Something Special Between Ika...

By LaMiaKarma

28 15 0

"Hindi batayan kung saang mundo mo dapat ihahalintulad ang pagmamahal, dahil kahit saang dimension o universe... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven

Chapter Three

2 2 0
By LaMiaKarma


Pakyotoososyal

"Adelia Coraline! Isang-isa ka na lang sa'kin! 'Pag hindi ka pa bumangon diyan bubuhusan na kita ng kumukulong tubig! Tandaan mo 'yan!"

Naalimpungatan ako dahil sa sigaw ng dragon sa panaganip ko. Tamad akong bumangon at inilibot ang tingin sa magulo kong kwarto.

"T-teka-"

Anong nangyari sa kwarto ko at bakit parang dinaanan ng bagyo! Ang gulo-gulo ng mga naka-arrange kong collection ng libro.

"Pakeng shet.." gusto kong maiyak ng nakita ang sinapit ng mga printed book covers ng mga paborito kong libro.

Nagkagutay-gutay at parang nasunog ang bawat gilid. Nakatakas ang isang butil ng luha sa aking mata. Pakeng shet! Legit na mas masakit pa sa kurot ni Mama. Oo, collection ng libro. Book covers. Hindi ko pa kasi afford ang bumili ng tunay na libro kaya pri-nint-out ko nalang ang mga book covers ng bawat isa. Masaklap pa ang nangyari at nasira. Putragis!

"Ada! Isa p-"

Nilingon ko si Mama na may bitbit na sandok at ready na akong singhalan. Nagulat siya sa sitwasyon ng kwarto ko.

"Anong nangyari dito? May nag-rambulan ba dito sa kwarto mo, Ada?!"

Ano bang nangyari sa akin kagabi? May nakaaway ba akong pusang gala sa loob ng kwarto ko at nagkaganito.

"Ano pang tinutunga-tunga mo diyan! First day of school ngayon! Nandiyan na si Bonita sa labas!" padabog niyang isinara ang pinto.

Unang araw nga pala ng eskwela. Putek! Malapit nang mag-alas syite y media. Late na ako!

Kahit na naguguluhan ay pumasok na ako sa c.r para maligo. Lintek at malas pang nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Bukas pa naman ang bintana na nakaharap sa daan. Kahit na mag-ala Naruto ako dito sa pagtakbo makikita pa rin ng mga nasa ang labs ang naked glory ko. Rowt!

Tahimik kong minumura ang simula ng araw ko. Malas na malas! Bwesit!

"Ma! Paabot ng tuwalya!" sigaw kahit alam kong imposible niya akong marinig. Basta ako nag-uutos nabubungol na si Mama.

"Kainis naman 'eh! Malas na malas!" binuksan ko ang pinto at dahan-dahang sumilip. Ang tuwalya ko ay nakasampay sa salamin malapit sa aparador ko. Sinilip ko pa ng isang beses ng bukas na bintana bago umambang tatakbo.

Natigil ako sa pagbuwelo ng may tumambad na tuwalya sa mukha ko. Hindi ko pa niluluwagan ang pagbukas ng pintuan ng c.r.

Ngumisi ako, "Salamat Mamaaa.."

"I am certain that my name is not 'Mudra', Lady Ada." isang baritonong boses ang nagpaigtad sa akin. Muntik pa akong madapa sa pagkakadulas at buti nalang ay napakapit ako sa dooe knob ng pinto.

Oh my God! Is this freaking real?!

Standing in front me is a foreign man on his bestest suit. Medyo magulo ang buhok at masyadong matangkad para sa kwarto kong maliit lang. May hawak na tuwalya at magalang na nakangisi sa akin habang inaabot ito sa akin.

"You'll catch a cold, Lady Ada. Quickly cover yourself with this fresh towel. You're going to be late in your first day in school, I see..." Mr. Cloud Sebastian Beaumont said calmly.

Ang gwapoooooo!

"H-ha?" nautal pa ako.

Anong nangyayari at bakit parang nananaginip pa rin ako ngayon? Bakit nasa harapan ko ang butler ni Knight Velasquez at inaabutan ako ng tuwalya. Nakahubad ako kaya bakit may lalake dito sa kwarto ko?

"S-saan ka galing, Mr. C-cloud?"

Ngumisi siya sa'kin. "Diyan lang. Ito na ang tuwalya mo."

Kahit na litong lito na ako sa mga pinagsasabi niya ay sinunod ko pa rin ang gusto niya. Tinanggap ko ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko. Narinig ko pang tumunog ang cellphone niya na agad niya namang sinagot.


"I swear if you're gonna be bossy again. I'm not going to cook for you, Lord Jacques." masungit niyang sagot.

Ay! Shutangina! Si Marquess ba ang kausap niya sa phone? 'Yung hot spoiled bachelor na butler ni Sweet Monday?! Paker! Ano ba talagang nangyayari sa Earth?!

Nag-ayos ako sa loob kahit na nanginginig ako sa gulat sa mga nangyayari. Nagsuklay ako at inayos ang sarili. Hindi ko na rin naririnig ang boses ni Cloud the butler sa labas.

Nakangisi ako habang binubuksan ang pintuan ng c.r. ko.

"Clou-"

"Seryoso? Seven thirty na at hindi ka pa rin bihis!" nanggagalaiting sigaw ni Bonita sa akin.

Nakaporma na siya at mukhang kanina pa naghihintay sa'kin.

"Nasaan na si Cloud?" tanong ko sa kanya. Wala na nga si Cloud sa kwarto ko.

"Sinong Cloud?" she glared at me. Pulang pula ang labi at pinahidan pa ng floorwax ang mga pisngi.

"Nandito lang si Coud kanina 'eh! Inabutan ako tuwalya para hindi ako ma late sa school!" paliwanag ko sa kanya. Wala na talaga si Cloud sa kwarto ko.

"Sabog ka ba? At anong nangyari dito sa kwarto mo?"

"Ano 'yan? Floorwax?" tinuro ko mukha niya. Mukha siyang si Annabelle. Ang sagwa pa ng damit n suot.

Naka-croptop siyang may design na Chanel. Charot, fake 'yan mga sizst. Tapos naka-ripped jeans na kita halos lahat ng binti at hita niya.

"Saan ang party?" sarkastiko kong tanong.

Mamaya ko nalang hahanapin si Cloud. Baka nasa aparador ko lang.

Nagsuot ako ng maluwang na maong pants at kulay mint green na longsleeves. Mabuti na 'yong komportable sa damit. Mainit pa naman.

"Saan ang simba?" pambabara niya sa akin.

Umirap ako sa kanya at humarap sa tukador. Nag-ayos ako sa sarili at nag-polbo. Ayos na agad. Natural lang. Walang ganda.

"Try mong mag-liptint, beh." she offered me her hot red liptint. Agad akong tumanggi. Ayokong magmukhang vina-cuum ng isang oras ang nguso ko sa sobrang pula. Baka akalain ng ibang tao may lumaplap sa akin na halimaw.

Panay ang sermon ni Mama pagbaba ko. Hindi pa nakuntento at kinurot pa ako ng isang beses bago kami tumulak paalis.

Twenty minutes kaming nag-commute ni Bonita bago nakarating sa National High School ng lugar namin. Pero habang nasa biyahe kami ay ikwinento ko kay Bonita ang nangyari sa akin kaninang umaga.

Humagalpak ng tawa si Bonita pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

"Baliw ka na nga!" hawak niya pa ang tiyan niya at parang mamamatay na sa katatawa.

Tuluyan ko siya diyan 'eh. Akala niya naman nagbibiro lang ako.

"Totoo nga! Ang hirap naman mag-explain sa mga bobo!"

"Sana all bobo! Paano naman ako maniniwala sa'yo aber? Isang fictional character? Bumisita sa'yo kanina? Tinamaan ka siguro ng kidlat kagabi 'eh!" tumawa ulit siya.

Sinamaan ko siya tingin. Hindi ko rin maalala kung ano ang nangyari kagabi 'eh. Pero sigurado akong si Cloud nga ang nakita ko sa kwarto ko kanina.

Pagdating namin ang dami nang estudyante sa labas ng main gate. Expected na ang ganito kadaming estudyante ngayon taon. Ito kasi ang main high school sa siyudad namin. May mga private school dito pero hindi gusto ng iba. Meron din namang community high school sa amin pero kulang-kulang sa strands na gustong kunin ng mga estudyante.

"Mabuti nalang traffic sa gate. Marami tuloy late." masayang pahayag ni Bonita habang papasok na kami sa gate.

May narinig kaming pumito kaya napatingin kami sa maliit na tomboy na guard na mukhang masungit. Itinituro niya kaming dalawa ni Bonita na lumapit sa kanya. Nakakahiya pa kasi pinagtitinginan kami ng ibang estudyanteng papasok pa lang sa campus.

"Hindi ka nalang sana nagdamit, Neng." mariin niyang tinitigan ang damit ni Bonita. Umirap naman si Bonita at parang ready na para tumakbo papasok sa campus at takasan ang paninita ng guard sa kanya.

"Neng, sumagot ka," medyo tumataas na ang boses ni Guard sa inaasta ni Bonita kaya ako na ang humingi ng despensa. Sa huli, wala rin siyang nagawa lalo na't nalaman niyang sobrang layo ng bahay namin sa school.

"Sa susunod, magsuot ka ng mas desenteng damit. Hindi pasok sa guidelines ng school ang mga ganyang pormahan." ani pa nito.

"Kaya kayo nari-rape 'eh." dagdag pa niya na ikinataas ng altapresyon ko. Bago pa ako makasagot sa kanya ay inunahan na ako ni Bonita.

"Mawalang-galang lang po, Guard. Hindi po basehan ang damit kung mari-rape ang isang babae. Kahit na magsuot pa ako ng saya na hanggang talampakan at saktong nakatagpo ako ng rapist sa daan, magagahasa talaga ako. Wala 'yon sa damit. Sa mga masasamang tao pa rin nakadepende ang mga mangyayari."

Hinila ko na si Bonita para ilayo sa guard. Ayoko namang ma-suspend sa first day of school ko sa Senior High.

"Kainis!" inayos niya ang damit niya.

Tama naman ang sinabi ng guard na 'wag kaming magsususuot ng mga ganyang damit sa school. Pero ang sabihing kaya kami nari-rape dahil sa suot naming damit ay sobrang nakakabastos. Even if you wear a bikini in a public place as long as the people around doesn't have the intention of raping you then it's nothing but a freedom of a woman when it comes to her choice of fashion.

"Hayaan mo na." sabi ko nalang sa kanya.

Umabot kami sa ground ng SHS building at nakitang halos wala nang space para sa mga bagong dating. Ang daming mga estudyante.

Nagsimula nang tumugtog ang National Anthem. Napatigil kaming lahat para magbigy respeto. Para kaming mga suso na nagsisiksikan sa isang corner. May mga lalake at babae kaming kasama. Mga maporma at mukhang pinaghandaan talaga ang unang araw ng klase.

May bumunggo sa likod ko kaya nilingon ko kung sino 'yon. Isang matangkad na lalake na halos hindi ko na mapantayan.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at halos mapaatras dahil sa kanyang galit na mukha.

Siya yung lalakeng nakita ko sa labas ng bahay nila Lola Isme. Iyong akala ko'y naligaw lang ng kontinente.

"Ano na naman!" mariin niyang sabi. Nakalagay ang kanan niyang kamay sa kanyang dibdib. Pinagtinginan kami ng ibang mga estudyante dahil nakatalikod ako sa direksyon ng flag pole.

"Umayos ka." bulong niya kaya napa-ayos talaga ako ng tayo at humarap na.

Matapos ang Lupang Hinirang ay may bumunggo na naman sa akin. Si Bonita naman ay hindi napapansin ang panghaharass sa akin ng lalake sa likod dahil busy siya sa paglilibot ng tingin na para bang nasa museum siya.

Isang tulak pa at muntik na akong madapa. Narinig ko ang mahinang hagikhikan ng malayong grupo ng mga babae na nakakita sa muntik ko nang pagkakapahiya. Galit akong lumingon sa likuran ko.

"Ano bang problema mo?!"

Tinulak ko rin siya sa dibdib kahit na mas maliit ako kumpara sa kanya. Ngumisi siya sa akin at yumuko pa. Making me feel that I am really small. Putek, para akong si Onanay nito!

"Problema ko? Simp-"

Tinuhod ko siya sa kanyang notch. Napaungol siya sa sakit.

"Ouch.." sabi niya habang sapo ang gitna ng pantalon niya. Namumula siya ng iangat ang tingin sa akin.

"Fuck you.." mura niya.

Tumalikod ako. Hindi ko pangarap na ma-bully sa unang araw ko sa eskwela. Pasensyahan nalang.

"Pakyotoo..."

---

Characters Mentioned:

Knight Velasquez

Cloud Sebastian Beaumont

Marquess Jacques Sotelo

Must read stories: by Cecelib

POSSESSIVE 21: KNIGHT VELASQUEZ

JE T'AIME

I wish I could insert Senuswi. Next chapter nalang diay :)

Continue Reading

You'll Also Like

122K 3.9K 79
Alastor X Female Reader You and Alastor have been best friends since you were 5 years old. With Alastor being the famous serial killer of your time...
609K 21.9K 96
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
1M 39.3K 92
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...
1.2M 53.2K 99
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC