Mapansin akong kakaiba sa kanya na tila ngiting ngiti ito habang nakatingin kay mama na nakasimangot nanaman.

"Bakit po Ina?"humalik ito sa pisngi ko at hinalikan nito sa labi si mama.

"Kain muna tayo bago ka umalis"naramdaman ko na humigpit ang kapit sa akin ni mama at mukhang napapayag ito ni Ina.

Sabay kaming tatlo na pumunta sa lamesa, kaming tatlo lang din ang nandito ngayon. Kada hapunan lang namin kasabay sila Ila at pati pamilya ni Tito James.

Matapos namin kumain ay nandito na ako ngayon sa sasakyan ko papunta sa distrikto 10.

"Autumn ang baby ko"umiiyak na sabi ni Mama sa akin at natatawang yumakap agad dito.

Sa totoo lang ito ang kauna-unahang malalayo ako sa kanya ng matagal. Nung bata kasi ako hindi nila ako pinayagan mag aral muna sa Academy kahit na dapat pag tungtong ng ikalimang taon ay dapat nandoon na.

Kaya lang ginawa nila ni Ina ay sinanay nila ako dito sa palasyo kaya sabi nila mas angat na ang kaalamanan ko sa mga nandoon.

"Mama babalik din naman po ako at bago ako pumasok ng Academy ay dadaanan ko din po kayo"sabi ko dito at ngumiti sa akin si Ina ng sabihin ko yun. Nakikita ko sa mga mata nila mama at ina na nag aalala sila sa akin.

"Kapag may oras ako dadalawin kita doon Autumn"umiiyak na sabi ni mama sabay halik sa pisngi at noo ko.

"Sige po mama at ina hihintayin ko po kayo"yumakap ako sa kanila ng mahigpit at ganun din sila sa akin.

Sumakay na ako at habang paaalis kami ay tanaw ko sila na kumakaway sa akin.

-----

Francheska Arcavia

"Ikaw kasi Summer bakit mo hinayaan na ang anak mo maglutas ng problema doon"inis na sabi ko dito sa asawa ko at natigilan ako ng makita ko na nakatingin pa rin ito sa papalayo na sasakyan ng anak namin.

Pumasok na kami sa loob ng palasyo at pansin ko na tahimik pa rin ito na naglalakad kami papunta sa bulwagan.

"Summer may problema ba?"nag aalalang tanong ko dito at napansin naman ako nito ng marinig ako.

"Raine, kinausap ako sa panaginip ni Scarlet. Malapit na magkita ang dalawa"seryosong sabi nito at alam ko na kinakabahan ito.

"Hindi natin magagawang lihisin ang nakatadhana alam mo yan. Kaya nga hindi natin pinapasok sa Academy si Autumn nung bata ito dahil sinanay natin siya at lalong lalo kana"sabay hawak sa kamay nito.

Napangiti ako ng makita ko na nag aalala ito sa magiging kinabukasan o tamang sabihin ang hinaharap ng anak namin sa takdang panahon.

Pinaliwanag din nito sa akin na kailangan maranasan ni Autumn kung paano mag lutas ng isang problema.

Lalo na tagapagmana niya ito habang ang isa pa namin na anak na babae ay nasa Academy na nung tumuntong ito ng ikalimang taong gulang.

Nung tumuntong sa edad na 12 si Autumn ay biniyayaan kami ulit ng isang anak na babae. Pinangalanan namin itong Ashley Yesha Spring Blanc Arcavia.

Ngayon ay limang taon na gulang na ito pero nasa Academy na ito dahil yun ang patakaran talaga.

Ngunit pinaglaban namin noon si Autumn dahil kailangan madami na itong alam nung bata palang ito ng may nangyari noon sa kanya.

May umatake sa kanya na isang nilalang at hindi namin alam kung ano at sino yun.

Kaya nag desisyon kami na maaga turuan si Autumn na makipag laban at gumamit ng kapangyarihan nito.

"Halika na, madami pa tayo tatapusin"natawa ako ng hatakin ako ni Summer at hinihilot nito ang noo dahil alam kong madami nanaman itong pipirmahan.

Continuă lectura

O să-ți placă și

52.9K 1.8K 46
Seulgi and Irene have been married for over 3 years, due to an arranged marriage. Seulgi love Irene since the day they met, but Irene have a lover an...
1.6K 202 27
Isang dalagang nagsusumikap na makakuha ng atensyon ng pinuno ng mafia, at inosenteng inaakit ito. Nakakamit niya ang kanyang mga nais dahil walang...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
45.2K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...