STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 4

34.8K 1K 440
By Missflorendo

Kabanata 4

"Para kang tanga," epal ng panget na si Kairo sa malapad kong ngiti. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pag ngiti ko sa kawalan habang magkakasama kaming nakahilata sa sala ni Mona.

Kumpleto kaming magpipinsan na bumaba dito sa unit niya dahil hindi pumayag ang tatay naming si Kairo na may maiwan doon gaya ng plano sana ni Lyra. Jusko halos kaladkarin niya palabas si Lyra dahil ayaw humiwalay kay Steel ni gaga.

"Nag-sex ba kayo ni Sam? Saw you two coming out from a room."

Muntik kong maibuga ang iniinom kong coke in can sa tanong ni Lyra.

"What?!" parang patay na biglang nabuhay si Mona. "Nakapag quickie ka na kanina?!"

"Did you really had sex with Atty. Smith?!" gulat na pagpapangatlo ring tanong ni Dior.

I raised my middle finger at them.

"We just talked! Ang dudumi talaga ng mga utak ninyo." Inirapan ko sila at kinilabutan naman ako sa tingin ni Kairo na mukhang me-murder-in ako. "Walang nangyari, okay?! Kahit naman malandi akong katulad ninyo, hindi ako nakikipag-sex agad agad."

Di ba nila alam na shy type ako? Huehue.

"Haay. Akala ko pa naman may ma-i-she-share ka na." Walang ganang bumalik sa pagtulog si Mona.

"Weak mo talaga. Pero in fairness, I commend your taste." Nginisian ako ni Lyra habang naka-spread ang mga braso niya sa sandalan ng sofa. Sa itsura pa lang ng mga tingin niyang ito, mukhang hindi ko magugustuhan ang kung ano mang nasa utak niya. "Atty. Sam looks so calm in the outside, but that what makes me more curious kung gaano kaya siya ka-wild sa kama?"

"Don't you ever think about it, Lyra." I warned her raising my fist in front of her. Nagtawanan ang mga gaga sa reaksyon ko kahit nakapikit na sina Dior at Mona. Pinagtitripan na naman ako ng mga 'to. Tsk.

"Charot lang syempre. Hindi pa naman ako nauubusan ng lalaki para agawan ka."

Niyakap ko ang throw pillow na hawak ko at humiga sa sahig. "Minsan lang naman ako magka-crush kaya suportahan niyo naman ako!"

Myghad. Kilala na ng mga pinsan ko si Fyuch. Official na kami sa side ko. Huhu. Feeling ko close na kami dahil sa chikahan session namin kanina. Matagal man ang process ng relationship namin, at least may progress! Keri na 'yon!

"FINALLY! Happy weekend everyone!"

Naghiyawan ang lahat after ng last airing namin for this week. Sobrang hectic kasi ng schedule namin nitong linggong ito at halos wala kaming maayos na tulog and social life. Filing of candidacy ng mga tumatakbo sa pagka-alkalde ngayon kaya halos mga mukha ng mga buwayang garapal sa posisyon ang nakita ko buong linggo. Jusko nakalimutan ko na yata ang mukha ni Fyuch dahil sa isang linggo ko na siyang hindi nasisilayan. Sobrang late ko na kasing nakakauwi sa condo tapos kinabukasan naman ay madilim pa umaalis na 'ko. Ang sakit na ng buong katawan ko kakatakbo kung saan saang presinto makuhanan ko lang ng exclusive ang filing ng mga tupperware na kandidato! Sarap lang kotongan 'pag ngumingiti sila sa camera.

"Uwi ka na?" tinunghay ko ang nakatayong si Justine sa tapat ng work station ko. Nag-aayos pa kasi ako ng gamit.

"Yep. Hatid mo ba 'ko?" taas kilay kong tanong.

"Okay. Kapag maganda libre, kapag panget 200 only. So, 300 sa 'yo dahil sobrang panget mo. Let's go." Sinukbit niya ang bag sa kanyang balikat at nauna ng lumabas. Iniwan akong nakatulala ng walangya.

"Siraulo ka, Justine! Sinong panget?! Ako panget?! Bulag ka bang hayop ka?! Hoy!" Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa parking space at makasakay na siya sa kanyang sedan. Umupo ako sa shotgun seat at agad kong binatukan ang bwiset pagkasakay ko.

"Isa pang batok at 500 na babayaran mo." Hinimas niya iyong parte na binatukan ko.

"Tangina mo mahal ka pa sa taxi?!"

"De mag taxi ka."

"Bakit ba ang sungit mo? May pinagdaraanan ka ba?" Sinuot ko ang seatbelt ko bago pa 'ko maisubsob nito sa inis niya.

"Wala. Ang panget mo lang."

"Huwaw! Coming from someone looking like a tukmol."

Tumawa rin sa wakas ang baliw. Kalahating normal at kalahating abnormal din ang lalaking 'to e. Pagdating namin sa tapat ng condo ay nagulat siya na rito ako nagpababa.

"See? Ang lapit lang ng paghahatiran mo sa 'kin sisingilin mo 'ko ng 300?" Bumaba ako at dumungaw sa kanya. "Since sabi mo libre maganda, thanks for the ride then, my friend! Ingat!" sinarado ko ang pintuan niya at tumakbo na ako papasok. Ngiting ngiti ko pa siyang nilingon at kinawayan bago ko nilagpasan si kuyang guard.

Nasa unit kaya niya si Fyuch ngayon? Nag-aalala ako sa kanya baka sobrang miss na niya 'ko. Bisitahin ko kaya siya sa taas? Friends naman na siguro kami after no'ng heart to heart talk namin last time? Masaya akong sumakay ng elevator at nag-isip ng mga sasabihin ko kay Fyuch para mapasaya ko siya later. 

"What floor po—"

At tumigil ang mundo. Napakanta na lang ako habang parang tanga akong nakatingin sa kanya. Dahil ba sa naging mabuting tao ako buong linggo kaya't pinagpapala ako ng langit ngayon? Plano ko pa lang na akyatin siya, pero heto at inihulog na siya sa 'kin sa elevator. Spell fortunate? P-o-r-t-i-a.

"Earth to, Portia."

Napakurap kurap ako.

"Pwedeng pakiulit?"

"What?"

"You saying my name. Please?"

"Portia."

"Ugh! You're the best crush ever, Fyuch!" tinapik ko ang tapat ng puso ko at saka ko itinapat sa dibdib niya ang kamay ko. "Wow. Ang tigas niyan ah. Do you work out a lot?"

"No."

"Eh bakit ang tigas niyan?" tinuro ko ang dibdib niya. Bumukas ang pinto ng elevator at hindi ko pala napindot iyong floor na bababaan ko kaya't walang kalaban laban akong isinama ni Fyuch hanggang 40th. Chour!

Nilagpasan niya 'ko at hindi sinagot iyong tanong ko. Syempre binilisan ko ang lakad ko para makahabol sa kanya. Patalon talon pa nga ako sa pagsunod nang biglang huminto siya.

"Wala ka bang magawa?"

I was surprised with the question. Kapag ba sinabi kong wala, aayain niya 'kong makipag date? Gosh. Hindi ko inexpect na gan'to siya kabilis dumamoves ha!

"Wala! So, saan tayo?"

"Stop following me." Dumiretso ulit siya sa paglalakad at iniwan ako. Ay. Wala sa mood?

Syempre sumunod pa rin ako. Hindi ako basta bastang susuko lang dahil sa pagsusungit niyang 'yon 'no! Feeling ko defense mechanism lang niya 'yon para hindi siya ma-fall masyado sa 'kin. Ahuhuhihi. Takot pa ulit yatang magmahal ang bb ko. Hinabol ko ng mabilis ang papasara niyang pinto.

"Required ba sa inyong mga lawyer ang may abs? Feeling ko kasi may abs ka." Hinubad ko ang sapatos ko kasi nakita ko siyang naghuhubad rin ng shoes. OC ang bb.

Gulat siyang lumingon sa 'kin.

"I don't have that."

"Ayy gano'n? Patingin nga!" Parang may sariling utak ang mga kamay ko na naglanding sa may tiyan niya. Nagulat ko yata siya sa ginawa ko dahil natulala siya sa mga kamay kong pinipisil at sinasalat iyong parte ng katawan niya.

He looked at me in horror.

"What are you doing?!" Napaupo siyang yakap yakap ang kanyang sarili. He's still looking at me like I was someone who just harassed him. Oh god.

"U-Uy 'wag ka namang m-matakot ng ganyan." Kabado akong humakbang palapit sa kanya habang papaatras naman siya. "P-Para k-kinonfirm ko lang kung may abs ka."

"I've already said none!"

"Ihhh. You're lying. Meron kaya nahawakan ko!"

His shocked expression quickly vanished off his face. Amusement danced in his eyes, but he still managed to keep his face straight.

"Are you not scared of what you're doing?" Tumayo na siya at mukhang nakarecover na sa shockness niya. Hehe. Buti naman. Wew! Kaso parang namumutla pa rin siya.

"Bakit naman ako matatakot?"

"You just entered a man's place without his permission." He started taking steps towards me. "—and you're giving him motive to do something unlawful." Lumapit pa siya at nakikita ko ang pamumuo ng pawis niya sa noo.

My hands started to tremble. Gosh. Nasa climax part na ba kami ng love story namin? Ito na ba ang part na hahalikan niya 'ko tapos we will live happily ever after?

Napalunok ako.

"Get out."

Ay charot lang pala. Parang kabaligtaran yata ang gagawin sa 'kin nito. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa kaya kong ng abutin ang bituin sa langit. Pero seryoso, ang lapit nga niya. Kaya naman nakita ko ang nakatagong dahilan kung bakit namumuo ang pawis niya sa noo. He got bruises on his knuckles.

"Nanuntok ka ba ng bato?" Napatingin siya sa direksyon sa tinitignan ko. Itinago niya ang dalawang kamao sa likuran niya.

"Lumabas ka na." malamig na utos niya. Syempre being the most hardheaded woman in the planet nemic, pumasok ako at dumiretso pa papasok sa unit niya.

"Where's your first aid kit?"

"Don't bother. Just go."

"I'll go after. So, where is it?"

"Bakit ang kulit mo?"

"Bakit ang kulit mo rin? Nakikita mo ba ang sarili mo?" nilapitan ko siya at sinalat ang noo niya. "May lovenat ka pa! Jusmiyo marimar!" Hinatak ko siya at pinahiga sa kanyang mahabang sofa.

"I'm fine. You can go."

"Shut up. Where's your med kit?"

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagsuko niyang itsura.

"Drawer beside you." Binuksan ko iyong tinukoy niya at saka ako kumuha ng warm water.

Nilapag ko sa table sa harapan niya ang gamot at baso ng tubig.

"Inumin mo 'to tapos hubarin mo 'yang damit mo." Iniwan ko siya saglit at pumasok ako sa kwarto namin. Char! Pero soon! Kwarto muna niya ito sa ngayon. Hahaha!

Kumuha ako ng pamalit niyang damit dahil siguradong basang basa na ng pawis iyong likod niya. Pagbalik ko nagulat ako sa nakita ko. Hindi dahil sa naghubad at may abs nga siyang ulalam. Nagulat ako dahil sa mga pasa at sugat na nasa kanyang buong katawan.

Kinusot ko pa ang mga mata ko pagkalapit ko sa kanya.

"Nakipagbugbugan ka ba?!" inilapag ko sa ibabaw ng coffee table ang kinuha kong damit at sinuri ang mga pasa at sugat niya. "Where did you get these?!"

Parang ako ang nasasaktan sa mga tinamo ng katawan niya. Gano'n daw kasi kapag may koneksyon kayong dalawa ng soulmate mo. You feel the pain of each other that's why loving someone hurt so much! Hmpf! Nakangiwi ko siyang tinignan.

"I just had a good fight."

"A...what?!" nakapamaywang ko siyang hinarap, pero iniwas kong tumingin sa katawan niya dahil nagkakasala ang mga mata ko. "Ang tanda mo na nakikipag-away ka pa rin?! Alam ba ng mga magulang mo 'to?!" Padabog akong pumunta sa kusina niya at kumuha ng yelo sa ref.

"You sound exactly like my mom."

Mala-Miss Universe ko siyang nilingon. "Syempre sa malamang mother-in-law ko siya!"

"The fuck?"

I laughed hard at naihampas ko pasara ang ref niya. Tumatawa akong naglakad pabalik sa piling niya. Chour!

"O edi 'yan napangiti rin kita." Kahit nakaka-hurt ng feelings 'yung reaction mo, sige you're forgiven na. Nilinis ko ang mga sugat niya at saka ko nilagyan ng yelo iyong mga pasa niya. "Pero seryoso, nakipag-away ka?" Napangiwi siya nang diinan ko iyong ice bag sa katawan niya.

Hindi kasi simpleng mga galos at pasa lang itong mga nasa katawan niya. Para siyang gangster na kagagaling lang sa isang gang fight! Oh my. May hidden identity kaya 'tong si Fyuch na isa siyang ganster? Tapos itatago niya sa 'kin dahil takot siyang madamay ako at hindi niya kakayaning gamitin ako ng mga kaaway niya laban sa kanya? Omg that is so romantic!

"MMA. It's a sport. I just had fun fighting."

"Ohh. Kaya pala." Shet 'di ko ma-imagine na nakikipaglaban siya tapos tumatalon talon iyong mga pawis niya sa ere. Hahahaha! Ang sexy lang fuck! Kinalma ko ang sarili ko bago nagsalita ulit. "Pero next time, hinay hinay ha?"

"You won't tell me to stop?" ghad. Gusto na ba niyang magpa-under agad sa 'kin?!

I shook my head and smiled. "You're doing it means you like it. I won't deprive you of your liberty."

"Nice." He smirked. My heart jumped out of my chest. Tumalon na papunta sa kanya. Huhu.

"So, friends na tayo?" sabi ni beshy Maja, dahan dahan lang e.

"You wish."

"Edi sige girlfriend na lang. Madali naman akong kausap."

"Wow." I just shrugged kahit kilig na kilig naman ang maharot kong self sa poging pogi niyang mga reaksyon. Hahahaha!

Pagkatapos ko siyang alagaan at pagsilbihan, nagpakasal na kami. Hahaha! Joke, pero half meant 'yun! Pinayagan lang niya 'kong mag-netflix basta mag-behave daw ako habang nagbabasa siya ng mga kaso. Ahihihi. Sakto ngayon ang labas ng next episode no'ng pinapanood kong Koreanovela. Nagdalawang isip pa 'kong panoorin 'to rito, but I still end up watching it.

I tried not to cry hard at the scene of Kim Po Gi leaving Han Gan Da silently. But damn, it was so hard! Oh my gosh. Pasakay na siya ng eroplano! Tinakpan ko ang bibig ko para harangin ang paghagulgol ko. Tahimik akong humikbi at pinunasan ang luha ko gamit ang manggas ng suot kong long sleeves. I was sobbing hard when a box of tissue was offered in front of me.

I glanced at him shyly.

"T-Thank you." Humugot ako ng tatlong ply at ibinaba niya ito sa tabi ko. Sinulyapan ko ulit siya habang pinupunasan ko ang uhugin kong mukha. Seryoso lang na ibinalik niya ang atensyon sa binabasa niyang makapal na papers. Nakakahiya. Naistorbo ko ba siya? Tahimik akong nanood ulit nang may biglang mga katok kaming narinig sa pinto niya. Nagkatinginan kaming dalawa.

Hinintay kong sabihan niya 'kong magtago kung saan, pero tumayo lang siya at binuksan ang pinto.

"It's weekend, bro! Let's chill!" salubong ni Zeno pagkabukas ni Sam sa pinto.

"Oo nga naman, Pare. Wag kang puro traba...ho." Napako ang tingin ni Steel sa 'kin na nakahilata sa sofa. Napaayos tuloy ako ng upo. "Portia?! Anong ginagawa mo dito?!" nagpabalik balik ang tingin nila ni Zeno sa amin ni Fyuch.

"Hi!" Pumasok sila dala ang mga branded na alak na naka-paper bag pa.

"Naistorbo ba namin kayo?" tumatawang tanong ni Zeno. "Wrong timing ba kami, Attorney?"

"Sabi ko kasi sa 'yo magtext ka muna bago tayo tumuloy." Paninisi pa ni Steel kay Zeno.

"Okay lang ano ba kayo!" feeling katuwang sa buhay ni Fyuch! Shet!

Tahimik lang na bumalik sa pwesto niya sa couch si Sam at itinabi ang mga binabasa niya. Inabot niya iyong isang bote ng alak.

"Huy may sinat ka pa. Wag ka munang uminom."

"A single shot won't hurt." Hay ang kulit!

"Isa lang ha!" Tumango siya at sumunod naman. Panay ang malolokong sulyap sa 'kin ni Zeno. Nakakarami na kaming tatlo habang si Fyuch ay hindi na umulit after no'ng single shot niya.

"Bakit 'di sumasagot 'yong pinsan mo?" tanong ni Steel.

"Sino sa mga pinsan ko?" ngisi kong tanong pabalik sa kanya.

Parang bigla siyang namula sa sinabi ko ngunit agad din siyang nakabawi at nagbalik sa dating yabang ang mukha.

"Si Kairo."

"Ahh. Nasa business trip kaya ako lang mag-isa sa unit namin." Buti nga wala siya dahil siguradong yari ako sa kanya kapag nakita niyang nandito ako sa condo ni Sam.

"You two live together? Seryoso 'yon? I thought nag sleepover lang kayo sa kanya," ani Zeno at muling sinalinan ng alak ang mga baso namin.

"Malapit kasi 'to sa work ko. At saka sayang rent. Dito kay Kairo libre lang."

Tumango tango si Steel. "Sabagay. Malaki naman ang unit ni Kai."

Ang daming nilutong dishes ni Steel na pang pulutan namin. Kaya pala ang sarap niyang magluto ay dahil nagtapos din siya ng culinary arts! Ghad package deal! Malas lang niya kapag sineryoso niya si Lyra. Matino naman 'yung pinsan ko na 'yon kaso may expiration. Napagtanto ko lang na okay naman pala kasi itong si Steel kahit playboy ang unang judgment ko sa kanya. At least kung sakali ay pareho na lang sila ni Lyra.

Tumayo si Sam nang mag ring ang phone niya. Lumayo siya ng kaunti at sa may likod ng pintuan niya ito sinagot. Nakanguso ko siyang pinanood kahit na nakita niya 'kong tinitignan siya. Hindi ako nagbawi ng tingin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at parang naiirita siya do'n sa kausap niya.

"Kinukulit na naman siguro siya ni Jenny." Tumatawang komento ni Zeno nang sundan niya ang direksyon ng tingin ko.

"Who's Jenny?" syempre karapatan kong malaman kung may lumalandi sa asawa ko. I don't share kasi. What's mine is mine.

Ininom muna ni Zeno ang laman ng baso niya. "Classmate namin sa Law School. And guess what? She studied law because of Sam."

Triggered agad ako shet.

"At ang tindi lang ng babaeng 'yon! She's head over heels in love with him." Nginuso ni Steel si Sam na may kausap pa rin sa phone. "We were in third year nang may kumalat na balitang she went under the knife just to pursue Sam. Turns out they were classmates in elementary and she was actually ugly back then."

"Seriously?!" my eyes almost falls out.

I have nothing against women undergoing plastic surgery, but to do it for a guy, hell no! Nanonood ako ng mga vlog minsan ng mga nagpapa-surgery at sobrang hanga ako sa tatag ng loob nila para kayaning ipahiwa ang mga balat nila. Iniisip ko pa nga lang na tutusukin ako ng karayom feeling ko hihimatayin na 'ko. Hiwa pa sa mukha? Gosh. Baka ilibing na lang ako kinabukasan.

"She's mad, right?" naiiling na dagdag pa ni Zeno. "Kaso nahuli niya ro'n ang weakness ni Sam."

"What do you mean?" my forehead creased.

"He somewhat felt guilty being the reason she did that. Medyo bully kasi 'yang si Sam simula pagkabata. At isa sa mga na-bully niya 'yang si Jenny. Kaya ayan, entertain siya ng entertain sa babaeng 'yon kahit labag sa kalooban niya. Maybe to free himself from guilt?"

Kahit hindi ko pa nakikita ang babaeng 'yon gusto ko na agad siyang sabunutan. She's obviously taking advantage of him! He surely have apologized to her already at ginagamit na lang niyang rason ang past na 'yon para kontrolin niya si Sam. She's crazy.

"What were you talking about?" tanong niya nang abutan niyang seryoso ang mga mukha naming tatlo.

"That Jenny girl." Nagulat siya sa isinagot ko at sinamaan niya ng tingin sina Zeno at Steel. "So, siya nga 'yong kausap mo?" taas kilay na tanong ko.

"She just asked for an opinion on the case she's handling."

"Edi wow. Boyfriend? On call anytime?" Inirapan ko siya at sinalinan ko ng alak ang baso ko saka ininom agad. Napangiwi ako sa init na gumuhit sa lalamunan ko.

Badtrip kainis! Alam kong hindi ko rin naman siya boyfriend para mag-react ako ng ganito, pero hello? Tanga ako e.

"Easy. Mas maganda ka naman do'n." pampalubag loob ni Zeno.

Malamang. Angat ang natural beauty. Tsk.

"Uwi na 'ko." Tumayo ako.

"Aga pa ah! D'yan ka lang naman sa baba!" awat ni Steel. Pero hindi ko na sila pinakinggan at dere-deretso akong lumabas ng condo ni Sam nang magkasalubong ang kilay ko.

Dinutdut ko ng paulit ulit ang 10th floor pagkapasok ko sa elevator. Hilong hilo ako sa dami ng nainom ko fuck. Tapos bago pa magsara ang pinto nito ay may pumasok na taksil. Chour! Ang arte ko shet! Hinabol na nga, ang pabebe pa! Lalong umikot tuloy ang paningin ko nang alugin ko ang ulo ko para kumpirmahin kung sinundan nga ba talaga ako ni Fyuch.

"Bakit ka sumunod?" sungit-sungitan kong tanong. Kaso ang sarap lang kausap dahil hindi man lang sumagot. Hindi na rin naman ako nag-follow up question at nang bumukas na ang elevator ay nagpauna na 'kong lumabas kahit pa-gewang gewang lang. Huminto ako sa pag-gewang nang almost halfway na ay nasa likod ko pa rin siya. "Bakit mo ba kasi ako sinusundan?"

"You're drunk. Aalis ako pagkapasok mo."

Korni! Hindi man lang siya sasamang pumasok? Amp!

"I can manage. Dun ka na sa Jenny mo." Lasing ako, pero matino pa ako. I shooed him away, but he just chuckle.

Okay? Anong nakakatawa? Pinindot ko ang password ng pinto at pumasok. Hinarang ko pa ang isang tsinelas ko para hindi ito sumara at makapasok siya. Patago akong napangiti nang marinig ko ang pagtulak niya ng pinto at ang pagsara nito. Kunwari'y nakasimangot pa 'kong lumingon kaso wala naman siya paglingon ko!

Tumakbo ako patungong pinto at binuksan ito para icheck siya sa labas. At ayun...nakita ko siyang naglalakad na sa hallway paalis. Ugh! So inayos lang niya 'yong pagkakasarado ng pinto ko kanina?! Pambihira! Sa badtrip ko ay nawalang bigla ang antok ko. Naligo na lang tuloy ako at nag-skincare. Naglagay ako ng peel off mask at nag-scroll ng kung anu-ano sa cellphone ko habang hinihintay na matuyo itong nasa mukha ko.

Sinearch ko kung may Facebook si Fyuch kaso walang lumalabas. Sakto online ang bestfriend kong si Adara at agad ko siyang chinat kung may Facebook ba ito. At ang hulog ng langit kong best friend ay sinend mismo sa 'kin ang link. Ackk!!

Nagsend agad ako ng relationship request. Hahaha! Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang iniimagine 'yung lilitaw sa profile naming dalawa kapag may nag-visit. In a relationship with Sam Spencer Smith.

Ahhhh!! I caaaaan't! Kinikilig ako punyeta! Muntik pa akong mahulog sa kama nang tumunog ang notification alert ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa excitement habang binubuksan ito.

Sam Spencer Smith declined your relationship request.

*** 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 15.8K 46
She had a huge crush on that cold businessman who never cared about her presence. She knew her feelings for him is going deep and she wants to do ev...
23.1K 388 39
Ika nga nila ay walang perpekto, pero wala iyan sa isang tulad ni Ameyth Solana Harrier, she was born to bring honor and good picture for her family...
4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...