Every Step Away

By jeeinna

2.6M 84.3K 34.8K

Rugged Series #1 Chrysanthe Eve Lofranco only has Hezekiah Kingston Jimenez. She believes that life, no matte... More

Every Step Away
ESA1
ESA2
ESA3
ESA4
ESA5
ESA6
ESA7
ESA8
ESA9
ESA10
ESA11
ESA12
ESA13
ESA14
ESA15
ESA16
ESA17
ESA19
ESA20
ESA21
ESA22
ESA23
ESA24
ESA25
ESA26
ESA27
ESA28
ESA29
ESA30
ESA31
ESA32
ESA33
ESA34
ESA35
ESA36
ESA37
ESA38
ESA39
ESA40
ESA41
ESA42
ESA43
ESA44
Epilogue
ESA46

ESA18

46.1K 1.5K 281
By jeeinna

ESA18

I believe I won't be able to survive this world without Hezekiah. At totoo iyon. He was my savior, my to-go guy, my one-call-away friend, my keeper of secrets, and my comfort zone.

Nakatagpo ako ng isang pamilya na hindi ko inaasahan sa kanyang katauhan. Isang tawag lang, narito na siya sa tabi ko.

Minsan nga para siyang himala na bigla nalang dumadating tuwing kailangan ko siya. Kapag tumatawag ako, tuwing binibigkas ko ang pangalan niya, sa isang iglap ay magpapakita na siya sa tabi ko.

He is my own miracle.

But the thing with miracles is they often come surprising and unexpected.

And today, the miracle of him not appearing when I call him came to me.

Isang himala na kailanman hindi ko inaakalang mangyayari dahil nabuhay ako sa kanyang pangakong hindi siya mawawala saakin.

"Santh?"

Pumikit ako at inilayo ang cellphone ko saakin upang hindi niya marinig ang aking pag-iyak.

Santh, tangina mo naman. Alam mo namang may sariling buhay yung tao at hindi naman pwedeng umiikot nalang parati sayo! Anong pang ina-arte-arte mo?!

Pero si Heze kasi to.

Yung Hezekiah ko.

"Chrysanthe." muli niyang tawag noong nilapit ko ang aking cellphone sa tenga ko. I hugged myself because I feel so cold.

"Okay. Take care, maulan." paalala ko sa kanya habang umiiyak akong nakatingin sa pagtulo ng ulan at sa madilim kong paligid na pinapaliwanag ng iba't ibang head lights ng sasakyan.

"Ayos ka lang ba?"

"Hmm."

"Sagutin mo ako, Santh."

"Baba ko na, Heze. Nagda--drive ka ata."

Baka hindi ko na mapigilan pa ang pag iyak ko kung matagal pa ito.

"Kinakausap pa ki-"

I hung up.

Kasabay ng pagbaba ko sa kanya ay ang tawag na dumating mula kay Dad.

Pinikit ko ng mariin ang aking mata at hinagis ang aking cellphone sa ulanan. Bakit pa siya tumatawag? Para pagalitan ako ulit? Para sisihin nanaman ako?

Why do I feel like I'm being blamed for existing when I don't even have a part in it? They brought me up in this world! Kasalanan ko ba iyon?

Bakit kapag tinitignan nila ako parang mas masahol pa ako kaysa sa anak sa labas? Na isa pa din akong kamalian ng kanilang nakaraan?

Umupo ako sa shed at niyakap ang aking tuhod habang umiiyak.

I'm so fucking cold.

Sobrang tagal kong binuo ang sarili ko. Pinagtagpi tagpi kahit parang halos wala nang pag asa.

I laugh with my tears still flowing freely in my cheeks.

Gago, di naman ata talaga effective 'yang self-love na 'yan. Pipiliin ang sarili? Bakit ang sakit pa din?

Pinahid ko ang luha ko. Para akong gaga dahil hindi naman yon pansin dahil basa ako at isa pa, wala ding kwenta dahil tumutulo din naman yung mga bago.

Sobrang lakas ng ulan at mukhang hindi ganon kadali na makakuha ng masasakyan ngayon. The only thing I wanted to do is go home. The only safe space where no one can hurt me.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad kahit umuulan pa. Wala rin namang mangyayari kung uupo lang ako sa shed, lalamigin pa rin naman ako at magsasayang lang ng oras.

"Fuck, stop crying. Enjoy the fucking rain 'cause that's what we only have now." bulong ko sa sarili ko.

Nagising ako dahil sa mabigat kong pakiramdam. I hugged myself because I feel so cold. Masakit ang aking buong katawan kahit nakahiga lang naman ako sa kama. Hindi ako makahinga dahil sa barado kong ilong.

Shit.

I don't exactly remember how I went home.Hindi tumigil ang ulan ngunit humina iyon siguro ay ilang minuto din habang naglalakad ako. Inabot ata ako ng isang oras na paglalakad upang makaabot sa condo.

Naligo agad ako pagkadating at bumagsak agad sa kama pagkatapos.

And now, fuck.

Unti-unti akong tumayo dahil sa pagkahilo kong nararamdaman. Napansin ko ang liwanag na sumisilip sa kurtina ng glass door ng aking balcony.

Shit, umaga na pala? May pasok pa-double shit.

Hindi ko ininda ang kung ano pa man na aking nararamdaman at mabilis kong tinakbo ang banyo.

Shit! Maaga ang first class ko!

I groaned when the cold touch my body. Binilisan ko ang aking pagligo dahil hindi na kakayanin ng katawan ko.

Habang nag aayos ako ng sarili ay nararamdaman ko ang sakit ng ulo ko. It feels like something's hitting my head with a hammer!

Tanginang buhay naman to.

Alam kong hindi ko dapat sinasagad ang sarili ko dahil nanghihina na ako ngayon pa lang pero gago, I don't wanna miss class! Pakiramdam ko ay sobrang importante ng mga meetings dahil last sem na!

Nahihilo na ako sa kakahanap ko ng cellphone ko para tawagan sana si Cathy noong maalala kong binato ko nga pala iyon.

Wala akong cellphone.

Fuck you, stupid.

Napabuga ako ng hangin at huminga ng malalim noong gumalaw ang elevator. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko kaya mas humawak pa ako handrail.

"Good Morning Ma'am!" bati saakin ng guard noong papalabas ako.

Ngumiti lang ako dahil siguradong hindi ito magandang umaga para saakin. I can only imagine what will happen now.

Please good Lord, kahit eto nalang po. Pambawi nalang sa nangyari saakin kagabi.

I hailed a cab. Hindi na ako mapakali kakasakay ko palang.

"Saan po Ma'am?"

"Saint Anne po, Kuya."

Hinilot ko ang aking ulo. Oh shit, makisama ka naman.

Wala pa ako sa school ay parang mauubos na ang tissue ko dahil sa aking sipon. Now, I'm regretting everything I did last night. Dapat hindi nalang ako sumugod sa ulan!

Kahit masakit ang katawan at ulo ko ay tumakbo ako papasok pagkarating na pagkarating ko. Shit, trangkaso lang to. Kaya ko 'to.

Napamura ako muli noong makita ko nanaman ang elevator papaakyat sa room. Makakailang libo ata akong mura ngayon araw.

Huminga ako ng malalim noong nakarating ako sa tapat ng pinto ng room. I fixed myself and tried to relax. Hindi ko alam kung anong itsura ko pero pinagdasal ko na sana naman ay mukha pa akong tao.

I knocked on the door before I opened it.

Kumabog ang dibdib ko noong marinig ko ang katahimikan sa buong room noong binkusan ko iyon. Lahat sila ay nakatingin saakin. Shit! Ayoko talagang nale-late!

Muli akong napamura noong naramdaman ko ang lamig ng aircon sa room. Kahit nakajacket na ako ay pakiramdam ko, any time ay mangingisay ako pag nagtagal! Mas lalo pa akong kinabahan noong makita ko kung sino ang nasa unahan. Shit! Si Sir Valdez! Terror pa naman ito at palaging mainit ang ulo!

"I'm sorry I'm late, Sir."

Nakatitig lang siya saakin. Nabitin ang kamay niya dahil tila may sinusulat siya sa white board noong binuksan ko ang pinto. He stared at me without remorse. I immediately guessed it's not going to end well. Humarap siya saakin.

"What time is it now?"

You're freaking doomed, Chrysanthe Eve!

I inhale sharply, collecting myself. Sinulyapan ko ang suot kong wrist-watch.

"Ten- seventeen, Sir..."

"What time is our class?"

I tightly close my fist. "Nine AM, Sir..."

"You're one hour and seventeen minutes late, Miss. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang oras ko."

"Sorry po... di na po mauulit..."

He chuckled. "Oh, I heard that word countless times now."

Sinara niya ang takip ng hawak niyang whiteboard marker at hinarap ang buong klase. Natagpuan ko ang alalang tingin ni Cathy saakin. Umiwas ako.

"'Yan ang sinasabi ko sa inyo, sa totoong trabaho hindi ka pwedeng magpakatamad. Lahat yan mapapansin! Kaya habang hindi pa kayo nakaka-graduate, ayusin nyo na! Seryosohin nyo ang mga subjects nyo! Graduating students pa naman kayo, gusto nyo pa bang bumagsak ha?"

"If you will continue an attitude like that, you won't get anywhere! The real world is harsh. You cannot fight just by slacking off. Kung ganito ka kumilos, parang kay babaw naman ng inyong pangarap!"

I gasped to myself. Pakiramdam ko ay kahit hindi siya saakin nakatingin ay ako ang pinariringgan niya. Mas lalo pang bumigat dahil hiyang-hiya ako sa mga kaklase kong nandito.

Fuck it. I almost can't carry the humiliation I was feeling.

"You're here to learn. How can you do that if you would be like this? You're only wasting your time."

Tumungo ako. Parang biglang naglaho lahat ng bigat na nararamdaman ko dahil sa sakit ko ngayon. Ang tumatakbo lang sa isip ko ay ang pagkapahiya at lahat ng mga salitang sinabi niya na parang saksak saakin.

"And you, Miss, I cannot accept you in the class today. Try to be on time and maybe I will."

I nodded. "Sorry po, Sir..." mahina kong sabi at muling binuksan ang pinto para lumabas.

Blanko ang utak ko habang nakatayo ako sa harap ng room mag-isa. I wanna wait for Cathy and ask what they talked about in the class. Pero masyado din akong pre-occupied sa mga narinig ko kaya hindi ko rin magawang makagalaw agad.

Dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase. Hindi na ako naghintay ng matagal. The door opened. Nagkatinginan kami ni Sir Valdez. Saglit siyang tumigil ngunit lumiko din para maglakad papalayo. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Saakin agad napupunta ang atensyon ng mga kaklase ko habang naglalabasan sila sa mga pinto. I only chose to look away.

"Huy!" Cathy spoke in front of me. Doon lang ako napataas ng tingin.

"Tinext kita! Sabi ko wag ka na pumasok kasi badtrip si Sir, baka mapagbalingan ka kasi late ka!"

Yeah... binigay ko nga pala ang number ko sa kanya kahapon. But I'm stupidly all over my emotions yesterday that I ended up without a phone today.

"B-bakit?"

"Beh, halos 30 minutes syang nagsermon kanina kasi wala daw tayo kahapon noong pumunta siya dito sa room! Naghintay daw siya hanggang end ng time tapos walang dumating! Like duh? Hanggang 20 minutes lang ang grace period ng profs! Understood na aalis talaga tayo kapag walang nagpakita!" tuloy-tuloy niyang reklamo saakin. Kunot na kunot ang noo niya, mukhang hindi natuwa sa sinasabi niyang mahabang sermon ni Sir Valdez kanina.

Ah...

"Kaya pala galit na galit na siya agad saakin..."

She sighed and look at me with sorry. "Ang hard non... kahit buong klase yung in-address niya parang mas mabigat 'yon sa part mo." she pouted. "Okay ka lang?"

I nodded. "Anong ginawa nyo? May sinabi ba siya?"

Iniwas ko agad ang mukha ko pagilid noong maramdaman ko ang ubo ko.

"Wala, orientation lang tsaka may iniwan siyang assignment, pipicturan ko na lang notes ko mamaya tapos se-huy, Santh! Okay ka lang?"

I raised my hand to signal 'wait' for her. Hindi ko mapigil ang pag-ubo ko. My throat is very itchy and painful. Kumikirot lalo ang ulo ko sa bawat pag-ubo ko. It's quite a torture for me.

"Sorry..." halos walang boses kong saad noong sa wakas ay nabawasan ang kati ng lalamunan ko. I reached for my tissue in my bag.

"May sakit ka?"

I smiled at her and was about to tell her that I'm fine but she already put her hand on the top of my forehead, then on my neck.

"Hala, sobrang init mo! Dapat 'di ka nalang pumasok!" nag aalala niyang saad.

"Baka kasi may importanteng gagawin..."

"Ano ka ba! Kaysa naman ganyan ka!" she said and held my arm to drag me as she walked. "Tara sa clinic. Don ka nalang magpahinga!"

"Ayos lang..."

"Sa clinic ka na lang! Di ka rin makakaayos sa klase ng ganyan!"

Paulit-ulit akong tumanggi pero hindi rin pumayag si Cathy at patuloy niya akong hinila papunta sa clinic. Wala na akong nagawa noong tuluyan na kaming nakapasok.

The nurse checked my temperature and asked what I am feeling. Kinailangan pang umalis ni Cathy para bumili ng pagkain sa Cafeteria noong sinabi kong hindi pa ako nagbe-breakfast. I needed to eat so I can take the medicine the nurse gave.

Cathy stayed with me until she needs to leave again for our next class. Pinangako naman niyang sasabihan niya ako sa mangyayari at magbibigay ng notes kung magdidiscuss ang prof namin.

Nakatulog ako sa mga susunod na oras kaya hindi ako naging pamilyar sa kung ano pang sumunod na nangyari dito sa loob ng clinic.

I woke up feeling heavy, still. But a little bit okay compared to my situation awhile ago. Medyo nakakahinga na din ako ng maayos.

I stared at the ceiling for a while before raising my arms and act like reaching it. Unti-unting lumipat ang aking tingin saaking mga kamay.

Ang aking mga kamay na walang kapagudang gumawa at kumilos para saaking pangarap.

Naalala ko na naman ang mga narinig ko kanina mula kay Sir Valdez. I visualized seeing myself in the position where I stood frozen a while ago. Kumalat na naman saakin ang pagkapahiya. I remembered all his words too. Sinabi man nya 'yon para sa aming lahat ng mga kaklase ko, I still feel like it was said for me. Ako kasi ang dahilan kung bakit niya iyon nasabi.

From all those late nights, aching muscles, all-nighter reviews and plate completions, dirty hands, thesis, skipping meals...all for a shallow dream.

Napakagat ako aking labi at binaba ang aking mga braso na nangangalay na.

Weird but Heze's voice suddenly popped in my head.

His 'Rest. You go all your time, Architect.' visited in my thoughts. All his cheers and simple proud statements came to me.

For him, my dreams are pure and deep.

Tumulo ang luha ko habang iniisip na parang kay layo na ng Hezekiah na nag-iisip ng ganon para saakin. Kasi ibang-iba na siya.

Kasi parang ang layo niya na saakin.

Napalingon ako noong nahawi ang curtain na nagsisilbing partition ng ibang kama dito sa clinic. The nurse smiled at me before proceeding beside me.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Mas maayos na po kumpara kanina..."

She nodded. "Kaya mo na ba? Tingin ko kailangan mo nang umuwi at magpahinga sa bahay nyo." saad ng mahinhin niyang boses na parang nakakaantok.

"Pwede po akong umuwi?"

Ngumiti siya at tumango.

"Can I have your parents' number? Para matawagan natin sila at mapasundo ka na..."

May panibago na namang bigat akong naramdaman sa aking dibdib dahil sa narinig. I bitterly smiled.

"I live alone, Nurse."

Nawala ang ngiti nito. "Oh! Sorry!"

I shook my head. "Pwede na po ba akong umuwi kahit ako lang?"

Hindi na naman siguro bawal ano? I'm already in college? Hindi na ito katulad noong high school pa na kailangan ng guardian para payagan na makauwi.

"Are sure, kaya mo na?"

Tumango ako at bumango na sa pagkakatayo. I became a little dizzy because of my sudden movement so I stopped for a while.

Shit, ang hina mo naman Chrysanthe.

"Sige, ako nang bahala sa excuse slip mo para sa mga subjects mo ngayon araw..."

I nodded at her and smiled a little. "Thank you, Nurse."

"No worries." she smiled at me.

Umalis ako sa pagkakahiga. I have aches all over my body but it was manageable. Inayos ko ang sarili ko at kinuha ang bag ko bago ako lumabas.

"Nurse, pakisabi naman po sa babaeng kasama ko kanina kung babalik man po siya mamaya na umuwi na po ako. Please tell her too that I can't text because I lost my phone."

Ngumiti at tumango ulit ito. "Okay..."

"Thanks again..." I said before going out of the clinic to go home.

Go home? Fuck... 

Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang mataas na building na nasa unahan ko. I must be fucking insane. I was advised to go home but I went here. Ano bang ginagawa ko sa condo ni Heze?

Ilang beses na akong nakapunta dito simula noong magkaayos kami kaya naman agad akong nakapasok ng hindi kinukwestiyon.

Mabilis ang tibok ng puso ko haban nasa harap ako ng pinto ng unit ni Heze. My hand is balled tightly in front of the doorbell.

I sigh and press it.

Nakatungo lang ako habang naghihintay ng pagbukas ng pinto. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala.

Tila may malaking batong nakapatong sa puso ko habang muling nilapit ang aking kamay sa doorbell. Nanginginig ang aking kamay at nangingiilid ang luha ko habang muli iyong pinindot.

He must be at work. Tanghaling tapat, Santh! But if fate permits, please....

Suminghot ako at pinunasan ang aking luha. I pressed the doorbell repeatedly.

I stared at the door while waiting. Dahil alam kong sa oras na hindi ito bumukas, alam kong hindi kong kailangan ko na siyang pakawalan.

I have to accept that he has his own life and I should not keep him just for me. Tell me Heze, so I can liberate you from me...and me from you.

I'm taking my chances now.

Tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko noong hindi nagbukas ang pintuan saaking unahan matapos ang ilang minuto.

I nodded. Okay.

I took a step backward before finally turning back. Tinaas ko ang aking braso kamay upang punasan ang aking luha ngunit bago ko pa maabot ang aking mukha ay mayroon nang humila noon upang iharap ako sa kanya. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 33.3K 35
Beatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Es...
Golden Cuts By jeil

General Fiction

1.3M 43.5K 47
Legrand Heirs Series #1 Aiofe Cosette Escareal considers her unusually normal life stable. Compared to the earlier years of her life, the better day...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1M 27K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...