HG 1: Seduction of Fire

By missgrainne

6.3M 206K 168K

Famous for her magnetic beauty, Tatianna attracts men without even trying--one of them being a Señorito from... More

ANNOUNCEMENT - WATTPAD ORIGINALS
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3 (SPG)
CHAPTER 4 (SPG)
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (SPG)
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9 (SPG)
CHAPTER 10 (SPG)
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (SPG)
CHAPTER 13
CHAPTER 14 (SPG)
CHAPTER 15 (SPG)
CHAPTER 16 (SPG)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (SPG)
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (SPG)
CHAPTER 31
CHAPTER 32 (SPG)
CHAPTER 33 (SPG)
CHAPTER 34
CHAPTER 35 (SPG)
CHAPTER 36 (SPG)
CHAPTER 37 (SPG)
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40 (SPG)
CHAPTER 41 (SPG)
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45 (SPG)
CHAPTER 46
CHAPTER 47 (SPG)
CHAPTER 48
CHAPTER 49
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER

PROLOGUE

184K 4.7K 11K
By missgrainne

PROLOGUE


NAUPO si Tatianna sa ilalim ng puno ng niyog pagkatapos tulungan si Julio sa paglilipat ng mga niyog sa jeep na dadalhin sa Maynila. Sa harap niya at maging sa buong paligid ay nagtatayugang mga puno ng niyog ang siyang nakikita.

Lahat ng natatanaw, inaapakan at kahit ang ma-preskong hangin na dumadampi sa kanyang balat ay pag-aari ng mga Guerrera. The coconut plantation is about 800 hectares and the Guerrera's own it. Their family is not just wealthy, they are powerful, too.

Noon pa man ay may bali-balita nang malupit daw si Don Patricio, ngunit ayon sa kanyang ama ay mabuting tao ang Don dahil naging trabahador ang ama niya sa Hacienda noon.

Now that she's eighteen, she got more curious about the Hacienda Guerrera. Lalo at usap-usapan ng mga taga kanila at maging ng mga kaklase na maganda at malawak ang mansyon ng mga Guerrera.

Hindi pa siya nakapunta roon, pero ang sabi ng ina ay nakapunta na siya kaya lang ay masyado pa siyang bata para maalala iyon.

"Tatianna, salo!"

Nagulat siya sa biglang paghagis sa kanya ni Julio ng balat ng buko pero kaagad niya 'yong nasalo.

Si Julio ay kinakapatid niya, magka-edad lang sila at pareho ng unibersidad na pinapasukan pero magkaiba ng kurso. Trabahador din sa planta ang magulang nito, katulad ng magulang niya.

Ngayon na bakasyon, tumutulong sila sa trabaho sa planta para kahit papano ay may kitain at magagamit iyon sa susunod na pasukan.

"May pagdiriwang daw sa Hacienda sa Linggo, birthday ni Don Patricio. Invited kaya ang mga trabahador nila?"

Naupo si Julio sa tabi niya. Sa lilim ng nagtatayugang puno sa paligid ay nakaramdam siya ng ka-preskuhan. Payapa doon. Disiplinado ang mga tao. Walang gulo, ni minsan.

"Sa dami ng trabahador sa planta, tingin mo iimbitahan pa nila? Baka hindi lahat."

"Sa yaman nila, hindi ba nila kayang magpakain ng maraming tao?"

"Sabagay." Napaisip siya doon. "Kapag inimbitahan tayo, pupunta ka ba?"

"Bakit hindi? Napakaswerte natin kung makakatapak tayo sa mansyon ng mga Guerrera."

People in their town admire and respect the Guerreras. Kahit man siya ay hanga sa pamilyang iyon dahil sa galing ng pakikikutungo sa mga trabahador ng mga ito. Ang hindi lang siguro mabait ay ang panganay na anak.

Kumunot ang noo ni Tatianna nang maisip ang lalaki. Si Zacarias ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Bilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakita niya ang lalaki, pero una pa lang ay ayaw niya na doon dahil natatakot siya at siguradong hindi lang siya ang nasisindak sa panganay ni Don Patricio.

"Huh," umismid siya. "Kapag inimbitahan tayo, kakain ako ng marami! Masasarap daw ang pagkain sa mansyon!"

"Gusto mo mag-take out pa tayo." Tumawa ito sa sariling suhestiyon.

Nakitawa rin siya at umiling, kakain siya ng marami pero hindi na magti-take out, nakakahiya naman, inimbitahan na nga tapos mag-uuwi pa ng pagkain. Pero uso iyon sa lugar nila. Kahit uso, hindi niya gagawin.

"Julio! Tatianna! Halina at uuwi na tayo!" Tawag sa kanila ng ina.

Sabay silang tumayo ni Julio at naglakad sa paradahan ng mga motor at ibang four-wheel na gamit na service at pangkarga sa mga niyog. Malayo ang planta sa mga kabahayan at kung maglalakad, aabutin sila ng siyam-siyam.

"Kay Julio ka na sumakay, anak." Bilin ng ina sa kanya ng ina bago ito sumampa sa motor ng ama.

Lumapit siya kay Julio na nakasakay na sa madumi at lumang motor nito. Hinintay siya ni Julio na makasampa bago nito pinaandar iyon.

"Humawak ka sa 'kin," anito nang sa likod siya ng inuupuan humawak.

"Saan sa baywang mo o sa leeg?"

"Kung saan ka komportable, Tatianna."

"Mas komportable ako rito sa hinahawakan ko at hindi mo naman siguro ako ihuhulog, Julio?"

"Syempre, hindi." Natatawa nitong sinabi.

Humampas sa kanyang mukha ang hangin. Sa magkabilang gilid ay napapaligiran ng puno ng niyog. Hindi niya mabilang ang mga iyon at wala siyang balak bilangin.

Sa pinakagitna naman ng dinadaanan na animo'y mahabang kanal, hindi niya alam ang eksaktong tawag doon, pero sa kanal na iyon pinapadaaan ang tubig para pandilig sa mga puno.

May animo bangka din sa kanal na iyon na nagsisilbing tagadala ng mga buko sa mismong planta. Hindi pa siya nakakapasok doon, bawal kapag hindi naman talaga trabahante. Hanggang sa coconut farm lang siya.

Sa malayo, sa unahan ay nanliliit ang mga mata niya dahil inaaninag ang paparating na kulay brown na kabayo pati na rin ang sakay niyon.

"Si Señorito Zacarias," ani Julio. "Bibisita siguro."

Habang papalapit ay nalilinawan na si Tatianna, ang Señorito nga ang sakay. Julio went slower. Ang ama niya ay gano'n din. Kalaunan nang malapit na si Zacarias, tuluyan nang huminto ang motor.

Inilapag ni Julio ang mga paa sa kalsada, habang siya ay nanatiling nakatungtong sa apakan.

"Magandang hapon, Señorito." Magalang na bati ng ina at ama niya.

"Magandang hapon po," sagot ni Julio sa magalang din na paraan.

Even though she doesn't like Zacarias' aura, Tatianna can't stop her eyes from staring at the man.

His white shirt hugged the muscles on his forearms. Hindi nakaligtas sa mapagmatiyag niyang mga mata ang mga ugat doon pababa sa likod ng palad, marahas kung titignan para sa kanya.

Hawak nito ang tali ng kabayo, hindi ganoong kadiin pero parang napupwersa pa rin ang mga ugat-ugat. He's wearing a faded denim pants and black boots. A usual outfit of Guerrera's whenever they roam around to the plantation riding their horses.

Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Zacarias, parang naputol ang paghinga niya nang maabutang mariin ang titig nito sa kanya.

His eyes are very dark, very intense, it scares her. There's no trace of a smile on his lips. Siguro nga ay hindi ito marunong ngumiti.

Hindi pa ito nagsasalita o gumagawa ng masama sa kanya, pero nahusgahan niya na kaagad, mukha itong malupit at hindi marunong magpatawag kung sakaling may gumawa ng kasamaan dito.

Ang nagkukulay kahel na sinag ng araw ay tumatama sa banda nito. He looks like a warrior without an armor and weapons, but his eyes can make her heart reach her throat and make her heart stop from beating properly.

Humugot si Tatianna ng hangin sa dibdib upang bigyan ng kapayapaan ang takot at matinding kaba na bumalot sa kanyang sistema.

Siguro ay sa nararamdamang pagkabahala kaya wala sa sarili na npayakap siya sa baywang ni Julio upang dito kumuha ng lakas ng loob.

Zacarias cold eyes drop down to her arms that in Julio's waist. Nag-iwas siya ng tingin at hindi na nag-atubili pang batiin ang Senyorito.

"Sa planta ba ang tungo mo Senyorito?" Ang kanyang ama.

"No, I'm just roaming around."

"Gano'n po ba? Sige at mauuna na kami."

Pinadyakan ng ama ang motor at nagsanhi iyon ng tunog, akmang paalis na sila. Gano'n din ang ginawa ni Julio.

"Wait," si Zacarias kaya nahinto ulit ang dalawa.

"Bakit ho, Señorito?" Ang ama niya ulit.

"Magpunta kayo sa mansyon sa Linggo. Birthday ni Papa."

"Sige, ho!" Magiliw na sagot ng magulang niya, nagsabay pa. Halatang nasasabik sa natanggap ng imbitasyon. "Salamat, Senyorito."

Hindi na nagsalita pa si Zacarias, bagkos, hinintay lang nitong makalagpas sila sa kabayo. Hindi niya na nilingon pa ang lalaki at inilibang nalang ang sarili sa magandang tanawin.

LINGGO pa lang ng hapon ay nakahanda na ang susuotin ng magulang niya. Hindi magkandaugaga ang ina dahil narinig daw nito na may mga mayayamang bisita ang Don at ang iba ay galing pa sa Maynila kaya raw dapat ay kahit papano presentable ang ayos nila.

Nalaman din nila na hindi lahat ng trabahador ay naimbitahan. Noong isang araw ay nagpakain lang sa planta bilang selebrasyon sa birthday ng Don at sumaglit din ito doon. Kasama sa imbitado ay ang pamilya ni Julio, ang tatay nito ay may mataas na posisyon sa planta.

"Ito ang suotin mo, Tatianna!"

Ipinakita sa kanya ng ina ang kulay asul na spaghetti dress. Hanggang tuhod niya ang haba niyon at sa tingin niya'y masyadong fitted. Mahahalata ang tiyan niya kapag kumain siya ng marami.

"Wag 'yan. Ang iksi!"

"Ang arte nitong batang 'to. Anong gusto mo magmukha kang nawawalang bata doon? Naligaw lang?"

Nangalumbaba siya sa lamesa. Excited siyang magpunta sa mansyon at maranasan ang pakiramdam ng mga mayayaman. Pero, minsan, parang gusto niyang wag na lang sumama dahil natatakot siyang makita ulit si Zacarias.

Bakit niya ba 'yon iniisip? Hindi naman siya gagawan ng masama ng lalaki. Talagang takot lang siguro siya. At, sa dami ng tao, siguro naman ay hindi sila magakakasalubong? O kung may pagkakataon man na makikita niyang magkakalapit sila, mabilis siyang iiwas! Iyon nalang ang gagawin niya.

"O, ito na lang." Ibinigay nito sa kanya ang kulay puting dress na off-shoulder.

"Akin na."

Kinuha niya 'yon at tinignan kung gaano kahaba. Hanggang tuhod niya at hindi rin masyadong masikip.

She was 5'6 and no matter how much she doesn't want to look like a grown woman, she really looks like one. Madalas siyang lapitan nang mga talent agent kapag nasa Mall siya at palaging inaayang subukan niyang mag modelo pero kailanman ay hindi niya pinatulan.

Hindi napansin ni Tatianna na nakatitig sa kanya ang ina kung hindi pa niya alisin ang tingin sa dress na hawak. Naupo ito sa tabi niya, may mapagmahal na ngiti.

"Ang ganda mo, anak. Ang swerte namin ng Papa mo at napunta ka sa amin."

"Kanino pa ba ako magmamana?" Tatianna wiggled her eyebrows playfully.

"Naku, baka sagutin kita d'yan sa tanong mo, sige ka."

"Sa 'yo ako nagmana 'no." Hindi maalis ang ngiti niya sa labi.

Napabuntong hininga ang ina at tumango-tango. Tumayo ito at bumalik sa pag-aayos ng mga damit. Maya-maya lang ay may tumatawag na sa kanya sa labas.

"Tatianna, tara na!"

Nakita niya si Julio nang sumilip siya sa bintana. Nakasuot ito ng light blue na polo, malinis at mabango tignan lalo at halatang bagong ligo.

"Maghintay ka muna d'yan sa duyan, Julio. Magbibihis lang ako!"

"Sige! Dito muna ako!"

Pumasok si Tatianna sa maliit na silid niya at nagpalit na ng damit. Tapos na siyang maligo at tuyo na rin naman ang buhok niya. Sinuklay niya ang alon-alon na buhok, naglagay ng pulbo at lip balm, tapos ay lumabas na.

"Ang ganda mo, ha." Si Julio na napatayo sa duyan nang makita siya.

"Hindi ka pa ba sanay?" Biro niya at siya ang pumalit dito sa duyan na gawa sa manipis na ratan.

Kahit hanggang sa bahay nila ay inaabot ng iilang puno ng niyog kaya malilim sa lugar nila. Bukod pa doon ay libre silang nakakakuha ng buko at niyog.

Makalipas pa ang ilang sandali ay lulan na sila ng owner type jeep ng Papa ni Julio pero ito ang nagmamaneho, iyon ang gamit nila. Ang magulang niya naman ay naka-motor lang, nakasunod sa kanila. Sa likod na upuan ay katabi niya ang Ninang.

"Ang ganda mo talaga, hija. Naku, kung pwede lang ay pinakasal na kita kay Julio." Medyo nahiya siya sa papuri nito.

Gandang-ganda ito sa kanya kahit dati pa at alam niyang pasimple nitong inilalakad ang anak sa kanya kaya lang ay magkaibigan lang sila ni Julio, hindi na hihigit pa roon.

"Ma, wag mo namang takutin si Tatianna. Baka hindi na 'yan makipagkaibigan sa 'kin." Si Julio na tatawa-tawa habang nagmamaneho, sa katabing upuan nito ay tahimik ang ninong niya.

"Sabagay, mas maganda na nagsisimula talaga sa pagkakaibigan. Tama 'yan, magkaibigan muna kayo at magtapos ng pag-aaral."

TATIANNA was in awe. It felt so surreal being in Hacienda Guerrera. Sa labas ng mansyon ay may water fountain at galing doon ay natatanaw niya ang magarang mga ilaw sa loob.

May mga mamahaling sasakyan din na nakaparada na at ang ilan ay paparating pa lang galing sa malayo at malaking gate.

Even the driveway was full of dim lights that illuminate the whole place outside. Sa itaas na bahagi ng mansyon ipinagdiriwang ang kaarawan ni Don Patricio.

Nag-angat pa siya ng tingin lalo doon at natatanaw ang mga bisitang magagarbong ang suot, may mga hawak na wine glass. Halatang mga mayayaman.

"Hindi yata tayo d'yan." Si Julio na tumayo sa gilid niya.

"Talaga? Saan ba tayo?"

"Hindi ko alam. Tingin mo isasali tayo sa mga bisita nila? Tignan mo naman ang mga suot. Naka-tuxedo ang mga lalaki at naka-gown ang mga babae."

Oo nga. Baka hindi nga talaga sila makikisali sa mga mayayamang bisita. Baka sa ibang panig sila ng mansyon. Mas okay 'yon kung gano'n para naman hindi siya mailang at maka-kain ng maayos.

"Dito raw ang daan." Ang ina niya na itinuro ang daan sa bandang gilid.

Sinulyapan niya 'yon, may iilang dumadaan na sa wari niya ay mga trabahador na imbitado. Naglalakad na papunta doon ang mga kasama niya pero namamangha pa rin siya sa tanawi sa itaas.

Inilibot pa ni Tatianna ang paningin hanggang sa kung saan iyon abutin. Nakarinig siya ng munting hagikhikan sa bandang gilid sa itaas at nang tignan niya kung sino ba ang mga 'yon, isang grupo ng mga sexy at magagandang babae 'yon. The glasses of wines are in their hands. Maarte ang pagkakahawak.

Aalisin niya na sana ang tingin sa mga babae nang hindi sinasadya na mapunta ang mata niya sa tabi lang halos ng mga ito.

Sporting a dark suit, glass of liquor on his hand, while his elbow rested in that thick barricade, Zacarias dark stares effortlessly reached her.

Aligaga at kinakabahan na mabilis siyang tumakbo papunta sa daan na itinuro ng ina kanina.

"Oh, para kang hinahabol ng kabayo, ah." Si Julio nang makasalubong niya.

Mariin na pumikit si Tatianna upang kalmahin ang sarili, hinihingal. Ang over acting nang nararamdaman niya, ha! Para titig lang ni Zacarias hindi na siya magkandamayaw!

"Saan ang mga pagkain, Julio? Tara kain na tayo. Nauuhaw na rin ako."

Hinawakan niya sa braso si Julio at hinila ito kung saan hanggang sa makita niya ang mahabang lamesa na punung-puno ng masasarap na pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

137K 6.2K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
6.9M 160K 30
All that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything...
2.6M 117K 47
Valeska Leigh Dampierre's life is in trouble because of her mother's greediness. Left with no other choice, she accepted a job to dance in a bachelor...
857K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...