Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 55

1.1K 10 1
By MaraMCM

****

Tuesday ngayon at halos mamatay na kami kakaantay kung anong nangyari sa loob. Antagal, sobra, din na ako mapakali idagdag mo pa tong mga gatong nila Jerich at Denise. Siguro kaya nagging mga kaibigan sila ni Anj kasi kahit sa pinakanakakatakot na sitwasyon, nagagawa pa din nilang ngumiti at pagaanin yung mga bumabagabag sa kanila.

“Alam ko Alfred, kung magmumukmok ka lang dyan sa tabi, baka ikaw na yung susunod na isusugod diyan sa E.R.”

“Oo nga bakla, ano ka ba? Kayang kaya naman yun ni Angelie eh.”

“Sigurado kayo?”

“Wala kang tiwala sa best friend namin?”

“Meron naman siyempre pero kasi, natatakot lang talaga ako.”

“Kaya nya yun, wala namang hindi kaya si Angelie eh. Superwoman yun. Feeling ko nga, pinaglihi sya ng nanay nya kay wonder woman eh, habang nagbubuntis si tita, naglalaro ng Barbie na sila superman at wonderwoman.”

Si Jerich, kahit sa pinakamalalang sitwasyon, nagagawa pa ding magbiro.

“Uy, may chika nga pala ako sainyo.” Hirit naman ni Denise.

“Ano yun?” dali daling lumapit si Jerich pagkatapos nya maglagay ng foundation.

“Tignan nyo to.” May itinaas syang isang video cam.

“Anong meron dyan?” tanong ko.

“Kay Anj to, feeling ko nagrecord sya ditto kasi bago magsimula yung operasyon, hiniram nya sakin to eh.” Sabi ni Denise.

Nacurious ako, lumapit ako.

“Tignan natin?” tanong ni Jerich.

“Tingin nyo, okay lang kaya?” tanong naman ni Denise.

“Wag.” Pinigilan ko sila.

Parehas silang napatinging saakin.

“May sinabi ba sya na tignan nyo?”

“Wala.” Sagot ni Denise.

“Wag nyong titignan.”

“Ito naman, ang KJ mo. Kahit silip lang, tignan lang natin, kahit konti lang.”

Kinuha ko yung video cam sa kamay ni Denise.

“Ako na muna magtatago nito hanggat walang sinasabi ni Angelie na tignan.”

Namakeface si Jerich.

“Korni mo. Hindi naman nya malalaman na tinignan natin eh. Malay mo, suicidal note na pala yan.”

Biglang binatukan ni Denise si Jerich.

“Gaga. Anong suicidal? Feeling mo magpapakamatay na sya?”

“Hindi, joke lang naman. O kaya naman baka may gusto syang pagbigyan nyan.” Dagdag ulit ng bakla.

“Alam mo friend, tama si Alfred, kung may pagbibigyan man nyan si Anj, sinabi nya na satin, tanungin nalang natin sya pagkalabas nya dyan sa E.R.”

Bigla nalang bumukas yung pintuan ng emergency room. Sabay sabay kaming napatingin sa lumabas na nurse. Lalapit sana ako pero nagsisigaw sya na tumatakbo palayo. Bumilis yung tibok ng puso ko, nagkatitigan kaming tatlo, anong nangyayari sa loob? Bakit ganun. Nakatayo lang kami sa gilid, naninigas.

“Miss, anong nangyayari?” lumapit ako sa isang nurse na papasok.

Pero di nya ako pinansin. Nangatog yung laman ko, pakiramdam ko nanlambot yung tuhod ko. Wala pang isang minuto, apat na nurse at isang doctor yung nanakbo pabalik sa loob tapos may nariirnig kaming tumutunog na malakas na beep. Kinakabahan ako, hindi ko alam bakit ganito yung nararamdaman ko.

“Omigod.” Narining kong bulong ni Jerich.

Magkayakap na silang dalawa. Parang gusto kong pumasok sa loob pero alam kong hindi pwede. Naupo nalang kami, nagaantay, kinakabahan at nagdadasal.

****

“Pare, wala na talagang atrasan?” tanong sakin ni Luis.

Napangisi nalang ako sabay tagay.

“Tol, Amerikana matutugis mo dun. Mas maganda katawan nun kesa sa mga babae ditto satin.” Gatong ni Alvin.

“Oo nga, saying opportunity, kapag may chicks na ganun, patusin mo na pre. Minsan lang yan.” Kinuha ni Luis yung isa bang bucket ng red horse na sinerve ng waiter.

“Mga ulol din kayo noh? Puro babae nalang.” Sagot ko.

“Nagmalinis si gago!” sabay nilang tawa.

“Desedido ka na ba talagang hindi tanggapin ang offer ng PBA ha, Mike?” tanong sakin ni Coach Rolan.

“Opo coach, aalis na din naman kasi ako eh.”

“Pwede ka pa naman pumasok kahit after a year.” Dadgdag nito.

“Titignan ko po, pero sa ngayon, parang malabo na talaga na makasali ako.”

“Naiintidihan ko.”

“Pano yan pre, di ka na makakasama sa pagakyat sa stage?”  tanong ni Joshua.

Naisip ko na din yun. Yung pinangarap ko dati na makaakyat ng entablado para makuha yung diploma ko, hindi na mangyayari, iaabot nalang saakin ng school, hindi na din naman ako makakasama sa pagmamartsa kasi aalis na kami. Sobrang wrong timing lang talaga nitong bwiset na petition na to. Kung pwede lang sana na maurong, kahit isang linggo lang, para man lang maayos ko lahat ng kailangan ayusin bago ako umalis, kaso hindi na talaga ako binibigyan ng pagkakataon na ayusin yun, masyado na akong minamadali na umalis.

“Anong plano mo dun?” tanong saakin ni Ruth.

Sa mga inumang ganito, kahit kalian, hindi nawawala sa eksena sila Ruth at Aly. Nagging attached na din sila saaming tropa kaya parang pamilya na din.

“Ewan, bahala na.”

“Itong si Riguerra, parang di ka naman na nakatapak ng Amerika sa ganyang itsura mo.” Puna ni Alvin. “Ilang beses na tayo pabalik balik dun para magtraining.”

“Syempre iba na to pre, hindi na to yung tipong isang linggo lang, dun na kami titira eh.”

“You’ll be fine pagdating mo dun, im sure of it.” Pampalubag loob na sabi ni Aly.

****

Halos trenta minutes ko ng tinitignan yung video CD na hawak ko. Ano nga bang laman nito at kinailangan pa ni Angelie na magvideo bago magpaopera? Tama nga ba sila Denise at Jerich na alamin anong laman? Kahit kaunti lang? O hayaan ko nalang. Hindi ako mapakali. Wala din naman akong karapatan.

Hanggang ngayon, hindi pa din lumalabas sa operating room si Anj. Pinauwi na kami ng nanay nya kasi kami yung buong araw na naghihintay. Ayoko ng ganito, hindi ko alam anong nangyayari, gusto ko bumalik dun at antayin na makalabas sya, Makita na ayos lang sya, buhay at patuloy pang mabubuhay hindi yung ganito na nakatengga ako sa loob ng kwarto na wala man lang magawa kundi ang maghintay.

****

Kahit na pilit namin ni Jerich na pinapagaan ang sitwasyon, hindi maalis sa isip ko na buhay ang nakasasalalay sa operasyon na yun ni Angelie. Bilang best friend nya, nasaksihan ko na lahat ng mga pinagdaanan nya at kahit alam kong malakas at matapang sya, binabalot pa din ako ng takot na baka, na baka lang hindi nya makayanan. Sobrang hina na nya, sobrang payat at kahit na sabihin nya na napatawad nya na si Mike, mayroon pa ding bahagi sa kanya na nasasaktan. Ganun naman yata ang kaibigan eh, kahit na hindi kayo iisa, the fact na kasama mo syang lumaki, Alam mo na may pinagdadaanan pa din sya na hindi nya sinasabi sa mga tao.

Hindi ko na din mapigilan na kumalat ang balita tungkol sa sakit ni Angelie. Public figure na sya sa buong campus at napakadami na ding nagtataka sa pagkawala nya. Alam na halos ng lahat na nakaconfine na sya, feeling ko galing sa mga professors na sinabihan namin yung balita.

Andaming nagtatanong kung kumusta na sya? Andaming nagtatanong if pwede daw bang bumisita? Si Mike, nagmissed call saakin pero hindi ko ibinalik yung tawag not unless sabihin ni Anj. Alam ko, okay na sila, pero hindi ako pwedeng basta basta nalang kumilos ng wala nyang pasabi lalo na kapag tungkol kay Mike. Inayos ko ang enrolment for second sem, si Anj, uulit ata ng isang buong sem kaya hindi sya makakasabay ng pagraduate saamin ni Jerich sa March. Masakit man para saamin, pero kailangan namin tanggapin at intindihin.

“Sabay sabay tayong gragraduate ha? Walang magbabagsak ng subjects.” Naalala kong sabi ni Anj nung first year palang kami.

“Aba, sinong magbabagsak?” confident pa akong sumagot nun.

“Si Jerich kasi, nakakatakot grades mo friend, parang nakabitin sa bangin.” Tawa nitong puna sa grades ng bakla naming best friend.

“Hindi yan, jusko, ako pa?” sagot naman ni Jerich kahit na tipong yung mga grades nya, 2.5, 2.75, 2.25. Sabi nga ni Anj, fan sya ng dos eh.

Nangingilid na yung mga luha ko. Kapag naalala ko yung masasaya naming araw. Yung panahon na may crush kaming athlete nung second year. Si Jojo, fifth year na sya saamin, nagging crush namin sya kasi nagseat in sya sa Bio nun, tapos ambait pa. Pinagaagawan naming tatlo yun, kaso lang, grumaduate naman na agad.

Yung mga panahon na nadiscover namin yung tindahan ng liempo sa may second street. First year palang kami nun, every other day kaming kumakain dun, tas nagging araw araw, tas minsan once a week nalang pero never syang nagsawa sa paborito nya ng number 4.

Hindi ko na napigilan, tumulo na sya ng kusa. Parang ang sarap talagang sisihin ni Mike sa mga nangyari sa best friend ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana magkakaganito si Anj. Lymphoma? Sa TV lang yun pero andito, meron ang kaibigan ko at wala man lang akong magawa para matulungan sya. Ang sakit, ang hirap.

 ***********************************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS STORYY, PLEASE DONT HESITATE TO VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS. DON'T FORGET TO SHARE, THANK YOU SO MUCH!!!

NOTE:  ISHARE NATIN ANG ENDING DATE NG LIEMPO, 11-17-2012

so, this will be our last week together. ang sakit. </3 sobra. hindi ko alam anong mangyayari after Liempo pero sobrang pasasalamat ko po talaga. Sana, kahit na tapos na ang liempo, patuloy pa ding maishare hanggang sa sumikat ako. chos. joke lang. 16k readers? sobrang saya ko na dun. I could not ask for more, pero if may more pa, why not diba? 

thank you po talaga. Saturday night, be here. :) and sabay sabay nating basahin ang ending ng liempo. yieee. :))) i love you. <3

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 1K 30
UNEDITED Xeres Nathalia Sandoval is just a simple girl wanting to feel loved. She only wish for a love that is genuine, a love that will never abando...
841K 29K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
6.3K 529 12
Allyson Rodriguez is brave and the breadwinner of their family. She wants to give a good life to the people she loves, and she did not fail to do it...