Kung Ika'y Mawawala [complete...

By walangmagawa1210

1.3M 28.2K 1.5K

Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 ye... More

Kung Ika'y mawawala [Altamerano brothers series book 1]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 (FINAL)

chapter 18

29K 710 23
By walangmagawa1210

Date uploaded - 12-20-14

AN - Hello people! malapit na po ang pasko! regalo ko! hahahahah! jowks lang.. nway, announcement lang po. sa Monday na po ang meet up natin sa tramway Roxas Blvd. (Tama ba? sana naman tama ako! hahhahaa!) If you want to join us... please coordinate with Ms Jhez hernandez, ang pinakamasipag na organizer ng group! Please try to find - walang magawa book compilation group and falcon university group for more details. palagi din naka-OL doon si Jhez kaya pwede nyo syang tanunging.

Pagpasensyahan nyo na rin ang very slow updates ko dahil tambakan ng bonggang bongga ang trabaho ng lola nyo. :)

Chapter 18

Ysabelle

"Aldrin?" Tumingin ako kay Aldrin habang nagmamaneho nya pabalik ng condo. Hindi na kami nagtagal sa bahay ni Kirsten, I mean bahay pala namin, dahil alam kong hinahanap na ako ngayon ni Clyde. Hindi naman ako nakapagbilin kay Maria na gagabihin ako.

"May sasabihina sana ako sa 'yo."

Paano ko ba sasabihin sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Kirsten na pumayag na akong sa bahay na namin kami titira ni Clyde. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon nya sa desisyon ko. He has done so much for us and I don't want to sound ungrateful.

"I really hope you don't mind."

Tumingin sya sa akin at nginitian nya ako na bigla namang ikinalukso ng dibdib ko! Gosh! He really has a captivating smile! Nakakainis naman at na-d-distract ako sa kanya. Bakit ba naman kasi ako angkaroon ng gwapong boss? Hindi lang gwapo, considerate and caring and... The list just goes on and on. And the more that i knew him, the more that I'm impressed. Mas lalo na nitong lumipat kami sa Manila. noong nasa Cebu kasi kami, hindi naman masyadong personal ang pagkakakilala namin sa isa't isa, but now.. Mas naging open kami sa isa't-isa, mas lalo na ngayong nagkakaroon ako ng identity crisis. Sobrang nahihiya na nga ako sa kanya, dahil parang hindi na boss ang trato ko sa kanya. He's more than that to me. Hindi ko rin ma-identify. A friend? I think it's more than that. Hindi ko namang masabing best friend dahil iyon naman daw ang papel ni Shaun.

A basta! What I know right now is he is someone that I can trust. At alam kong maipagkakatiwala ko sa kanya ang buhay ko, pati na rin si Clyde.

"Parang nahihirapan kang sabihin sa 'kin? Is it something to do with Kirsten?"

"Well, yeah.Sort of."

Tinignan nya ulit ako. He gave me a thoughtful look.

"Hindi ko alam kung anong napag-usapan nyo kanina, pero may kakaiba akong nakita sa 'yo noong sonundo ka namin. Parang medyo umaliwalas ang mukha mo. May mga naalala ka ba kanina?"

"I remembered a lot. Naalala ko ang tungkol sa magulang ko. And I actually remembered their faces even without seeing their pictures!"

"Hmmmmm, malaki pala ang nagagawa ng environment para bumalik ang ala-ala mo. Frans... Or, am I suppose to call you Ysabelle right now?"

Tinitigan ko sya. I can still see myself as Francine, but I can't deny that I am really Ysabelle. Mas lalo na ngayon na unti-unti ng nabubuo sa isip ko ang nakaraan ko.

"Aldrin, maybe you can still call me Francine. " nagkibit balikat ako, " i don't know.... Dahil siguro na nakilala mo ako bilang si Francince. And I guess that it's something that we can both share. "

Ilang segundo din syang hindi nakapagsalita. "You're right, kahit na malinaw na ikaw nga si Ysabelle, you will always be my Francine."

My hear skipped a beat with that "my" thing that he said! Nararamdaman kong umiinit ang mukha ko at laking pasasalamat ko at madilim ang paligid at hindi nya nakikita ang pamumula ng mukha ko!

"And, what is it that you want to tell me?"

Muntik ko nang makalimutan ang dapat kong sabihin sa kanya! Ok, so maybe, I just have to go straight to the point. Hindi naman absurd ang sasabihin ko sa kanya. And I'm sure that he'll understand.

"Aldrin, Kirsten asked me to move in with her. And I said yes."

Bigla syang napapreno! Mabuti na lang at naka-seatbelt ako, kung hindi wasak siguro ang noo ko kapag sumalpok ako sa dashboard!

"ALDRIN! What the heck!"

Mabuti na lang din at madalang ang sasakyan at hindi kami napahamak.

"I'm sorry about that. Nabigla lang ako. "

Itinabi nya yung sasakyan at pinatay ang makina at humarap sya sa akin.

"Look Frans, don't get me wrong. Hindi sa ayaw kong lumipat ka sa bahay nyo. But the place looks abandoned. Kung hindi lang nakatira si Kirsten doon, pwede ng pumasang hunted house yon."

"Sobra ka naman! Hindi naman. Well, yeah, medyo napabayaan nga sya. And I guess it needs a lot of work and a lot of furnitures to fill it in before we can call it homey."

"Hindi rin natin nalibot ang ibang mga kwarto, baka walang mag-fit na space doon para kay Clyde. Isa pa, mas malayo iyon sa school nya."

"Marami namang mga kwarto doon, I'm sure isa doon magugustuhan ni Clyde. Kung wala pang furnitures, may konti naman akong naipon, maybe I can buy a bed for him for the meantime. Then the rest, pag-iipunan ko na lang. About the school, pakikiusapan ko na lang yung school service nya na doon na sya ihatid at sundo. kung hindi naman pumayag, maghahanap na lang ako ng iba. "

"How about your security? Well, the neighborhood is decent enough pero hindi kasing secured sa condo. I will feel so much better if you'll be staying there."

Hmmmm.. Paano ko ba sya makukumbinsi? Sa tono ng boses nya ay malamang na hindi nya ako payagan.

"You have nothing to worry about. Desente ang village na yon at may mga security naman. Magkaroon man ng aberya, isang tawag lang siguro sa guardhouse, may darating ng security."

"That is, kung may telepono. And how many minutes before the security can come to your rescue? So many things can happen in just 10 minutes!"

"Teka wait lang, wag kang maparanoid. Wala naman sigurong pwedeng mangari na kakailanganin naming tumawag ng security. We'll be safe there."

"I'm not paranoid, I'm just being relistic...." May sasabihin pa sana sya pero itinikom na lang nya ang bibig nya. Nakikita ko sa mukha nya ang pag-aalala na hindi ko naman maintindihan. We have been living by ourselves for the past couple of years. Naiba lang ang environment naming ngayon, but Cebu is also a city at maski paano ay nakapag-adjust na rin kami dito sa Manila. Actually, mas feeling at home pa nga ako dito sa Manila dahil siguro, dito talaga ako nakatira.

"Aldrin, gusto ko naman din talaga doon sa condo, at sobra akong nagpapasalamat dahil pinatira mo kami doon..."

"Pero?"

Mukhang nababasa na nya ang nasa isip ko at napangiti na lang ako.

"Pero, maraming bagay akong naalala sa bahay na 'yon. Although at first, parang walang pumapasok sa isip ko, pero noong nag-uusap na kami at nakita ko ang mga pamilyar na lugar ng bahay ay unti-unting pumapasok sa isip ko ang mga bagay na nangyari doon sa bahay na yon. "

Tumingin sya sa malayo at parang nag-isip ng malalim. I think he's already considering it. Kailangang magatungan pa.

"At siguro mas dapat na nandon ako, dahil kailangan din naman ng kasama ng kapatid ko. Mas nakakatanda ako sa kanya at marami na syang pinagdaanan. She needs me. Kahit na mukha syang palaban at matapang, deep inside, she's just trying to be brave."

Hindi pa din sya nagsalita matapos ang speech ko. Pero kahit na anong mangyari, whether payagan nya ako o hindi, buo na ang loob ko na lilipat kami.

"I just want you to know that I'm not all out on your decision. Mas gusto ko pa din na nasa secure na lugar kayo ni Clyde. Pero mukhang wala na akong magagawa at buo na ang desisyon mo, and all I can ever do is support you."

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya!

"Thank you Aldrin, this really means so much to me!"

Naramdaman ko ang pag hawak nya sa likod ng bewang ko at bigla akong na-concious! Nawala pala ako sa sarili ko at masyado naman akong naging forward!

Mabilis na tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at umupo ako ng tuwid at tumingin ng diretso sa malayo. Kung kanina parang nangangamatis ang mukha ko, ngayon naman ang pakiramdam ko ay para ng nagiging prunes ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan sa inasal ko! My Gosh! Ano ba naman ako at masyado na ata akong nagpapaka-FC! Parang hindi ko na sya matititigan ng maayos nito! NAKAKAHIYA!

Pinaandar na ulit ni Aldrin ang sasakyan. Ng alam ko na nag-co-concentrate na sya sa pagmamaneho ay sinilip ko sya sa gilid ng mata ko. There is this huge grin on his lips and a feeling of satisfaction is written all over his face.

Please naman Lord, burahin nyo na po sa isip nya ang pagkakawala ko sa sarili ko kanina!

Mabuti naman at mukhang walang balak si Aldrin na pag-usapan ang inasal ko kanina, at ibinalik nya sa usapang lipat bahay ang pagtatanong nya.

"So when are you planning to move back to your old house?"

"As soon as possible. Magsisimula na siguro kaming mag-empake habang inaayos ko ang paglilipatan namin. Kailangan kong mamili ng ibang mga gamit. But, I will do all that after work." May sasabihin sana sya pero inunahan ko na sya. " Hindi ako papayag na mag-absent na naman ako. I've seen your workload. Alam ko na kailangan mo na ako sa trabaho at hindi ka lang nagsasalita. "

"I won't deny that. Pero ngayon na kailangan mong maglipat, I can always make an exemption."

"No, no more leaves. Hindi naman sa naaawa ako sa 'yo." Medyo napatawa sya sa sinabi ko. " Well, I also need the money. Nakita mo naman na matindi-tinding renovation ang kailangan ng bahay. "

"you know that money is not a problem Frans..."

"At hindi naman ako papayag na panghabang buhay na nakasandal kami sa 'yo. Ayoko ng madagdagan pa ang kakapalan ng pagmumukha ko. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko ay punong puno na ng kalyo ang mukha ko dahil halos lahat ay ikaw ang gumastos."

"Walang problema sa 'kin..."

"Sa akin meron. Ayokong isipin ng mga tao na tine-take-advantage ko ang kabaitan mo sa amin."

"Frans, we both know that that is not true. Alam mo ang totoo at alam nating dalawa na hindi ka ganon."

"Oo, pero ayokong isipin ng mga tao na ganon ako. I want to have a good reputation for the sake of my son. I hope you understand."

Hindi na naman nagsalita si Aldrin at pagtingin ko sa kanya ay parang medyo nakasimangot sya.

"Ok, sige. But just take the day off tomorrow pati na rin sa susunod na araw, para maayos mo ang mga bagay sa paglipat nyo. "

"Kahit bukas lang ako a-absent ay ok na. Maghahanap lang ako ng school service ni Clyde na papaya na maghatid sundo sa kanya sa bahay namin. Ang of course yung ibang gamit na kakailangan ni Clyde at paniguradong wala syang magiging kama don. "

"You can take the beds and the other furniture that you need."

"Wag na."

"I insist." Medyo parang naiinis na sya. "Kung hindi mo tatanggapin, sesesantihin na kita!"

Napatingin akong bigla sa kanya. " Ang taray naman! O sige na! Sige na!"

Napangiti na sya. " Good."

***

"Goodbye! Thanks for everything!" Bumaba na ako sa entrance ng condo. Gusto pa nga nya akong ihatid mismo sa unit pero nag-insist na ako na wag na dahil kitang kita ko naman sa kanya na pagod na sya. Pumayad din, matapos ang san damakmak na pagtanggi ko.

Medyo late na, I just hope na napatulod ni Maria si Clyde. Hindi kasi mapakali yon hanggat hindi nya ung nasaan ako, hindi ko naman nagawang magpasabi kung nasaan ako.

Sobra akong na-e-excite sa paglipat namin. It feels like I'm coming home! Sana lang ay magustuhan ni Clyde ang bago naming titirhan. May point din naman si Aldrin na para ngang abandoned house yung bahay namin. Sobrang napabayaan. I can't blame Kirsten for that. Naiwan syang nag-iisa, at who knows kung anong mga pinagdaanan nya noong mga panahon na yon. She has to take care of herself on her own. Mabuti nga at hindi nya binenta ang bahay kahit na nasa kanya na ang karapatan para gawin ang gusto nya sa property. But she chose not to sell it for sentimental reasons? I don't know, pero kahit na ano pa ang rason nya ay nagpapasalamat ako dahil hindi nya pinakawalan ang bahay.

Habang hinahanap ko ang susi ng unit sa bag ko ay pinakikiramdaman ko kung gising pa si Clyde. Mukhang tahimik naman sa loob. Baka nga napatulog na ni Maria ang bata. Mabuti naman at maaga pa ang pasok nya bukas.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko sa nadatnan ko! Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa dalawang taong nakasalampak sa sala. Never in my life would I have expected the scene that I am witnessing right now. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman ko ngayon. Maiinis ba ko, magagalit o matutwa? Pero sa ngayon ay parang natutunaw ang puso ko at halos mangilid-ngilid ang luha ko.

Si Clyde ay tulog na tulog na nakahiga sa lap ni Spencer. At si Spencer naman ay nakasandal sa salas at tulog na tulog din, nakayakap pa sya sa bata, as if he's protecting my son. What touched me most is the grin on Clyde's face. Na para bang masayang-masaya sya.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 1K 22
Hindi pinangarap ni Francesca ang maging bida. She's a Hufflepuff. She doesn't like adventure in her own life, she likes to keep everything peaceful...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
502K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...