The Heart of Laveris: The Ris...

By msjennilyn

11.8K 1.7K 1.3K

LAVERIANS Sila ay mga kakaibang nilalang na naninirahan dito sa mundo ng mga tao simula nang sinira ng mga re... More

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians (Book 1)
Introduction
Prologue
Chapter 1: Unseen
Chapter 2: Sparkling
Chapter 3: Caviel
Chapter 4: Sideboard
Chapter 5: Clavis
Chapter 6: Friend
Chapter 7: Cheerleader
Chapter 8: Gone
Chapter 9: New
Chapter 10: Smoke
Chapter 11: Hitch
Chapter 12: Touch
Chapter 13: Roses
Chapter 14: Awake
Chapter 15: Command
Chapter 16: Mission
Chapter 17: Fire
Chapter 18: Plans
Chapter 19: Party
Chapter 20: Doubts
Chapter 21: Ball
Chapter 22: Date
Chapter 23: Encounter
Chapter 24: Rescue
Chapter 26: Different
Chapter 27: Worry
Chapter 28: Laveris
Chapter 29: Destruction
Chapter 30: Instruction
Chapter 31: Fight
Chapter 32: Support

Chapter 25: Safe

42 2 0
By msjennilyn

Arleigh is always too much. And she will always be too much. - Ephilus

PAREHONG tahimik lang na nakaupo sina Arleigh at Brent sa backseat ng sasakyan. Si Gabriel ang kasalukuyang nagmamaneho.

Wala pang tatlumpung minuto ay nasa harap na sila ng gate ng isang napakagarang mansion na nasa gitna ng isang malawak na hardin.

Agad silang pinagbuksan ng gate. Tumuloy ang sinasakyan nila at huminto ito sa harap mismo ng pinto ng mansion.

Bumaba si Arleigh kasunod si Brent. Sinalubong sila ng isang nakangiting lalake na nasa 5' 2" lang ang height.

"Nasaan si Glazelyn?" Agad na tanong ni Brent.

Kumunot ang noo ni Brent nang niyukuan sila ng lalake saka nagsalita. "Magandang gabi at maligayang pagbabalik, Arleigh. Kanina pa naghihintay sa iyo si Don Carlos."

"Of course," maikling sagot nito saka naunang pumasok sa loob ng mansion.

Binalingan ng lalake si Brent. "Sumunod po kayo sa akin."

Tumalima naman si Brent nang agad na tumalikod ang lalake at pumasok sa loob.

Bumungad sa kanila ang isang malawak na bulwagan. Sa kaliwa ay may daanan habang nasa kanan naman ang malaking sala. Sa gitna ay may engrandeng hagdan na kulay pula at sa bandang ilalim nito ay isang mini-bar.

Nagtaka si Brent dahil imbes na umakyat sa hagdanan ay iginiya siya ng lalake sa likod ng bar. May pinto roon. Pumasok sila at bumungad ang isang mahaba at puting pasilyo na may pinto ulit sa dulo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Brent.

"Sa Clavis kung nasaan ang mga kaibigan mo," sagot nito.

"Clavis?" kunot-noong lumingon si Brent sa pinanggalingan. "Hindi pa pala ang bahay na ito ang Clavis? Saan ba iyan?"

"Sumunod ka lang sa akin."

Tumalima ulit si Brent kahit hindi siya lubos na nagtitiwala kaagad. Kailangan lang talaga niyang makita kaagad si Glazelyn upang masigurong ligtas na nga ito.

"Ako nga pala si Sikszent. Sik, for short," pagpapakilala ng lalake nang hindi lumilingon. "Isa rin akong laverian katulad mo."

Nang marating ang dulo ng pasilyo kung saan may pinto ay hinarap siya ni Sik at nginitian. "Handa ka na bang makita ang Clavis?"

Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Agad na nitong binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang isang napakalawak na bakuran. Isang hindi bababa sa sampung ektaryang lupain. May mahabang puti at sementadong pasilyo na may magagandang halaman at damo sa magkabilang panig. Ang pasilyong ito ang magdadala sa'yo papunta sa isang limang palapag na puting gusali na nakatayo sa gitna mismo ng malawak na bakuran. Isa itong mala-palasyong istruktura na tipong makikita mo lamang sa Europa pero ang kinang at ganda nito ay aakalain mong makikita mo lamang sa panaginip. 

At ang pinaka-nakakamangha sa lahat? 

Maliwanag ang kapaligiran. Nakakasilaw kung tutuusin. Halos puti ang lahat ng kanyang natatanaw maliban sa mga damo, halaman at mga punuan sa dulo at sa bandang likuran ng gusali. 

Tiningnan niya ang kanya relo sa kaliwang pulso. 11:45 PM. 

Hindi napigilan ni Brent ang mapanganga. Where the heck am I?  Nasa ibang mundo ba ako? 

"Halika na, Brent," tawag ni Sik sa kanya nang mapansing hindi na siya nakasunod dito. Naglakad ulit siya at sinundan si Sik papunta sa Clavis hanggang sa makapasok na sila sa loob. 

Pagkapasok ni Brent ay bumungad sa kanya ang spiral na puting hagdanan na may hand rail na gawa sa ginto. Nakita niyang umakyat si Sik at mabilis siyang sumunod. Nang marating ang ikalawag palapag ay iginiya siya ni Sik sa harap ng isa sa mga kwartong naroon. 

Bago binuksan ni Sik ang pinto ay nilingon siya nito saka nagsalita. "Nandito sa loob ang mga kaibigan mo. Maayos na ang kanilang kalagayan pero lahat sila ay nagpapahinga pa. Kaya kung maaari ay makikiusap ako sa inyo na huwag gambalain ang kanilang pamamahinga."

Tumango si Brent. 

Binuksan ni Sik ang pinto. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay nakita ni Brent ang dalawang higaan kung saan nakahiga sina Althea at Glazelyn. Dahan-dahan niyang nilapitan ang mga ito. Sa bawat hakbang niya papalapit ay naramdaman niyang unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib lalo na nang marating niya ang paanan ng dalawang higaan. Sa kinatatayuan niya ay mas naging klaro sa kanya ang sakit at lungkot na mababakas sa mukha ng mga ito kahit nakapikit at natutulog. Sobra siyang na-guilty dahil wala siyang nagawa upang protektahan at ilayo sa panganib ang mga ito. Iniwan niya ang mga ito upang habulin si Jeric. Sarili lang niya ang inisip niya. 

Humakbang pa siya upang lapitan si Glazelyn. Nang mapansin ang pasa nito sa mukha ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Inabot niya ang kanang kamay nito at hinawakan nang mahigpit at gamit naman ang kaliwang kamay ay hinaplos niya ito sa may noo. 

Pumikit siya at huminga nang malalim. Isinumpa niya sa sarili na kung sino man ang mga naka-engkuwentro niya kanina ay sisiguraduhin niyang pagbabayaran ang ginawa kay Glazelyn. 

*******

NAKATAYO sa main terrace na nasa ikatlong palapag ng Clavis si Ephilus. Magha-hatinggabi na pero maliwanag na maliwanag pa rin ang kapaligiran. Tumatakbo ang oras pero walang nangyayaring pagbabago. 

Ito ay dahil walang gabi sa Clavis. Walang sulok na madilim maliban sa bartolina na matatagpuan sa ilalim ng Clavis. Ang pinagsanib na kapangyarihan ng mga Vecrons ang siyang dahilan ng mahikang ito. Sa abot ng kanilang makakaya ay ginawa nila ang Clavis na maging katulad ng Laveris. 

Isang maliit at huwad na Laveris. 

Nilanghap niya ang simoy ng hangin na sapat na upang makapag-isip nang maayos pero kahit kailan ay hindi matutumbasan ang kalidad na katulad sa nasira niyang mundo. 

"Wala ka nang dapat ikabahala, Ephilus," sambit ni Theone na nakatayo sa kanyang likuran. "Sinigurado ko na walang kaalam-alam ang mga tao sa nangyaring kaguluhan sa kanlurang bahagi ng university. Sa pagkakaalam nila ay isang simpleng lindol lang ang nangyari na naging sanhi ng pagsabog at sunog. Nawala rin ang bakas ng kapangyarihan ni Althea pagkatapos siyang kunin ni Andrei sa lugar kaya isang malaking bitak at sunog lang ang naabutan ng 911 team." 

"Paano naman ang mga magulang ng mga bata? Hindi ba sila hinahanap?" 

"Na-retrieve naman ang cellphone nila at pinadalhan ng text ang kaniya-kaniyang mga magulang na maayos naman ang kanilang kalagayan at sila ay mag-o-overnight sa bahay ng isang malapit na kaibigan. Hopefully sapat na ang excuse na iyon." 

Nilingon niya si Theone. "Salamat, kaibigan. Umasa tayong magigising at makakabangon kaagad sila upang hindi na maging malala ang problema." 

"Mabuti na lang at hindi kami nahuli ng dating ni Arleigh," dagdag ni Theone sabay hinga nang maluwag. 

Panandaliang hindi kumibo si Ephilus saka tipid na ngumiti. Ilang segundo ang lumipas ay nakarinig sila ng mga yabag. Pareho silang napalingon ni Theone sa pinanggalingan nito at nakita nila si Arleigh na naglalakad papalapit sa kanila. Tahimik at mabagal ang mga hakbang nito. Bahagyang nakayuko ang ulo na iba sa kinagawian dahil madalas itong nakataas ang noo at mala-reyna ang lakad, kilos at dating.  

"Don't be too hard on her, Ephilus," sambit ni Theone sa mahina at mababang tono. "Aminado ako na nang panandalian ko siyang nakitang nakikipaglaban sa mga reficuls, she was a bit too much. But I think she did great. Ang importante ay ginawa niya ang tungkulin niya." 

Napangiti siya at umiling-iling habang nakatutok pa rin ang mga mata sa papalapit na si Arleigh. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin talagang lubusang kilala si Arleigh, Theone." 

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Arleigh is always too much. And she will always be too much." 

Hindi nakaimik si Theone. Napatingin na lang ito sa pinag-uusapan nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. 

"Kumusta na sila?" May konting pag-aalala na tanong ni Arleigh.

"They're okay. Stable na ang kalagayan nila," sagot ni Ephilus. "Thanks to you."

Kinagat ni Arleigh ang pang-ibabang labi sabay yuko. "I'm sorry." 

Hindi na nagulat pa si Ephilus sa inaakto ni Arleigh kahit na sobrang bihira niya itong makitang ganito. Para itong isang maamong tupa. Dagdag pa na maamo ring tingnan ang magandang mukha nito. Isa ito sa mga bihirang sandali na hindi mo maiisip na mayroong taglay na kakayahan si Arleigh na makapanakit ng iba.

Nilampasan niya ito at tumungo sa mesa kung saan naroon ang isang bote ng wine at tatlong wine glass. "What for? I actually think this calls for a celebration." 

Kahit nakatalikod ay batid ni Ephilus na may dalawang pares ng matang nagtataka ang nakatutok sa kanya. Alam niyang inaasahan ng mga ito na magagalit siya dahil muntikan nang mapahamak ang mga laverians na pinapaligtas niya. 

Ang totoo ay galit talaga ang naramdaman niya nang marinig kay Andrei kanina ang lahat ng nangyari. Pero nakapag-isip-isip na siya. Napagtanto niyang wala naman talaga siyang dapat ikagalit. Bagkus ay dapat pa siyang matuwa dahil umaayon ang mga pangyayari sa plano niya. 

Binuksan niya ang bote at nagbuhos ng wine sa tatlong wine glass. Iniabot niya ang isa kay Theone na tinanggap naman nito. Iniabot niya ang isa pa kay Arleigh pero nagbigay ito ng senyales ng pagtanggi. 

Itinaas niya ang baso niya. "To our heroes, Theone and Arleigh. Thanks for leading the mission. Dahil sa inyo ay tagumpay na nahanap at nailigtas ang ating mga kalahi nang lihim sa mga tao. Cheers!" 

Uminom sila ni Theone habang si Arleigh ay nakatingin lang sa kanya nang may pagtataka. 

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakangiting tanong niya kay Arleigh pagkatapos. "Hindi ka ba natutuwa?"

Ngumiti ito. "I'm glad that I pleased you, Ephilus. Finally! It has been quite a long time, right?" 

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ephilus saka tiningnan nang mataman si Arleigh. "Naiintindihan kita, Arleigh. So, I'm sorry if I have been too hard on you. Humihingi rin ako ng tawad sa mga sandaling nawalan ako ng tiwala sa'yo." 

Hindi kumibo si Arleigh. 

"But now I understand your point," patuloy niya. "You have proven yourself like you always do. And I am impressed. So, thank you." 

Walang pa ring reaksiyon si Arleigh. Blanko ang naging ekspresyon nito. Nawala ang pagtataka sa mukha pero wala ring lumitaw na tuwa. At para kay Ephilus ay hindi na bago ito. Siya lang ang nag-iisang tunay na nakakakilala kay Arleigh dahil siya lang din ang nakakaalam sa tunay nitong pinanggalingan. 

Nilingon ni Arleigh si Theone saka tipid na ngumiti. "Salamat sa suporta mo, Theone." 

"Walang anuman, Arleigh," sagot naman ni Theone sabay yuko nang bahagya. "Basta kailangan mo ng tulong maaasahan mo ako." 

Nagsimulang humakbang paalis si Arleigh. 

"Saan ka pupunta? You won't celebrate with us?" Tanong niya rito. "Hindi mo rin ba hihintaying magising ang mga iniligtas mo?" 

Napahinto saglit si Arleigh. "Hindi na. Uuwi na ako. May naghihintay pa sa akin." 

"Ah, oo nga pala. Your new pet is waiting for you," tukso ni Ephilus na ang tinutukoy ay si Jasper. "Naiintindihan ko na natatakot ka na baka sumunod iyon dito at makulong na naman."

Nilingon siya ni Arleigh. "Don't worry about my only pet, Ephilus. Worry about yours. You now have five, remember?" 

Napatiim-bagang si Ephilus. Ngumisi naman si Arleigh. "Send my regards when they wake up. Hopefully, unlike me, they will be delighted to have you as their master." 

Lumakad na paalis si Arleigh. 

"Mag-ingat ka, Ephilus. May rabies pa sila at hindi pa tuluyang kilala ang bagong amo. Baka makagat ka," pahabol ni Arleigh. 

Bago pa siya nakatugon ay tuluyan nang nawala sa paningin niya si Arleigh. Lumiko ito sa pasilyo na nasa kanan. Iyon ang daanan papunta sa magarang hagdanan ng Clavis. 

"Totoo ba talagang hindi ka galit sa kanya?" Tanong ni Theone na muntik na niyang makalimutan na kasama pa pala niya. 

Nilingon niya ito. "Ang totoo ay marami akong nararamdaman sa tuwing nakikita at nakakausap ko si Arleigh. Anger is just one of them. She can cause mixed emotions and stir you up. At isa lang iyan sa mga talento niya. She's amazing that way." 

"Kung ganoon, totoo ang pagkamangha mo kay Arleigh?"

"Palagi naman, Theone," sagot niya. "She's different. Nakakaramdam ako ng inis, galit, lito, pagkamangha at minsan pagmamahal. Dahil aminin ko man o hindi, palagi kong naaalala si Thaleia sa tuwing nakikita ko siya." 

"Pero nagse-celebrate tayo ngayon. Ibig sabihin ba ay...?"

"I am celebrating because finally hindi na tayo aasa o matatakot kay Arleigh," putol niya. "Her power-tripping ends today. Kinumpirma na sa akin ni Melova kanina na Alzerian sina Althea at Glazelyn."

"So, you're happy because you gained two Alzerians?" 

"Three. Si Arleigh mismo ang nagdala sa pangatlo." Tumawa nang malakas si Ephilus. Matagal.  Napahawak pa siya sa dibdib niya. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling tumawa nang ganito. "Arleigh ended her own regime before it even started. Para siyang nagdala ng mga bato at ipinukpok ang mga ito sa sariling ulo. Ang kanyang pangarap na pamunuan ang mga laverians ay hanggang panaginip na lamang." 

"Pero isa rin siyang prinsesa, Ephilus. Hindi siya basta-basta mapapalitan nang ganoon lang," katwiran ni Theone. 

"Power is status, Theone. Nakalimutan mo na ba ang katotohanang ito?" Taas-kilay na sambit niya. "Kahit sino, basta pinakamakapangyarihan, pwedeng-pwede mamuno." 

"At sino naman itong pinakamakapangyarihan na tinutukoy mo? Sino sa mga Alzerians?" 

Tiningnan niya nang mataman si Theone. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Theone."

Umiling si Theone nang mapagtanto na si Althea ang tinutukoy niya. "No. She's still young. She's immature. She has no experience. Malayong-malayo pa sa kakayahan, experience at galing ni Arleigh." 

"Indeed," pagsang-ayon niya. "Pero aminin mo. Kakaibang lakas ang ipinamalas niya kanina. Nakalikha siya ng isang lindol." 

"Pero ano ang naging kapalit, Ephilus?" Halos sigaw na tanong nito. "Nanghina at nawalan ng malay ang bata! Muntik na siyang mapahamak. Worse, baka ikinamatay pa niya ito." 

"Nanibago lang siya sa kapangyarihan niya, Theone. Hindi siya sanay kaya ganoon ang nangyari," katwiran niya. "Kapag nagising na siya, we will guide and train her katulad ng ginawa natin kay Arleigh noon." 

"It took Arleigh years of guidance and training and she hasn't even maximized her power yet. Or even totally control it." Nilapitan siya ni Theone. "Ikaw na mismo ang nagsabi, Ephilus. We don't have time." 

Tinalikuran ni Ephilus si Theone at humakbang ng ilang metro palayo. "It took Arleigh years because we were lazy. Kararating lang natin noon dito, Theone. Naging kumpiyansa tayo. After all, sino ang mag-aakala na masusundan tayo ng mga reficuls dito sa mundo ng mga tao?" 

Hinarap niya ulit ito. "Pero iba na ngayon. We are in dangerous times, Theone. And there's no greater motivation than fear." 

"Siguraduhin mo lang na para sa ikabubuti ng lahi natin ang plano mo, Ephilus. Kilala kita. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin sa mga mata mo ang matinding galit kay Caine. Sana lang ay hindi mo gamitin si Althea at lahat ng Alzerians para sa sarili mong interes at paghihiganti." 

Hindi nakasagot si Ephilus. 

"And you missed one single detail about Althea," patuloy ni Theone. "Pamangkin ko siya. Kadugo ko. Kaya hiling ko lang na hindi ikaw ang maglalagay sa kanya sa kapahamakan. Kapag nangyari iyon, hindi na kita mapapatawad. Kinuha mo sa akin ang kapatid ko. Namatay siya dahil sa pagtatanggol sa iyo. Hindi na ako makakapayag na mangyari ulit sa anak niya ang nangyari sa kanya." 

"Theone..."

"Ahemm..." Pareho silang napatingin ni Theone sa nagsalita. Si Sik. Ang laverian na alalay ni Ephilus sa mga simpleng tungkulin dito sa Clavis. Hindi kaagad nila napansin ang paglapit nito. 

"Hinihintay na po kayo ng council," sambit nito na bahagyang nakayuko. 

Naunang maglakad si Theone. Sumunod si Ephilus at saka si Sik. Papunta sila sa Great Hall. Nasa ikaapat na palapag ito at dito ginaganap ang mga importanteng pag-uusap ng mga miyembro ng council. 

Lahat sila ay mabilis ang mga hakbang dahil sa pagmamadali kaya hindi nila napansin si Arleigh sa likod ng isang pinto ng kwarto na katabi ng terrace. 

Hindi pala itong tuluyang bumaba at umalis. Nang lumiko sa pasilyo ay umikot ito at pumasok sa kwartong katabi ng terrace gamit ang kabilang pinto. 

Nang tuluyang mawala sa paningin ang tatlo ay umalis na si Arleigh sa kinatatayuan nang nakataas ang kaliwang kilay at nakakuyom ang mga kamao. 

Continue Reading

You'll Also Like

259K 6.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
97.7K 2.4K 20
huwag makulit sa update ha. maiksi lang to. regalo ko na din sa inyo😘
159K 3.9K 23
Hindi lubos akalain ni Emma na sisingilin sila ng kanilang nakaraan matapos ang sampung taon dahil sa pagtawag sa Bloody Mary. Ngayon, buhay nila ang...
152K 4K 32
Behind those sweet little faces and sweet little praises, lies a demon behind them. A reunion that will change their lives. Prepare to scream, to run...