Mr. and Ms. Complicated (Comp...

By phoebe0777

67.5K 1.1K 213

Si Jake at si Jade. Guwapo at maganda. Parehong matalino, mayaman, at hinahangaan ng marami. Pero pareho rin... More

00 - Prologue
01 - Interview with the Vampires
02 - Deal Or No Deal
03 - Home Alone Two
04 - Hunger Games
05 - Indecent Proposal
06 - Pride And Prejudice
07 - The Social Network
08 - Picture Perfect
10 - Miss You Like Crazy
11 - Fatal Attraction
12 - The Birthday Gift
13 - Close To You
14 - The Sweetest Thing
15 - Love Actually
16 - Caught In The Act
17 - Separate Lives
18 - Lonely Hearts
19 - The History Of Love
20 - Epilogue

09 - About Last Night

2.5K 49 10
By phoebe0777

Sa iyo ko idinededicate ang chapter na ito dahil sa time na ibinigay mo sa pag-read, pag-vote  at pagbibigay ng comments sa story namin ni Friend Mike. Maraming salamat...

-Phoebe


09

ABOUT LAST NIGHT

►JAKE'S POV◄

"We would like to thank everyone for coming to the launching of Universal Robina Corporation's 65th year anniversary!"

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabing iyon ng emcee.

Nasa conference hall kami noon ng Shang-rila Hotel. Program iyon para sa launching ng anniversary ng URC. Lahat ng staff ng company ay nandoon, kasama na kami na na-involved sa marketing projects nila.

After two months, natapos din namin ang napakaraming marketing projects na yon. Sulit na sulit para sa company ko dahil malaki ang kinita namin mula sa URC. Isa pa, natapos din sa wakas ang project partnership namin sa Alida Ads.

Unfortunately, kasama ko noon sa table si Ms. Jayden Taray Salonga. Hindi ko alam kung bakit, pero sa sitting arrangement, talagang pinagsama nila kami. Samantalang yung mga staff namin, including si Julio at si Janelle, magkakasama sa isang long table. Yung table namin ni Taray, bilog at good for two lang, kapareho at katabi ng mga tables ng mga executives ng URC.

"We would also like to thank our partners in our latest marketing projects for this anniversary, Alida Ads and Galvez Advertising, headed by their beautiful and handsome managers, Ms. Jayden Estelle Salonga and Mr. Jacob Ephraim Salvador."

Nagtinginan lahat ng nandoon sa amin ni Taray. Lahat sila ay ngumiti at nagpalakpakan.

Ngumiti lang ako at nag-bow nang konti sa kanila.

Pero si Miss Taray, kumaway-kaway pa.

Pasikat talaga!

Matapos ang mga speeches and introductions, nagkaroon ng mga parlor games para sa mga employees ng URC. Masayang-masaya ang lahat. Bigatin naman kasi yung mga prices sa mga games. May nanalo ng plasma TV. May nabigyan ng trip for two to Boracay. May tumanggap din ng cash prices na umaabot sa fifty thousand pesos.

Bigatin talaga ang URC, sabi ko na lang sa sarili ko.

"O, bakit hindi yata kayo nag-uusap?" sabi ni Jeff sa amin. Sinadya niya kami sa table namin habang nag-iinuman na ang karamihan sa mga nandoon.

"Hmp!" ungol lang ni Taray. Yung mukha niya, hindi maipinta.

"Bakit naman kasi pinagsama mo pa kami?" tanong ko kay Jeff.

Tumawa lang si Jeff. "Syempre magkasama kayo. Magkapartner kayo sa project, di ba?"

"But it's over now, Jeff," sabi ni Taray. "Completed na yung projects, so pwede ba, paghiwalayin mo na kami?"

Natawa lang ulit si Jeff. "Ah, last na ito, promise."

"Last na talaga," sagot ko.

"Teka, bakit hindi yata kayo umiinom?" tanong ni Jeff.

Napakamot ako ng ulo. Sa totoo lang, papano akong iinom kung bad trip naman yung kaharap ko.

"Palitan mo yang kasama ko, iinom ako," sabi naman ni Taray.

"Wala namang difference yun," sagot ni Jeff. "Kahit naman sinong kasama natin, pwede tayong mag-enjoy." Pagkatapos, sinenyasan niya yung waiter. "Waiter! Magdala ka nga ng wine dito!"

"Yes, Sir!" sagot naman ng waiter.

Tiningnan ako ni Jeff. "Don't tell me, Jake, mahina ka sa alcohol?"

"Malakas ako," pagmamalaki ko. "Kung yang mga brandy and whisky nyo, kayang-kaya ko yan. Iyang si Ms. Salonga ang tanungin mo. Baka isang shot lang, magkalat na yan dito."

Nagsalubong ang mga kilay ni Taray dahil sa sinabi ko. "Hoy, Mr. Salvador! Kahit babae ako, kaya kong makipagpatagalan sa inuman! Baka ikaw ang bumulagta sa isang shot!"

Napikon ako. "Hinahamon mo ba ko?"

"Oo!"

"Oh, relax lang," natatawang sabi ni Jeff. "Huwag yang daanin sa salita. Daanin yan sa inuman."

Sakto namang dumating yung waiter. May dala siyang isang bote ng brandy, dalawang wine glasses, at isang bucket ng ice.

Napatingin ako sa mga dinala niya. "Walang pulutan?" tanong ko. Hindi kasi ako umiinom nang walang pulutan.

"Gutom ka pa ba, Jake?" natatawang sabi ni Jeff sa kin. "Pero sige. Waiter, dalhan mo nga sila ng special pulutan nyo."

"Yes, Sir."

"Magdala ka na rin ng chaser!" habol ko. Hindi kasi ako umiinom ng alak nang walang chaser.

"Yes, Sir."

"Ay, ang weak," pang-aasar ni Taray sa kin. "May pa-chaser-chaser ka pa. Weak..."

Nainis ako. "Waiter!" tawag ko sa waiter.

"Yes, Sir?"

"I-cancel mo na yung chaser."

"Yes, Sir!"

Naisip ko, noon lang ako iinom ng brandy na walang chaser.

Bahala na.

►JADE'S POV◄

Marami-rami na yata akong nainom. 

Medyo malabo na tingin ko sa mga nagsasayaw sa dance floor. 

"Jade, kaya mo pa ba?" narinig kong tanong ni Jeff. 

"Ha? Kaya ko pa, no! Baka yang si Mr. Salvador ang suko na. Wala kasing chaser e," natatawa kong sabi.

"Hoy, Ms. Salonga. Malabo na ba mata mo? Heto't nakakainom pa ako. Anong sinasabi mong suko na ako?" ganti niyang sagot.

"Hey, guys! It's a nice evening. Why don't you dance? Mukhang kelangan nyo nang magrelax," natatawang sabi ni Jeff.

"Sure. Kaya lang makatayo pa kaya yang friend mo, Jeff?" nang-iinsulto kong tanong sabay tingin kay Yabang.

"Hinahamon mo ba ako ha, Ms. Taray?" galit na sagot ni Yabang.

"No. I'm just telling the truth."

"Okay, you two. Let me lead you to the dance floor," sabi ni Jeff sabay hawak sa braso ko at braso ni Yabang.

Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya.

"Enjoy the night, lovebirds," nanunuksong sabi ni Jeff.

Tiningnan ko si Yabang. Nakangiti siya. Tila ang gwapo-gwapo niya tonight. 

Naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko. 

Nabigla ako sa ginawa niya pero napangiti ako. Napayakap ako sa leeg niya. 

Sweet ang song na pinapatugtog. Medyo dim ang light pero parang nagniningning ang mga mata niya.

Sumandal ako sa dibdib niya at pumikit.

"Jade, inaantok ka na ba?" narinig kong tanong niya.

"Sshh! Wag kang maingay. I-feel mo na lang yung song. Di ba ang ganda?"

"Baka kasi inaantok ka na, gusto mo nang umuwi..."

Tumingala ako sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang makinis na pisngi. Pati na ang kanyang ilong na matangos. Hanggang mapadako ang aking mga daliri sa mga labi niya.

Naramdaman kong hinaplos niya rin ang mukha, ilong, at labi ko.

Napakagat labi ako. Parang ang sarap halikan ng mga labi niya. 

Nakatitig din siya sa labi ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya unti-unti kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya at hinalikan ko siya.

Napapikit ako. Akala ko ay hindi siya gaganti ng halik. Sa una ay dampi lang pero nang imulat ko ang aking mga mata, nakatitig pa rin siya sa mga labi ko. Kaya't muli ko siyang hinalikan.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. Hinapit niya ang katawan ko sa katawan niya.

Para akong inaapoy sa lagnat. Tila uhaw na uhaw ako sa mga halik niya. Hinawakan ko ang batok niya palapit sa aking mukha. 

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay tila naghahabol kami pareho ng hininga.

Nakita kong nakangiti siya sa akin at ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"Well, well, well, I think both of you are already drunk. Ipahahatid ko na kayo sa driver ko. Matatapos na naman ang party." Si jeff.

Napatingin kami sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya. Bakit kaya?

►JAKE'S POV◄

Hinatid kami ng driver ni Jeff hanggang sa entrance ng condo. Sa buong byahe namin, nakapulupot ang mga braso ni Jade sa batok ko. Nakayakap naman ako sa kanya. Walang sawa kaming naghalikan.

Susuray-suray kaming pumasok sa entrance ng condo at sumakay sa elevator. Nakaalalay ako sa kanya dahil mukhang matutumba siya kung hindi. Sa loob ng elevator, muli kaming naghalikan.

"Jake," sabi niya, pabulong. "Ang guwapo mo talaga..."

"Ang ganda mo, Jade," sagot ko naman. "Ang sexy mo pa." At totoo naman. Sa suot niyang black sleeveless gown, lumabas lalo ang ganda ng katawan niya, pati na ang kaputian niya. Tuksong-tukso ako sa kanya noon.

Pagdating namin sa itaas ay sumama siya sa akin sa loob ng unit ko. Pagpasok pa lang namin ay muli na naman niya akong pinupog ng halik. Kasabay noon, hinawakan niya ang dibdib ko at hinaplos iyon pababa.

Nag-init ako sa ginawa niya. Mula sa pagkakayakap ko sa kanya, hinaplos ko siya mula sa likod pababa.

Bumitaw siya ng halik. Tinitigan niya ako. Mukhang lasing na lasing siya pero kitang-kita sa mga mata niya ang pagnanasa.

Bigla niyang hinawakan ang suot kong blazer at hinaltak niya iyon pababa. Pagkatapos, hinaltak niya pataas ang suot kong polo hanggang wala na akong suot na pang-itaas.

Gumanti ako. Kinapa ko ang zipper ng suot niyang gown sa likod. Hinaltak ko iyon pababa, saka ko hinila pababa ang damit niya.

Nagmamadali niyang binuksan ang belt ko. Pagkatapos noon, ang pantalon ko naman. Ilang sandali lang ay naka-boxers na lang ako samantalang naka-undies na lang siya.

Muli kaming naghalikan. Habang magkalapat ang mga labi namin, kinapa ko ang daan papunta sa kuwarto. Deretso kami sa kama.

Itinulak niya ako pahiga sa kama. Dinaganan niya ako at muli kaming naghalikan. Pinupog niya ng halik ang labi ko, ang pisngi ko, ang leeg ko, pati ang dibdib ko.

Gumanti ulit ako. HInalikan ko ang labi niya, ang pisngi niya, ang leeg niya, hanggang sa dibdib niya.

Umuungol siya habang ginagawa ko iyon.

Pero bigla siyang natahimik.

Napatitig ako sa kanya. Nakapikit siya.

"Jade..." bulong ko.

Hindi siya sumagot o kumilos. Tulog na siya.

Napabuntung-hininga na lang ako.

Nag-iinit pa rin ako noon pero ayoko namang galawin siya nang tulog siya. Ang ginawa ko ay humiga na lang ako sa tabi niya at natulog na rin.

►JADE'S POV◄

Ang sakit ng ulo ko. Tila binibiyak. Bakit parang ang laki ng dantayan ko? 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Napatingin ako sa dinadantayan ko. 

Lalaki?

Teka, sino ito?

Napatingin ako sa mukha niya. OMG! Paanong nangyari ito? 

"Waaaaaaaaaaaaaa! Rape! Rapist ka!" sigaw ko, sabay takip ng unan sa katawan ko.

Napabalikwas si Yabang.

"Ha? Anong rape? Sinong ni-rape?" 

"Ikaw ang rapist! Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nakahubad?"

"Wait, Ms. Taray. Hindi kita ni-rape. Look, you're wearing your brassieres. And besides nasa unit kita. Kusa kang sumama sa akin dito."

"Ano bang sinasabi mo?" Napatingin ako sa paligid. Wala nga ako sa bedroom ko. Paanong nangyari yon?

"See? Wala kang naaalalang nangyari kagabi?" nang-aasar niyang tanong.

Tiningnan ko siya nang masama. Ano raw? Sumama ako sa kanya dito?

"How dare you! And where's my dress?"

"Malay ko. Look for it yourself." 

"Baliw!" sigaw ko sabay labas ng kwarto niya.

Nakita kong nasa floor ang damit naming dalawa. 

OMG! Dito pa lang naghubad na kami?

Nagmamadali kong isinuot ang dress ko. Nagmamadali rin akong lumabas ng unit niya.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si Jeff sa tapat ng unit ko. Hawak niya ang purse ko.

Napalingon si Jeff sa kinatatayuan ko at napangisi.

"Jade? Dyan ka natulog?"

Waaaaaaaaa!

Continue Reading

You'll Also Like

133K 11K 51
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
112K 1.2K 72
Pano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos m...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
2.1K 254 34
Shania is a girl who loves her life and her buddy Rhea. But Primo will soon enter her life, she desires this man, and she wishes to marry him. But wh...