POSTER BY: REX ZADJI CRISOSTOMO
*****
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
Season 3
AiTenshi
"Sa tingin ko ay kailangan mong buuin ang pag katao mo bago mo subukang buuin ang pag katao ng iba. Ang pag tatawad ay hindi ganoon kadali lalo't kung ikaw ay nakapanakit ng husto. Ang lahat ay magiging maayos sa takdang oras." ang wika ni Donya Briguela.
"Hindi ako susuko kay Blas. May kasalanan ako at bilang lalaki ay haharapin ko ito kahit gaano pa kahirap." ang wika niya sabay ngiti sa akin.
Part 106
"Blas, kung ako kay Yuji hahanap nalang ako ng ibang taong mamahalin. Lahat ng ibinibigay niya sa iyo ay tinatapon mo. Sayang naman itong mga bulaklak, yung laman ng basurahan sa likod ay puro ganito nalang." ang wika ni Miss Justine
"Hindi na niya ako makukuha sa mga bulaklak." ang sagot ko.
"Alam mo, bitter na iyan. Yung puso mo ay kasing tigas na ng bato."
"Sadyang mahirap nalang mag tiwala sa isang taong manloloko." ang sagot ko naman sabay tambak ng maraming gawain sa desk ni Yuji, kasing taas itong kisame at tiyak kong di siya makaka ugaga.
Pag pasok palang niya ay nagulat na ito dahil sa dami ng kanyang tatapusin. "Kailangan ko lahat iyan mamayang alas 5 ng hapon. Gawin mo na." ang utos ko. Ngumiti ito at agad na sinimulan ang kanyang gawain.
Sa mga nakalipas na araw ay tuloy tuloy pa rin ang panunuyo niya akin, pero hindi ako nag papakita ng awa sa kanya. Bagkus mas itinodo ko pa ang pag papahirap sa kanya, utos dito, utos doon ang aking ginagawa. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng mahabang pasensiya, na dapat sa mga oras na ito ay nag reresign na siya. Madalas ko rin siyang sinisigawan sa harap ng mga empleyado pero kahit gaanong galit ang aking ipinapakita sa kanya ay hindi ito nagagalit sa akin.
Alas 4 ng hapon noong matapos siya sa trabahong ibinigay ko sa kanya. Hindi na ito nag lunch o nag miryenda pa, mag hapon itong naka subsob sa kanyang lamesa. Noong chineck ko ang kanyang gawa ay walang mali dito, ultimo ang mga graphs at description ay tama at eksakto. Wala tuloy akong maibutas. "Sa susunod paki ayos nalang yung sulat mo. Napaka pangit ng penmanship mo, nakakahilo." ang wika ko.
Ngumiti siya. "Pwede ba kitang ilibre sa dinner mamaya? Kakasweldo ko lang, gusto kong ishare sa iyo." ang tanong niya.
"Bakit mo puntahan sa kulungan yung asawa mo at siya ang ilibre mo?" ang sagot ko.
"Hiwalay na kami at hindi na maayos ang aming relasyon." sagot niya..
"Edi humanap ka ng ibang taong pwede mong isama sa dinner mo. Iyan naman talaga ang nature mo, bukod sa mukha kang pera ay mang gagamit ka pa ng tao. Im sorry Mr. Guarin pero hindi mo na ako magagamit ngayon." ang sagot ko sabay tayo sa aking bangko.
Hinawakan niya ako sa braso. "Hanggang kailan mo ako papahirapan ng ganito?" tanong niya.
"Hindi kita pinahihirapan, ipinakikita ko lang sa iyo na hindi na ako yung tipo ng tao na maloloko mo." ang sagot ko. "Teka bakit ba kasi hindi ka sumuko?"
"Alam ko naman na 99% ayaw mo na talaga sa akin. Pero para sa sabihin ko sa iyo, ang natitirang 1% ay sapat na para humawak ako at huwag sumuko." ang sagot niya.
"Pang hawakan mo iyan hanggang dumating ang araw na mapag tanto mo isa kang malaking tanga." tugon ko.
"Alas 8 ng gabi, susunduin kita sa inyo. Sana pag bigyan mo ako." ang wika niya.
Inalis ko ang aking braso sa kanyang pag kakahawak at saka lumayas sa kanyang harapan..
Matapos ang trabaho ay agad akong umuwi para makapag pahinga, wala akong balak na sumipot o humarap kay Yuji. Hindi ako ganoon katanga para bumigay sa isang dinner na pampalubag loob sa mga kasalanan niyang ginawa sa akin. Hindi sa lahat ng pag kakataon ay matatabunan ng panunuyo ang mga kasalanang ginagawa ng isang tao. Dahil kung minsan ay mas mabuti pang gumawa ng wala at hayaan ang lahat ng lumipas, hanggang kapwa sila makalimot.
Alas 8 ng gabi, dumating si Yuji sa tarangkahan ng aming tinitirhan. Itinawag ito sa akin ng guard kaya naman sinilip ko siya sa bintana. Nakatayo lang ito doon at nag hihintay..
Hindi ako kumikilos, hinayaan ko lang siyang nakatayo doon ..
Hanggang sa maya maya ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang akala ko ay umalis na ito pero hindi pa rin, naka abang lang siya sa gate at matiyagang naka tayo..
Palakas ng palakas ang ulan..
Pinatay ko na ang ilaw sa buong bahay, pati ang nasa guard house kung saan siya nakatayo ay pinatay ko rin..
Pero nandun pa rin siya, giniginaw at nakatanaw sa isang maliit na liwanag sa balkunahe..
Humiga nalang ako at hinihayaan siyang mabasa doon sa labas..
Bahagya akong nakatulog..
Alas 11 ng gabi, umuulan pa rin at noong sumilip ako sa bintana ay nakita ko itong nakatalungko sa gate hawak ang isang kumpol na bulaklak..
"Napaka tangaaa!" ang sigaw ko sa aking sarili at dito nag desisyon akong lumabas na rin sa gitna ng ulan.
"Napaka tanga mo naman! Bakit nandito ka pa?! Diba sinabi ko sa iyo na huwag kang pupunta dahil ayoko! Dahil galit ako sa iyo!!" ang sigaw ko.
Tumayo siya at tumingin sa akin, nangangatog ang baba sa lamig. "Ginagawa ko ito hindi para pag bayaran ang kasalanan ko. Ginagawa ko ito dahil mahal pa rin kita." ang sagot niya na may crack na boses. "Hanggang kailan mo ko sisingilin sa mga pag kakamali ko Blas?"
"May pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na di mababago. Minsan, akala natin may babalikan pa tayo pero pano kung yung taong yun ay napagod na sa dami ng pagkakamali mo? Paano ka na?" tanong ko.
"Mahal kita, ikaw lang yung minahal ko ng ganito. Kaya't kahit durog na durog na ako ay ginagawa ko pa rin ang lahat ng ito para lang ipakita sa iyo na nandito pa rin ako." ang sagot niya
"At utang na loob ko pa nandiyan ka? FYI lang Mr. Guarin, lumayo ako sa iyo dahil isa kang malaking sumpa sa buhay ko! Nag sisisi ako na nakilala kita dahil winasak mo ang lahat sa pag katao ko Ang kapal kapal ng mukha mo, pag katapos mong pag sawaan si Vann ay babalik ka pa sa akin? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob? May pasumpa sumpa ka pang nalalaman. Sira ulo ka!"
"Pero naging masaya tayo diba? Nag mahalan tayo at bumuo ang simpleng pangarap natin. Hindi ko makakalimutan iyon."
"Ako rin Yuji, hindi ko makakalimutan ang pag mamahal mong huwad. Peke, at punong puno ng pang gagamit. Libog lang diba? Libog lang iyon at hindi pag mamahal! Nung pinag sawaan mo na ako ay humanap ka na ng iba. Tama diba? At anong alam mo sa salitang pangarap? Sinira niyo ang pangarap ko, sinira mo at ng am among demonyo!" tanong ko.
"Mali ka doon, totoong minahal kita. Sa iyo ko lang naramdaman na maging masaya." ang sagot niya.
"Pero iniwan mo parin ako.. at ipinag palit sa iba. Iyon ba ang kaligayahang sinasabi mo? Sinungaling ka pa rin! Nandoon ako noong kasal mo, at wala kang ideya kung gaano dinurog ang pag katao ko!! Itong bulaklak mo? Kahit bumili ka pa ng isang buong hardin ay hindi ako bibigay sa ganito lang! Lumayas kana! Napaka tangaaaa moo! Ayoko na sa iyo! Umalis kana bago pa kita ipakulong kasama ng asawa mong baliw!!!" ang sigaw ko sabay hampas sa mukha niya ng bulaklak niya.
Lumapit ang guard at pinaalis rin siya nito.
Walang nagawa si Yuji kundi ang umalis nalang at palutin isa isa ang mga piraso ng bulaklak na nalagas sa lupa..
Noong mga oras na iyon ay halos atakihin ako sa puso sa matinding galit. Para bang may sumabog na mabigat na bagay sa aking dibdib. Ang galit ko ay hindi humuhupa, parang bang habang nakikita ang kanyang mukha ay mas lalo akong binabalot ng sakit na hindi ko maisalarawan. Isang malalim na kirot na sa tuwing pumipintig ang aking puso ay naninikip ang aking pag hinga hanggang sa ako ay manghina at mapatalungko nalang sa isang sulok.
KINABUKASAN..
Muli kong tinambakang maraming trabaho ang lamesa ni Yuji, mas dinoble ko pa ito para mas lalo siyang mahirapan.
Pero walang Yuji Guarin na dumating sa opisina. Sinubukang kong patawagan siya sa receptionist pero hindi nila ito macontact.
"Tawagan niyo si Mr. Guarin at sabihin na siya Fired na. Hindi ko kailangan ng isang empleyado na umaabsent ng walang notice." ang wika ko at muli kong ibalik ang trabaho sa aking lamesa para tapusin ito.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay pumasok naman si Donya Briguela at lumapit ito sa aking lamesa. "May sakit si Mr. Guarin. Sa akin siya nag paalam na liliban muna sa trabaho. Nareport na rin sa akin ng guard ang nangyari kagabi."
Hindi ako kumibo..
Hinawakan ni Donya Briguela ang aking kamay. "Blas, nauunawaan ko kung bakit ganyan ang inaasal mo. Alam kong nasaktan ka ng paulit ulit kaya isinara mo ang puso mo. Pero nais kong sabihin sa iyo na tapos na ang laban hijo, nanalo na tayo, wala nang gera, panahon na para patawarin mo na ang iyong sarili. Kahit aminin mo man sa akin o hindi ay alam kong nasasaktan ka rin kapag sinasaktan mo si Yuji. Alam mo kung bakit? Dahil mahal mo pa rin siya at hindi ka pwedeng mag sinungaling sa iyong sarili.
Sa kabilang banda, kung hindi mo na siya kayang mahalin ay patawarin mo na lang siya. Sa ganitong paraan ay kapwa mag hihilom nag sugat sa inyong mga puso.
Tumingin ka sa akin Blas. Tingnan mo ako, matanda na ako at halos kalahati ng buhay ko ay inaksaya ko sa galit ko sa mundo. Hanggang napag tanto ko na mag sasara na pala ang libro ko at malapit na ito sa huling pahina. Ang mga oras na ginugol ko sa galit, sa sakit at pagiging masungit ay hindi ko na maibabalik pa. Pero ikaw? May oras ka pa, may panahon pa para ngumiti at maging masaya.
Huwag mong hayaang mawala ang mga bagay na nag papasaya sa iyo. Dahil baka sa huli ay puro sakit nalang ang maramdam mo. At iyon ang pinaka mahirap na parte ng buhay." ang wika ni Donya Briguela sabay yakap sa akin..
Pinilit akong naging matigas noong mga oras na iyon, ngunit ang bawat salitang sinabi niya sa akin ay parang balang tumatama sa aking puso. Kaya't hindi ko namalayan na umiiyak na ako habang naka yakap rin sa kanya.
Marahil nga ay tuluyan na akong naging bato, o baka naman takot nalang akong masaktan ulit kaya't ayoko nang magtiwala sa kahit na kanino. Gayon pa man ay napag tanto ko na masarap umiyak, hindi dahil sa nahuhugasan nito ang iyong mga mata kundi dahil tinatanggay nito ang kirot na namumuo sa iyong puso.
Itutuloy..