Every Flight Counts

By zaaaxy

1.9M 94.3K 42K

SIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totall... More

Every Flight Counts
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 28

37.2K 1.9K 264
By zaaaxy

Nabura





Akala ko'y hindi ako tatagal ng isang linggo man lang sa UK.


My first few days were hell. Sure, I may have a prior experience of being away with my family and loved ones since I chose to study in Manila pero iba pa rin talaga.


It's still very much different. The homesickness hits differently when you're in a brand new environment. The loneliness kicks in whenever you realize that you can't even talk to anyone around you using the language you're most comfortable to.


Malungkot ka na nga araw-araw pero kailangan mo pa rin talagang mag-english. Ni wala akong mapaglabasan nang malutong na mura sa tagalog. Masakit na nga sa ulo ang pag-intindi ng lessons tas mas sasakit pa dahil kailangan mo pang magconstruct ng correct grammar sa isip para lang makapagtanong sa prof.


Syempre may mga sumusubok namang makipag-kaibigan sa amin. Ang totoo'y binigyan pa nga kami ng student buddy para hindi mahirapang makipag-socialize. Pero ganito kasi yung mga pagkakaibigan na alam mong nabuo lang kasi kailangan. Panandalian. Hindi magtatagal. Kaya nakakatamad na ring mag-invest at ma-attach.


I always find myself crying on my bed every night during our first week. Nakakalungkot. Nakakapangulila. Miss ko na lahat sa Pinas. Maybe this is too overwhelming for me. Maybe this is too much for me. Maybe I wasn't really emotionally - prepared enough for this. Maybe I'm too young for something like this.


There was this one time na marahil dahil sa sobrang pagiging out of focus ko lately ay saktong passing score lang ang nakuha ko sa isang exam namin sa Thermodynamics. I wasn't used of that. Since college started, I've always aimed not to settle for less. I've been doubling my efforts just so I can be at my best.


That moment have triggered another breakdown from me. Ang kaibahan lang nito ay sa school ako inabutan ng mabigat na nararamdaman. Mas malala kumpara sa mga pagkakataon na natitiis ko pa at pagdating na lang sa dorm nilalabas ang lahat.


Pagtuntong na pagtuntong tuloy ng recess noong araw na iyon ay agad kong binaybay ang patungo sa university grounds. Nakayuko lang ang ulo ko habang tinatahak ang daan papunta sa school garden. Lumuwag ang pakiramdam ko nang makitang walang ibang tao roon.


Nanghihinang umupo ako sa isang cement bench.


Ayoko na. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang umuwi. Sa bahay. Sa totoong bahay.


Hinugot ko ang cellphone sa bag. Hinanap ko ang contact ni Sir Gallego at agad na tinawagan iyon.


Nang dinikit ko na ang telepono sa may tainga at inangat ang tingin ay nagulat pa ko nang matagpuan si Spencer na papalapit sa direksyon ko.


His face is generally void of any emotion but I can see something in his eyes. It looks... empathetic.


He sighed. "Sinong tinatawagan mo?"


One thing I noticed these past few days though is that Spencer's been trying to speak with me more in tagalog since we arrived in here. It kinda helps to keep my sanity atleast.


Iniwas ko ang tingin. Patuloy lang ang pag-ring ng telepono at wala pang sumasagot.


"Si Sir Gallego. Hindi ko na talaga kaya. Uuwi na ko," sabi ko.


He heaved another sigh.


"Tingin mo talaga makakauwi ka kapag sinabi mo yan sa kanya?" he just sounds just as low-spirited as me.


Hindi ako sumagot. He didn't bulge on his place too.


"Remember what you told me before? That you're used to people not believing in you? Doubting your skills and belittling your abilities?"


I stiffened on my seat. I suddenly remembered that mini moment we once had in the Auditorium during our testimonial speech.


"I doubt that Sir Gallego would support what you want right now, Ellie. If anything, you might just receive another earful for not standing by your choice,"


Sa sinabi niya ay natigilan ako. Para kong biglang nagising. Pakiramdam ko tuloy ay wala lang ako sa sarili kanina at ngayo'y binuhusan na nang malamig na tubig para magising sa katotohanan.


Oo nga naman. Tingin ko ba pagnagmaktol ako ngayon ay talagang makakauwi na ko? Na masosolve itong problema ko? Syempre hindi. Baka nga mairita na sa akin si Sir Gallego dahil sa panay na paguurong-sulong ko.


"Hello?" I stiffened when I heard the voice from the other line.


Parang nanuyo ang lalamunan ko.


"Ms. Faustino? What is this about?"


Napalunok ako. "A-ah wala po, Sir. Napindot lang po. Sorry po, ibababa ko na."


Agad ko nang pinatay ang tawag at hindi na hinintay na may masabi pa siya. Natulala ako sa stone steps.


Muli kong naalala ang presensya ni Spencer mang magsalita ulit siya.


"Just take things one day at a time, Ellie.. Matatapos din naman 'to." he gently said. "Muster up your courage and prove your doubters wrong,"


Somehow what he said that day have helped me. It became my cornerstone through this 1-month journey. Tuwing nawawalan na naman ako ng pag-asa ay inaalala ko lang iyon. Na matatapos din 'to. Na lilipas din 'to. Kailangan ko lang ng lakas ng loob para malagpasan lahat ng 'to


I can't help but admire how Spencer handles the situation for himself though. Kung paano niya nakakayang hindi malungkot at mangulila ay kinahahangaan ko. Walang kabakas-bakas ng paghihirap sa kanya.


Or so I thought.


We were already halfway through the whole month when I came across on something.


Isang gabi ay nagdesisyon akong lumabas saglit at magtungo sa isang convenience store para bumili ng ice cream.


Pabalik na ako sa high tower dala dala ang plastic bag na may laman noong binili ko nang may namataan ako sa tapat ng gusali. Sa may bahagi ng mga puno at damuhan ay may nakayukong pigura.


Napakurap-kurap ako nang mamukaan iyon. Dahan-dahan akong lumakad palapit para kumpirmahin ang hinala.


It really was Spencer with his disheveled hair. I always see him neatly cleaned up so it's kind of refreshing to see him like this. Sa magulo at malayang nakabagsak na buhok niya ay para lang siyang bagong gising o kakagaling lang sa pagkakahiga sa kama.


Ang parehong kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng suot niyang cotton shorts. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang ang isang paa ay marahang sinisipa ang mga mumunting bato sa sahig.


"Spencer?" mahinang sabi ko.


He stiffened. Nahinto sa paggalaw ang paa niya. He gradually turned his head up to meet my gaze. He has that same unreadable expression plus it doesn't help that it's quite dark in here.


"What.. are you doing here?" takang tanong ko.


He didn't say anything.


He just looked at me.


Sa kabila ng dilim ay may saglit akong nakitang nagningning sa malungkot niyang mga mata.


Napabuntong hininga siya.


"I... miss home,"


My lips parted at his pure voice.


Right there and then, I realized something. It wasn't just me. It wasn't just me who is having a hard time. It wasn't just me who is struggling to get by. It wasn't just me who was feeling unwell.


Ang kaibahan lang namin ay mas magaling siyang magkontrol ng emosyon niya. He's able to take over his feelings and is working hard to let it all fall on its proper places. Hindi niya lang pala pinapahalata pero nahihirapan din naman siya.


Pinipilit niya lang din maging malakas at matatag. Which gives me more reason to do the same too.


Mas naging maliwanag ang isip ko noong mga sumunod na araw matapos iyon. I feel like I became more rational ang mature. Kahit papaano ay mas naging madali na ang bawat araw. Each day wasn't as heavy as those which have passed. It was light and I was able to find ways just to make it more vibrant.


Pakiramdam ko ay naging mabilis na lang ang paglipas ng araw matapos iyon halos hindi ko na namalayang natapos na ang kabuuhan ng isang buong buwan.




"Nandyan na ba yung sundo mo?" tanong ko kay Spencer habang palabas na kami sa NAIA.


He nodded. "Sigurado kang ayaw mong sakin na sumabay?"


"Eh kasi nga nagpadala ng service ang PCAST kasi akala wala tayong sundo pareho. Sayang naman kung walang sasakay dun. Dun na lang ako magpapahatid,"


He didn't say anything.


Nang tuluyan kaming makalabas ay tinulungan niya muna akong hanapin ang university van. Hinatid niya ako roon at sinakay ang mga bagahe ko.


"Thank you, ingat ka." sabi ko sa kanya nang makaupo na ko sa loob.


He nodded while looking at me. "Take care too,"


Siya na mismo ang humila sa pinto ng van para maisara ito. Alas-diyes ng umaga ngayon dito sa Pilipinas at sa kabila ng jetlag ay may isang bagay lang sa isip ko.


"Ma'am, san po tayo?" tanong ng driver.


I smiled in eagerness. "Sa PCAST po, Kuya."


Natigilan siya. "Ayaw niyo sa tinutuluyan niyo na mismo, Ma'am? Pwede namang dun ko na kayo idiretso para hindi na kayo mahirapan,"


I shook my head. "Hindi po, Kuya. May.. sadya rin po kasi ako sa school,"


Tumango naman na siya at sumang-ayon bago pinasibad ang sasakyan.


This can't wait for any other day.


Pinakiramdaman ko ang puso ko at agad napansin ang nagwawalang pagtibok nito.


A face suddenly crossed my mind. An image that had always visited me in my dreams. God, I miss him. My fists clenched in anticipation. I can't wait to see him. Especially this time that I'm more than sure of what I feel.


Noon pa lang naman. Bago pa umalis. Alam ko na. Nang sabihin niya pa lang na mahal niya ako ay alam ko na. What I feel for him is far from shallow. That time he confessed, I was convinced that I love him too. I was almost ready to say it back. Handa na rin sana akong isuko ang oportunidad ng pag-alis dahil alam ko namang marami pang pagkakataong darating. Ngunit hindi sumang-ayon sa amin ang mga bituin noong nagdaang buwan.


But today, I wish that 'now' is our perfect time. Perfect time for the stars to finally align for us. Dahil kung hindi pa rin ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para piliting maging tama ang panahon. No one can stop me.


"Kuya, iwan ko lang po muna itong mga bag ko rito ah? Pupunta lang po muna ko sa classroom namin," paalam ko nang maipark na ang van.


Pumayag naman ito at hindi na ko nagtagal pa roon.


There was urgency in my every step. Malaki ang bawat hakbang na ginagawa ko. I was already almost half-running when I reached the right floor.


Sa mabilis na tibok ng puso dala ng excitement ay hindi na napigilang sumilay ng malaking ngiti sa labi ko lalo na nang malapit na ako sa classroom.


"Si Ellie!" sigaw ng kaklase ko.


Ngumiti ako.


"Ellie!" tawag din ng iba.


I entered and received their hugs with the same plastered smile on my face. But my eyes were looking for someone though.


Halos humaba na ang leeg ko sa pagtanaw sa upuan niyang natatakpan ng mga nakaharang na sumalubong sa akin.


Nagtaka ako nang makitang walang naka-upo roon.


Nakangiting bumaling ako sa nasa gilid ko. "Si Zaid?"


Natigilan siya.


"Hindi mo alam?"


Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.


"Nag-drop na siya sa Academy,"


Sa sinabi niya ay unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko.







Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 371 152
Ex. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is no...
52.7K 2.9K 45
[epistolary] It all started with wrong sent messages from Shiela, leaving no choice for Zeke but to fell in with. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2018
1K 85 8
Kailan mo ba malalaman kung kailan ka dapat sumugal sa pag-ibig? Kapag tapos na ang pagkakataon mo? Matuto tayong sumugal kahit ilang beses, para kah...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...