KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)

By writist_j

15.8K 4.9K 270

Si Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng m... More

Welcome to Kingdom of Ivatra
Chapter 1: Kingdom Of Ivatra
Chapter 2: Prince Andrexsel
Chapter 3: Rhia
Chapter 4 : Black Kingdom of Griya
Chapter 5 : Yola and Vire
Chapter 6: Pinuno
Chapter 7: Fear
Chapter 8 : Bravery
Chapter 9: Parusa
Chapter 10 : Kemin
Authors Note
Chapter 11: Panyo
Chapter 12: The Enemy
Chapter 13: Fedrena
Chapter 14 : Ivatran Warrior
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Queen Imarra
Chapter 17: Paglipad
Chapter 18: Outside the Palace
Chapter 19: Magical Flower
Chapter 20: Princess Laraneva
Chapter 21: Haresiya at Haresiyo
Chapter 22: In The Queen's Room
Chapter 23: The Letter
Chapter 24: The Nightmare
Chapter 25: Most Beautiful
Chapter 26: Pagsasanay
Chapter 27: Favorite Song
Chapter 28: Friends
Chapter 29: BestFriend's Secret
Chapter 30: Friends Questions
Chapter 31: Picture
Chapter 32: Pag-uusap
Chapter 33: Mall
Chapter 34: Bisita
Chapter 35: Andrexsel
Chapter 36 : Magical
Chapter 37: Special
Chapter 38: Kakaibang Araw
Chapter 39: First
Chapter 40: Prinsipe
Chapter 41: Kenna
Chapter 43: Inang Reyna
Chapter 44: Garden
Chapter 45: Black Griyan Warrior
Chapter 46: Andrexsel and Rhia
Chapter 47: Happiness and Love
Chapter 48: Decisions
Author's Note
Thankyou Note
Chapter 49: Power
Chapter 50: Pagbabalik
Chapter 51: Bintana
Chapter 52: Si Rhia at ang Reyna
Chapter 53: Ama
Authors' Note

Chapter 42: Pagpupulong

110 20 4
By writist_j

Chapter 42: Pagpupulong

          Dedicated to Mr_Asukal

Rhia's Point of View

Pinipilit ko na ikalma ang sarili ko sa loob ng Venriva Room. Sa mga nasabi ni Prinsipe Andrexsel at sa galit na tingin ni Haresiya Seuneda at Haresiya Arviena.

Natutuwa naman ako sa sinasabi ni Prinsipe Andrexsel na girlfriend niya ko, kahit ngayon sa harapan ng mga Haresiya at Haresiyo ng Kingdom of Ivatra.

Dahil special at mahalaga din siya sa akin tulad ng sinasabi niya kung ano ko sa kanya.

Pero hindi pa naman nagiging opisyal iyon, nanliligaw pa lang siya kung tutuusin hehe.

Pero siguro sa kinikilos din namin, na parang magboyfriend na din kami. Tama lang siguro na sabihin niya na Girlfriend niya ko.

Masasabi kong ang relationship namin kung sa mundo ng mga tao ay parang MU o Mutual Understanding hehe.

Pero may pag-aalinlangan pa rin ako at kaba dahil sa biglaan at nakakagulat na mga aksyon at sinasabi ni Prinsipe Andrexsel.

At kinakabahan ako sa maaaring kahihinatnan nito.

"Lumusob muli ang Black Kingdom of Griya sa isang bayan sa Maviya Mava Country, a-at na-nawawala si Graceno, yan ang dapat nating pagpulungan mga Haresiya at Haresiyo" sabi ni Prinsipe Andrexsel na bakas sa mukha ang kaba at lungkot.

Napatayo si Haresiya Fresca"Na-nawawala si Kuya Graceno, Kelan pa Kamahalan?" tanong ni Fresca na nag-aalala at kinakabahan.

"Ka-Kahapon pa Fresca" sabi ni Prinsipe Andrexsel sa malungkot na tinig.

Hinawakan ko ang kamay ni Prinsipe Andrexsel. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Alam niyo na ba kaagad ito Kamahalan, bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" sabi ni Fresca na di na napigil ang pagluha.

"Pa-patawad Fresca, hi-hindi ko din alam ang gagawin, kahapon tinatawag ko si Graceno, ngunit di siya pumupunta, kaya pinahanap ko siya, at ngayon ay pi-pinapahanap  ko pa rin siya ay hindi pa rin siya mahanap" sabi ng Prinsipe.

Naikuyom ni Haresiya Fresca ang kamao sa galit at lungkot.

"Sadyang pabaya ka Kamahalan, tulad ng pagbabaya mo sa Isren Gena Country, marahil ay busy ka sa pakikipaglambingan sa napakaganda mong nobyang si Rhia" sarkatiko na sabi ni Haresiyo Eridelo.

Nakita kong nagkuyom ang isang kamay ni Prinsipe Andrexsel at bakas sa mukha ang galit kay Eridelo.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumayo ako at nagsalita.
"Alam ko na akoy isang Dasre o Hivre lamang at mababa ang tungkulin kumpara sa inyong mga Irveriz na Haresiya at Haresiyo, pero nais kong ihayag sa inyo ang aking saloobin. Sana ay huwag nyong husgahan ang Prinsipe, base lamang sa inyong naiisip at pagkakakilala sa kanya, Sandaling panahon lamang mula ng siyay aking nakasama at nakilala, pero nalaman ko ang mga problema na iniisip niya at bigat ng kanyang tungkulin bilang Prinsipe na nagpapahirap sa kanyang kalooban. At alam ko ay kaibigan ang turing niya kay Graceno, kaya nalulungkot din siya sa pagkawala nito, maging ako man na napalapit na din kay Graceno ay nalulungkot din sa nangyayari at nag-aalala sa kalagayan ni Graceno. Ginagawa ni Prinsipe Andrexsel ang makakaya niya upang mahanap si Graceno, kaya niya din kayo pinulong uli upang matulungan niyo din siya, at iniisip din niya ang kalagayan ng mga mamamayan ng Kingdom of Ivatra, ginagawa din niya ang makakaya upang matungulan ang kaharian na maging mapayapa at ligtas sa Black Kingdom of Griya , kaya sana ay magtulungan kayo imbes na mag-away-away" sabi ko na pinipigil ang luha na nais pumatak sa mata ko.

Napatingin kami ni Prinsipe Andrexsel sa isat-isa at nagtitigan.

Tumingin muli ako sa mga Haresiya at Haresiyo. Nakita ko ang galit na tingin ni Haresiya Arviena at Haresiya Seuneda sa akin. Si Haresiya Fresca ay pilit na humihinahon. Ang tatlong Haresiyo ay nakatingin lang ng seryoso sa akin.

Hindi ako nagpaapekto sa masamang tingin ni Arviena at Seuneda at tinignan sila ng diretsyo na walang kaba. Magkahawak pa rin ang kamay namin ng Prinsipe.

"Tama ang Hivre ng Prinsipe, Magtulong-tulong tayo" sabi ni Haresiyo Givion na kinagulat ng mga nasa loob ng Venriva Room.

Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya ng seryoso sa akin. Nakaramdam ako ng kaba.

Nagulat ako ng niyakap ako ni Prinsipe Andrexsel. Niyakap ko rin siya.

"Salamat Rhia" sabi ni Prinsipe Andrexsel sa malambing na tinig.

Nakaramdam ng matinding inis at selos si Haresiya Arviena, hindi niya na natiis ang nakikita niyang sweetness namin ng Prinsipe at ito ay nagteleport paalis ng Venriva Room.

Si Haresiya Fresca ay di na napigil ang lumuha dahil sa pagkawala ng Kuya niyang si Graceno.

Kumalas kami sa aming yakap ni Prinsipe Andrexsel pero naghawak ang aming kamay. Nakita namin na wala si Haresiya Arviena at umiiyak si Haresiya Fresca.

Pinilit ko na kumalma, habang si Prinsipe Andrexsel ay nanatiling kalmado.

"Sana ay magtulungan tayo upang masolusyonan ang mga problemang dulot ng ating mga kaaway na Black Kingdom of Griya, Fresca makakaasa ka na gagawin ko ang lahat upang mahanap ang kaibigan kong si Graceno." sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Pinilit ni Haresiya Fresca na kumalma at pinunasan ang mga luha niya.

"Na-nauunawaan ko kayo Kamahalan, pe-pero hayaan nyo muna ako na makapag-isip at mapag-isa" sabi ni Haresiya Fresca at nagteleport ito palabas ng Venriva Room.

Nagulat at nakaramdam kami ng lungkot ni Prinsipe Andrexsel at mga Haresiya at Haresiyo sa naging aksyon ni Haresiya Fresca.

Napatingin kami ni Prinsipe Andrexsel sa isat-isa. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

Hinawakan ng isa kong kamay ang mukha niya. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at pag-aalala, at ayokong nakikita siyang ganito.

Nasasaktan ang puso ko.

Hinaplos ko ang mukha niya "Andrexsel masosolusyunan mo din ang mga problema, nandito ako para sayo" sabi ko.

"Salamat Rhia" sabi niya sa malambing na tinig.

"A-ayokong nakikitang malungkot ka, nasasaktan ako Andrexsel." sabi ko na pinipigil ang luha ko na pumatak sa mata ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat aking Nobya, ang sweet mo, parang kinilig ako" sabi ni Prinsipe Andrexsel at ngumisi. Natawa tuloy ako at namula ang pisngi.

Inalis ko ang kamay ko sa mukha niya at hinampas siya ng mahina sa braso.

"Andrexsel, nanliligaw kapa lang di mo pa ko girlfriend" sabi ko sa mahinang tinig at sumimangot.

"Ganun ba?" tanong niya at ngumisi siya at hinaplos niya ang mukha ko.

Hindi na rin natiis ni Haresiya Seuneda ang selos niya at nagteleport na palabas ng Venriva Room.

Ang tatlong Haresiyo na lang at kami ni Prinsipe Andrexsel ang natira sa Venriva Room.

"Mga babae talaga" sabi ni Haresiyo Venido at tumawa.

"At dahil kayong tatlong walang binatbat sa kagwapuhan ko na lang ang nandito ay maaari na kayong umalis" sabi ni Prinsipe Andrexsel at ngumisi.

"Oo aalis na kami Kamahalan, ayaw ka rin naman naming kausap hahaha biro lang Kamahalan" sarkastiko na sabi ni Haresiyo Eridelo.

Tumawa si Prinsipe Andrexsel. "Hahaha, Eridelo, galit ka talaga sa akin dahil kay Haresiya Seuneda, iyong-iyo yung si Seuneda, di ko naman gusto ang babaeng yun," tumingin siya sa akin at hinaplos niya ang mukha at buhok ko. "lalo na may Rhia na ko, na sobrang special sa akin" sabi niya sa malambing na tinig habang nakatitig sa akin.

"Mabuti naman Kamahalan" sabi ni Eridelo na nakahinga ng maluwag.

Tumingin muli si Prinsipe Andrexsel sa mga Haresiyo.

"Tulad ng sinabi ni Rhia, dapat tayong magtulungan para matalo ang Black Kingdom of Griya at matigil na ang kanilang kasamaan" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

"Makakaasa ka sa aming suporta Kamahalan" sabi ni Haresiyo Venido.

"Mabuti, ikaw Givion wala kabang sasabihin hahaha" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Nakatingin lang na walang emosyon si Haresiyo Givion sa Prinsipe.

"Ok, sige umalis na kayo." sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Umalis na ang mga Haresiyo at naiwan kami ni Prinsipe Andrexsel sa Venriva Room.

Tumitig kami ni Prinsipe Andrexsel sa isat-isa. Magkahawak ang aming kamay.

Ngumisi siya "Tayo na lang dalawa nandito, aking Nobya" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Namula ng husto ang mukha ko at medyo kinabahan. Loko-loko talaga siya.

Nagulat ako at kinabahan ng haplusin niya ang labi ko.

"Hahalikan ko na sana ang lips mo kanina, kundi lang dumating si Fresca at tinawag tayo" sabi ni Prinsipe Andrexsel na seryoso ang mukha.

Nagulat ako at kinabahan ng todo. Ngumisi naman siya.

Tinanggal ko ang hawak ko sa kamay niya at nakasimangot na umiwas ng tingin. Tumawa naman siya.

"Sayang may first kiss na sana ko hahaha" sabi ni Prinsipe Andrexsel at tumawa uli.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat at kaba sa sinabi niya  hahaha. Pulang-pula ang mukha ko.

Tinigil din niya ang pagtawa "Rhia, Special din ba ko sayo?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya.

Haresiya Arviena Point of View

"Ma-Mahal na Reyna Imarra, pinagmalaki ni Andrexsel sa mga Haresiya at Haresiyo na Nobya niya ang Rhiang yun" hinihingal na sumbong ko kay Reyna Imarra.

Sobra na kong naiinis at nagseselos sa mga ginagawa ng aking Nobyo at magiging Asawa.

Dati na niya kong iniinis sa pagiging medyo malapit niya sa malanding si Haresiya Seuneda at paghanga niya sa ganda nito. Kahit sinabi na ng Reyna ang kasal sa akin.

At ngayon ay tila napalapit naman siya sa kabaliktaran ng ganda ni Seuneda. Sa isang napakapangit na babae na ang pangalan ay Rhia.

Gayong ipinamalita na sa buong kaharian ang kasal namin. Ipapahiya niya ko.

At tila mas malaki ang pagtingin niya sa babaeng ito kumpara kay Seuneda, dahil ang Rhia na to ay tinuturing niyang kasintahan at pinagmamalaki pa niya ito.

Bumuntong hininga ang Reyna. "Wala talaga tayong magagawa sa katigasan ng ulo ng nag-iisa kong anak, ng tagapagmana ng trono ng Kingdom of Ivatra." sabi niya na nagpagulat at nagpakaba sa akin.

"A-anong ibig nyong sabihin Mahal na Reyna?" tanong ko na kinakabahan.

"Sadyang nababaliw ata ang anak kong Prinsipe sa babaeng pangit na yun, sa di ko malaman na dahilan, na ang naiisip ko lang ay ginamitan niya ng mahika ang anak ko. Napakagwapo ng anak ko na nagmana sa itsura naming dalawa ng ama niyang si Haring Aradrino. Halos lahat ng babae sa ating kaharian ay gustong maging nobyo at maging asawa ang aking anak. Pero ang nakabihag pa sa kanya ay isang napakapangit na babae na kahit sino ay hindi magkakagusto sa sobrang pangit." sabi ni Reyna Imarra at tumawa pa ito.

"Pero wala tayong magagawa sa ngayon kundi hayaan si Andrexsel sa mga nais niya, upang hindi siya lalong magalit" sabi ni Reyna Imarra na kinagulat ko.

Naguguluhan tuloy ako sa sinasabi ng Reyna.

"A-ano ang ibig niyong sabihin Mahal na Reyna?" tanong ko na kinakabahan.

Bumuntong hininga si Reyna Imarra bago ito nagsalita. "Hindi muna natin itutuloy ang kasal niyo ni Andrexsel." sabi ni Reyna Imarra na gumulat ng husto sa akin.

"Ha?, Ba-Bakit Mahal na Reyna?" tanong ko na kumakabog ang dibdib sa kaba.

"Lalo lang magagalit at magrerebelde si Andrexsel kung pipilitin pa rin natin siya sa kasal niyo, lalo na ngayong nahihibang siya kay Rhia pangit, itutuloy din natin yun sa ibang panahon Arviena, pero sa ngayon ay huwag muna natin itong ipilit sa kanya" sabi ni Reyna Imarra.

Hindi ko pa rin magawang ikalma ang sarili ko.

"Arviena kailangan muna nating gumawa ng mga hakbang upang mawala ang Rhiang yun sa buhay ng anak ko, maging si Haresiya Seuneda. Upang sa ganon ay wala nang humadlang sayo, dahil ikaw na lang ang kailangan niyang piliin, at matutuloy din ang kasal ninyo ng anak kong Prinsipe at magiging Hari ng Kingdom of Ivatra. Ikaw pa rin ang magiging Reyna ng kahariang ito at Reyna ni Andrexsel" sabi ni Reyna Imarra at ngumiti.

Lumiwanag ang aking mukha at nakahinga ko ng maluwag.

"Kamahalan Reyna Imarra, Haresiya Arviena, alam ko na po ang pagkatao ng Rhiang yun na sinasabi niyong nagugustuhan ni Prinsipe Andrexsel" sabi ni Malira, Ikatlong Punong Maraseris na sumulpot sa kwarto ng Reyna kasama si Erka.

"Base sa picture ni Rhia na pinakuha niyo kay Fedre Erka sa kwarto ng Prinsipe na ginamitan ko ng mahika. Ay lumabas sa aking isipan ang imahe ng mundo ng mga tao na matagal na naming pinag-aaralang mga Maraseris" sabi ni Malira at ngumisi.

"Galing sa Mundo ng mga tao si Rhia" sabi pa ni Malira.

Gulat na gulat at naguguluhan ako at si Reyna Imarra sa narinig.

"Mundo ng mga tao ano iyon Malira?" tanong ko.

"Mundo ng mga Mortal at mga walang kapangyarihan" sagot ni Malira.

writist_j

Continue Reading

You'll Also Like

554K 17.9K 161
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with the heavenly space soul penetration...
447K 24.6K 166
Featured at Wattpad's Editor Picks list. Luna, an overworked Engineer, had an unfortunate end. Her spirit, feeling wronged, fights Death for a second...
2.3K 341 23
Mula sa pagmamalaki ng kanyang angkan, naging dulo ng biro si su Mo sa loob ng ilang minuto. Ang dating King of Mercenaries from Earth ay muling isin...
70.6K 1.9K 77
Draco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven gir...