Taming the Heat (La Grandeza...

Von JosevfTheGreat

2.1M 54.2K 31.2K

To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the id... Mehr

Announcement
Taming the Heat
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
La Grandeza Series #3
Special Chapter
Special Chapter [Christmas Special]

Kabanata 2

54.4K 1.3K 472
Von JosevfTheGreat




Hope so

Nagising ako dahil sa mga ingay na galing sa labas ng aming bahay, alas siyete pa lang ng umaga at maya-maya pa ang pasok ko mga alas nuebe.

Hindi kalakihan ang bagay namin pero pinamana raw ito ng lolo ko sa side ni Daddy pero hindi pa fully bayad ang lupa namin pero may nakatayo na ang bahay namin.

"Ma, asaan po si Kuya?" sabi ko kay Mama na naglalagay ng mga plato sa hapagkainan.

"Pinabili ko si Thomas ng kape ro'n sa tindahan, halika na rito kumain ka na para makaligo ka na..." ani Mama kaya tinali ko ang buhok ko.

Napatingin ako kay Papa na galing sa kusina at dala ang isang mangkok ng hiwa-hiwang mga hotdog. Mukhang ginisa niya 'yon at may kasamang sibuyas.

Naupo na rin ako nang umupo na si Papa sa isa sa mga upuan sa aming lamesa.

Simula nang nawalan ng trabaho si Mama ay mas naging simple na lang ang aming pamumuhay. Tanging ang pagta-trabaho na lang ni Papa sa isang hotel bilang isang manager ang bumubuhay sa amin.

College na si Kuya at scholar siya sa Far Eastern University, dahil na rin sa pagiging atleta niya. Ako ay hindi ko pa sigurado kung saan ako magco-college, pero sa tingin ko ay sa public na lang ako mag-aaral at magsusunog ako ng kilay para lang makapasok sa magandang unibersidad.

Palaging sinasabi sa akin ni Kuya na hindi raw biro ang college kaya dapat ko itong seryosohin, seryoso naman ako sa aking pag-aaral at hindi ako nawawala sa listahan ng mga honors. Simula noong elementary ako hanggang ngayong 3rd year ako ay na sa honor pa rin ako.

Marami akong pangarap para sa pamilya ko, gusto kong maiahon sila Mama rito. Hindi rin kagandahan ang lugar namin, maraming mga dikit-dikit na bahay malapit sa amin at tanging ang lupa lang na ito kung saan nakatayo ang aming bahay ang may parte kami dahil nakabayad na rito.

Masaya na ako sa simpleng buhay, hindi na ako naghahangad ng masyadong magarbong pamumuhay. Ang tanging pinaka gusto ko lang ay mas maging maayos kami at maka-alis kami rito sa bahay na 'to, makalipat man lang sa mas maayos na subdivision o makapagpatayo ng mas maayos na bahay.

Bungalow lang ang aming bahay at hindi pa kalakihan ang loob. Masaya na ako sa kung anong mayroon kami pero hindi rito natatapos ang gusto kong marating ng pamilya ko.

Gusto kong matupad ko ang lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko at para na rin sa sarili ko. Whatever it takes, if it's for family... gagawin ko.

Napatingin ako kay Kuya nang pumasok siya sa bahay at dala na niya ang apat na sachet ng 3 in 1 na kape.

Ngumiti siya akin at ginulo pa ang aking buhok. Kaya ngumiti lang din ako pabalik sa kaniya.

Tinimpla niya muna 'yon para sa amin bago umupo sa tabi ni Mama.

"Kumusta naman 'yung sa inaaplyan mo ro'n sa La Grandeza, Thomas?" ani Papa kaya napatingin ako kay Kuya na sumisimsim ng kape.

La Grandeza? Taga roon si Ross, 'di ba?

"Okay naman po, kaso kailangan daw po muna maka-graduate ako bago nila ako tanggapin. Maganda raw ang qualities ko at pasok ako bilang isang manager. Pero kailangan muna nila ng diploma kasi isa 'yon sa mga requirements nila..." sabi ni Kuya.

Ngumuso ako. "Saan ka ba mag-aapply?" sabi ko.

"Sa Casa Aqua, isang resort. Mabait naman 'yung may-ari kaya sigurado na ako na roon ako magta-trabaho kapag ka-graduate ko. Mataas ang sweldo, 50,000 pesos per month kaya talagang quality ang hinahanap nila sa mga workers..." tumango-tango ako sa sinabi niya.

Maganda pala ang gano'ng trabaho at mataas ang sahod. Kung mag business management na lang din kaya ako sa halip na fine arts? Bigla akong nagdalawang isip kung ano ang kukuhanin kong course, gusto ko o mas makakatulong sa pamilya ko?

"Kung mag-business management na lang din kaya ako?" sabi ko kaya kumunot ang noo ni Kuya sa 'kin.

"Ituloy mo 'yung gusto mo, Cari... ako na ang bahala." Napasinghap ako habang nakatingin kay Kuya na galit ang ekspresyon.

Gusto niya ipagpatuloy ang pangarap ko. Ayaw niyang maging praktikal ako... sundin ko raw kung ano 'yung sinasabi ng aking puso at siya na raw ang bahala sa gastusin ko.

"Kuya, mahal ang tuition ng fine arts..."

"You can study sa UP Diliman, 40,000 pesos lang ata ang tuition do'n. Mapagiipunan naman 'yon or you can apply for a scholarship. Matalino ka, Cari... alam kong kaya mo 'yon," aniya.

Bigla rin tuloy akong napaisip kung itutuloy ko ba ang fine arts o hindi. Mahal ang tuition at paano pa 'yung mga materials na kakailanganin sa pag-aaral ko? Masyadong mahal 'yung gusto ko at baka hindi kayanin ni Papa at ni Kuya.

"Ituloy mo 'yon, Cari... susuportahan ka namin ng kuya mo..." sabi ni Mama kaya ngumiti ako.

"Ma, binabayaran pa 'yung bahay. 'Yung pang araw-araw pa nating pang gastos dito sa bahay, tapos ang mahal ng kukuhanin kong course? Sabihin na natin nakakuha nga ako ng scholarship, paano na 'yung mga iba ko pang kailangan sa pag-aaral ko?" sabi ko kaya huminga nang malalim si Mama.

"Anak, sayang ang talento mo sa pag pinta. Nakikita mo ba ang pader doon sa covered court? Kumita tayo ro'n dahil sa pagpinta mo. Hinangaan ka ng mga tao at ang maganda pa ro'n ay nagamit mo ang talento mo... masaya ako para sa'yo anak sa mga simpleng bagay na nagagawa mo, bawat hakbang mo patungo sa pangarap mo... kaya ituloy mo 'yan, gagawin namin ang lahat para suportahan ka..." sabi niya at nangingilid pa ang luha sa kaniyang mga mata.

Napatingin ako kay Papa nang bigla siyang mahinang tumawa.

"Matalino kang bata, Cari... mataas ang pangarap namin sa'yo kaya ituloy mo 'yan..." sabi ni Papa at matamis na ngumiti.

Matapos kumain ay napuno lang ang hapagkainan namin ng usapan tungkol sa aking kursong kukuhanin. This is practicality over passion, I can be practical with my passion pero kung talagang kita ang usapan... kailangan kong pumunta sa industriya kung saan mas sigurado ang pera.

Naligo na ako at naghanda para aking pagpasok. Isinantabi ko muna ang mga pagaalala ko sa kursong kukuhanin ko. I still have 1 year to think...

Kapagkalabas ko ng bahay ay laking gulat ko nang nakita ko si Ross nakapamulsa at magulo pa ang buhok. Ngumiti siya kaya parang binaril ang puso ko nang nakita ko ang kaniyang matamis na ngiti, he looks good lalo na kapag ngumingiti siya.

"Anong ginagawa mo rito?"sabi ko at binuksan ang gate namin na hindi katangkaran at hindi rin kalapadan.

"Fetching you? I guess..."

Umirap ako. Malay ko ba kung sinusundo niya ako o may kailangan siya sa akin. Pero mas malaki ang posibilidad na sinusundo niya ako.

"First time, ah?" sabi ko at pinanliitan siya ng mga mata.

He chuckled. "I am courting you, Cari... I might as well do my job as your future boyfriend..."

Pinigilan ko hindi kiligin pero uminit ang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagbitbit no'n.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle ay bigla siyang nagsalita, "I haven't yet seen your parents, where are they?" aniya.

"Nasa loob lang sila. Bakit?" sabi ko at umangat ang tingin sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nakapamulsa.

"I want to ask their permission, if I can court you..." nilingon niya ako at mapupungay ang kaniyang mga mata.

Napalunok ako sa sinabi niya. Paano kapag hindi pumayag sila Mama na magkaroon ako ng boyfriend?

Tumawa ako nang mahina. "Nakakatakot naman 'yan. Paano kapag hindi sila pumayag?" sabi ko kaya kumunot ang noo niya.

"Why, aren't you yet allowed to have a boyfriend?" he asked.

"Hindi ko alam, ikaw pa lang naman kasi 'yung manliligaw sa akin... tapos tatanungin mo agad 'yung mga magulang ko nang deretso kung puwede bang manligaw," sabi ko pero napakagat ako sa ibaba kong labi nang nanatili ang kanyang seryosong ekspresyon.

"I am sure papayag sila and if ever, they didn't... I can wait until you are ready..."

Napatahimik ako sa sinabi niya pero I don't know yet kung anong isasagot ko sa kanya. We are still too young for serious relationship and this is just puppy love na nararanasan ng mga teenagers.

We are in that stage at hindi ko gustong madaliin ang sarili ko sa ganitong field. I want to finish my studies without anything or someone being a hindrance to my dream for myself and for my family.

I am sure na maaaring makaapekto ito sa aking pag-aaral pero I want to be with Ross. I want to be his girlfriend... pero kung hindi pa puwede ngayon ay hihintayin niya naman ako, 'di ba?

Kapagkarating namin sa sakayan ay inalok agad kami ng isang tricycle driver kaya naman sumakay na kami.

Habang nas tricycle kami ay naamoy ko ang kanyang pabango. Gustong-gusto ko talaga 'yung amoy ni Ross. Parang siya na 'yung pinakamabangong lalaki na naamoy ko.

Para akong nanginig nang hinarap niya ang kanyang ulo sa akin and we are so close... para akong hihimatayin sa lapit ng mukha niya sa akin.

"Hey... I am just wondering kung ano ang mas prefer mo, do you prefer me to smile more often or not?" seryoso niyang tanong kaya napalunok ako nang basain niya ang kaniyang labi.

"Uh... you look better kapag nakangiti ka, so I prefer you to smile more often..." bahagya siyang napanguso at ngumiti.

"Okay then, I will smile more often... I look better pala sa mga mata mo e," aniya at ngumisi nang nakakaloko.

Uminit ang pisngi ko at umirap. Simple lang naman 'yung mga salitang ginagamit niya pero bakit sobrang lakas ng impact sa puso ko? Parang sa bawat binibigkas niyang mga salita at sa tuwing naririnig ko 'yung boses niya para akong paulit-ulit pinapana ni Kupido.

Pagkarating namin sa school ay kumunot ang noo nang ibang mga nakakikita sa amin. Kilala na nga si Ross dito sa school dahil sa pagiging player niya pero nakakapagtaka naman na sa akin siya bumagsak.

Sa isang simpleng babaeng katulad ko. Hindi niya pinapansin 'yung mga nadadaanan namin na masama ang tingin sa akin at sa halip ay inilapit niya pa ako sa kanya.

"Don't mind them. Just focus on me, Cari..." Ngumiti siya sa akin at bahagyang kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga..." mas lumapad ang ngisi niya atsaka kinagat ang kaniyang ibabang labi.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya bahagya akong napatungo dahil gusto kong tumili pero sa kaloob-looban ko muna, ire-reserve ko na lang kapag may chance na akong tumili.

Nagtuloy-tuloy lang ang pangliligaw sa akin ni Ross. Mas lalo ko na siyang nagugustuhan dahil malinaw na kung ano ang mayroon sa amin at hindi na ako nagdadalawang isip kung ano ba kami.

Mas clingy siya sa akin. He really likes to hold my hand a lot kahit saan kami pumunta at kung minsan naman ay hinahakawan niya ang baywang ko. Sumasandal din siya sa balikat ko habang nagbabasa kami ng libro sa soccer field.

"Hey, Cari... do you believe in aliens?" Kumunot ang noo ko at tiningnan siyang nakahiga sa aking lap.

Ngumuso ako at pinaglaruan ang kaniyang buhok. "I don't know if they do exist but you don't need proof for you to believe to something, as long as you believe... it is enough proof to make it real..."

Ngumisi siya. "Cool, we have the same mindset..." aniya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng Pet Sematary ni Stephen King.

"Pupunta ba ako sa condo mo mamaya? Mag-aaral pa tayo sa exam para bukas 'di ba?" sabi ko kaya nalipat ang tingin niya sa akin.

"Yeah, bakit bawal ka ba? Pwede kitang ipagpaalam kung gusto mo..."

"Wala naman sila sa bahay. Si Kuya lang ata ang nando'n... umuwi ng probinsiya si Papa atsaka si Mama at dahil may pasok pa kaya nagpaiwan si Kuya para may kasama ako," sabi ko.

"Okay then, tell your Kuya na pupunta ka ulit sa condo ko but can you sleep there? Nabitin ako sa pagyakap sa'yo kahapon kasi bigla kang umalis..." aniya at parang nalungkot.

"'Yan ang dapat kong ipagpaalam. You're a guy and you're courting me. Malamang ang iisipin ni Kuya ay may mangyayari agad..." sabi ko at tumawa.

"I won't do that with you until we are both ready for that, masyado pa tayong bata para ro'n... I respect your boundaries, marami ka pang gustong gawin sa buhay mo... and that might or could ruin it, right?" aniya kaya napangiti ako.

Ito 'yung gusto ko kay Ross. He's so matured. Ang caring niya, clingy pero his mind is broad. Hindi niya nilo-look up lang 'yung mga possibilities, but he prevents it as long as he can. If we have sex, maaaring mabuntis nga ako and that's too much risk...

Though, wala pa naman sa isip ko na gawin 'yon. I can't even imagine na I am doing that. I want to do it with Ross pero in the right time... hindi 'yung mamadaliin ko ang lahat dahil lang sa pagkagusto namin sa isa't isa. Ross taught me to take everything slow because everything falls at the right time if it is destined to happen.

"Helena is jealous. 'Di ba siya 'yung kaklase ni Ross na crush ng bayan?" sabi ni Cassie.

Andito kami ngayon sa canteen at hindi sabay ang lunch namin ni Ross kaya mamaya pa kaming uwian magkikita. Pumasok na nga kami kanina ng maaga para mag-spend time together at mamaya naman ay pupunta ako sa condo niya.

Dino hissed. "Kayo na ba ni Ross, Cari?" sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Umiling ako. "Not yet, bakit ano bang problema no'ng Helena?" sabi ko.

"She's jealous dahil daw nalalamangan siya ng isang pipitsugin na babaeng katulad mo. Duh, doon na lang ba nababase ang class ng isang tao? Having a respect to yourself is already showing your class at kahit gaano pa kaganda ang mga gamit niya, if she doesn't have manners, class doesn't need her," ani Raflesia at umirap.

"Ano naman ang gusto niyang ipalabas na siya lang karapatdapat para kay Ross?" sabi ni Cassie atsaka napangiwi.

"Alam niyo, huwag niyo na 'yon isipin... she's just insecure dahil si Cari ang namataan ni Ross and wala siyang magagawa ro'n... " sabi naman ni Lucas at uminom ng kanyang soda.

"Do you really like Ross?" Napatingin kaming lahat kay Dino na seryoso pa rin.

Nagtiim bagang ako at ngumiti. "I like him and bahala 'yon si Helena kung anong gusto niyang isipin sa akin. I am too busy para bigyan siya ng oras ko," sabi ko.

"Since Ross started to court you ay parang nawawala ka sa focus. You're always spacing out... masyado ka nang nagii-spend ng oras kasama si Ross instead of us," sabi ni Dino.

"Dino... just let her be happy with Ross..." sabi ni Cassie.

"Dude, you sound bitter... chill out. Ross is a good guy at hindi niya naman sasaktanan si Cari... Lagot siya sa atin kung sasaktan niya," sabi ni Lucas at inagat ang kanyang kilay sa akin.

"Ross won't hurt me, atsaka stop it na... I want to spend more time with him dahil gagraduate na siya at 2 months na lang ang natitira, so please bear with me..." sabi ko.

Umigting ang panga ni Dino at tumayo. "Mag-cr lang ako," malamig niyang sabi.

Kapagkaalis ni Dino ay isa-isa kaming napasinghap.

"Pabayaan mo na si Dino. Alam mo naman na gustong-gusto ka niya... hindi mo siya pinayagan manligaw sa'yo dati tapos si Ross ay pinayagan mo, so he's affected..." sabi ni Raflesia.

"My twin likes you so much. Palagi siyang nagagalit kapag nakikita niya kayo ni Ross na masyadong sweet kaya lumalayo na lang siya palagi... He's trying to accept it pero ayaw niya pa," sabi naman ni Lucas habang nakahalukipkip.

Alam kong gusto ako ni Dino pero I can't reciprocate his feelings dahil si Ross ang gusto ko. I like him more than I like Dino... para sa akin, Dino is just a close friend at hanggang do'n na lang 'yon.

Pumatak ang uwian at nasa gymnasium sina Raflesia, Cassie at Lucas para sa pinapaasikaso sa kanila ni Mr. Magnate kaya kami na lang ni Dino ang natirang naglalakad papalabas ng school.

Sa field na lang namin hihintayin sina Raflesia at kung andiyan na si Ross ay mauuna na ako.

Tiningnan ko si Dino na seryoso lang na nakatingin sa daan and he looks mad.

"Dino..."

Umigting ang kanyang panga at nilingon ako. Inangat niya ang kanyang kilay.

"Are you mad?" bakas sa aking boses ang takot.

Umiling siya. "I am not. I am just jealous..." aniya at umiwas agad ng tingin.

"Don't be—" Napatigil ako sa pagsasalita nang narinig ko ang boses ni Ross mula sa aming likuran.

"Cari!"

Lumingon kami ni Dino at nalukot agad ang mukha ni Dino. Sa tingin ko ay mas lalo siyang nagalit.

"We can't even have our simple conversation..." bulong niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi.

"Nagpaalam ka na ba?" sabi ni Ross.

"Magpapaalam pa lang, uwian niyo na?" tanong ko kaya tumango siya.

"Gusto mo ako na magpaalam? Bigay mo na lang number ng Kuya mo sa akin..." aniya at napatingin ako kay Dino na nakahalukipkip.

"Saan kayo pupunta?" sabi ni Dino.

"Sa condo ko. Magre-review kami para sa exam..." ani Ross at ngumiti.

Dino doesn't hate Ross, he just hate the fact that Ross and I have this connection that we never had.

"His brother won't allow her, unless kung kami ni Lucas ang kasama niya..." ani Dino kaya napatingin ulit sa kanya si Ross.

Tumakas lang kasi ako kagabi at hindi ako nagpaalam. Sina Dino lang kasi ang kilala ni Kuya na mga kaibigan ko at buo na ang tiwala niya sa mga 'to kaysa kay Ross na manliligaw ko pa.

"Really?" sabi ni Ross habang nakakunot ang noo.

"Yeah, so you can't take her to your condo... atsaka may usapan din kami nila Lucas na aayain namin sila Cari mag-review sa bahay since pare-parehas ang rereviewhin namin..." malamig ang boses ni Dino.

Umigting ang panga ni Ross at binalingan ako ng tingin.

"You didn't tell me that, mayroon pala kayong plans..."

"Kanina lang din kasi napag-usapan, pero I want to go with you..." sabi ko at sinipat ng tingin si Dino na nakakunot ang noo.

"Even with this tatanggihan mo kami?" Nahimigan ko sa boses ni Dino ang pagkairita.

Napalunok ako at tiningnan si Ross na nagbago ang ekspresyon, mukhang magagalit ata si Ross.

"Dino, naman..." sabi ko.

He scoffed. "I can't believe this. Kami ang nauna kaya dapat kahit minsan ay bigyan mo naman kami ng oras... hindi lang ako 'yung nakaka-miss sa'yo. Kahit sina Raf ay gusto ka na makasama at hindi lang nila 'yon sinasabi dahil suportado sila sa inyo ni Ross," sabi niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi.

It's true na masyado na nga akong nababad kay Ross at hindi ko na sila masyado nasasamahan. Mas pinipili kong samahan si Ross kaysa sa kanila. 'Yung mga nakasanayan namin gawin dati ay hindi na ako nakakasama dahil palagi kaming magkasama ni Ross.

"I don't want to say this, but simula no'ng nagkaroon ng something sainyo ni Ross... nawala na 'yung Cari na minahal namin... 'yung minahal ko," sabi ni Dino atsaka kami tinalikuran.

Nanlamig ako sa sinabi ni Dino, is that true? Unti-unti na ba akong nagbabago simula nang nagkakilala kami ni Ross?

I don't lie with Kuya pero tumakas ako kahapon para lang makasama si Ross. I always get perfect scores sa quizzes and I am very attentive sa klase pero ngayon ay nakakakuha na ako ng maraming mistakes sa quizzes at palagi akong tulala sa klase.

I am starting to develop some things na hindi naman talaga ako simula nang nakilala ko si Ross... is it a mistake that I entertained Ross?

Is it really true that we are still too young for this to make happen? Marami ba talaga kaming mga bagay na hindi pa namin dapat apakan? Ganito ba nagagawa ng kung tawagin nila ay pagkagusto o baka maari rin 'pagmamahal'?

Unti-unti na ngang lumalayo ang loob sa akin nila Dino pero pinipilit nila Raflesia na ipakita sa akin na everything is cool, na they are supporting me with this...

"Hey..." napatingin ako kay Ross nang hawakan niya ang braso ko.

His voice sounded concerned and worried. Iniangat niya ang aking mukha para magtagpo ang mga mata namin.

"I am sorry, you should go with them. I can study alone..." mapupungay ang mga mata niya nang sabihin niya 'yon.

"It's okay, Ross..."

"It's not, Cari. Mahalaga ang mga kaibigan mo, I am just right here... you can call me kung kailangan mo ako and they miss you, so you should go with them..." aniya kaya napanguso ako.

"I am sure they can understand..."

I hope so...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6K 57 2
ALASKA SERIES # 1 Liana Delgado, a BS Nursing student, hasn't always had it easy, but she never made an excuse to stop reaching her goals in life. Sh...
766K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.4M 222K 49
After getting hurt by the people around her, aspiring chef Dacia Holgado builds up her walls to protect her heart... until band bassist Eris Arriaga...
479K 16.3K 28
Serendipity Series #1: ser·en·dip·i·ty the faculty or phenomenon of finding valuable or agreeable things not sought for; It was through music that A...